Work Text:
“haechan, punta ka dito [location] wear formal attire. go straight after your duty.”
That was the text that my mom sent to me 3 hours ago. Nasa clinic pa ako ngayon, and that is fancy restaurant, bakit kaya? Wala naman okasyon ngayon. Kung meron man ay magsasabi naman sila.
Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng bigla na lang may kumatok sa pintuan ng office ko, pagkabukas nito ay nakita ko ang isa sa mga nurse sa ospital na ‘to
“Doc, pinapatawag daw po kayo ni Doc. Tin, may sasabihin daw po sa inyo” ngiti lang ang naigawad ko sa kaniya. Out ko na, huwag naman sana may ipagawa pa sa akin at isang oras na lang ay aalis na rin ako.
Hirap ng may kaibigan ka na same workplace kayo, ipinapasa sa akin iyong gawain niya. palibahasa raw kasi ay wala akong uuwian na pamilya at siya ay mayroon!
Paano naman ang mga anak ko na naghihintay sa apartment ko?
Hindi rin naman nagtagal ay pumunta na rin ako sa office niya, pagod na nga yung tao tapos aabalahin pa, pwede naman kasi i-message na lang. Kainis to ah! Doctor na nga pinepeste pa rin ako.
“Ano? May kailangan ka ba? Pakibilisan at aalis ako” pagbungad ko pa sa kaniya, nakangiti lang sa akin. Med school pa lang talaga ay hindi na ako natutuwa sa kaniya.
“Ganyan ba dapat ang bungad sa akin? Parang hindi ka doktor niyan ah”
“You could've just send me a message instead na ipatawag mo ako, alam mo namang katatapos lang ng duty ko!” pag e-explain ko sa kaniya na para bang walang pakialam
“I can do that but i won't! Walang thrill kapag nag message lang ako sayo! at probably read lang iyon sayo! Parang ininform ka lang eh” nakakainis dahil may point siya, my phone is just a display to me, hindi ko na siya nagagamit most of the time
It's really for my family-if they want to inform me or catch up with me since naka apartment na ako, hindi na rin ako umalis dito since i was in med school. Okay lang din naman sa kanila.
“so i was saying nga, let me have your attention para na rin masabi ko sayo ang kailangan ko sabihin at makaalis ka na rin! sabi sa akin ni tita na iinform ka na may pupuntahan ka after duty!”
So basically, Tin introduce some prospect to date dahil daw sobrang lonely ko at walang social life. How can i socialize if i am busy with my rounds here. at may counterpart siya roon. Ang sabi niya pa “if you wanted to, you will always find time” sa kung ayaw ko naman, at saka nadala na rin ako nung college ako. ayaw ko na.
I’m already here at the location that mom sent me earlier, hassle rin dahil nag grab lang ako. Ayoko pa mag invest sa kotse dahil yung apartment ko ay malapit lang sa hospital. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na ang parents ko, wala si kuya probably nasa work o dika’ay kasama ang boyfriend niya.
“Anak! Kumusta kana? Nako ang bunso ko” pagbungad sa akin ni mommy, she really misses me. Tadtad pa yan ng chat sa akin kung kumakain raw ba ako, o dika’y nakauwi na ako. She always facetime me kapag may oras pa ako. Walang mintis iyon kasama si dad. Dad just smiled at me, i know he misses me too pero hindi lang halata, hindi showy si dad katulad ni mommy.
Hindi rin naman kami nagtagal na naghihintay para i-meet ang sinasabi ng aking parents, reasonable rin naman na late sila since sobrang traffic din kapag ganitong oras. Masyado rin talagang maaga sila dad.
As they walk toward us, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, as if i saw a ghost. I don’t know if the universe is really making me suffer by doing this. Meeting him right now when i’m completely over him, it’s been…. 4 years? Tangina, sa apat na taon na yon ayos na ako na wala siya eh. Perfect timing lang eh no!
Maybe, maybe I really saw a ghost… minumulto ako ng nakaraan, bakit pa siya bumalik?
Hindi nga rin pala magkakilala parents namin, walang ready magpakilala dahil ano nga ba meron kami nang nakaraan? magkaibigan ? we cut ties to each other eh, ano ba namang tadhana to! Ito na naman eh binabalik na naman yung taong ayaw ko na makaharap eh
Araw-araw kong hiling na huwag na kaming magkita pa, magkaroon ng connection sa isa’t isa dahil ayaw ko na, tanga pa ba ako para hilingin na magkrus ang landas naming dalawa?
Seeing his reaction makes me want to escape here, ano nga ba ang alam namin diba? Hindi nga namin alam parehas mga magulang ng isa’t isa dahil ano ba kami noon? Nagtatago kami parehas sa dilim noon, kung ano ba talaga kami.
Natapos kaming…. hindi namin alam kung ano ba talaga kami
I cannot stand seeing him here, ano ba gusto ng mga magulang namin ngayon? Alam kong alam ko na ang sagot dito pero ayaw ko lang tanggapin kasi ayoko!
“Hello amiga! Sorry we’re late, sobrang traffic eh”
My mom just smiles at her, i know they’re close. Sa konti lang ng kaibigan ni mama at pihikan to sa mga kinakaibigan niya.
Anong problema tong papasukin ko? Patayin na lang sana ako!
That long ass dinner makes me want to dissappear, alam ko na nga yung mangyayare pero pinagwalang bahala ko lang! Kasi ano? Kasi baka hindi gagawin nila mama yun?
Nakakainis! Nakakaasar!
Parehas pa kaming mukhang walang alam, ang galing lang dahil parang hindi talaga kami magkakilala.
Naikwento pa nga ng mama niya na parehas kaming school noong college, opo! Alam ko nga rin po kung ano ang program niya noong college, kung saan siya mahilig, kung ano mga ginagawa niya kapag bored siya. Kung ano mga favorite niyang movies at kung ano balak niyang gawin after college. Ang tanga lang 'no?
Nagkita ulit talaga kami, ayaw mag sink in sa utak ko eh. Tinaboy na nga namin ang isa't isa eh pero patuloy pa rin kaming pinaglalapit.
Pero bakit ngayon pa? Masaya na ako eh, hindi ko na kailangan ng isa pang taong sasaktan ako- iyong sasaktan ulit ako
The dinner was done, hindi ko manlang naenjoy ang pagkain. Hinatid na rin ako nila mom and dad pabalik dito sa apartment.
For the past years na nandito ako sa apartment hindi ko naramdaman na lonely ako dahil nandito rin naman mga alaga kong pusa. But today naramdaman kong mag-isa lang ako, ang lungkot.
Ang daming nangyari ngayong araw, out of all people sya pa talaga? Hindi ko talaga kayang isipin na sa kanya ako ipapakasal ni mama. Ang liit talaga ng mundo, hindi namin kilala parehas ang mga magulang namin pero turns out na magkakilala pala sila. Close friends pa!
Bakit hindi ko manlang napapansin kapag pumupunta sila sa bahay namin?
I can’t process anything right now, the person I thought that I would end up with for the rest of my life just called it off during my med school and here I am meeting him after 4 years like nothing happened between us.
Mark, bakit bumalik ka pa? Ngayong ayos na ako.
Nakakatawa lang dahil ilang taon kaming hindi namin alam kung ano ba talagang meron kami, we settled for that. Sabi niya ayos lang sa kanya, ayos lang din naman sa akin basta makasama ko siya. I am ready to commit with him kahit may uncertainties eh pero siya? Puta natatakot sumugal eh.
Am I not worth the risk?
The thought of being with him kahit na walang kasiguraduhan ay okay na ako, basta masaya ako. Masaya kami eh, we didn’t think that much about the label eh. Nakalimutan ko nga rin na kailangan pala non.
Kaya rin hindi namin pinagdesisyonan na ipakilala ang isa’t isa sa parents namin dahil ala kong magugustuhan nila si mark, sobrang bait niya halos nasa kanya na rin ang lahat and i can’t lie about it. Family oriented din siya kaya, same sila ng interest ng mama ko kaya alam kong mag click silang dalawa.
Kaya rin siguro kanina habang dinner, i hate to say this but.. I’m happy to see him happy. For a long time i did’nt feel at home but after couple of hours habang nandoon siya i feel like i am home, i feel warm.
Pero kapag iniisip ko na magkakaroon ako ng pamilya sa kanya? Parang imposible na eh, hindi ko pa rin nakakalimutan yung sakit na binigay niya sa akin.
You call it off kasi hindi ka na masaya? That’s so shallow!
I need to talk to him to clear things out, kasi ayoko! I'm not going to repeat the situation where I am so lost.
Alam kong hindi papayag sila mommy kapag sila ang kinausap ko, hindi pa naman nadadaan sa usapan kapag alam mong gusto nila ang isang bagay.
But first sasabihin ko muna to kay Tin, I am so close to crashing out.
“Hello? For the first time ginamit mo na yang phone mo ah” ito ang bungad niya sakin ngayon, paano nga ay minessage ko siya kagabi dahil hindi matahimik ang utak ko.
“Puwede bang paupuin mo muna ako?”
“Okay, suit yourself because na-feel ko na mahaba-haba ang sasabihin mo, mukha kang puyat diyan”
Ganon ba talaga kahalata na wala akong tulog? Halos 2 hours lang ang tulog ko kanina.
“Don’t interrupt me habang nag ku-kwento ako Tin, please lang. I’m in a serious situation and I don’t know what to do. I am so close to crashing out kagabi. Ang daming nangyari sa dinner namin kagabi” agad niya naman na-gets ang gusto kong sabihin sa kaniya and gladly she listens dahil iyon lang naman ang gusto ko. Dahil baka mabaliw na ako kapag wala akong pinagsabihan nito.
“Hindi ko alam kung nasabi ko sayo to dati but i have someone during college, hindi kami but we have something, alam ko yun. We’re on the same circle, kami lang ng mga ka-circle ko ang nakakaalam kung anong meron kami. Ang tanga lang kasi takot kami pareho sa commitment nang time na yan, and me i am full of risk, pumayag ako. No commitment at all. Masaya kami kung ano meron kami, kapag tinatanong kami ng iba naming kaibigan kung ano ba kami sinasabi na lang namin na magkaibigan lang we clearly have feelings to each other. Hindi rin alam ng mga gulang namin yan, dahil ano nga ba kami talaga. Si kuya lang ang may alam dahil sa kaniya ako nun madalas magsabi”
“Nagtagal kami hanggang med school ko,Tin. Na ganoon ang set up namin. We do what lovers do. Pero takot pa rin sa commitment eh, ang dami naming pangarap pero hindi kami sure sa isa’t isa. Ang sakit lang dahil alam kong malalim na talaga yung nararamdaman ko sa kanya pero takot ako non i-open sa kanya dahil wala naman akong karapatan. Wala akong pinanghahawakan sa kaniya eh.”
“I was in my 3rd year in med school I vividly remember he asked me kung masaya pa raw ba ako sa set up namin na yun. If i spit a word without thinking sasabihin kong hindi na, ang hirap ng sitwasyon namin na walang pinanghahawakan. Na konti na lang magtatanong na ako kung ready na ba siya sa commitment, pero hindi eh wala akong lakas para sabihan yan. Ang tanga lang dahil alam mo kung ano ang sinabi ko? Masaya pa naman ako, ikaw ba? Ayos ka ba? Ayos pa ba tayo? Ayos naman tayo diba. Ang galing niyang sumakto kung kelan sobrang daming readings at exams noon eh”
“You know what he replied. Hindi na ako masaya eh, haechan. Wala na tayong time, I’m not blaming you dahil alam kong sobrang hectic talaga ng schedule mo in the first place. Ayoko na talaga. I’m getting tired in this situation. I’m sorry. That’s bullshit! Siya pa ang nagsabi niyan eh wala akong nagawa, Tin. I can’t process what he said dahil i just failed one of my exams non, i couldn’t risk another subject para lang i-process itong nararamdaman ko”
“That speaks a lot, that's why I am single. At ayaw ko i-take ang offer mo”m
“So what happend at the dinner, hindi mo sinabi sa akin” she is full of curiosity, sasabihin ko naman pero gusto niya talaga agad ng deets eh!
“I saw him again at dinner. We saw each other like nothing happened, like he doesn’t know me, as if i was a ghost to him. You know what happened next? We were set up to get married, next year or maybe next year. Hindi ko alam. I.. I didn’t process anything, i was spacing out, i was okay without him until i saw him yesterday na para bang hindi niya ininda kung anong nangyare sa amin dati. I am nothing to him. Bumalik lahat sa akin ng sakit eh, okay na ako ng ala siya eh tapos bigla pa siyang babalik. And we didn’t greet each other like we were strangers, like it was our first time meeting each other”
“The idea of living with him in the future… ayoko. Ayoko na”
I am crying after i said that, maybe i didn’t process the emotion back then kaya ako nasasaktan ng ganito. Na akala ko okay na pero hindi pa pala dahil hindi ko lang napansin dahil sa sobrang busy.
Tin hugged me as if i am her baby.
Then she said..
“Haechan, you two need closure. I am so sure. And you’re clearly not okay, honey. Your story speaks to me like you need a proper explanation from him, you wanted to hear him to explain his side why he calls it off between the two of you. Dahil hindi mo alam kung ano talaga ang reason”
“Go talk to him, be brave to ask what you want that you failed to ask back then. I hope you hear what you want to hear from him. There’s nothing wrong with asking for it, hindi pa huli ang lahat. After that hope your heart will rest and at peace dahil you deserve it!”
“Don’t settle for less, if you’re thinking that you are not worth the risk? If you could use my eyes for once just to see you, in my eyes you are more than the risk I am willing to take. So do what your hearts want”
Just like that, nawala lahat ng ingay sa utak ko, na para bang lahat ng sinabi niya ay tama para mawala lahat ng nasa isip ko. Baka ito na rin ang tamang oras para pag-usapan ang nakaraan namin.
I message mark if he has free time so we can talk. He replied yes, so here we are in his apartment. He must sense that this is a serious one, ayoko rin naman na may makakarinig kung ano ang pag-uusapan namin.
This apartment… apartment that i want to build with him. Ganitong - ganito yong design na gusto ko para sa aming dalawa noon. Ganito kalinis at hindi ganoon kalaki. He remembers.. Or he really wants to have an apartment like this.
“You can sit on the couch while I’m preparing some food”
“Huwag na, hindi rin naman matagal ‘to”
Then he sits in front of me, and i doubt myself if kaya ko ba? Bigla tuloy akong kinabahan pero kung hindi ngayon, kelan pa?
“This is so sudden, I’m sorry sa time hindi ko rin naman tatagalan. I just want to talk about the marriage from last week. I’m clearly against it”
Just like that he didn’t care, na para bang hindi ko sinabi iyon.
“I plan that marriage, haechan. I don’t know how to make up to you. I tried to message you but you blocked me. I am so shocked that you message me that you want to talk. Without thinking twice I said yes. But then I realized that i have long overdue explanation that i owe to you back then”
Alam kong may namumuong luha sa mata ko, kung paano tumingin sa akin si mark alam ko na agad na naramdaman niyang nasasaktan ako. Kilala niya pa rin ako pero..
Does knowing me more.. Lead to loving me less, mark? O napagod ka lang sa akin? Sa atin?
“I was set to fly to canada and settle there for good. I… I don’t do ldr, ayoko. That's why I can’t give you the commitment, alam kong gusto mong tanungin sa akin noon kung gusto ko na ba ng commit sayo. You know Haechan, I am so sure about you, i can see the future with you, I even see yourself here… in this apartment. I don't have a choice back then, kung puwede lang akong manatili dito ginagawa ko na eh, ang hirap malayo sa’yo haechan”
“We.. we’re set to fly after college but i delayed it. sinabi ko na hindi pa ako ready na iwan lahat kung anong meron ako dito. remember the same day i call it off, nalaman ko rin na may sakit yung papa ko haechan. that time the world was against to me. alam mo, after your med school i will ask you to move in with me and will also ask your hand properly but everything went messy. I guess it's not for us…. that time”
“I didn't give you proper explanation, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat sayo. ayoko naman dumagdag sa problema mo dahil nakikita kong sobrang stress mo na. pero in the end of the day naging isa ako sa mga naging dahilan kung bakit ka nasaktan. I hate to see you crying. Pero ako pa talaga naging dahilan non”
“Sa lahat ng bagay na kaya mong bitawan ako pa talaga? ganon ba talaga ako kadaling bitawan?” hindi ko kayang hindi tanungin kung ano ba ang naisip ko, gusto kong malinawan kung anong nangyari sa amin noon.
“I'm so sorry. I’m sorry. I don't have a choice, dalawa lang meron ako noon eh ikaw at sila, haechan. kailangan nila ako nang time na yon. If… if i was brave enough to risk everything, if i was brave as you back then. Baka… baka we work things out between us”
May.. may patutunguhan pala kaming dalawa kung hindi lang nangyari sa kaniya yon. We could've have it all pero hindi sumang-ayos sa amin ang mundo.
I can't even blame him.
“if you will ask me about the marriage, itutuloy ko pa rin. ako, ako yung nag push sa parents ko na i-arrage tayong dalawa, mahal na mahal kita eh. Mahal na mahal. I am willing to risk everything para sayo”
“Bakit.. bakit sa dinner parang hindi mo ako kilala, para bang wala lang ako sayo noon. Parang wala tayong pinagsamahan?”
“You know what, i’m looking forward to meeting you. sa apat na taon na hindi tayo nagkita, miss na miss kita. kung pwede lang na itakas sila at iwanan sila ay ginawa ko na eh. Sa loob ng apat na taon wala akong ibang ginawa kung hindi tingnan social media ng kuya mo, ng parents mo dahil alam ko iyon lang ang way para magkaroon ng update sayo”
And I didn't expect what he said
“Congratulations on your graduation and for passing PLE, baby. I am beyond proud of you Dr. Lee”
I broke down after he said that, I…. I miss him. I really miss him, I miss his warm smile, warm words that comforted me, and his warm presence. I miss him.
Like a flash in my eye, he is now sitting beside me. holding my hands like it's his way to assure me that it's okay to cry and be vulnerable in front of him.
“You endure it by yourself, I'm sorry wala ako sa tabi mo during your graduation and during your review season. I saw all your hard work and i know it's your dream.. to become a doctor”
“I hope you reward yourself for making this far, I am so proud for you baby, I hope you know it”
I remember what Tin said, make your heart at peace and here I am with him talking about our past and clear things out making my heart at peace.
Nakakuha na ako ng sagot sa lahat ng naiwan niyang tanong sa akin.
“Pero… hindi ko pa rin kaya na makasama ka, Mark. hindi ko kaya. Alam ko na ang sagot sa lahat ng tanong ko pero may sakit pa rin eh,nandun pa rin yung sakit eh”
“Naiintindihan ko, sana hayaan mo rin akong itama yung mga nagawa ko sa iyong mali noon. sa atin. hindi naman ako nagmamadali, basta hayaan mo lang ako. kahit gaano pa katagal hanggang mawala na yung sakit kapag kasama mo ako,kapag nakakausap mo ako o kaya kapag nakikita mo ako”
“Healing isn’t a linear, Haechan”
Baka nga… baka nga naghihintay lang ako ng tamang oras para pag-usapan at masagot ang mga tanong sa isipan ko. Baka rin sa paraan na to mawala ang sakit na naiwan sa akin.
But knowing my heart is at peace , I am at peace too. I will get there,we will get there, meeting again at the same page of our lives when the universe is favored and aligned to us.
