Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2026-02-02
Completed:
2026-03-11
Words:
14,527
Chapters:
5/5
Comments:
127
Kudos:
410
Bookmarks:
12
Hits:
5,927

Ginusto

Summary:

Jhoanna had no idea who started it…

Chapter 1: Chapter 1

Chapter Text

“Like Jho, sobrang poganda niya talagaaa.” 

Lumingon si Jhoanna sa tinuran ng kaklaseng si Helen. 

Ang ingay ingay nga nito kasi kanina pa ito kuda nang kuda habang nasa library sila. Mabuti na lang talaga hindi sila pinagalitan ng librarian sa ingay nito. 

Ah. 

Okay alam na niya sa kung sino ang tinutukoy nito. 

They were first year students at St. Anne’s University. And unang linggo pa din e may hearthrob na sa batch nila.

 

Nope hindi lalaki. 

Colet. 

Colet Vergara. Lahat ata may crush dito lalo na nung pinakanta pa nung general assembly nila. 

Well sila. 

“Jho hindi ka man lang ba nagagandahan? Lalaki nga pala bet mo.” 

Jhoanna looked at her classmate. Feeling a bit appalled. 

“Hoy. Hindi lang ako naghahanap ng relationship.” 

“Lalaki gusto mo.” 

“Beh kung sino nandyan why not pero jusko ang hirap na nga magmaintain ng grades.” Jhoanna said as she opened her notes.

 

Kailangan kasi talaga niya mamaintain ang grades niya dahil scholarship lang din naman ang bumubuhay sa kanya.

 

Buti nga may maliit na studio type ang tita niya na hindi naman nito siya pinagbabayad.

 

Napatingin siya sa kaibigan nang bigla na lamang ito tumayo.

 

“Beh where are you going?”

 

Pero hindi na nagsalita pa si Helen dahil derederetso na itong lumapit sa pinaguusapan pa nila. 

Kaya naman nanuod si Jhoanna sa eksena. 

She watched as Helen approached Colet. 

Hmm. Oo na poganda naman talaga nito. 

Helen was now in front of Colet. 

Hindi marinig ni Jhoanna ang usapan ng dalawa pero nakikita niya ano ang nangyayari. 

She was right behind where Helen was so she could see Colet just looking all spaced out. 

Her forehead furrowed when Colet stood up and walked away leaving Helen standing there. 

Oh shit.

 

Maya maya ay lumapit na ang kaklase niya na nakasimangot. 

“What’d she say?” 

“Tiningnan lang ako beh! Sabi ko kung gusto ba niya maglunch mamaya. Kakayamot! Ganda ganda ng boses di man lang nagsalita! Well technically may ni-murmur siya hindi ko lang narinig.” 

Tatawa tawa si Jhoanna na napailing. 

“Kainis ka.” Himutok pa ulit ni Helen na nakanguso. “Sabagay sabi nga nila wala daw yun masyado kinakausap. Kasama niya lagi si Lim saka si Apuli e pareho din yung mga yon na hindi nagsasalita.” 

“At least you tried.” Tawa pa ulit ni Jhoanna at sinara na ang notes. Hindi na din naman siya makakaaral. “Hanap ka na lang daw ibang ka date.” 

“Palibhasa madami din gusto ka i-date.” Helen smirked as she sat back down while Jhoanna was already fixing her things. 

Tiningnan naman ng huli ang kasama. “Ha? Baliw.” 

“Beh dami may crush din sa’yo. Ikaw naman daw yung nerdy na sureball matutuwa yung mga magulang kapag pinakilala.” 

“Kakabasa niyo yan ng Wattpad.” Jhoanna rolled her eyes, grabbing her things before she made her way out of the library. 

Lunch na din pala talaga.

 

Imbis na sa canteen ay sa isang malapit na kainan sa school nila siya dumeretso. 

Parang naging extension na nga yon ng canteen ng school nila as seen by the IDs worn by the students. 

Unang pasok pa lang ni Jhoanna ay samu’t saring taga SAU na ang naroon. 

Mabuti na lang may isa pang table kaya don agad siya pumwesto. 

Kaso pucha paano ‘to. 

Paano siya bibili e wala magbabantay nung bag. 

“May kasama ka?” 

Nagulat siya pagkalingon niya nang makita si Colet na nakatingin sa kanya habang nakatayo sa isa pa upuan sa lamesa na yon. 

Jhoanna stilled. “Uhm wala.” 

“Pwede? Gutom na din ako eh.” 

Hindi kaagad nakasagot si Jhoanna. Una kasi kaya pala magsalita ni Colet. Pakiramdam niya kasi sa kanta lang ito nagkakaboses. 

“Uh sige. Ako na bantay dito una ka na mag order.” 

“Una ka nakiupo lang din ako.” Colet smirked. 

Ayaw patalo. “Ikaw na.” Pilit pa ni Jhoanna. 

Imbis na sumagot ay umupo na si Colet. She had a smug smirk on her face. 

“Ikaw na.” 


“Ikaw na.” 

“Ikaw na ako magbabantay ng gamit promise di ako magnanakaw.” Colet said with finality as she smirked. 

Sumimangot si Jhoanna pero ang sagot naman ni Colet ay ang mapangisi. 

“Ano order mo.” Jhoanna deadpanned. 

Natatawang sumagot si Colet. “Truffle pasta please send ko na lang sa gcash mo.” 

Hindi na sumagot si Jhoanna at dumeretso na sa cashier para bumili. Akalain mo nga naman. Balita niya kasi di daw talaga madaldal si Colet pero pagdating sa kanya nakipaglabanan pa ng “ikaw na.”

 

Walang sabi sabi na bumalik siya sa upuan at nakita na nagbabasa lang si Colet ng fiction book. 

The girl lifted her head up when she noticed she’d returned. 

Nilapag niya ang number 27 na order marker nila sa lamesa. 

She checked her phone while waiting but couldn’t help but feel Colet staring at her. Pero guniguni lang naman niya siguro no? 

Wrong.

 

Nag-angat siya ng tingin. Colet was no longer looking at the book. 

Sa kanya na. 

And when she looked back, the girl smiled. 

“Bakit?” 

“Wala lang.” Ngisi ni Colet. 

Jhoanna couldn’t help the incoming eyeroll. Ma-offend na si Colet wala siya pake. 

The girl didn’t look offended though. 


Mas lalo lang lumaki ngisi nito.

 

And Jhoanna couldn’t help it. “So okay lang naman pala sa’yo mag lunch nang may kasama.” 

“Huh?” Came Colet’s confused reply. 

Jhoanna sighed. So hindi man lang nito naalala na inaya ito ni Helen? Was the girl that full of herself? 

“Wala.” She said just as their number was called. 

Bago pa makatayo si Jhoanna ay nauna na si Colet at dali dali nito kinuha ang order nilang dalawa bago ilapag sa lamesa. 

“Send mo gcash QR mo ah.” Anito kay Jhoanna bago nagsimula kumain ng pasta.

 

Hindi na sumagot pa si Jhoanna at kumain na din. Sandwhich naman ang sa kanya kasi medyo nagtitipid siya. Sa bahay na lang siya kakain ng kanin. 

She was busy looking at her notes while eating. Bigla kasi siya napaisip sa mga topic na baka itanong aa quiz nang maramdaman na may pumupunas sa labi niya. 

She stilled and saw Colet wiping the side of her lip with her thumb before licking it. 

“May mayo.” Colet said non-chalantly before returning to her food. 

Jhoanna stilled. 

WHAT THE—

 

Her cheeks reddened. 

 

“Hindi ba masarap yung food? Nasarapan naman ako dito sa pasta.” Biglang sabi ni Colet.

 

It was then Jhoanna realized that she’d stopped eating.

 

E pano nag short circuit ata utak niya. 

“M-Masarap naman.” Aniya. Pero di talaga gumagana utak niya eh. 

“Try mo din itong pasta.” Colet said before scooping some and then placing it on her plate. 

Tinaasan na ni Jhoanna ng kilay ang babae. 

Letsugas. 

Colet was too focused on eating though but stopped when her phone rang. 

“Gwen? O tangina now na talaga? Tsk. Fine fine. Oo na papunta na panira ka.” 

Colet sighed as she clicked her phone close before turning to Jhoanna. 

“Jho gcash mo.” Agad na sabi nito. 

O right. 

“S-send ko na lang sa messenger.” 

May group naman ang batch nila din kaya makikita niya. 

“Osige I have to go. Thank you ulit.” Colet smiled at her before grabbing her bag. Muhkang nagmamadali na talaga ito. 

She scurried away out of the resto, leaving Jhoanna to her thoughts. 

What the hell just happened. 

Jusko parang di maniniwala si Helen kapag naikwento niya. 

Her phone pinged and she saw that Colet had already messaged her. Ang kulit wala pa ilang minuto? 

Colet Vergara:

 

Jho QR

 

Jhoanna rolled her eyes. Ang atat. 

She sent the photo of her QR code and in just minutes saw some cash enter her app. 

Teka…

 

Pati sandwhich niya binayaran! 


M-Message na sana niya ito nang biglang magpop up ulit ang isa pa na bubble. 

It was Helen. 

Helen Hernandez:

 

Asus sabi ko na kunwari ka pa! Di bale ‘te paparaya ako ship ko kayo. 

And attached to the message was a photo of Colet wiping her mouth.

 

Jhoanna’s eyes widened. 

Napatingin siya sa paligid at nakitang ang ibang mga ka school mate niya ay nakatingin. 

SHIT.