Chapter Text
“Huy Mingyu, umuwi ka na nga. Ang lakas lakas ng ulan, mahihirapan kang umuwi nyan!”
Pangatlong beses nang pinagsabihan si Mingyu ng officemate nyang si Soonyoung habang nagliligpit ito ng gamit, pero patuloy parin sya sa pagtatrabaho. Napatango na lang sya at pilit na ngumiti dahil alam nya sa sarili nyang hindi pa sya uuwi, in 30 minutes siguro.
“May tatapusin lang,” sagot nya sa kaibigan. Derederetso syang nag-ttype sa laptop nya ng code na kanina pa nya inaayos pero hindi parin gumagana, at derederetso din ang buhos ng ulan sa labas ng office building nila. 7:30 PM pa lang naman, at sigurado syang rush hour pauwi, kaya mas okay na din sigurong tapusin nya ang trabaho sa office kesa maipit sa traffic pauwi.
“Sinasabi ko sayo pre, hindi ka tagapagmana.” Sinuot na ni Soonyoung laptop bag nya at lalarga na pauwi, at si Mingyu na lang talaga ang natira sa department nila. “Mag-ddrive ka ba pauwi o di mo nanaman dinala kotse mo? Una na ako ah, ingat ka!”
“Ingat, tol!” Bati din nito sa kanya, ni hindi man lang inalis ang mata sa screen ng laptop dahil baka may mali syang matype at magkanda-loko-loko nanaman ang code nya.
⚠️ ERROR: Failed to load.
At ayan na nga, hindi parin gumagana. Halos patay na ang ilaw sa buong floor maliban sa area nila dahil umuwi na nga talaga lahat ng mga tao. Flexi naman kasi sila kaya yung iba ay kaninang 4 PM pa lang, nauna na para makaiwas sa traffic, pero si Mingyu kasi ay nasa “zone” sa ginagawa nyang trabaho kaya hindi nya mabitawan.
Hanggang sa naabutan na sya ng malakas na ulan.
Halos bumagyo na at lahat-lahat, hindi parin nya napapagana yung code nya.
Konti na lang, malapit nang palitan ni Mingyu yung pangalan nya sa birth certificate nya ng “Mingyu Zobel de Ayala” dahil heto nanaman sya, masyadong nagpapaka-bida sa trabaho. Alam naman nya sa sarili nya na patuloy na iikot parin ang mundo at patuloy na tatakbo ang operasyon ng Ayala Corporation kahit hindi sya magpaka-oa sa tasks nya, but he guesses this is his form of vice. May pagka-workaholic talaga sya. Nalululong sya sa trabaho. Kahit ilang beses na syang awayin ng mga friends nya at pagsabihan ng workmates nya, masyado nya paring ginagalingan. It’s a mixture of three things– first, he likes his job. Oo mahirap minsan, lalo na kapag tambak ng gawain, but he doesn’t despise it. In fact, he loves it. He loves coding, so he easily gets lost in his work. Second, it makes him good money. Tao lang naman sya, tao na naninirahan in this capitalistic world na nanggaling sa kahirapan kaya kailangan nya ng pera. Kailangan nya ng pera to provide for him and to save up for his future and this work gives him enough of it. Third…
Maybe it’s his form of moving on.
Or actually– his attempt to.
Hindi pa naman kasi talaga sya nakaka-move on. Sinubukan, oo. Pero effective ba ang paglunod sa trabaho para makalimutan yung sakit? Minsan . Minsan nga lang. Pero tuwing lumalalim na ang gabi, tuwing sarado na ang work laptop nya dahil tinapos na nya yung trabaho nya for the next day, naalala pa rin nya si Wonwoo.
Mahirap syang kalimutan eh.
—
Lagpas 8:30 PM na nang napagdesisyunan ni Mingyu umuwi, at malakas na malakas parin ang ulan. Tempted syang mag-grab na lang dahil pagod na din sya sa lagpas 8 hours of work, pero napamura sya nang makita na halos 1k yung presyo pauwi sa kanila. Kaya heto sya ngayon, nakapila sa sakayan ng jeep pauwi. Kahit lagpas rush hour na, mahaba parin yung pila dahil hirap lahat umuwi dahil sa ulan. Para magpalipas ng oras, napagdesisyunan na lang nyang magscroll sa tiktok.
jihoon 🔥29
yung streak natin pre wag mong kalimutan
kahit mag-nudge ka lang please lang maawa ka sa pet natin
gyu
👆
nudge
magtiktok ako habang nakapila sa jeep
jihoon 🔥29
di nanaman dinala kotse, angkinin ko yan e
gyu
mahal gas
jihoon 🔥29
[ video ]
haha ikaw to pre
Pinanood ni Mingyu yung tiktok na sinend ni Jihoon, background music ay “Maybe This Time” ni Sarah Geronimo at may lalaking napaluhod habang nakatakip ang bibig tapos may nakaoverlay na text: me after bumalik lahat ng feelings ko sa kanya nung nakita ko sya ulit sa personal.
Aba gago ‘to ah!
gyu
tangina mo anong ako yan
jihoon 🔥29
oums ikaw yan
nde maka move on
gyu
hindi ako yan tangina mo
jihoon 🔥29
okay edi hindi na ikaw
gyu
hindi ako yan kasi hindi ko pa naman sya ulit nakikita sa personal…hehe
jihoon 🔥29
mag-deact ka na pre ayaw na pala kita kausap
gyu
sayang streak natin
jihoon 🔥29
mamatay na tong pet natin bahala na
wag ka na mag move on maglugmok ka na lang habangbuhay
gyu
lah ansama
jihoon 🔥29
hindi mo naman kasi ginagawan ng paraan eh
gyu
eh ayoko e
jihoon 🔥29
o kita mo
download download ng bumble pero di naman ginagamit
gyu
para san pa
jihoon 🔥29
mahina talaga to
gyu
aba, ako mahina?
tingnan mo lang
mag-sswipe ako maghintay ka lang dyan
At dahil dakilang uto-uto si Mingyu na ayaw magpatalo, binuksan ulit nya ang nilalamok na nyang bumble account just to prove a point. Ang hindi nya alam, sinadya ito ni Jihoon at ginamitan sya ng reverse psychology just so he could start putting himself out there again. Awang-awa na si Jihoon sa tropa nya sa totoo lang, halos isang taon na nung nag-break sila ni Wonwoo pero parang wala pa rin talagang usad si Mingyu. As much as he wants to root for the relationship of their friends and to keep clinging onto the hope na magkakabalikan pa sila, kitang kita kasi nya ang pagkasira ng mundo ni Mingyu. Isasantabi muna nya ang paglulugmok dahil alam din nya sa sarili nya na tunay na naging masaya si Mingyu at Wonwoo sa piling ng isa’t-isa, at uunahin munang gustuhin na makita muli ang liwanag sa mga mata ni Mingyu.
—
jihoon 🔥29
[ video ]
ikaw ulit to
Hindi na pinanood ni Mingyu yung tiktok dahil hindi pa man nya nabubuksan, alam na nya kung ano ito. Yung predebut video ni Mika Salamanca na tumatakbo, biglang nadapa, at biglang kumanta ng ‘ di ko inisip na mawawala ka pa… Aba, sumosobra na talaga ‘tong si Jihoon!
gyu
tangina mo
nagsswipe na ako pre
Totoo naman, nagsswipe na si Mingyu sa bumble. Kakasakay lang nya ng jeep at medyo mahaba-haba pa ang byahe kaya ginawa na lang nyang past time. Nagsswipe talaga sya kanina pa…puro swipe left nga lang. Nothing hits talaga, either hindi nya type, hindi nya trip yung bio, not within his target age range, hindi nya bet yung photos, yung isa medyo weird yung pangalan, basta ayaw lang nya!
Sa totoo lang, wala pa syang nasswipe right. Ang ginagawa lang ata nya ay ang mangjudge ng mga tao, which is medyo masaya pala gawin actually.
jihoon 🔥29
hindi counted ang swipe left
gyu
TANGINA MOOOO
tingnan mo lang talagaaaa
Napanganga na lang si Mingyu sa pagkagulat. Kilalang kilala talaga sya ng childhood best friend nya. He actually felt offended that Jihoon was able to read through him like that. Tangina! Oo na, wala syang iniswipe right. Eh paano, walang pumasa sa standards nya eh. But then again, being the petty (and uto-uto) person that he is, bumalik sya sa bumble at nagswipe right. Lahat iniswipe right nya, as in sunod-sunod. Hindi na nya tiningnan yung mga pictures at mga bio, mabilisan lang talaga nyang iniiswipe. Dedma kung nakikita man ng katabi nya sa jeep yung pinag-gagagawa nya dahil dikit na dikit sila sa sobrang siksikan. Swipe right lang sya ng swipe right.
You matched!
Lah. Gago. Anong gagawin dito ni Mingyu sa naka-match nya. Di naman nya type.
Hindi na lang nya pinansin at nagswipe pa ulit. Mga 10 pang sunod-sunod na swipe.
Teka…what was he even doing? Dahil lang ‘to nadala sya sa pagtutukso ni Jihoon. At dalang dala naman talaga sya. Parang gago naman kasi eh, alam na alam ang kahinaan nya. Basta pagdating kay Wonwoo, mahina sya. Palagi syang inaasar dito ni Jihoon.
Totoo naman kasi. Si Wonwoo ang kahinaan nya. Wala na syang magagawa dun, that’s a constant, unchangeable fact in Mingyu’s life.
And even if Wonwoo isn’t in his life anymore, it still remains true. Wonwoo is his weakness.
So…he might as well concede.
Magpapatalo na lang sya kay Jihoon. Aamin na syang wala naman talaga syang balak at wala talaga syang plano mag-bumble, ever . He tried once, believe him, he really tried once. On a lonely night nung naka-sick leave sya, his work laptop wasn’t working kaya hindi man lang nya madistract ang sarili nya to work. Lumabas sa Photos widget nya sa phone yung selfie nila ni Wonwoo from two years ago. Nilalagnat na nga sya, nadagdagan pa ng pangungulila. Miss na miss na nya si Wonwoo. Miss na miss na nya yung pinakamamahal nya. Pero wala eh, nakipag-break sa kanya. Ano ba namang magagawa nya diba? Eh halos ang life motto nya ay, kung ano ang gusto ni Wonwoo, masusunod . Kaya ayun, kung gusto ni Wonwoo na iwan sya, he will give him that freedom. Kahit na masakit.
gyu
tap out na
ayoko na mag-swipe
Hindi na hinintay pa ni Mingyu yung reply ni Jihoon. Bigla syang napabalik sa realidad. Nandito sya ngayon, sa loob ng jeep, sobrang siksikan, malakas ang buhos ng ulan, standstill ang traffic at malayo pa sya sa bahay. Hawak nya ang phone nya, nakabukas ang bumble at nasa app na ito ang daan-daang tao na single na pwede nyang maging kasintahan, pero ni isa wala syang gusto. Dahil iisa lang naman ang gusto nya. Ang nag-iisang gusto nya na nasa piling na nya pero kailangan nyang pakawalan dahil hindi nya naibigay ang tamang pagmamahal para sa kanya. Ito ang realidad nya ngayon.
jihoon 🔥29
ano, wala kang nagustuhan?
gyu
wala.
isa lang naman ang gusto ko.
I-eexit na sana ni Mingyu yung tiktok at bumble na nakabukas nang biglang may nakita sya sa main page.
Wonwoo Jeon, 28
💼 Writer
Ha?
Hindi makapaniwala si Mingyu sa nakikita nya. Totoo ba to? Si Wonwoo ba talaga to? Si Wonwoo, nasa bumble? Ang Wonwoo nya?
Binuksan nya yung profile nito para tingnan.
Bio: I don’t demand much in a relationship, gusto ko lang ng taong kasabay sa jeep pag-uwi galing sa trabaho.
Muntik nang mabitawan ni Mingyu yung phone nya sa panghihina. Hindi sya makagalaw sa jeep pag-uwi galing sa trabaho.
