Actions

Work Header

o, babe na-in love ako with you (sana’y ako ang syota mo)

Summary:

minwon soulmates universe kung saan lumalabas bilang wrist tattoo ang lyrics ng mapapakinggan niyong kanta ng iyong one true soulmate on your first meet.

cue biktima-ng-internet-love na sina mingyu at wonwoo, limang buwan nang nag-ggood morning at good night sa isa’t isa sa Instagram, tatlong buwan nang sabay nanonood ng movies galing Loklok sa Discord, at isang buwan nang nag-aambahang magkita.

dasal ni wonwoo: patugtugin ang free love by honne sa unang meet up nila para nakaka-estetik ang kanilang soulmate tattoo… (kung siya man, jusko, sana siya, kasi ang effort ni wonwoo intindihin ang typings ni mingyu para kiligin lang)

pero may ibang plano ang nanay typings at ultimate jolina magdangal fan na si mingyu: chuva choo choo all the way!

kaya sa kanilang fateful meetup, matutupad kaya ang estetik na tattoo ni Wonwoo o mauunahan siya ng boy scout laging handa na si Mingyu?

Notes:

ito ang early ambag ko sa potluck sa 4th bittersweet birthday! here’s to the fics that bittersweet birthed, and here’s to forever hoping for a bittersweet part 2!

thx u to rosi 4 beta reading this brainrot!

don't forget to open the clickable links na nakakalat sa fic just to help u a bit visualize! <33

Work Text:

Play Eba by Kiyo

 

Hindi naman fan ng internet love si Wonwoo talaga. Matagal na siyang kinukulit ng mga tropa niyang sina Seungcheol at Jihoon na magdownload ng mga dating apps para hindi lang ang alaga niyang parrot na si Jopay ang kausap niya buong araw. Napapanisan ka na naman ng laway, Wonwoo! Saway ni Jihoon sa kanya pero bakit ba, laway niya naman! Ang advice pa nga ni Seungcheol, ang dapat ginagawa niya ay: Nakikipagpalitan ka dapat ng laway, hindi iniipon ‘yan! Bwisit na mga payo ‘yan. Masaya naman siyang nakikipagbonding lang kay Jopay, eh. 

 

Ang gusto kasi ni Wonwoo, kung mag-aaksaya siya ng oras para kilalanin ang isang tao, dapat magsimula sa emotional connection. Aba, ang hirap kaya makahanap no’n sa dating apps. Daming communication barrier, paano niya nga naman mararamdaman ang sinseridad ng isang tao na kilalanin siya kung screen ang kaharap niya? Nasubukan niya na dati na makipagchat sa isang LegMa student galing Ateneo kaso, ang kuya naman! Foreplay ata ang hanap sa Tinder! 

 

Hindi man halata sa demeanor ni Wonwoo na medyo seryoso at tahimik, pero medyo hopeless romantic siyang astig na bading. Connection at true love talaga ang gusto niya at sa mekanismo ba naman ng dating apps at tradisyon nito, sure si Wonwoo na hindi niya ‘yon mahahanap doon. 

 

Ang isa pang problema ni Wonwoo: paano kung sa hindi niya soulmate siya ma- in love? Eh, lahat pa naman ng tao sa mundo, nakatadhana para sa isang tao. Totoo naman, marami ang hindi pinapalad na magkatagpo, magmahalan, at maging endgame. Kaya hindi talaga agree si Wonwoo sa konsepto ng soulmate. Kasi nga, dahil mas gusto niya ang emotional connection, naniniwala siyang hindi dinidikta ng buhay kung sino ang soulmate mo. Kumbaga, soulmates are created. Para maging magkasingkahulugan ang taong mahal mo at soulmate mo, ikaw ang bumubuo ng mga kondisyon para siya ang tawagin mong soulmate. Kaso nga, hindi ganoon. 

 

In this world, fate has paired every single person with another. Predestined.  Lahat may kapares. The identifying marks on your wrist — are some of the lyrics of the song you and your soulmates hear when you first meet. Ang kantang mailalagay sa pulsuhan, kayang kontrolin. Pero ang soulmate mo? Hindi. It’s a vague and broad rule. May mga namamatay na lang sa mundo na hindi natatagpuan ang kanilang soulmate. People go crazy over the fact that someone out there is for them. Solely and made for them.

 

Para kay Wonwoo, ang daming lapses at inconsistencies nito. It feels so tyrant. It feels so impossible. Hindi siya naniniwala na kayang icater ng destiny ang lahat ng pagtatagpo ng magkapares. Aside from the fact that you get natural tattoos, ang dami pa ring unanswered concepts sa soulmate marks na ito. By generation ba ang pairing? Magiging magkaiba ba ang kanta sa mga pulsuhan niyo kung naka-earphones kayo pareho at magkaiba ang tugtog na narinig? Paano kung kasing dami ng tao sa Shibuya crossing? Paano niya malalaman kung sino doon ang soulmate niya? Wrist inspection? 

 

Kahit maraming tanong si Wonwoo, ang totoo niyan, wala siyang paki kung magkaroon siya ng tattoo sa pulsuhan o wala. Whatever happens, he’ll make sure he’ll fall in love. Magmamahal din siya kahit hindi pa ito ang nakatadhana sa kanya. That’s the kind of risk taker he is.

 

“Pre, kung ayaw mo ng dating app, bigay ko na lang socials mo sa mga kakilala ko para makahanap ka ng kausap,” suggest ni Jihoon. Bat ba atat ‘tong mga ‘to na magkaroon siya ng kausap?

 

“‘Yan ka na naman.”

 

“‘Di nga! Pambihira kasi nito, ang gusto mo agad meet-up, eh.” 

 

“Bakit, ano bang nakakakilig kapag screen ang kaharap mo?” ‘Yan! Kakapanood ni Wonwoo ng kung ano-anong pelikula bilang isang Film student, nagyyearn na siya sa mga eksenang hindi kailangan ang dialogue, titig pa lang, alam mo na! ‘Yung maliit na distansya kahit magkatabi kayo pero gusto mo pa ring idikit ang balikat mo sa balikat niya. Doon talaga daleng dale ang angas ni Wonwoo.

 

“Please, isang beses lang! Try mo ‘to! Communication student naman ‘to kaya baka sa kanya mo na mahanap ang free love tattoo mo,” sumimangot si Wonwoo kasi inaasar na naman siya ni Jihoon sa kantang pangarap niyang pumalupot sa pulsuhan niya. Kahit naiinis siya sa konsepto ng soulmate, mas iniisip pa rin ni Wonwoo ang romanticism ng magkakonektang lyrics sa pulsuhan at aesthetic nito. Kung matitintahan din naman by nature ang balat niya, dapat yung paborito niya nang kanta! 

 

“Ano namang pinagkaiba ng Communication student sa iba?”

 

“Baka mas kaya niyang i-navigate ang gusto mong build up sa love story,” kibit balikat ni Jihoon. 

 

“Sino ba ‘yan kase?” 

 

“Si Mingyu Kim ng Intramuros!” 

 

Habang magka-akbay sa likod ng itim niyang e-bike sina Jihoon at Seungcheol, iniisip ni Wonwoo kung papayag ba siya sa mga kalokohan ni Jihoon. Bwisit na magjowa ‘yan! Kung alam niya lang, gusto lang nila na makipag-double date sa kung sino mang jojowain ni Wonwoo. Bumuntong hininga siya.

 

“Pre, ‘wag ka namang gumitna sa kalsada,” sita ni Seungcheol. 

 

“Bubunggo ko ‘to.” Biro niya. Hindi lang siya pinilit ng dalawa niyang kaibigan na subukang kausapin ang Communication student na si Mingyu, humirit pa talagang magpalibre sa milkteahan nina Wonwoo, kung saan sila papunta ngayon. 

 

Pagkatapos humigop ng milktea ni Jihoon, sinigurado niyang naibigay niya na kay Mingyu ang socials ni Wonwoo. Sabi niya lang, basta, type mo ‘to. Habang binalaan naman siya ni Seungcheol at sinabing mabait si Mingyu. Parang siya pa talaga ang may gagawing masama kay Mingyu! Siya nga ang nacocoerce makipagchat ‘dun. 

 

Hindi na kinaya ng kuryosidad ni Wonwoo kung ano bang itsura ng Mingyu na ‘yan kaya sinearch niya ito sa instagram noong nahatid niya na (ang kapal talaga) sina Seungcheol at Jihoon. Dahil mabagal kumain at uminom, hanggang ngayon ay nakapasak pa rin ang straw ng milktea sa bibig niya at unti-unting sumisipsip habang nakatambay sa loob ng e-bike niya na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay. 

 

m1n9yu_k.

 

Hindi alam ni Wonwoo kung may naging reaksyon ba siya noong nakita niya ang mga post ni Mingyu sa IG. Napakagat siya sa straw, at naisip: ganda.

 

Sa isip ni Wonwoo: baka kaya naman pagbigyan ng kaunting oras…



˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

m1n9yu_k

eOW,, 

 

wonjeon

Hi?

 

m1n9yu_k

Nde k shur? xD

 

Kung may mukha ang ???, malamang suot suot ni Wonwoo ang ekspresyon na ‘yun ngayon. Una, tatlong araw na siyang naghihintay magchat sa kanya si Mingyu, pangalawa, sino ang gumagamit pa rin ng xD ngayon? 

 

wonjeon

Ah, sorry nagulat kasi ako nag-chat ka pa.

 

Parang ang tunog ampait no’n ah? Napakamot ng ulo si Wonwoo pero naghintay pa rin ng kasunod na message ni Mingyu.

 

m1n9yu_k

hoho, Xori nAH, Na-bz Lng Kc Nung Nkaraan…

Nsa in-h4us Taping Kc Aq Nung Binigay Ni Kua Jihoon Ang Num Mu…

pEace..

 

wonjeon

Sorry. ‘Di ko sinasadyang magtonong galit. 

 

m1n9yu_k

n0 wurii <33 h0w’s ur daY? 



wonjeon

Haha, ayos lang. Wala akong pasok ngayon. Salamat sa pagtatanong.

Pero bakit mo pinayagan na bigyan ka ng IG account ni Jihoon ng taong ‘di mo kilala?

 

Matatalo ni Mingyu si Wonwoo sa kakapalan ng mukha pero hindi sa capitalization at pagiging confrontational!

 

m1n9yu_k 

W0w, Ganurn Ang Mga tanungan…

HOHO, Pero Lagi Kc Aq Kinukulit  Ng Mga Friends q .. MakipagD8…

Kaya Nag-Suggest C Kua Jihoon. & tHat’s You.

 

Ah. Sumasakit talaga ang ulo ni Wonwoo sa paglalaro ni Jihoon bilang kupido. Paano naman kaya nagkakakilala ‘tong si Jihoon at Mingyu, eh, mukhang hindi naman nila ka-eskwela ‘tong si Mingyu. At anong date? Ibig sabihin, may balak si Mingyu na makipag-date sa kanya? Over sa ask! 

 

m1n9yu_k

Di Pa Pala Tau Nakapag Introduce…

I’m Mingyu <33 Qt LYk A Flower 

 

‘Di alam ni Wonwoo kung pinagtitripan siya ni Mingyu o ganito lang talaga siya magpakilala sa lahat. Bago siya magreply kay Mingyu, minabuti niyang i-chat muna si Jihoon. 

 

wonjeon

Ganito ba talaga mag-chat ‘to?

jijilee

ONIS

 

wonjeon

Isa ka pa para ka ring ewan ka-chat amp.

jijilee

Ulol. Sino nga?!

wonjeon

Si Mingyu

jijilee

Pa’nong ‘ganito’? Parang 5 years old, ganon?

HAHAHAHA

Oo

 

Napakamot na lang ng ulo si Wonwoo. Ano ba ‘tong pinasok niya. Sige, don’t judge a book by its typings na lang siguro, or whatever they say. Binalikan na lang ni Wonwoo si Mingyu. Hindi naman siya ang worst case jejemon typings ever.



wonjeon

Ah, oo. Sorry, hindi ako sanay kasi makipag-chat sa ‘di ko kilala.

I’m Wonwoo. Film student ako. :) 

 

m1n9yu_k

Wag Kna Magsorry plagi, Okay Lng Un.. hehe..

Aku Nmn, Communication :”> Pang-Cutie Lng. 

 

Nakumpirma nga ni Wonwoo na magkaiba sila ng university. Hindi naman sobrang layo ng distansya nila kasi Taga- Intramuros lang si Mingyu, siya naman, bandang impyerno. Ay! Bakit nga iniisip ni Wonwoo agad ang distansya. Kaya siya nasasabihan ni Jihoon na mahilig sa meet-up, eh. 

 

Kahit nagdedecode paminsan- minsan si Wonwoo ng mga chat ni Mingyu, inabot pa rin sila ng ilang oras kaka-chat. ‘Di niya namalayan ang oras, kung hindi pa sisigaw si Jopay, makalilimutan niya pa ‘tong pakainin. 

 

“Sorry, Jopay. Si Mingyu kasi, eh.” 

 

“Wonwoo pangit!” Bwisit na Seungcheol ‘yan, kung ano-ano na naman ang tinuturo sa alaga niya!

 

“Bad ‘yun, Jopay. At hindi totoo.” 

 

m1n9yu_k

Sleeping Na U?? Aga Mo Nmn matulog

Baby

 

Muntik pang mapatid si Wonwoo sa lagayan ng pagkain ni Jopay. Narinig niya na naman si Jopay sumigaw ng “Pangit!” pero hindi na niya pinansin at nireplyan si Mingyu. Anong baby? 

 

wonjeon

Yes, baby?

 

m1n9yu_k

😂😂 Pangit Nmn Ng Mga Banat Mu

Luma N Yn… 

 

Sumimangot si Wonwoo. 

 

wonjeon

Pinakain ko kasi ang alaga ko. 

 

m1n9yu_k 

Wow.. Anong Pet Mu? Dog?

 

wonjeon

Ah, hindi. Hindi ako mahilig sa aso, eh. Parrot ang alaga kong si Jopay.

 

Wala talaga sa branding niya ang mag-alaga ng parrot pero regalo kasi ng mama niya ‘yon kaya ito, spoiled sa kanya kahit araw-araw siyang kinukutya ni Jopay. Siguro sa kapitbahay nilang mag-asawa na laging nag-aaway nakukuha ni Jopay ang mga insulto niya kay Wonwoo. Pero ang madalas itawag sa kanya ni Jopay ay 

 

“Bobo!”

 

‘Yan, wala siyang masisi diyan kasi kasalanan niya talaga ‘yan kakatrashtalk niya sa mga kalaro niya, lalo kay Seungcheol. 

 

Ang akala niya, ‘di na magiging interesado si Mingyu sa parrot niya kasi… ano ba namang interesting sa parrot na matabil ang dila, diba…



m1n9yu_k

Wow.. Pwd Ptingin Ak Kay Jopay <33 

 

Tinignan ni Wonwoo ang alaga niyang hindi pa rin tumitigil sa pagsigaw ng “Bobo!” sa kanyang bintana. 

 

wonjeon

Next time na lang, nakakapikon kasi siya ngayon, eh. 

 

m1n9yu_k

:’[ Plzz Po???

 

Nak ng! Po? Mahina si Wonwoo diyan! Ngumiwi siya bago nilapitan si Jopay at kinuhaan ito ng larawan para isend kay Mingyu. 

 

wonjeon

[photo]

Ayan siya. Maingay. 

 

Pinusuan ni Mingyu ang picture ni Jopay bago nagsend ng maraming “cute”, “byutipul”, “pretty baby”. Noong una, hindi talaga naccute-an si Wonwoo kay Jopay pero, ewan niya, baka dahil na lang din sa attachment kaya mukha na siyang cute ngayon. Pero byutipul? 

 

Ang akala ni Wonwoo, hindi na siya ichachat ni Mingyu kinabukasan pero alas siete pa lang ng umaga, nakatanggap na siya ng bati mula rito. Kailangan niya pa kusutin ang mata para siguraduhing tama ang content na nabasa niya.

 

m1n9yu_k

Güd Morneng, Wonü! Rise N Shine 🌞

Eat U Ng Breakfast ! Most Important Meal Of

D Day!

 

wonjeon

Good morning, Mingyu. Kain ka rin. Maaga ba ang pasok mo?

 

Lakas mag-good morning ni Wonwoo, eh hindi naman siya pala-gising nang maaga. Sa katunayan, maaga na sa kanya ang alas diez. Swerte talaga ng mga walang pang-umagang klase. 

 

Kumunot ang noo niya nang hindi nagreply si Mingyu nang ilang oras pero pinagkibitan niya na lang ng balikat at nagsimula nang gumayak. Malamang, naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay dahil maagang nagbubukas ang mama niya ng milkteahan. May siomai, fries at nachos din silang tinitinda kaya maaga pa lang nagluluto na ang mama niya.

 

Dumaan ang dalawang klase ni Wonwoo na hindi pa rin sumasagot si Mingyu. Ghosted na ba siya? Ang OA, halos pitong oras pa lang hindi nagrereply! Baka may social life ‘yun kaya hindi masyadong nakadukdok sa cellphone niya.  

 

Siya itong hindi mahilig makipagchat pero siya ito ngayong naiinip maghintay sa reply ng ka-typings ng Mama niya. At wala pa halos isang araw. Pambihirang Mingyu ‘yan.



wonjeon

Hi, busy ka?

 

Tinusok na lang ni Wonwoo ang baon niyang siomai bago ngumiwi nang hindi man lang nag-deliver ang message niya. Imbes na titigan pa ang messages nila, binuksan niya na lang ulit ang kanyang Tiktok para sendan ng kung ano-anong bidyo ang magjowang Jihoon at Seungcheol.

 

m1n9yu_k

Good Aftie, Wonü xP

Paxenxia Nah Di AqUoh Nka-Chat

Bz Me Radio Program knina…

Lunch Ka Na?

 

Parang may imaginary “YESSSSS!” na narinig si Wonwoo nang sunod sunod na tumunog ang notification niya sa instagram. 

 

wonjeon

Hi, anong radio program? DJ ka rin ba sa school niyo?

Yes, kumain na ako. 

Kumain ka na rin ba? 

 

m1n9yu_k

Uu Nag-Eat Na Me xD 

Gnun n Nga… Student Jock Gnun…

Member Me Ng Club <33

 

wonjeon

Oh, so you’re quite good at navigating those controls sa DJ booth? That’s so cool.



m1n9yu_k

U Think?? >,< 

 

wonjeon

Yes. Tell me more about it. 

 

m1n9yu_k

Ayyy ! NAkuu, Favorite Q kpag Aq Ang DJ <33

Lagi Aq Nkkpagpatugtog Ng Mga Favorite Qng Music.. 

Hoho >.<

 

wonjeon

Ano bang mga paborito mong kanta?

 

m1n9yu_k

Mga OPM..

 

wonjeon

Wow, pinoy pride?

 

m1n9yu_k

Hnd ~! Bsta, Gs2 Q Ung Madaling Sbayan Sa Karaoke..

 

Inisip ni Wonwoo kung ano kayang mga kanta ‘yon? Si Mingyu ba ‘yung tipong fan ng mga indie artists? ‘Yung mga loyal listeners na okay lang magutom ang paborito nilang artists basta igegatekeep niya pa rin? O mga tipong pangbanda na kanta? P-Pop? 

 

m1n9yu_k

Ngaun May NgRequest Ng Kpop, Sna Wlang Soulmate

Ang Mag Meet Ngaun 4 D 1st Tym.. Kc Panu Kung Lyrics Ng APT Ang Nsa Wrist Nla… 

Shucks…

 

Bahagyang tumaas ang kilay ni Wonwoo nang unang marinig galing kay Mingyu ang usapang soulmate. Nakita na kaya ni Mingyu ang kanya? May tattoo na rin ba si Mingyu sa pulsuhan? O wala dahil nakikipag-usap pa rin siya kay Wonwoo? Ang dami agad tumatakbong tanong ni Wonwoo sa isip nang banggitin ni Mingyu ‘yon ngunit ang pinili niyang itanong ay: 

 

wonjeon

You don’t take requests?

 

m1n9yu_k

I Do… XD Pro Konteh Lng Nmn Ngrerequest

Kc Di Kmi Well-Funded… Kya MejO Kapos Sa

Promos sa Studs… Need Q MagFill In Ng Music

Kc Minsan 4 Lng Nagre2quest

Haixt..

 

wonjeon

Do you take requests from other universities, then?

 

m1n9yu_k

Hmm ?? 

 

wonjeon

Wala, gusto ko kasi sana magrequest din ng kanta. 

 

m1n9yu_k

Ngek?? XD

Di M Nmn Mppkinggan Un…

Mag-Spotify K n Lng.. Haha

 

wonjeon

Gusto ko pa ring mapakinggan ng mga schoolmate mo ang requests ko.

Pati ikaw.

 

m1n9yu_k

Cge N Nga… KWawa K Nmn… Wla K Ata

Spotify e… Send Q Sau Link Ng Livestream

Next Tym Mag DJ Aq Ulit <33

Shoutout Din KTah..

 

wonjeon

Kahit bigyan mo pa ko ng fansign mo.



˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

m1n9yu_k

Gud Morneng, Wonu <33 

Sleeping P U? 😂 

Bgay B Sken Ang Hairstyle Q..?

O Pagupet n Q?

[photo]

 

Halos mapabalikwas si Wonwoo sa higaan niya nang makita ang sinend na picture ni Mingyu. Langya, mas maganda pa sa umaga. Sa halos dalawang linggo nilang dire-diretso magkausap, ngayon lang nagsend si Mingyu ng kanyang selfie. Tinitigan pa ulit nang ilang segundo ni Wonwoo ang larawan bago nagtype ng kanyang pangmalupitang Good Morning.



wonjeon

Good morning, Min. Kagising ko lang. 

Maganda ka naman. Kahit ano bagay sa’yo. 



m1n9yu_k

Aga M Nmn Mambola, Mag-Breakfast K Nmn Muna…

 

Bahagyang natawa si Wonwoo bago nagsend ng “Okay po.” kay Mingyu at nag-unat. Malayo ang tingin ni Jopay sa kanyang cage, inaalala siguro ang mga natutunang masasamang salita sa kapitbahay nya at kina Seungcheol. 

 

Sa dalawang linggo nilang magkausap ni Mingyu, walang araw na hindi siya nakatanggap ng Good morning, good afternoon, good evening at good night (with malupitang God Bless U at Sweet Dreams on the side) kay Mingyu. Napansin niya rin na kapag nasa eskwelahan si Mingyu, hindi siya madalas nagrereply. Kaya hanggang ngayon ay sinusubukan niyang gumising nang maaga para saktuhan ang gising ni Mingyu at makapag-usap sila nang kaunti. 

 

“Musta kayo ni Mingyu, pre?” Tanong ni Seungcheol. 

 

“Wala ka bang ibang gagawin kundi chumismis? Sayang pinapabaon ng nanay mo sa’yo.”

 

“Ano nga?” Hindi talaga matatalo ng mga kutya niya ang chismoso virus ng tropa niya.

 

“Okay lang. Nag-uusap pa rin kami.” Kung hindi lang nakadukdok si Wonwoo sa ginagawa niyang storyboard (hays, ang hirap mag-drawing), nakita niya na sana ang mga makahulugang tingin nina Jihoon at Seungcheol sa isa’t isa.

 

“Ows? Dalawang linggo walang palya?” 

 

“Oo,” simple niyang sagot. 

 

“Anong impression mo kay Mingyu?” 

 

Pansin niya kay Mingyu, extroverted talaga. Social butterfly, base sa mga kwento nito. Sa loob ng dalawang linggo, nalaman agad ni Wonwoo na inoofferan si Mingyu na tumakbo sa student council post sa susunod na academic year. Pinag- iisipan ni Mingyu dahil mas gusto niya sa organization niya ngayon. Para kay Mingyu, mahalaga ang mga meals of the day. Lagi silang nag-eexchange ng mga pictures ni Wonwoo ng mga ulam nila mula almusal, tanghalian, meryenda at gabihan. Pansin niyang mas mahilig din magbaon si Mingyu ng mga lutong pagkain, habang siya, siomai, o kaya mga instant noodles na paluto sa tabi ng building niya. 

 

Dahil observant din si Mingyu, napansin niyang walang healthy eating habit si Wonwoo at puro junk food pa ang mga kinakain. Kaya nung pinaalala sa kanya ni Mingyu na mas mainam kumain ng mga totoong pagkain… Sinubukan niyang magbaon ng luto ng mama niyang tokwa’t toge. Nakatanggap siya ng “Good Job <33” kay Mingyu na bahagyang kumiliti sa sikmura niya. 

 

Nalaman din ni Wonwoo na mahilig si Mingyu sa mga palabas nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal… At fan na fan din ni Jolina si Mingyu. Kaya tuwing may mga nakikita siyang tiktok edit ni Jolina, lagi niya ng sinesend kay Mingyu ang mga ito. 

 

Parang isang malaking pelikula si Mingyu na gusto pang i-unfold ni Wonwoo. Maraming bagay ang nag-dedepina kay Mingyu dahil marami siyang gustong gawin, marami siyang napick-up na hobby kagaya ng stitching, crochet, visual arts, sports… Parang hindi nauubusan ng gustong gawin si Mingyu at hindi nauubusan ng enerhiya na tumuklas pa ng ibang mga bagay. 

 

Napaka-interesting niya. Kung isang karakter si Mingyu sa pelikula ay siya iyong character na maraming development arcs. Hindi boring at flat ang personality. 

 

“Okay naman siya,” he vaguely answered. Sa dami ng mga impression niya kay Mingyu, pinili niya pa ring igatekeep ito kina Seungcheol. 

 

Kasi, pakiramdam niya, feel niya pa lang, iba ito.

 

Kumbaga, salamat Jihoon, pero sana pabayaan muna siya ng mga kaibigan niya na namnamin ang pagdiskubre kay Mingyu. Tutal, dalawang linggo pa lang naman. 

 

“Pambihira! Nanggatekeep ka na ngayon?”

 

“Parang si Mingyu lang din!” Komento ni Jihoon kaya napaangat ang ulo niya sa magjowa. 

 

“Tinatanong mo rin si Mingyu?” Tumango si Jihoon.

 

“Paano ba kayo naging close ni Mingyu?” 

 

“Schoolmate kami noong high school. Eh, mabait kasi kaya madali lang kami naging close kahit nagkasabay lang kami sa hagdan.”

 

Parang nangangati tuloy si Wonwoo na magpakwento pa kay Jihoon kung ano si Mingyu noong high school. 

 

“Hindi naman siya teacher’s pet pero alam mong paborito ng mga teacher noong high school kasi laging maganda ‘yung mga pinapasang gawa. Alam mong sincere na nag-aaral, gano’n. Tapos laging champion sa poster making, essay writing at mga press conference! Lagi pang nag-shshare ng baon.” 

 

Kumunot ang noo ni Wonwoo.

 

“Binuburautan mo ba ng baon si Mingyu noong high school?”

 

“Hindi! Nag-ooffer lang siya, at hindi ako para tumanggi kasi masarap ang mga pagkain niya.”

 

“Sikat ‘yun si Mingyu noong high school kasi pogi lalo na kapag hawak niya na ang camera niya! Ay! ‘Di ba mahilig ka rin magpicture?” 

 

Oh, diba. Ito iyong sinasabi ni Wonwoo na ang daming layers ng pagkatao ni Mingyu na sobrang interesting. 

 

wonjeon

Kain ka na.

 

Chat ni Wonwoo kay Mingyu nang makita na lunch break na niya. Anytime now, magchachat na rin ‘yun sa kanya.

 

m1n9yu_k 

Hai Pu.. Okei :3 

Ikaw Din… 

 

wonjeon

[photo] 

Tapos na ako at gumagawa na lang ng activity. Anong ulam mo?

 

m1n9yu_k 

Sinigang <33 

😍😍😍😍

[photo]



Ang cute talaga naman! Nagsend si Mingyu na magkahiwalay ang laman ng sinigang niya at ang sabaw nitong nasa plastic labo. Mas mahilig magbaon si Mingyu dahil aniya, mas masarap ang luto niya, pangalawa, mahal ang bilihin sa paligid ng intramuros. Kinonsider din ni Wonwoo na lagi nang magbaon kaso napakamot siya sa ulo dahil hindi siya magaling magluto. Ayaw naman niyang magpaluto na sa mama niya. Hello! Hindi siya ang tipo ng mga anak na “Ma, anong ulam!” Hindi talaga!

 

wonjeon

Sarap! Kain ka marami. Schoolmate pala kayo ni Jihoon noong high school?

 

Kung iba siguro ang kausap ni Wonwoo, hindi na ito magtatagal ng dalawang linggo at lalong hindi siya magiging conversation starter! Madalas kasi ng mga nakausap niya, nadampot lang sa Tiktok ang mga personality. O di kaya, mga puro all about me. Mahabag talaga ang Diyos kay Wonwoo sa mga ganoong kausap! 

 

Pero itong si Mingyu, ang dali-dali lang magsimula ng pag-uusapan, madali lang pahabain ang mga usapan, at mas mahirap pang tapusin ang usapan nila tuwing gabi. 

 

Mga ilang araw pa sinubukan ni Wonwoo na magising nang mas maaga bago siya ( finally, finally!) nagtagumpay na magising sa eksaktong oras na namulat na rin ni Mingyu ang mata. Daig pa ata nilang dalawa ang magkaiba ang timezone! Pero ayos lang kay Wonwoo, basta maabutan si Mingyu sa umaga. 

 

“Good morning, Jopay.” Bati niya bago kinuha ang cellphone at chinat na si Mingyu.

 

wonjeon

Good morning, Min. 

 

m1n9yu_k

Wow Maaga Ka Ata 2Dei?

May Lkad K?

Gud Morning~

Rise N Shine!

 

Hindi na mapigilan ni Wonwoo na ngumiti nang pagkalaki laki nang marinig ang sunod-sunod na notification ng chat ni Mingyu. 

 

wonjeon

 Wala naman po, gusto lang kitang maabutan ngayong umaga.

 

Na para bang hindi naman sila magchachat kaunti bandang lunch! Hindi na ata kasi nasasapatan si Wonwoo sa mga pakonti-konting chat tuwing may araw pa. 

 

m1n9yu_k

Nku Yn K N Nmn,, 

Pro Ok Xori Hnd Aq Nagchchat Tuwing Nsa Iskul Mdalas..

Huhu…

 

wonjeon

Ayos lang, gusto ko rin naman. 

 

Totoo naman, though? Isip ni Wonwoo. Bukod as maabutan si Mingyu, gusto niya ring malaman kung ayos ba sa body clock niya na magising nang maaga at tulungan ang mama niya na magbalot ng siomai. Para naman hindi lang siya kumukuha sa steamer ng mama niya pag luto na, diba!

 

m1n9yu_k

Mgplantsa Lng Me Uniform, Bgo Kain… 

 

wonjeon 

Ako tinutulungan ko si Mama magbalot ng siomai.

 

m1n9yu_k

Wow Very Gud~ 

⭐⭐⭐⭐⭐

 

wonjeon

[photo] 

Agahan. Ngayon ba ang next DJ assignment mo?

 

m1n9yu_k

SaraP Ng Sinangag! Lu2 Din Aq Mya… 

Uu.. Ngaun Aq DJ ~ Send Q Link L8r hehee

Naalala Mu… :]

 

Ang cute ng :]. Parang kamukha niya talaga, hays, napabuntong hininga si Wonwoo habang sumasandok ng timpladong giniling para sa siomai. 

 

“Anong binubuntong hininga mo riyan, aber? Nakakadalawa ka pa lang na siomai.” 

 

“Hindi ma, hindi ako nagrereklamo. Wala ‘to.” Iling ni Wonwoo. 

 

wonjeon

Oo naman, isha-shoutout mo pa ako diba? 

 

Bandang alas nuebe nang umaga nang i-message ulit siya ni Mingyu sa link ng livestream ng kanilang radio program ngayong araw. Kaya pagkatapos niyang tulungan ang mama niya na buhatin ang mga siomai at iba pang gamit sa paninda nila, agad na binuksan ni Wonwoo ang link. 

 

Pabaliktad ang suot ni Mingyu sa kanyang asul na baseball cap, nakapink itong button down polo at matamis at mas maliwanag pa sa umaga ang mga ngiti habang kaharap ang mikropono niya. He was immersed in his environment. Parang ang sarap niyang panoorin in his element.

 

Hindi na naabutan ni Wonwoo ang opening spiel ni Mingyu at kasalukuyan nang tumutugtog ang Wherever You Will Go ng The Calling. Kita ni Wonwoo kung gaano ka-relax si Mingyu habang nakatingin na ngayon sa mga nasa likod ng camera, bahagyang tumatawa. 

 

Unconsciously, napahawak si Wonwoo sa kanyang dibdib. Lintek. Diyan siya mahina, eh. Sa mga pinaliliwanag ang paligid niya kapag tumatawa sila. Sa mga magaganda gaya ni Mingyu. Sa magandang si Mingyu. 

 

“Let’s tone down a bit with soft rock music, here’s Jewel’s You Were Meant For Me!” ani Mingyu pagkatapos ng naunang kanta. Walang kahirap-hirap na nagmaniobra si Mingyu sa loob ng booth. 

 

Ito rin ang unang beses na narinig niya ang boses ni Mingyu. Mas lalong naeengganyo si Wonwoo na tuklasin pa kung ano pang mayroon si Mingyu, mula sa simpleng mga paborito nitong kulay at pagkain, hanggang sa malaman pa ano ang bumubuo sa araw ni Mingyu.

 

“We’re switching up a bit, rockers! We have a request and dedication today. Here’s To Find You by Sing Street, for all the soulmates we choose and for all the soulmates we make,” Mingyu smiled. 

 

“Hi, Wonwoo. Are you listening? Here’s the promised shoutout. Sana tapos ka nang magbalot ng siomai,” Mingyu says playfully. 

 

At talaga nga namang parang tanga si Wonwoo na napatawa nang bahagya sa shoutout ni Mingyu sa kanya. Kinikilig siya. Kinikilig talaga siya! Sinabi lang naman ni Mingyu sa mga ka-schoolmate niya na nagbabalot si Wonwoo ng masarap nilang siomai, pero ang ginawa niya kinilig pa rin! Gusto niyang makita ang ngiti na ‘yan sa personal. Gusto niyang marinig nang paulit ulit ang pangalan niya galing sa bibig ni Mingyu. 

 

Mingyu. Mingyu. Mingyu.

 

wonjeon

Thank you sa shoutout, idol. Ang galing mo kanina. 



“Pre, natatakot ako sa’yo, ngayon lang kita nakitang nakangiti habang gumagawa ng script.” 

 

Kahit anong sabihin ni Seungcheol at Jihoon, walang makakasira sa mood ni Wonwoo! 

 

“Si Mingyu ba dahilan niyan?” Usisa ni Jihoon. At talaga namang nawawala ang angas niya kasi binanggit pa pang ang pangalan ni Mingyu, lumalaki na naman ang mga ngiti ni Wonwoo. 

 

“Wow, ginegatekeep mo na nga, ganyan ka pa niya pangitiin? Iba na ‘yan, ah.” 

 

Para talagang nabubusog si Wonwoo sa mga salitang sinabi niya na hindi siya kikiligin sa internet love. It turns out, he’s just trying it out with the wrong people. 

 

m1n9yu_k

Kauwe N Me.. Hayoww

 

wonjeon

Hi, Min. Traffic? 

Ang stage na nila ngayon ay may nickname basis na si Wonwoo kay Mingyu. Hinahayaan lang naman siya ni Mingyu, so Wonwoo takes that he allows it.

 

m1n9yu_k

Meju Kunteh Lng Jip 2Dai, Kya Sumabit Lng Aq

 

Hindi alam ni Wonwoo kung mag-aalala siya o maaamaze kasi batak na komyuter si Mingyu. Magaling makipagbalyahan sa ibang mga komyuter, magaling humabol ng jeep, marunong din sumabit. Habang siya, petiks lang sa kanyang pinag-ipunang e-bike dahil malapit lang naman siya sa university. 

 

wonjeon

‘Di ka nangalay?

 

m1n9yu_k

Nde Nmn… May Bumaba Agad Kya Ilang Mins Lng Nkaupo n Q :3

 

wonjeon

Ang galing mo kanina, napanood ko. 

 

m1n9yu_k

Nsabi M Nga Knina… 

Aus ba? XD

 

wonjeon

Ayos na ayos. Ang ganda ng boses mo. Parang Papa Jack levels.  

 

m1n9yu_k

Baliw… Hnd Nmn Aq Ang Kumakanta..

Nambo2la K N Nmn

 

wonjeon

Seriously, Min. Ang sarap pakinggan ng boses mo. 

 

m1n9yu_k

Col Me Then?

Pra Mrinig M Pa :”]

 

Napabalikwas si Wonwoo sa kanyang higaan. Tawag? Ano ‘yan? Video Call ba ‘yan? Dapat ba inamin niya na rin na nagagandahan siya kay Mingyu para may kasamang video?

 

Video call mo na, hekhek!

 

Para bang nag-tap out nang maaga ang guardian angel ni Wonwoo at yung humahagikhik na demonyo na lang bumubulong sa kanya. 

 

Ah, bahala na. 

 

Pinindot ni Wonwoo ang video call request at sa unang ring, bumungad ang mukha ni Mingyu sa screen, kagat ang pang-ibabang labi, nagpipigil ngumiti.

 

“Hi,” bati ni Mingyu. 

 

“Hi, Min,” balik ni Wonwoo, malapad ang ngiti. Ang ganda.

 

“Ang awkward mo.” 

 

“Sorry.” Nagagandahan kasi ako sa’yo. Tumawa lang si Mingyu.

 

“So, maganda pala ang boses ko?” 

 

“Oo, maganda kung babasahan mo rin ako ng mga love story,” ngumuso si Mingyu. 

 

“Baliw ka talaga.” 

 

“Marami-rami kang request kanina ah?” Tanong niya.

 

“Oo nga, eh! Baka lucky charm ka ng radio program namin.” Ngiti ni Mingyu bago umayos ng kaunti sa inuupuan.

 

“Hmm, baka narealize nila na maganda ‘yung DJ,” tango ni Wonwoo. Pabirong umirap si Mingyu.

 

“Ako na naman ang napili mong bolahin,” nagkibit balikat lang si Wonwoo. 

 

“Pinako si Hesus nung nagsabi siya ng totoo,” nailing si Mingyu pero bahagyang nangiti. 

 

“Wonu!” 

 

Napatingin si Wonwoo kay Jopay. Ngumiti siya kay Mingyu.

 

“Gusto mong makita si Jopay?” tanong niya. Naeexcite namang tumango si Mingyu. 

 

Tumayo si Wonwoo at lumapit sa cage ng kanyang parrot. Binuksan niya ito bago pinapatong si Jopay sa kanyang braso. 

 

“Jopay, hi ka kay Mingyu,” minuwestra ni Wonwoo si Jopay sa screen, inilalapit kay Mingyu. 

 

“Jopay, hello!” 

 

“Halow!” 

 

“Hala, sumasagot siya!” 

 

Tuwang tuwa si Mingyu kay Jopay. Kahit paulit ulit lang na Halow ang binabanggit ng parrot. 

 

“Ano nang ginagawa mo?” tanong ni Wonwoo nang mapagod na si Jopay at nagsungit na naman, kusang bumalik sa kanyang cage. 

 

“Tinutuloy lang ‘yung ineembroider kong panyo,” ani Mingyu, pinakita iyong mga gamit niya. Pinatong ni Mingyu ang cellphone niya sa mesa para ipakita kay Wonwoo kung paano siya nagbuburda. 

 

“Ano pang kaya mong gawin?” Tanong ni Wonwoo. Para kasing si Rapunzel si Mingyu sa dami ng kayang gawin. Nakanguso na naman si Mingyu habang tutok sa ginagawa niya pero sumagot pa rin.

 

“Hmm, marami. Lahat ata ng paboritong ginagawa ng Lola ko, nakuha ko, eh.” 

 

“Ang lola mo ba ang kasama mo?” 

 

“Hindi, nasa probinsya siya pero tuwing summer nung bata pa ako, dun ako lagi nagbabakasyon ta’s tinuturuan niya lang ako ng kung ano-ano.”

 

“Para kanino pala ‘yang panyo?” Tanong ni Wonwoo. 

 

“Sa kaibigan ko, regalo ko sa kanya birthday niya.” 

 

Nalaman ni Wonwoo na mahilig si Mingyu na magregalo ng mga personalized na gamit. Minsan binuburdahan niya ang mga panyo, o kaya gumagawa siya ng crocheted na keychain, o ‘di kaya dinodrawingan niya ang mga nireregaluhan niya. Mukhang hanggang sa labas ng eskwela, sincere si Mingyu sa mga bagay na ginagawa niya. Laging pinaglalaanan ng maingat niyang kamay ang mga ginagawa niya. 

 

“Mahirap nga ngayon kasi nasira yung electric ko na burdahan. Edi sana mas mabilis ako ngayon pero okay lang din,” dugtong pa ni Mingyu. Nilingon siya saglit ni Mingyu.

 

“Ikaw, anong mga pinagkakaabalahan mo?”

 

“Mahilig ako mag-games, ta’s manood ng mga movie, kaya ako nag-Film kasi gusto kong matutong gumawa ng pelikula.” Kahit hindi nakatingin si Mingyu sa kanya ay tumango ito.

 

“Anong nilalaro mo? Naglalaro din ako ng candy crush at gardenscapes,” pagbabahagi ni Mingyu. Natawa nang kaunti si Wonwoo at ni-note sa isip na magdadownload din siya ng mga laro na ‘yon mamaya. 

 

“ML, ganun. Valorant tas COD minsan.” 

 

“Naririnig ko minsan si Kuya Seungcheol na naglalaro ng ML, lagi siyang maingay at nagmumura.”

 

Tumawa si Wonwoo, “Oo, haha. Ganun din ako minsan,” kamot niya sa ulo. “Ayaw mo ba ng nagmumura?” 

 

“Ha? Hindi naman. Nagugulat lang ako kasi naiinis din naman ako sa Gardenscapes kapag hindi ko nacclear ang level pero hindi ako napapamura,” sobrang cute lang, naisip ni Wonwoo.

 

“Natuto nga si Jopay na magsabi ng ‘bobo’ dahil sa akin, eh.” 

 

Humagalpak si Mingyu sa kanyang narinig.

 

“Mas mabilis palang natututo si Jopay kapag hindi magagandang salita ang naririnig niya.” 

 

Dahil ayaw pang itigil ni Wonwoo ang video call night nila ni Mingyu, ginawa niyang pulutan ang kawawang si Jopay at nagkwento pa ng kung ano-anong mga kalokohan ng kanyang parrot. 

 

Gaya noong nangangatok at nagwawala si Jopay sa loob ng kanyang cage kapag gutom na siya, o yung nagtago si Jopay para kabahan ng kaunti si Wonwoo, o yung pinatikim ni Wonwoo si Jopay ng kaunting chicken joy. 

 

Sorry na lang, Jopay. Gagawin ni Wonwoo ang lahat para kausapin pa si Mingyu, kahit ilabas pa niya ang lahat ng baho mo. 

 

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

Simula noong unang gabi na nag-video call sila, wala nang palya ang mga gabi ni Wonwoo na puno ng mga maliliit na hagikhik ni Mingyu, mga kwentuhan nila tungkol sa mga pag-aaral, minsan ay pinagchichismisan din nila ang magjowang si Seungcheol at Mingyu, at syempre si Jopay. 

 

Tatlong buwan. Shit, tatlong buwan na silang magkausap ni Mingyu. Who’s counting ba kamo? Si Wonwoo, syempre naman! Hanggang ngayon, wala pa ring nagyayaya sa kanila na magkita. Para bang nasa magkabilang dulo sila ng Pilipinas, nasa Maynila lang naman si Mingyu at siya naman sa QC. Walang hindi kayang puntahan ng e-bike niya. 

 

Pero… Okay lang din sa kanya kahit hindi pa sila magkita. Hindi sa ayaw niyang makita si Mingyu in FLESH pero kuntento rin siya sa mga umaga na sabay nilang sinisimulan, mga hangover sa mga kwentuhan nila noong gabi na lagi silang magka-video call. Minsan, nahuhuli siya ng mama niya na nakangiting nagbabalot ng siomai. 

 

Hindi niya sinasabing ayos na siya na hindi sila magkita ah, pero sa ngayon, ‘di naman siya nagmamadali. Hindi rin naman siya dapat kabahan kasi going stable sila ni Mingyu. Going stable?!

 

Nag-upgrade na rin sila at may bago na namang habit tuwing weekend. Si Wonwoo na dati ay buong araw nag-vavalorant tuwing Sabado, ngayon, nagppresenta nang magbantay ng kanilang milk teahan, tapos manonood lang sila ni Mingyu sa Discord channel nila ng mga iba’t ibang movie. Pero madalas, mga palabas nina Marvin at Jolina. 

 

Tapos na nila iyong Flames: The Movie. Kahit ilang beses nang inulit ni Mingyu ang pelikula na ‘yon, parang first time niyang napanood noong iyon ang pinlay niya gamit ang kanyang free Loklok account. Ayos lang kay Wonwoo kahit ilang beses nilang kailangan manood ng ads ni Mingyu. Wala kasi silang pambayad sa Netflix dahil mahal kaya mas titiisin na ni Wonwoo ang mga ads kesa gumastos ng 600 piso. 

 

Minsan, ang pineplay ni Mingyu na palabas ay yung mga required si Wonwoo na panoorin sa klase nila. Nagbabahagi siya ng mga insight niya, more on sa plot pero dahil nagkukwento din si Wonwoo sa mga lighting, flow, medyo natututo din si Mingyu obserbahan ang ibang mga element ng movie. 

 

“Anong panoorin natin ngayon?” Tanong niya kay Mingyu habang nagtatakal ng chili oil para sa customer na bumili ng kanilang Japanese Siomai. 

 

“Okay lang, MarJo movie ulit?” ngiti ni Mingyu sa kanya, halatang nagpapacute. 

 

“Okay, baby.” 

 

Magaling talaga mag-multitask si Wonwoo. Kaya niyang humarot habang nagkukwenta kung magkano ang sukli ng ateng bumibili ng siomai nila na mukhang nasusura na kay Wonwoo at sa ka-video call nitong si Mingyu. 

 

Sumulyap si Wonwoo sa kanyang screen para tignan ang natahimik na si Mingyu. Nang maabot ang sukli ni ate, inadjust ni Wonwoo ang screen para matignan nang maayos si Mingyu. 

 

“Namumula ka ba?” tanong ni Wonwoo.

 

“Eh…” 

 

“Baby…” ulit pa ni Wonwoo. 

 

“Heh! Wag ka nga!” ani Mingyu, hawak na ang magkabilang pisngi. 

 

“Kala ko ba ayaw mo tawaging baby?” Asar ni Wonwoo.

 

“Hindi… sa ayaw ko. Ngayon ko lang narinig galing sa’yo.” Hawak pa rin ni Mingyu ang kanyang mga pisngi, pinipisil ito, ngunit hindi matago ang namumula niya nang tenga. 

 

Hays, sobrang cute! 

 

“Then, I’ll have to call you baby more often, then?” 

 

Mingyu just groaned, now covering his entire face. 

 

“Please manood na tayo ng Labs Kita, Okey Ka Lang,” yaya ni Mingyu. Tumawa si Wonwoo. 

 

“Okay, baby.” 

 

Hindi napansin ni Wonwoo ang teenager na naghihintay sa kanyang pagbentahan siya, na umalis na lang kasi mukhang hindi na magpapaistorbo si Wonwoo sa kanyang baby time.

 

Seryosong nanood si Mingyu habang siya paminsan minsan ay tumatayo para magtimpla ng milk tea ang mga customer niya. Nahahabol naman nya ang plot kasi hindi naman kumplikado. 

 

Predictable para kay Wonwoo ang plot ng movie pero dahil film student siya, nadissect niya pa rin on his own bakit hanggang ngayon, quoted at recommended pa rin ang palabas. ‘Yang patok na formula ng friends to lovers + famous loveteam ng kanilang generation? Huling huli talaga ang kiliti ng takilya. 

 

Siguro kaya magaan din ang palabas, despite the climactic confrontation nina Bujoy at Ned, naportray ng mga characters ‘yung mga common struggle ng mga estudyante, ng mga kabataan. Mga insecurities sa kani-kanilang pangarap, mga identity crisis sa kasalukuyan at sa hinaharap. Kung sapat ba ang lahat ng ginagawa ng nila? 

 

“Alam mo, gusto ko talaga yung chemistry nila Jolina at Marvin dito sa palabas pero mas gusto ko itong palabas sa kabuoan dahil sa atmosphere niya…” Pagbabahagi ni Mingyu habang nagroroll ang credits ng movie.

 

“Hmm? What do you mean?”

 

“Maganda yung movie kasi nagbibigay siya ng nostalgic experience na parang ang saya umakyat sa Baguio at maexperience ‘yung once in a lifetime young love moment.” 

 

“Si Canor ang paborito kong character diyan, ang intense ng confrontation nila, yung ‘Hindi magagaya sa'kin 'yang anak ko, dahil walang asawang katulad mo!’ ” ani Mingyu, bahagya pang ginagaya ang pasigaw na boses ni Canor. 

 

“Ilang taon kaya siyang nakatayo lang sa linya ng pagsisisi, panghihinayang at pag-ibig, ano?" They both fell silent. 

 

"Anong tingin mo sa film?” pagbasag ni Mingyu sa katahimikan.

 

“Hmm, maganda. Parang akalain mo na yung pinaka intense na confrontation sa palabas ay yung famous line ni Jolina, pero bigla pang tataas yung climax sa confrontation nina Kanor. Simple lang yung film pero magaling kumalikot sa mga daydream ng mga Pinoy pati mga family issues.”

 

“Nasa edge din ako ng upuan ko nung nakita ko yung post prod mistake na di nacrop yung cameraman sa kotse ni Bujoy nung hinahabol siya ni Ned,” tumawa si Mingyu.

 

“Okay, film student!”

 

Sa dami ng napanood ni Wonwoo na mga pelikula, alam niyang hindi naman high-rated itong palabas. Pero minsan, refreshing lang din makapanood ng mga simpleng pelikula, kahit pang-ilang beses niya ng nakapanood ng mga iba’t ibang version ng friends-to-lovers na mga Filipino films, maganda lang din talaga ang cinematography nito, lalo na ‘yung mga dramatic panning ng camera. 

 

Saka isa pa, ngayon lang din mas lalong naappreciate ni Wonwoo na may kasamang manood. Kasi may kasama siyang mag-react sa mga eksena, lalo at expressive pa man din si Mingyu. 

 

At sa unang pagkakataon din, nagnotify sa cellphone niya ang m1n9yu_k tagged you in a story. 

 

Panalong panalo talaga ang cinephile at maharot na si Wonwoo! 

 

Binuksan niya iyon at nakita ang picture ng screen ni Mingyu, kung saan nagroroll ang kanina pang tapos na Labs Kita… Okey Ka Lang? at ang maliit na window kung saan kita ang bahagyang nakangiting si Wonwoo, seryosong nanonood sa Huling El Bimbo scene ng palabas.

 

Binasa niya ang maliit na caption: W/ My Cinephile :]

 

My cinephile?! Tagumpay na naman si Wonwoo dahil may possessive pronoun na na ginagamit si Mingyu sa kanya. Yours! Yours talaga naman! Gustong isigaw ni Wonwoo.

 

Ni-repost niya ito ng may: 😼 na emoji. Ang translation: sobrang yabang ko na naman, MY cinephile daw. 

 

cheol.ch replied to your story: saya ka n’yan, pre? Gusto mo ‘yang inaangkin ka? 

 

jijilee replied to your story: BALIIIIIIIWWWW MALALAMAN KO RIN KUNG ANONG PINAGGAGAWA NIYO NI MINGYU TANDAAN MO ‘TO WONWOO!

 

Dedma sa dalawa niyang kaibigang chismoso. Hindi niya pa rin ito pagbibigyan na makakuha ng kahit anong scoop sa potential ng kanilang chemistry ni Mingyu. 

 

Naniniwala talaga si Wonwoo na malakas ang chemistry nila ni Mingyu. 

 

Noong mga sumunod na araw, maiksi lang ang mga video call nights nila ni Mingyu dahil busy ito sa prod. Si Wonwoo naman, palapit na rin iyong dagsa ng mga gawain niya pero kaya pa naman niya. Diba nga, sabi niya noong una niyang nakita ang mukha ni Mingyu: Kaya niyang paglaanan ng oras. 

 

“Mayroong nagvviral ngayong post sa freedom wall ng school tungkol sa radio program namin…” Panimula ni Mingyu sa kanyang kwento. 

 

“Ano ‘yun? Dahil sa’yo?” Pabiro lang siyang inirapan ni Mingyu pero bahagya ding natawa.

 

“Hindi, ang anonymous post kasi ay kwento niya kung paano sila nagkabunggo ng soulmate niya sa hallway habang may malakas na nakikinig sa show namin. Eh, tumutugtog ang Iris ng Goo Goo Dolls. Kinilig lang daw siya kasi nakita niya kung paano unti-unting natintahan ‘yung pulsuhan niya ng kanta. Ta’s ayun, nagdedate na raw sila ng soulmate niya!” 

 

“Kaya nagpapasalamat daw siya sa radio show namin dahil laging mga magagandang kanta ang pinapatugtog, tas nirerecommend niya na laging makinig sa show namin at magrequest ng mga magagandang kanta. Ayun! Lumalaki yung reach namin at nakakatanggap kami ng maraming request since kanina!” Bakas sa mukha ni Mingyu ang tuwa. 

 

“Naku! Eh, pano ‘yan, ‘di ka na makakapagpatugtog ng mga kanta ni Jolina?” 

 

“Depende… Baka ipuslit ko pa rin kahit isang kanta lang, hehe! Maganda pa rin naman ang kanta ni Jolina, bagay pa rin maging tattoo sa wrist.” 

 

“Ano bang paborito mong kanta ni Jolina?”

 

“Chuva choo choo!” Enthusiastic na sagot ni Mingyu. 

 

“Maiba ako, may kakilala ka bang soulmates na magjowa na?” Tanong ni Mingyu.

 

“Hmm, oo. Sina Seungcheol at Jihoon. Tapos may isa pa sa batchmate ko. Kaunti lang din…” pag-alala ni Wonwoo sa mga kakilala niyang may masasayang lovelife.

 

“Naniniwala ka ba sa soulmate?” tanong niya kay Mingyu.

 

“Kung sa existence lang, totoo naman talaga siya… Hmmm, pero minsan parang idealistic. Kasi syempre, paano kung natopak ang tadhana at nasa kabilang dulo pala ng mundo ang soulmate ko? Edi mas maliit ang tyansa namin na magtagpo? Para tuloy nilalabas ng concept yung competitiveness ng mga tao at minsan may mga umiikot na lang ang buhay sa paghahanap ng soulmate nila. Kasi, parang ang lungkot tanggapin na mayroon namang para sa akin, pero hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ikaw ba?”

 

“Ako, I believe soulmates are made,” ani Wonwoo. “Ayaw kong tawagin lang ang isang tao na ‘soulmate ko’ dahil sa tattoo na nagkokonekta sa aming dalawa. When souls are intertwined, that should mean we’re interconnected emotionally, we know each other’s soul. This is a person I’m entrusting all the love I could give. Hindi ko ito ipagkakatiwala basta-basta sa kung sinong tao na hindi ko naman nakilala.” 

 

Tumango- tango si Mingyu.

 

“So you don’t care about the identifying marks?” Mingyu asks. Mabilis siyang umiling. 

 

“I’m fine with finding my soulmate on my own. Because for me, a soulmate is synonymous with the person I love,” Kumbaga, soulmates? nah, hindi ang tattoo ang magsasabi kung sino ang para kay Wonwoo. He’d be the judge of that. 

 

“Wow.” Wonwoo laughs. 

 

“Why, baby? You’re impressed?” 

 

“Hmm… more than impressed, I’m relieved.” 

 

“Yeah?” 

 

“Mh-hm. Because we think the same… baby.” 

 

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

The callsign just kind of… stuck around. Hindi na hinaharang ni Mingyu ang mga pagtawag ni Wonwoo sa kanya ng baby, and he’d call Wonwoo that, too. Minsan, just to shut him up. Kasi, daleng-dale si Wonwoo kapag siya na ang natatawag na ‘baby’. Pero minsan, out of habit na lang din talaga. 

 

Nagpapogi lang si Wonwoo kasi may nakita siyang magandang salamin sa lobby ng building niya. Sakto, pogi pa ng porma niya. Kaya nag mirror selfie siya at nag- story sa IG.

 

cheol.ch replied to your story: sarap mo, pre

m1n9yu_k replied to your story: Ang Pogi M Nmn Dyan 😻

 

[to cheol.ch]

naman, boi

 

[to m1n9yu_k]

talaga po, baby? 😸 

 

m1n9yu_k

Pra Knino Nmn Yng Mga Japorms Mü… Aber

 

wonjeon

😢 Kanino pa ba?

E’di sayo lang, baby.

 

m1n9yu_k

Edi Sna Sinend M N Lng D2.. Ngppansen Kpa S Iba…

 

wonjeon

Lah, ayaw maniwala. Tag na lang kita. I-repost mo, ha.

 

E’di ano pala kayo niyan?

 

Napakamot ng ulo si Wonwoo kasi mukhang ‘di na naman nakaduty ang guardian angel niya at pinabayaan na naman siya sa kampon ng kadiliman. 

 

Ano sila? Hmm, ano… basta… Mag-baby, ganun.

 

Kamot ulo talaga! Basta, dadating din sila dun. Kasi sure si Wonwoo. Sure na si Wonwoo na iba talaga si Mingyu. 

 

Kinagabihan, imbes na pag-usapan ang buhay nina Seungcheol at Jihoon (dito na lang siya nakakaganti doon sa dalawa na ‘yon!), nagscroll lang sina Wonwoo at Mingyu sa mga entry sa freedom wall nina Mingyu habang magka video call. Si Wonwoo ang nagsheshare screen sa kanyang monitor. 

 

Sumikat talaga kasi ang radio show nila mula doon sa romantic entry noong nakaraang buwan kaya dagsa na ang mga experiences sa mga love songs, epic na mga anecdotes sa tugtugan dahil minsan patalon-talon ang genre, may mga nagpapansin din kay Mingyu. 

 

Ang daming mga random na kwento tungkol sa radio shows nila at nahagip ng atensyon ni Wonwoo ang isang entry na patungkol na naman sa identifying marks ng mga soulmate.

 

#FreedomWall9927

 

Hayup na ‘yan! Shoutout sa nag-request ng Marilag by Dionela sa PLZ.FM. Nagkataon talaga na magkakasalubong kami ng soulmate ko sa grounds tapos may nakikinig sa radio show nina Mingyu?! Hindi man lang sa romantic part ng kanta umabot! Talagang yung “Hotshot running in mind nonstop vertigo, curled plot whiskey in a teapot ethanol” tumapat nung nagkita kami! ‘Yan yung marka namin sa pulsuhan ngayon! Bwiset! ‘Di ko alam mararamdaman! Kasalanan mo ‘to Dionela!



comments:

 

Dionela: damay sibilyan na nmn

 

Ate sana binagalan mo lakad mo

 

EDI WOW SOULMATE BUTI NGA SA’YO

 

Narinig niyang humagalpak si Mingyu. Habang siya, napadasal na sana kung susulpot ‘yung tattoo niya, sana naman meaningful at may depth! Hindi yung bitin na lyrics kagaya nung sa freedom wall. Nakarating na ang isip ni Wonwoo na kung magkita sila ni Mingyu, magiging handa siya na patugtugin ang Free Love ni Honne sa kanyang e-bike para kung sakali na si Mingyu man ang soulmate niya, estetik ang kanilang connecting tattoo. 

 

Pero kung hindi, ayos lang. Ipipilit niya pa rin si Mingyu sa buhay niya. Kung papayag si Mingyu. 

 

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

“Ngek!”

 

Sa dalas nilang mag-video call ni Mingyu, naadopt na ni Jopay ang vocabulary ni Mingyu. Mas madalas na niyang naririnig ang boses ni Mingyu kesa kay Seungcheol kaya medyo mababait na ang mga salitang natututunan niya. Except sa bobo at pangit na hindi maunlearn ni Jopay. 

 

Noong nakaraan, nabanggit na rin ni Jopay ang: Hoho at Min. Tuwang tuwa naman si Mingyu noong narinig niyang banggitin ni Jopay ang pangalan niya. Pero pareho silang namula ni Wonwoo nang isigaw ni Jopay ang: Baby

 

Tapos na ang dinner time ni Mingyu pero hindi pa rin siya nagrereply kay Wonwoo. Tapos na rin si Wonwoo maghugas ng pinagkainan nila ng mama niya, nakaligo na siya pero wala pa ring reply si Mingyu. 

 

wonjeon

Baby, nagbblockblast ka na na naman. Ako naman muna lambingin mü.

 

Hindi lang ata si Jopay ang naka-adapt ng lenggwahe ni Mingyu, kundi pati rin siya. 

 

Simula nang madiskubre ni Mingyu sa ads ng Loklok ang blockblast at naengganyong idownload ito, may mga pagkakataon na hindi siya sinasagot agad ni Mingyu dahil si Mingyu pa ang may ganang magpatay ng internet niya sa phone para raw walang ads at walang istorbo (Wonwoo). 

 

Habang si Wonwoo, kapag naglalaro ng Valorant, marinig lang niya ang notification ng Instagram, hindi na siya magkandaugaga sa pag-exit ng laro niya dahil Mingyu time na. Sumalampak na lang si Wonwoo sa kama niya bago hinintay na mag-online si Mingyu.

 

m1n9yu_k

Hai Pouh… Xori, Dq Nmalayan Ang Tym… Nabeat Q Na Ang High Score Q sa BlockBlast 

 

wonjeon

Thank you nagreply ka na, nanghihina na ako kanina pa. Natapos ko na rin yung level 347 sa Gardenscapes, baby. Thank you sa tutorial

 

m1n9yu_k

OA k N Nmn… 

Wilkam Pu :}

 

Noong nakaraan halos ibato na kasi ni Wonwoo ang cellphone niya dahil lagi siyang talo sa Gardenscapes. Apat na araw na siyang nauubusan lang ng buhay pero ‘di siya nakakalampas. 

 

So, sinendan siya ni Mingyu ng mga tricks at tips habang naka screen record ang laro. Sa awa naman, nakalampas na siya sa mga mahihirap na level. 

 

m1n9yu_k

Twag N Aq hA,, Bka Nag-uungot K n Dyn

 

wonjeon

YEHEYYY

 

Hindi halatang excited si Wonwoo. YEHEY?! Sobrang saya mo? 

 

Hindi naman sila laging nagdadaldalan. Minsan sinasamahan lang nila ang isa’t isa mag-aral. Kagaya ngayon, may ginagawa si Wonwoo na storyboard at tinutulungan siya ni Mingyu kung paano magdrawing. Para silang nag-oonline class dalawa kasi dinedemonstrate sa kanya ni Mingyu kung paano magdrawing ng kamay na hindi mukhang namamaga. Maya-maya lang din, narinig na niya si Mingyu na gumagawa ng sarili niyang assignment at nanood ng… Magandang Buhay?

 

“Ano ‘yang pinapanood mo, Min?” 

 

“Hehe, Magandang Buhay.” 

 

Iyong lifestyle morning talk show nina Jolina Magdangal kasama sina Melai Cantiveros at Regine Velasquez.

 

“Kasi host si Jolina?” 

 

“Uu, pero maganda rin yung topic nila ngayong episode hehe, pang podcast ko lang kunwari,” ibang klaseng die-hard fan talaga ‘tong si Mingyu.

 

“Minsan pampatulog ko ‘to.” 

 

Gustong matawa ni Wonwoo kasi hindi na talaga siya makakakilala ng tulad ni Mingyu. Pampatulog ba naman ang Magandang Buhay?! Nakakatulog siya sa mga interview doon ng iba’t ibang artista?

 

But then, he doesn’t intend to find someone else either. 

 

Kinabukasan, inaasar siya nina Seungcheol kasi nag-story si Mingyu na ng discord session nila na nakasharescreen ang Magandang Buhay episode na pinapanood ni Mingyu kagabi. Curious na lang din talaga si Wonwoo kaya sinabayan niya si Mingyu makinig kina Jolina. 

 

“Magandang Buhay?! Seryoso ka ba! Patay na patay ka na ata kay Mingyu kaya kahit anong trip niya, g ka na, eh!” 

 

“Eh, maganda naman gawing podcast pala.” 

 

Tinawanan siya ni Seungcheol. “Pre, kala ko ba maangas ka? ‘Di ka nadadale ng internet love?”

 

Ang kinaibahan kasi, si Mingyu. Hindi yung sirkumstansya ng internet love, kundi si Mingyu. ‘Di ba, hindi ganoon ka linear ang buhay na dahil dati ayaw niya sa internet love, habang buhay nang gano’n. May ibang mga dependent factor (Mingyu) na kaya siyang baguhin. Na kaya siyang paniwalain na totoo ang internet love. 

 

At kaya rin siyang paniwalain ni Mingyu na totoo ang hypothesis niyang soulmates are made, not dictated. 

 

“Nagkita na ba kayo?” tanong ni Seungcheol sa kanya.

 

“Hindi pa.” 

 

“Ano ba ‘yan! Kaya ng e-bike mo ang Intramuros, pre!” 

 

“Tas pag dumaan ako main road, e-bike ko mababatak? Utak mo rin!” 

 

“Idiom lang yun, pre. Ang ibig kong sabihin: wala namang humahadlang sa’yo para dayuhin mo sa intramuros!” Sabay tapik sa kanya ni Seungcheol. “Gusto mo na ba si Mingyu?” 

 

“Oo.” 

 

“Oh ‘yun naman pala, eh! Ano pang hinihintay mo?”

 

“‘Di ka nagulat?” tanong ni Wonwoo kasi parang hindi ito ang reaksyon na inaasahan niya sa kanyang kaibigan. 

 

“Pre, dalawang linggo pa lang kayo ni Mingyu nag-uusap, alam ko nang iba ‘yan. ‘Di ka naman ganun, eh. ‘Di mo naman pipilitin ang sarili mo magstay pa kung hindi mo naman gusto. So? Ngayon, pang-ilang buwan niyo nang naghaharutan sa instagram?”

 

“Apat…”

 

“Dude.” Makahulugan siyang tiningnan ni Seungcheol. “Tanong mo na siya kung gusto niya bang sakyan ang e-bike mong pang- Charles Leclerc ang galawan.” Tawa ni Seungcheol.

 

“Ulol.”

 

“‘Di nga, pre. H’wag mo nang hintayin si Mingyu. Hindi kabawasan sa gwapo mong ‘yan magkusang tanungin siya kung gusto niya bang makipag meetup.” 

 

Sakto namang papalapit si Jihoon. Malapad ang ngiti at may winawagayway na papel sa kamay niya. 

 

“Wonwoo! May free premium tickets akong napanalunan sa org namin kanina. Screening ng bagong movie nina Jolina at Marvin!” 

 

Sa unang pagkakataon na binanggit ni Wonwoo ‘yung ticket, hindi na niya kailangang i-elaborate pa kay Mingyu.

 

“Niyaya mo ba akong manood kasama ka?” Ngiti ni Mingyu.

 

“Hmm.. ‘Di naman ako nag-iinsist. Pero binigay ni Jihoon itong ticket, gusto kong ibigay sa’yo at ikaw ang bahala kung anong gagawin mo sa tickets mo. Kung ako ang gusto mong kasama, edi yehey. Kung hindi, ayos lang, sa’yo pa rin naman ito.” 

 

Ang maliit na ngiti ni Mingyu kanina ay unti-unting lumaki. Kanina pa siya nadidistract sa itsura nito dahil sobrang gandang bagong ligo. Pero, talaga naman. Talaga namang ngiti ‘yan. 

 

“Okay, panoorin natin.” 

 

YESSSSSS! Sigaw ng guardian angel at little demon ni Wonwoo. Success! Makikita na niya si Mingyu! 

 

Isang buwan pa ‘yon mula sa kasalukuyan pero ayos lang, mabilis na lang ang araw para kay Wonwoo.

 

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

Dahil hell week kina Mingyu, hindi siya nakakabalik bilang DJ sa radio show nila. May iba munang nagssubstitute sa kanya. Dahil na rin sa traction na naani ng kanilang program nitong mga nakaraang buwan, nagkaroon na ng iba’t ibang segment ang show nila. 

 

Pwede nang magsend ng anonymous request at dedication! Kaya kahit ang outsider na gaya ni Wonwoo ay naiinfiltrate ang istasyon ng unibersidad nina Mingyu. 

 

Halos apat na araw nang hindi sila masyadong nagkakausap ni Mingyu dahil busy talaga siyang magshoot, mag-review, gumawa ng sandamakmak na activity, at pumunta sa iba’t ibang community. 

 

Pero hindi pa rin nakalilimutan ni Mingyu na bumati kay Wonwoo, magsend ng mga magaganda niyang selfie na kahit pawis si Mingyu at halata ang pagod sa mata, sobrang ganda pa rin niya sa paningin ni Wonwoo. 

 

“This next song… is dedicated to our DJ Gyu who’s very busy right now. Don’t worry, rockers, Gyu won’t be away for so long. So here’s a song for our beloved DJ Gyu, to cheer him up, this is Eba by Kiyo. Our sender has something to say to you, Gyu.”

 

“Mingyu, good luck on your exams. I just want to say that I’m grateful to you because you chose me through all the words I choke on — all those I’m having a hard time to say. And anyhow, through you, I have learned that even if I do get burned, I’d walk through fire everyday if it meant giving you half of what you’ve given me.”

 

That’s straight up a confession. But Wonwoo didn’t want to say it directly through the anonymous dedication. If he’s going to tell Mingyu he likes him, it would only be Mingyu who would hear it. 

 

Gusto niyang sa personal niya sabihin kay Mingyu na with or without that identifying marks, Wonwoo would still choose to like Mingyu. Conscious choice. He walked right through this. Eyes wide open.

 

Wonwoo had learned to love Mingyu with intent. 

 

wonjeon

Good Aftie. 

😹 Did I say that right?

Whatever, you do this better so I’ll stick to my own typings.

Kumain ka na ba?

I miss you.

 

Kumbaga, nawalan na ng self-restraint ang yearning ni Wonwoo kay Mingyu. Okay lang, there’s no point in denying na namimiss ni Wonwoo si Mingyu. Kahit pumalakpak pa si Seungcheol at sabihan siyang 👏OA👏. Apat na araw lang gumaganun na si Wonwoo sa radyo ng ibang eskwela? Na para bang sa kanya ang lahat ng oras sa mundo at wala siyang tinatapos na review paper. 

 

wonjeon

Good evening, Min. 

Hope you got home safe. Pahinga ka na. 

 

Habang pinagpapatuloy ni Wonwoo ang pagdadissect sa napagdiskatahan niyang 80s film, narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya sana papansinin dahil naka pomodoro siya pero pamilyar ang pattern ng sunod sunod na notification.

 

m1n9yu_k

Hai, Bibi.. :} Xori Nde N Nmn Aq NkaChat Knina

Di Aq NagSkip ng Meals Promise

Cross My Hart </3

Nrinig Q Ang Song Mü 4 Me…

Ü Make My Heart Hapi.. Hehe..

 

Para talaga kay Mingyu, kahit ang pomodoro, babanggain ni Wonwoo. Agad niyang binitawan ang ginagawa para magtype ng reply kay Mingyu.

 

wonjeon

Hi. It’s okay, I’m glad you’re eating well. Will you stay up late today?

 

m1n9yu_k

Hnd Nmn… Finish Q Lng Ang 1 Assignment… 

Essay Lng. It’ll be Quick.

 

wonjeon

Okay, open ko na discord

 

m1n9yu_k

Yeyyy :]]

 

Maya-maya, napapansin ni Wonwoo na medyo distracted si Mingyu kahit pareho silang busy magtype. Minsan, nagtatanong si Wonwoo ng mga English words kay Mingyu na nasa dulo ng dila niya. Minsan naman, nagpapacheck si Mingyu kung okay lang ba ang sentence construction niya kay Wonwoo.

 

“You’re distracted?” Tanong ni Wonwoo.

 

Umiling naman si Mingyu, “Hindi man. Iniisip ko lang yung message mo kanina sa kanta.” 

 

“Alin doon? Yung dedication o yung meaning ng kanta?” Mingyu put his index finger on the side of his forehead, to visualize that he’s thinking. So cute, naisip ni Wonwoo.

 

“Both.” Nagkibit balikat si Wonwoo.

 

“I would want to explain this but this would take a long time and I want you to rest. Besides, we have a lot of time for this, right, baby?”

 

“Mhm.”

 

“But, hey. You don’t have to think too much. I’m serious about you.” 

 

“Nafifeel ko naman…” Wonwoo smiles. 

 

“Okay, then. I’m in no rush.” 

 

Sa katunayan, hindi rin nanghihingi si Wonwoo ng kapalit. He wouldn’t want to impose his feelings on Mingyu. But rather, he wants to earn it. Ayaw niyang ienclose si Mingyu sa mga possible choices just to cater his feelings. 

 

The next night, Mingyu was a bit down. His mood wasn’t usually light but he said he wanted to see Wonwoo. So, they bask in the silence while Mingyu sighs from time to time. 

 

“Gusto mo ba ng milk tea?” 

 

“Hmm?”

 

“Milk tea. Masarap ang milk tea namin. Pangpa-cheer up.” Mingyu smiled a bit and nodded. 

 

“Sige.”

 

Hindi nagtanong ang mama niya kung bakit biglang sumugod si Wonwoo sa pwesto nila at biglang nagtimpla ng Wintermelon milktea, naglagay pa ng creamcheese at maraming boba pearls. Pagkatapos magbalot ng milk tea, hindi pa nakuntento si Wonwoo at nagbalot pa ng siomai at toasted siopao. 

 

“Ma, bayaran ko ito mamaya, ha?” Ani Wonwoo.

 

“Dapat lang, aba? Bakit ka pa nagpapaalam na babayaran mo? Tanda ko ‘yang mga pinagpupulot mo.” Hinalikan lamang ni Wonwoo sa pisngi ang mama niya bago sunod na nag book ng lalamove. Lakas talaga ni Mingyu sa kanya na nilagay pa ni Wonwoo sa insulated bag ng mama niya ang mga pagkain para kay Mingyu. Nagsulat siya sa maliit niyang sticky note ng: 

 

 Chair Up, My Baby :”]

        - Wonwoo

 

Noong bumalik sila sa video call, pinanood niya si Mingyu buksan ang insulated bag. Nakangiti si Mingyu habang inoobserbahan ang mga pagkain. 

 

“Inubos mo ata ang tinda niyo…” 

 

“Hindi, ah. Binayaran ko ‘yan kay Mama, hindi ‘yan kupit.” Depensa ni Wonwoo. “Kain ka na.” 

 

“Akala ko kapag nag-aaway lang at may nanunuyo binibilhan ng melkti, burger at fries…” sabi ni Mingyu bago tinusok ng straw ang kanyang melkti . Amazed at mukha namang nasarapan si Mingyu sa timpla niya. Syempre, kahit powdered lang yung wintermelon niya, tinimpla niya yung milktea na yun with love and sincerity. 

 

“Sarap?”

 

“Mhm,” tango ni Mingyu habang kumagat naman sa siomai. “Malakas ba ang benta niyo?” 

 

“Sakto lang. Minsan malakas, minsan sakto lang. Patok sa cravings ng mga QC girls.” 

 

“Matagal na kayong may milkteahan?” Tumango si Wonwoo. 

 

“Pre-pandemic pa ‘yan. Nagstop lang kami for a year noong pandemic pero nakabalik din naman. Kahit marami na sumulpot din sa amin, binibilhan pa rin naman kami. Bestseller namin ‘yung siomai.”

 

“Baka mabenta kasi ikaw ang bantay.” 

 

Napakamot ng ulo si Wonwoo, “Ano konek?”

 

“Pogi yung nagtitinda, eh. Baka gusto ka lang silayan.” Tumawa si Wonwoo.

 

“Siguro. Kaya minsan pinagbabantay ako ni mama para maka-attract ng customer. Yun siguro ang edge ng milkteahan namin.” Tumango-tango pa si Wonwoo.

 

“Gusto mo naman ‘yung atensyon?” Bahagya siyang inirapan ni Mingyu. Natawa siya. Napredict na niya ang takbo ng usapan nila.

 

“Hindi, ah. Hinahayaan ko lang kasi hindi naman sila nagmamatter. Ang gusto kong hulihing atensyon ay ‘yung sa’yo.” 

 

“Kain ka rito minsan sa amin.” Dugtong ni Wonwoo. 

 

“Sige.” 

 

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

Nag-unat si Wonwoo at nagkusot ng mata. Tatlong oras na siya dire-diretso nagsusulat ng script nila. Mas gusto kasi ni Wonwoo na laging ang main role niya ay pre-prod. Sumasama pa rin naman siya sa taping nila pero gusto niya rin isaboy ang creative juices niya sa tuloy-tuloy na pagsusulat at paglikha ng mga bagong universe. 

 

“Wonwoo, matatapos mo ba bukas ang script?” Tinantya ni Wonwoo ang kakayahan niyang hindi masabaw pa ngayong araw. 

 

“Subukan ko pero kaya naman. Nagmamadali ba tayo?” Tanong ni Wonwoo sa ka-block niya.

 

“Hmm, medyo. Need natin ifinalize agad kasi namove ng mas early yung shoot. Two days early kasi, eh.” 

 

“Sige, sige tapusin ko.” 

 

Nung lumuwag na ang schedule ni Mingyu, siya naman ang parang ayaw nang pahingahin ng mga tasks niya. Bwisit talaga! Hindi na naman tugma ang bebe time nila tapos may mga shoot pa siya. Kaya hindi sila masyadong nakakapag video call. Hanggang chat muna sila ulit. 

 

Parang yung red string na nagkokonekta sa kanila ni Mingyu, sa leeg ni Wonwoo nakapalupot kasi nanghihina siya kapag hindi niya nakikita ang ngiti ni Mingyu. Tinawanan siya ni Mingyu noong nakaraang nagpapasend siya ng selfie niya.

 

wonjeon

Sendan mo ako ng selfie mo, please. Kahit isa lang. 

Nanghihina ako, ‘di ako nasikatan ng araw ngayon.

 

m1n9yu_k

Ngek

Anu Konek Ng Selfie Q? Lumabas K Kc sa Bhay Niü

Aq P Cnic Mü

 

wonjeon

‘Di po kasi ‘yun. Ikaw kasi ang sunshine ko. Hays. 

 

m1n9yu_k

[photo]

Yan Kc Nauto Mü Aq

 

wonjeon

Grabe, ‘di kita inuuto. 

Thank you, ganda. 

Ang ganda mo.

 

Ta’s nung sumunod na mga araw, ‘di na niya kailangan humingi kasi kusang binibigay ni Mingyu ang mga selfie niya. Hays, malapit na rin naman silang magkita. Malapit ma rin matapos ang mga kalbaryo ni Wonwoo sa sem na ‘to. 

 

m1n9yu_k

Anong Kulay Ng E-bike Mü

Hai

Ui

Baby?

 

wonjeon

Po? Itim po na may white. 

Bakit?

Hi. 

 

m1n9yu_k

Ahhh… Oki Cge Wait Lng.

 

??? Ano na naman kaya ginagawa nun ni Mingyu. Nagtitingin din ba siya ng e-bike para sa sarili niya?

 

wonjeon

Bakit po? No ‘wait lang’ po please. Talk to me.

Bibili ka e-bike mo?

 

m1n9yu_k

Hekhek… Nop!

 

wonjeon

Eh ano pala?

 

m1n9yu_k

Hayyys

 

wonjeon

Galit ka po?

 

m1n9yu_k

Hindiii. Knina P Kc Aq Paikot2 D2 Sa UP… (˃̣̣̣̣︿˂̣̣̣̣ )

Pro Wla Aqng Makitang Wonwoo Jeon Hir..

Sn K b?

 

Nanlaki ang mga mata ni Wonwoo sa chat ni Mingyu. Oh my god! Nandito si Mingyu! Agad niyang pinindot ang tawag, habang sinasalpak ang kanyang mga papel gamit ang isang kamay sa bag.

 

“Hello?”

 

“Saan ka po? Diyan ka lang, ako na ang pupunta sa’yo.” 

 

“Ahmm… Send ko picture ng paligid? Sa waiting shed kasi ako.” Tumango si Wonwoo at sinukbit ang bag niya sa balikat bago kinapa ang susi ng kanyang e-bike. 

 

“Sige po, i-send mo na lang. I will go to you.”

 

Nang magsend si Mingyu ng photo, mabilis na napick up ni Wonwoo kung nasaan siya banda. Huminga ng malalim si Wonwoo. Finally, finally, finally! 

 

Bakit kaya siya pinuntahan ni Mingyu rito? Siya ba talaga ang sadya ni Mingyu? O may ibang lakad si Mingyu? His heart was definitely overacting the way it was pounding. 

 

“Mingyu!” He called noong natanaw niya si Mingyu, naka cream itong button down polo, mukhang naliligaw, magkasalubong ang kilay. Pero nang makita ni Mingyu ang papalapit na e-bike ni Wonwoo, unti-unting nagliwanag ang mukha ni Mingyu at kumaway. Mabilis ibinaling ni Mingyu ang atensyon sa cellphone bago sinalubong din si Wonwoo. 

 

Langit

Baby, langit na 'to

Holding hands sa katips

Kiss sa cheeks, o kailan pa kaya

Lips to lips

(Okay ka lang?)

 

Habang papalapit si Mingyu ay palakas nang palakas ang tugtog. Kumunot ang noo ni Wonwoo pero hindi pa rin naalis ang ngiti sa kanyang labi. 

 

O babe na-in love ako with you

(Chuva choo choo, Chuva choo choo)

Tumataba ang puso ko

 

“Min.” Bati nito nang itinabi niya ang e-bike sa gilid. 

 

Ito siya. Matapos ang limang buwan na walang tigil na pag-uusap, mga gabing pinagaaan ni Mingyu, mga pelikulang sabay nilang pinanood. Ito sila, sa gitna ng tirik na araw.

 

(Chuva choo choo, Chuva choo choo)

Sana ako ang syota mo

(Chuva choo choo, Chuva choo choo)

O loves kita forever

I will love you

 

“Hi.” Ngiti ni Mingyu sa kanya. Wonwoo breathes out and chuckles a bit, naiiling.

 

“Hi.” 

 

Heaven

Nasa heaven ako

'Pag ika'y kumindat

Ay walang binatbat

Si Leonardo sa'yo

(Chuva, chu-chu-chu-chuva?)

 

“What’s that?” Turo ni Wonwoo sa bitbit ni Mingyu na maliit na speaker.

 

“I came prepared. Hoping. Nagbabakasakali. Malay lang natin.” Mingyu holds Wonwoo’s left wrist. At feeling ni Wonwoo, nakuryente siya ni Pikachu. Ganun ang sparks nila ni Mingyu! Nakaka-electrify ang hawak ng mas matangkad at magandang si Mingyu. 

 

Na hindi pa rin siya makapaniwalang nasa harap na niya.

 

“OWEMJI!” Mingyu shrieks.

 

“What?” 

 

Mingyu raises both of their wrists. 

 

“Soulmate!” Mingyu basically just threw himself at Wonwoo. Mabuti na lang at mabilis ang instict ni Wonwoo at agad pumalupot ang braso niya sa baywang ni Mingyu para hindi sila mahulog sa gilid ng e-bike ni Wonwoo. 

 

Anong soulmate? Hindi maka-catch up si Wonwoo kay Mingyu dahil pinoproseso pa rin niya ang byuti ni Mingyu. Mesmerized in English. Nahumaling in Filipino. 

 

So, when Mingyu let go of the embrace, he showed Wonwoo his wrist. 

 

“Look! Twin marks!” 

 

Oh.

Oh.

 

When Wonwoo looks at his own wrist, doon lang nag sink in sa kanya ang kanina pa nilang background music na Chuva Choo Choo ni Jolina Magdangal. 

 

He was horrified. Oh my God! Mingyu’s so unbelievable! 

 

What lies on their wrists are connecting lyrics of Mingyu’s favorite song. 

 

On Mingyu’s wrist was the obnoxiously bright ink:

(ℭ𝔥𝔲𝔳𝔞 𝔠𝔥𝔬𝔬 𝔠𝔥𝔬𝔬, ℭ𝔥𝔲𝔳𝔞 𝔠𝔥𝔬𝔬 𝔠𝔥𝔬𝔬) 

𝔰𝔞𝔫𝔞 𝔞𝔨𝔬 𝔞𝔫𝔤 𝔰𝔶𝔬𝔱𝔞 𝔪𝔬 

 

While his was:

(ℭ𝔥𝔲𝔳𝔞 𝔠𝔥𝔬𝔬 𝔠𝔥𝔬𝔬, ℭ𝔥𝔲𝔳𝔞 𝔠𝔥𝔬𝔬 𝔠𝔥𝔬𝔬) 

𝔒 𝔩𝔬𝔳𝔢𝔰 𝔨𝔦𝔱𝔞 𝔣𝔬𝔯𝔢𝔳𝔢𝔯

 

“Mingyuuuu…” He whines. Mingyu just innocently bats his eyelashes on Mingyu.

 

“Pretty naman ah?” Mingyu grins. 

 

Yeah, totoo, ang mahalaga naman at ang brighter picture, Mingyu’s fate was intertwined with his. Mandated by Heaven. But also, the exact soulmate Wonwoo had created.  Mingyu was the exact someone Wonwoo grew into compatibility with over time. Through shared experiences, mutual effort, vulnerability. His soulmate was humane. This love wasn’t predestined. It was he and Mingyu who wrote this.

 

Kumbaga, para sa kanya talaga si Mingyu kahit ano pang mangyari. He was glad it was Mingyu all along. 

 

Pero bakit kailangang Chuva Choo Choo ang identifying marks nila?! Paano na ang pangarap ni Wonwoo na lyrics ng Free Love ni Honne? He wasn’t prepared! Wala talaga siyang ibang maisip kanina kundi magkikita na sila ni Mingyu! Heto na ang panahon na matagal niya nang hinihingi kay Lord. 

 

Naalala ni Wonwoo na nanghihinayang pa si Mingyu dati na paano kung APT ni Rosé ang nasa pulsuhan ng ibang magsoulmate, ta’s sya naman itong pinaghandaan na ilagaya ng chuva choo choo sa pulsuhan nilang dalawa. 

 

“Do you want to tour around here?” He asks instead. Dedma sa Chuva choo choo, sige na. Napasapo siguro ang guardian angel at little demon niya sa kanilang noo nang makita din ang chuva choo choo lyrics sa kamay niya. 

 

“Okay. Ito ba ‘yung e-bike mo?” 

 

“Oo. Pang Grand Prix ang bilis niyan,” Wonwoo jokes. Dahil malaki ang e-bike ni Wonwoo, kasya silang dalawa sa harapan. Though, pareho silang matangkad, dahil nga laging napagkakamalang pampasaherong e-bike ang e-bike ni Wonwoo, they had enough room for themselves. 

 

Sa laki ng e-bike niyang pang grand prix ang bilis, minsan may mga sumenyas sa kanya, animo’y pinapara siya. He’d just give them weird looks. Ito ang Montero Sport ni Wonwoo, duh!

 

Sakto lang din para magdikit ang kanilang balikat, at maramdaman ni Wonwoo ang warmth ni Mingyu. So, Instead of getting distracted by his identifying mark, Wonwoo just memorized all of Mingyu’s. 

 

‘Di bale na sa chuva choo choo. He gets to have all of Mingyu, anyway. 

 

“Mahal ang pagkain dito sa loob, ikot ikot lang tayo, parang road trip lang ganon. Ta’s banda tayo sa amin kumain? Maraming masarap na pagkain sa amin.” Wonwoo says. 

 

“Owki, goods lang ako kahit saan.” Mukhang kahit sa personal ay naririnig pa rin ni Wonwoo ang nanay typings ni Mingyu. He finds it cute. 

 

Ipinatong ni Mingyu ang maliit niyang speaker sa kanyang lap. Mahinang tumutugtog ang Think About You ni Jolina, hindi na ito kagaya noong Chuva Choo Choo ang tumutugtog na mas malakas.

 

“Ako ba ang pinunta mo rito?” Mingyu laughs and nudges him lightly. 

 

“Of course, sino pa ba? Excited ako sa movie date natin na nahihirapan na akong patulugin nina Momshie Jolens kaya pinuntahan na kita. Madali lang naman ang commute.” 

 

“Sorry, ikaw pa ang dumayo.”

 

“Why? What’s wrong with that? Gusto ko rin namang makita ka so I showed up.” Wonwoo kept his lips tight.

 

“Kapag binisita mo ako sa intramuros, ikaw naman ang ipagbabike ko.” Wonwoo swears he wanted to kiss Mingyu right then and there. The way the sun was kissing his face, despite the heat, Mingyu looks fresh and radiant. 

 

And Wonwoo thinks this is how he wants to fall in love. 

 

Dumiretso sina Mingyu at Wonwoo sa milkteahan nila. Binigyan siya ng makahulugang tingin ng mama niya. 

 

“Ma, si Mingyu.” Soulmate niya? Ang dahilan ng mga ngiti ni Wonwoo? Ang dahilan kung bakit natuto si Wonwoo na gumising ng alas siete ng umaga at hindi talaga para tulungan siyang magbalot ng siomai?

 

“Hello po.” 

 

Hindi tinantanan ng mga makahulugang tingin ng mama niya si Wonwoo hanggang umalis sila bitbit ang milk tea at siopao. 

 

“Balik kami, Ma. Lakad-lakad muna kami.” 

 

Tahimik lang sumisipsip ng milktea ang dalawa nang magsalita si Wonwoo. “You came prepared with your mini speaker, ah? Inisip mo ba na ako ang soulmate mo?” Mingyu bit his lip.

 

“Hindi naman. Gusto ko lang sana maging comical. I wanted the song to play sa unang kita natin, para totoong may romantic background music tayo.” Romantic? Wonwoo wanted to scoff but he remembers Mingyu has his own wavelength. “I don’t actually care if we have this mark. I’m grateful for this but it won’t stop me.” 

 

Wonwoo nods, “Ako rin, ‘di ako papapigil.” He reached for Mingyu’s hand, his fingers slipping between Mingyu’s. “Mingyu.” Tawag niya. 

 

Halos pundido ang streetlight kung saan sila huminto. Bahagya ding maingay ang mga kapitbahay nina Wonwoo pero wala na atang ibang pagkakataon na gustong sabihin ni Wonwoo ito. Wala din naman siyang pagdadalhan kay Mingyu na medyo estetik ang dating para sa good confession night. Now or never ang mantra ni Wonwoo!

 

“Gusto kita.” Pinangako ni Wonwoo sa sarili niya na sa personal niya aaminin kay Mingyu ang nararamdaman niya. Gusto niyang marinig ni Mingyu galing sa bibig niya na gusto ni Wonwoo si Mingyu. Na hindi lamang naghintay si Wonwoo para kay Mingyu. Wonwoo worked for this with him. This is their earned intimacy. Mingyu was his testament that soulmates are supposed to be more grounded and intentional. 

 

Ito ‘yung sinasabi nilang love is a verb, ‘di ba? 

 

This is Wonwoo’s conclusion and a fact that he doesn’t just ‘meet’ his soulmate. He planted the seed and then he chose to water it. He showed up when it’s sunny. He showed up when it’s dry. He weathered storms. 

 

“Ako rin.” And Wonwoo wanted to erupt. Gusto niyang sumabog sa kilig. Wonwoo squeezed Mingyu’s hand. 

 

“Ay may ibibigay pala ako sa’yo.” Mingyu asks Wonwoo to hold his milktea while the former fishes in his pocket. “Tadah!” Mingyu almost shoves on Wonwoo’s face the thing he was holding. 

 

Binigyan siya ni Mingyu ng customized string bling. Kulay purple ito, just like his favorite color, at may mga charms na purple na moon, purple na pusa, purple na game console, at nag-iisang green na puso. Mayroon din itong WW na letter charms. 

 

“Para sa susi ng e-bike mo.” 

 

“Thank you, baby. It’s so pretty.” Nagblush naman agad si Mingyu at agad na siniksik ang mukha sa leeg ni Wonwoo. Tumawa si Wonwoo. “Bakit? Nahihiya ka?” 

 

“Ngayon ko lang narinig na tawagin mo akong baby… live.” 

 

“Masasanay ka rin, baby.” 



˗ˏˋ ★ ˎˊ˗




Four months later…

 

Apat na buwan na simula noong naging magjowa sina Mingyu at Wonwoo (officially), marami na silang upgrade ni Mingyu sa mga bonding nila. Kung dati kuntento na si Wonwoo sa video call, ngayon, hindi na niya ata kaya na hindi salubungin ang umaga na hindi si Mingyu ang katabi. Kung dati, nasasapatan siya sa mga maiksing panahon na binibigay ni Mingyu ang atensyon niya kay Wonwoo, iba na ngayon. 

 

Papansin na si Wonwoo dati, pero mas papansin siya ngayon. Sabi nga ni Jihoon, “Ang insufferable mong lover boy, pre.” 

 

Pero, as usual, walang paki si Wonwoo. Mingyu has the whole lot of Wonwoo at his disposal. 

 

And Mingyu just exerts the same effort on Wonwoo. In short, pareho silang patay na patay sa isa’t isa. 

 

“Kapit ka mabuti, baka sumemplang na naman tayo.” Ani Mingyu. Mahigpit na kumapit si Wonwoo sa bewang ni Mingyu at sinandal pa ang kanyang ulo sa likod ni Mingyu. 

 

Si Mingyu lang lagi ang nagpepedal ng bike nila kapag nasa Intramuros sila kasi noong sinubukan ni Mingyu na turuan si Wonwoo, muntik pa siyang bumunggo sa pader ng intramuros. For safety purposes, hindi na pinaubaya ni Mingyu ang pedal kay Wonwoo. Ano naman, diba? Depensa ni Wonwoo sa sarili. Magaling naman siya magdrive ng e-bike niyang pagkalaki-laki. 

 

Wonwoo inhaled Mingyu’s scent and sighed. Ah, ‘yon na ang paborito niyang scent sa buong buhay niya. 

 

Noong tirik na naman ang araw, akala ni Wonwoo ay hindi papatinag si Mingyu pero bahagya na itong nagsusungit dahil sa init kaya bago pa siya madamay sa init ng ulo ni Mingyu, kinaladkad niya na ito sa pinakamalapit na 7/11. Buti na lang at may pwesto sa loob na pwede nilang tambayan. 

 

He bought them cold drinks, Smart-C na lemon flavored ang kay Mingyu habang sa kanya naman ay chuckie. Bumili din siya ng mga kutkutin nilang mani, corn chips, at potato chips. Sa coffee shop sana sila ngayon kaso puno ang mga malalapit banda rito. Ayaw niya nang paglakarin sa init si Mingyu. 

 

Pagkabalik niya sa pwesto nila, nakalabas na ang mga gamit ni Mingyu pang-crochet. Nagpromise siya kay Wonwoo na tuturuan niya itong magcrochet kahit basic muna. Mingyu has a lot of hobbies that he willingly shares with Wonwoo. Again, dapat sa mas estetik na coffee shop sila mananahi pero okay na rin ‘to. Okay kahit saan basta kasama si Mingyu. 

 

Besides, Mingyu doesn’t mind either. 

 

Para kay Wonwoo, kahit saan sila abutan ni Mingyu, romantic pa rin. Lahat ng puntahan nila to share their love with each other is romantic enough for Wonwoo. 

 

Lalo ngayong magkadikit ang balikat nila, overlooking sa bintana ng 7/11 ang lumang kalye ng Intramuros. Pinaliliwanag ni Mingyu sa kanya ang mga tips ng pagccrochet at siya naman ay good boi na iniintindi at dina-digest ang mga sinasabi ni Mingyu. 

 

Wonwoo was still clueless. Despite Mingyu demonstrating and explaining everything to him, he still doesn’t know paano nabuhol ni Mingyu na mukhang bulaklak yung kanyang yarn. Samantalang ‘yung kanya ay parang binuhol lang? But instead of groaning, he sits there patiently and tries to learn. 

 

“Cute ka.” Mingyu giggles at him. Wonwoo pouts at his boyfriend.

 

“I’m trying my best.” and then Mingyu just slows down and guides him some more. 

 

For a time being, nakakasunod na si Wonwoo, pero minsan nabubuhol pa rin siya. Mingyu always untangles it for him. Despite being clueless, Wonwoo does his best to copy what Mingyu was doing. 

 

Ayos lang kay Mingyu kung kulang na lang idukdok ni Wonwoo ang mukha niya sa ginagawa niya. Minsan, ina-untangle pa ni Mingyu ang isang knot para i-demonstrate lang kay Wonwoo ulit. 

 

Wonwoo was determined to finish his first crocheted keychain and have Mingyu put it in his bag. Dahil marami ngang hobby si Mingyu na art-related at bonus pang mahilig magbigay ang jowa niya ng personalized gift, Wonwoo has his own stash of various keychains, handkerchiefs, mini crocheted dolls, hats, bracelets, all from Mingyu. Kaya gusto ni Wonwoo na matuto rin so that he could give Mingyu something his hands made as well. 

 

It took them hours to finish, well technically si Wonwoo lang kasi sisiw lang kay Mingyu ang mag-crochet ng maliit na sunflower. Wonwoo had finished crocheting a heart (yes, walang tatawa please) keychain for Mingyu. Despite the two obvious wrong knots, Wonwoo did so well that Mingyu had peppered his face with a lot of kisses for doing so well. 

 

Ito yung isa sa mga rason kung bakit parang infinitely nag-eexpand lang ang pag-ibig ni Wonwoo kay Mingyu. 

 

Maybe it’s also when Mingyu bought a stash of cat treats para istock sa backpack niya, kahit saan ay dala para kapag may nakikita silang pusa ay pakakainin nila nang sabay ito. Because Mingyu knows how badly Wonwoo wanted to give Jopay a cat sibling. ‘Di lang siya confident pa kung paano mag-aalaga ng pusa dahil buong buhay niya, ang independent at taklesang si Jopay lang ang inalagaan niya. 

 

Or maybe it’s when he feels that they are fully present with each other. Emotionally available, tuned in, and responsive. Or when it’s obvious that they are growing in the same direction. Not identical but aligned. 

 

Or when they profess their love and affection randomly. Like saying ‘I love you’ were the easiest words to say. For Wonwoo, it is. As long as it’s Mingyu. Those three words are the easiest if Mingyu’s the one at the receiving end.

 

Or when Wonwoo kisses right through Mingyu, slow, steady, and full of emotions. Wonwoo just knows so well how to capture Mingyu’s lips and seal it with a sweet kiss. 

 

˗ˏˋ ★ ˎˊ˗

 

Sa ilang buwan nilang magjowa ni Mingyu, marami pa rin nadidiskubre si Wonwoo tungkol sa binata. Backstory man ng magulang ni Mingyu na hindi soulmates, o mga random anecdotes nito tungkol sa pagkabata niya. Mingyu liked asking him questions, too. Kahit ata ‘yung larong 20 questions, kaya nila gawing 100. They just never run out of things to talk about. 

 

Wonwoo learned Mingyu doesn’t like to eat fast food. As in! Kaya madalas ay sa bahay sila nagdedate o kaya nagpipicnic na lang silang dalawa. Hindi talaga sanay si Mingyu kumain ng mga processed foods. Which was actually beneficial for Wonwoo kasi hindi na siya madalas nakakain ng mga pancit canton, fishball, at mga processed food. Nung sinabi ni Wonwoo na namimiss out ni Mingyu ang lasa ng chicken joy, aba, nagalit agad. Nagbibiro lang naman siya! First time nagalit ni Mingyu no’n sa kanya kaya hindi niya alam ang gagawin niya. In the end, nagpatulong na lang siya sa mama niya na magluto ng masarap na fried chicken para ihatid kay Mingyu. 

 

It turns out, Mingyu’s a bit emotional kapag pinag-uusapan ang chicken joy kasi buong buhay siyang nagse-self restraint na hindi kumain no’n. Sabi niya, ayaw niya lang tikman kasi baka hindi na niya matantanan. Nagbati rin sila agad kasi tinawanan lang ni Mingyu ang ginawa ni Wonwoo na note na may paulit-ulit na sulat na: baby, sorry, hindi na po mauulit. 

 

In the end, pinagsaluhan na lang nila Mingyu at Wonwoo ang luto niyang fried chicken habang nagsasagot ng slambook na matagal nang gustong gawin ni Mingyu. 

 

Kahit malaki ang pagkakaiba nila sa favorites (halimbawa sa favorite TV show, si Mingyu ang sagot ay Magandang Buhay, si Wonwoo naman ay PBB), genuine naman nilang naenjoy sagutan ang mga tanong. Hindi naman nila palaging nalilista kung anong mga paborito nilang kanta, o pagkain, o subject noong hayskul, o di naman kaya iyong mga gusto nilang gawin bago sila mag 30. Nakikilala nila ang isa’t isa at ang sarili nila. Hindi naman kasi iniisip ni Wonwoo on a daily basis kung anong gagawin niya kung sakaling makapulot siya ng 2,000 pesos worth of gift card. But hey, it's worth thinking about.

 

O kung anong gagawin niya kapag namimiss niya na si Mingyu. Napabuntong hininga na lang si Wonwoo. Tinapos niya lang ang laro niya bago pinatay ang PC at sumalampak sa laptop niya. Reading break ni Wonwoo ngayon habang si Mingyu, nasa malayo. Mayroong shoot ng documentary ang nakababata bandang Aurora. Jusko, ang layo. Intramuros at QC pa nga lang, naghihingalo na si Wonwoo. Ngayon pang nasa Aurora ng ilang araw ang jowa niya. Kapag pa naman nasa mga ganoong on-grounds work ‘yun, mag-aantay pa si Wonwoo mamayang gabi kapag tapos na shoot nila. Ayaw niya rin naman i-stall pa si Mingyu bandang gabi kasi mapupuyat pa. 

 

Ang depensa ni Wonwoo sa malupit niyang pangungulila kay Mingyu, naging bahagi na kasi si Mingyu ng internal landscape niya. Lagi niyang inaanticipate ang mga naiisip ni Mingyu (kahit minsan hindi niya pa rin masundan ang takbo ng isip nito), pinagagaan niya ang mga bumabagabag kay Mingyu, and he even mirrors his hopes. He carries Mingyu wherever he goes.

 

Ngayong araw ang pangatlong araw ni Mingyu doon sa Aurora. Hapon na pero kahit anong bati, wala pa rin siyang natatanggap na kahit anong update  kay Mingyu. 

 

Kaya habang nanonood siya ng random IG reels ng mga pusa, he was shocked to be notified by an IG story from Mingyu. 

 

It was a photo of him and a guy he didn’t know. Ugali ni Mingyu na ipakilala sa kanya ang mga kaklase niya kasi Mingyu just likes introducing him to people, he likes including Wonwoo wherever he goes. Wala atang groupmates si Mingyu ang hindi nakilala ang pogi niyang jowa. But this guy? Hindi ito naipakikilala pa ni Mingyu.

 

Malaki ang ngiti ni Mingyu sa lalaki while the guy was giving him heart eyes. 

 

Wonwoo breathes. Kalma lang! Namimiss niya lang si Mingyu kaya ang una niyang reaksyon nang makita ang IG story ay kumunot ang noo. 

 

Instead of doing and feeling stupid,  binuksan niya na lang ang kanilang chat sa messenger (yes lumipat na sila) at nag-iwan ng message.



baby love

 

hi, baby love. I miss you. 

musta ka diyan? 

napagod ka ba?

kain ka na.

 

Naghintay kaunti si Wonwoo na magreply si Mingyu tutal kakapost lang nito sa story. Pero lumipas ang sampung minuto ngunit kahit seen ay hindi nagawa ni Mingyu. Wonwoo sighs. 

 

Nilibang ni Wonwoo ang sarili niya, naglinis siya ng sala nila, nilabhan niya ang mga basahan nila, pinakain niya na rin si Jopay, nagawa niya na ang dalawang pending niyang papers, tumulala na siya sa bintana at nakapanalo na siya ng dalawang rank game. 

 

Pero wala pa ring paramdam ang maganda niyang jowa. Napaselfie na nga at napapost na sa IGS, wala pa rin talaga. 



jijilee replied to your story: jumpscare nhak

 

wonjeon

Pakyu

jijilee

Sama ka kaen sa Maginhawa

Dala mo e-bike mo

Sundo mo kame

 

wonjeon 

Pumayag na ba ‘ko hayop na ‘to

Tinropa niyo lang ako dahil sa e-bike ko.

 

jijilee 

Papapilit pa 

Bakla ka talaga

 

wonjeon

Ikaw din. 

Teka lang magbibihis na.

 

Naghahanap na siya ng malinis na t-shirt nang marinig niya ulit ang sunod-sunod na pasok ng message. 

 

baby love

 

Bebi…

Xori Po!! Ngaun Lng Aq Ngchat :’[ 

Sobrang Bz Lng…

I Mizz U 2. 

Wla Aqng MwaMwa Ilang Days N…

Nu Gawa Mu

 

Binato ni Wonwoo ang t-shirt na dapat ay susuotin niya at mabilis na nag-text kay Jihoon na ‘di na siya sasama. Kahit umusok pa ang tenga ni Jihoon sa inis dahil bigla niyang iiwan ang dalawa!

 

Mabilis naman siyang bumalik sa chat nila ni Mingyu.

 

Hi, baby love. 

Miss na miss na miss na kita.

Kiss kita marami pag-uwi mo. Katapos ko lang gumawa ng errands.

 

Mga errands na ginawa niya out of character. 

 

Baby, call po tayo, please.

Please, please, please…

Good boy po ako buong araw. I’m behaved.

 

Woow, Oky Beri Gud!

Oky Call Tau Miss Q N Voice Mu

 

Nang makita ang maaliwalas na mukha ni Mingyu mula sa screen, parang nawala ang lahat ng pagod ni Wonwoo maghintay kanina. 

 

“Parang dati lang…” hagikhik ni Mingyu. 

 

“Hmm?”

 

“‘Yong nag-uusap pa lang tayo, hehe. Nung naging uyab kasi kita, ayaw mo na lagi mag-video call, gusto mo na lagi akong kasama.”

 

“Ayaw mo po?”

 

“Hala! Nagtampo pa nga. Nag-reminisce lang ako, ito naman.” Mingyu then proceeded to share what he has been doing the entire day. Si Mingyu kasi ang direktor kaya talagang hands on ito. Nanghingi rin siya ng advices at tips kay Wonwoo para sa mga eksenang kukuhaan pa nila. Wonwoo even let Mingyu borrow his drone for this documentary.

 

Ang hiningi niyang kapalit? Maraming laplap. Solid 10/10. Gagawin nang business ni Wonwoo kay Mingyu ‘yon. 

 

Wonwoo have been meaning to ask Mingyu kung sino iyong nasa story niya. Dahil naniniwala siya sa healthy communication, itatanong niya nang maayos kay Mingyu! 

 

“Baby love.” Tawag niya. Ito na! Itatanong niya nang maayos, walang bahid ng sama ng loob.

 

“Sino pala ‘yung nasa IG story mo at ang lakas ngumiti sa’yo? ‘Di niya ba alam may asawa kang naghihintay dito?” Napa internal facepalm na lang siya. San banda diyan ang walang bahid ng selos?!

 

Kumunot ang noo ni Mingyu bago unti-unting natawa.

 

“Kaklase ko lang ‘yun, bibi ko.” Umirap si Wonwoo at ngumuso. “Asus, ngumuso ka pa. Wala ako diyan para i-kiss ‘yan.”

 

Wonwoo swears, na-assure siya ni Mingyu na wala siyang dapat ikaselos sa kaklase niya. Pero kahit nang makauwi sila, lagi pa rin niyang nakikita sa paligid ni Mingyu ‘yong bwisit na ‘yon. Parang langaw na naka-ispot ng pagkain sa mesa kaya iniikut-ikotan. 

 

Kung hindi siya niyayaya maglunch, niyayaya naman siyang pumunta sa Mind Museum sa BGC. Ano ba ‘yan! Kulang pa ba ang mga I Love You My Bibi ni Mingyu sa IG story niya? That guy was really getting under his nerves. 

 

“Sa’n ka po?” Tanong ni Wonwoo kay Mingyu sa tawag. 

 

“Nagshoot kami saglit sa paligid ng intramuros. Pabalik na po ako sa campus. Whyket?”

 

“Sundo po kita later? Date tayo.” 

 

“Wow, ano meron?” Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Wonwoo sa narinig. Bago ‘to ah! Una sa lahat, hindi si Mingyu ang tipo na hindi nagcecelebrate ng monthsary. Kung marami lang silang pera pang-date, dinaig pa nila ang aldub sa mga weeksary na ‘yan. Motmot nila ngayon at sobrang porma pa ni Wonwoo ngayon para sa date nila. Okay, ‘di niya nabanggit kay Mingyu nitong mga nakaraang araw na magdate sila pero… akala niya kasi matik na ‘yun. ‘Di niya naman kinailangang ipaalala pa kay Mingyu iyong mga nakaraan nilang monthsary. 

 

“Hala… seryoso ka ba d’yan?” Hindi na natago ni Wonwoo ang lungkot sa boses niya. 

 

“Ou. ‘Di ko lang din sure kung kaya ko po makalabas nang mas maaga kasi mag-eedit kami ni Jaehyun ngayon.” ‘Yan yung pinaka nakakairitang pangalan na narinig ni Wonwoo sa buong buhay niya. Jaehyun na naman.

 

“Ah, osige. Uwi na lang ako maya after ng last class ko. Ingat ka.” Kahit malungkot na si Wonwoo, hinintay pa rin niyang magpaalam si Mingyu at hinayaang si Mingyu ang magbaba ng tawag. Bumuntong hininga siya. 

 

“Pangit mong malungkot, pre.” He just flipped Seungcheol off noong nanghimasok na naman ang kaibigan niya sa loob ng e-bike niya. Lugmok at nagseselos si Wonwoo kaya imbes na umuwi, tumambay na lang siya sa loob ng e-bike niyang nakapark sa tapat ng building nila. 

 

“Asan ang jowa mo at bakit nangingialam ka na naman ng buhay ko?” Tanong ni Wonwoo. Pinasahan siya ni Seungcheol ng kwek-kwek at agad naman siyang tumusok mula sa baso at kinain ng isang buo.

 

“Umalis.” Ani Seungcheol. Tumango siya. Pareho pala silang mga naiwan ng jowa nila. “Eh ikaw? Ba’t ka pa nandito? ‘Di ba monthsary niyo?” Sumimangot si Wonwoo. 

 

“‘Di naalala ni Mingyu, eh.” Seungcheol gave him a funny look. Na para bang ang laki ng problema niya. “E’di ipaalala mo?” 

 

“‘Di kasi, ang out-of-character na hindi maalala ni Mingyu ang monthsary namin…” Wonwoo hesitates but proceeds. “Ta’s kasama pa niya lagi ‘yung Jaehyun na kaklase niya na grabe makadikit.” 

 

“Oh? ‘Yung katabi ni Mingyu sa picture na nakatag sa kanya kanina?” 

 

“Ano ‘yun?” ‘Di kasi ma-facebook si Wonwoo. Kinuha ni Seungcheol ang phone niya mula sa bulsa, nagpindot pindot pa kaunti bago iminuwestra sa mukha ni Wonwoo ang picture. Wonwoo squinted when he saw Jaehyun, who is sitting beside Mingyu, leaning on his boyfriend’s shoulder.

 

“Luh.” Tinawanan siya ni Seungcheol. At hindi talaga umalma si Mingyu? “Ano ba meron diyan sa Jaehyun na ‘yan? Meron bang mabilis na e-bike ‘yan?” Inis na sabi ni Wonwoo. 

 

“Wala, brad. Pero may tsikot.” E’di wow! “Mayaman din.” Ano naman? Mas pogi naman si Wonwoo dun. 

 

“Pero, syempre, hindi siya ang jowa ni Mingyu. Nasabi mo na ba sa jowa mo na nagseselos ka kay Jaehyun?”

 

“Hindi directly.”

 

“Tsk! Kausapin mo. Saka ‘yung problema mo na baka hindi naalala ni Mingyu, tandaan mo, jejemon lang ang jowa mo, hindi siya human calendar na kahit gaano karami ang ginagawa, maaalala niya lahat. Tao lang din ‘yun, oy. Hindi naman niya madalas ginagawa kaya baka nagslip lang talaga sa isip niya.” Tama naman. 

 

“Sige, bumaba ka na.” Ani Wonwoo. 

 

“Asim mo magselos. Kulang na lang magpagawa ng kumot si Mingyu na may mukha mo para kahit sa’n pa siya magpunta, kayakap ka niya. Umay na umay na ko kasi apat na buwan ka na niyang hinahardlaunch, pre.” Nang bumaba si Seungcheol sa e-bike niya, agad siyang nagmaneho pauwi. Baka mas makapag-isip siya nang maayos kapag presko na ang pakiramdam niya. Tama naman si Seungcheol kaya gusto niyang ipunin ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Mingyu to stay transparent, ayaw niyang kimkimin. Ayaw niyang lumipas din ang sama ng loob niya na hindi nila napag-uusapan kung anong tama at mali sa nangyari. 

 

It’s Wonwoo and Mingyu’s first (and last) time in a relationship. They should figure out how to navigate this better.

 

Pero hindi inaasahan ni Wonwoo si Mingyu na nakasalampak sa sahig ng kanilang sala at nanonood ng telebisyon. May hawak pa itong chichirya na busy siyang nguyain.

 

“Baby love.” He called.

 

Umangat ang tingin ni Mingyu at unti-unting napangiti.

 

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko late ka makakauwi?” Wonwoo was confused. But Mingyu just stood up, picked up a bag and went closer to him. 

 

Nakangiti niya itong inabot kay Wonwoo.

 

“Surprise! Happy fifth monthsary!” Bati ni Mingyu. Wonwoo carefully looks at the bag. Nakita niya ang isang itim na kuting, who was mirroring his wide eyes. 

 

“Hala…” Wonwoo took the kitten out of the bag and carefully held her. The kitten meowed. Wonwoo looked at Mingyu, amazed, stunned, and happy. 

 

“Sorry kung nagsinungaling akong may gagawin ako at nagkunwaring nakalimutan ko ang motmot natin. Pinick up ko pa kasi siya sa shelter, eh.” Paliwanag ni Mingyu. Lumapit si Wonwoo sa kanya at niyakap siya. 

 

“Thank you, baby,” ngumiti lang si Mingyu at pinanood si Wonwoo na masayang hawak ang pusa habang ipinapakilala ang sarili nito sa kanya. “Anong ipapangalan mo sa kanya?” Mingyu asks. 

 

“Bujoy.” Mabilis na sagot ni Wonwoo. Humagalpak ng tawa si Mingyu pero tumango-tango din. 

 

Para makapagpokus sa paglalaro sa bago niyang alaga, umupo silang dalawa sa sofa nina Wonwoo habang naghanda naman si Mingyu ng makakain nila. Mingyu knew his way around their kitchen. Noong bumalik si Mingyu sa tabi niya, Wonwoo was determined to talk things out with Mingyu.

 

“Sorry, baby love.” Panimula ni Wonwoo habang hinahaplos-haplos pa rin ang ngayo’y tulog nang si Bujoy. 

 

“Ano ‘yun?”

 

“Nagseselos kasi ako kay Jaehyun.” Mingyu looked at him, wordlessly urging him to continue. “Kahit nung una pa lang na sinabi mong kaklase mo lang siya, nagselos pa rin ako tuwing magkasama kayo, lagi ko kayong nakikita sa mga picture na magkatabi at lagi siyang nakadikit sa’yo.” 

 

“Sorry kung hindi ko agad sinabi at hinintay pang mabwisit nang tuluyan kay Jaehyun. Nagtitiwala naman ako sa’yo.” 

 

“Pero?” 

 

“Ayaw kong magtunog sad boy… pero anong laban ko sa mayaman at may kotseng si Jaehyun?” Mingyu smiles at him sweetly. 

 

“Marami, ah? Pero ang pinakalaban mo kay Jaehyun ay ikaw, mahal ko. Ikaw ang soulmate ko by mandate and by choice. Ikaw ang pinili ng tadhana para sa akin, at ikaw ang pinili ko para sa sarili ko.”

 

“Pero salamat at sinabi mo. At least hindi mo ako hinayaang mangapa sa dilim. Alam ko kung ano ang dahilan ng mga pagbigat ng pakiramdam mo.” 

 

“Eh, kasi, mahal din kita. Alam kong action speaks louder than words pero words are necessary, too. May mga bagay na mas madali kapag sinabi agad. Ayaw kong masanay tayong dalawa na nilulunok lang ang mga nararamdaman natin.” 

 

Malutong siyang hinalikan ni Mingyu sa pisngi. 

 

Muntik na atang malimutan ni Wonwoo na bahagi ng connection building ang mga misunderstanding. Kailangan maging handa sila ni Mingyu kasi umpisa pa lang ito ng mga maaari nilang kaharapin. But it doesn’t mean he’d just watch and let the worse happen. 

 

Bahagi pa rin ng soulmate-making ang misunderstanding, iyong mga sharp-edged situations. Ang mahalaga naman, hindi nila tinatakasan. They take responsibility. They both make repairs. Not perfectly but willingly.  Sa mga susunod na panahon, the Mingyu that Wonwoo loves today won’t be the same one in the future. Ganoon din siya. Hindi sila static. They are in motion and every day, they keep touching people’s lives. Natural na magbabago sila. 

 

And Wonwoo takes note of how hard love can be but would still choose Mingyu despite every trouble.