Actions

Work Header

match point!

Summary:

volleyball superstars and outside hitters mingyu gideon kim of ateneo and wonwoo gabrielli jeon of ust na rivals since grade school hanggang uaap pero naglalaplapan sa loob ng locker room

gaya nga ng sabi ni mingyu: ibalik ang korona sa españa, wonwoo gabrelli jeon ligawan na kita

Notes:

hello! new one-shot fic here! <3

first off, this is a commissioned fic by mx @/jjoknyangmeanie—thank you so much for trusting me to bring this amats to life, mowm! <3 seriously, thank you for letting me play around with this idea and giving me the chance to write this. i hope it’s everything you imagined (and more) hehe

second, this is my current amats talaga likeeee uaap!mw tapos enemies-to-lovers will always be my ultimate weakness!!

third, warning: puro kalandian at kabadingan lang 'to ng minwon hehehe. also, sorry if there are some technical volleyball mistakes, though. i’m more of a casual audience, but i did a bit of research for this one, so hopefully it still feels somewhat legit! 😅 fourth, if you’re here reading this, thank you so much for always supporting my fics. your time and love mean the world! <3

enjoy!

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

 



ִֶָ𓂃 ࣪˖ ִֶָ🏐་༘࿐

 

“Timeout, UST!”

Mabilis na lumapit ang buong team kay Coach Gil, hingal na hingal pa ang lahat at pawis na pawis matapos ang long rally. Ramdam na ng lahat ang kaba dahil match point ng ng kabila. Isang error lang mula sa kanila, tapos na ang fourth set at ang laban. 

Coach Gil ran a hand through his hair, then pointed sharply toward the other side of the court.

“Kim is killing you. He’s killing you all.” 

Tahimik ang lahat habang nakikinig.

“Pinapatay niya opensa at depensa niyo. Lahat ng bolang dumadaan sa kanya? Receive, transition, attack. Siya ang tempo ng Ateneo, alam niyo naman 'yan, e.”

Napakagat si Wonwoo sa loob ng pisngi niya. Alam niya naman at kitang-kita niya. Kahit saan mapunta ang bola, nandoon ‘yung kumag—either tumatapos o gumagawa ng paraan para makapuntos sila.

Coach Gil crouched slightly, mabilis na gumuhit gamit ang daliri niya sa clipboard. “Listen carefully. Service nila ’to, so we start with reception. Seungkwan, priority mo ang angle ni Kim, huwag kang papahuli sa cross niya.”

“Yes, coach!” sagot agad ni Seungkwan, ang libero ng team. 

“Jeonghan,” tuloy ng coach, “pag nakuha natin ang bola, huwag kang masyadong predictable. I want a fast play. Stretch their blockers. I-distract mo si Kim, ‘wag mong hayaan na makapwesto siya agad sa block.”

Tumango si Jeonghan, ang setter ng UST. “Kuha, coach.” 

“Wonwoo.” Diretso ang tingin ng coach sa kanya. “You go hard. No hesitation. Pero ‘wag kang papalo kung sarado. Use the block. Tool it. Be smarter than them.”

Tumango si Wonwoo. “Yes, Coach.”

“Jaemin, Jihoon, Jaehyun, stay ready sa coverage. Kapag na-block, bola pa rin natin ’yan. Walang bibitaw. Kaya pa natin ‘yan! Bawi tayo! Dalawang puntos para makuha ‘tong unang laro!” 

Nang matapos ang timeout nila ay sabay-sabay silang naglakad pabalik sa loob, pero nagsalita muna si Wonwoo. 

Match point na nila ha! Kung gusto nating makuha ‘tong unang laro, aayos at gagalaw tayo. Kanina niyo pa tinititigan lang ‘yung bola, e. Seungkwan, kung ‘di para sa’yo, umurong ka!” 

Hindi naman sanay si Wonwoo na magbigay ng pressure sa teammates niya. Kilala siyang captain ng team na laging kalmado, pero minsan kailangan niya ring ugain ‘tong mga ‘to para magising, e. 

Kanina pa sila error nang error—receive, sablay. Set, alanganin. Spike, out. Para bang wala silang gana, parang hindi sila gutom manalo. At doon siya lalong nainis. Kayang-kaya nila ‘tong Ateneo dahil natalo nila ‘to nung elimination, pero talaga namang parang hindi uhaw manalo ‘tong ibang teammates niya, nabungangaan niya tuloy pagkatapos silang lecturan ng coach nila.

Isa pa, gustong-gustong makabawi ni Wonwoo sa Ateneo. Last year kasi natalo sila sa championship. Saka pangatlong playing year niya na ‘to, hindi siya papayag na wala siyang at least dalawang championship sa collegiate volleyball career niya at bago siya mag-pro. This was literally his window and his chance to leave something behind before stepping into the professional league. 

“Focus tayo!” sigaw niya ulit bago ang play.

Ramdam na ramdam ni Wonwoo ang kaba sa dibdib niya. Puno ang Mall of Asia Arena para sa unang game ng championship—walang bakanteng upuan, puro sigawan at ingay ang bumabalot sa buong court. Rinig na rinig pa niya ‘yung “Go USTE!” ng lahat, pero rinig niya rin ‘yung cheer ng kabilang team. 

Ayaw niya ring ma-disappoint ang mga sumusuporta sa kanila. Sa ekonomiyang ’to? Gumastos pa ang mga ’yan ng pamasahe, ng oras, at ng pagod para lang makapanood, para lang sumigaw ng pangalan nila.

Kaya hindi puwedeng basta na lang sila matalo. Hindi puwedeng kulang ang ibigay nila. Napapikit sandali si Wonwoo, pinilit pakalmahin ang sarili niyang paghinga. People showed up. So they also had to show up too.

Nakakainis lang kasi na naunang makapasok ang Ateneo sa championship kaya halos napag-aralan na nila lahat ng galaw ng UST. Mabilis silang naka-adjust sa lahat. 

Samantalang sila, halos nakipagpatayan muna sa La Salle noong semifinals last week bago makatungtong dito. Pagod pa ang katawan, pagod pa ang isip. Kulang sa recovery, kulang sa oras para mag-reset.

Ateneo was the defending champion.  Hindi lang basta maganda ang offense at defense nila, planado at plakado lahat. Sa offense, mabilis ang transition ng plays nila na halos hindi nila masabayan simula pa kaninang first set. Hindi predictable ang setter kasi kaya niyang gumalaw ng mabilis sa loob, tapos biglang mag-back set sa opposite, o kaya pipe attack mula sa likod. Laging nahahati ang blockers, laging may butas na napupuntahan ang bola.

‘Yung outside hitter nila na halimaw (literally and metaphorically), hindi lang naman malakas pumalo, matalino pang magbasa ng block. Kayang mag-adjust mid-air, kayang mag-tool off the hands, kayang mag-soft drop kapag sarado ang linya. Nakakabwisit talaga. 

Focus, Wonwoo.

Sa kabilang side, pumwesto na si Minghao para sa serve.

Whistle.

Tumalbog ang bola sa kamay niya bago niya ito pinukol pataas. Lumipad ang bola papunta sa side nila Wonwoo.

“Seungkwan!” sigaw ni Wonwoo. 

Sumalubong ang libero nilang si Seungkwan na mabilis na gumalaw atsaka ni-receive ang bola, 

“Nice one!” sigaw ni Jeonghan habang umaakyat ang bola. Umakyat siya para sa set at ibinigay kay Wonwoo ang bola. Malinis at eksakto lang ang set nito. 

Eksaktong bumitaw ang bola, sakto sa approach ni Wonwoo. Hindi masyadong dikit sa net, just enough para may angle pa siya. Tumakbo si Wonwoo sa approach, kaliwa at kana, sakto ang timing, at sakto ang lundag niya. 

Tumalon siya.

Sa ere, parang huminto ang oras. Nakita niya agad ang block ng Ateneo na nagsasara. There was the middle blocker closing the seam, outside sealing the line. At nasa gitna nila si Kim, he was so perfectly timed habang nakataas ang kamay. 

It was a complete block formation.

Nagtama ang mga mata nila ng ilang segundo hanggang sa hinampas ni Wonwoo ang bola pero solid ang basa ng Ateneo.

Sumalubong ang kamay ni Mingyu, nakalapat sa ibabaw ng net at matalino at mahusay ang penetration kaya naman agad niyang na-block ang palo ni Wonwoo. Tumama ang bola sa kamay niya, nagbago ang trajectory, bumagsak pabalik sa side nila Wonwoo at walang nakaabot.

“Perfect timing on that block! Look at that read by Kim as he rejected Jeon! What a statement finish here! Game one goes to Ateneo!” 

Game over.

Parang hindi agad nag-sink in kay Wonwoo ang nangyari. Nakatayo lang siya sa pwesto niya, nakatitig sa bola na ilang segundo na parang palang hindi gumagalaw. Para bang doon pa rin umiikot ang mundo niya sa isang block at isang puntong nawala sa kanila.

Napabalik lang siya sa ulirat nang sumabog ang hiyawan sa loob ng Arane nang magkamayan na sila. Pagkatapos nun, dahan-dahan ulit siyang napatingin sa kabilang side.

At doon niya nakita si Kim na nakangiti sa kanya. Umirap siya, agad umiwas ng tingin. Aalis na sana siya, kaso lang narinig niyang nagsalita ito. 

“Good game. Bawi ka na lang next game,” ani Kim, sabay kindat pa. Nakakabwisit!

Napahinto si Wonwoo. Gustong tuloy niyang kunin ulit ang bola at ibato rito. 

“Congrats,” tipid niyang sagot. 

“Parang walang gana ‘yung congrats mo, ah?” 

“Paano ako magkakaroon ng gana kung talo kami? Hibang ka ba?” 

“Dito lang naman ako nananalo sa’yo, e.” 

Napataas ang kilay ni Wonwoo. “Excuse me? Maraming beses na namin kayong natalo.” 

“‘Di mo gets,” mabilis na sagot ni Kim. “Okay lang ‘yan. Maganda ka pa rin naman.”

“Fu–” napahinto si Wonwoo. Naalala niyang nasa loob pa sila ng court. “Whatever.” 

Narinig niyang natawa si Mingyu. “‘Yan ‘yung gusto ko, e. ‘Yung nginingitian ko na pero sinusungitan ako.” 

“Weirdo,” sagot niya sabay irap ulit. Hindi na nakasagot si Mingyu roon dahil hinatak na siya ng isang staff para sa interview ng best player of the game. 

Nakakainis! May araw ka rin sa’kin! Babawi kami sa second game!

 

ִֶָ𓂃 ࣪˖ ִֶָ🏐་༘࿐

 

“Mine! Mine!

“Tapos na ‘yung laro.” 

“Mine sa kaharap ko.” 

“Seryoso, pinanganak ka bang corny?” 

Natawa si Mingyu sa sagot niya. Magkasama silang lumabas sa isang private restaurant kung saan kasama nilang kumain ng dinner ang coach nila noong elementary sila. Hindi nga dapat pupunta si Wonwoo kaso lang syempre, out of respect to his old coach, pumayag na rin siya.  Nagmamadali na nga rin siyang  lumabas dahil nandiyan na ‘yung angkas rider na binook niya. Pero dahil nakakabwisit si Mingyu, s’yempre sasabayan siya nitong lumabas. 

“Sungit talaga,” ani Mingyu nang huminto sila sa labas. Wala na masyadong tao sa labas kaya kahit papaano ay walang lumalapit sa kanila para magpa-picture. May nilingon si Mingyu at saka siya ulit nito hinarap. “Mag-aangkas ka?” 

Tumango si Wonwoo. “Oo. Bakit?” 

“Ah,” sabi ni Mingyu. “Dapat sa’kin ka na lang umangkas, e.” 

“Pinagsasabi mo, Mingyu?” 

“Dala ko motor ko.”

“At sa tingin mo papayag akong umangkas sa’yo?” tanong niya sabay taas ng kaliwang kilay. 

Natawa si Mingyu sa sagot niya. “Ito naman masyadong masungit. Sinubukan ko lang baka umubra.” 

Umirap si Wonwoo. “Bye na,” aniya sabay talikod na kay Mingyu. Gusto na rin talaga niyang umuwi para makapagpahinga dahil dalawang araw lang ang meron sila bago ang game 2 ng laban. It’s their one and last chance para paabutin ‘yon ng game 3 at kunin ang championship. 

“Ingat ka. Text mo kapag nakauwi ka na.” 

Napahinto siya at saka nilingon ulit si Mingyu. “Bakit ko gagawin ‘yun? Boyfriend ba kita?” 

“Ligawan na kita?” 

“Siraulo ka ba?” 

Mingyu chuckled. “Oh ‘di ba? Mga sagutan mo rin, e. Sige na, kanina ka pa iniintay nung rider. Ingat ka!” 

Hindi na sumagot si Wonwoo kasi una ay naiinis na siya kay Mingyu sa mga banat nito at pangalawa ay tatlong minuto na atang naghihintay si Kuyang rider sa kanya. Agad siyang nagsabi ng pangalan niya at um-oo naman ‘yung rider. 

Nang makasakay siya ay nilingon niya ulit ‘yung pwesto kung nasaan si Mingyu kanina, and well, nandoon pa rin si Mingyu na nakatayo at nakatingin sa direksyon niya na parang hinihintay niyang makaalis ‘yung motor. 

Nginitian lang siya ni Mingyu at saka naman umarangkada ‘yung rider. 

Siraulo. Bakit hinintay pa siyang makaalis?

 


 

Pagkauwi niya kagabi ay agad siyang napabagsak sa kwarto niya kaya maaga siyang nakatulog. Kaya ngayong alas kwatro ng madaling araw ay gising na gising siya at pinapanood ‘yung reply ng game kagabi para mapag-aralan niya ‘yung ginawang strategy ng Ateneo. 

Sa totoo lang, maganda naman ang nilaro nila. Hindi sila basta-basta natalo. Nakipagsabayan sila sa blocks, sa rallies, at sa transition plays. May mga plays pa nga na sila ang may momentum. Pero hindi niya rin maikakaila na marami silang naging errors. Sa receive laging sablay sa crucial points. Medyo inconsistent din sila sa service kasi may ilang crucial na service errors, na sana nakadagdag ng pressure sa Ateneo, pero instead, libreng puntos pa ang naibigay nila.

Pero may tiwala naman siya sa team niya. Baka hindi lang para sa kanila ‘tong laro kagabi, pero gaya nga ng sinasabi niya lagi, may isang laro pa at kayang-kaya nilang bawian ‘yung kabilang team. 

Napahinga si Wonwoo nang malalim habang pinapanood ang clip kung saan pumalo siya laban sa fully-formed block.

“Kainis. Bad read,” bulong niya sa sarili. Sa offense, mabilis ang sistema ng Ateneo kasi hindi sila umaasa sa iisang attacker lang. Kahit si Mingyu ang main scorer nila, kumikilos pa rin ang middle nila for quick attacks, kaya laging nahahati ang blockers ng UST. Sometimes their blockers would jump too late, sometimes there was a gap sa defense, and that’s exactly where Ateneo’s players hit the ball to score.

Sa defense naman, halos walang sayang. ‘Yung libero nila, consistent ang platform, controlled ang first ball kaya nakakapag-set sila ng maayos. Yung blocks nila, hindi lang basta talon kasi may kasamang direksyon, e. Ang bottomline ay kontrolado nila ang bola. 

Napailing si Wonwoo. Sure, it was frustrating, sobrang frustrating, lalo na’t alam niyang isa siya sa pinaka-inaasahan ng team. For fuck’s sake, he was a one-time season and finals MVP, on par with Mingyu as one of the best outside hitters in the league, at main scorer pa ng team.

Ramdam niya ang pressure sa dibdib niya, parang bawat error nila kagabi ay naka-attach sa kanya personally.

Isa lang ang na-realize ni Wonwoo sa tatlong taon niya sa UAAP: isang malaking tinik si Mingyu Gideon Kim sa kanila simula pa noong dumating ito sa liga. Gaya nga ng sabi ni Coach Gil, pinapatay sila ni Mingyu sa opensa at depensa dahil lahat ng ginagawa nila ay parang alam na alam ni Mingyu kung ano ang susunod nilang gagawin. 

God, Mingyu Gideon Kim. That name really irked him more than anything. 

They actually had a long history together. Pareho silang produkto ng isang public school sa Maynila. Lumaki silang magkakilala, naglaro sa parehong barangay, naging magkalaban at magkakampi sa Pascual Elementary School. Actually, noong elementary, middle blocker ang laruan ni Mingyu at libero naman si Wonwoo. Nagbago na lang ‘yun nung high school. 

Ni-recruit si Wonwoo ng University of Santo Tomas High School, samantalang si Mingyu naman ay ni-recruit ng Ateneo High School at pareho silang mga scholars. Mula noon, lagi na silang magkalaban.  

Ahead lang si Wonwoo ng isang taon, kaya mas mauna siyang nagkaroon ng  experience sa collegiate volleyball, pero hindi naman ‘yon naging sapat para mauna siya kay Mingyu sa court. Pareho silang rookie of the year sa kani-kanilang panahon noong pumasok sila sa UAPP. Pangatlong taon na ni Wonwoo ngayon, kay Mingyu naman ay pangalawa. 

Pareho rin silang first best outside hitters—si Wonwoo nung rookie year niya, si Mingyu naman nung nakaraang season. Pareho rin silang rookie-mvp ng tag-isang season, at parehong nasa roster na ng Alas Pilipinas Men’s Volleyball team. 

So, yes, they were each other’s nemesis. Ganoon din naman kung paano sila tignan ng mga tao, halos lahat ng viral tiktok edits na nakikita ni Wonwoo ay tungkol sa rivalry nila noong mga bata pa sila. Magkakampi sila sa national team, yes, pero magkalaban pa rin sila sa lahat ng aspeto. 

Every time they touched the ball, it was like watching the chapters of a story that had started back in elementary school. 

 

ִֶָ𓂃 ࣪˖ ִֶָ🏐་༘࿐

 

“Pahinga muna! Nice, nice, team!” sigaw ni Coach Gil matapos ang ilang oras ng drills at practice game. Mabilis silang pumunta sa bench at uminom ng tubig. 

Tinapik siya ni Jeonghan. “Kaya pa?”

Tumango si Wonwoo. “Kaya. Kailangan bumawi next game, Han,” sagot niya sa kaibigan.

Si Jeonghan ang isa sa mga seniors nila sa team at ahead ito ng isang taon, at captain pa nila last year. Isa rin siya sa pinakamagaling na setters sa liga. Medyo matagal na rin nilang kilala ang isa’t isa mula high school pa kaya eventually ay naging best friends sila. 

Nagchikahan sila saglit tungkol sa laro bukas, nagtatawanan at nagpaplanong paano makakapag-adjust bilang si Jeonghan ang babad na setter at halos hindi naman din nilalabas si Wonwoo sa laro. Pero nawala lang saglit ang atensyon ni Wonwoo sa kaibigan nang chineck niya ang phone niya.

May text si Mingyu.

Jusko, ang aga-aga ha!

 

Mingyu 

hi, ganda.

 

Wonwoo

stfu 

tigil mo nga kakatawag sa’kin niyan 

 

Mingyu 

eh sa maganda ka talaga sa paningin ko 

 

Wonwoo

ba is liw 

 

Mingyu

sa’yo 

ba is liw sa’yo haha 

 

Wonwoo

iba-block na kita 

 

Mingyu

‘di mo nga yun magawa hahaha

 

Wonwoo

tanga, dito kasi 

 

Mingyu

ahhh, ‘wag, ganda. manghihina ako niyan

practice ka maayos ah? babalik niyo pa ang korona sa españa 😂



Wonwoo

talaga 



Mingyu

sige, tignan natin 😂

one more game baby and you’re done

 

 

Wonwoo

stfu 

sobrang yabang nakakairita 



Mingyu

ayusin mo kasi laro mo, ganda

alat mo kahapon e

 

 

Wonwoo

so, what? pabor nga sa’yo kapag pangit laro ko

 

 

Mingyu

gusto ko na parehong maganda laro natin

kapag ako nag-mvp, pakilala na kita sa lahat ah? 

 

 

Wonwoo

ew yuck

pinagsasabi mo

anyway, ‘di pa tapos laban. may game two pa bukas, mingyu. kaya ‘wag kang masyadong mayabang

 

 

Mingyu

eh ‘yung laban ko sa’yo, may pag-asa kaya?

 

 

Wonwoo

pinagsasabi mong hunghang ka 

 

 

Mingyu

😂

 

 

Wonwoo

kainis

 

 

Mingyu

tarayan mo lang ako, ha? ‘di kumpleto araw ko kapag wala ‘yan

 

 

Wonwoo

kink mo ba ‘yan?

weirdo 

 

 

Mingyu

uy ikaw ah

 

 

Wonwoo

bye 

galingan mo bukas kasi baka matalo kayo 

obf i guess

 

 

Mingyu

go uste

Ibalik ang korona sa españa, wonwoo gabrielli jeon ligawan na kita? 

 

 

Wonwoo

puro ka biro tanga

 

 

Mingyu

ikaw lang naman may ayaw 

 

 

Wonwoo

whatever shut up

 

 

Mingyu

wala talaga? kahit konti?

hindi mo ‘ko crush? 

 

 

Wonwoo

wala at hindi

 

 

Mingyu

fuck sakit mo na idol 



Wonwoo

istorbo ka bye

 

 

Mingyu

okay. galingan mo ngayong araw, ganda. seryoso ‘yan :) 

Read 

 

ִֶָ𓂃 ࣪˖ ִֶָ🏐་༘࿐

 

Game two na sa loob ng Mall of Asia Arena. Ramdam na ramdam ni Wonwoo ang pressure sa dibdib niya. Kailangan nilang manalo para makaabot sa Game Three sa linggo, at kahit gaano siya kasanay sa mga championship gamse, kabang-kaba pa rin siya ngayon. Ang daming tao sa arena, halos walang bakanteng upuan at kasama pa ang buong pamilya niya sa crowd. Dagdag mo pa sa pressure 'yung kailangan nilang matalo ang Ateneo dahil natalo sila nito last year. Everyone was expecting that they would bounce back dahil solid ang team nila, walang injured, may star player na scorer, at may magaling na rookie libero. 

Naging sapat naman ‘yung pahinga nila mula sa practice, at pinag-aralan din nilang mabuti ang plays ng Ateneo. Kaya nga nakuha nila ang unang set, lamang sila ng tatlong puntos. Ang timing ng serve receive nila, mabilis na transition sa sets ni Jeonghan, at kontrolado lahat ng spikes nila na hindi nare-receive ng kabilang team. 

Sa pangalawang set naman, may momentum silang nakuha kaya malakas ang blocking at consistent ang passing pero nang dumating ‘yung crucial point, nagkaroon ng service error si Jaehyun kaya naman nakuha ng Ateneo ang set na iyon.

Isang mahabang rally naman sa pangatlo set ang nagpatagal ng laban sa court. Passes, sets, digs, at spikes, walang sablay sa spikers, blockers, libero at setters. Nakipagsabayan si Wonwoo at Jaehyun against Ateneo’s strong outside hitters and quick middle attacks. Sa huli, nakuha ng UST ang set sa score na 34-36.

Pero sa pang-apat na set, hindi na nila napanatili ang momentum. Ateneo adjusted kasi sobrang tight na nung block formation nila, quick ang first tempo attack, at hindi na sila nagbigay ng kahit anong puwang sa UST. Sa bawat palo ni Wonwoo, may blockers agad na nasa seam o line, halos lahat ng palo niya ay naba-block ni Mingyu, at sobrang ganda rin ng laro ng libero ng Ateneo kaya laging maganda ang receive at balik sa kanila. Sa huli, nakuha na ng Ateneo ang set, kaya naging 2-2 ang laro. 

Nang hindi nila na-block ‘yung palo ni Mingyu sa umpisa ng fifth set, kinandatan na naman siya nito at siya namang inirapan ito pabalik.

“Kainis,” bulong ni Wonwoo. Punyetang kindat ‘yan! Tukusin ko ‘yang mata mo!

“Nice block,” ani Mingyu saka ngumisi. 

3-0 ang score, in favor of Ateneo kaya nag-timeout ang UST. Agad silang nag-huddle sa bench at ready na naman tumalak si Coach Gil. 

“Natataranta kayo, e. Bakit kayo natataranta? Ganito lagi nangyayari sa’tin. Nung nakaraang laro natin ganito, nung napilayan ‘yung kalaban natin bigla kayong nagco-collapse. Ano ba kayo? Tumatapang ‘yung kalaban natin tapos naduduwag tayo.” 

Tahimik lang silang nakikinig. Sanay na sila diyan kay Coach Gil. 

“Abangan niyo naman ‘yung service. Hindi ‘yan aangat nang hindi niyo re-receivin. Kasi kailangan natin ng puntos, ‘wag niyo nang i-error. Gusto niyo bang manalo?”

“Yes, Coach!" sagot ni Seungkwan. 

“Oh, bakit parang trenta na errors niyo?” 

“Coach, kalma. Babawi natin. Tatlo lang lamang,” sabat na ni Wonwoo sabay tapik sa likod ng coach nila. 

Napabuntong-hininga si Coach Gil. “Abangan niyo lagi si Mingyu. Siya ang backbone ng opensa at depensa nila. Matik sa kanya bibigay lagi ang set lalo na kapag crucial. Bantayan niyo na, ‘wag niyong titigan lang. Jeonghan, mabilis ang first ball, ‘wag mong hayaang  makapag-adjust ‘yung blockers nila. Serve niyo lang nang maayos, ‘wag niyong gawing free point kasi mabilis nilang nase-set ‘yung opensa nila, e. Kailangan natin bilisan ‘yung reaksyon, ‘di kayo estatwa para titigan lang ang bola. Ayos tayo!” 

“Yes, Coach! Let's go! Let's go!” sigaw nilang lahat at nang marinig na nila ang buzzer ay agad na silang bumalik sa laro. 

Mabilis ang pangyayari. Nag-outside ang service ng Ateneo kaya agad nakuha nila Wonwoo ang unang puntos nila. Sunod na serve ay si Wonwoo naman ang humawak at hindi na-receive ng Ateneo ‘yun dahil dumaan sa sahig ‘yung bola. 

“Wow! Unstoppable service from Jeon! UST’s momentum is back!” 

Rinig na rinig nila ‘yung malakas na hiyawan sa arena. S’yempre, dagdag pang lakas loob ‘yun kapag naririnig niya ‘yung cheer ng UST community. 

Sa pangalawang palo niya, lumabas ‘yung bola pero nasagi ng daliri ng isa sa mga blockers ng Ateneo kaya another point for UST. Nawala na ‘yung lamang ng Ateneo dahil sunod-sunod na ‘yung puntos ni Wonwoo at tuluyan na silang lumamang ng dalawa. 

“An incredible comeback! Jeon’s really heating up! UST’s back in the game!”

Another jump serve ni Wonwoo sa deep corner, wala nang nakaabot—UST 6, Ateneo 3. Set ni Jeonghan, malakas na palo ni Wonwoo—UST 7, Ateneo 3.

“Point streak! Look at that! Yoon’s sets are perfect, and Jeon’s spikes are in absolute precision! UST is dominating this rally!”

Ngayon, dalawang blockers ang nasa harap ni Wonwoo at isa si Mingyu roon, at ang isa ay si Jungwoo na middle blocker. Nakaangat na agad ‘yung mga kamay nila at halos sabay tumalon para i-block ang palo niya. 

“Here comes Jeon! Two giant blockers in front of him! Mingyu Gideon Kim and Jungwoo Kim!” 

Tumalon si Wonwoo at saka pinosisyon ang kamay para sa palo niya. 

“Perfect timing… oh! Jeon nails it right past the block!” 

Bumagsak ang bola sa loob court ng Ateneo.  

“Inside! Point UST! Five point lead for UST! Absolutely beautiful spike from Wonwoo Gabrielli Jeon! He read the blockers perfectly!”

Nang bumagsak ang bola at naiwasan ang blocks ay tumigil saglit si Wonwoo. Alam niyang maraming taong nanonood hindi lang sa Arena kundi sa mga bahay nila pero dedma. 

Tinitigan niya si Mingyu, and he did staredown. Oh God, he did it.

Hindi siya pala swag sa court, pero kapag sobra-sobra ‘yung emosyon niya ay hindi niya na rin nakokontrol. 

Next thing he knew, he and Mingyu were shown on the big screen and people were screaming. Rinig na rinig niya ‘yung hiyawan ng mga tao sa loob dahil sa ginawa niya. Tinignan niya lang ulit si Mingyu na nakangiti lang sa kanya. 

“Ganda ah. Angas.” Mingyu mouthed to him. 

Bwisit? Nakakainis! 

Iirap sana siya kaso lang biglang nagtawag ng timeout ang Ateneo kaya balik huddle sila sa bench. 

“Okay, team! Limang puntos lang ang lamang natin, kaya wag kayong mataranta. Kapag kinakabahan tayo, alam nila agad at magagamit nila ‘yon. ‘Wag na nating pahabulin. Konti na lang, oh? Kunin na natin ‘tong huling set. Understood?” 

“Yes, Coach!” 

“Let’s go, team!” sigaw ni Wonwoo. “Medyo shaky na libero nila, kaya focus pa rin tayo sa serves at quick attacks. ‘Wag nating hayaang mag-settle sa court!”

“Kopya, Cap!” 

Nang makabalik na sila sa ballgame, mabilis na nakapag-adjust ang Ateneo. Agad nakapuntos si Mingyu sa isang sharp attack, at sumunod pa ‘yung service ace niya kaya naka-score agad sila ng dalawang puntos. Hanggang sa nagpatuloy ang laro at nagsimula ang isang mahabang rally. Passes, sets, digs, and spikes, lahat walang palya. Medyo predictable ang attacks ni Mingyu, pero deadly pa rin mga palo niya kaya tuloy ang pressure sa depensa ng UST.

“Look at this rally! Both teams are refusing to give in! What incredible defense from UST’s libero!” 

Spike ni Wonwoo sa line, na-block muna ni Jungwoo, pero mabilis na na-tip pabalik sa Ateneo. Set ni Jeonghan, quick attack ni Wonwoo saka tumalon agad ang blockers, pero timing ang palo ni Wonwoo kaya naka-score ulit ang UST.

“Unbelievable! Wonwoo finds it again! Ateneo’s blockers can’t keep up! Score now, UST 10, Ateneo 6!” 

Nagkaroon ng sunod-sunod na rally at puntos from each other’s sides. Sunod na point, spike ni Mingyu, nakalusot sa cross-court, pero na-receive ni Seungkwan. Set ni Jeonghan, palo ni Wonwoo ulit, malakas ‘yun at diretso sa corner ng Ateneo. The crowd went wild and the UST chant was louder than Ateneo’s. 

“This rally has been going on for almost three minutes! Incredible stamina and focus from both sides! UST 11, Ateneo 8!”

Tumawag ng tag-isang timeout ang magkabilang team. Nagdadasal na si Wonwoo na pagbigyan sila ngayon para makaabot sa game three. 

Nang makabalik sa court, serve ng UST at si Jaehyun ang nasa service nila. Magkaharap sila ni Mingyu ngayon, net lang ang pagitan nilang dalawa. 

“Kapag nakuha namin ‘to, payag ka sa isang date?” 

Napatigil si Wonwoo. Punyeta ‘to. Lumalandi habang nasa kalagitnaan ng laro? 

“Bakit ko naman hahayaang makuha niyo ‘tong laro?” tanong ni Wonwoo. 

“Sige, kapag nakuha niyo ‘to, payag ka sa isang date?” 

“Hindi pa rin.” 

“Saklap talaga.” 

“Look at our two rookie MVPs, top scorers of their respective teams, and the intensity is palpable even off the ball!” 

“Mukhang mahaba haba pa ang laban na ‘to partner!” 

"Oo nga, partner! Mukhang mainit pareho ang captains ng dalawang team!"

Hanggang sa nag-serve na si Jaemin. The service was good, tumama sa loob ng court ng Ateneo. Pero maganda ang receive ni Seokmin na libero ng Ateneo kaya naibalik ang bola sa setter nila. Quick set, cross-court spike, naipanalo nila ang puntos. Score: UST 11, Ateneo 9.

Sunod na serve ng Ateneo, jump float sa deep corner. Mabilis ang reaction ni Wonwoo, nakasandal siya sa block at naibalik ang bola sa setter ng Ateneo. Spike ni Mingyu papasok sa loob ng court ng UST, eksakto sa loob at walang naka-receive—UST 11, Ateneo 10.

“Unbelievable! Ateneo is closing in! The defense and transition from both sides is just phenomenal!” 

Nagpatuloy ang tensioned rallies hanggang sa um-attack si Wonwoo, pero na-block ‘yun ni Mingyu. Ball deflected, nabawi ng opposite spiker ng Ateneo na si Hyungwon, na-set kay Mingyu, sabay attack, at nag-landing ang bola sa kamay ng libero pero hindi na-receive nang maayos kaya tumilapon ang bola, puntos para sa Ateneo. 11-11 na.

“The score is tied! 11-all! What an incredible back-and-forth in this fifth set! Both teams showing stamina and mental toughness! This is pure UAAP men’s volleyball!”

Si Mingyu ang nag-serve at kuha agad ng UST. Binalik ni Jaehyun ang bola sa kabilang side pero maayos ang receive ni Seokmin kaya naibalik din sa kanila. Mabilis ‘yung play kasi the next thing Wonwoo knew, he was trying to block Mingyu’s backrow attack. Tumalon siya at tinangkang i-block, pero hindi niya kinaya ‘yung angle at pwersa ng attack. Bumagsak ang bola sa loob ng court ng UST at walang nakasalo.

“Backrow attack executed perfectly! Ateneo takes the lead, 12-11! Nakita naman natin, Wonwoo tried to read it, but that spike was just too strong and well-placed! The best outside hitters of the league are really on it!"

“Now, UST’s struggling to adjust! Ateneo's backrow attacks are punishing their defense. Momentum is clearly on Ateneo’s side now!”

Hindi pa nga sapat na nakuha ng Ateneo ang puntos dahil biglang itinaas ni Mingyu ang kamay niya at kumaway sa camera. Then he mouthed, “No more game 3!” 

Kitang-kita ng lahat ‘yon lalo na si Wonwoo. Nakakabwisit! Nagawa niyang mag-swag ngayon kasi lamang na sila. Ramdam na ramdam niya ‘yung bilis ng tibok ng puso niya, saka ‘di naman niya itatanggi na mas lalo siyang kinakabahan ngayon. Lamang na sila ng isa, at ilang puntos na lang ay makukuha na nila ‘yung set. 

Inangat ni Wonwoo ‘yung tingin niya sa taas para sa scoreboard, 12-11 na ‘yung score. Tapos pinakita ‘yung banner ng UST sa big screen na may nakalagay na “Kami naman!” then nag-pan sa Ateneo na may banner na “Kami ulit!” 

Sana nga. Sana nga UST naman.

Tumawag ulit ng timeout si Coach Gil dahil sa unang pagkakataon sa fifth set ay nakalamang na ang Ateneo. 

“Anong nangyayari sa inyo?” sigaw niya. “Nasa inyo na ‘yung laro, ibibigay niyo pa? Ganito ba tayo maglaro kapag pressured? 

Walang sumagot.

“Hindi pa tapos ‘to! Isang puntos lang ang lamang nila! Pero kung maglalaro kayo na parang talo na, talo talaga tayo!” Tinuro niya ang court saka nagsalita. “Focus! ayusin niyo! ‘Wag kayong magpapadala sa ingay at sa kalaban! Nasa atin na momentum, e! Kayo ang magdikta ng laro, hindi sila! Tulungan niyo si Wonwoo! Hindi niya kayang saluhin lahat ng bola mag-isa! Seungkwan, basahin mo agad atake nila, unahan mo ng receive! Middles, bantayan niyo naman, isara niyo ‘yung gitna! Wag niyong pabayaan na malusutan tayo! Lagi kayong nalulusutan ni Kim, e!”

Tumingin siya sa bawat isa sa kanila. 

“Depensa muna bago opensa. Kapag nakuha natin ang bola, doon tayo babawi. Pero kung hindi niyo aayusin depensa niyo, wala tayong babalikang game three!” 

“Yes, coach!”

“Kalma, kalma, okay? Kaya pa. Bawi tayo!” sabi naman ni Wonwoo nang i-huddle niya saglit ang team papunta sa court. Nagpabilog sila at saka siya nagsalita ulit, “One point at a time tayo, guys. ‘Wag niyong isipin ‘yung score, isipin niyo ‘yung next ball. Clean receive muna, para makapag-set tayo nang maayos. Han, bilisan natin, ‘wag natin hayaang makabuo ng block.”

Tumingin siya kay Seungkwan. “Seungkwan, anticipate mo na kung saan gustong pumalo ni Mingyu, siya lang takbuhan nila diyan ngayon. Middles, isara agad ‘yung block. Kahit hindi niyo naman ma-perfect ‘yung block, touch lang, kami na bahala sa cover.”

“Yes, yes, Wons!” 

“Ang volleyball, susugal natin kahit anong mangyari! Hampasin niyo!” huli niyang sabi bago tumunog ang buzzer at bumalik na sila sa court. 

Service ng Ateneo. Saglit na natahimik ang buong arena habang itinatapon ang bola—toss, then a deep, controlled serve na dumiretso sa backrow ng UST. Mabilis ang basa ni Seungkwan nila, stable ang platform at malinis ang receive kaya umangat ang bola ng eksakto sa pwesto ni Jeonghan. Sinet niya agad, pero napilitan silang magbigay ng free ball kaya naibalik sa Ateneo ang possession.

Mabilis ang transition ng kabila. Perfect ang first touch ni Hyungwon kaya diretso agad sa setter nilang si Baekhyun, at iniangat nito ang bola at saka sinet kay Mingyu. Sa kabila ng net, sabay ring umangat si Wonwoo kasama ang dalawang middle blockers nila, nakatutok ang mata sa bola at sa galaw ng katawan ni Mingyu.

Hinampas ni Mingyu ang bola pero saktong-sakto ‘yun sa timing ni Wonwoo. Naka-press ang kamay niya sa ibabaw ng net at sarado ang angle. Pero nung hinampas ni Mingyu ay nag-landing ‘yung bola outside.

“Outside!” sigaw ni Wonwoo at napatalon na lang siya nung ibinigay ang puntos sa kanila. 

Shuta. All 12 na.

Pero akala nila magse-serve na sila dahil pagkababa ni Mingyu mula sa talon niya ay agad siyang lumapit sa referee. “Touch ‘yun, ref!” sabi niya sabay turo kay Wonwoo. “Kitang-kita naman, ref, eh! Nahawakan ni Jeon!” 

Lumapit si Wonwoo sa at saka tinignan si Mingyu. “Ha? Walang touch. Kita naman, Kim.” 

“Nahawakan ‘yun, ganda. Kitang-kita ko,” sabi ni Mingyu sabay ngiti sa kanya. Siya naman ‘tong irap. Alam niyang makukuhanan na naman ‘tong interaction nila ng video, baka nga magkaroon pa siya ng basher sa pag-irap-irap niya pero ded is ma dahil uhaw siyang manalo. 

Naghiyawan ‘yung mga tao sa loob dahil nakatutok na ata sa kanila ang camera at kitang-kita sa big screen ‘yung sagutan nila. 

Punyeta ‘tong, Mingyu, na ‘to. Tawagin ba naman siyang ganda sa harap ng referee?!  

Pakiramdam niya tuloy ay nag-init ‘yung mukha niya kasi parang narinig nung referee ‘yung sinabi ni Mingyu kasi napangiti at iling na lang ‘to. Tapos sumasabay pa ‘yung cheers ng mga tao sa loob ng arena.  

“Go USTE!” 

“Go Ateneo! One Big Fight!” 

“Touch ‘yun,” sagot ulit ni Mingyu sa kanya tapos tumingala sa referee. “‘Di naman ako aangal, ref, kung wala, e. Kilala niyo naman ako.” 

“Wala nga,” sagot ulit ni Wonwoo. 

Nilingon siya ni Mingyu. “Cute ka pero meron.” 

Bwisit. Si Mingyu lang talaga ‘yung kilala niyang lumalandi habang nasa kalagitnaan ng laro.

Hanggang sa nagtaas ng kamay ang coach ng Ateneo at nag-request ng challenge. Napabuntong-hininga si Wonwoo, honestly, wala naman siyang naramdaman na nahawakan niya ‘yung bola kaya hindi rin siya umamin. Pero nang ipakita ulit sa malaking screen ang replay, doon malinaw na nakita na tumama sa taas ng hinlalaki niya ang bola.

“Challenge is successful! There was a touch on the block! Point goes to Ateneo!” 

Sumabog ang hiyawan sa buong arena.

Puntos ng Ateneo.

Punyeta.

13-11 na ang score.

Gusto sana niyang magpatawag ng timeout dahil medyo delikado sila at sa isang iglap ay makukuha ng Ateneo ang kampyonato, pero mukhang ayaw ni Coach Gil kaya tuloy-tuloy ang laban.

Agad silang pumwesto. Service ng Ateneo.

Malinis ang receive nila, pero medyo off ang first ball kaya napilitan si Jeonghan na mag-adjust. Naibalik pa rin nila ang bola sa Ateneo, tapos pinalo ni Hyungwon at naibalik sa side nila. Nasa kamay na ni Jeonghan ang control. Umangat ang bola, at akala ng lahat ay iseset niya ito sa labas. Nakaabang na ang blockers ng Ateneo, sabay-sabay na umangat pero sa huling segundo, bigla niya lang itong tinapik.

Second touch dump.

Nahuli ang depensa ng Ateneo dahil walang nakagalaw agad. Bumagsak ang bola sa gitna ng court.

Point for UST.

“Smart play from Jeonghan! He caught Ateneo off guard with that setter dump!” 

Hindi na sila nagpaawat dahil kinuha agad ni Wonwoo ang bola at iniabot kay Jaehyun para sa serve.

Mababa saka mabilis ‘yung serve ni Jaehyun at diretso sa pagitan ng dalawang receivers. Nagkatinginan lang ang libero at wing spiker ng Ateneo at walang gumalaw.

Tumama ang bola sa sahig.

“Service ace! UST is still alive in this set!”

Sumigaw ang crowd ng UST, mas lalong lumakas ang ingay sa arena.

13-13.

Tabla na ulit.

Nagre-ready na mag-service si Jaehyun, kaya pumwesto na ulit sila. As usual, magkatapat sila ni Mingyu. 

“Dinner tayo mamaya?” tanong ni Mingyu habang nakangiti.

Umirap ulit si Wonwoo. “Kasama ko mga magulang ko mamaya.” 

“Bukas?” 

“Mamaya ka na lumandi, p’wede ba?” 

Natawa si Mingyu. “Minsan nakakadistract ka rin talaga, ‘no?” 

“Ikaw rin naman. Mas nakakadistract ‘yang nakakainis mong mukha.” 

Hindi na  nakasagot si Mingyu dahil lumipad na ‘yung bola. 

Mabilis lang transition dahil na-receive ng Ateneo ‘yung bola. Binato sa kanila pero malinis ang receive ng UST, umangat agad ang bola kay Jeonghan. Isang tingin lang ay nabasa niya ang depensa ng Ateneo. Nakaabang ang middle, medyo late lang ang pag-close ng outside blocker.

Set to Wonwoo.

Tumakbo siya sa approach at saka tumalon. Kitang-kita niya ‘yung opening sa pagitan ng blockers. Sinubukang habulin ni Mingyu at ni Jungwoo ‘yung block, pero huli na ang lahat dahil hindi na nila nasarado ang angle.

Hinampas ni Wonwoo ang bola pero walang makahabol. At nung siguradong puntos na niya, tumigil siya sa harap ng mga blockers at saka ngumisi. 

“Game three pa!” ani Wonwoo. 

“Angas ah,” sagot ni Mingyu at saka ngumiti. 

Bwisit. 

“Beautiful attack! Wonwoo finds the gap! No block, no defense! And the Golden Spikers finally got the lead! This is it! Match point for UST!”

Ramdam ni Wonwoo ang bilis ng tibok ng puso niya. Parang huminto ang lahat sa paligid at inaabangan ng lahat kung makukuha na ba ng UST ang game two, at kung aabot pa sila sa game three. Sa kanya nakasalalay ang set dahil siya ang magse-serve ng bola. 

Hindi siya p’wedeng dagain ngayong araw na ‘to. They needed to get this win. Last playing year na ni Jeonghan, deserve niyang makuha ‘tong championship bago siya pumasok sa pro-league. 

Huminga siya ng malalim bago niya i-toss at serve ‘yung bola.

Lumipad ang bola nang mabilis at dumiretso sa deep corner ng Ateneo. Napabilis ang reaction ni Seokmin at sa unang sulyap ay na-receive niya ang serve. Pero sa lakas ng impact ng serve ni Wonwoo, it was almost impossible to stop, kaya tumilapon ang bola papalabas ng court, at nag-landing pa ‘to sa bench nila. 

“Unbelievable! What a serve! Jeon delivers under pressure! Lee tried to receive it, but the power was just too much! That’s it! Game Two goes to UST! And we will be seeing each other on Sunday for a do-or-die game between UST and Ateneo! Hindi pa tapos ang laban!” 

Napaluhod na lang si Wonwoo pagkatapos na i-announce ang panalo nila. May Game Three pa!

Naramdaman na lang niya na inangat na siya ng teammates niya na para bang inaalarma siya today. 

“Congrats!” 

“Isa pa sa Linggo!” 

Pagkatapos nun ay nag-line up na sila para sa post-game handshake sa players ng Ateneo. Isa-isa niya silang kinamayan hanggang nakaabot siya kay Mingyu na nasa hulihan ng pila. 

“Congrats, player of the game,” sabi ni Mingyu nang maghawak ang mga kamay nila. 

“Thanks,” sagot niya. 

“So, dinner mamaya?” tanong ni Mingyu nang hindi pa rin binibitawan ang kamay niya. 

“Hindi nga,” ani Wonwoo. “Kasama ko magce-celebrate mga magulang ko. Pamilya ba kita?”

Natawa si Mingyu. “Hindi pa sa ngayon, Wonwoo.” 

“Tanga,” bulong niya. “Shut up.”  

“Galing mo kanina,” sabi ulit ni Mingyu. “Magkikita pa tayo sa Linggo, Wonwoo.” 

“Yes. Ready ka na matalo?” tanong niya sabay taas ng kilay.

Mingyu chuckled. “Mahirap magsalita nang tapos. Mahirap naman kung matatalo kami sa Linggo tapos talo rin ako sa’yo? Isa-isang sakitan lang, ganda.” 

“Para kang tanga talaga, Mingyu. Puro ka biro–” 

“Tapos na kayong mag-usap, lovebirds? Wons, tawag ka na para sa interview,” biglang sumabat si Jeonghan sa usapan nilang dalawa. 

“Ito kasi, e!” angal ni Wonwoo sabay turo kay Mingyu. “Punta na ako,” tapos niya at saka tumingin kay Mingyu na para bang nagpapaalam siya kahit hindi naman. 

“That’s my player of the game,” ani Mingyu sabay ngisi sa kanya. 

Bwisit. Pero ‘di rin naman niya maipagkakaila na medyo bumilis ‘yung tibok ng puso niya roon. Punyetang, Mingyu ‘to!

 

ִֶָ𓂃 ࣪˖ ִֶָ🏐་༘࿐

 

Mingyu

wonwoo? nakauwi ka na?

 

Wonwoo

bakit? may dinner ako kasama parents ko

 

Mingyu

paalis ka na?

 

Wonwoo

oo? bakit ka ba tanong nang tanong?

 

Mingyu

saan ka?

 

Wonwoo

dug out

bakit ba

 

Mingyu

kiss tayo please

 

Wonwoo

GAGO KA

ANONG PINAGSASABI MONG DAMUHO KA

 

Mingyu

?

parang diring-diri, ah?

nakailang kiss na tayo 

 

Wonwoo

stfu

‘wag ngayon 

 

Mingyu

edi pasulyap na lang sa mukha mo bago ka umalis

kailangan ko mag recharge

punta ako diyan, ah? 

 

Wonwoo

punyemas 

whatever

 

Mingyu

whatever daw

hahaha cute mo talaga



Ibinaba ni Wonwoo ‘yung phone niya at saka isinuksok sa bulsa niya. As if namang pupunta talaga si Mingyu, ‘no. Isa pa, never nilang ginawa ‘yun sa loob ng locker room o dug out man. It would usually happen inside a room, but never in this kind of place. 

Mag-isa na lang siya ngayon dito dahil nauna na ang lahat, nagpahuli na siya dahil nag-ayos pa siya ng gamit niya. Naghihintay na rin sa parking ‘yung mga magulang niya kaya agad siyang tumayo para sana umalis na kaso lang bigla namang bumukas ‘yung pinto. 

Inangat ni Wonwoo ang tingin niya, and speak of the devil, nandiyan nga si Mingyu. Tinotoo naman pala. He underestimated the nerve of Mingyu the past few days. 

Kitang-kita niyang bagong ligo ito; medyo basa-basa pa ang buhok, bahagyang natutuyo sa paligid ng tenga at batok nito. Nakasuot ng itim na t-shirt na medyo fit sa malaking katawan niya tapos nakasuot ng itim na jogger pants. 

“Bakit nandito ka?” tanong niya.

Humakbang si Mingyu papalapit sa kanya. Nang dalawang hakba na lang ang layo nito ay saka siya huminto at nagsalita. “Sabi ko pupuntahan kita, ‘di ba? Gusto lang kitang makita bago matapos ‘tong araw. Sa linggo na ulit tayo magkikita, e.” 

“Wow, boyfriend kita?” tanong ulit niya at saka hinigpitan ‘yung hawak sa strap ng bag niya. 

“Kapag pinayagan mo ‘kong manligaw, baka maging totoo ‘yan,” sagot ni Mingyu. “Iniimagine ko palang na boyfriend mo ‘ko parang gusto kong tumalon sa kilig, Wons.” 

“Para kang gago, alam mo ba ‘yon?” aniya sabay irap. “Tabi diyan, aalis na ‘ko. Nakita mo na ‘ko, okay ka na?” 

Nag-thumbs up si Mingyu. “Okay na ‘ko. Wala talagang kiss?” 

Umirap ulit siya. “Tama ka na. Nakailan ka na sa’kin last week, ‘di ka ba mabubuhay nang walang kiss?” 

“Kiss mo? Hindi talaga.” 

“Tanga!” 

“Tanga sa’yo siguro p’wede pa.” 

“Parang ewan!” 

“Pero kung ayaw mo okay lang naman—” 

“Fine! Isa lang!” 

Halos takpan ni Wonwoo ang bunganga niya dahil sa sinabi niyang ‘yon. Punyetang ‘yan. Ngiting aso tuloy ang kumag. 

“Sigurado ka, ganda?” ngising tanong ni Mingyu.

“Bibilisan mo o aalis na ‘ko?” 

Hindi na nagsalita pa si Mingyu dahil hinatak niya na agad ‘yung bewang ni Wonwoo para halikan. Saka naman nabitawan ni Wonwoo ‘yung gym bag niya sa lapag nang ipulupot niya ang mga kamay sa leeg ng binata.

Fuck talaga. Buhay nga naman. 

Sino bang mag-aakala na ang rivals since elementary hanggang ngayon sa UAAP ay naglalaplapan behind closed doors? Sasabunutan talaga siya ni Jeonghan at Seungkwan kapag nalaman nila ‘to, but kiber na muna, masarap naman humalik si Mingyu.

Nang magdampi ang mga labi nila ay ramdam na agad ni Wonwoo ‘yung init ng katawan nilang dalawa. They kissed a couple times before, but every time they did it, it felt like the first time for him. Pakiramdam niya first kiss niya ‘to tapos mararamdaman na naman niyang umaakyat sa mukha niya lahat ng init, e. 

Nang naging komportable na siya sa bisig ni Mingyu, hinigpitan niya ‘yung kapit sa leeg nito. Ramdam niya rin ‘yung tibok ng puso niya na para bang sasabog na ang dibdib. Unti-unti nilang pinaghalo ang mga laway nila habang patuloy si Mingyu sa paghalik sa kanya. 

The kiss started slowly, but then it got messier. Ramdam na ramdam niya ‘yung haplos ng mga kamay ni Mingyu sa bewang niya habang hinahalikan siya nito. Hanggang sa lumakbay ito sa likod niya, ulo, at bumaba ulit sa bewang niya. 

“Sarap ng mga labi mo,” bulong ni Mingyu nang itigil niya ‘yung pagpapapak sa labi ni Wonwoo. Pinisil niya saglit ‘yung pisngi ni Wonwoo at saka ito hinalilkan. “Tangina. Gusto lang kitang halikan magdamag, Wonwoo.” 

“Greedy mo naman masyado, Mingyu,” sagot ni Wonwoo sabay irap. “Pinagbigyan ka na nga tapos gusto mo pa magdamag? Kagahaman na ‘yan, maggaalit na sa’yo si Lord.” 

“Bibig mo talaga. Lahat na lang ng nasa isip mo sinasabi mo, ganda.” 

“Just shut up and kiss me, you fool.” 

Wow, englishera, ah?” 

“Ta is nga ka talaga.” 

“Bakit ba lagay ka nang lagay ng is? Bagong grammar rule ba ‘yan?” 

“‘Di mo gets kasi ‘di ka naman chronically online,” sagot ni Wonwoo sabay pitik sa noo ni Mingyu. 

Hindi na niya hinintay na sumagot ang binata dahil siya na mismo ang humalik dito. Ipinasok ni Wonwoo ang dila niya sa loob dahilan para buhatin siya ni Mingyu. Aangal pa sana siya pero naglalaplapan na ‘yung mga dila nila kaya wala siyang choice kung hindi sumunod sa galaw ni Mingyu. 

“Kapit ka mabuti, Wons,” bulong ni Mingyu in between kisses. Sumandal ito sa pader habang buhat-buhat lang si Wonwoo habang pinapapak naman nito ang leeg niya. 

“Ugh! Ibaba mo nga ‘ko! Mabigat ako!” 

“Sakto lang. Kaya kita. Kiss lang tayo, baby, please?” 

“Kiss ka diyan eh pinapapak mo leeg ko!” 

“Sshh, ‘wag ka masyadong maingay baka may makarinig sa’tin sa labas." 

“Whatever!”

“Sige na, kiss na ulit tayo sa lips.” 

“Pa-baby, nakakainis.” 

“Baby mo naman ako, e,” sagot ni Mingyu sabay ngisi. Pagkatapos ay hinalikan na niya ulit si Wonwoo sa labi. Mingyu brushed his lips against him slowly at first and then it deepened. Sinunandan niya lang ‘yung ritmo ng mga halik nito hanggang sa palalim na nang palalim. 

Magalaw na rin ‘yung mga kamay nila with Wonwoo holding tight to Mingyu’s neck pulling him even closer as Mingyu sucked on his lips while carrying him. Tumagal pa ng ilang minuto ang halikan nila hanggang sa si Wonwoo na ang sumuko dahil kailangan niya munang huminga. 

Namumula na ‘yung buong mukha niya na napansin naman ni Mingyu. “Okay ka lang? Pulang-pula ka.” 

Tumango siya. “Okay lang pero p’wede bang kalmahan mo mga halik mo? Para kang uhaw na uhaw. Saka ibaba mo na ‘ko.” 

“Sinabi mo pa,” sagot ni Mingyu saka siya ibinaba pero pinulupot niya pa rin ‘yung kamay niya sa mga bewang ni Wonwoo.  “Congrats kanina, ganda. You did so well.” 

“Wow, englishero?” 

Natawa si Mingyu. “Galing mo kanina. Pinainit at sakit mo ulo ng coaching staff namin. Wala talagang makakapigil sa’yo, ‘no? Angas ng mga palo, e. Aral na aral kung saan ibabato ‘yung bola, ah?” 

“Duh, strategy,” sagot niya sabay untog ng noo sa noo ni Mingyu. “Kukunin namin ‘yung game three, Mingyu.” 

“Nako, ‘di tayo sure diyan, Wons,” ani Mingyu. “Pero kahit ano mang mangyari sa linggo, p’wede bang payagan mo na ‘ko manligaw?”

Ayan na naman siya.

Hindi rin talaga sigurado si Wonwoo kung seryoso ba si Mingyu sa mga pinagsasabi niya, e.  

Umiling siya at saka nagsalita. “Ayoko nga sa may ex na five years.” 

Mingyu sighed. “Takteng ‘yan. Ang tagal na nun. Senior high pa ako nun, Wons. Two years na nakalipas. Kaya nga ex na, e. Tapos na ‘yon.” 

Inayos saglit ni Wonwoo ‘yung damit niya bago nagsalita at tinitigan si Mingyu. “Kahit pa, tulungan ko na lang kayong magkabalikan.” 

Kamot ulo si Mingyu. “Anak ka ng tokwa naman. Nagpabuhat ka na sa’kin, naglaplapan na tayo’t lahat tapos ibibigay mo pa rin ako sa iba?” 

Umirap si Wonwoo. “Whatever.” 

Idinampi ni Mingyu ‘yung labi niya sa pisngi ni Wonwoo. “Pero sige maghihintay ako, Wons.”

“Sinasabi mo lang ‘yan, Mingyu.” 

“Totoo nga kasi. ‘To naman ayaw maniwala lagi, e.” 

“Talaga!”

Mingyu chuckled. “Cute mo. Kiss na lang kita ulit,” ani Mingyu sabay lapit ng labi niya kay Wonwoo. Ito naman siya at tumango at tinanggap ang halik ni Mingyu. 

In between kisses, nagsalita ulit si Mingyu. “Ligawan na kita?” 

Wonwoo suddenly bit Mingyu’s lower lip. Nag-react si Mingyu roon pero ‘di naman siya umangal. Aba, dapat lang! “Pag-isipan ko.”  

“Ayan tangina kinikilig ako,” sagot ni Mingyu. “Alam mo bang ito talaga ang match point bago ako manalo sa’yo?”

“Para kang tanga, Mingyu! Match point mo mukha mo!” 

“Tahimik na, baby ko. Kiss lang tayo.”