Actions

Work Header

Gulong ng Palad

Summary:

Kumpletuhin ang kasabihan: Ang buhay ay parang gulong, __________.

 

A. Minsan top, madalas bottom
B. Ikot-ikot lang
C. If there’s a wheel, there’s a car
D. Regine Velasquez

 

or;

 

Nagsabi lang naman si Yixing sa pamilya na kailangan nilang magtipid for the next months tapos sila OA naman! Naghihirap na daw sila!!!

Notes:

Hello! I'm back with another AU na may 50% chance (or higher!) na hindi matapos hahaha eme.

Kalokohan lang 'tong fic na 'to, nanggaling sa malalang brainrot namin ni xingtokki nung nanood kami ng concert ni Yixing sa Malaysia last year. Kasalanan 'to ng napakaraming endorsements ni Yixing noong 2021, awa na lang sa kanya.

Chapter 1: Complete 180

Chapter Text

 

Napakamot sa batok si Chenle. Kanina pa niya pina-practice ang dance moves sa latest tiktok trend pero feeling niya, may mali. Nakakasabay naman siya sa beat. Tama naman ang bawat galaw niya. So what’s wrong with him?



Napahawak siya sa pisngi habang nakatingin sa screen, nakatitig sa sarili niyang mukha. “Cute naman ako ngayon ah?”



Bago pa siya tuluyang mawalan ng pasensya, tinigil na niya ang ang pavi-video sa sarili at imbis ay pumunta sa kusina para sana kumuha ng tubig.



”Ha, what do you mean wala pa tayong groceries for the month?”



Napatigil si Chenle sa paglalakad nang marinig ang boses ng daddy Junmyeon niya. It’s giving galit pero nagpipigil. Kumunot ang noo ni Lele. Tama ba ang narinig niya? Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa entryway ng kusina nila at sumilip. Nakita niyang kausap ng ama ang isa sa mga maids nila.



”Hindi pa po nag-abot ng pang-grocery si Sir Yixing,” sagot ng kasambahay nila.



Daddy Junmyeon clucked his tongue and ran a hand through his hair. “Sige, hayaan nyo na, kakausapin ko na lang siya mamaya.”



Umatras si Lele imbis na dumiretso sa kusina. Anong walang grocery? Bakit hindi pa nag-aabot si Baba? What is happening?



Kinutuban ng hindi maganda si Chenle pero sinubukan niyang huwag masyadong isipin ang narinig. Baka nakaligtaan lang ni Baba na magbigay ng pang-grocery? Or maybe, instead na sina Manang ang mamimili, baka sina Daddy at Baba with them kids. 



Ayaw niyang magtanong kay Dad ngayon dahil medyo sensitive ito gawa ng hormones from his pregnancy. Mukhang hindi rin naman alam nina Manang kung bakit walang inabot na pera si Baba. Kunot ang noo ni Lele habang naglalakad pabalik sa sala.



Huh. If there’s someone who probably knows stuff dito sa bahay, si Kun ge na ‘yun. Tama!



Agad na umakyat sa second floor si Lele. Nasa dulong room ang kwarto ni Kun ge at madadaanan niya ang mga kwarto nina Dad and Baba, Renjun, Ningning at ang sa kanya. Napansin niyang bukas ang kwarto ni Renjun, malakas ang boses nito, mukhang may kausap. Binagalan ni Lele ang paglalakad dahil pasensya na, chismoso lang siya, gusto niya lang malaman kung bakit ang lakas ng boses ni RJ at sino ba ang parang kaaway ng kapatid?



Nang marinig niya ang boses ni Ningning mula sa loob ng kwarto ni RJ, sumilip na siya at baka nag-aaway ang mga kapatid. Mukhang hindi naman, may kausap lang pala ang dalawa sa phone.



”Baba,” malambing ang boses ni Ningning. “Can you take a detour sa A Mano? Nagke-crave po ako sa Stracciatella pizza nila eh.”



”Baba ako po lasagna,” pahabol naman ni RJ.



”Ah, I’ll try mga anak ha. May pinapabili rin kasi si Daddy, eh,” sagot ni Baba over the phone.



”Okay, please don’t forget po,” sabi ni Ningning bago nagpaalam sa ama.



Hindi na masyadong inisip ni Lele ang request ng mga kapatid. Kahit ano namang iuwing food ni Baba kakainin nila. Lahat naman kasi ng inuuwing food ni Baba ay galing sa mga favorite restaurants nila kaya madalang silang marinig na nagrereklamo.



When Chenle finally reached Kun ge’s room, kumatok muna siya bago binuksan ang pinto.



”Kun ge?” tawag niya habang nakahawak sa doorknob.



Nakaupo si Kun sa kama nito, nagkalat sa paligid niya ang mga camera body at lenses. Hawak ni Kun ang paborito (at pinakamahal) na camera nito na Hasselblad at sa kabilang kamay naman ay isang piraso ng telang pinampupunas niya.



”Lele, bakit?” tanong ni Kun ge. Binaba niya ang camera at kumaway sa kapatid para pumasok ito sa loob ng kwarto.



”Um,” napakamot si Chenle sa batok. “Nakagawa na kaya si Dad ng grocery list natin?”



Ayaw niya namang tanungin directly si Kun ge na “Ge bakit di pa nag aabot ng panggrocery si Baba?” kasi alam niyang magpapanic nang slight si Kun ge, baka mag-overthink pa nang mas malala sa kanya.



”I don’t know,” kibit balikat ni Kun. “Bakit? Ano na namang ipapabili mo ha?” Tinaasan pa siya ng kilay ni Kun.



”Wala!” depensa agad niya. “I’m just asking. Baka lang kasi nakapag-grocery na pala ang hindi man lang tinanong ni Dad kung may shampoo pa ba ako, or deodorant. Alam mo naman ang kilikili ko very sensitive.”



“Now that you say it…” Kumunot ang noo ni Kun. “Oo nga, hindi pa nagtatanong si Dad about sa supplies natin. I should ask him later.”



Sa isip ni Lele, sasama sya kay Kun ge ‘pag nag tanong na kay Dad. Kelangan niya lang i-confirm ‘yung mga narinig niya kanina sa kitchen. Sa pagkaka-alala kasi nya, this has never happened before. Mula nang mga bata pa sila, lumaki siya na wala silang iniisip dahil kayang-kaya magprovide ni Baba para sa kanila.



To say that they live a comfortable life is an understatement. Their Baba Yixing is a businessman, at sabi nga ni Dad sa kanila noon, dahil sa pagsisikap ni Baba ay napalago ang maliit nitong business. Nagsimula si Baba na mag-buy-and-sell sa Facebook at si Dad na kasintahan pa lang niya noon ang nagsilbing model ng mga damit na tinitinda niya.



Mga bags, damit, kumot, bedsheets—nai-model na ni Dad at nabenta na ni Baba. Pati nga raw underwear, nnaibenta na rin niya. May mga nagco-comment pa na i-model ni Dad pero syempre, hindi pumayag si Baba. For his eyes only lang daw ‘yon. Ewww.



Baba once mentioned na hindi niya inakalang papayag si Dad na maging model ng mga tinda niyang damit. Compared to Baba who grew up having to fend for himself, Daddy grew up with everything handed to him on a silver platter.



How they met was a story for another time.



Basta, nakwento ni Baba na dahil nga hindi naman siya mayaman, ayaw sa kanya noong una ng lolo at lola nila (Dad’s parents) at pilit silang pinaghihiwalay. But Baba proved to them na maabilidad at madiskarte siya, at kaya niyang buhayin si Dad at ibigay ang lahat ng pangangailangan nito. Baba struggled at first but with Daddy by his side, eventually, lumaki ang business ni Baba.



From buy-and-sell ng mga damit to having his own clothing brand, Baba worked his way up. All with Daddy beside him. At syempre, as he was expanding his small empire, they were also expanding their family.



First there was Kurt Nicolas, born 5 years after Daddy and Baba got married. Inabot ng ganoon katagal kasi nag focus muna sila sa pagpapalaki ng business. Then, nung na-feel daw nila na tama na ‘yung timing, they tried to have their first child, thus Kun ge was born.



Then came Raven Justin who was born two years after Kun ge. Immediately a year after, si Chester Leon naman ang pinanganak. Tapos ilang buwan pa lang ay nagbuntis na naman si Dad kay Nicolette Yvanna, kaya ‘yung agwat nina Chenle at Ningning ay wala pang isang taon.

 


Sabi ni Kun ge, nung time daw bago nabuo sina RJ, madalas daw magtalo sina Daddy and Baba dahil sa business. Ang hindi maintindihan ni Lele, kung palaging nag-aaway naman pala sina Dad at Baba… paano sila nabuo?!



‘Wag na raw isipin, sabi ni Kun ge. Basta daw ang mahalaga, buo pa rin ang pamilya nila.



Twelve years of peace and then boom! Plot twist: Buntis na naman si Dad. At honestly? Walang may gustong magtanong kung bakit. Basta bigla na lang may bun in the oven and the kids collectively decided not to investigate.



Okay na rin sigurong wala silang alam at baka kung ano-ano pang matuklasan nilang labag sa kalooban nila.



Magtatanong pa sana si Lele kay Kun ge nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ningning.



“Baba’s back!” excited nitong sabi tapos ay tumakbo palabas. Nagkatinginan saglit sina Kun at Lele bago sabay na lumabas ng kwarto para salubungin ang ama na nanggaling pa sa overseas work trip.



Sa dinner table na inabutan nina Kun at Lele ang pamilya. Baba is seated at the head of the long table. Nasa kaliwa niya si Dad. Pinagigitnaan naman nina Dad at RJ si Ningning. Sa katapat ng pwesto ng tatlo ay ang mga bakanteng upuan nina Kun at Lele.



“Welcome home, Baba,” bati ni Kun bago humalik sa pisngi ni Baba Yixing.



Kasunod naman ni Kun si Lele. “Welcome home po!”



“Namiss ko kayo,” agad na bungad ni Baba nang maupo na sa mesa ang buong pamilya. “Kain na tayo?”



Wala pang nakahain sa harapan nila pero kita ang excitement sa mukha nina RJ at Ningning. Mukhang natupad ang request nilang pizza at pasta tonight.



Pumasok sina Manang dala ang food at… as comical and tragic as it sounds, unti-unting nawala ang mga ngiti sa mga labi ng magkakapatid nang inilapag sa mesa ang dalawang roasted chicken, may kasama pang kanin at atsara.



Walang pizza. Walang pasta. No hint of Stracciatella. No sign of lasagna. Just… manok.



“Yay! Let’s eat na!” masayang sabi ni Dad sabay kuha ng isang chicken wing, very oblivious to the disappointed faces sa paligid niya.



Nagkatinginan sina RJ at Ningning. Napakurap naman sina Kun at Lele.



“Uh… Baba? Where’s the pizza po?” maingat na tanong ni Ningning. “And ‘yung pasta?” Sobrang liit ng boses ni Ningning, parang nanginginig pa. Kun swore she sounded like a child na katatanggap lang ng balitang wala pang regalo si Santa.



“Oh, hindi ba nasabi ni Daddy?” kalmadong sagot ni Baba. “Nagcrave kasi sya ng roasted chicken. Kaya ‘yon na lang ang binili ko kanina. Galing pa ‘to sa Baliwag. ‘Di ba favorite n’yo ‘yun?”



Napalingon silang lahat kay Daddy Junmyeon na nakangiti habang ngumunguya, sarap na sarap sa kinakain.



“Sorry, kids,” sabi ni Daddy pero ‘yung ngiti sa mukha niya parang hindi naman sorry. “Baby bean loves chicken right now eh.”



Nakatitig si RJ sa plato niyang wala pa ring laman. Parang nawalan siya ng gana bigla. “Eh paano naman po kami?”



Tumikhim si Daddy Junmyeon. “Gusto mo bang iyakan ko ‘to ngayon, RJ? Kasi kaya ko.”



Inangat ni RJ ang tingin kay Daddy, bakas ang kaba sa mga mata nito. Tapos ay nilipat niya ang tingin kay Baba. Bahagya itong umiling. “Hindi po Dad. Okay na po itong chicken,” sabi ni RJ saka kumuha ng piraso ng manok mula sa serving plate.



Mahinang siniko ni Lele si Kun. “Ge,” bulong niya. “Akala ko ba pag may cravings ang mga bata, priority?”



Kun leaned in kay Lele at bumulong pabalik. “Kapag hindi buntis si Dad, oo. Pero ngayon, the hierarchy has changed.”



Napailing na lang si Lele at saka sumandok ng kanin sa plato niya.



“Sana bukas pasta and pizza na ang cravings mo, Daddy,” inosenteng sabi ni Ningning.



Daddy sighed dramatically. “I’m so sorry kung na-disappoint kayo,” sabay lagay ng rice sa plato ni Ningning. “Pero please, ‘wag nyo i-hate si baby.”



Wala ni isa sa magkakapatid ang nagsalita, until Ningning. “Di naman po namin hate si baby… pero sana pagbigyan nya din ang cravings namin.”



Natawa si Baba sa sagot ng soon-to-be-hindi-na bunso nila. Kumuha ito ng isang chicken leg at nilagay sa plato ni Dad. “Well, for now, whatever Daddy wants, Daddy gets.”



Nag-pout si Daddy. “For now lang?”



Baba turned to Dad and held his hand. “Syempre forever,” sagot ni Baba while making heart eyes kay Dad.



RJ and Lele both grimaced at the exchange. Si Kun naman napairap na lang. Si Ningning lang ata ang kilig na kilig sa landian ng parents nila.



Dinner went well. Bumalik sina Manang para sa dessert na ice cream na ni-request din ni Dad.



Everyone watched in horror as Daddy Junmyeon poured Mang Tomas over his vanilla ice cream. Ewww!



“Oo nga pala, uuwi sina Manang this summer ha. So it’s just going to be us,” sabi ni Dad habang nilalantakan ang Mang Tomas Vanilla Ice Cream niya.



“Ha, bakit po uuwi sina Manang?” tanong ni Kun.



“It’s summer vacation naman. Wala naman kayong masyadong gagawin ‘di ba? Nasa bahay lang naman kayo. Paghahati-hatian niyo ang chores.”



“But Dad—”

 

“What? Anong chores?”

 

“Ayawwww”



Sabay-sabay ang protesta ng mga nakababatang kapatid ni Kun habang siya, tahimik lang.



”Dad, why can’t we just hire some temporary Manang to help with the chores? Why do we have to do them ba?” tanong ni Renjun.



”Oo nga Dad, RJ’s right,” sang-ayon ni Lele. “Pwede naman tayo mag-hire ‘di ba?” Lumingon siya kay Ningning na parang maiiyak na at sa katabing si Kun ge na tahimik lang habang nakatingin sa empty ice cream bowl nito.



”Masyadong hassle to hire a temporary helper lalo na’t hindi natin kilala kung mapagkakatiwalaan ba ‘yan,” salo ni Baba. “And besides, your Dad and I think na it’s time for you to learn stuff, so you can be independent at hindi umaasa lagi sa ibang tao.”



”Da ge, say something,” tila nagmamakaawang sabi ni RJ habang nakatingin pa rin kay Kun.



Kun sighed. “Baba’s right. We should learn how to be independent na.” Baba placed his hand on Kun’s shoulder and gave him a smile full of pride. Nginitian ni Kun ang ama. “Hindi palaging nandyan sina Manang. We should learn how to do house chores din.”



Sabay na bumuka ang mga bibig nina Renjun at Chenle para magprotesta pa sana pero narinig nilang bumuntong-hininga nang malakas si Dad. Agad nilang tinikom ang mga bibig at yumuko.



”Okay po,” mahinang sabi ni Lele. Tumango naman si RJ.



Mukhang wala talaga silang magagawa ngayon dahil whatever Daddy says, they have to follow.



”One more thing,” panimula ni Baba matapos ang saglit na katahimikan. Napalingon sa kanya ang lahat maging si Dad. “Magtitipid muna tayo ha.”










Hindi mapakali si Kun sa sinabi ni Baba kanina sa dinner.



Magtitipid? Sila? This is the first time na narinig niya ito mula sa parents. Because Daddy and Baba can provide more than enough for their needs, hindi nila kinailangang magtipid buong buhay nila. That does not necessarily mean na naglulustay sila, pero really? Kailangan nilang magtipid?



Bakit?!



Kakapasok pa lang ni Kun sa kwarto ay nagulat siya nang sumunod ang mga kapatid at nauna pa ang mga ito sa kanyang maupo sa kama. Maingat na nilipat nina Lele at Ningning ng pwesto ang mga lens at cameras ni Kun ge para hindi ito magasgasan o mahulog mula sa kama.



”Ge,” seryoso ang hitsura ni RJ. “Do you know something?”



“Do you mean ‘yung pagtitipid?” Umiling si Kun. “Wala akong idea.”



”Actually, I overheard Dad and Manang kanina. Sabi ni Manang, hindi raw nagbigay ng pang-grocery for this month si Baba,” sabat ni Lele. Napatingin sa kanya ang mga kapatid. “Do you think that’s got something to do with Baba saying na kelangan natin magtipid?”



Napahawak si Kun sa baba at nag-isip. “No groceries, roasted chicken instead of pizza and pasta for dinner, no Manang, magtitipid… hmm.”



Nag-aabang sina RJ at Lele sa susunod na sasabihin ni Kun pero nauna si Ningning na magsalita.



”Da ge, are we going to be poor?”








After dinner, the kids excused themselves para umakyat. Si Yixing naman, nagpaalam kay Junmyeon na magsha-shower muna. Actually, Junmyeon wanted to talk to Yixing pero hinayaan niya muna itong makapaglinis ng katawan.



Instead of heading to their bedroom, dumiretso siya sa pinakadulong kwarto, kay Kun. Gusto sana niyang kausapin ang panganay para mapaghati-hatian ng mga magkakapatid ang house chores habang wala pa sina Manang.



Pahawak pa lang siya sa doorknob nang mapansin niyang bukas ang pinto at narinig niya ang isang tanong.



”Da ge, are we going to be poor?”



Parang binuhusan ng malamig na tubig si Junmyeon sa narinig. He was frozen in place, his hand barely even touching the doorknob.



“Ano? Naghihirap na tayo?” It was Chenle’s voice Junmyeon heard this time.



“Oh no! Hindi pwede! May lalabas na Summer Collection ‘yung Chanel!” It was Renjun. Of course, it’s Renjun.



Junmyeon wanted to laugh at RJ’s reaction but he was too fixated on the word ‘naghihirap.’



Was it possible? Kaya ba sinabi ni Yixing na kelangan nilang magtipid? Has his company gone bankrupt? Paano na ‘to, may apat na bibig silang pinapakain, may parating pang bago? Paano na lang ang pag-aaral ng mga bata? How can they afford the hundred thousand peso tuition per year ng bawat isa? Paano na ‘yung panganganak niya? ‘Yung prenatal check-ups niya?



Most importantly, ‘yung skin care niya?!



Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa utak ni Junmyeon, siya mismo hindi maka-keep up.



“RJ, now is not the time to think about Chanel, please,” Kun answered, sounding tired. Oh, his poor sweet Kun. Wala rin itong alam pero it felt like Kun took the responsibility to answer his siblings’ questions.



“You don’t understand kasi Kun ge! What will my friends say na lang?” pagrarason pa rin ni RJ.



Gusto ni Junmyeon na pumasok sa loob ng kwarto. He wants to assure them na no, hindi sila naghihirap, at no, Renjun doesn’t have to worry about not getting the new Chanel collection cause he still will but… even Junmyeon wasn’t sure about that. Not until he’s talked to Yixing. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa asawa.



His husband seemed calm. Well, Yixing has always been calm, kahit na ang dami nilang problema noon, kalmado lang ito. Hindi tuloy niya matukoy kung may problema ba talaga sila sa pera dahil parang normal lang ‘yung pagbanggit ni Yixing kanina about sa pagtitipid.



Imbis na tumuloy sa kwarto ni Kun, Junmyeon turned around at bumalik sa kwarto nilang mag-asawa. He needs answers.



Kailangan niyang malaman kung ano bang nangyayari. Kung totoo bang may problema. Kung dapat ba siyang kabahan. Kung totoo ba na naghihirap na sila.



Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay saktong lumabas si Yixing mula sa CR. Basa pa ang buhok nito pero nakasuot na ng t-shirt at boxers (sayang!), tumutulo pa ang mga patak ng tubig mula sa batok nito pababa sa collar ng shirt niya. Junmyeon eyes Yixing up and down tapos ay mentally, sinampal niya ang sarili.



Now is not the time to be distracted!



“Hi my love,” nakangiting bati ni Yixing sa kanya. Paglapit nito ay agad siyang hinapit sa bewang at hinila palapit sa katawan nito. “Namiss kita, sobra.” Hinawakan ni Yixing ang pisngi niya at hinalikan siya sa labi nang mabilis.



“Ako rin,” nguso ni Junmyeon. “Shower lang ako mabilis tapos usap tayo.”



“Eh? About what, my love?” Nilayo nang bahagya ni Yixing ang mukha para tingnan si Junmyeon.



“Basta. Wag ka muna matutulog ha. Five minutes lang ako.”



“Okay,” tango ni Yixing at hinalikan muna siya bago pa siya tumalikod papunta sa banyo. “Usap lang ba?” May pilyong ngiti sa mga labi ni Yixing.



Umirap si Junmyeon at umiling. Saka na ‘yung isa pang ‘usap’ after nila mag-usap nang totoo. 



Sa takot na baka makatulugan siya ni Yixing, in less than 5 minutes ay tapos nang magshower si Junmyeon. He let out a deep breath nung maabutan si Yixing na nakaupo sa kama, nakasalamin habang may binabasa sa tablet nito.



Yixing met his eyes at ngumiti at tinabi ang tablet. Imbis na sa kama, sa vanity dumiretso si Junmyeon at naupo sa harap ng salamin. He eyed his skin care collection. Good bye na ba sa mga ito soon?



Sinimulan na niya ang paglalagay ng toner. Compared to the usual amounts he would put on his face, sinadya niyang kontian ang nilagay sa mukha. Kelangang magtipid, baka ito na ang huling beses na makakabili siya at makakapaglagay ng skin care.



Yixing watched him from the bed. Nakatingin rin si Junmyeon sa asawa mula sa salamin at kita niyang tinanggal nito ang salamin bago tumayo at lumapit sa kanya.



Tuloy lang sa paglalagay ng skin care si Junmyeon, in tiny, tiny amounts. Tumayo sa likuran niya si Yixing at pinatong ang dalawang kamay nito sa magkabilaang balikat niya saka mahinang minasahe.



Junmyeon tilted his head slightly towards Yixing. “Di ba ako dapat mag-massage sayo kasi pagod ka from travel?”



Yumuko si Yixing at dinikit ang labi nito sa tenga ni Junmyeon. “Later sa bed,” bulong nito sa kanya. “What are we gonna talk about?”



Junmyeon let out a big sigh at pinihit ang katawan para humarap kay Yixing.



“My love, tell me, naghihirap na ba tayo?”



Yixing’s fingers froze on his shoulders. Kumurap ito nang ilang ulit. “No,” kalmado nitong sagot, “why would you think that?”



Tumayo si Junmyeon at naglakad pabalik sa kama habang nakasunod si Yixing sa kanya. He sat at the edge of the bed and his husband sat beside him.



“Manang said hindi ka nag-abot ng panggrocery sa kanila. You only bought chicken, nagrequest pala sayo ang mga bata ng ibang food for dinner. And then,” Junmyeon exhaled. “Sabi mo kelangang magtipid. Ano ‘yun, Yixing? Tell me the truth, is the company going bankrupt?”



Yixing pulled his hand and wrapped an arm around his back. “My love, there’s no need to worry, alright?” Hinalikan nito ang pisngi niya.



Agad na pinunasan ni Junmyeon ang pisngi. “Yixing, sayang ang skin care ko~” angal niya. “At paanong hindi ako magwo-worry? Wala kang sinasabi sa akin.”



“My love naman…”



“I’m your husband, Yixing. Don’t I have the right to know, too?”



Gamit ang isang kamay, hinawakan ni Yixing ang pisngi ni Junmyeon at pinaharap siya rito. “I’m not hiding anything from you. Hindi tayo naghihirap, hindi tayo bankrupt. We’re just… readjusting.”



“Readjusting?” kunot ang noo ni Junmyeon nang ulitin ang sinabi ng asawa. What does that even mean?



“May inaasikaso lang akong investments. Gusto ko lang na for a few months, maging mas conscious tayo sa gastos, hindi dahil kapos na tayo pero kasi ‘di ba, may malaki rin tayong pinaghahandaan?” Hinawakan ni Yixing ang tiyan ni Junmyeon at marahang hinimas. The baby bump is barely visible from Junmyeon’s loose pajamas.



“But love…”



“Myeonnie, just trust me.” Hinalikan ni Yixing ang noo ni Junmyeon. “We’re okay, I promise. Just trust me.”



Tumahimik si Junmyeon. He wanted to press Yixing for more answers. Sure, the possibility of having new investments is high but hindi siya mapalagay, gusto niyang malaman lahat lahat ng nangyayari. Pero sa tono ng boses ni Yixing at sa init ng hawak nito sa kanya, ang hirap na hindi maniwala.



“...Okay,” bulong niya kahit na may kaunting kaba pa ring natitira sa puso niya.



Sabi ni Yixing ay magtiwala. ‘Yun ang gagawin niya.











Meanwhile, sa kwarto ni Kun, hindi siya mapalagay.



Pagkaalis ng mga kapatid niya, agad niyang ibinalik ang mga camera sa cabinet except for one: his Hasselblad camera na regalo sa kanya noong 16th birthday niya. It was the most expensive camera he has to date at talagang inaalagaan niya ito.



Kun bit his lip as he paced back and forth by the foot of his bed. Nakapatong sa kama ang Hasselblad niya habang iniisip ang sinabi ni RJ kanina with that panicked look on his face.



“Kung naghihirap na tayo… what if we have to do live selling ng mga gamit natin? My bags?! Kun ge’s cameras? Ningning’s shoes?!”



“Pano sa’kin?” sabat ni Lele. “Anong ibebenta ko?”



“I dunno,” Renjun shrugged. “Paulit-ulit lang naman clothes mo. Ah! Alam ko na! ‘Yung signed Stephen Curry jersey mo na lang!”



“No way!” ngumuso si Chenle at sumimangot. “I’m not gonna sell that.”



“Eh wala na nga tayong pera ‘di ba. Malaki makukuha natin pag binenta natin ‘yun. We should help Daddy and Baba kasi sobrang gastos natin.”



The thought of Kun selling his favorite Hasselblad, or any of his cameras… ang sakit naman sa puso. Parang hindi niya kayang i-let go ang mga ‘yon.



But, what if they really had to? Kung susumahin, aabot rin halos ng isang milyon ang collection niya ng cameras and lenses. Sa Hasselblad pa lang niya, kalahating milyon na agad.



 

 

 

 

 

Kun sighed and sat on the bed, pulling his camera on his lap and gently cradling it in his hands.



Kung wala na talagang choice, wala na rin naman siyang magagawa kapag pinabenta na. Kahit pa umiyak siya ng dugo.



That night, Kun slept with his precious Hasselblad beside him, clutching it tightly like his life depended on it.



Bago niya ipikit ang mga mata, hindi niya napigilang sulyapan ang cabinet niya kung saan nakatago ang iba pa niyang cameras. Para bang sa bawat paghinga niya, unti-unting lumalabo ang katiyakan na nandoon pa ang lahat ng mga iyon sa mga susunod na araw.



He hugged his camera to his chest while saying a silent wish in his head.



‘Sana hindi totoong naghihirap na kami. Sana, whatever problems we have, kayanin namin.’