Chapter Text
Hindi niya talaga alam kung paano, kailan, o bakit nagsimula. Basta isang araw, nagising na lang siya at napansin niyang may nararamdaman siya para kay Mingyu (parang lahat nga ata may gusto sa kanya, jusko).
Grade 8. The first time Wonwoo noticed Mingyu was during a school event, maybe a student assembly. Walang espesyal na nangyari. Nasa canteen lang naman siya kasama niya sina Seungkwan na nakain, tapos biglang dumaan si Mingyu sa may table nila, tumatawa kasama ang mga kaibigan. Wala namang dahilan para mapatingin siya, pero napatingin siya. Hindi niya alam kung dahil ba sa ingay ng tawa ni Mingyu o dahil sa presensya lang nito, pero doon nagsimula.
At mula nun, hindi na siya makaiwas. Bigla na lang may kung anong sumapi sakaniya. And starting that day, he starts to see Mingyu everywhere .
"Hoy, Wonwoo, nandiyan si Mingyu oh," tukso ng nakangising si Joshua, sabay nguso kung saan nakatayo si Mingyu kasama ang mga tropa niyang si Seokmin at ang iba pang mga kaibigan.
Wonwoo glanced over, and there he was—Mingyu, laughing again.
“Huh, ano'ng pinagsasabi mo? Pake ko ba?" depensa ni Wonwoo habang pilit na hindi tinitingnan si Mingyu. Pero hindi niya talaga maiwasang sumulyap.
“Sus, halata naman na crush mo si Ming–aray!” Bigla niyang kinurutin si Joshua sa braso, hindi na matiis. Paano ba naman kasi, parang gusto nang iparinig ni Joshua sa buong hallway na may crush siya kay Mingyu.
"Sige, iparinig mo pa!" sarkastikong sabi ni Wonwoo sabay tingin nang masama kay Joshua.
"Hala ka!" sabay tawa ni Joshua. "Chika naman, bakit mo bigla napansin ‘yan si Mingyu, bakla ka! Nakisama ka pa sa pila ng mga nagkakagusto sa kanya."
Ang totoo nga, hindi lang siya ang may crush kay Mingyu. Sa buong batch nila, parang lahat ata may gusto sa kanya. Hindi na nakakagulat. Matangkad, gwapo, athletic, matalino, at higit sa lahat—mapang-asar (aminin, may dating talaga pag mapang-asar or funny ‘yung tao kaya hindi niyo talaga masisisi si Wonwoo). May kakaibang charm si Mingyu, at alam ‘yun ng mga tao sa paligid niya.
Kahit hindi siya mag-effort, ramdam na ramdam mo ‘yung presence niya. Hindi lang siya popular, may charisma siyang parang magnet—mala-Brent Manalo, ‘yung tipong babaliktad ka ng leeg sa kakakiling tuwing dadaan siya. Hindi lang kasi ang itsura niya ang puhunan, kundi ang aura at presence niya sa loob ng classroom, sa hallway, at pati na sa basketball court.
Kahit mga teachers, paborito siya. Siya yung estudyante na kahit badtrip na ‘yung teacher nila, magagawa niyang patawanin. Siya rin yung tipong walang kahirap-hirap na nauutusan kapag may naiwan sa faculty, hindi dahil sa sip-sip, kundi dahil alam mong hindi siya tatanggi. Pero ang pinaka-impressive sa lahat? Kaya niyang kumbinsihin ang teacher na ‘wag na magpa-quiz kapag ramdam niyang hindi handa ang buong section nila. (Oo, nakukumbinsi niya sila. Sana all, ‘di ba?)
Kaya naman, hindi na kataka-taka kung bakit ganoon na lang kataas ang respeto sa kanya, mapa-guro man o estudyante. Hindi lang siya mabait o malakas mang-asar. Magaling din siya sa klase, hindi lang sa sports. Kaya nga hindi na nakakagulat kung magka-crush ka sakaniya kasi understandable naman na kung bakit.
***
"Huy, legit ba, Wonwoo? Crush mo rin si Mingyu?" bungad ni Seungkwan pagkapasok pa lang sa room, halos hindi pa nakakababa ang bag niya.
Ang aga-aga naman nito.
"Ang ingay mo, Kwan," sabat ni Jeonghan, hindi man lang nag-angat ng tingin habang nag-aayos ng printer nila sa gilid. "Paupuin mo muna si Wonwoo bago mo kulitin."
Pero siyempre, walang balak magpigil si Seungkwan. "Hala, totoo nga ‘yung chika ni Joshua? Bakit hindi mo sinabi sa amin? Nakakatampo ka, ha!"
Kasalukuyang ibinababa ni Wonwoo ang bag niya at wala siyang balak sagutin ang mga tanong ni Seungkwan. Binuksan niya na lang ang libro niya, nagbabakasakaling tantanan siya ng isa. "Huwag na, Kwan."
At siyempre hindi siya tinantanan ni Seungkwan. Umupo ito sa upuan sa harap niya at paharap na umupo at nakangiting tumingin sakaniya. Alam niyo ‘yung mukhang uhaw na uhaw sa chika? Eto ngayon ang nasa harap ni Wonwoo. "Paano nagsimula? Anong meron kay Mingyu? Tropa niya ‘yung crush ko kaya sabay na tayong magpapansin!" sunod-sunod na tanong ni Seungkwan.
Hindi ko kaya magpapansin, gago.
Samantala, si Joshua, na tahimik na natatawa sa gilid, biglang tinapik ni Wonwoo sa braso. "Ang ingay talaga ng bunganga mo, Joshua," sabay kurot sa kanya. Agad namang umiwas si Joshua, halatang may kasalanan.
Mga 20 minutes. Dalawampung minutong walang humpay na pangungulit ni Seungkwan habang si Wonwoo ay nagpi-pretend lang na nagbabasa ng libro.
“Wonwoo kasi, i-chika mo na please!”
Bigla namang pumasok Ma’am Mica kaya napatigil ang lahat–kabilang na si Seungkwan na laking pasalamat ni Wonwoo sa mga anghel sa langit at tumigil na rin ito sa pangungulit, finally. "Okay, class, I just got word from Ma’am Lizel. Absent siya today kaya two hours ang klase ko sa inyo kasama ‘yung kabilang section. Bukas, siya naman ‘yung magkakaroon ng two-hour class sa subject niya. Lipat na kayo sa kabila at doon ang discussion."
Hindi na nag-aksaya ng oras ang mga estudyante at nagsimula na silang magkuhaan ng gamit bago lumipat sa kabilang section. Pagkapasok nila sa kabilang section, agad silang hinila ni Jeonghan papunta sa may pwesto ni Seungcheol. Wala naman silang nagawa kundi sumunod.
"Oh, Mingyu, alis na, andito na bebe ko," sabi ni Seungcheol sabay tapik kay Mingyu. Nang makita ni Mingyu si Jeonghan na nahihiyang ngumiti, agad itong tumayo at lumipat. Simula pa grade 5, palagi naman silang magkaklase ni Jeonghan, kaya lang hindi sila sinuwerte ngayong taon. Pero swerte sila sa isa't isa, ha! Sila yung couple sa batch na kahit medyo maharot, ramdam mong may genuine care sa isa't isa. Nung isang beses nga, nung nilagnat si Jeonghan, hindi nag-hesitate si Seungcheol na buhatin siya mula 3rd floor para dalhin sa clinic, tapos siya rin ang nag-alaga kay Jeonghan dahil wala ang nurse nung time na 'yun. At kahit nung grade 7 pa lang sila, tuwing linggo, may dalang bulaklak si Seungcheol para kay Jeonghan—consistent ‘yan! Hanggang ngayon, ramdam pa rin ni Jeonghan yung sweetness at effort ni Seungcheol.
"Ayan na, boss, enjoy sa bebe time niyo," asar ni Mingyu bago umalis sa upuan niya.
Hindi na bago sa kanya ang mawalan ng upuan tuwing combined ang classes nila. Palagi naman kasing doon nauupo si Jeonghan sa tabi ni Seungcheol. Ayos lang naman kay Mingyu, mas trip din niyang sa sahig umupo para mas madali siyang makisali sa kwentuhan.
Sabay siniko ni Seungkwan at Joshua si Wonwoo nang umupo si Mingyu sa sahig, malapit sa pwesto nila . Asar talaga ng mga kaibigan na ‘to!
"Ehem ehem," pagkukunwari ni Joshua sabay ngisi nang nakakaasar.
Hindi na lang pinansin ni Wonwoo ang dalawa at pilit na lang nag-focus sa lesson. Pero ewan niya ba, parang may sariling utak ‘yung ulo niya dahil bigla na lang siyang lumingon sa direksyon ni Mingyu.
Tangina .
Tumingin din si Mingyu sa kanya.
Wonwoo was caught off guard. He didn’t know what to do. Gago, legit palang may slow-mo effect sa ganitong sitwasyon? Akala niya noon puro eme lang ‘yon. Pero bakit parang bumagal ‘yung mundo?
Five seconds of nothing but staring. Walang nag-break ng eye contact.
And then Mingyu smiled. Wonwoo could see his sharp canine teeth.
Yari na.
Si Seungkwan, na halatang napansin ang katahimikan, biglang nagsalita. "Hala, anong meron?"
Doon na lang mabilis na nag-iwas ng tingin si Wonwoo.
Pero kahit anong pilit niyang bumalik sa discussion ni Ma’am Mica, hindi niya maalis sa isip niya ‘yung ngiti ni Mingyu.
Puta, what was that? It didn’t mean anything naman kay Mingyu, ‘di ba? Ano naman kung nagkatitigan kami? Umayos ka, Wonwoo. Jusko po.
Kabag lang ‘to, mawawala rin ‘to in a few months, ang sinabi ni Wonwoo sa sarili niya.
***
"Ayaw niyo ba talaga akong samahan sa canteen?"
Kanina pa sinusubukang kumbinsihin ni Wonwoo ang mga kaibigan niya, pero mukhang mas importante sa kanila ang pag-cram ng ESP assignment para sa susunod na subject.
“Kaya mo na ‘yan, Wonwoo,” sagot ni Joshua nang hindi man lang tumingin, patuloy sa pagsulat ng in-eme niya lang naman sa sagot, hindi na nga maintindihan sulat eh!.
Napailing na lang si Wonwoo. Ang tindi talaga ng dedikasyon ng mga ‘to kapag cramming mode. Inirapan niya ang tatlo bago naglakad palabas ng classroom, dala ang inis—at ang gutom. He forgot to bring his sterilized milk—something Nana even reminded him about earlier, pero ayun, nakalimutan pa rin niya. Hindi talaga kumpleto ang araw niya nang walang gatas sa katawan, kaya wala siyang choice kundi bumaba. Mag-isa tuloy siyang makikipagsiksikan sa pila, kasi hindi natapos ng mga kaibigan niya ‘yung assignment nila! Hindi pa naman siya sanay mag-isa, lalo na’t ayaw niyang makipagbakbakan sa ibang estudyante. The canteen was always packed during recess, and honestly, who even thought it was a good idea to have everyone’s break at the same time? Hindi ba pwedeng may interval para hindi ganito ka-crowded?
Pagdating niya sa canteen, tama nga ang hinala niya. The place was packed, lines stretching far beyond what he had the patience for. Napabuntong-hininga na lang si Wonwoo habang pumila sa pinaka-dulo. Para lang sa isang sterilized milk. He was already regretting his forgetfulness. Simula ngayon, ido-double check na niya talaga ‘yung bag niya. Never again.
Habang tahimik siyang nakapila, his eyes wandered around the canteen. A familiar group caught his attention—Mingyu’s friends. He spotted Seungcheol, Vernon, Seokmin, and Minghao at their usual table. Pero si Mingyu, hindi niya pa nakikita. Lumingon-lingon siya sa paligid. Nasan na kaya ‘yun?
"Hi Wonwoo, bakit kaya hindi bumaba si Jeonghan?"
Napalingon siya. Si Seungcheol, nakakunot-noo at halatang naghihintay ng sagot.
"Ah, nagka-cram sila sa taas eh," sagot niya.
"Ah, kaya pala hindi nagre-reply sa chats ko." Napabuntong-hininga si Seungcheol at muling tiningnan ang cellphone niyang hawak. Agad niyang napansin ang nakalabas na chat thread nila ni Jeonghan na puro delivered pa rin. Mukhang hindi pa talaga nababasa.
Napailing si Wonwoo sa sarili. Ayan kasi, hindi nakapag-bebe time. Paano ba naman, hindi nagawa ni Jeonghan ‘yung assignment nila! Napangisi siya nang bahagya, pero nanatili siyang tahimik sa pila.
Almost ten minutes na siyang nakatayo roon, zoning out as he waited. He could already imagine how much better it would be if he were back in their air-conditioned classroom, sipping his milk in peace, instead of being stuck here. Dahil dito sinasapak niya na ang sarili niya sa isip niya. Nagpatuloy siya sa pag-re-rethink ng decisions niya sa buhay nang bigla niyang narinig ang isang pamilyar na boses mula sa unahan.
"Ate, isang sterilized milk po."
Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses.
"Ay, dalawa na rin po palang Piattos."
"Ate, isang yellow at isang red na C2—hehe maliit po parehas."
"Tapos… tatlong Cream-O na rin po pala."
"Ah, opo, ‘yun lang hehe. Salamat po, teh!"
Wonwoo swallowed.
Si Mingyu.
Apat na tao lang ang pagitan nila. Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mapatingin.
Mingyu was leaning slightly on the glass counter, his hands resting against the surface as he watched the tindera compute his total. He was smiling—bright, easygoing, effortless. Parang isang golden retriever na masiglang naghihintay ng treats.
Lord, bakit ang pogi.
Erase, erase, erase! Kailangan niyang mag-focus sa goal–’yung sterilized milk!
Sa wakas, siya na ang kasunod.
"Ate, isang sterilized milk po," sabi niya, sabay kuha sa wallet niyang nasa bulsa na may nakalawit na jiji cat na keychain.
Pero bago pa siya makapagbayad, nagsalita ang tindera.
"Ay, last na po ‘yung naibigay namin doon sa isang estudyante."
Napatingin siya kung saan ito nakaturo.
Mingyu.
Syempre.
"Ay, okay po. Thank you." Napakamot na lang si Wonwoo sa batok bago ibinalik ang wallet niya sa bulsa. Shet. He needed that milk. Pero wala eh, naunahan na siya ni Mingyu. And he wasn’t the type to just snatch food away from someone (I mean, kaya niyang gawin ‘yun kina Seungkwan pero iba naman ngayon). So now wala siyang choice kundi magdusa dahil sa pagiging malilimutin niya.
Habang palabas na siya ng canteen, nadaanan niya ang grupo nina Mingyu.
At syempre, hindi siya nakaligtas.
"Oy, si Wonwoo ikaw pala ‘yan! Anong binili mo?" tanong ni Seokmin, ngiting-ngiti habang ngumunguya ng sandwich.
He hesitated for a second, barely glancing their way. Lintek. Andiyan si Mingyu. He debated whether to tell the truth or just shrug it off. Kasi naman, it might seem like he was indirectly calling Mingyu out sa pagbili nung last na sterilized milk! (Okay, medyo OA lang siya sa pag-o-overthink sa part na ‘to.)
“Ah, wala eh. Ubos na ‘yung sterilized milk,” sagot niya.
And then suddenly—
A hand extended toward him.
Sterilized milk.
From Mingyu.
"Sa’yo na ‘to," Mingyu said with a smile. "Sayang pila mo kanina. Ang tagal mo pa naman doon tapos wala ka pang kasama."
Luh. Pa-fall?!
Nagkatinginan ang tropa ni Mingyu, at siyempre, hindi pinalagpas ang eksena.
"Aba, aba, Mingyu, ganyan ka pala?"
"Sana all pinapakitaan ng kabaitan!"
"Special treatment ba ‘to, Gyu?"
"Tsk, tumigil nga kayo," sabi ni Mingyu, pero halatang aliw na aliw pa rin siya.
Si Wonwoo naman, hindi alam kung saan titingin. "A-Ah, sige, pero babayaran ko na lang—"
"Wag na, okay lang. Kunin mo na, tropa tropa tayo dito noh."
Ah, tropa.
Honestly, gusto niyang tanggihan dahil… well, awkward. Pero kailangan niya talaga ng gatas. Kaya imbes na magpaka-pride, tinanggap na rin niya.
"Uh… thank you." He mumbled, eyes barely meeting Mingyu’s, but internally, his mind was screaming. First, he got his milk. Second, it was from his crush?!
And so, he turned away immediately, hoping no one would see the very obvious blush spreading across his face. Hinawakan niya ng mahigpit ‘yung sterilized milk habang kinikilig pa rin sa nangyari.
Pero bago pa siya tuluyang makalabas, may narinig siyang boses.
"Grabe Mingyu, thank you talaga dito!"
Napahinto siya.
Dahan-dahan siyang lumingon pabalik.
It was Nayeon. Smiling up at Mingyu as she held a Piattos and a C2—both from him.
At si Mingyu? Mukhang wala lang. Para bang natural lang sa kanya ‘to.
At doon unti-unting nawala ang kilig na naramdaman niya kanina.
Ah.
Ganito lang pala siya sa lahat.
***
asim mo seungkwan
7:10 PM
Wonwoo
guys un-crush ko na si mingyu
Joshua
may nalaman ‘to
Jeonghan
diba binigyan ka niya ng sterilized milk kanina!
Joshua
HUY OMG WEH???
Jeonghan
oms chinika sakin ni cheol hehe
Seungkwan
pake q jeonghan
anyways
omggg my ship
Joshua
naks naman!!!!
Seungkwan
sene el sterilized
Wonwoo
ganun siya sa lahat…
Seungkwan
ha
Wonwoo
yes haha
nilibre niya rin si nayeon kanina
Joshua
lahhh legit?
Seungkwan
ayy KASHJAHJSAH wawa k nmn pla
Jeonghan
ay i forgot, friendly nga pala lang talaga ‘yun si mingyu so
that probably means nothing nga lang
Seungkwan
sakit m nmn pla mingyu..
Joshua
aww wonwoo okay lang yan
Seungkwan
qng acuh sau wons,,, pass s friendly
Joshua
REALLLL iwas sa mixed signals
Jeonghan
hoy mabait naman yan si mingyu
sadyang tropa lang ng lahat AJSHAJSHJSAJSA
Joshua
pati nga ata yung guard bff niya ehh
Seungkwan
sa tataa lang
Joshua
asan na si wonwoo…
Seungkwan
baka nag-rerethink ng decisions niya sa layf..
oks lng yn wons, patapos nmn na school year nyahaha
Jeonghan
gagu di na talaga bumalik si wonwoo oh!
***
Matapos ang usapan nila sa group chat, napabuntong-hininga si Wonwoo at ibinagsak ang phone sa tabi niya. Ang bigat sa dibdib niya, parang may mabigat na bagay na nakadagan. Kanina lang naman maayos siya, tapos ngayon biglang, parang may pumasok na thought na gumulo sa buong araw niya.
Napagdesisyunan niyang bumaba para uminom ng gatas, hoping it would help him clear his mind. Pagdating niya sa kusina, agad niyang nakita si Nana Jho na nakaupo sa counter, iniinom ang kape niya. The moment she saw him, her sharp eyes immediately scanned him, as if reading his entire soul.
"Aba, mukhang ang dami mong iniisip ah," she remarked before taking another sip.
Tahimik lang si Wonwoo habang binuksan ang fridge at kinuha ang gatas. Sinalin niya ito sa baso, nag-isip muna siya if he should ask advice from Nana Jho. Then finally decided to just ask. If there was anyone he couldn’t hide from, it was Nana Jho.
"Uh, Nana…" He fiddled with his glass. "May friend po kasi ako, nanghihingi ng advice. Kung dapat na ba niyang i-uncrush ‘yung crush niya na friendly."
Napangisi si Nana Jho. "Bakit mo naman i-uuncrush ‘yung crush mo kung friendly lang naman ang rason?"
Natigilan si Wonwoo. Napakurap siya at napatingin sa kanya nang dahan-dahan. "Wait… paano niyo po nalaman na ako ‘yung tinutukoy ko?"
Natawa si Nana Jho, umiling habang inabot ang mug niya. "Hay naku, itong alaga ko, malaki na talaga at napag-ibig na rin," sabay turo sa kanya gamit ang hinlalaki. "Eh kasi naman, ilang taon na kitang inaalagaan. Kahit hindi mo sabihin, halata naman."
Napakamot si Wonwoo sa batok, hindi sigurado kung matatawa o mapapabuntong-hininga na lang.
"Wonwoo, kahit baligtarin mo pa ‘yung mundo, hindi mo ako maloloko," she said, shaking her head. "Pero seryoso, bakit nga ba? Ano bang masama kung friendly siya?"
Napaayos ng upo si Wonwoo at nagkibit-balikat. "Kasi… baka wala lang talaga ‘yun sa kanya. Baka ganyan lang talaga siya—mabait sa lahat."
"Ano ngayon?" Nana Jho raised a brow. "So dapat ba hindi ka na matuwa ‘pag mabait siya sa’yo? Hindi ba puwedeng i-enjoy mo na lang ‘yung moment?"
Wonwoo pressed his lips together, unable to argue. Alam naman niyang walang mali sa pagiging friendly ni Mingyu, pero hindi pa rin niya mapigilang masaktan.
Napangiti si Nana Jho bago ginulo ang buhok niya, just like she always did when he was younger. "Alam mo, hindi mo kailangang madaliin ‘yan. Kung gusto mong i-uncrush siya, edi sige i-uncrush mo. Pero kung gusto mo pang damhin ‘yan, edi go lang. Basta ‘wag mong pahirapan sarili mo sa mga iniisip mo lang. Tandaan mo, ‘nak. Bata ka pa, kaya’t dapat ini-enjoy mo ang mga ganitong bagay. ‘Yung kilig, ‘yung simpleng saya, dahil hindi na ‘yan basta-basta mababalikan pag tumanda ka na.”
Somehow, that made him feel a little lighter. Nana Jho and her ways of words talaga. Inubos niya ang gatas niya bago tumayo, saka mabilis na niyakap si Nana Jho. What would he do without his Nana Jho nga naman.
"Salamat, Nana," he muttered.
"Aba, natural lang ‘yan!" sagot nito, nakangiti. "Ikaw pa, eh ikaw ang paborito kong alaga."
"Nana, ako lang naman alaga mo," natatawang sagot niya.
"Ayun naman pala."
Napailing si Wonwoo bago umakyat ulit sa kwarto niya. He climbed into bed and buried himself under the covers, forcing himself to stop thinking about Mingyu.
"Sana, paggising ko, hindi ko na siya crush," mahina niyang sabi bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
***
asim mo seungkwan
3:23 PM
Wonwoo
jeonghan ikaw lang nahiwalay samin…
Joshua
GAGI MAY SECTION NA????
helppp oo nga gagu
wtf antares tayo
Seungkwan replied to you
(jeonghan ikaw lang nahiwalay samin…)
ay ayos lng yn sakanya ksama nia nmn c cheol
jeonghan ikw n spy nmin sa mimosa
Jeonghan
OMG KASAMA KO NA ULIT SI CHEOL
Seungkwan
lahh hapi xha di tau ksama…
Jeonghan
ayyy hala 🙁
Joshua
ang fake ng reaction kainis!!!
Wonwoo
hahaha hayaan niyo na yan si jeonghan
Seungkwan
nubayern nde k prin nagiging kaklase c mingyu gsto q p
nmn xia tropahin…
Jeonghan
luh
Joshua
HUY
Seungkwan
ay woops
AJSAJSHGADJAH xori
Wonwoo
?
guys, hindi ko na siya crush
Seungkwan
wla nmn aq cnabi
Jeonghan
^ (1)
Joshua
^^ (2)
Wonwoo
ok
Joshua
AJHJSAJSHJGDAG
Seungkwan
JOKE LANG WONS ASHASHJASHSA LABYU
Jeonghan
patay kayo jan gagi AJSHAJAJAHSHAHSHHSJAD
***
Hindi naman na kasi talaga ni Wonwoo gusto si Mingyu. Well, that’s what he thinks. It’s been almost five months simula nung nangyari 'yon, at dalawang buwan na rin mula nang matapos ang Grade 8. Magg-Grade 9 na sila ngayon, at medyo kinakabahan siya kasi sabi nila, Grade 9 daw ang pinakamahirap sa junior high. (Totoo raw 'yan.) Sa loob ng limang buwang ‘yon, wala siyang ibang ginawa kundi umiwas kay Mingyu. Oo, iniwasan niya. As in todo iwas. Pinaninindigan niya ‘yung sinabi niya sa sarili niya na iu-uncrush niya si Mingyu. Ayaw na niya ng sakit sa ulo, ayaw na niya ng sakit sa puso. Focus na lang talaga muna siya sa studies niya.
Tanda pa niya ‘yung isang beses na pinagsama ulit ‘yung sections nila para sa isang subject. That day, for some reason, nagawa niyang hindi tumingin kay Mingyu kahit isang beses. Walang sulyap, walang side eye. Dire-diretso lang siya sa board, kunwari interested sa lesson, kahit ang totoo, sobrang conscious niya.
"Uy gagi, anong nangyari kay Wonwoo?" tanong ni Seungkwan kay Joshua habang nakatingin sila kay Wonwoo mula sa likod. "Si Mr. ‘Tingin-Tingin’ hindi tumitingin!?"
“Diba! Gulat din ako eh, nilalagnat siguro,” sagot ni Joshua sabay halakhak. "Si bakla bigla na lang nagkaroon ng allergy kay Mingyu."
Seungkwan hindi na napigilan ang tawa, "Ayaw na ata kay Mingyu? Eh nung isang araw lang kilig na kilig ‘yan habang nanonood tayo ng training nila eh!" pabulong niyang sabi kay Joshua ngunit halatang pinaparinig niya ito kay Wonwoo para mang-asar.
“Moving on era na ata ni bakla,” pang-aasar. “Bagong buhay na siya oh.” dagdag pa niya sabay halakhak.
Hindi na natiis na Wonwoo at kunot noo niya ng nilingon ang dalawa niyang maligalig na kaibigan, "Hoy, kanina niyo pa ako binabackstab ah!"
"Oop!" sabay na sagot nila. Sabay na nag-make ng fish face ang dalawa niyang kaibigan, ‘yung itsura ni Sassa Girl sa mga roleplay skits niya sa tiktok, oo ganun! Nakakaasar ‘di ba.
"Pero anyare nga, teh? Ayaw mo na ba kay Mingyu?’" bulong ni Joshua kay Wonwoo.
"No comment," mataray na sagot ni Wonwoo, medyo nakataas pa ang kilay, bago nag-iwas ng tingin sa dalawa. Not gonna lie, Wonwoo could feel a tinge of disappointment. No matter how hard he tried to avoid looking at Mingyu, parang may kung anong humihila sa kanya na tumingin. But, because of his pride, he pushed aside his feelings and stuck to the promise he made to himself—that he would move on.
"Hmm, sure ka?" tanong ni Joshua, nagka-raise ng kilay.
“ Oo, kaya tumigil na kayo sa chismisan niyo diyan, at makinig nalang kayo kay Ma’am.” inirapan sila ni Wonwoo bago humarap na muli sa board at pinilit ang sarili niya na makinig sa lesson.
Walang nagawa ang dalawang nasa likod niya kundi magtinginan at sabay na magkibit-balikat. Hindi na sila muli nagtanong pa, mukha naman kasing seryoso si Wonwoo sa mga sinabi niya.
But at that moment, they didn’t know someone had been sneaking glances their way—watching, maybe sensing something was going on, but not quite sure what to make of it.
Napangiti pa nga siya sa sarili niya pagkatapos. Ang galing niya, in fairness. Akala niya may progress na. Akala niya, he was finally starting to get over it.
Akala niya lang pala.
***
Nandito ngayon si Wonwoo, na-stuck sa kabilang building, tatlong buildings away kung saang building ‘yung section niya. Inutusan kasi siya ng teacher nila na may kunin sa computer lab, pero bago pa siya makabalik, inabutan na siya ng ulan. Wala siyang payong, at may hawak pa siyang mga papel—importanteng school documents na hindi pwedeng mabasa. Kaya ngayon, nakatayo lang siya sa ilalim ng bubong ng hallway, hawak ang mga papel, pilit sinisikap na hindi mabasa. Pinagmamasdan niya lang ang walang-hintong pagbuhos ng ulan sa labas.
Sumulyap siya sa relo. Shit, 10 minutes na lang before their next subject.
Kinuha niya ang phone mula sa bulsa niya, para sana tawagan sina Seungkwan na sunduin siya dito. Pero pagkabukas niya ng phone… lowbat. Napapikit siya sa inis. Dapat talaga dinala ko ‘yung payong ko eh, nakakainis.
Tahimik siyang nanatili roon, pinagmamasdan ang ulan. Kung wala siyang gagawin, malamang ma-late pa siya sa next class nila. Math pa naman ang next subject, at ayaw na ayaw niya ng subject na ‘yon. Kailangan niyang makapasok para walang lesson na ma-miss, kasi kapag may na-miss siya, mas lalo lang siyang mahihirapan sa mga susunod na lessons.
Napaisip siyang tumakbo na lang, wala na kasi talaga siayng choice. Medyo malapit lang naman. Pero bago pa siya makagalaw, may naramdaman siyang presensiyang tumayo sa tabi niya.
Paglingon niya, nandoon si Mingyu.
Nakangiti ito sakaniya.
Lord, ano ba naman itong pagsubok na ‘to.
Limang buwan na mula nang huli silang nagkaroon ng casual conversations. Limang buwan ng hindi pagtingin, hindi paglapit, hindi pag-usap. OA talaga ni Wonwoo, akala mo naman talaga!
“Gusto mong sumabay?” tanong ni Mingyu, sabay turo sa mga papel sa kamay ni Wonwoo.
Nagdalawang-isip siya. Gusto niyang tumanggi. Pero nang tumingin siya sa relo, halos mag-ring na ang bell. Takot pa naman siya ma-late. At kahit labag sa kalooban niya, tumango siya.
“Sige. Salamat.”
Fifty steps lang naman. Lord, sana po kayanin ko.
Tahimik silang naglakad sa ilalim ng payong ni Mingyu. Malapit sila sa isa’t isa kaya amoy ni Wonwoo ang pabango ni Mingyu.
Ang bango.
“Kamusta ka na?” tanong ni Mingyu, finally iniating the convo, his voice low and soft. “Parang minsan na lang kita makita sa school ah.” He heard Mingyu’s soft chuckle.
Napatingin si Wonwoo kay Mingyu saglit, pero agad ding umiwas. Hindi pwedeng makita ni Mingyu na tinitingnan siya. Kaya kapag magkasalubong sila sa hallway, sobrang focus siya sa cellphone niya kahit wala naman siyang tinatype. O kaya naman, maghahanap siya ng pinaka-malalayong pwesto sa klase, kahit hindi naman siya kailangan doon. Kahit pa alam niyang magkakasalubong sila, sinisigurado niyang dadaan siya sa ibang direksyon para lang hindi magkrus ang landas nila. Once in a blue moon lang din silang magkasama ni Mingyu sa iisang classroom, sa tuwing pinagco-combine lang ang kanilang sections. At kung noong grade 8, halos lagi siyang pumupunta sa kabilang section para samahan si Jeonghan na laging nakay Seuncheol, at siyempre, kahit papaano, para masulyapan si Mingyu. Pero ngayong grade 9 na, at nasa ibang section na si Jeonghan, siya na ang nag-a-adjust. Si Jeonghan na ngayon ang tumatambay sa room nila, kasi si Wonwoo mismo, hindi na talaga pupunta sa section nila at alam niyo naman ‘yung rason.
Hindi siya sumagot agad. Hindi rin niya alam kung paano niya ito ipaliwanag kay Mingyu.
“Uhm okay lang,” sabi niya sa wakas. “Busy lang talaga lately.” alam niyang mema ‘yung rason niya kasi ano namang connect kung busy?! Wala na siyang maisip na ibang rason eh.
They continued walking, the sound of the rain and their footsteps filling the silence. Ilang hakbang pa, biglang lumakas ang ulan.
At bago pa siya makalayo sa gilid ng payong, naramdaman niyang hinila siya ni Mingyu palapit.
Saka siya inakbayan—hindi mahigpit, pero sapat para mas maprotektahan siya mula sa ulan. Sa sobrang lapit, halos maramdaman niya ang init ng balikat nito sa tagiliran niya.
Nanigas siya. Hindi siya nagsalita, pero ramdam ni Mingyu ang pag-stiffen ng katawan niya.
“Sorry,” bulong ni Mingyu, agad na bumitaw ng bahagya. “Baka kasi mabasa ka.”
Sandaling katahimikan.
“Na-uncomfy ka ba? Sorry talaga.”
Hindi pa rin nagsalita si Wonwoo. Hindi rin siya tumingin. Pero ramdam niyang muling bumilis ang tibok ng puso niya—hindi dahil sa ulan, kundi dahil sa lalaking ilang buwan na niyang pilit iniiwasan.
Sakto, narating na nila ang building. Agad siyang lumayo sa ilalim ng payong.
“Thanks sa pagsabay,” maikli niyang sabi, halos pabulong, bago mabilis na tumalikod.
Hindi na siya lumingon. Hindi na siya naghintay kung may sasabihin pa si Mingyu.
Pagdating niya sa hallway, tumigil siya saglit. Tiningnan ang mga papel sa kamay niya—basa lang ng konti. Parang nakalimutan nan nga niya ‘yung hawak niyang papel kanina dahil sa lalaki na katabi niya.
Akala ko tapos na ‘to. Akala ko limang buwan was enough para ma-uncrush ko siya.
Pero nang dahil sa nangyari kanina
Doon nag-sink in kay Wownoo na niloloko lang pala niya ang sarili niya.
***
asim mo seungkwan
5:40 PM
Jeonghan
(sent a photo)
explain
@Wonwoo Jeon
Seungkwan
wat iz da meaning of dis..
Joshua
HOY?
GAGO LEGIT BA
Bakit kayo magka-akbay!
Help
Jeonghan
hoy wonwoo jeon
akala ko ba move on ka na???
Seungkwan
anu 2 lowkey lng b kau ha!
Joshua
SABI NA MAY TINATAGO YAN SI WONWOO EH
yung akala natin move on na siya pero ang totoo sila
na pala 5 months na tapos lowkey lang kasi ayaw ni
wonwoo na issuehin sila dahil nga sikat si mingyu
kaya nag-iiwasan silang dalawa habang tayo
walang alam
Seungkwan
ok gawa k n au joshua..
Jeonghan
GAGI WALA RIN DAW ALAM SINA CHEOL
nagulat talaga ako kaya pinicturan ko haup
Seungkwan
emeged
Wonwoo
tangina niyo
Joshua
AYAN NA ANG BADING
Jeonghan
explain hoy!
Seungkwan
TAGAL NMN
Wonwoo
wala akong i-eexplain
bakit mo kami pinicturan!
Jeonghan
EH NAGULAT NGA AKO
Joshua
ANONG WALA KANG IEEXPLAIN
Seungkwan
spill m n hoy wag k madamot!
Wonwoo
wala naman talaga
Joshua
SUS
Wonwoo
sinabay niya lang ako kasi malakas ulan and wala
akong payong
Jeonghan
bakit may pag-akbay???
Seungkwan
trEW
Joshua
OO NGA
Wonwoo
medyo hindi kami kasya sa payong okay kita niyong
matangkad kami pareho!
kaya inakbayan niya ako para hindi kami mabasa
Jeonghan
sus
Joshua
di ako naniniwala!
Seungkwan
me tew!!!
Wonwoo
BWISIT KAYO EDI WAG
KAINIS EHHH
Joshua
HASJASHJHSALDHLKADHDKAD
Seungkwan
NAPIKON SHA ASHKASHKASHJKASHDAA
Jeonghan
AHHAHAHAHAHAHA
pero liek
wala na ba talaga wons?
read
6:23 PM
Jeonghan
luh lumayas si bakla!
Joshua
pass sa halata JASHJSJAHAHAHS
Seungkwan
SABI NA EHHH
Mahigit 10 minutes na si Wonwoo iniisip yung tanong ni Jeonghan sa group chat nila: “Wala na ba talaga?” Naka-move on na ba siya? Hindi na ba siya may crush kay Mingyu? Habang tumatakbo sa isip niya yung tanong na yun, hindi niya maiwasang mag-backtrack sa nangyari kanina, yung kung gaano kabilis tumibok ang puso niya habang magkasabay silang lumakad ni Mingyu. Yung buong math class nagrereplay sa utak niya, lalo na yung pag-akbay ni Mingyu sa kanya. Yung akbay na hindi niya inaasahan pero ramdam na ramdam niya. Yung init ng katawan ni Mingyu na dumampi sa kanya, at ang amoy ng pabango nito na par bang naamoy niya pa rin hanggang ngayon.
While those memories were playing on repeat in his head, hindi maiwasan ni Wonwoo mag-isip, sinayang ba niya yung limang buwan ng pag-iwas kay Mingyu? Lahat ng mga araw na sinubukan niyang kalimutan, lahat ng mga pagkakataon na sinigurado niyang hindi sila magkrus ng landas, maging sa klase o sa hallway. Akala niya wala eh. Yung akbay na yun—yung bwisit na akbay na ‘yun, wala, parang nabasura lahat ng ginawa niya for the past few months nang dahil lang doon.
Hindi niya alam kung anong mangyayari ngayon. Siguro tama nga sila—hindi pa talaga siya naka-move on kay Mingyu. Siguro, hindi niya talaga magagawa. Pero, honestly, hindi niya rin alam kung anong klaseng "moving on" ang pinag-uusapan nila. Dahil sa kabila ng lahat—yung pag-iwas, yung katahimikan—bakit nga ba ganun kahirap i-uncrush si Mingyu?
***
Simula nung tumungtong si Wonwoo ng Grade 9, Economics na ang paborito niyang subject. Dati, akala niya boring lang ito—puro math, numbers, at formulas. But when they started having Sir Peter as their teacher, he realized it’s so much more than that. Economics isn’t just about money; it’s about understanding how everything works. From the price of chips in the canteen to how inflation affects the cost of goods, every little thing has a connection. Bakit ang isang tinapay na dating P5, ngayon P10 na? He learned that it’s all about supply and demand, something he never thought would impact his daily life so much. Now, he’s always looking forward to every class.
"Okay, and finally, ang nakakuha ng highest score, 50/50, sa ating 3rd quiz, once again ay walang iba kundi si… Wonwoo Jeon, palakpakan niyo siya!" Napuno ng palakpakan ang room ng Mimosa, at hindi na nagulat ang mga ka-batch niya sa resulta ng quiz. Nahihiya at tahimik na kinuha ni Wonwoo ang paper niya kay Sir Peter.
“Wonwoo, paturo naman.”
“Sana, all perfect.”
“Paano niyo nagawa 'yun gagi.”
“Grabe, pangatlong beses na siyang nakaka-perfect sa quiz, tapos ako kalahati pa rin score ko.”
Napuno ng iba't ibang bulong ang room nila. Nasa room sila ngayon ng Mimosa, pinagsama ni Sir Peter ang klase nila dahil binalik lang naman niya ang test scores nila. Magaling naman talaga si Wonwoo sa Economics. Hindi niya alam pero, para sa kanya, madali lang intindihin ito. Kailangan mo lang talagang ma-absorb yung mga konsepto at formulas, tapos madali mo na ito masasagutan. Though, na-gegets niya pa rin naman yung mga nahihirapan kasi alam niya na may mga times talaga na nakakakalito ito, kaya’t kailangan mong magtiyaga at magfocus sa pag-aaral ng lessons talaga.
Matapos i-dismiss ni Sir Peter ang klase, agad nagsilabasan ang mga estudyante mula sa kanilang room. Sabay-sabay silang nagmamadali papunta sa canteen, at dahil lunch break na, siksikan na naman sa pagbaba ng mga tao. Habang ang iba ay nag-uunahan, naglakad nang magkakasunod si Wonwoo, Seungkwan, Joshua, at Jeonghan.
"Grabe, angas mo talaga, Wonwoo," biro ni Joshua habang tinutukoy ang score ni Wonwoo sa quiz nila.
"Totoo, gagi! Paano mo nasagutan yung 4th question sa dulo? Nasira braincells ko doon, hindi ko talaga masagutan," dagdag ni Jeonghan, at agree na agad sina Seungkwan at Joshua.
Natawa nang bahagya si Wonwoo, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng mga kaibigan. "Explain ko sa inyo mamaya."
“‘Yun oh, kaya mahal kita, Wonwoo,” pabirong inakbayan ni Seungkwan si Wonwoo, at pabirong nag-make face si Wonwoo sa pinakitang ka-asiman ng kaibigan na ikinatawa nila Jeonghan.
Si Wonwoo at Seungkwan ang umorder para sa kanilang apat—dalawang carbonara para kina Joshua at Wonwoo, at dalawang roasted chicken para kina Seungkwan at Jeonghan. Hindi rin naman sila tumagal sa pila, mga limang minuto lang, at surprisingly, mabilis pa nga ang takbo ng pila. Nang magbayad, kinuha nila ang mga tray at naglakad pabalik sa table nila.
Pero nang makailang hakbang lang sila, natanaw ni Wonwoo ang mga kaibigan ni Seungcheol—nagtatawanan at malugod na nakaupo sa table nila. Shit, kasabay ba namin sila mag-lunch? Naiwasan niyang magmukhang awkward, pero hindi niya maiiwasang mag-panic ng konti.
At biglang, sa di kalayuan, nakita niya si Mingyu—nakaupo sa tapat ng pwesto niya, tawa ng tawa. Lord, awa na lang po sana.
“Gagi,” ani ni Seungkwan, sabay siko kay Wonwoo nang mapansin ang dahilan ng biglaang pagtigil nito sa paglalakad. “Kasama ata natin sila… good luck, Wonwoo,” dagdag pa niya na may halong biro sa boses. Hindi alam ni Wonwoo kung anong mas nakakainis—‘yung good luck o ‘yung tono ni Seungkwan na parang nang-aasar lang talaga.
Wala silang choice kundi magpatuloy sa paglakad. Mukha naman silang mga tanga kung tatayo lang sila doon sa gitna na para bang nag-lag ang mga papansin na ito. Kaya kahit ramdam niya na unti-unti siyang kinakain ng kaba, dahan-dahan silang lumapit sa table.
“Ayan na pala sila Wonwoo, oh!” bungad ni Jeonghan habang inaayos ang tray niya. Agad siyang binati ng mga kaibigan ni Seungcheol—Vernon, Seokmin, Minghao, at syempre, si Mingyu. Nahihiyang ngumiti lang si Wonwoo pabalik, feeling like his throat dried up in less than a second.
Habang kumakain at nagkukuwentuhan ang buong table, hindi niya maiwasang matawa sa ilang kwento ng tropa ni Seungcheol. Nakakatawa naman talaga sila, lalo na si Seokmin. Paano ka nga ba hindi matatawa sa kwento niyang aksidenteng nareplyan niya ng “ano na naman” ‘yung teacher nila na nag-PM sa kaniya sa Messenger? May kulang daw siyang pinasa, pero dahil nasa spam ‘yung message at hindi rin familiar ang pangalan, napagkamalan niyang scammer o random tao. Literal na napalakas ang tawa ni Wonwoo roon.
Pero habang busy lahat sa tawanan at pagkain, si Wonwoo hirap na hirap umiwas ng tingin kay Mingyu nasa tapat niya lang. He swore he could feel his gaze sometimes—like he was being watched. At kapag pasimple siyang titingin, bigla na lang siya magpapanic . Lord, bakit ganito? Jusko po. Grabeng pagsubok ito naman po ata ito?
“Grabe, nakakamatay yung quiz sa Econ, pucha. Hindi ko talaga siya magets,” reklamo ni Mingyu habang binubuksan ang juice niya. “Baka mamaya ‘yun pa ‘yung humila pababa sa card ko, gago,” tumawa siya, pero halatang may bahid ng kaba sa boses niya.
Si Seungkwan naman, na laging may kalokohan, agad sumabat. “Ay Mingyu, paturo ka dito kay Wonwoo. Sobrang galing niyan!” sabay turo kay Wonwoo. “Tingnan niyo, ‘di ba, palaging perfect yan.”
Habang sinasabi iyon ni Seungkwan, patagong kinurot ni Wonwoo ang braso ni Seungkwan sa ilalim ng table “Aray–,”. Their friends laughed louder at the subtle exchange.
Napatingin si Wonwoo sa unahan niya at na-realize niyang nakatingin na pala sa kaniya si Mingyu. He was already smiling, clearly amused by what just happened.
Those fucking eyes. Ang hirap iwasan.
“Pero, ayos lang ba talaga na magpaturo sa’yo, Wonwoo? Baka i-consider ko rin ‘yan, bagsak din ako eh,” Doon na lang siya bumalik sa wisyo nang tumawa si Minghao.
“A-ah, okay lang naman siguro kung free ako… try ko rin mag-send ng notes ko sa inyo.”
Pagkasabi niya no’n, biglang nag-ingay ang buong table.
“‘Yun oh!” sigaw ni Seokmin habang pumalakpak pa na parang may championship na naganap.
“Ay sus, napakabait naman talaga nitong kaibigan namin,” dagdag pa ni Joshua, halatang nang-aasar.
“Thanks talaga, Wonwoo, sobrang appreciate,” sabi pa ni Minghao at ngumiti.
Nagpatuloy lang ‘yung lunch nila pagkatapos no’n, tuloy-tuloy ang kwentuhan, tawanan, at paminsang tuksuhan. Pero si Wonwoo? Tahimik lang ulit. He didn’t even know if he was eating properly anymore. Ano na naman ito, Wonwoo? Ilang beses mo na bang sinabi sa sarili mong huwag na magpa-apekto? Edi ayan ka na naman. Nalunod ka na naman sa mata ni Mingyu Kim.
***
Mingyu Kim
6:10 PM
Hi wonwoo hehe
hello
Medyo kakapalan ko na mukha ko hehe
Pwede paturo ng econ? Huhu
I can pay for your time naman, sobrang need ko lang
talaga for our next quiz 🙁
sure, pero no need to pay :)
i can teach u naman
sa gmeet lang sana though haha
Gagi hindi i insist JDHASHAS effort din ‘yun
Okay G ako sa gmeet hehe
When are you free pala?
bukas pwede ako since sabado naman
Okay okay
May training lang kami from 8 to 11
Ayos lang ba sayo mga 1 tayo?
yeah okay lang
sila minghao rin ba magpapaturo?
Ay ‘di ko lang alam sakanila
Pero parang sapat naman na sakanila kahit notes mo lang
Ako lang talaga ‘yung hindi talaga makaintindi HAJSASHASHSAJSA
ohh okayy
turuan kita bukas hahaha
Nice nice
Ako na lang magsesend ng link tom hehe
okay :)
Thank you na agad Wonwoo life saver ka AAHHASHSH
tsaka ka na mag-thank you if may natutunan ka na from me
hahahahaha
Sus for sure naman meron ‘yan
Ikaw pa ba
Idol na idol kaya kita 😁
?
HASJHSAHSASHHSA
itulog mo na lang ‘yan
Ge boss HAHAHAHAHA
Good night, wonwoo!
good night :))
1❤️
Kung pagalingan lang talaga mag-pretend na wala kang pake sa crush mo sa tuwing kausap mo siya para hindi mahalatang kinikilig ka na, uwi na kayo dahil si Wonwoo na ang panalo dito.
Pero, seryoso nga ba talaga siyang tuturuan si Mingyu? Isa na namang questionable life choice mula kay Wonwoo. Kasi naman, oo—pumayag na naman siyang i-tutor si Mingyu bukas.
Alam niyang pwede naman siyang tumanggi, pero hindi niya magawa. He knows exactly how it feels to struggle to understand something and desperately want to get better. At kitang-kita naman niya na seryoso si Mingyu, yung effort, yung concern sa grades niya, halata. So sino ba naman si Wonwoo para humindi?
He’s never understood people who gatekeep knowledge, especially sa academics. Para saan ba ‘yon? Para lang masabing mas magaling ka? Para may edge ka sa iba? Para makaramdam ka ng superiority habang pinapanood mong nahihirapan ‘yung iba? Para kay Wonwoo, nonsense lahat ‘yon. Kung may alam ka, share mo. As much as possible, gusto niyang pantay-pantay ang lahat. Walang competition, walang sapawan.
At ayun na nga tayo. Nandito na naman siya—hawak ang notes niya sa Economics, nililista kung alin ang mga parts na feeling niya kailangan ng extra explanation. Tutoring the one person he promised to move on from.
Kinabukasan, maagang nagising si Wonwoo. 7:30 AM pa lang ng Sabado pero gising na siya. Tahimik pa since Sabado nga ng umaga. Usually naman kasi mga 10 pa siya nagising kapag wala namang gawain sa Sabado. Pero siya ngayon, gising na. Hindi naman siguro halatang excited siya sa tutor session nila ni Mingyu mamaya, ‘di ba? Pagkabangon niya, dumiretso agad siya sa banyo. Para maligo at magising na ang diwa niya. Nagsuot lang siya ng simpleng white na shirt at black na shorts bago lumabas ng kwarto.
Bumaba siya papunta sa kusina, kung saan abala si Nana Jho sa paghahanda ng agahan nila. Amoy agad ng niluluto ni Nana Jho ang bumungad sa kanya.
"Uy, ang aga mo ah," bati ni Nana Jho habang naglalagay ng mainit na sinangag sa plato nang makita niya si Wonwoo. “Sabado ngayon ah, may lakad ka ba?"
“Wala naman, Nana,” sagot niya habang umiiwas ng tingin. Ayaw naman niyang sabihin na may tutor session siya mamaya kasama ‘yung crush niya kaya maaga siya gumising ‘di ba! “Magre-review lang po ako kaya maaga ako gumising.”
“Ahh, gano’n ba. Napakasipag naman pala talaga nitong alaga ko,” sabay abot sa kanya ng hotdog at itlog sa platito.
“Hmm, kailangan lang po talaga,” mahinang sagot niya at ngumiti.
Habang kumakain, napatingin si Wonwoo sa bakanteng mga upuan sa lamesa. Tahimik lang siyang nagsalita, halos bulong, “Nana, umuwi na po ba si Mommy at si Daddy?”
Umiling si Nana Jho, medyo malungkot ang tingin. “Hindi pa, anak. May biglaan na naman daw na rounds sa ospital kagabi. Pero tumawag si Mommy mo kaninang madaling araw, baka makauwi sila bukas.”
Tumango lang si Wonwoo. Hindi na siya nagtanong pa. Alam naman niya ang sagot. Sanay na siya.
Lumaki na siyang ganito ang setup—Monday to Sunday, laging may dahilan, laging may pasyente, laging may emergency. Sa murang edad, natutunan na niyang maghintay. Natutunan niyang huwag umasa ng sobra sa mga promise na “Next time, anak” o “Saglit lang ‘to, I’ll make it up to you.” Naiintindihan naman niya. Mahalaga ‘yung trabaho nila. They save lives. They’re needed. They matter. Pero minsan, kahit anong pilit niyang unawain, kahit ilang beses niyang sabihin sa sariling huwag magreklamo, may mga gabing tahimik lang siyang nakahiga, nakatitig sa kisame, at bumubulong sa hangin… bakit parang ako ‘yung laging last sa priority? Bakit parang palaging may mas mahalaga? Mas urgent. Mas kailangang unahin.
Dati, gusto niya talaga ng kapatid. Lagi siyang nagwi-wish noon—kay Santa, sa birthday candles, sa mga shooting star. Akala niya, kung may kasama siyang lumaki, baka hindi siya gano’n ka-lungkot. Pero habang tumatagal, habang paulit-ulit siyang nakakaramdam ng pagkukulang na hindi niya maipaliwanag, narealize niyang buti na lang, siya lang ang nandito. At least, siya lang ‘yung nasasaktan ng ganito. Wala na siyang ibang kailangang alalahanin kung hindi ang sarili niya. Pero, gaya ng nakasanayan, hindi niya sinasabi. Hindi niya ipinapakita. Kasi nandyan si Nana Jho. Siya ‘yung sumalo sa lahat—sa mga tanong, sa mga lungkot, sa mga birthdays na hindi nakumpleto, sa mga awards na walang tapik sa balikat, sa mga gabing dapat sana’y may yakap pero nauwi sa malamig na unan. At dahil kay Nana Jho, kahit papano, natutong ngumiti si Wonwoo. Kahit kaunti, natutong magpatawad sa mga hindi dumating.
“Nana,” tawag niya bago tuluyang tapusin ang pagkain. “Thank you po. Sa lahat.”
“Ha? Ano’ng thank you?” kunot-noong tanong ng matanda, pero ngumiti rin agad. “Ay naku, kahit kailan ka talaga. Basta kumain ka lang nang maayos at alagaan mo sarili mo, ayos na ‘ko.”
Ngumiti si Wonwoo, yung tipong konting pilit pero may totoo ring pasasalamat. Tumayo siya at tinulungan si Nana Jho sa pagligpit ng pinagkainan, bago nagpaalam, “Aakyat na po ako. Magbabasa lang ulit ng notes.”
“Okay, anak. Tawagin na lang kita pag lunch na,” sagot ni Nana habang hinahabol ng tingin si Wonwoo paakyat, parang gustong yakapin pero piniling hayaang mag-isa.
Pagpasok niya ng kwarto, dumiretso siya sa study table niya. Kinuha niya agad ang mga notebook niya, pero naisip niyang sayang naman ang maaga pa—8:45 pa lang. So binuksan na rin niya ang notes niya sa Math, Science, pati konting Araling Panlipunan.
Tahimik ang buong paligid. Kahit ‘yung pusa ng kapitbahay hindi nag-iingay. Wala rin siyang music, ayaw niyang ma-distract. Hindi na rin siya nag-dnd ng phone niya since maaga pa lang naman kaya alam niyang tulog pa sina Seungkwan kaya wala namang mag-iingay sa phone niya.
For the next two hours, tuloy-tuloy ang basa niya. Nakakunot ang noo, salit-salit sa pag-highlight at pagsusulat. May mga times na nagmumuni-muni siya, minsan tinatanong ang sarili kung tama bang pumayag siya. Pero sige lang. Notes lang muna. Bahala na mamaya.
Then suddenly, habang seryoso siyang nagbabasa ng notes niya, nag-vibrate ang phone niya sa gilid ng desk.
Tumigil siya.
Napatingin sa screen. May message.
Si Mingyu.
Mingyu Kim
11:09 AM
Hi po
Goodmorninggg
Kakatapos lang ng training namin hehe
Ay hala sorry tulog ka pa ata 😭😭
hi goodmorning din
gising na ako hahahaha
HELLOOOO
HAHSJASHJA sorry ang aga agad hyper agad
Medyo excited lang mamaya HAHAHHAHAAHAH
ay wow hahahaha
Ready na matuto from u, boss 🫡
baliw hahahaha
Pero seryoso thank you talaga sa pagpayag hehe
Sobrang desperado ko lang talaga after ko makita yung
scores ko sa tatlong quiz HAHAHAAH
Kainis talaga AHHAAHA ayoko bumagsak
mababawi pa naman ‘yan :))
3rd week pa lang naman ng 2nd quarter
Sana nga :DD
Mag-aayos na pala muna ako para makauwi na meee
Chat kita mamaya hehe
okay okayyy
Ttyl, Wonwoo!
1❤️
After their conversation, Wonwoo immediately grabbed his Economics notebook. It still felt a bit unreal na nag-uusap sila ni Mingyu sa chat. Like, never niya in-expect ‘yon. Sure, Mingyu’s friendly to everyone so hindi na nakakagulat if kinakausap siya nito in person. Pero private messages ? Sa chat? Hindi ‘yon kasama sa bingo card niya for this school year.
Okay fine, medyo OA siya sa part na ‘to—nagpapaturo lang naman si Mingyu ng Econ. Pero come on, pagbigyan na natin siya. Kung ikaw ba naman, biglang mag-message si Mingyu asking for help… eh ‘di ka rin ba kakabahan?
Wonwoo spent the next minutes re-reading his notes, trying to recall the key points para ma-explain niya nang maayos later. Gusto niya, pag tinuro niya kay Mingyu, malinaw at tuloy-tuloy. He even made a quick study plan, something like a guide kung paano niya i-a-approach ‘yung lesson para mas madaling maintindihan.
He was deep into reviewing when his phone suddenly vibrated ulit.
Mingyu Kim
12:53 PM
HIII POO
Kakarating ko lang sa bahay hehe
Sabihan mo na lang me if go na tayooo
hi wait langg
ayusin ko lang desk ko
Okie
https://meet.google.com/imy-wwmg-hmp
Eto na yung linkkk
Join na lang ikaw :DDD
Inayos agad ni Wonwoo ‘yung mga gamit sa desk niya at inayos ang mga notes at papers na gagamitin. Binuksan niya ang laptop, tinype ang code sa Google Meet, at tiningnan ang "Join" button. Bago niya ito pindutin, huminga siya nang malalim. Good luck na lang sakin.
The screen loaded, and he was greeted by Mingyu, wearing a plain black shirt. He was sitting patiently behind his gadget, eyes focused on his notebook. Mukhang nasa kwarto siya, base sa background niya. Basa pa ang buhok, halatang bagong ligo.
Wonwoo was about to say something when his eyes landed on Mingyu's hair... and for a moment, he froze.
Putangina, bagong gupit.
“Uy, andiyan ka na pala,” Mingyu chuckled softly. “Hi, Wonwoo,” Mingyu started, his voice warm, as if it was just a casual chat between friends.
Wonwoo blinked, snapping out of his trance. "Ah—oo." Napansin niyang medyo kinakabahan pa siya, kaya pinilit niyang magpatawa. "Bagong gupit?" he said with a teasing grin.
Mingyu chuckled, his hand running through his newly cut hair. "Ah, oo eh. Ayos lang ba?"
Wonwoo’s cheeks instantly flushed. Bakit ko pa tinanong yun? Eh, ang gwapo gwapo na niya. He mentally thanked all the gods that they were just on Google Meet right now.
"Yeah, maganda siya," he said, trying to sound casual, but his voice was betraying him a bit.
"Salamat, Wonwoo." Mingyu smiled, his gaze soft. "Anyway, thanks ulit ha, for agreeing to help me."
Wonwoo smiled, feeling a little more comfortable now. Ang dami na niyang thank you, wala pa nga silang nasisimulan. "Pang ilang thank you mo na yan ah? Hindi pa nga tayo nagsisimula," he teased, amused by how many times Mingyu had already expressed his gratitude kahit doon sa chats nila.
Mingyu laughed, scratching his head. "Ah, sorry naman, baka mamaya makalimutan ko mag-thank you kapag tapos na."
Wonwoo shook his head with a grin. "Baliw ka talaga. Start na natin?"
Mingyu chuckled, flashing him a wide grin. "Alright, alright. Game na!" He gave an exaggerated thumbs up, his usual energetic self.
Wonwoo started recalling their lessons. Si Mingyu, attentive na nakikinig, nagsusulat pa nga ng notes. Every time Mingyu didn’t get something, he’d ask a question, and Wonwoo would answer calmly, making sure Mingyu understood. Mabilis matuto si Mingyu, at dahil doon, mabilis ang takbo ng pagtuturo ni Wonwoo.
Wala rin silang naging problema sa formulas. Since Mingyu was good at math, the solving part came easy to him, and they didn’t need to spend too much time on it. It was the concepts where they really focused, making sure na clear at naiintindihan na ni Mingyu ang lahat.
Mingyu didn’t know it, but he was actually having a hard time when Sir Peter was the one teaching. Na-aantok siya sa malumanay nitong boses kaya't hindi niya talaga maintindihan ang mga lessons. But now that it was Wonwoo explaining things to him, everything felt different. Parang, bakit nga ba hindi ko agad naisip na ganito kadali lang pala?
"Ang dali pala kapag ikaw nag-explain," sabi ni Mingyu habang tinatapos ang pagsusulat sa notes niya. "Gagi, gets na gets ko na, ang galing mo, Wonwoo."
Napangiti si Wonwoo, hindi inaasahan na magugustuhan ni Mingyu ang paraan niya ng pagtuturo. "I'm glad na na-gets mo na, mabilis ka naman matututo eh" sagot niya, medyo nahihiya.
Mingyu leaned back in his chair, smiling. "Mabilis, magaling kasi 'yung nagturo," he said, nang-aasar.
"Baliw ka talaga," Wonwoo just laughed at it, hindi pwedeng halata na kinilig siya sa pang-asar ni Mingyu sakaniya!
They continued their lesson until they realized it was already 4 PM. Mingyu stretched his arms and let out a small sigh.
"Grabe, ang bilis ng oras," Mingyu said as he stretched his arms and yawned. "Tapos na pala?"
Nakangiti si Wonwoo, medyo relieved na rin na tapos na ang session. "Yeah, tapos na. May mga tanong ka pa?"
Mingyu shook his head, a grin plastered on his face. "Wala na, okay na ako. Salamat, ha! Ang dami ko natutunan, gagi. ‘Yun lang pala ‘yon?"
Natawa si Wonwoo, "I’m glad na marami kang natutunan," he replied, still trying to keep it casual, though he couldn’t help but feel a little proud.
Mingyu laughed softly, tapping his fingers on the table. "Grabe, parang mas gusto ko na lang makinig sa’yo," he said. "Mas malinaw ka pa mag-explain kaysa kay Sir Peter."
Wonwoo chuckled nervously, not really sure how to respond to that.
"Thanks again, Wonwoo! Sobrang thank you sa time at effort. Alam kong hindi madali magturo and maglaan ng effort sa mga ganitong bagay kaya sobrang salamat talaga. Siguro iniisip mo na ngayon na andaldal ko, pero kasi sobrang saya ko na nagets ko na siya.” Tuloy-tuloy na saad ni Mingyu, na may malapad ng ngiti sa mukha, na nagpasaya kay Wonwoo.
Ang cute putangina.
"Ayos lang talaga, Mingyu. I’m very much happy na nakatulong ako," sabi ni Wonwoo, habang ngumingiti.
Mingyu chuckled, ang saya pa rin sa tono ng boses. "Ang bait mo talaga, grabe. Tas ang cute mo pa magturo kanina, para ka palang pusa, ano?"
Nagulat si Wonwoo sa sinabi ni Mingyu, at parang may dumaan na init sa pisngi niya. Pusa? Hindi siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ni Mingyu, pero ang kilig na nararamdaman niya ay hindi na niya kayang itago. Napangiti na lang siya, bahagyang namumula ang mukha.
"Baliw ka talaga," sagot ni Wonwoo, medyo nahihiya pero naguguluhan pa rin sa sinabi ni Mingyu. He took off his glasses and pretended to clean it kasi medyo namumula siya and ayaw niya naman na makita ito ni Mingyu sa screen! Sobrang halata niya, kainis.
“Hala, medyo nagdidilim na pala. End na natin?” Mingyu asked, his voice light as always.
Nag-ayos na si Wonwoo ng mga gamit, "Yes, pahinga ka na rin muna."
Mingyu smiled widely sa screen, "Ikaw din." He then added, "Okay last na thank you ko na kasi baka mainis ka na sa akin."
Pabiro na lang umirap si Wonwoo, “Leave call na ako ha. Bye, Mingyu.”
“Bye, Wonwoo,” Mingyu said, his smile still there, before the call ended.
Dahan-dahan niyang ipinasok ang laptop sa bag at nilingon ang relo. 5:27 PM na pala. Halos limang oras pala silang magka-call ni Mingyu. Tumingin siya sa labas ng bintana, iniisip kung anong susunod. Sigurado, babalik siya sa mga normal na bagay niya—mga aralin, mga notes, and maybe a bit of time to relax after today.
Napansin niyang medyo gutom na rin siya, nang biglang narinig ang tawag ni Nana Jho mula sa kusina, "Wonwoo, baba na at kumain ka na ng dinner!" At agad niyang naisip na it's time to get back to his usual routine. He stood up, stretching his arms, and left his room quietly, ready to have dinner, pinipilit niya na huwag masyado isipin ‘yung kanin, eh ang kaso paano mo ba naman hindi iisipin ‘yun ‘di ba? 5 hours silang magkausap ni Mingyu. But before he went totally insane, bumaba na siya para kumain ng dinner.
bola bago droga
6:34 PM
Mingyu
Guys ano mas cute
(Sent 2 photos.)
Seungcheol
nuyan pre
Vernon
??
Seokmin
aanhin mo yan kupal
Minghao
random naman
bibili ka ng jiji keychains?
Seokmin
kilala mo pala si jiji pre?
Vernon
when did u start liking anime..
Seungcheol
mas cute daw yung 2nd sabi ng baby ko
Mingyu
Dami niyo agad sinabi!
Thanks sa pagsagot papi cheol 🥺
Minghao
weirdo
Seokmin
may pagbibigyan ka ba???
Vernon
yeah I agree with jeonghan, mas cute yung 2nd
Mingyu
Deadma sainyo mga walang kwenta (Minghao and Seokmin only)
Seokmin
gagu may bebe na ata si tropaaa
HAHAHAHHHAA
Minghao
hoy mingyu para kanina yan
Seungcheol
gagu baka naman sa kapatid niya
Vernon
lol
Mingyu
Secret
Basta may pagbibigyan ako 😁
Seokmin
YATAPS
Minghao
LUHHHHH KUPAL TALAGA
Vernon
sino?? HAHAHAAHAHA
Seungcheol
SINO NA NAMAN NABIKTIMA MO BOI
Mingyu
Hoy kinginaniyo!
Di ba pwedeng sa friend ko lang
Minghao
ay
Seokmin
ok di na kami magtatanong
Vernon
sino sakanila tho
Seungcheol
dami dami nang kaibigan wag na tayo magtanong
Mingyu
AHHAHAHAHAAHAHAHAH
Seungcheol
uy naalala ko si wonwoo mahilig sa jiji stuffs
binigyan ata siya nila jeonghan ng jiji stuff toys nung bday nun
kay wonwoo mo ba yan ibibigay?
Mingyu
Oo
Seokmin
LAHHHHH
Minghao
YIEEEE HAHAHAHAHAAHAHA
Vernon
ohhhh
Mingyu
Issue niyo gago
Seungcheol
hoy bat mo pinopormahan tropa ng baby ko ha
Minghao
TARANTADO HAHAHAHAHAHA
Seokmin
SIRAULO KA CHEOL TANGINAMO HAHAHAHAHAHA
Vernon
WTF AHASSAHHSHASHHSAHA
Mingyu
TANGINA
???
MAGTIGIL
Seokmin
random gagu bat mo naman bibigyan ng keychain si
wonwoo
Minghao
oo nga
close pala kayo?
Mingyu
Nagpaturo kasi ako ng econ sakaniya okay
Seokmin
HUHHHH
Vernon
kailan…?
Mingyu
Kanina?
Minghao
HA
Seungcheol
HA
Vernon
???
Seokmin
ANONG KANINA
Mingyu
Kakatapos lang ng 5 hour tutoring session ko with
Wonwoo hehe
Seungcheol
KUPAL
Seokmin
GAGO????
Minghao
TANGINA ANO RAW
Vernon
BRO WHAT
Mingyu
HAHASHJASHJSAHSHJASHSJA
Seokmin
HOY KINGINAMO MINGYU BAT DI KA NAGSASABI
Minghao
BWISIT KA MINGYU EDI SANA NAGPATURO NA RIN
AKO DIBA
Mingyu
Luh malay ko ba
Seungcheol
kupal AHHAHAHAHAHA
Seokmin
ANONG MALAY MO
Minghao
NAGTANONG KAYA AKO KAY WONWOO NUN NUNG SABAY
NATIN SILA MAGLUNCH
Seokmin
OO NGA!
Seungcheol
ginegatekeep nan si wonwoo guys
HAHAHAHHAHJASHJS
Mingyu
Ay oops
Vernon
oops amp HAHAHAHAHAHA
Mingyu
Edi
Bigyan ko na lang kayo ng notes galing sa tutor sesh namin
ASHJASHJASHJSAHAHAHAHAHAHHAHA
Minghao
BWISIT KA
Seokmin
KUPAL TALAGA
Vernon
ANLALA AHHAHAHHAHAHHAHA
Seungcheol
TAWANG TAWA AKO HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA
Isang linggo na ang lumipas mula nung study session nila. Wonwoo slowly slipped back into his usual routine—gising, aral, uwi, aral ulit, tapos tulog. Paulit-ulit lang. Wala ring gala with Seungkwan and the others this week, kasi nga naman sabay-sabay na bumuhos ang requirements ng mga subjects nila. Ang daming kailangang ipasa, ang daming kailangang aralin.
Nagkaroon din sila ng panibagong quiz sa Economics, and though he usually didn’t stress over it, this time, there was something— someone —on his mind. Mingyu. He couldn’t help but wonder how Mingyu did. After all, tinuruan niya ito nung isang araw. Somehow, a part of him hoped it helped, kahit papaano.
He thought of messaging him—just a simple “Hi, kamusta ‘yung quiz?” would do. Pero ayun, hindi niya magawa. His fingers hovered over his phone screen, staring at the empty chat box. But no message came out. Ang weird mo, Wonwoo , he thought. Bakit parang ang hirap tanungin ng simpleng bagay? Maybe he was just overthinking it. Or maybe, deep down, he was too shy to know the answer.
Napabuntong-hininga si Wonwoo matapos ang sampung minutong walang saysay na pagtitig sa screen ng phone niya. 5:00 PM na, at nasa classroom pa rin siya kasama ang mga ka-group niya sa cleaning. Nagpaiwan na siya kina Seungkwan—ayaw na rin niyang paabalahin pa ang mga ‘yon lalo na’t pare-pareho silang sabog sa requirements.
“Wonwoo, una na ako ha. Nakapag-log na ako sa cleaners' book,” sabi ni Karina habang ibinabalik ang walis sa lalagyan.
“Okay, ingat ka,” he replied with a small smile.
Isa-isa nang nagsiuwian ang mga ka-group niya. Gano’n naman talaga—siya ang laging huling umaalis dahil siya ang leader. Kailangan siguraduhing maayos ang lahat bago isara ang classroom, kundi sila ang papagalitan ng adviser kinabukasan.
Nang masiguradong malinis na ang buong classroom, sinuyod niya ulit ng tingin ang paligid, then started switching off the lights one by one. Medyo may liwanag pa rin sa labas, halos 5:30 pa lang naman.
Paglabas niya sa hallway, napansin niya agad na bukas pa ang ilaw sa room ng Mimosa. Naglilinis pa rin kaya sila? he wondered. Curiosity tugged at him, kaya medyo naglakad siya papalapit, wanting to take a quick peek. Pero bago pa siya makalapit sa pintuan, bigla itong bumukas—at doon siya natigilan.
Lumabas si Mingyu, may dalang walis tambo. Pareho silang napatigil nang magkatapat ang tingin nila.
Walang salita agad. Ilang segundo lang siguro, pero sapat para maramdaman ni Wonwoo na parang uminit bigla pisngi niya. And then, Mingyu smiled.
“Oh, Wons, andiyan ka pa rin pala?” he said, flashing that signature grin of his. His canines peeked out as he spoke.
Wons?
Hindi naman siya sanay marinig ‘yon galing kay Mingyu. Siya ang unang beses sakaniyang tumawag ng ganun.
“Ah, oo, sisilip lang sana,” sagot niya rin sa wakas.
“Hmm, bakit? May inaantay ka ba?” tanong ni Mingyu habang naglalakad papunta sa basurahan para itapon ang dumi.
“H-huh? Ah, wala naman.” Agad niyang inayos ang salamin niya. Nakakahiya naman…
“Ay, muntik ko na palang makalimutan! Pwede mo ba akong hintayin? Para sabay na tayong bumaba,” biglang sabi ni Mingyu—walang pasintabi.
Kumunot ang noo ni Wonwoo. Bakit naman siya sasabay sa’kin?
“Wait mo ‘ko ha, mabilis lang ’to, promise!” sabay balik ni Mingyu sa classroom nila. Ni hindi man lang siya hinintay makasagot!
Ang dami-daming tanong ni Wonwoo, pero eto siya ngayon—nakatayo sa gilid ng room ng Mimosa… naghihintay.
After mga limang minuto, lumabas na rin si Mingyu mula sa classroom nila. “Una na ako, Kook. Bahala ka na d’yan ha, i-mop mo na rin ‘yung board para siguradong ‘di tayo mapagalitan ni Ma’am,” sabi niya sabay tawa, habang nagsasagutan pa sila ng kaklase niyang nasa loob pa ng room. Narinig pa ni Wonwoo na may sinabi pa ulit 'yung kaklase nito, pero medyo mahina kaya hindi niya naintindihan. Sumagot din naman si Mingyu, halatang nagbibiro, “Ulol, ang issue mo talaga.”
Nang mapansin ni Mingyu si Wonwoo na nakatambay sa gilid ng room nila, agad niya itong nilapitan. Tumigil si Mingyu sa harap niya at ngumiti, “Akala ko aalis ka na eh.”
“No, may itatanong din naman ako sa’yo kaya inantay na kita,” nauna nang lumakad si Wonwoo, mahirap na baka mamula na naman mukha niya habang kausap si Mingyu!
“Huy, teka lang naman! Bilis maglakad eh,” ani ni Mingyu habang tumatawang hinabol siya sa paglalakad. Pinantayan siya ni Mingyu, they’re now walking side by side sa ramp. Kung may makakakita lang siguro sakanila ngayon, kikiligin sila sa dalawa. Bagay na bagay kahit nakatalikod eh.
Habang bumababa sila sa ramp, napansin ni Wonwoo kung gaano karaming estudyante ang nakakasalubong nila—at halos lahat ay nginitian si Mingyu. May ilan pang mukhang varsity players na nag-high five pa sakaniya habang dumadaan. Parang ang dali niyang lapitan, ang gaan ng aura niya. Sikat na sikat talaga si Mingyu.
He’s so out of my league, bulong ni Wonwoo sa isip, habang pinipilit huwag tumingin masyado sa tabi niya.
Ramdam din niya ‘yung mga tingin ng ibang estudyante sa kanila. Kasi naman, magkasabay silang bumababa—at knowing how admired Mingyu is, hindi na malabong may mag-isip ng kung anu-ano. May mga fans siguro siyang magseselos, o magtataka, o baka may magsimulang magkalat ng tsismis kinabukasan. As an overthinker, ang dami nang eksena sa utak ni Wonwoo ngayon.
“So... ano ‘yung gusto mo sanang itanong sakin?” tanong ni Mingyu habang naglalakad sila pababa ng ramp.
Medyo nagulat si Wonwoo, pero sumagot din agad. “Ah, gusto ko lang sanang malaman kung kamusta ‘yung Econ quiz kahapon?”
“Guess,” Mingyu said, bago biglang tumigil sa paglalakad. Napahinto rin si Wonwoo. Humarap si Mingyu sa kanya, may kaunting kabang halata sa mga mata. “Magaling kasi ‘yung nagturo, kaya kahit papano... hindi na ganun kababa ‘yung score ko,” sabi niya, pilit ang ngiti pero may bakas ng konting pagdududa sa boses niya.
Napangiti si Wonwoo. “Congrats,” he said genuinely, pero ramdam niyang may halong pabirong self-doubt kay Mingyu. Hindi naman sobra, pero sapat lang para mapansin ni Wonwoo.
Mingyu chuckled softly and scratched the back of his neck. “Basta, kung hindi mo ko tinulungan, baka bagsak na naman ako. Seryoso, Wons. Thank you.”
Wonwoo smiled again, this time with a bit more softness in his eyes. “Mingyu, mataas ‘yung score mo kasi pinag-aralan mo. Tinulungan lang kita mag-review, pero ikaw ‘yung sumagot sa papel. Don’t sell yourself short.”
That... made Mingyu smile—genuinely, so so genuine; his heart could melt. He couldn’t help but feel a warmth spread through him at Wonwoo’s words.
“Thanks, Wons,” he said quietly, his voice a little softer than usual. Biglang may dinukot si Mingyu sa bag niya. Wonwoo bit his lip as he stared at Mingyu na ngayo’y parang may hinahanap na treasure sa bag niya dahil sa pagkalkal niya nito.
“May ibibigay ako sa’yo, pikit ka muna,” sabi ni Mingyu, nakatalikod na siya ngayon, mukhang nahanap na ‘yung hinahanap nito sa bag niya.
Natatawa na si Wonwoo sa ginagawa ni Mingyu, pero he still followed with what he said. He bit the inside of his cheeks trying to surpass a smile while he closed his eyes. “Ang eme mo, Mingyu.”
“Wait, okay eto na, mulat ka na.”
There, he saw Mingyu. Nakangiti habang may hawak-hawak na Jiji Keyring sa isa nitong kamay.
His eyes softened..
Jiji .
It was his favorite anime cat.
How did he know it was his favorite?
“Surprise, cute ba?” ani ni Mingyu, he was smiling proudly sa harap ni Wonwoo.
“Wait–huh, paano…” Wonwoo couldn’t find the right words.
“Paano ko nalaman na favorite mo si Jiji? Secret,” Mingyu teased, his grin playful and proud as he waited for Wonwoo’s reaction.
But really, Mingyu had always noticed.
The Jiji stickers on Wonwoo’s phone case—slightly peeling at the edges but still carefully placed. The tiny Jiji pin on his bag, quietly sitting beside a worn-out keychain, as if it belonged there all along. And that black notebook with a faint Jiji print on the corner—he always brought it with him during their combined classes. It was where he scribbled notes, sometimes absentmindedly drew little things when the room fell into silence.
Kaya naman, paano niya hindi malalaman na mahilig si Wonwoo sa Jiji stuffs?
Siyempre alam niya.
Alam niya kasi...
tinitingnan niya eh.
“Ayaw mo ba? Bakit hindi mo kinukuha, akin nalang,” he joked, but before he could pull it back, Wonwoo swiftly grabbed the keyring from his hand.
“No, I want it,” Wonwoo said with a soft laugh, holding the Jiji keyring close to him. “You didn't have to, pero salamat, Mingyu.”
Mingyu smiled again, happy to see Wonwoo genuinely pleased with his small gift. Hawig niya pala si Jiji.
They continued walking side by side down the ramp. Tahimik lang sila pareho, pero hindi nakakailang. It was the kind of silence that felt safe—comfortable, even. How is that even possible to get comfortable at someone na you’re not that close naman? Iba talaga si Mingyu.
They talked about the most random things that happened to them that day. Natawa si Wonwoo habang kinukuwento ni Mingyu kung paano siya napagalitan ng Filipino teacher nila dahil hindi siya tumigil sa kakatawa sa joke ni Seungcheol. Then it was Wonwoo’s turn, ranting about how their Research teacher kept piling them with workloads pero hindi man lang nagtuturo—ano sila, manghuhula? They laughed about how Mingyu got salty kay Seokmin dahil nilaglag siya sa mga kaklase nila habang naglalaro sila ng mafia noong break time. Mingyu swore he’d get revenge next time. And then, with mock dramatics, Wonwoo shared how he almost blanked out sa Science test kanina—muntik na raw siyang bumagsak, pero naalala niya bigla ‘yung formula fifteen minutes before ipasa ang papel. Nasagutan naman daw niya lahat, thank God.
They continued talking until they didn’t realize na nasa may gate na pala sila. Huminto sila sabay.
“Paano ba ‘yan. Una na ako, Wons. Malapit na ring dumilim eh. Ingat ka,” sabi ni Mingyu, humarap saglit kay Wonwoo, may ngiti pa rin ito sa kaniyang labi. Minsan napapaisip si Wonwoo, hindi ba si Mingyu napapagod kakangiti? Default expression na ata niya ‘yun eh. Don’t get Wonwoo wrong, hindi naman siya nag-rereklamo–in fact napapangiti rin naman siya, it’s just that, sobrang gwapo kasi.
“Hmm, ikaw rin. Huwag mong kalimutan ‘yung next topic sa Econ, ha,” sagot ni Wonwoo, sabay ngiti rin.
Napatawa si Mingyu, saka umiling. “Yes, boss,” anito habang nag-salute kay Wonwoo. Napailing na lang si Wonwoo habang pinapanood si Mingyu na tumatawid papunta sa sakayan. Baliw nga talaga. Pero siguro 'yun din ang dahilan kung bakit ang gaan niyang kasama. Nang makalayo na si Mingyu, saka lang siya tuluyang lumakad papunta sa kotse ng Daddy niya.
Sa loob ng sasakyan, habang nasa byahe sila pauwi, hindi niya maiwasang mapangiti. Dahan-dahan niyang inilabas mula sa bulsa ang isang bagay—ang Jiji keyring. Hawak-hawak niya ito sa palad, hinahawakan isa-isa ‘yung details nung keyring. Hindi pa rin siya makapaniwala. Jiji. Favorite character niya. At alam ni Mingyu ‘yon? Mapapa-thank You, Lord, ka na lang talaga sa mga happenings grabe.
Pero, teka, close na ata si Wonwoo sa crush niya.
‘Yun lang, good luck na lang sa pag-momove on.
***
Matapos ang ilang linggo, tinanggap na ni Wonwoo kung ano talaga ‘yung nararamdaman niya. Hindi na siya nagpupumilit itanggi, hindi na rin siya nagtatanong kung tama ba ‘to o hindi—crush niya si Mingyu. At sa totoo lang, ayos lang naman. Hindi na kasing tindi ng dati, pero nandun pa rin ‘yung kilig.
Simpleng “Uy, Wons!” ni Mingyu habang naglalakad sa hallway, sapat na ‘yun para gumaan ang araw niya. Minsan nag-aasaran sila, minsan nagtutulungan sa acads, minsan simpleng ngitian lang. Wala na siyang inaasahan na sobra pa doon.
Hindi rin niya iniisip na umamin pa. Hindi dahil natatakot siya, kundi dahil alam niyang masaya na siya sa kung anong meron sila ngayon. Okay na siya sa ganito—‘yung may sariling tahimik na damdamin, pero walang pressure, walang kailangan patunayan.
Okay na ‘to. Sabi niya sa sarili.
Pero siyempre, hindi lahat ng bagay steady.
Isang araw, habang kasama niya ang mga friends niya pauwi, biglang nagbukas ng topic si Seungkwan. “Hala, narinig niyo na ba ‘yung chika kina Mingyu at Somi?”
Parang may biglang kung anong sumikip sa dibdib ni Wonwoo. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero parang alam na niya kung saan patungo ang sasabihin ng kaibigan niya. At ayaw niyang marinig.
Ayaw niyang kumpirmahin ang matagal na niyang hinala.
“Ha? Si Somi?” tanong ni Joshua, may halong pagkagulat.
“Oo nga, sabi nga rin sakin ni Cheol, lagi raw magkasama si Somi at si Mingyu. Lagi raw magkatabi sa room tas sabay din daw minsan kumain,” sagot ni Jeonghan. “Parang nakita pa raw nga nina Vernon na naglalakad ‘yung dalawa nang magkasama, sabay ata umuwi eh, not sure lang…”
Hindi na nagulat si Wonwoo sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. Sa totoo lang, matagal na rin siyang may napapansin. For the past few weeks, parang lagi na lang magkasama si Mingyu at Somi. Tatlong beses niya na silang nakita na sabay nagla-lunch this week. Last week, habang napadaan siya sa gym, nakita niya si Somi nakaupo sa bleachers—nando’n habang may training si Mingyu. Hindi naman siya dapat mag-assume, pero ilang beses pa ba mangyayari ‘yon? Naalala rin niya nung fire drill nila, kung saan nakita niyang pinapayungan ni Mingyu si Somi habang naka-duck sila sa labas. Ang daming tao nu’n, pero parang silang dalawa lang ‘yung nasa eksena. Recently, palagi na rin niyang napapansin na sabay naglalakad sa ramp ‘yung dalawa, nagtatawanan.
He noticed all of it. Every little moment. Every small sign.
Pero hindi niya pinansin. Ayaw niyang mag-jump into conclusions. Kasi kapag inamin niya sa sarili niya, mas lalo lang sasakit. Kaya nagbulag-bulagan na lang siya, kahit sa loob-loob niya, parang unti-unti siyang kinakain ng selos at lungkot.
Hindi niya kayang ipakita na naapektohan siya, kaya nagpatuloy siya sa paglalakad, tinitignan ang kalsadang tinatahak nila. Hindi ko nga alam kung anong meron sila ni Somi. May something na nga siguro sakanila. At doon na nga, naramdaman niyang muling sumasakit ang dibdib niya. Habang nakikinig siya sa usapan nila, may sumasagi sa isip niya: Ginusto ko siya, pinili ko siyang magustuhan, kaya bakit pa ako masasaktan sa mga ganitong bagay? Eh kung simula pa lang naman, marami nang nagkakagusto sa kanya.
Wonwoo was never the type to hold on to feelings for someone who was already happy with someone else. Kung may ka-something na si Mingyu—o jowa man ‘yon—hindi na niya kayang ituloy pa ang nararamdaman niya. Respeto na lang, hindi lang kay Mingyu, kundi lalo na doon sa taong kasama nito ngayon.
With that, Wonwoo finally decided to let go—for real this time. Hindi na half-hearted, hindi na "sige na nga, tignan pa natin." Hindi na. Mukha namang masaya si Mingyu at Somi. At kung totoo ngang gano’n, then the least he could do was be happy for them. Para kay Mingyu, na naging kaibigan niya na rin. Para sa sarili niya, na pagod na ring umasa.
Masakit? Oo. Sobra. Pero minsan, kahit masakit, alam mong tama. And for Wonwoo, this was the right thing to do.
