Work Text:
Biyernes.
Siguro madami sa inyong nag iisip kung may pangit bang ugali si Cholo. Syempre hindi naman siya perpekto. Pogi yan pero may pagka-bano rin minsan.
Ang pinakaayaw ng lahat sa kanya? Ang hirap hirap hirap niyang gisingin. Yung tipong kahit pasabugan mo siya ng bomba, hindi siya agad magigising.
At iyan ang problema niya ngayon.
Hindi naman sinasadyang makatulog ni Cholo. Hindi na nga dapat sila magbubukas ng talyer ni Mingyu ngayon dahil aalis nga sila para pumunta sa opening ng bagong branch ng pastry shop nina Han. Ang kaso, nagdala na naman ng dalawang van yung suki nilang si Mr. Singh. Ilang araw na nilang tinrabaho yung mga naunang van, nagdala pa ng panibago.
Bukod sa dalawang van na ginagawa nilang dalawa ni Mingyu, wala rin talaga siyang tulog dahil may tinapos siyang project sa isang subject niya. Halos tatlong oras lang siyang nakatulog. Hindi na lang niya pinaalam kay Han na late na siyang nakatulog at pagagalitan siya nito.
Ang ending? Sa sobrang pagod, nakatulog siya sa papag sa may talyer. Kapag ganyan, matic hindi yan iistorbohin nina Seungkwan o ni Kimmy kasi alam nilang magagalit ang kuya nila. Isang beses kasi, napagalitan si Kimmy ni Cholo kasi ginising bigla. Simula noon, di na nila pinapakialaman si Cholo kapag nasa papag.
“Kuya Gyu, ikaw na kaya gumising? Nandiyan na kasi si Kuya Jaime. Baka magtaka si Kuya Han bakit di pa kami sumabay,” sabi ni Seungkwan sa pinsan nila. Nakabihis na silang tatlo, pero si Cholo tulog pa rin.
“Kanina ko pa nga yan ginigising, kulang na lang itulak ko eh,” sagot ni Mingyu habang nagsusuot ng medyas. “Pagagalitan din ako ni lablab pag di ako nagpunta.”
“Kuya, lahat tayo lagot pag wala si Kuya Cholo doon,” nag-aalalang sagot ni Kimmy. “Kinakabahan na ko. Nakakainis naman kasi to si Kuya Cholo ang hirap hirap gisingin!”
“Nako Kimmy, wala na tayong magagawa,” sagot ni Mingyu. Tumayo na siya at saka nagpabango. "Mabuti ng mauna na kayo. Kausapin niyo na lang si Han. Itong kuya niyo susubukan ko ulit gisingin. Baka di na kayo umabot kapag hinintay niyo pa eh. Pag hinanap kami sabihin niyo pasunod na rin.”
Sabay na tumango ang magkapatid at saka lumabas na para sumakay sa van. Pinasundo na kasi sila ni Han dahil nagsimula na ang opening, wala pa rin sila.
Pagkaalis ng mga pinsan, niyugyog na lang ulit ni Mingyu si Cholo. Umuungot naman ito na parang nagigising pero bumabalik ulit sa pagtulog. Inabot na siya ng halos tatlumpong minuto bago ito tuluyang nagising sa kakayugyog niya.
“Anong oras na?” tanong ni Cholo habang nagkukusot ng mata. Pupungas pungas pa nga.
“Oras na para bumangon ka diyan kasi late na tayo, tanga! Nakailang tawag na si lablab sakin tado ka pag ako talaga hindi pinansin non kutos ka talaga sakin, Kuya Cholo!”
Napatingin sa orasan si Cholo, at dali daling bumalikwas ng bangon dahil alas siyete na nga! Alam niyang malilintikan siya kay Han kasi alas sais ang opening ng shop.
“Bakit di niyo ko ginising?!” sigaw niya habang nasa banyo. Dumiretso na siya ng ligo dahil may mga grasa grasa pa siya sa buong katawan niya. “Gago magagalit si Han nito! Late na tayo!”
“Bonak ka ba? Malamang kanina ka pa namin ginigising! Ikaw lang tong tulog mantika gago ka ba?! Simula alas tres tulog ka, boy!”
Nagmamadali nang magkuskos si Cholo. Late na nga siya, hindi pa niya aayusin maligo? Ngayon pa lang kinakabahan na siya. Alam naman niyang importante ang araw na ‘to kay Han tapos ngayon pa siya pumalpak. Buti na lang inayos na ni Kimmy yung isusuot niyang damit sa kwarto kaya pagkatapos maligo ay dali-dali siyang nag ayos. Madaling-madali na ang mga galaw niya sa sobrang taranta.
“Tara na bilis baka pasabugan na ko ni bebi pag wala pa rin ako dun,” nagmamadaling sabi ni Cholo sa pinsan. “Sa sasakyan na ko magsusuklay tara na!”
Hinagis ni Cholo ang susi kay Mingyu para ito na ang magmaneho. Hindi na niya kakayaning magmaneho kasi natataranta na siya kakaisip na galit sa kanya si Han dahil late siya sa opening.
Ilang beses na nila tong pinag-usapan. Ilang beses na siyang pinaalalahanan ni Han na kung makatulog man siya, magpagising dapat siya dahil gusto nitong nandoon siya sa opening ng pangatlong branch ng pastry shop.
Gusto na nga niyang batukan ang sarili niya kanina pa. Kung di lang siya pagtatawanan ni Mingyu baka sinapok na niya ang sarili niya sa sobrang pagkabwisit. Kung magalit si Han, wala naman siyang ibang sisisihin kundi sarili niya.
Alas otso na.
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagbaba ni Cholo sa sasakyan nang makarating sila sa Heaven’s Cloud. Halos wala ng mga tao, nakasara na ang ibang ilaw. Magkakasama sa iisang lamesa ang mga kapatid niya, sina Shua, Wonwoo at Seokmin na masayang nagkukwentuhan.
Hinanap ng mga mata niya ang nobyo. Lalo lang siyang na-guilty dahil nakita niya ito sa dulong lamesa, mag-isa at nakatungo.
Pagkapasok nila ni Mingyu ay sabay na lumingon ang lahat. Pati na rin si Han… na tumayo at saka naglakad papunta sa likurang bahagi ng shop.
“Kuya, kanina pa namin kayo hinihintay,” salubong sa kanya ni Kimmy at saka yumakap. Tinapik naman niya ang ulo nito. “Ano kasi… si Kuya Han…”
“Kumain na ba yun?”
“Hindi pa nga, kuya. Hinihintay ka para sabay na sana kayo.”
Nabasa niya ang text nito kanina. Ang isang text nito ay nagsasabing kakain na siya ng agahan, bandang alas dose na rin ng tanghali.
Ibig sabihin, hindi pa rin kumakain ulit ang nobyo niya.
“Pupuntahan ko lang muna,” ang sagot niya sa mga kapatid at kaibigan. “Dito na lang muna kayo.”
“Baka lang he went outside, Cholo,” ang sabi sa kanya ni Shua. “There’s no one at the back so baka he went outside na rin. There’s a playground kasi behind the store.”
At tama nga si Shua. Naabutan niya sa swing sa playground si Han. Nakaupo, halatang nag-iisip. Halatang malungkot.
Halos hindi na makahinga si Cholo sa halu-halong nararamdaman. Kinakabahan siya… nagui-guilty… nalulungkot. Handa naman siyang magpaliwanag. Alam naman niya kasing may kasalanan siya at nandito rin siya para humingi ng tawad.
Tahimik siyang lumapit kay Han at saka umupo sa kabilang swing.
Katahimikan.
Marahang dinuduyan ni Cholo ang swing na inuupuan, kasabay ng pagduyan ni Han sa sarili. Hindi niya malaman kung paanong magsisimula… kung paano siya hihingi ng tawad.
“Did you eat na?”
Napalingon siya kay Han nang marinig niya itong magsalita.
“There’s still food pa. You should eat your dinner.”
Marahas na pag-iling ang ginawa ni Cholo.
“Bebi…”
“You need to eat na, Cholo.”
Aray.
Cholo na lang daw.
“Bebi… sorry…”
Nakita niya ang malungkot na mga ngiting sumilay sa mga labi ni Han. Lalong nadurog ang puso niya. Hindi niya maatim na siya ang dahilan ng mga ngiting ni hindi umabot sa mga mata ni Jeonghan.
OA na kung OA pero durog na durog ang puso ni Cholo.
“Bebi… sorry po…”
Para siyang batang paslit na humihingi ng tawad dahil nahuling kumakain ng sandamakmak na kendi kahit pinagbabawalan.
“Nakatulog kasi ako sa sobrang pagod. Ano… madaling araw na kasi akong nakatulog kanina kasi may tinapos akong project…”
“I know. Kimmy told me earlier.”
“Hala nasumbong na pala.”
“I know there’s also two vans that arrived earlier. Mr. Singh’s right? You told me that when I texted.”
Halos hindi na makahinga si Cholo. Sa mga sagutan ni Han sa kanya, para siyang hinihiwa nang pira-piraso.
“I know you’re tired, Cholo. And it’s okay. I completely understand because that’s what we’ve talked about, right? To understand each other at times like this.”
Napansin niyang huminga ng malalim si Han.
“I actually called Kwannie earlier to check if you’re still sleeping. Sabi niya yes daw. I told him na if you haven’t woken up yet by the time Kuya Jaime arrives, then it’s okay. I don’t want to disturb your sleep kasi it might affect your health din.”
Lalo siyang nalungkot. Hanggang sa ganitong usapin, siya pa rin ang iniisip ng nobyo.
“But I tried to call you one last time to see if you woke up na,” malungkot na dugtong nito. Mataman lang siyang nakikinig. “Someone answered your phone.”
“Ha? Sino?”
Tumigil ito at saka bumuntong hininga.
“Margarette answered your phone. The moment she spoke, something ticked inside me. I’m not petty, Cholo, but I was soooo petty at the moment. Naiinis ako because she was there. I can’t even do anything about it because I’m so busy here sa opening.”
“Bebi, hindi ko alam na nandun—”
“I know. I know na wala kang kasalanan, Cholo. But I just… she’s someone I really don’t trust around you. I know she’s still your friend—”
“Hindi ko na kaibigan ang taong nagsasalita ng masama tungkol sa’yo.”
Tumayo na siya at tumapat kay Han. Napansin na niya ang mga mumunting luha na pumapatak sa mga mata nito. Tahimik siyang umupo sa harap nito at marahang pinunasan ang mga luha ni Han.
“I’m sorry Cholo but all the reasons I have in my head hurts my heart right now. I’m sorry if I’m being unreasonable but I’m tired. I’m so tired. I just… I just wanna go home.”
Kahit kailan ay hindi niya nakitang ganito si Han. Ayaw talaga siyang kausapin ng maayos, parang ayaw na rin siyang makita. Pero hindi naman siya susuko. Kahit kailan ay hindi niya susukuan si Jeonghan at ang pagmamahalan nilang dalawa.
Ramdam naman niyang nasaktan ang nobyo. Kahit naman siguro sa kanya mangyari yon ay halu-halong emosyon ang mararamdaman niya. Kahit naman kasi pinag-usapan na nila ang bagay na yan noon, alam naman ni Cholo na hindi madaling mawaglit sa isip ni Han ang mga sinabi sa kanya ng dating kababata.
“Gusto mo bang ihatid kita?”
Nakayuko lamang si Han at tahimik na umiiyak. Hawak ang kamay ni Cholo ay marahan itong tumango. Medyo nakahinga siya ng maluwag una dahil sa paghawak nito sa mga kamay niya, at pangalawa dahil sa pagpayag nito.
“Nasaan susi mo, bebi? Ako na magmamaneho.”
Hindi ito sumagot kaya naman napagpasyahan na niyang bumalik na muna sa loob para kunin ang mga gamit ni Han. Nakita niya ang mga kapatid at kaibigan na nagkukwentuhan.
Napatayo si Shua ng makita siya.
“Is Han okay?” tanong nito sa kanya.
“Oo, pero ihahatid ko na rin. Yung gamit niya?”
Inabot ni Wonwoo ang bag ni Han sa kanya. “Ito lang ba dala niya?”
“Yes, nandiyan na rin yung car keys niya.”
“Sige, ihatid ko na lang muna,” nilingon niya ang mga kapatid at si Mingyu. “Sabay sabay na kayong umuwi. Baka hindi ako makasunod. Hindi ko pwedeng iwan to mag-isa.”
“Kami ng bahala magsabi kay tatay, kuya,” sagot ni Seungkwan sa kanya. “Sana magkabati na kayo.”
“Ang weird pala pag hindi nakakandong si Kuya Han kay kuya ano?” singit naman ni Kimmy. “Parang may gyerang nangyari.”
“Sira kumatok ka nga,” tumayo na siya at saka nagpaalam. “Isara niyong mabuti tong shop ha? Icheck niyong mabuti yung mga nakasaksak bago kayo umuwi. Sige na, mauna na kami.”
Hindi na niya nahintay pa ang sagot nina Shua. Nagmamadaling bumalik siya sa playground para sunduin si Han.
Naabutan niya itong nakatayo, pabalik na sana sa shop nang makita siya.
“Halika na? Ihatid na kita.”
Hindi sumagot si Han sa kanya, pero kusang naglakad ito papunta sa sasakyan.
Pinagbukas niya ng pinto ang nobyo at iniabot ang bag rito pagkasakay nito sa passenger seat.
“Sa condo mo na lang ako ihatid. Wala sina mom sa bahay.”
“Gusto mo ba sa bahay ka na lang muna?”
“Can I?”
Sakit. Sobrang sakit para sa kanya na magtanong si Han ng ganyan.
“Hindi mo na dapat tinatanong yan, bebi. Alam mo namang bukas ang bahay namin palagi para sa’yo.”
“I just feel like I’m not welcome anymore.”
Hinawakan niya ang mga kamay nito at saka marahang pinatakan ng halik.
“Hindi kita pipiliting kausapin ako ngayon, bebi. Pero hindi ko kayang iwan ka mag-isa. Mas mapapanatag ako kung magkasama tayong dalawa. Mas gusto kong nasa tabi mo ako kahit masama ang loob mo para kapag gusto mo nang makipag-usap, nandoon lang ako. Kahit kailan, hinding-hindi magsasara ang bahay namin para sayo. Tandaan mo yan.”
Hindi naman nagtagal ang byahe nila pabalik sa bahay nina Cholo. Pagkaparada niya sa sasakyan sa garahe ay nauna nang bumaba si Han. Tahimik silang dalawa na pumasok sa bahay, diretso sa kwarto ni Cholo.
“Gusto mo ipag-init kita ng tubig para makaligo ka?” tanong ni Cholo kay Jeonghan. Pero hindi na ito sumagot. Sa halip, marahan itong humiga sa kama at saka tumalikod sa kanya.
Napabuntong hininga na lang siya.
Pinili na lang niyang tabihan ito. Dahan-dahan siyang humiga at yumakap sa bewang ni Han, at saka hinila ito papalapit sa kanya.
Nararamdaman niya ang mahinang pag-iyak ni Han na lalong nakadurog sa puso niya. Sa bawat paghikbi nito ay siyang unti-unting bumabasag sa puso niya.
“Bebi…”
Nagulat na lamang siya ng maramdamang marahang hawakan ni Han ang mga kamay niya, hanggang sa magdikit ang kanilang mga palad. Inilapit ni Han ang mga kamay nila sa dibdib nito.
Hindi nila binitawan ang kamay ng isa’t isa hanggang sa undayin sila ng antok.
Kinabukasan.
Naunang magising si Cholo. Kahit papaano’y namulat siya at napangiti nang makitang mapayapang natutulog sa tabi niya si Han, nakaulo ang binata sa balikat niya at nakasiksik sa kanya. Ugali na rin kasi talaga ni Han ang sumiksik sa kili-kili niya, isang bagay na gustong gusto nitong gawin lalo na kapag matutulog sila nang magkatabi.
Napatingin siya sa oras at nakitang maga-alas nuwebe na ng umaga. Sa sobrang pagod at iyak ay tulog pa rin si Han, kaya naman dahan dahan niya itong inayos ng higa at saka siya tumayo para magluto ng almusal nilang dalawa.
Alam ni Cholo na wala ang mga kapatid ngayon. May lakad si Seungkwan at kasama naman ni Kimmy si Iya. Ang tatay naman nila ay bumalik sa Laguna para dalawin ang lola nila.
Sinimulan na niyang magluto. Tapsilog na paborito ni Han, at tocilog naman sa kanya.
Nag-iinit na siya ng tubig para sa kape at milo nila nang maramdaman niyang bumukas ang pintuan ng kwarto. Paglingon niya ay nakita niya si Han, nakatayo sa may pinto at nakatingin sa kanya.
“Nagluto ako ng tapsilog,” panimula ni Cholo. “Sakto kasi nakapamalengke si Seungkwan nung isang araw. Magandang klase ng tapa yung nabili niya. Halika na, upo ka na rito. Malapit na rin akong matapos sa sinangag.”
Napansin niyang malungkot pa rin si Han, ngumiti man ito sa kanya ay hindi naman umaabot ang mga ngiting iyon sa mga mata ng kasintahan. Hindi niya maiwasang mangamba dahil ito na rin ang unang beses na hindi sila nag-usap bago man lang matulog.
Hindi na lang ata sama ng loob ang nararamdaman ni Han sa kanya.
Gets naman ni Cholo. Kaso kinakabahan na siya. Napapaisip na siya na baka maisip nitong makipaghiwalay.
Agad niya rin itong iwinaksi. Hindi. Hindi naman siguro yan makikipaghiwalay.
Siguro.
Pero hindi rin natin sigurado.
Namalayan na lang niyang nakaupo na si Han sa may hapag. Tapos na rin naman ang niluluto niya kaya naman nagsimula na siyang maghain.
“Sabihin mo kung hindi mo kayang maubos para ako na lang—”
“I’m sorry.”
Para nang malalagutan ng hininga si Cholo.
Sorry? Bakit ito nagsosorry? Sa pagkakaalam niya, siya ang may kasalanan rito. Bakit si Han ang nagsosorry sa kanya?
“I’m sorry, Cholo.”
Tangina. Ito na ata yun.
“Han… hihiwalayan mo na ba ako?”
“What?”
Hindi na niya napigilan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak.
“Ano… kasi… makikipaghiwalay ka na ba? Han… wag naman ganito…”
“Cholo…”
Hindi na niya kinaya at lumuhod na siya sa harap ni Han at saka tuluyang umiyak. Wala na siyang pakialam kung sino man ang makakita na ganito siya. Wala nang pakialam si Cholo. Hindi niya kakayanin kapag nawala si Jeonghan sa kanya.
“Sorry… alam kong nasaktan kita. Hindi ko man intensyon pero ramdam ko naman na nasaktan ka… Patawarin mo ko p-please…”
“Cholo, get up na.”
“A-ayoko…”
“Cholo…”
“A-ayoko kasi h-hiwalayan mo n-na k-ko…”
“Who told you ba na I’m breaking up with you?”
Sisinok sinok pa siyang sumagot.
“H-hindi mo n-na kasi a-ako tinat-tawag na b-babe…”
Iniangat ni Han ang mukha ni Cholo, pinunasan ang mga luha at sabay hinalikan ang magkabilang mga mata niya… sa pisngi, sa tungki ng ilong…
“I love you…”
Marahang ngumiti si Han sa kanya. Iyong kalmado, walang pag-aalinlangan.
“I’m sorry not because you think I’m breaking up with you, but I’m sorry because the thoughts were drowning my head last night.”
Patuloy pa ring pinupunasan ni Han ang mga luhang lumalandas sa pisngi niya.
“It’s something I’m not proud of, my love. I know na you think I’m this strong person but I… I have my weaknesses too. I’m just overthinking everything last night and while you weren’t there yet, those thoughts have started to drown me…”
“Bebi…”
“Wala kang kasalanan, Cholo. What you did was something that we can talk about naman. And I know you didn’t do it on purpose, my love. In fact, it’s okay if you weren’t able to come kasi I know na pagod ka from last night, you were also studying.”
“Pero sorry pa rin, bebi. Alam kong importante rin naman sayo yung opening kahapon. Pwede ko namang gawan din ng paraan.”
“I know, my love. I know that. It’s really not a big deal kasi that topic? We can talk it out naman. What triggered me lang is when she answered your phone.”
“May sinabi ba siya sayo?” umiling si Han bilang sagot. Pero hindi siya naniniwala. Hindi magiging ganito ang reaksyon ng mapapangasawa niya kung walang sinabi ang dating kababata. “Sigurado ka?”
“Let’s not talk about it na lang, my love. Please?”
“Mahal ko, pwede mong sabihin sa akin. Makikinig ako.”
Natigilan si Han, tila nag-iisip. Hinawakan naman ni Cholo ang kamay nito at marahang pinisil, sabay patak ng mumunting halik sa ibabaw ng palad ng kasintahan.
Huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“She really didn’t say anything. I swear. It’s just that… the fact she was there with you while you were sleeping triggered something in me. I started overthinking. I don’t even know why I’m overthinking in the first place. I’m so sorry, my love. Whenever she’s around you I really don’t feel safe or whatever. I really don’t trust her when she’s around you. I know it doesn’t mean anything naman but everything felt so heavy last night after that call. What if she does something to you? What if you realize na she’s better pala than me? What if you talk about the past and you realize na you love her more than me?”
Patuloy lang na pinakinggan ni Cholo si Han. Kahit gustong gusto na niya itong yakapin ay hindi niya muna ginawa, sa halip ay pinakinggan niya muna ito.
“The voices started ringing in my head. I remember vividly how she said na she’ll get you back. Na she’ll take you away from me. That I’m just rich and I know nothing. I felt so insecure kasi you have this connection that I think I can’t even break.”
“Han, wala na kaming koneksyon dalawa. Alam mo naman yun diba?”
“I know, my love. It’s just that my insecurities started to act up. I felt so small… na it made me feel that I don’t deserve you because we’re built differently.”
Hindi inaakala ni Cholo na ganito pala kalala ang naiisip ni Han. Sa kanilang dalawa kasi, si Han ang mas nagbibigay kasiguraduhan na walang magbabago sa pagitan nilang dalawa. Si Han ang mas nagbibigay ng assurance, lalo na kapag katulad nito, nilalamon na rin siya ng insekyuridad dahil sa kaibahan ng mundo nila.
Umupo si Cholo sa bakanteng upuan at saka hinila si Han paupo sa kanya. Yumakap naman pabalik si Han at saka sumiksik sa leeg ng kasintahan.
Marahang hinaplos ni Cholo ang buhok ni Han, kasabay ng pagpatak ng mumunting mga halik sa ulunan nito.
“Mahal kita,” marahan niyang sabi habang nakayakap sa nobyo. “Valid kung anong nararamdaman mo bebi pero ito sana ang pinakatatandaan mo…”
Iniangat niya ang mukha ni Jeonghan at saka pinatakan ng halik ang mga labi nito. Isa… dalawa… tatlo…
“Kapag maingay na ang paligid, kung sa tingin mong nalulunod ka na sa mga mabibigat na salitang narinig mo… sana hanapin mo pa rin ako. Kasi nandito lang ako para yakapin ka… at iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa.”
Unti-unting pumatak ang mga luha sa mata ni Han, kasabay niyon ang marahang paghaplos ni Cholo sa pisngi ng kasintahan.
“Ikaw at ikaw lang ang pipiliin kong mahalin, Han. Ngayon… hanggang sa maubos ang bukas. Mahal na mahal kita.”
