Actions

Work Header

Magnets

Summary:

Keith (FJS) tries his best to stay away from Percy(JPN); But everytime he pushes his thoughts away, he's pulling him in.
Again, and again, and again.

Inspired by "Magnets" by Niki

Notes:

I highliy recommend listening to Magnets by Niki while reading :))

magnets by niki

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Nakilala ni Keith si Percy sa isang event sa kanilang eskwelahan. 

 

It was intrams season at dahil hindi na rin nagkaklase ang mga prof nila noon, naglilibot si Keith together with his friends Sam and Jake sa kanilang eskwelahan at napunta ang tatlo sa gym para manood ng mga laro. 

Saktong- sakto at magsisimula noon ang basketball game;

College of Computer Studies versus College of Arts and Sciences.

The reason why they watched was to support their other friends, RJames and Mo, who were playing for their college, the College of Arts and Science. 

And of course,

"Jek, tingin ka dun sa may gilid natin, yung naka army green. 'Wag kang papahalata. Ampogi beh."

pabulong na sabi ni Sam kay Jake, na ngayon ay dahan-dahang tumitingin sa tinutukoy ng kaibigan. 

"Hm, infairness, pogi naman. Pero di ko type beh, iyo na yan. Maghahanap nalang ako doon sa players sa court mamaya. Rinig ko kay Maki, madami daw pogi sa CCS, lalo yung mga nasa team daw nila" sabi nito at tinuon ang pansin sa court, kung saan magsisimula na ang laro. 

Napairap nalang si Keith sakanila.

Hindi talaga mawawala sa mag kaibigan tuwing intrams season— ang maghanap ng pogi. Aminado naman si Keith may mga gwapo din naman sa eskwelahan nila, pero hindi naman ito talaga naghahanap ng gustong maging crush o kalandian; what with the pressure of being a scholar in their private university.

He had no time to think of that. 

 

"Kunwari pa talaga si Keith oh. Maldito talaga! Pre, lam naman namin na scholar ka, pero ok lang din naman magkaron ng inspirasyon. Loosen up, Keith!" sabi ni Sam dito nung napansin nito na inirapan sila. 

"Oo nga, bading! Jusko sayang naman ang taglay mong kapogian—ew hindi tayo talo— kung puro aral at orgs lang inaatupag mo!" sabat din ni Jake at siya namang naging rason ng tawanan ng tatlo.

"Tsk! Kayo talaga puro kalokohan! Eto na nga at sumama na ko manood sainyo. Napilit niyo naman na ako. Dadating din yan, wag kayong atat! Oh ayan, shh na at magsisimula na yung game oh. Go Mo! Go Rjames!!!" pasigaw na chineer ni Keith ang kanilang mga kaibigan na nakalinya na para tawagin sa court.

Ang naupuan na bleachers ng tatlo ay medyo malapit lang sa mismong court, kung kaya't konting sigaw lang ng mga 'to ay maririnig agad ng mga player. 

Nung sumigaw si Keith agad naman napalingon ang dalawang kaibigan para kumaway, meron ding mga ibang ka department nila na nakihiyaw na din. 

Dahil natuwa ang dalawa sa ginawa ni Keith sumigaw din ang mga 'to.

"Go Mo! Ipakita mo sakanila ang lakas ng isang taga CAS!" sigaw ni Sam.

"Rjames!! Sit properly, baby. Drink lots of water , ha?" pagloloko naman ni Jake sa kaibigan,

in which Rjames only mouthed "Gago!", while covering the sides of his mouth para hindi makita ng coach nila. 


Second quarter na at mainit ang naging labanan ng CAS kontra ang CCS, ang score ngayon ay 23-25, CCS ang lead.

Ang kanilang top scorer ng CCS ang number 18,Percy Nase, (according to the commentator for the game) na siya ring naging dahilan ng kanilang paglelead sa game na ito. 

Hindi man sumali si Keith, pero he is a big basketfall fan. Naglalaro ito noong nasa highschool siya, at paminsan-minsan rin ngayong kolehiyo na sila kapag nagaaya si Mo at Rjames sa kaniya. 

Napansin niya din ang lalaking to dahil may kahabaan ang buhok, not that it is uncommon, pero dahil nakaipit ito sa isang claw clip, at kung nakatalikod ito, mapagkakamalan mo siguro itong babae; kung hindi lang ito naglalaro ng basketball. 

Hindi lang pala sa likod ito mukhang babae, sa malapitan din. 

Napatunayan niya ito ng lumapit ito sa kaniya.

 

Masyadong mabilis ang mga pangyayari; sinusubukan ni Number 18 agawin ang bola sa kalaban,

ang kateam nila Mo na si Taneo,number 6, ng bigla niya itong nabitawan, hindi sadyang napalakas ni Taneo ang pagagaw at tumalsik ang bola papunta kay Keith —sapul sa mukha,na siyang naging rason ng pagdugo ng kaniyang ilong. 

Hindi ni Keith maramdaman ang ilong sa lakas ng impact ng bola sa kaniyang mukha. Agad naman siyang inalalayan ni Sam at Jake papunta sa nakaduty na Red Cross sa gilid ng court, buti nalang at nabigyan agad ito ng paunang lunas. 

At nung natapos ang 2nd quarter , pumito na ang referee, half time na. Maya maya ay lumapit ang mga kaibigang si Rjames at Mo, sa likod ng mga ito ay si Nase.

Kasalukuyan nalang na inaantay ang doktor para macheck kung meron itong nabaling buto sa ilong. Pakiramdam ni Keith ay parang lumulutang ito ng bigla siyang nilapitan ni Nase. 

Nakasalubong ang kilay nito at ang mukha ay puno ng pagaalala at konsensya sa nagawa. 

"Uy, pre. Ok ka lang? Si Taneo naman kasi! Hindi natantya, nabitawan tuloy ang bola!" pagpapaliwanag ni Mo sa nangyari kanina, napakamot pa ito ng ulo sa ginawa ng kateam. 

"Lumipad tuloy sayo yung bola. Buti nalang at may nakaduty na redcross dito. Thanks, miss" sabi ni Rjames at kinindatan ang babaeng red cross volunteer na umasikaso kay Keith.

Namula naman ang babae at lumapit sa mga kapwa volunteer, ang mga kasama naman ay inaasar asar pa ito.

"Si Rjames talaga oh! Uunahin pa talaga lan—" naputol ang pangaral ni Sam ng biglang lumapit sa kanila si Nase.

 

"Uhm, hi...Hala, Masakit ba? Hindi ko sinasadya, pasensya ka na talaga. Uhm..." sabi nito, na parang naghihintay na sabihin ni Keith ang pangalan niya.

Walang naintindihan si Keith sa sinabi nito, nakatulala lang ito sa magandang mukha ng lalaki, ang buhok din ay medyo magulo ng dahil sa tindi ng kanilang laban sa court.

Pero sa tingin ni Keith, mas lalo niya itong ikinaganda.

 

Tanginang mukha yan, napakaganda... ha? Hindi Keith, epekto lang to ng pagkatama ng bola , isip ni Keith.

Sa tingin niya ay wala pa ito sa maayos napagiisip dahil sa hilo na dulot ng pagkatama ng bola sakaniya. 

 

Ngayon ay nagtataka ito bakit tinititigan lang siya ng basketball player.

Sam and Jake, quick as ever, ay biglang sumagot para sa kaniya. 

"Keith Justin Suson pangalan niyan, 21, single, and ready to mingle" mabilis na sabi ni Sam na siya namang dinugtungan ni Jake.

"3rd year student from Bachelor of Science in Communication Studies din pala, College of Arts and Sciences, taga A—hmnhOY" agad namang tinabunan ni Keith ang bibig ng kaibigan nito ng mapagtanto nito kung ano ang sinasabi niya.

"Ah sorry hayaan mo mga kaibigan ko. At ok lang, Nase. Keith nga pala. Aksidente naman ang nangyari." sabi nito and he tried to hold his nose softly, to prove na hindi nga ito masiyadong masakit, pero agad naman itong napangiwi nung maramdaman ang hapdi ng ilong nito, which only made Nase worry for him even more.

"Uy, mukhang masakit pa nga. Pasensya ka na , Keith. I want to make it up to you. What would you want to do?" 

"Huy, o-ok lang talaga pre, no big deal. But uh, if you insist, I like to drink coffee, I guess. Lagi ako napupuyat eh" Keith nervously said at kinamot pa ulo at mahinang tumawa nung sinabi ang huling linya. 

Nagtinginan nalang ang apat na kaibigan sa nangyayari, already exchanging knowing looks on how their conversation is going.

"Talaga? Ako rin! U-uh I mean nagkakape din ako, a-at minsan nagpupuyat din—anyways uhm, may alam ako cafe near sa univ lang. Malapit lang dito  one ride away." sabi nito at halatang nawala ng onti ang pagaalala nito sa mukha, napalitan ng excitement sa pagpayag ni Keith sa pag aya nito. 

Pero si Keith naman, bilang estudyanteng laging nagtitipid, ay napakunot ang noo sa sinabi ng lalaki.

"One ride away? Pagpapamasahehin mo pa ako? Huwag nalang. Thank you, but I'll rather have my 3 in 1 nalang sa dorm kung ganon." he said while he tried to politely decline Nase's offer, even smiling while doing so.

Nagtitipid na nga yung tao, tapos pagcocommutein pa? Tsk turn off agad. isip ni Keith.

Turn off? Hindi! Wala. Hindi natin siya type Keith, okay?  Maganda lang mukha niya, tapos okay, medyo cute siya—BASTA HINDI NGA!

Lingid sa kaalaman ng lahat, nagdedebate na pala si Keith sa mga boses sa utak niya, napatigil lang to ng bigla nanamang nagsalita si Percy.

"At sinong nagsabing magco-commute ka? May motor ako Keith. Ako bahala maghatid sundo sayo. And please, Gusto ko lang makabawi sayo" sabi pa nito at tinignan si Keith na parang nagmamakaawa, parang bata na gusto magpabili ng laruan sa nanay, pumupungay pa ang mga nito habang tinitignan si Keith.

Tsk, bakit nagpapacute to. Nakakainis, napasinghap nalang si Keith.

"Fine" agad namang napangiti si Percy pero bigla naman itong natigilan nung tinuloy ni Keith ang sinasabi.

"But! Kelangan muna ninyo talunin ang CAS sa game na'to... AND! Dapat madeclare ng doctor na wala ngang bali ang ilong ko, deal?" sabi nito at nakangisi pang inabot ang kamay.

Si Jake at Sam ay parang sasakalin na siya, base sa mga reaksiyon sa mga mukha nila. Si Mo at Rjames naman ay napangiti nalang at napailing sa sinabi ng kaibigan, alam nilang as much as possible, ayaw talaga nitong maglabas kung hindi sa campus, ay sa dorm lang ito.

"Oh, Perce, nandito ka lang pala! Hinahanap ka na ni Coach dun matatapos na yung halftime at dito ka parin! Aba dumadamoves lang pala sa—ARAY NAMAN PRE" agad namang napalingon ang lahat ng may biglang lumapit kay Percy, si Santos. Nakajersey ito ng number 30 at bigla itong binatukan ni Percy. 

"Tsk tumahimik ka nga Joshua, sus alam ko namang lumapit ka lang dito para malapitan yung crush mo eh" tumingin ito kay Jake, yung Santos naman ay kumaway dito kay Jake at nahihiyang ngumiti. "H-hi, Crush. Joshua Santos nga pala, para sayo ang lahat ng points ko sa game nato" kinindatan pa nito si Jake na sinuklian naman ng irap ng binata. 

"Yabang mo naman, Santos! Naka 3 points ka lang nga eh" sabi nito at naghalukipkip pa, pero kita nila Keith na namumula na tenga nito. 

"3 points yun for I like you" nginitian naman nito ang kaibigan ni Keith ng nakakaasar at siya naman ang kantyawan at hiyawan ng mga kaibigan at ilang mga manonood na nakakarinig sa kanilang pag uusap. 

"H-heh! Style mo bulok! Saka mo ko angasan kung matalo mo team namin" nagawa pa nitong belatan ang lalaki bago tumalikod dito. 

Si Percy naman ay umiling at tinawanan ang kaibigan bago ibinalik ang atensyon kay Keith. He finally shaked Keith's hand. His hand was kinda rough, but firm, as expected with a basketball player.

"Sige Keith Suson, deal. Go find me later when we win. I'll want to know about the doctors findings din." sabi nito at hinila narin si Santos papunta sa direksyon ng kanilang coach. 

"Papanalunin namin to para sayo, baby. Pupuntahan kita after the game!" Halos pasigaw na sinabi ni Santos habang lumalayo na sila sa grupo.

"Mo, Rjames, panalunin niyo ha? Alam niyo naman ayaw ko mga ganiyan ganiyan eh" sabi naman ni Keith nung nakalayo na ang dalawa. Si Mo at Rjames naman ay paalis na, hinahanap narin ng coach nila para sa huddle.

"Wag, guys! Pagbigyan niyo si Jek. Yiee badeng sabi ko na!! Kaya pala ayaw maghanap ng pogi sa bleachers kanina, dito pala sa court ang gusto. Galing mo pumili, ha? Infer gwapo naman beh" pang aasar ni Sam kay Jake, na ngayon ay pulang pula sa mga pinagsasabi sa kaniya nung Santos.

"Tsk! P-papansin talaga yang Santos na yan. Puro yabang kamo.Talunin niyo, guys! Para mabawasan naman yabang non. Kala mo naman talaga!" sabi ni Jake at bumubulong bulong pa na tinawanan nalang ng mga kaibigan.

"Tapos ito namang isa" tinuro ni Sam si Keith, halatang naggigigil parin sa kaibigan, "coffee date na yun beh! Gets ko naman na hindi ka mahilig sa mga ganiyan, pero mukhang sincere naman yung tao, chance mo na yan!" tinawanan lang ito ni Keith.

"Eh sa ayaw ko nga eh. Tsk basta talunin niyo yun guys! May tiwala ako sainyo" sabi ni Keith at nginitian ang mga kaibigan.

"Oh siya, basta gagawin namin ang best namin! Atleast manalo o matalo, may magiging masaya satin" sabi ni Mo. 

"Hindi pre, panalunin natin. Nakakahiya naman sa mga fans ko kung matalo lang tayo" sabi ni Rjames at kunwari pang nalulungkot na nakayuko 

Napailing nalang si Keith sa kaibigan. "Oh siya balik na kayo dun. Antayin nalang namin si doc dito kung ano nga ang findings ng ilong ko. Goodluck mga pre" sabi nito at tinapik ang mga balikat ng mga kaibigan. Umalis naman ang mga to at bumalik na sa court, kumaway muna sa mga kaibigan bago tuluyang umalis. 


Dumating na ang doktor at tapos na nitong tignan ang ilong ni Keith. Pagkatapos ng obserbasyon nito, ay ibinahagi naman niya agad ang resulta nito.

"Mr. Suson, mukhang ok naman yung ilong mo, wala namang fracture based on my physical examination. But I suggest you rest in the clinic for awhile so that you can get rid of the dizziness you feel. Pwede ka ring magpasama sa mga kaibigan mo if you like." 

Ikinatuwa naman ng magkakaibigan ang resulta, lalo na si Sam, who knows that Keith is another deal away from getting to have a coffee (and date) with Percy Nase, who just scored a three-pointer just now. 

"Another three from Nase, taking back the lead. Mukhang bumabawi ang CCS ngayon, partner! A 5-point lead, the largest we have since the start of this match!" rinig nilang sabi ng commentator pagkashoot ni Nase ng bola.

"Uh, I'll be fine doc. I'll go with you nalang po sa clinic, malapit nalang naman" tumayo naman si Keith at sumunod na sa doctor. Pero bago ito tuluyang umalis,

"Keith sure ka kaya mo mag isa? Pwede naman kitang samahan if you want" sabi ni Sam dito at akmang tatayo na pero pinigilan ito ni Keith. 

"Dito lang kayo. Tignan niyo kung manalo sila Mo. Tapos saka niyo ko puntahan sa clinic mamaya, ok? Baka matulog narin ako. Gisingin niyo nalang ako, ha?" sabi nito at tumalikod na.

"Ok pre, sige magpahinga ka! Kami bahala sayo." sagot ni Sam at napaupo nalang ulit. 

"Rest well pre! Kami na bahala magcheer sa dalawa" sabi naman ni Jake at bumalik ulit ang pokus sa laro. 

 

Pagkadating na pagkadating ni Keith sa higaan sa loob ng clinic, maya-maya lang ay nakatulog ito agad. Sa sobra na ring hilo sa mga nangyari. Huli niyang naisip bago matulog ang mukha ni Nase. 

Pano nga kung matalo sila, eh di walang coffee date? Luh bakit ko pa iniisip yun. Makatulog na nga isip ni Keith bago tuluyang nakaidlip.


Keith was now waiting outside his boarding house. 

Nakalamang ang team ng college nila, it was head to head sa puntong iyon, ayon sa pagkakakwento ng kaniyang mga kaibigan nung nagising ito sa clinic.

Pinuntahan siya ng mga ito at kasama nila ang isang Nase na pilyong nakangiti sa kaniya, at si Santos na maangas na nakaakbay kay Jake,na sinusubukang pumiglas, pulang pula ang tenga sa pagkahiya at inis sa basketbolista. 

Nagulat pa daw ang lahat ng sa huling mga segundong natitira nun sa shot clock, pinasa ni Santos kay Nase ang bola at sinubukan nitong mag buzzer beater at pumasok ito. Ang lamang sana na dalawang puntos ng CAS ay nakuha ng CCS.

"Kelan pa ako naging mali? CCS The Best! At papatunayan ko yan sayo ngayong gabi, Jake De Dios" Santos proudly said as he raised his eyebrows suggestively at Jake, the redness from his ears has crept up to his face, hindi niya na maitagi ang pagkahiya (at kilig)

"E-ewan ko sayo, Santos! Huwag puro amba, gawin mo!" he said while looking anywhere but the basketball player.

"Aba matapang tong bata ko ah? Santos, iuuwi mo ng buhay itong kaibigan namin ha?" natatawang sabi ni Mo at inakbayan ang kalaban.

 

"Oh pano yan, Keith. We won, and it looks like wala namang bali yang ilong mo. So…" lumapit si Nase sa kaniya, still smiling teasingly and still so infuriatingly beautiful with his post game look "what time will you be free tomorrow then?"

Napagusapan ng dalawa na makipagkita kinabukasan, around lunch time nalang daw para doon nalang din sila kumain (Percy insisted, Keith argues that he is very convincing).

At ngayon, nagaantay na siya sa pagdating ng kasama.

Bakit pa kasi natuloy to, tsk , pagrereklamo nito to no one in particular.

Because it's not like he woke up really REALLY early to get ready, no.

Hindi naman siya inabot ng tatlong pagpapalit palit ng damit at pag aayos ng buhok bago ito nakapagdesisyon sa susuotin.

His room also did NOT definitely look like a mess after he was finished dressing up for the day.

Hindi niya naman binagayan yung bandage niya sa ilong sa damit na susuotin niya ngayon.

At syempre, hindi naman niya ginamit yung kaniyang most prized perfume na pinagipunan niya at sa special events niya lang ginagamit.

Hindi, kaswal lang ito na araw para kay Keith.

Kaya nung dumating na si Percy Nase, sakay-sakay sa kaniyang motor, at nung hinubad nito ang kaniyang helmet, Keith SURELY did not felt his heart race when he saw Percy in all his glory, medyo magulo ang buhok dahil sa helmet, but so effortlessly, handsome.

Yeah, absolutely not.

"Hi Keith. Are you ready? Wow, You look really good today" nakangiti si Percy habang tinignan niya si Keith muka ulo hanggang paa. Makikita sa binata ang pagkatuwa at onting pagkahiya sa kabila ng sinabi neto kay Keith.

Si Keith naman ay sinubukang hindi ipahalata na naapektuhan ito in anyway sa sinabi no Percy sa kaniya bago lang.

"U-uh… thanks, Nase. You as well and uh nice ride" Keith awkwardly said as he stood there infront of the guy,

Ano ba yan, Keith. It's just Nase. Nothing to be nervous about. Pero I look good daw. Lah. Crush siguro ako neto, Keith thought

si Percy naman ay mas lumawak ang ngiti at napahawak sa upuan ng motor neto.

"Thanks, I really take good care kay Dusty. At huwag mo na akong tawaging Nase, Percy nalang. Masyadong pormal eh" kinuha nito mula sa trunk ng kaniyang motor ang isa pang helmet at ibinigay ito kay Keith.

"Here, hindi naman to masiyado nagagamit, si Joshua lang minsan kapag tinatamad siya dalhin ang sasakyan niya at sinigurado kong palinisin muna yan bago ako pumunta rito para komportable ka.

Wow ang sweet naman —I MEAN DAPAT LANG? Kasi baka amoy pawis yang helmet na yan, isip ni Keith nung kinuha niya ang helmet sa kamay ni Percy at nagpasalamat.

And speaking of Joshua Santos,

He has yet to ask Jake about how their date went kahapon kasi mukhang masiyado naman yata to nag enjoy kahapon na hindi na siya nakapagupdate sa gc nilang magkakaibigan.

 

Sumakay na si Percy at pinaandar na ang motor nito, saka naman umangkas si Keith.

Pagkasakay nito, hindi niya sadyang naamoy si Percy. Matapang ang perfume nito, pero hindi masakit sa ilong.

Mas lalo siyang pumopogi sa paningin ko—HEP! Friendly. Date. Lang. Ito. Ketih Justin!! Tandaan mo yan!! Keith quite literally scolded himself as he tried to keep a distance from Percy, although this was impossible because they were literally on a motorcycle.

Humawak nalang ito sa handlebars ng motor ni Percy at umupo sa pinakadulo na bahagi ng motor nito.

Napansin ni Percy ang ginawa nito

"Lumapit ka onti, Keith. Parang iwas na iwas ka naman. Naiilang ka ba? O mabaho ba ako? Huwag kang mag alala, Keith. Ako lang to" natatawang sabi nito habang pinapaandar na ang makina ng motor.

Hindi, bango mo nga. At bakit ako maiilang? Yung mga may feelings lang naiilang no. Yabang talaga neto, isip ni Keith

"H-hindi naman, uh sige lalapit na ako. Tara na. Ok na." sabi nito at lumapit na kay Percy.

 


Nakarating na sila sa cafe. It was indeed a few minutes away from their school. Medyo onti lang ang tao ngayon dahil weekday sila pumunta at dahil nga intrams din sa eskwelahan nila, ang mga estudyante ay nanonood ng mga laro.

"Ano order mo" tanong ni Percy sakanya nung makarating sila sa counter ng cafe.

Keith was looking at the prices.

200 for a fucking latte?? Tapos mas mahal pa pagkain nila? Jusko, isip ni Keith habang tinitignan ang kanilang menu.

"Don't worry about the prices. It's on me naman. But I recommend you try their spanish latte here" sabi ni Percy nung napansn nito na kumukunot ang noo ni Keith sa pagtingin sa mga presyo sa menu ng cafe.

Keith knows that this is supposed to be Percy making it up to him, but as someone who lived simply and made it to a prestigious university like theirs through a scholarship; he thought these prices were abhorrent.

So naturally, he just went along with the spanish latte and ordered the most affordable meal in the menu to go with it.

Percy noticed this but didn't say anything about it.

"Miss isang spanish latte at isang matcha latte and dalawa nitong pomodoro pasta" Percy said, ibinigay din nito ang kaniyang card to pay.

"Bakit pala pomodoro pasta yung pangalan nito? Nagrereview din ba yung pasta?" sabi ni Keith nung nakaupo na sila.

Napahagalpak naman ng tawa si Percy.

Wow bentang benta talaga ha? isip ni Keith habang di napigilang mapangiti din sa pagtawa ng kasama. Keith soon realized that he'd look forward to hearing his laughter.

"Marunong ka din pala magjoke ha? Akala ko ang seryoso mo lang lagi" sabi ni Percy at napatingin sakanya, nakangiti parin, "You look better when you smile. Mas lalo siguro kung wala na yung bandage mo" dagdag pa niya.

Si Keith naman na genuinely curious sa pasta name ay sinabayan nalang ang mga sinasabi nito.

Whatever you say, Percy Nase, napailing nalang ito sa sinabi ng binata, pero nakangiti parin.

And that's how they became friends.


Pagkatapos ng "friendly" coffee date nila, halos lagi nalang nagtatagpo ang mga landas ng dalawa.

When intrams week finally ended and classes resumed again, Keith thought that mababalik nanaman ang atensyon niya sa nag iisang bagay na pinagtutuonan niya ng pansin; ang kaniyang mga notes, readings at lectures.

Pero mali pala siya, dahil halos araw-araw ay nakikita na nito si Percy, na tila ba'y lumiit ang mga mundo nila.

One time, they crossed paths in the library.

It was the day before a major test. And as always, Keith was headed to the library to do his last intensive review before the day of the test.

And as a regular in their school library, he already had his favorite floor and favorite table to study in. The third floor of the library just made sense to him; saktong lakas lang ng aircon, maliwanag, at hindi masyadong inuupuan ng mga pumupunta sa library.

And he also liked it because everytime he went there, no one else was in his spot, just like today. He was scanning his id, this is how the log in and log out system of their school works, when he felt someone standing beside him. Pagtingin niya sa tao, nakita niyang si Percy ito, may suot na headphones at may dalang laptop.

"Oh, hi Keith! Magrereview ka ba today?" mahinang sabi nito habang nakatingin sa dala ni Keith, laptop, iilang notes at reviewers, at ang wired earphones nito.

"Hi Percy, yes. Big test tomorrow" napabuntong hininga pa ito bago nag patuloy "ikaw ba? Review din?"

When they were both done scanning their IDs, they walked toward the table wheir Keith's spot was.

Umiling ito, "No, may assigment lang sa programming subject ko, may need lang i code"

Nung nilagay ni Keith yung gamit nito sa lamesa agad naman siyang tinanong ni Percy, "Mind if I join you?"

If there is one thing people should know about Keith, he is very territorial about things he has claimed (even of spaces like these that aren't technically his).

Another thing, he always ALWAYS studies alone. That's why when he goes to the library, hindi niya na inaaya ang mga kaibigan dahil alam niyang mas lalong hindi ito makaconcentrate. Especially because the subject for tomorrow is one of their major subjects, and the test will help him secure a spot in this semester's dean's list.

His first instinct was to say no; he didn't want anything or anyone to distract him that day. At marami namang bakanteng table sa buong floor na 'yon; sila lang ni Percy ang tao don at may isang grupo lang ng mga nursing student sa may kabilang dulo ng library.

But Percy looked so convincing, he looked like he woul be a great study buddy, Keith thought.

Ngayon lang, kawawa naman to kung walang kasama dito, Ha? Basta next time no one is allowed to sit with me when I go to the library, well except Percy siguro?? ARGHHH Keith thought as he finally answered Percy.

"Okay, upo ka na diyan. Huwag mo lang ako masiyadong pansinin kasi I talk to myself when I review" sabi nito and offered the other chair to Percy before sitting down himself.

"Fine with me, I'll just put my headphones in, then" sabi nito at sinuot na nga yung headphones sa tenga niya at binuksan na ang laptop nito.

Si Keith naman ay binuksan na din ang laptop nito at hinanda na rin ang papel at ballpen.

 

After about half an hour in, Keith took a break. He removed his earphones and closed his laptop for a bit and closed his eyes. He took a few breaths and opened his eyes and found Percy staring at him.

Muntik na ni Keith makalimutan na may kasama ito, kaya't uminat nalang ito kunwari.

"T-tapos ka na? Sorry nasanay lang ako na mag study alone so ginawa ko lang routine ko everytime na magbebreak ako sa pagreview" pagpapaliwanag ni Keith at napakamot pa to ng ulo habang sinasabi ito.

"It's okay, Keith. Nakakapagod din kaya magreview. And to answer your question, not yet, actually. Nasimulan ko na to kanina sa room pero I needed a change of pace and environment to really lock in. Kaya ako pumunta dito. Pero I'm halfway through debugging this code and I'm taking a break na din at sumasakit na mata ko" ngayon lang napansin ni Keith na nakasuot pala ng salamin si Percy at tinanggal ito ng binata para ikusot ang mata.

Hala pre pumopogi ka yata sa paningin ko, joke isip ni Keith habang si Percy naman ay sinuot nanaman ang salamin nito.

"May grado mata mo? Parang ngayon lang kita nakita nag glasses ah?" di na ni Keith napigilang sabihin ang iniisip nito.

Wow kala mo naman lagi magkasama, halos isang buwan palang kayo magkakilala teh? isip ni Keith habang si Percy naman ay hindi na nagulat sa tanong nito.

"Yeah, actually mataas na grado ko sa mata. Di ko lang lagi nasusuot glasses ko. Especially if naglalaro. Natatakot ako mabasag. Lagot talaga kay erpats" Percy said and laughed lightly.

During their first "friendly" date, nalaman ni Keith na si Percy ay panganay sa limang magkakapatid. May kaya naman sila sa buhay, pero dahil sa madami pa itong kapatid, Percy lived simply. His motorcycle however, which he lovingly called Dusty, (which Keith SO did not think was charming of Percy) was a gift from his father. Dahil daw nagkascholarship ito sa pagiging athlete niya at nakakakuha ng allowance mula sa eskwelahan, niregalo ito ng ama niya dahil daw deserve niya naman ito at para na din may gamitin ito sa pagbyahe papunta sa eskwelahan.

"Mas lalo lang masisira mata mo sa ginagawa mong yan, dapat lagi mong suot yung salamin mo" sabi ni Keith at napailing iling pa.

"At tsaka…" tuloy niya pa habang tinititigan si Percy na ngayon ay nakatitig na rin sa kaniya

"…bagay naman sayo ah" hindi nasadyang sabihin ni Kieth ng malakas sa binata.

But the damage has already been done. He could see Percy turn red at the compliment, Keith found out that he didn't ever get used to getting complimented.

Keith was no different, pulang pula din siya sa hiya sa sinabi nito sa binata.

"T-talaga ba? Sus s-sinasabi mo lang iyan" sabi ni Percy at nakatingin lang ngayon sa kanilang lamesa.

Keith found this interesting, he found out that he would like to see Percy react to different things he would say.

Hindi pwede to, Keith thought, may nararamdaman siyang kakaibang kaba kapag nakikita si Percy na ganito.

Pakiramdam niya ay gusto niya itong makilala pa ng lubusan, but at the same time he doesn't want him near.


After their encounter in the library, nasundan nanaman ang pagkikita nila, much to Keith's chagrin.

It was their department's exam season. And usually, their exam dates never coincide with other departments, especially now that it's a Saturday and Keith thought for sure it was only their department had classes/exams on that day.

Well, he was right…for the most part.

"Uy nasagutan niyo ba lahat kanina, sumasakit ang ulo ko sa haba ng questions ni Ma'am Erlinda. Andami ba namang situational tapos shading pa lahat!!" reklamo ni Sam habang papalabas sila sa building ng College of Computer Studies.

Since their school has limited classrooms, different colleges tend to share classrooms and it's not out of the ordinary to be taking exams in the engineering building, high school building, or even now at the CCS building.

"Natapos ko naman, pero grabe!Hindi ko sure if tama yun lahat kasi di ko na nadouble check yung sa mga huling part. Bahala na!" sabi naman ni Jake habang tumitipa na sa kaniyang phone, kalmado lang ito habang pababa ng hagdan. "By the way, mauna ako sainyo, ha? Inaantay ako ni Joshua sa baba. Dito rin daw kasi sila ngayon. May practice sila today eh"

"Hoy bading! Ikaw ha, hindi mo parin sinasabi samin ano real score niyo ng Santos na yan, dating lang ba o may feelings na?" pang aasar pa ni Sam dito, nakadungaw sa cellphone ni Jake; si Jake naman ay pilit na tinatago ito, katulad ng pagtago nito sa totoong nararamdaman sa basketball player, which he obviousloy likes despite saying that kinukulit lang siya nito lagi, pero everytime na inaaya siya or gusto makipagkita nito sakaniya ay lagi lang din itong g.

"Wait, Dito sila ngayon?" napahinto naman si Keith sa paglalakad. Unlike his friends, maaga niyang natapos ang kanilang exam, inantay niya lang talagang makalabas ang mga ito para kitain sila Mo at Rjames na nasa kabilang block section at sabay maglunch sa canteen.

"Sus, Keith! Kunwari di niya alam. Akala ko katalking stage mo na yung Nase?"pang aasar ni Jake dito habang si Keith, lingid sa kaalaman ng mga kaibigan, ay nagpapanic na.

"Oo nga, sinamahan ka pa nun sa library nung nakaraan, diba?Sikip mo talaga nak" dagdag pa ni Sam at siniko pa ito ng mahina.

"N-nagkataon nga lang iyon. At hoy! We're just friends… acquaintances nga lang siguro" sabi ni Keith at napatingin lang sa sahig.

They DID talk. Minsan ay minemessage siya ni Percy, may mga funfact about sa mga random na bagay. Minsan inaaya siya nito sa library para mag study na magkasama, minsan naman ay inaaya siya nito magbasketball, gusto daw ni Percy makalaro ito.

Pero lahat iyon ay tinatanggihan ni Keith. He put him at an arm's length, but maybe now he can't just keep on running away from him. What with how small their worlds are, now that Jake's most likely dating Percy's bestfriend, and Mo and Rjames playing with their team from time to time after intrams for friendly games, it really is inevitable that their paths will somehow cross again.

Hindi naman sa iniiwasan ni Keith si Percy, pero iniiwasan nito ang nararamdaman para sa binata.

Napagtanto na ito ni Keith nung isang beses ay umoo siya sa isang study session (not date kasi they were definitely not alone in that library) with Percy.

Pero study session pa ba yun kung halos buong time na nandun sila ay ang pinagusapan lang nila ang favorite nilang banda, Queen.

"Sino favorite mo sa kanila?" tanong ni Percy nung malaman na pareho silang fan ng bandang ito.

"Si John Deacon! Si Deaky. Cute nga ng nickname nila sa kaniya. Pero I love them all the same. Ikaw ba?" sagot ni Keith, kahit na hindi niya ineexpect na mapunta ang topic nila dito.

"Si Brian talaga. Hanga talaga ako sa kaniya. Imagine ang galing niya na mag gitara tapos may PhD pa siya sa astrophysics. Nakakaelibs talaga" sagot ni Percy, kumikislap pa ang mga mata nito habang nagsasalita.

Sana ganiyan ka din when you talk about me,ha? isip ni Keith at agad naman napailing sa naisip.

"Hindi, rocket scientist kaya siya!" pabirong sabi ni Keith, trying to see if Percy got his reference.

Noong una, kumunot noo nito, pero bigla naman siyang ngumiti.

Ok, ampogi nga niya ugh, I'm so gone, ano ba tong mga naiisip mo, Keith Justin. He literally just likes the same band as you???

"Ah, elite ball knowledge. Naks Queen fan nga" tinaas ni Percy ang kamay nito para makipag apir.

Si Keith naman ay nakipagapir, at ngayon niya lang ulit nahawakan kamay ni Percy. Nakaramdam ito ng kung anong kuryente nung nagdampi ang mga palad nila.

Ngayon lang niya naramdaman ang ganito. He has clingy friends, Jake and Sam would always try to be touchy with him, pero wala naman siyang ganong naramdaman sa dalawa, naiinis pa nga ito kung hinahawakan siya.

But with Percy? They were sitting really close with each other in the library, knees almost touching, and they just high fived.

That was when Keith started avoiding seeing Percy again.

Ayun din ang rason bakit hindi niya alam na nasa eskwelahan din sila ngayon.

"Uy, pre kamusta exam?" salubong ni Mo sa kanila. Kasama nito si Rjames at Taneo, mukhang kakagaling lang din nila sa room nilang pinag examan.

"Ok lang sumama satin si Taneo? Lq daw kasi sila ng jo—ARAY NAMAN PRE" napahiyaw si Rjames ng bigla itong binatukan ni Taneo, na mukha ngang wala sa mood.

"Shut up Ji" sagot ni Taneo dito at nakahalukipkip pa.

"Ok lang naman iiwan naman tayo ni Jake para sa lalaki niya" sabi ni Sam, si Jake naman ay napairap nalang sa sinabi ng kaibigan; didn't confirm or deny it.

Maya-maya naman ay dumating na si Joshua, mukhang galing pa itong practice at kakatapos lang maligo, kasama nito ang lalaking iniiwasan ni Keith; si Percy.

"Hi love, are you ready na? Tara na ba?" sabi ni Joshua kay Jake, si Jake naman ay agad naman ito hinampas, pulang-pula sa pagkahiya.

"A-anong love ka jan? Tara na nga! B-bye guys! See you sa monday nalang!" sabi ni Jake at agad namang hinila si Joshua patungo sa direksiyon ng main gate ng eskwelahan.

Bago pa man makaalis ang dalawa, tinapik muna ni Joshua ang balikat ni Percy at sinabing, "Ayan na pre, kausapin mo na. Goodluck una na ako" bago tuluyang nakaalis sa kinaroroonan nila.

Si Keith naman ay na estatwa sa kinatatayuan, nakatingin sa kaniya si Percy. Hindi naman ito mukhang galit, pero ramdam ni Keith sa mga titig nito ang pagtatampo.

He knows because Percy has such an expressive face, you could tell how he is feeling by the way his eyes look, and Keith hates that he knows this about the latter.

Sam, sensing the tension, ay biglang nagsalita

"Uh, Keith, mauna na kami sa canteen ha? Habol ka nalang mamaya." sabi nito at kinalabit pa ag ibang mga kaibigan, "Tara na guys, away magasawa yan, labas tayo diyan" hirit pa nito bago umalis.

Tsk si Sam talaga isip ni Keith at umiling nalang sa ginawa ng mga kaibigan. He waved at them as they started to walk away.

Now, he's alone with Percy, the very person he's trying to get away from, pero kahit na ganon, sabik naman itong makita siya, matagal na rin nung huli niya itong nakita.

"Hi, Keith. Nahuli din kita." sabi ni Percy, nakangiti ito pero hindi umaabot sa mata.

Keith felt a pinch in his heart when he saw this.

"Hello, Percy. Pasensya ka na, nabusy lang" sabi nito at umiwas ng tingin.

"Busy nga ba, o iniiwasan mo lang ako?" sabi ni Percy and that made Keith stare at Percy again.

"N-no it's not like that—"

"Eh ano pala, Keith. Tell me right now.The last time I saw you was in the library three weeks ago and ngayon lang kita ulit nakita. Ang liit nalang nga ng mundo natin. Bakit Keith? May nasabi ba akong mali? O tungkol parin ito sa pagka tama ko sayo ng bola? Diba bumawi na ako sayo? Pangit ba ako kasama? Ayaw mo ba ako maging kaibigan?" Percy looks like he was about to cry, and Keith hated to see this, he didn't want to see the guy get frustrated because of him.

Keith just has to admit it to himself, and he thinks this is the right time; ayaw niyang mawala si Percy sa buhay niya, kahit hindi niya rin alam kung ano ang magiging resulta ng kaniyang gagawin.

"No, Percy. It's not like that at all. Aminin kong iniiwasan kitang makita ulit" dito ay sasagot na sana ulit si Percy, agad naman itong sinenyasan ni Keith na pakinggan muna siya ng binata

"Pero hindi ito dahil ayaw kitang kasama. Sa totoo lang, I enjoy your company. I normally don't like hanging out with people outside my friend group. It just so happened that the one time I said yes to go out with my friends, natamaan pa ako ng bola" natawa pa ito habang inaalala ang mga nangyari "But Percy, you were the itch I couldn't scratch; hindi ko maiwasang isipin kung saan ka sa tuwing pupunta ako sa library at wala ka doon. Pero kung sasagutin ko ang huli mong tanong, no I don't want to be your friend" si Percy naman ay nagulat sa sinabi nito, pero kahit na ganun, hinayaan niyang matapos si Keith sa sinasabi

"Percy Nase, I hate that your like a magnet; a mystic force. Kasi sa bawat oras na sinusubukan kong iwasan ang presensya mo, hinahatak mo ako pabalik sayo, kahit hindi mo alam, lagi kitang iniisip, and medyo nakakainis kasi minsan sinusubukan kong mag aral, pero ang mga ngiti mo ang nasa isipan ko. So yes, Percy, I like you. At kahit na ireject mo ako ngayon, tatanggapin ko."

He finally did it, he finally let out the feelings he was trying so hard to get away from. Hindi niya rin napansin na tumutulo na ang luha niya nung biglang lumapit si Percy para punasan ito. Ang binata ay lumuluha na rin, nakangiting hinawakan ang magkabilang pisngi ni Keith.

"Keith, alam mo, ang talino mong tao, pero sobrang manhid mo rin pala no?" natatawang sabi ni Percy at si Keith naman ay napakunot ang noo sa sinabi nito.

"The time we had our cafe date, I already liked you." nakangiting sabi ni Percy, nanlaki naman ang mata ni Keith dito. This was apparently news to him. "I just thought that you only saw me as a friend, lalo pa nung sinasamahan na kita mag study sa library. To be honest, tapos ko naman ang mga coding assignment ko nung mga sumunod na mga study sessions natin. I just found excuses to see you" with this Percy pouted, "But when you started avoiding me, I really thought I was being too obvious na. Na yung rason ng pag iwas mo ay dahil ayaw mo na ako kasama" Keith shook his head and Percy became serious, bumaba ang kaniyang mga kamay sa mga balikat ni Keith.

"Keith Justin Suson, I really really like you. At kung mararapatin mo, pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Percy sa kaniya, ang mga mata ay mapupungay at kumikislap habang nakatingin sa mga mata ni Keith.

Si Keith naman ay biglang napayakap kay Percy, nakahinga na ito ng maluwag at iyak tawa na sumagot

" O-oo Percy. Pwedeng pwede. I can't believe ako lang pala humahadlang sa ating dalawa" sabi pa nito at pumiglas sa yakap, his cheeks were hurting with how much he was smiling right now. Si Percy naman ay ganoon din, ang mga kamay ay nasa bewang ng binata.

"So…" panimula ni Percy, may ngiting nakakaasar sa labi, mukhang may masamang binabalak. Tinaasan naman ito ng kilay ni Keith,

" Pwede na humingi ng kiss?" nakangiting sabi nito kay Keith. Si Keith naman ay biglang namula at hinampas si Percy.

Percy was a man who can easily be flustered, yet he is also someone na malakas din mang asar, Keith found this out now that he's hiding his face in his palms and Percy is trying to get him to remove it, laughing at the process.

 

"Uy, Keith! Joke lang ito naman eh" sabi nito sakanya habang sinisubukan paring tanggalin ang mga kamay nito sa mukha niya.

Akala niya siya lang, pwes ako din, may biglang naisip si Keith para makabawi sa manliligaw nito.

Tinanggal niya ang kaniyang mga kamay at hinarap si Percy.

"Joke? Aba puro ka lang pala amba, Nase. Tsk mahina, manghihingi hingi pa. Gawin mo, sige nga halikan mo nga ako" sabi nito at inilapit pa ang mukha kay Percy.

Laking gulat naman ni Keith nung hinalikan nga siya nito, smack lang at nakangiting tumitig sakaniya, their faces inches apart from each other, faces red from embarrassment.

" Ano ka ngayon, Suson. Gantihan mo nga ako?" bulong nito sakaniya, hawak parin ang bewang ni Keith, na parang it was meant to be there; like puzzle pieces that fit together.

Keith then found out that Percy can outflirt him, because now HE was the one left flustered.

" E-ewan ko sayo. Hindi kaya kita sagutin Nase?" nakataas kilay nitong sabi at napahalukipkip pa habang tinitignan si Percy.

"Agoi, Nase nalang ulit. Fine. No more teasing. Sorry na baby" sabi ni Percy at nakatingin kay Keith na parang bata na nakabasag ng mamahaling vase.

Natigilan si Keith sa pet name na ginamit nito.

"B-baby?"

" Yes, baby?" sagot naman ni Percy, nakangiti nanaman ng nakakaasar sa nililigawan.

"Tigil-tigilan mo ako Nase, ibabasted talaga kita!"

"Sabi ng umanin ng una?"

"Ugh, I hate you!"

"No you don't"

"Ugh whatever, aalis na ako. Bahala ka diyan" sagot ni Keith dito at akma nang aalis ng bigla siyang pinigilan ni Percy.

"Hey, wait lang" sabi nito at hinarap ulit sa kaniya si Keith, si Keith naman ay ayaw pa sanang papigil ng biglang

" Stop or hahalikan kita" and that made him stop, Percy smiled victoriously.

"Fine. Ano nanaman?" mataray na tanong ni Keith sakaniya.

"Let me take you out on a real date this time. Last exam mo na yun today diba? Let's go to that cafe we went to last time. Ngayon naman bilang first real date natin" Keith was about to say something when Percy cut him off

"And don't worry about anything, it's on me. Tapos hatid pa kita sainyo. Ok ba yun sayo, boss?" tanong ni Percy and looked at Keith again.

"Hmm, okay" Keith smiled, hinawakan nito ang kamay ni Percy at tumungo sila sa parking area ng eskwelahan.

Minessage naman agad ni Keith ang groupchat nilang magkakaibigan.

Guys di na ako makakasama maglunch, inaya ako ni Percy eh, chat nito sakanila.

He had a lot of explaoning to do, but that was for future Keith to think about.

Nang makarating sila sa parking area at nasa tapat na sila ng motor ni Percy, luminga-linga si Keith sa paligid.

When he saw that there was no one else there, bigla nitong hinila si Percy sakaniya, hinalikan niya ito ng madiin.

Si Percy naman, bagama't nagulat nung una, leaned in to the kiss, pumikit na ito at hinayaang mahalikan ni Keith, napahawak naman ito sa batok ng nililigawan.

Nung makapiglas, napangiti si Keith sa pamumula ng mukha ni Percy.

Ano ka ngayon, pre he thought as he looked at his soon to be boyfriend's flushed face.

"P-para saan naman yon?" tanong ni Percy sakaniya at napahawak pa sa upuan ng motor niya.

"I kiss on the first date, just so you know. Ayaw ko lang gawin sa cafe kasi baka mapaalis tayo dun ng wala sa oras" sabi ni Keith at kinindatan pa angg lalaki, si Percy naman ay tila hindi pa nakaka move on sa bilis ng pangyayari.

Nagulat naman si Keith ng bigla siya nitong niyakap.

"Ugh Keith I just can't! Ang cute mo nakakainis. Hindi ko talaga alam anong magagawa ko kapag hindi ako makapigil!!" sabi neto at hinigpitan ang yakap sa binata, tinatago ang mukha sa balikat ni Keith.

Keith, ever the tease (ayaw niya din magpatalo kay Percy), then asked,

"Makapigil mag ano?"

Tinignan naman siya ni Percy ng masama "Pasalamat ka talaga Keith Justin st gusto kita. Nakakainis. Basta! Tara na nga" sabi nito at pumiglas na sa yakap, inilagay nanito ang susi sa kaniyang motor at ipinaandar.

Si Keith naman ay napangiti nalang. Who would've thought that some guy who happened to hit him with a basketball is now taking him out on their first official date and will soon be his boyfriend?

Iba ka talaga, Percy Nase isip nito habang pinagmamasdan ang kaniyang kasamang kinukuha na ang kanilang mga helmet sa trunk ng motor. Isiniot na ni Percy ang helmet kay Keith. Saka niya naman sinuot ang sariling helmet.

When they were ready to go, Keith had his hands wrapped around Percy, the latter preparing to start their journey towards the cafe, Keith only thought of what's to come; he knows that he'll only get closer and closer to Percy.

He knows that once he'll get to know the man even better, he'll only fall inlove with him again, and again, and again.

 

Notes:

I initially wrote this after I got into an argument with my dad and he called me a good for nothing hahaahaa (ok na kami guys), hindi ko alam kung bakit ganitong concept din naisip ko HAHAHA
Sumakto lang na birthday ko ngayon when I finally finished this and sakto din sa release ng new song ni Jah!!! (Stream Dahon po!!!)
This was meant to be juet a short one shot eh humaba at humaba (5k max kang dapat to guys (⁠╯⁠︵⁠╰⁠,⁠) )
So happy birthday to me din!! Hopefully hindi masyadong all over the place tong sinulat ko kasi medyo nagrerecover pa ako sa sakit while I was finishing this.
Please feel free to comment any reactions/suggestions and if you liked the fic, don't forget to leave a kudos. Sana maglapag na si ofifi or esbi. lt ng seken toktik nangungulila na ako sa parents natin :'(
Usap tayo:
X/Twt acc: @_treznyebe19
Sleep na muna ako at msgsisimba pa ako mamayang morning hay