Actions

Work Header

The view of your love

Summary:

Inigo(kmg) and Warren (jww) are close enough to called each other 'kaibigan' (lang?)

pero Warren started to feel something kay Inigo na akala niya mababaw lang pero hindi niya namalayan, malalim na pala. Kaya magsisimula siyang iwasan ang feelings niya (pati na rin si Inigo) pero alam niya naman na hindi madali yun kasi nga friends (lang) sila

itutuloy kaya niya ang pag-iwas hanggang matanggap ng puso niya na itago nalang?

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Chapter 1: Una

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Warren Jeon's

 

Simula palang may nararamdaman na ako kakaiba sa lalaking ito eh, dahil siya ang kauna-unahan tao na naging kaibigan ko na feeling close na agad pangatlong araw palang na magkakilala kami 

 

pero hindi ko namalayan na mas naging close ko na pala siya kesa sa pinsan kong slash kaibigan niya na si kylo

 

sabi nga din ni kylo na mas madalas pa daw na ako ang kulitin nito kesa sakanya na unang naging kaibigan nito, which is tama naman dahil mas naging makulit ito kesa kay kylo lalo na kapag kasama nila ako

 

pero ang hindi ko inaasahan ay ang mahulog ang loob ko ng lubusan sa binata na'to, as in nafall ang kuya niyo sa lalaking ito

 

What the heck!!

Bakit kasi pumopogi siya sa paningin ko?!

like, sino yan? bakit ang pogi niya? Hindi yan si Inigo 'mayor social butterfly' Kim na kilala ko

Pero 

Ang gwapo niya talaga! (⁠*⁠^⁠3⁠^⁠)⁠/⁠~⁠♡

 

"Ren!!" Tawag nito sa'kin habang nakatitig ako sakanya, putik na buhay nga naman ito ohh masyadong halata warren jeon!

 

"Ohh, Bakit ba??" Tanong ko dito at mahinang sinampal ang mukha nito, syempre mahina lang hehehe sayang eh baka masira gwapong mukha nito

 

"Kanina ka pa tulala, miss mo na siguro si cousin mo?" Nakangiting sambit nito kaya inirapan ko ito at inayos na ang gamit 

 

nandito kami sa library ng university na pinapasukan namin, sabay na nagre-review dahil parehas kaming may quiz mamaya

 

nursing ako, architect naman ito si Inigo. Ang layo no'n? Pero hindi ko rin alam sa lalaking ito bakit parating ako kasama, akala mo ako lang kaibigan eh parang mayor naman siya sa dami ng kaibigan niya

 

"Miss ko na crush ko" nakangising sambit ko at nag-ayos ng gamit na dahil malapit na matapos ang vacant ko 

 

"Luh, may crush ka na?" medyo gulat na sambit nito, shit! Ito na naman yun poging mukha niya na nakatitig sa'kin 

 

"Secret" nakangiting sambit ko, ikaw yun bro at bawal mo malaman dahil sapat na makasama ka para sumaya ako

 

"Ganyan ka na ahh hindi ka nagsasabi" sambit nito at inayos na rin ang gamit niya, mukhang napansin niya ang oras na malapit na matapos ang vacant niya

 

"Una na ako" sambit ko at nauna na maglakad palabas ng library, may sinabi pa siya pero hindi ko na narinig 

 

mukha akong nagmamadali pero ang totoo niyan need ko lang talaga dumistansya kay inigo dahil baka lalo akong mahulog 

 

bakit kasi sa kaibigan nahulog? Sana sa kanal nalang mas kaya ko pa yun kesa dito

(⁠'⁠ ⁠.⁠ ⁠.̫⁠ ⁠.⁠ ⁠'⁠) hay na'ko 

Happy crush

yun lang dapat eh

hanggang doon lang dapat...

paano kung unti-unti na akong nahuhulog sakanya (⁠。⁠•́⁠︿⁠•̀⁠。⁠)

 

pero alam ko naman ang limitasyon alam ko naman kung hanggang saan lang dapat ito, di'ba?

 

tama, hanggang dito lang dapat ito

happy crush lang dapat natin self si ito si Inigo!

(⁠。⁠•́⁠︿⁠•̀⁠。⁠)⊂⁠(⁠•⁠‿⁠•⁠⊂⁠ ⁠)

 

"Ren, di'ba may crush ka na?" Tanong ni Inigo sa'kin, nandito na naman kami sa library para mag-aral charot tatambay lang kami dito dahil mahaba na naman ang vacant namin dalawa

 

"bakit?" Tanong ko pabalik pero di ko nilingon ito, ayokong sagutin baka mahalata ako nito eh happy crush lang naman

 

"kasi may crush rin ako hehehe" sambit nito kaya napalingon ako dito, ouch? Bakit may biglang porkchop (pighati) akong naramdaman?

 

"sino naman? Dami mong kaibigan hirap hulaan" seryoso na tanong ko dito pero nginitian lang ako ni gago, mukhang hulog na ata siya sa crush niya ╮⁠(⁠╯⁠_⁠╰⁠)⁠╭

 

"secret muna hahaha pero Ren-" sambit nito pero naputol ang sasabihin nito ng biglang may tumawag dito

 

"inigo..." mahinhin na tawag ng isang babae kay Inigo, di ko kilala pero mukhang friend ni inigo

 

"ohh mitch, bakit?" tanong ni inigo at lumapit sa babae halatang may crush kay Inigo dahil abot tenga ang ngiti nito ng lumapit si Inigo sakanya

 

nakatingin lang ako sakanila habang nag-uusap sila kaya kitang-kita ko kung paano sila mag-usap, minsan bigla-bigla nalang silang magtatawanan mahina lang dahil nasa library kami

 

pansin rin kung paano kumislap ang mata ni inigo kapag nagkakatitigan sila

 

mukhang ito pa ata yun crush niya pero mukhang hindi na crush eh dahil grabeh na ningning ng mga mata ni Inigo sa dalaga

 

habang pinapanood ko ang pag-uusapan nila biglang lumingon sa'kin si Inigo 

 

malawak ang magandang ngiti, tuwid ang magandang katawan nito na halatang naggi-gym at nagniningning pa rin ang mata na ngayon ay nakatitig na sa'kin kaya nginitian ko nalang ito

 

wait, hoy?!

na'ko!!

hindi pwede toh (ಠ⁠﹏⁠ಠ)

bakit ganito tibok ng puso ko? Bakit sobrang bilis nito

hala! Mahal ko na ata siya (⁠ب⁠_⁠ب⁠)

 

nagma-realize ko ang nararamdaman ko ay agad kong inayos ang mga gamit ko dahil putik?! hindi pwede ito kailangan kong umiwas 

 

ayokong mahulog ng lubusan lalo't na hulog na ata ako sakanya tapos ngayon may gusto siyang iba huhuhu (⁠。⁠•́⁠︿⁠•̀⁠。⁠)

 

"saan punta mo? Di'ba mahaba pa vacant mo?" Tanong nito pagkalapit dahil siguro nakita niyang nag-aayos na ako ng gamit ko 

 

"may pupuntahan pala ako hahaha ngayon ko lang naalala" sambit ko pakeng tumawa para hindi halatang nagsisinungaling pero hindi ko ito tinitingnan sa mata, hirap na baka mahulog pa lalo si ako

 

"luh saan? Sama ako" sambit nito at nag-ayos ng gamit niya na din, hala gago anong papalusot ko?!

 

"requirements for nursing, bawal ibang dept hehehe dito nalang kayo mag-usap ng friend mo" mabilis na sambit ko at mabilis na tumakbo para umalis sa library, malayo sa paningin niya

 

na'ko?! Anong gagawin ko ngayon huhuhu?

 

BSN - 4C Announcement GC (click on here)

 

buti naman pwede na akong umuwi pero sana wala pa sa bahay si kylo kasi puta, baka tanungin ako no'n kung bakit ang aga ko umuwi at magsabi kay Inigo

 

Haven & warren Convo (click on here)

 

Inigo & warren's convo (click on here)

 

mas mabuti na'to makakaiwas ako sakanya kasi patay ako-hindi literal-kapag hindi ko ito ginawa baka lalo ako mahulog sakanya

 

(⁠ ⁠・ั⁠﹏⁠・ั⁠) ⊂⁠(• - ⁠• ⊂)

 

"Warren-ren!" Tawag sa'kin ni Inigo nandito ako ngayon sa cafeteria kasama si Haven, napalingon naman ako dito 

 

"Bakit?" Tanong ko, kumaway pa muna ito kay haven before umupo sa tabi ko, ilan buwan ko na rin ito iniiwasan pero parang hindi naman nito na halata or baka akala nito busy lang talaga ako dahil graduating student na ako

 

"Karaoke tayo" sambit nito, tatanggi dapat ako dahil gusto kong matulog kasi kakatapos lang ng last finals namin bago grumaduate

 

"hehehe haven sama ka? Hindi kasi sasama toh kapag hindi ka kasama eh" nakangusong sambit ni Inigo kay Haven kaya napatingin naman si haven sa'kin 

 

tumingin ito na para bang tinatanong kung ano ang tinutukoy ng lalaki sa harapan niya kaya ngumiti nalang ako sakanya ng tipid

 

'sorry haven isa ka sa parating palusot ko (bukod sa busy ako) kapag nag-aaya toh eh'

 

nahalata ako ni Haven no'n napadalas na ang pagsabay ko sa kanila mag-vacant ng tropa niya sa civil engineering na iniiwasan ko si Inigo kaya tinanong ako nito—isang buwan ng pagsama ko sakanya—kung iniiwasan ko si Inigo

 

no'n una tinanggi ko pa pero nilapagan ako nito ng maraming ebidensya na parang akala mo abogado siya kaya yun inamin ko na at kinuwento ang lahat sakanya

 

Ngayon naman nagkataon na nasa class yun tropa ni Haven sa engineering kaya kaming dalawa lang ni haven ang magkasama

 

"gow, sige hahaha" nakangiting sambit ni Haven habang nakatitig lang sa'kin at tinaasan pa ako ng kilay

 

"ohh ayan ha kasama na si Haven baka hindi ka pa rin sumama" nakangiting sambit ni Inigo sa'kin kaya napatingin na ako dito, nakaharap na ngayon ang halos buong katawan nito sakin at nilagay pa ang braso sa balikat ko

 

Ito naman tayo eh!

kaunting ngiti ng lalaking ito nahuhulog na agad ang puso ko 

parang kapag itong lalaki na ito ang nasa harapan ko ay auto-fall (new word galing sa'kin) ang puso ko eh

like easy heart, pahard-to-get ka naman kaunti (⁠〒⁠﹏⁠〒⁠) 

pero tangina kasi ng ngiting yan nakakatunaw 

delikads na! Delikads na talaga?!

 

"hindi ka ba napapagod kakatapos lang ng finals tapos... Hay na'ko Inigo Kim" sambit ko dito at tinanggal ang braso sa balikat ko tsaka binatukan ng mahina pero tinawanan lang ako nito at tumayo na

 

"basta ha mamaya, hintayin ko kayo. Bye-bye" nakangiting sambit nito, ginulo pa ang buhok ko bago umalis kaya inayos ko tuloy ito

 

"hindi ko alam kung manhid siya or ako lang talaga nakakakita kung gaano ka halata sa kanya" sambit ni Haven ng tuluyan ng nawala sa paningin namin si Inigo 

 

"baka halata nga, ini-ignore niya lang" sambit ko halos pabulong na yun dulo, mas mabuti na yun atleast pinag-iingat niya ang friendship namin at dedma nalang siya sa feelings ko

 

"hindi babeh, feel ko manhid lang talaga siya kasi kung alam niya at ini-ignore niya lang, edi sana hindi na siya masyadong touchy sa'yo" nakangiting sambit nito kaya nginitian ko nalang rin ito, natahimik naman kami dahil parehas kaming walang sasabihin ko topic

 

"Oo nga pala, saan tayo ngayon? 3 hours pa naman vacant natin" tanong nito sakin kaya napaisip naman ako 

 

Madalas kami ni inigo sa library pero ayoko doon, lalo ko lang naalala si inigo kasi doon kami nga madalas at ayoko naman siyang maalala pa lalo't nagmomove-on na nga ako 

 

"tara sa library–" pag-aaya nito pero pinutol ko ang sasabihin nito "mag-mall nalang muna tayo mahaba naman vacant" sambit ko pero tinititig lang ako nito, na para bang nagsabi ako ng masama sa tingin nito

 

"ano?" tanong ko dahil parang jina-judge na ako nito "mag-rooftop nalang tayo hahaha ayokong gumastos" ngumiting sambit nito at tumayo na sabay kuha ng bag na nasa tabi niya habang ako nakaupo pa rin pinapanood siyang kumilos 

 

Ayaw gumastos eh kanina pa siya maraming ginagastos dito palang sa cafeteria pero baka wala na siyang budget para gumastos pa lalo 

 

"tara na may mga upuan naman doon eh tapos maganda pa tanawin" nakangiting sambit nito kaya tumayo na rin ako sabay suot ng bag sa balikat (shoulder bag kasi dala niya) 

 

sumunod nalang ako kay Haven kasi hindi ko naman alam ang daan papuntang rooftop, at kung saan rooftop ng building ba kami pupunta 

 

"maganda nga tanawin dito" sambit ko nagmakarating kami sa railing dito habang tinitingnan ang view ng buong university, worth it ang pagod sa pag-akyat

 

"sa totoo lang walang masyadong tumatambay dito, eh tinanong ko naman sa ssg officer kung bawal dito. Hindi naman daw pero may cctv dito just incase, may alam mo na" sambit nito at kumuha ng upuan para makaupo kaming dalawa pero nakatingin lang ako sa tanawin dito 

 

natahimik kami dahil parehas kaming walang sasabihin kaya tanging hangin lang ang ingay sa paligid namin, mga hangin na nagtatanggal ng mga gulo sa utak at pagod sa puso

 

"mahal mo no'n?" Tanong nito bigla pero hindi ako nagulat dahil parang wala nalang sa'kin ang tanong na yun

 

matagal ko naman ng inamin na mahal ko siya—3 years to be exact—pero itong mga nakaraan buwan ko lang fully na realize na 

 

Shit, ibang pagmamahal na pala toh

 

ibang-iba sa dapat na kaibigan at happy crush lang, kasi naghahangad na akong mahalin niya pabalik eh hindi ko nga alam kung tumatanggap siya ng

 

pagmamahal galing sa lalaki

Pagmamahal na more than just a friend 

 

"Mahal ko siya, higit pa sa dapat na kaibigan lang" sambit ko habang nakatingin pa rin sa tanawin nasa harap ko

 

Notes:

Hays kung ano-ano nalang naiisip ko (ang pangit siguro talaga ng mga story ko kaya walang nagbabasa ╥⁠﹏⁠╥)

Note: kung may nakita kayong similar na work sa story na ito pakisabi agad para ma-delete ko na agad toh hahaha (pero own work ko toh ha, galing sa utak ko lahat ito ಠ⁠︵⁠ಠ)