Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-12-24
Words:
4,369
Chapters:
1/1
Comments:
11
Kudos:
94
Bookmarks:
18
Hits:
928

swag (but make it love)

Summary:

Hindi naman talaga marunong magswag si Donghyuck sa loob ng court. Pero hindi niya maiwasan nang dumating si Mark na laging nagssmirk tuwing magtatama ang tingin nila sa loob ng court.

Or the mahae uaap volleyball story.

Notes:

HELLO!!! nakapagsulat na ulit for ao3 yeheyyy! this is not really accurate sa mga nangyayari sa uaap volleyball. I have knowledge sa volleyball pero hindi ganoon karami HEHHE but gusto ko rin talaga matry ang sports genre kaya here we go!

enjoy reading po <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Bumuntong-hininga si Donghyuck, mabigat at pilit, na para bang may nakadagan sa dibdib niya mula pa kanina.

 

Imbes na mag-warm up kasama ang iba, nakaupo siya sa gilid ng court, ang mga siko ay nasa tuhod habang ang ulo ay nakayuko. Hawak niya ang zipper ng jacket niya na dapat ay kanina niya pa inalis dahil sampung minuto na lang bago magsimula ang laro.

 

Sampung minuto.

 

Dapat ngayon pa lang ay nagpapractice na siya ng receives o di kaya’y nagpapakiramdaman sa bola, pero he couldn’t bring himself to stand up.

 

Parang all of a sudden, naging mistulang dayo siya sa sarili niyang katawan.

 

“Donghyuck.”

 

Napataas ang ulo niya at nakita niya ang coach. Hindi naman ito galit. Hindi rin naman siya pwedeng hindi pansinin habang nakaupo siya rito at nageensayo na ang mga teammates niya. Kasama siya sa first six at kahit gaano pa kabigat ang kaba niya, kailangan niyang tumayo.

 

“Magpractice ka na,” mariing sabi ng coach.

 

Tumango si Donghyuck at tumayo, hinubad ang jacket at nagsimulang mag-stretch na parang naka-autopilot. Ang totoo niyan, hindi pa rin siya sanay. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin lubos maintindihan kung paano siya napasama agad sa lineup gayong kakapasok niya lang sa team.

 

Ang malinaw lang sa alaala niya ay matapos ang huling Palarong Pambansa na sinalihan niya, kung saan first runner-up lang naman sila, may lumapit sa kaniya. May nag-abot ng calling card at nagsabing interesado raw ito sa laro niya. 

 

Hindi sila ang nagwagi noong mga oras na ‘yon pero siya ang napansin.

 

At ngayon, nandito siya.

 

Bagong team at bagong mga sistema. Bagong expectations din mula sa mga tao. Nakapag-training naman sila, oo, at hindi maikakaila na magagaling ang mga kasama niya. Sobrang gagaling, sa totoo lang. Pero iba pa rin ang training sa totoong laro. Lalo na kung ganito ang unang laban.

 

Nang marinig niya ang hudyat na magsisimula na ang laro, awtomatiko siyang pumwesto sa loob ng court para makipagkamay sa mga kalaban.

 

He saw the other side of the court. Narinig niyang ito ang mga defending champions. Defending champions. Agad-agad?!

 

Walang masyadong warm-up, walang transition. Ganitong-ganito ba talaga sa UAAP? Parang sinabak siya ng tadhana nang walang pasabi. 

 

Pero wala na rin naman siyang magagawa.

 

Hindi rin naman niya pwedeng pigilan ang  larong 'to, umupo sa gitna ng court at maglupasay habang sumisigaw ng “Bakit niyo ginawa sa’kin ’to? Ano bang kasalanan ko?” kahit minsan niya na ring nagawa ’yon… sa ibang context, sa ibang tao. Pero issue na ’yon.

 

Going back to the game, bumalik ang atensyon niya sa mga katapat nila.

 

Kilala niya ang ilan. Sikat na sikat, sikat na sikat talaga. May mga pangalan na paulit-ulit niyang naririnig sa balita, sa Twitter, sa mga volleyball edits na dumadaan sa timeline niya. Ang iba pa nga ay literal na mga national team players, mga taong naabot na ang pangarap na sa tingin niya para sa sarili niya ay mananatiling pangarap na lang.

 

Pero okay na rin kasi si Donghyuck kung nasaan siya ngayon. Hindi rin naman niya inakala na mapupunta siya rito. Hindi niya rin talaga binalak na gawing buhay ang volleyball, hobby lang talaga noon, pampalipas-oras noong high school. Pero kung sineswerte ka nga naman.

 

Full scholar siya sa La Salle, may maayos na dorm, may food allowance, may pangalan na mailalagay sa resume balang araw.

 

Saan ka pa, ‘di ba?

 

“We need to do well,” bulong ng katabi niya.

 

Napalingon siya at sinagot ng ngiti. Ngumiti rin ang kasama niya, na para bang sapat na ’yon para sabihing kakayanin natin ’to.

 

Habang nakikipagkamay siya sa mga kalaban, sinikap niyang ngumiti nang maayos. Ayaw niyang magmukhang suplado. Hanggang sa may isang kamay na humawak sa kaniya, mas matagal kaysa sa inaasahan. Napatingin siya, at doon niya nakita ang lalaki. Nakangiti ito at may bahagyang smirk na para bang may alam na sikreto tungkol kay Donghyuck.

 

Napakunot ang noo niya.

 

Binitawan niya agad ang kamay nito at nagpatuloy sa susunod, pero may kung anong hindi maipaliwanag ang naiwan sakaniya. Isang kakaibang pakiramdam sa dibdib, parang may naalog na hindi naman dapat.

 

Pagkatapos ng lahat, napatingin siya muli sa lalaki, pero abala na ito sa sariling team.

 

Weird, naisip niya.

 

At sa kung anong dahilan, ramdam niyang hindi iyon ang huling beses na magiging weird ang araw na ’to



🏐



Tangina.

 

Tangina talaga.

 

Iyon lang ang paulit-ulit na nasa isip ni Donghyuck habang nagpapatuloy ang laro. Ang ingay ng crowd ay parang sumasabay sa tibok ng puso niya. Masyado itong malakas. Maraming tao sa arena at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya’y marami ang nakakakilala sa kaniya. O baka iniisip lang niya iyon dahil sa kaba.

 

Pangatlong set na at ni isa ay wala pa silang panalo.

 

Kailangan naming manalo, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Kung hindi, tapos na agad. Debut game pa lang niya pero parang talunan na siya.

 

Pero kahit gaano niya subukang mag-focus, may isang bagay na paulit-ulit humihila ng atensyon niya palayo sa laro.

 

Iyong lalaki.

 

Kung paano itong ngumisi sakaniya. At kung paano ito magdala ng sarili…sobrang kampante na parang alam na alam niya ang magiging ending ng laban. Lagi silang nagkakatapat sa net, at kahit pilitin man ni Donghyuck na huwag pansinin, imposibleng hindi mapansin ang inaasta nito.

 

Mukha rin itong sikat. Hindi lang basta varsity, parang star levels. Pero kahit anong pilit ni Donghyuck na hukayin ang alaala niya, hindi niya talaga ito kilalang-kilala.

 

Ise-search ko na lang mamaya, naisip niya, saka agad pinagalitan ang sarili. Focus, Lee Donghyuck.

 

Tumalon siya, buong lakas na pumalo at sa wakas, nakuha nila ang ikatlong set.

 

Sumabog ang sigawan ng mga naka-berde sa loob ng arena habang nagpapalit sila ng court. Habang naglalakad siya, ramdam niya ang biglang bangga sa balikat niya, hindi ito malakas, pero halatang sinadya.

 

“Sorry,” sabi ng lalaki na may kasamang ngisi.

 

“Ah, okay lang po,” sagot ni Donghyuck, pilit na ngumiti.

 

Nagpatuloy ang laban hanggang sa maka limang set.

 

Pagod na pagod na ang katawan niya, parang apoy ang baga sa bawat hinga. Akala niya nga ay panalo na sila. Pero tinapos ng kabila ang laban habang may dalawang puntos ang pagitan.

 

Game over.

 

Nanatili si Donghyuck sa kinatatayuan niya nang ilang segundo, nakatingin sa sahig. Masakit ang matalo, oo. Nakakapanghinayang dahil sa puntos na pagitan. Pero wala naman siyang magagawa kundi tanggapin.

 

Nang makipagkamay ulit sila sa kalaban, huminto sandali ang lalaking kanina pa siya sinusubok ang pasensya.

 

“Good game,” sabi nito, may ngiting parang mas totoo kaysa sa kanina, bago lumipat sa susunod na tao.

 

Nanatiling nakatayo si Donghyuck, bahagyang tulala.

 

Ang weird.

 

Weird na weird talaga.

 

Putangina.

 

At siguro’y simula noong araw na iyon, tahimik na isinumpa ni Donghyuck na hindi na niya papansinin pa ang lalaking iyon.

 

Kahit pa ramdam niyang hindi ganoon kadali.



 

🏐

 

 

dlsu spikers 💚

@spikersin

hindi pa yata marunong mag-swag si donghyuck, pero ang galing niya ha! I have a feeling na mag ROY siya talaga this season. never mali si coach! 

 

kit 

@kithein 

baka nga mag roy-mvp pa 👀

 

💙🦅

@markeagles

as if hindi si mark ang maging mvp 🤣hanggang rookie of the year lang ‘yan. si mark ang pinakamagaling sa uaap ngayon! 

 

kit 

@kithein 

over naman sa swag ‘yan kay donghyuck, parang masyadong threatened?



 

🏐



 

Hindi natuloy ang gustong isumpa ni Donghyuck.

 

Sa ikalawang laro nila, laban pa rin sa parehong team, laban pa rin sa lalaking iyon, mas may alam na siya.

 

Tangina, naisip niya nang makita ang pangalan sa lineup.

 

Si Mark Lee pala ’yon.

 

Kaya pala may kung anong pamilyar. Kaya pala parang hindi basta-basta ang presensya. Kasi naman, si Mark Lee ’yon. Part ng National Team kahit rookie era palang niya. ROY-MVP noong freshie year. May mga award na parang walang katapusan ang listahan. Isa sa mga pangalan na binabanggit kapag pinag-uusapan ang future ng Philippine volleyball. 

 

Mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang siya ang puntirya ng lalaki. Bakit tuwing nagkakatapat sila ay ngumingisi ito. Bakit laging parang may sinasabi ang mga mata nito kahit wala namang lumalabas sa bibig.

 

Nang minsang tinanong niya ang isang teammate niya, nagkibit-balikat lang ito. “Hindi naman nagsswag ’yon. Baka wala lang?”

 

Nang tanungin niya ang isa pa, ganito naman ang sagot, “I don’t think he’s the type. Hindi siya ’yong may swag face. Teammates niya siguro, minsan.”

 

Kaya napaisip talaga si Donghyuck.

 

Ako ba ang may problema? Namamalikmata lang ba ’ko?

 

Pero may mga nakita rin siya online, mga slow-mo clip and edits. Hindi lang pala siya ang nakakapansin. May kung anong iba kapag nagkakatapat sila sa court.

 

Hindi niya pa rin nage-gets hanggang ngayon.

 

Kasabay noon, unti-unti rin niyang nalaman na marami palang nagroroot sa kaniya ngayong season. May mga nakakakilala sa kaniya mula pa sa Palarong Pambansa. May mga nag-aabang ng laro niya. May mga umaasang makikita siyang umangat pa.

 

Nakaka-pressure tuloy para sakaniya pero mas nangingibabaw ang isang pakiramdam na gagalingan niya pa.

 

At ginalingan niya nga.

 

Tatlongpu’t isang puntos.

 

Tatlongpu’t isang beses na tumama ang bawat palo, bawat galaw at bawat desisyong hindi niya na ininda ang kaba. Napanalo nila ang laban at sumabog ang tuwa ng mga naka-berde sa loob ng arena. 

 

Tuwang-tuwa ang teammates niya at syempre siya rin.

 

At sa isang iglap, sa gitna ng ingay ng buong lugar, napatingin siya kay Mark. Nakatingin din ito sa kaniya at nakangiti. 

 

Hindi niya alam kung bakit pero napangiti rin si Donghyuck. Pero this is not just a smile, it’s a smirk, direkta at walang atrasan bago siya muling sumali sa mga kasamang nagdiriwang.

 

Swag ba? Edi bibigyan kita ng pangmalakasang swag.

 

Pero sandali lang, volleyball pa ba ’to o loveteam na?

 

Nang mapansin ng arena ang palitan ng tingin nila, lalong lumakas ang sigawan.

 

At sa gitna ng lahat ng iyon, may isang bagay na sigurado si Donghyuck. Hindi na ito basta laro lang.

 

At hindi na rin niya kayang hindi pansinin si Mark Lee.



 

🏐




🏐

@volleybitz

‘yung swag ni donghyuck kay mark!!! NAHIMATAY AKO!!! NA PARA BANG NASA RIVALS TO LOVERS TROPE TAYO! 

 

🌸

@jeitern

akala ko ako lang din ‘yung kinilig kahit mukhang inis na inis na si donghyuck 😭 si mark naman ngumiti lang nung nagsmirk HAHAHAHA

 

🏐

@volleybitz

very sinungitan na nga, nginitian mo pa vibes BWNAJAJAJA PUNYETA AYOKO NA VOLLEYBALL PA BA ‘TO PARA AKONG NANUNUOD NG ROMANTIC FILM 



 

🏐

 

marklee


hiii!

donghyuck, right?

niceee game :)

galing mo :D



 

🏐



At siguro’y sa gitna ng mga tweets, notifications at mismong mensaheng galing kay Mark Lee, mas lalong nawindang si Donghyuck habang nakahiga sa kama ng dorm niya.

 

Ilang beses niyang binuksan at isinara ang app. Ilang beses niyang tinype ang “thanks” tapos binura rin agad. Sa huli, ini-lock niya na lang ang phone at ipinatong sa dibdib niya at mariing pumikit.

 

Huwag mong isipin, pinagsabihan niya ang sarili. May laro pa.



 

🏐



 

Semi-finals na. 

 

Inayos ni Donghyuck ang postura niya habang nasa loob ng court. Pinagpag niya ang mga kamay niya, huminga nang malalim, at sinubukang magfocus. Nang i-set sa kaniya ang bola, tumalon siya at pumalo. 

 

Mali, putangina… outside. 

 

Napakurap siya. Hindi niya nakuha ang tamang pwesto. Kumunot ang noo niya at mabilis na umiling, pilit na inalis ang kung anumang gumugulo sa isip niya.

 

Hindi nila kalaban ang team nina Mark ngayon. Iba ang kaharap nila. Kapag nanalo sila rito, finals na sila kaagad. Kapag natalo, third place pa rin naman at naka podium.

 

Pero may kung anong bumubulong sa loob niya na kailangan talaga nilang manalo. 

 

Hindi lang para sa team. Hindi lang para sa school. Kundi para sa sarili niya.

 

“D! L! S! U!”

 

Sumabay ang sigawan ng crowd.

 

“Animo La Salle!”

 

Dumagundong ang arena nang pinalo niya ang bola sa isa sa pinaka-crucial na puntos ng laro. Tumama ito sa loob ng court at hindi na nasave ng kalaban. 

 

Nanalo sila.

 

They fucking won.

 

Ni hindi niya namalayang napapahawak siya sa tuhod niya, hinihingal at nakangiti, habang niyayakap siya ng mga teammates niya. May sumisigaw ng pangalan niya. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, may isang pangalan na biglang pumasok sa isip niya.

 

Mark Lee.

 

His fucking rival that keeps smirking at him. Ang lalaking biglang nag-message sa kaniya na parang wala lang. Na parang wala lang?!

 

At hindi maintindihan ni Donghyuck kung bakit sa lahat ng pwedeng isipin matapos ang isang panalong magdadala sa kanila sa finals, iyon ang unang pumasok sa utak niya.



 

🏐




dlsu spikers 💚

@spikersin

donghyuck is leading the mvp race this uaap season!! mukhang may bagong ROY-MVP mga lumots!!! WE LOVE YOUUUU DONGHYUCK

 

💙🦅

@markeagles

mark still has an award kahit hindi niya makuha mvp this season 💙




🏐



Hindi rin naman talaga makapaniwala si Donghyuck.

 

Kaninang umaga lang, parang normal na araw pa hanggang sa bigla na lang siyang tinawag at sinabihan na siya raw ang MVP this season. 

 

Most Valuable Player of the Season.

 

Hindi niya iyon inexpect kahit kailan. Rookie pa lang siya at kahit pa maganda ang naging takbo ng season niya, hindi niya inakala na siya ang makakakuha ng award na ‘yon.

 

“I knew it,” sabi pa ng coach niya, nakangiti nang parang matagal na niyang alam ang lahat. “Alam ko na kaagad ’yan pagkakita ko pa lang sa’yo sa una mong laro.”

 

Hindi alam ni Donghyuck kung anong isasagot. Ngumiti lang siya, bahagyang tumango at  tinanggap ang tapik sa balikat. 

 

Mauuna siyang pumunta sa MOA Arena para sa awarding.

 

Habang nasa loob siya ng sasakyan ng isa sa mga player na kasama niya rin, biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya saglit at agad siyang napabaling ng tingin sa bintana habang nag-init ang pisngi niya.

 

Hindi niya muna binuksan ‘yon. Inilapag niya na lang ang phone at huminga nang malalim. Mamaya na.

 

Sa arena, nakita niya ang mga mukha ng mga taong minsan ay nagpahirap sa kaniya sa court. Mga kalabang hinangaan niya. Mga pangalang matagal na niyang naririnig.

 

At siyempre, Mark is there. Si Mark Lee na pagpasok pa lang sa arena ay agad nang tumingin sa kaniya na parang hinanap siya sa gitna ng dami ng tao. Mark smiled towards him.  At bago pa man niya mapigilan ang sarili, ngumiti rin si Donghyuck pabalik.

 

Nagpatuloy ang awarding. Isa-isang tinawag ang mga pangalan, isa-isang umakyat sa entablado hanggang sa siya na. Nakatanggap siya ng tatlong awards bilang isang rookie. 

 

Hindi niya talaga inexpect.

 

At mas lalo pang hindi niya inexpect ang mga susunod.

 

“Good luck on the game later,” bulong ni Mark ng magkatabi sila sandali.

 

“Thank you po,” hiyang sagot ni Donghyuck halos pabulong din.

 

Sa isang iglap, dumapo ang kamay ni Mark sa pisngi niya at marahang kinurot ito na parang biro, parang lambing, bago ito tumalikod at lumapit sa coach ng team nila.

 

Naiwan si Donghyuck na nanlaki ang mata, pulang-pula ang pisngi at tila nakalimutang huminga.

 

“Ano ’yon, Hyuck?” bulong ng teammate niya.

 

Paglingon niya, nakita niya ang pigil na tawa ng katabi.

 

“OMG,” pangaasar nito. “Your cheeks are so red. Do you have a crush on him?”

 

Hindi siya sumagot. Diretso siyang naglakad papunta sa backstage, papunta sa room na nakalaan sa kanila. Finals game later. Kailangan niyang mag-focus kaya wala dapat distractions. Pero kahit anong pilit niya, kumakalabog pa rin nang todo ang dibdib niya.

 

Crush ko na ba talaga siya?



 

🏐



 

Nang mai-set ang bola para kay Donghyuck, agad siyang tumalon. Walang pag-aalinlangan at buong lakas na pumalo. Tinangka ni Mark na i-block ito sa kabilang court pero tumagos ang bola sa pagitan ng mga daliri nito at bumagsak sa sahig.

 

Lumakas ang sigawan sa loob ng arena. Napanalo nila ang unang laro laban sa Ateneo.

 

Agad siyang nilapitan ng isang teammate niya, hingal at nakangiti.

 

“Sungchan?” tanong ni Donghyuck. “Bakit?”

 

Ngumiti si Sungchan, bahagyang kinakabahan pero diretso ang tingin. “Can I take you out for dinner if we win the season?”

 

Nanlamig si Donghyuck sandali tapos uminit ang pisngi niya pero tumango pa rin siya.

 

“Sure,” mahina niyang sagot. Wala namang mawawala… ’di ba?

 

Paglingon niya sa kabilang court, nakita niya si Mark. Matalim ang tingin nito sa kanila. Walang mga ngiti at kung ano sa mikha. Ngumiti naman si Donghyuck sakaniya, inaasahan niyang sasagot ito. But Mark didn’t answer back. Instead, nag-iwas nalang ito ng tingin. 

 

Huh? Badtrip ba siya kasi hindi niya nablock ’yong tira ko?

 

Nang mag-shake hands sila pagkatapos ng laro, hindi siya tiningnan ni Mark sa mata. At natapos ang araw na iyon na malungkot si Donghyuck kahit panalo naman sila. 



🏐

 

💙🦅
@markeagles

MAY KAKAIBA KAY MARK NGAYON 😭
ANONG NANGYARI

 

dlsu spikers 💚
@spikersin

get the championship!! 💚



🏐



Sa pagitan ng mga tweets, edits at haka-haka ng mga tao online, tahimik lang si Donghyuck na nakaupo sa kama niya. Matagal siyang nag-isip bago nag-type.



donghyuck

hi!!

good luck po sa next game :D

marklee

thank u

 

Matagal na nakatitig si Donghyuck sa screen, parang umaasang may susunod pang message pero walang sumunod pa. Ini-lock niya ang phone at inilapag iyon sa tabi ng unan hanggang sa hindi na niya namalayang pumikit na pala siya. 

 

Na malungkot. 



 

🏐




“Hyuck, remember our deal, ha?”

 

Napalingon si Donghyuck sa katabi niya sa service bus. Nakita niya si Sungchan na parang gusto siguraduhin na hindi iyon makakalimutan.

 

“Okay,” sagot ni Donghyuck, saka nagtanong para makasigurado, “naalala ko… pag nanalo tayo, ’di ba?”

 

Tumango si Sungchan at napatango rin si Donghyuck, pero agad niyang ibinaling ang tingin sa bintana. Dumadaan ang mga ilaw sa labas, mabilis at malabo katulad ng mga iniisip niyang hindi pa rin niya maayos-ayos mula kagabi.

 

At nadala niya ang mga iyon hanggang sa loob ng arena.

 

Habang nagwa-warm up siya, paulit-ulit na pumapalo, pilit na hinahanap ang tamang ritmo, kusa pa ring napapatingin ang mga mata niya sa kabilang court.

 

Nandoon naman kasi si Mark Lee. Nagwa-warm up din. Kumportable at kalma na parang wala lang ang bigat ng finals sa balikat niya. Nakita pa ni Donghyuck na lumingon ito at nagtama ang mga tingin nila. Mabilis na umiwas ng tingin si Donghyuck.

 

Biglang umingay ang arena. May sigawan at may hiyawan na hindi niya agad maintindihan kung bakit. Kaya napalingon siya at hinahanap ang pinanggagalingan ng ingay.

 

At doon niya nakita muli si Mark Lee.

 

Na diretsong naglalakad papunta sa kaniya.

 

Sa kung anong dahilan, parang bumagal ang paligid. Parang nag-slow motion ang bawat hakbang ni Mark at bawat hinga ni Donghyuck. It feels like they are inside a star cinema romantic film. 

 

Hindi totoo ’to, naisip niya. 

 

“Uh… hi,” sabi ni Donghyuck nang makalapit ang lalaki.

 

Tumingin lang si Mark sa kaniya sandali.

 

“When we win the season,” diretsong sabi ni Mark, malinaw at walang pagaalinlangan, “Can I take you out on a date?”

 

Parang huminto na talaga ang mundo.

 

Hindi alam ni Donghyuck kung alin ang mas malakas, ang sigawan ng arena o ang tibok ng puso niya na halos lumabas na sa dibdib niya.

 

Nanlalamig ang mga daliri niya at umiinit ang pisngi niya. At sa unang pagkakataon mula nang pumasok siya sa UAAP mas kinakabahan siya ngayon kaysa sa kahit anong pagkuha ng puntos.

 

Sa gitna ng libo-libong taong nakatingin at ng finals na naghihintay.

 

Isa lang ang malinaw kay Donghyuck.

 

Siguro nga ay hindi na talaga ito basta volleyball lang.



 

🏐



🏐

@volleybitz

mark and donghyuck talking before the game!! grabe ang chemistry!! 

[Video Attached] 



🏐




donghyuck

good game po! 

see you sa game 3! 

 

marklee

see you, donghyuck 

the deal still stands 

goodluck

you look pretty kanina pala :D 



🏐




Sa gitna ng mga mensahe at ng pagtatapos alas tres na ng gabi, siguro’y napapatanong na rin sila katulad ng mga tweets.



Kung volleyball pa ba ‘to o loveteam na. 



 

🏐




Hindi alam ni Donghyuck kung nilampaso ba talaga sila sa Game 3 o kung sadyang bumigay lang ang lahat nang may ma-injure sa kanila.

 

Napatingin siya sa kabilang court habang umaalingawngaw ang chant ng Ateneo. Asul ang nangingibabaw, asul ang mas maingay, asul ang mas buo ngayong gabi.

 

Natalo sila.

 

At hindi iyon close fight, alam niya iyon. Ramdam niya iyon sa bawat rally na hindi nila naibalik. Naiintindihan rin ni Donghyuck kung bakit. Sa unang set pa lang, may nainjure sakanila at nawala ang isa sa pinaka-crucial nilang player.

 

Mula sa set na ‘yon, parang may kulan na. Parang may puwang na hindi na nila maibalik sa ayos. Nadistract na rin talag sila. Huminga nang malalim si Donghyuck habang naglalakad sa court.

 

Sobrang lapit na sana, naisip niya.

 

Pero kahit masakit, hindi niya kayang sabihing sayang lang ang season na ito. Hindi niya kayang maliitin ang lahat ng pagod, pawis at panalong dinaanan nila para makarating dito.

 

Ito ang itinuro sa kaniya ng volleyball mula pa noong high school, may mga panalong hindi para sa’yo at may mga talong kailangan mong yakapin para magpatuloy.

 

Nang makipagkamay sila sa kabilang team, huminto si Donghyuck kay Mark.

 

Mas matagal ang hawak ng kamay nito kaysa sa inaasahan.

 

“Good game,” sabi ni Mark, seryoso siya, walang ngisi, walang swag. “See you next time.”

 

Tumango si Donghyuck bago niya binitawan ang kamay ni Mark at nagpatuloy sa iba.

 

It was a good game after all.




🏐



dlsu spikers 💚

@spikersin

it was so close 🥹but it’s still a good run!! see you next season !!




🏐




marklee

hi, donghyuck

are you okay?

want to go out?

donghyuck

helloooo

okay lang po hehe congrats po!

uhm, wala po kayong victory party?

 

marklee

skipped it hahaha

want to take you out

donghyuck 

ito na po ba ‘yung date po na sinasabi niyo?

 

marklee

no, that’s different

that’s a deal for myself too

 

donghyuck

ano pong deal?

marklee

that if we will win

I will court you and take you out on a date

can I say that to you formally today?

I can pick you up :)





🏐




“Hi.”

 

Ngumiti si Mark habang binubuksan ang pinto ng kotse para kay Donghyuck.

 

Saglit na tiningnan ni Donghyuck ang mukha ni Mark bago pumasok. “Hello po…” mahina at nahihiyang sagot niya.

 

Unang beses nilang magkasama nang silang dalawa lang. Walang teammates at wala sa court. Walang sigawan ng crowd. Kaya hindi niya maiwasang mahiya pero parang biglang mas malinaw ang lahat.

 

“So cute…” bulong ni Mark, sapat ang lakas para marinig ni Donghyuck. Namula naman ang tenga ng isa.

 

Umikot si Mark papunta sa driver’s seat, pero napansin niyang hindi pa naka-seatbelt si Donghyuck kaya lumapit siya muli.

 

“Can I?” tanong niya.

 

Tumango si Donghyuck. Maingat na inayos ni Mark ang seatbelt. Nagtagpo ang mga mata nila sa loob ng ilang segundo sapat para maramdaman ni Donghyuck ang init sa pisngi niya at ang kakaibang kaba sa dibdib.

 

“Pwede po magtanong?” panimula ni Donghyuck habang umaandar na ang kotse.

 

Hindi lumingon si Mark, pero ngumiti siya. “Hmm? What is it?”

 

“Uhh… bakit po pala gusto niyo po akong ligawan?” halatang nanginginig sa hiya ang boses ni Donghyuck.

 

“I like you,” simpleng sagot ni Mark.

 

“Huh?” napatingin si Donghyuck sa kaniya. “Kaya po ba lagi kayong nagsswag sa’kin?”

 

“Yeah,” tumawa si Mark. “Nagpapapansin lang ako sa’yo. It worked, right?”

 

“Medyo po…” natawang sagot ni Donghyuck, hindi inaalis ang tingin kay Mark.

 

At doon, sa pagitan ng mga ilaw ng kalsada at tahimik na gabi, napagtanto ni Donghyuck na baka handa na nga siyang mahulog para sa isang tao.



🏐




donghyuck

nasa loob ng dorm na

thank you, mark :)

marklee

welcome, donghyuck :D

busy ka sa saturday?

donghyuck

hindi namannnn

marklee

I’ll pick you up again



🏐



💙🦅
@markeagles

LET’S GOOOO NEXT UAAP SEASONNN

💚
@spikersin

malalang puksaan na naman siguro sa mvp



🏐



Nandito na naman si Donghyuck sa court.

 

Nakayuko siya at hindi pa pumapalo, habang ang mga kasama niya ay nagsisimula nang mag-warm up. Napatingin siya sa arena, berde at asul ang mga suot.

 

“Donghyuck,” tawag ng coach niya. “Practice na.”

 

Tumayo siya, huminga nang malalim at pumunta sa setter nila. Habang nageensayo, napatingin siya sa kabilang court.

 

Nandoon si Mark na seryoso at focused.

 

Bago magsimula ang laro, nag-shake hands sila. Wala namang kakaibang nangyari. Mabuti naman, naisip ni Donghyuck. Nagsimula ang laro, kasabay ng dagundong ng arena.

 

Nang maging katapat niya si Mark, nakita niya ang bola mula sa setter. Tumalon siya at buong lakas na pumalo. Sinubukan ulit ni Mark na i-block. Pero tumagos na naman ang bola sa mga kamay niya. 

 

Hindi niya alam kung instinct lang ba o sinadya niya pero  napasmirk si Donghyuck kay Mark. 

 

At nginitian lang naman siya ni Mark pabalik.

 

Umabot sa limang sets ang laban. Unang game pa lang, pero parang finals na agad ang tensyon. Ngunit sa huli, nakuha nila Donghyuck ang pagkapanalo.



 

🏐



🌸
@jeitern

NGINITIAN NA NAMAN NI MARK SI DONGHYUCK 😭😭 HAHAHAHA PERO INFairness GUMAGALING NA SA SWAG SI DONGHYUCK




🏐



markieee

congrats, baby

are you guys gonna go out?

want to see you :(

hyuckie

hindiiii, pagod sila

where tayo labas, baby?

markieee

okay lang ba sa condo ko lang?

I want cuddlesss

hyuckie

ang big baby neto

sige sige, may klase pero ako bukas ng tanghali

markieee

will hatid you, baby

hyuckie

oki okii

tell me if nasa labas ka na

drive safely, babyyy



 

🏐



Hawak ni Donghyuck ang ice cream na binili ni Mark habang nagmamaneho ito papunta sa condo. Nakapatong naman ang isang kamay ni Mark sa hita niya.

 

Kumuha si Donghyuck ng isang kutsara at inilapit iyon kay Mark. “Subo ka.”

 

Sumubo si Mark sa ice cream, hindi inaalis ang tingin sa daan.

 

“Tinanong ka ni Nanay,” biglang sabi ni Donghyuck, “Kung okay ka lang daw kasi hindi mo nablock ’yung tira ko.”

 

Napatawa si Mark habang ipinaparada ang kotse. “Okay lang ako, baby. Ang galing mo eh. Hindi ko talaga nablock.”

 

Hinaplos niya ang buhok ni Donghyuck habang sinasabi ‘yon..

 

“Magaling ka rin,” sagot ni Donghyuck. “Nahirapan nga ako sa’yo.”

 

Napatawa si Mark at lumabas ng kotse para umikot at pagbuksan ng pinto ang nobyo at inalis din nito ang seatbelt niya. Nang makalabas sila sa kotse, inakbayan niya si Donghyuck papasok sa building. Pagdating sa condo, isinara ni Mark ang pinto at marahang itinukod si Donghyuck doon. Nagtagpo ang mga labi nila, isang simpleng halik ang iginawad ni Mark kay Donghyuck. 

 

Pagkatapos, inilapag ni Mark ang noo niya sa leeg ni Donghyuck, mahigpit ang yakap.

 

“Miss you, baby ko,” bulong niya. “Tagal nating hindi nagkita.”

 

“Miss you too,” sagot ni Donghyuck habang hinahaplos ang likod niya.

 

Dumiretso silang dalawa sa kama at humiga, binuksan ang TV at nanood ng paborito nilang anime nang magkayakap.

 

At marahil, sa pagitan ng panalo at talo sa bawat laro…

 

Doon nila natagpuan ang panalong hindi kailangang ipaglaban.

 

 


 

 

🏐
@volleybitz

AY PUNYETA 😭 SINONG NAGKISS SA FINAL MATCH NG SEASON NA ’TO?! PWEDE BA ’YON?!?

Notes:

thank you for reading my kabag!