Actions

Work Header

kahel na langit

Summary:

sa mga araw na wala akong kakampi, sa tuwing may mga luha sa aking mga ngiti. sa umpisa ng araw at bago maggabi. hanggang may kahel na langit.

Notes:

this is what happens when you listen to kahel na langit by maki on repeat.

first short story ko to and need ko lang talaga siya ilabas.

sana magustuhan niyo!

if may mga errors po, sorry in advance, di na po sya na proofread.

Work Text:

 

minsan, gusto kong magsumbong sa'yo

kapag pagod na pagod na ako.

 

Ito ang kwento ng Papa at Dada ko — si Cho at si Jo.

 

They met in Sagada, two lost souls na umakyat sa mabunduking bayan in the hopes na sana, sa piling ng mga ulap ay mahanap nila ang kanilang sarili at pahinga.

 

Dalawang tao na pagod na sa mundo, na hindi alam kung tama pa ba ang landas na tinatahak nila. Hindi alam kung ano ba talaga ang gusto nilang gawin sa buhay. Pero who would’ve thought na sa Sagada pala nila mahahanap ang isa’t isa.

 

Papa said that he and Dada met in the most fateful way. They joined the same joiner tour para sa hike to Marlboro Hills. Their group implemented a buddy system, para habang umaakyat ay may tutulong sayo, may makakapitan ka kapag mapagod ka, at may maghihintay sayo kung sakaling kailangan mo ng konting pahinga. At dahil silang dalawa lang yung solo travelers sa grupo nila, silang dalawa ang pinagsama. Yung expectation nila, si Papa ang mas tutulong kay Dada, dahil mas malaki ang katawan nya, mas brusko. Pero natawa na lang sila nung si Dada pa pala yung umaalalay at naghihintay kay Papa habang paakyat sila. 

 

(“Anubayan! Display lang pala yang maskels mo ehh.”

(“Pasensya na ha, di naman ako madalas umakyat ng bundok ehh.”)

 

Eventually, they got to know each other more and became friends on their way to the sea of clouds. At nung nakarating nga sila sa tuktok, they both released a deep breath at the same time. Dahil buddies sila, he and Dada stayed with each other, and habang hinihintay nila ang pagsikat ng araw, nagkwentuhan lang silang dalawa. Nakwento nila ang mga frustrations nila sa buhay, mas madali daw kasi minsan maglabas ng problema sa isang estranghero, kesa sa mga matagal mo nang kakilala. Sabi ni Papa, kahit na kakakilala lang nila sa isa’t isa, ay naging kumportable na siya kay Dada. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. At ganun din si Dada. Sabay nilang isinigaw ang dinaramdam sa mga ulap, at sabay sa pagsikat ng araw ay ang paggaan ng kanilang mga dibdib, at kahit papano ay nabawasan ang mga hinanakit nila sa mundo.

 

Pinili nilang manatili muna para mas namnamin ang lugar, pero para kay Papa, paano naman niya makakayang iwan si Dada na nakatingin lang sa mga ulap, may namumuong luha sa mga mata ngunit napakalawak ng ngiti. Sa pagkakataon na ‘yon, hindi na alam ni Papa kung saan ba ang mas maganda, ang tanawin na nasa harapan nya, o ang matamis na ngiti ng taong nasa gilid niya.

 

At dahil nga solo travelers sila, napagdesisyonan nilang libutin ang Sagada ng magkasama. Naging magkaibigan sila, and Sagada was just the first of their many adventures together. 

 

Despite the distance between them (Laking Makatizen si Papa, habang proud Ilonggo naman si Dada), they were able to maintain their friendship. Palagi silang nag-uusap, at naging sumbungan nila ang isa’t isa.

 

(“Hayaan mo sila, di natin sila bati”)

 

Minsan, pinupuntahan nila ang isa’t isa. Sabi ni Papa, lagi daw siyang nakaabang sa Super Pass ng Cebu Pacific, para makabili para sa kanilang dalawa ni Dada, para lang mabisita nila ang isa’t isa. Friends pa lang sila sa lagay na yan ha. 

 

Their romantic relationship also started in a very Cho and Jo way. It was two years after Sagada. Dada was visiting Papa in Makati (biglaan at impulsive trip, need daw kasi muna makalayo ni Dada kasi gumugulo na naman ang isip nya.), at si Papa, bilang down bad kay Dada at this point, told Dada to come to him. 

 

It was after a night out in Poblacion, (“Di halata sa mukha ng Dada mo, pero mahilig mag party yan”) sa gilid ng daan, habang kumakain sa onlypans (“paborito ng Dada mo yung birria tacos nila, di pwedeng di kami mag onlypans pag nandito siya”) at 1 in the morning, nang biglang sinabi ni Papa kay Dada: “Jo mahal kita, matagal na. Tayo na lang kaya?”. Tumawa lang daw si Dada sabay sabi: “Tanga, di pa ba tayo sa lagay na to? Tingin mo lagi kong liliparin mula Iloilo papunta Makati na para bang magkabilang bayan lang kung di rin kita mahal?”.

 

Pero sige, dahil nga di pala aware si Papa na matagal nang sila, nagkasundo sila na that day would be their Day 1. Pero para kay Papa, yung araw na unang nagkita sila sa Sagada would always be their Day 1. 

 

Naging long-distance yung relationship nila, pero despite the distance, they made it work. Wala namang nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa, maliban na lang siguro na naging mas malambing at clingy sila. As always, sumbungan at pahinga pa rin nila ang isa’t isa. 

 

Nang mapromote si Dada sa trabaho niya, nagdesisyon siyang lumipat sa Ortigas, kung saan ang main office nila. Naghahanap sila ng apartment na malilipatan ni Dada nang biglang nagkaroon ng bright idea si Papa: “Sakin ka na lang kaya tumira, ayaw mo nun, makikita mo pogi kong mukha pagkagising mo sa umaga?” 

 

Dada refused at first, pero dahil pursigido si Papa (na nagprepare pa talaga ng PowerPoint presentation, nakalista ang mga pros and cons (“Hoy Cho bat number 1 pro yung unli Cho bebe time?!?” “Sus parang ayaw mo pa”), at nag pout to the max with matching puppy eyes kay Dada), eventually ay nakumbinsi niya si Dada na maglive-in kasama siya.

 

(“Papilit lang talaga yang si Dada mo, pero alam kong gustong-gusto niya rin naman”).

 

They built their lives together, may mga away paminsan-minsan, pero lagi nilang pinag-uusapan at inaayos (“Ayaw ng Dada mo na matutulog kami na galit sa isa’t isa, naniniwala syang communication is the key, at tama naman siya”). 

 

Sila pa rin ang sumbungan at pahinga ng isa’t isa. Pag OT daw si Dada, lalo na pag busy season nila, ay susunduin at hihintayin sya ni Papa sa Ortigas, at paglabas ni Dada sa elevator at pagbaba sa hagdan ng building nila, may isang Cho na nakabukas ang mga bisig, handang salubungin ng yakap si Jo na malapit ng umiyak dahil sa pagod.

 

Lalakarin nila mula ADB Avenue papunta sa sakayan ng EDSA Carousel, habang naglalabas ng sama ng loob si Dada, habang nakikinig lang si Papa (pero kaaway nya na rin yung Mina, kahit di pa niya nakikilala), habang magkahawak ang kanilang mga kamay, pa sway-sway pa. 

 

Kapag si Papa naman ang napupuno dahil sya na naman ang napagbuntungan ng galit ng boss niya, laging naghihintay ang paborito niyang sinigang na hipon pag-uwi niya. At sa bawat paghigop niya ng mainit at maasim na sabaw ay unting-unti nawawala ang init ng ulo niya. 

 

Isang gabi, habang nanonood sila ng Hometown Cha Cha Cha sa malaking TV sa maliit nilang sala, ay nagkaroon na naman ng isa pang bright idea si Papa: 

 

“Jo, pakasal tayo?” 

“Bukas agad, gusto mo?”

 

Di sila kinasal kinabukasan, after 6 months pa. Umuwi sila sa probinsya ni Dada para pormal na magpaalam kay Lola, at mapakilala sa wakas si Papa sa napakalaking pamilya ni Dada.

 

(“Wag ka mag-alala Cho, di naman lahat invited sa kasal natin” )

(“Grabe nga hard launch ba, kasal na dayon!”) 

 

Kinasal sila sa paboritong lugar ni Dada sa probinsya nila, sa taas ng burol kung saan matatanaw ang paghalik ng dagat at langit, at kung saan matatanaw rin ang isla kung saan lumaki si Dada. Sabay sa pagkulay kahel ng langit ay ang pagsimula ng habang-buhay nila. Pero para kay Papa, dun pa lang sa Sagada ay alam na niyang si Dada ang magiging habang-buhay niya. 

 

Napagdesisyunan nilang sa Iloilo na manirahan. Natanggap si Papa bilang empleyado sa munisipyo, habang si Dada naman ay pinayagang mag work from home ng kumpanya niya. Isang taon na silang kasal, pero parang di na natapos ang honeymoon stage nila. At syempre, sila pa rin ang sumbungan at pahinga ng isa’t isa. Nagkaroon sila ng isang anak, (“Ikaw yun, Solana Choi”) at masayang namuhay ng simple sa munting bahay kasama si Lola. 

 

Para sa kanilang 10th year anniversary, naisipan nilang bumalik kung saan nag umpisa ang kwento nila, sa Sagada. Excited pa si Dada dahil paboritong lugar talaga niya ang Sagada, may kung anong hiwaga daw sa Sagada at gumagaan ang pakiramdam niya. Pinuntahan nilang muli ang mga lugar na binisita nila nung unang punta nila dito. Nag Paytokan walking tour, pumunta sa Bomod-ok Falls, at nag spelunking sa Sumaguing Cave. At syempre, di mawawala ang pag-akyat nila sa Marlboro Hills, kung saan sila unang nagkita at nagkakilala. Tulad noon, pinakamagandang view pa rin para kay Papa ay ang malaking ngiti ni Dada habang nakatanaw sa mga ulap, pero ngayon, wala nang bahid ng luha sa mga mata niya. 

 

Sa huling araw nila sa Sagada, pumunta sila sa St. Mary’s Episcopal Church. Sa harap ng altar, saksi ang Diyos sa bagong pangako na mamahalin nila ang isa’t isa, sa hirap at ginhawa, in sickness and in health, til death do us part. 

 

Sino ang mag-aakala na sa lugar kung saan nagsimula ang kwento nila ay doon din ito magwawakas?

 

Habang pababa sa Sagada ay isang aksidente ang nangyari. Nawalan ng preno ang kasalubong na truck ng sinasakyan nilang bus, hanggang sa tuluyan silang mabangga. Napuruhan ang kaliwang bahagi ng bus, kung saan nakasandal si Dada sa may bintana habang natutulog. Pilit syang ginising ni Papa, pero hindi na ito kumikibo. Dinala pa sila sa malapit na ospital, pero tuluyan nang binawian ng buhay si Dada. 

 

Hindi alam ni Papa kung paano sya nakauwi ng Iloilo, sinundo ata siya ni Ninong Migo. Tulala lang si Papa habang pauwi, hanggang sa burol, at hanggang sa maihatid na sa huling hantungan si Dada.  Ang alam nya lang ay wala na si Jo, wala na syang kakampi, wala na ang sumbungan niya, wala na ang pinakamamahal niya. 

 

Hindi nya na alam kung ano nang gagawin niya ngayong wala na ang asawa niya. Di pa sila nakakapag onlypans, excited pa naman si Jo kumain ulit ng paborito niyang birria. Di pa sila nakabisita sa karinderya ni Aling Tess, kung saan sila lagi kumakain tuwing petsa de peligro at kapag pagod silang pareho magluto nung nasa Makati pa sila. Di pa sila nakapaglakad ulit sa ADB Avenue habang kumakain ng fishball at kwek-kwek. Ang dami pa nilang di nagagawa. 

 

Bumalik lang daw sa katinuan si Papa nung isang araw ay narinig niya ang iyak ng anak nila, si Solana, ang patunay ng pagmamahalan nila. Kailangan niyang magpakatatag para sa anak ni Jo, sa anak nila. At alam niyang pinaka-ayaw ni Dada pag umiiyak ang Cho niya. Kaya kahit masakit pa ay kinaya ni Papa. Kasi kahit wala na si Dada physically, alam at ramdam ni Papa na nandiyan lang si Dada para sa kanya, para sa amin, laging nakagabay, laging nakabantay. 

 

At kahit ilang taon na ang nakalipas, sa tuwing mabigat ang pakiramdam ni Papa, sa tuwing may masayang nangyayari, at kahit sa mga simpleng bagay na nagaganap sa buhay niya, lagi pa rin syang nagsusumbong sa tanging sumbungan nya, sa tanging pahinga nya. Lagi siyang nagsusumbong sa nakaframe na litrato ni Dada, na si Papa ang kumuha mismo, malaki ang ngiti habang nakatanaw sa mga ulap ng Sagada. 

 

At sa tuwing nakikita niya ang kahel na langit, binabalik sya sa taas ng maliit na burol, kung saan tanaw ang paghalik ng dagat at langit, kung saan sila unang nangako ni Dada na magmamahalan habang buhay, sa hirap at ginhawa, in sickness and in health, at kahit kamatayan ay hindi makakatigil sa pagmamahalan nila.

 

 

at sa darating na panahong nasa ilalim na'ko ng lupa

at pag inuod na ang puso at utak

ang makikita nila'y ikaw.