Chapter Text
Sebastian Sylas
What if may card keys para makausap ang past and future version ng mahal mo?
anong gagawin mo?
Ayan ang sitwasyon ko ngayon dahil nasa harapan ko lang naman ngayon ang batang Loviehavie ko, or based on sa card na hawak ko ay ang fresh senior high Loviehavie ko
"Luh tulala na siya" Sambit nito kaya napabalik ang tingin ko dito
"Anong grade ka na?" Tanong ko dito, kaya nanlilisik ang mata na tinignan ako nito
"kaka-senior high nga lang pero teka nga" Sambit nito at pinag-masdan ang mukha ko
"sino ka ba, kuya? Bakit tanong ka ng tanong kung anong grade na ako?" Taas-kilay na tanong nito kaya napabumuntong-hininga muna ako bago bumalik ang tingin sakanya
"maniniwala ka ba kapag sinabi kong future husband mo ako" Nakangiting sambit ko pero sinamaan lang ako ng tingin nito
"kuya, naka-drug ka ba?" Tanong nito kaya napabuntong-hininga nalang ulit ako
sabi na eh
kilala ko ang loviehavie ko hindi siya maniniwala sa kahit kanino lalo na sa hindi kilala
"Gwapo ka sana, kuya pero parang nagda-drug ka sa mga pinagsasabi mo eh" Umiling-iling na sambit nito, habang may parang hinahanap sa table sa pagitan samin
"Anong hinahanap mo—" Itatanong ko palang kung ano ang hinahanap nito ng putulin nito ang pagtatanong ko
"Sshhh—kuya wag kang maingay, kita mo na ngang may hinahanap yung tao eh" Sambit nito kaya napangiti naman ako si Loviehavie ko nga talaga ito hahaha
"Ito ba yun hinahanap mo?" Tanong ko at pinakita ang senior high registration paper niya, napangiti ako lalo na'ng pumalpak ito habang nakangiti sa hawak ko
"sabi ng loviehavie ko na kalimutan niyang nasa drawer ito ni mama, kaya buong first week ng school year nila noon senior high siya ay nahihirapan siyang pumasok dahil need daw ito" Nakangiting sambit ko habang inaalala ko kung paano ikwento ni Loviehavie ko, ang pagkawala nito habang nag-aayos kami ng apartment namin
"so galing kang future? At asawa kita...." Sambit ito at sandaling natulala sa'kin ang cute talaga ng Loviehavie ko kahit no'n teenager pa siya
"ACKKKKKKKKK ANG GWAPO NG ASAWA KO!!!" Tili at sigaw nito kaya nagulat ako sa biglaan pag-yakap nito sakin, kahit pa may lamesa na humaharang samin
nang humiwalay ito ng yakap ay hinawakan nito ang mukha ko at tinititigan ng mabuti na para bang kina-kabisado niya ang mukha ko
"sana maalala pa kita paggising ko dahil halata naman nasa panaginip tayo hehe pero thank you sa pagpapa-alala sa'kin kung saan ko nilagay ito hehehe" Nakangiting sambit nito at niyakap ulit ako, napangiti naman ako
totoo nga ang sabi ni mama(mama ni Haven) na malambing si Haven noong fresh senior high nito pero bigla nalang daw nawala ang malambing na Haven bago ito gumraduate ng Senior high
"love you na agad hahaha" Sambit nito at tuluyan nang humiwalay ito sa pagkakayakap sakin, kinuha nito ang registration paper niya
"alagaan mo ako ng maayos ha at wag na wag mo akong lolokohin dahil kung kilala mo talaga ako, alam mong hindi ako mananatili sa taong sumira ng tiwala ko" Nakangiti pero seryosong sambit nito kaya napatango naman ako
"mahal kita masyado para lokohin at saktan, Haven" Sambit ko kaya napatango-tango naman ito
"buti naman, paalam" Sambit nito at tumalikod na para umalis
"teka!" pagtigil na sambit ko sa batang loviehavie ko, kaya tumigil naman ito
"may nakausap ka na bang kamukha mo na galing rin sa future?" Tanong ko pero nagulat ako ng tumawa ito
"wala at kung meron man, edi sana hindi na ako nagtanong kung sino ka hahaha" tumatawang sagot nito habang nanatiling nakatalikod sa'kin
"kung kilala mo talaga ako, alam mong itatanong ko agad sa future self ko kung may boyfriend or asawa na ako hahaha" tumatawa pa rin na sambit nito
"wala ka naman problema ngayon sa school or sa kahit ano, di'ba?" tanong ko kaya napalingon na ito sa'kin
ngumiti ito at tumingin sa mata ko "siguro ngayon wala pa pero hindi ko alam, baka magkaroon sa future" nakangiti na sambit nito at tuluyan nang tumalikod para umalis
-senior high student Haven-
Nagising na ako sa panaginip kung nasaan ang batang Loviehavie ko kaya tiningnan ko ang tabi ko at wala na si Loviehavie ko sa tabi ko
agad ko naman kinapa ang maliit na papel sa ilalim ng unan ko at tinignan ko ito
may linya na ang tanging nakasulat dito na 'senior high student Haven'
ibig sabihin totoo ang panaginip ko at nakausap ko nga ang 'senior high student Haven'
may dream keys nga ako para makausap ang past at future ng Loviehavie ko(≧▽≦)
"Gising na pala ang Sylovie ko" sambit ni Loviehavie ko kaya agad kong nilagay sa bulsa ng pajama ko ang papel
"good morning, Loviehavie ko" sambit ko pero hinila ko ito pahiga ulit sa kama, niyakap ko ito at hinalikan ang balikat
"let's eat breakfast na Sylovie" natatawang sambit nito pero humiling ako
"stay muna tayo ng naka-ganito, Loviehavie ko" malambing na sambit ko at lalong higpitan ang yakap ko dito
"so clingy talaga Sylovie" sambit nito at medyo mahinang natawa pa pero yumakap naman ito sa'kin, habang ang baba ay nasa balikat ko
kung tatanungin niyo kung saan ko nakuha ang dream keys para makausap ang past and future version ng Loviehavie ko ay...
hindi ko rin alam
joke lang, kayo naman hindi mabiro hahaha
Pumunta kasi ako sa bahay ng Yoon's family para kunin ang natitirang mga damit ni Loviehavie at para na rin kamustahin si mama (mama ni Haven)
habang inaayos ko ang mga damit ni Loviehavie sa maletang dala ko ay biglang may binigay sakin si mama
Flashback sa bahay ng Yoon's family
"Seb, anak" Tawag sa'kin ni mama habang nag-aayos ako ng damit ni Loviehavie sa maleta, nakaupo ako sa kama ni Loviehavie ko habang tinutupi ang mga damit nito
"bakit po mama?" Tanong ko at napatingin sa ginang na nasa pintuan ng kwarto ni Loviehavie
"pwede ba kitang makausap habang inaayos mo ang damit ni Havi" Sambit ni Mama Yoon, kaya agad naman akong napatango at ngumiti sa ginang
"ano ho ba yun mama?" Tanong ko sa ginang at sandaling tumigil sa pag-aayos ng gamit ni Loviehavie
May nilagay ito sa tabi ko na sampung(10) papel na parang hinati sa gitna na 1/8 index cards ang laki, kaya nagtatakang tumingin ako sa ginang muli
"ang mga papel na'to ay parang susi ng panaginip kung saan makakausap mo ang bata o nasa hinaharap na bersyon ni Havi" sambit nito at medyo kinalat ang mga papel para makita ang lahat ng ito
"nakita ko ang mga ito noong pumasok sa kolehiyo si Havi dito sa ilalim ng kama ni Havi kaya tinago ko sa kwarto ko" sambit ni mama habang tinitingnan ang mga papel
"paano niyo ho nalaman na susi ito para makausap ang past at future Haven sa panaginip?" Tanong ko dahil gusto ko malaman kung paano ginagamit ito
"noon unang nakita ko ang mga ito ay nasa labing-dalawang ito pero habang inaayos ko ito para itabi ay nalaglag ang isa dito sa ilalim ng kama ko ng hindi ko na mamalayan" sambit ng ginang habang inaayos ang mga papel na ito
"noon natulog ako pagkatapos ko ayusin yun sa kabinet ay napanaginipan ko ang nasa elementarya na si Havi at hinahanap ang head costume niya para role play nila" nakangiting kwento nito sa'kin habang tinitingnan ang mga papel
"tapos naalala ko napagalitan siya ng teacher niya dahil nawala ang head costume niya na yun at nakita lang namin ito sa pinakailalim ng kabinet niya pagkauwi namin" nakangiti pa rin sambit nito at tumingin sa'kin
"Ibibigay ko sa'yo para ikaw ang magtanong sa mga bersyon ni Havi kung nasaan ang hinahanap na Havi, nagkakaintindihan ba tayo Seb?" Nakangiti ngunit seryosong sambit ni Mama sa'kin at inabot ang mga papel
"Opo ma" seryosong sambit ko at kinuha ang mga dream keys sa kamay ni mama
End of Flashback on house of Yoon's family
"mahal ayos naman ang lahat, di'ba?" Tanong ko, habang nanatiling nakayakap dito at hinahaplos ang buhok nito
"so serious naman ng sylovie ko hahaha but yes maayos naman ang lahat, mahal" sambit nito, ramdam ko ang bahagyang pagtawa nito
"sabihin mo agad sakin kapag may problems ka ha, loviehavie" sambit ko at hinalikan ulit ang balikat nito
"Yes, sylovie" sambit nito at hinalikan ang leeg ko na nagpangiti sakin, kaya sinisiksik ko nalang ang mukha ko sa mabangong leeg nito.
Maayos lang ang lahat basta kasama ko ang loviehavie ko.
