Work Text:
Minsan tinanong mo na ba kung okay lang magkagusto sa dalawa?
Ayos lang ba kung may mahal ako pero dalawa sila?
Kapag kasama ko si Est feeling ko buo ako, hindi ko alintana ang pagod. We are the picture perfect trope for a friends to lovers story. Kababata ko si Est, simula elementary at hanggang graduation ay kasama ko siya. Pag malungkot ako, alam agad ni Est ang gagawin to cheer me up.
Pero iba si Hong, hindi tulad ni Est na kasama ko simula pagkabata hanggang pagtanda. Katrabaho ko si Hong, he is a hardworking person at lagi siyang nasa tabi ko if I need someone to help me. He is there to cheer me up when I feel low. Si Hong ang nagpaarealize sakin na may iba’t ibang side pa pala akong hindi ko makita.
—
Est picked William from his work carrying a bowl of papaya salad na binili n’ya sa pwesto ni Aling pasing na lagi nilang tina tambayan noong high school sila, it’s their favorite thing to eat.
“For you love” sabay abot ng plastic kay William.
“Nasa harap pa tayo ng company, do you really want me to eat this here love?” reply ni William.
“Ohh…Tama nga naman hehe, I’ll drive sa favorite park natin okay?”
“Or.. Umuwi na tayo and tsaka natin kainin?” he suggested.
“Mabilis lang naman travel sa park love, dun mo nalang kainin hehe”
William didn’t argue with his cat like boyfriend, ano nga bang laban n’ya pag nagpacute na si Est sa harapan n’ya. William is aware kung gaano s’ya ka downbad sa bf n’ya at kung gaano siya kadaling makalimot ng ibang iniisip kapag ngumingiti si Est. Napailing nalang siya, parang may itinaboy na thought, bago sumakay sa kotse na naka-park.
They spent the night eating and chatting about their day. Halos 12am na silang naka uwi sa condo nilang dalawa pero parang hindi naman sila napagod. Pareho nilang naramdaman ang pagkarecharge nila sa isa’t isa. Si William lang ang nagising kinabukasan na may bigat sa dibdib, hindi dahil may mali, kundi dahil may isang tanong siyang ayaw sagutin.
The next day came, hindi na si William nagpahatid kay Est because he overslept at need na talaga niyang magmadali dahil sa presentation n’ya.
William as bright as he is ay nakalusot sa pagiging late and proceeded to present his work, nagustuhan naman ito ng higher ups so walang palya ang presentation niya.
—--
Ilang buwan na ding magkatrabaho sina William at Hong.
Unti-unti nilang nakilala ang isa't isa sa pagitan ng deadlines, overtime, at mga coffee break na dapat limang minuto lang pero umaabot ng kalahating oras.
"Hindi ka pa kumakain?" tanong ni Hong isang tanghali.
Hindi man lang napansin ni William ang oras. Nakayuko pa rin siya sa laptop.
"Mamaya na."
"Mamaya ka na rin mahihilo."
Bago pa siya makatanggi, may inilapag nang sandwich si Hong sa mesa niya.
"Bayaran mo na lang ako kapag yumaman ka."
Napatawa si William.
Hindi niya alam kung kailan naging normal ang ganitong mga eksena.
Minsan sabay silang umuuwi.
Minsan si Hong ang naghihintay kapag alam nitong mag-o-overtime si William.
Minsan naman, tahimik lang silang nagtatrabaho sa iisang mesa, pero kahit walang nagsasalita, hindi iyon nakakailang.
At sa bawat simpleng pagkakataon na magkasama sila, hindi mapigilan ni William na mapangiti.
Hindi niya rin mapigilan ang puso niyang tumibok nang mas mabilis sa tuwing ngumingiti si Hong pabalik.
Kapag nangyayari iyon, agad niyang ibinababa ang tingin.
Parang nahuling may ginawang mali kahit wala naman.
August 10
Paulit-ulit tinitingnan ni William ang oras sa phone niya. 6:47 PM. May reservation sila ni Hong ng 7:00.
Normal lang naman na lumabas silang dalawa ni Hong, friendly date.
Pero paulit-ulit bumabalik sa isip ni William ang mukha ni Est kung paano siya ngumingiti tuwing sinasabing ingat ka.
“Relax ka lang,” bulong niya sa sarili niya, habang pinipigilan ang panginginig ng kamay.
Dumating siya sa resto nang maaga. Tahimik ang paligid, may soft jazz na tumutugtog, ilaw na warm at nakaka-comfort.
Minutes passed.
7:10.
7:25.
7:40.
Hindi sumasagot si Hong.
Dahan-dahang nag-fade ang ingay ng resto. Napalitan ng tunog ng monitor, ng mabilis na yabag, ng boses na paulit-ulit na nagsasabing—
“Sir, huminga po kayo—Sir—”
Biglang bumalik ang alaala
—
“Will?”
Napabalik si William sa kasalukuyan. Si Hong ang nasa harap niya, hawak ang dalawang baso ng tubig, halatang nag-aalala.
“Sorry, late ako” sabi ni Hong. “Traffic was hell”
“Okay lang,” sagot niya. “Sanay naman akong maghintay.”
Umupo si Hong sa tapat niya. May kakaibang kaba sa kilos niya, parang may gustong sabihin pero hindi makuha ang tamang timing.
“William” simula ni Hong, seryoso na ang boses. “May gusto sana akong sabihin… matagal ko na tong iniisip.”
Tahimik lang si William. Nakatingin siya sa baso ng tubig, kita niya ang repleksyon ng sarili niya pagod, pero buo pa rin.
"Alam mo," mahina niyang sabi habang nakatingin sa baso ng tubig, "matagal ko nang sinusubukang kumbinsihin ang sarili kong huwag sabihin 'to."
Napatingin si William.
"Pero habang tumatagal, mas lalo kong nare-realize na hindi ko na kayang itago."
Huminga nang malalim si Hong.
“Mahal kita” diretsong sabi ni Hong. “Hindi ko inaasahan, pero dumating lang. Alam kong may pinagdadaanan ka, at ayokong agawin yung lugar ng kahit sino… pero gusto kong malaman mo.”
Huminga ng malalim si William. Ito na yung moment na kinatatakutan niya, at sabay na hinihintay.
“May mahal nga ako,” mahina niyang sabi. “Oo.”
Tumigil si Hong. Halatang nasaktan, pero pinilit intindihin.
“Pero may puwang ka din naman sa puso ko, Hong”
Tahimik ang pagitan nila, pero hindi mabigat. Hindi rin magaan. Totoo lang.
Ngumiti si Hong, may luha sa gilid ng mata. “That’s enough for now.”
—--
Apat na taon na din pala ang nakalipas.
Gabing-gabi na noon. Pareho silang pagod, kakauwi lang galing trabaho. Natawa pa si Est habang tinatanggal ang sapatos niya.
“Ang init lately” biro ni Est minsan, hinihimas ang dibdib niya. “Parang pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginagawa.”
“Stress lang yan,” sagot ni William, minadali ang tono, parang ayaw niyang marinig ang sarili niyang pag-aalala.
Pero bago pa siya makatayo, bumagsak si Est sa sahig.
Ang sigaw ni William ang unang bumasag sa katahimikan ng condo.
Ambulansya. Ilaw. Ospital. Isang mahabang gabi ng paghihintay na parang walang katapusan.
Hanggang sa dumating ang doktor, seryoso ang mukha, mabagal magsalita.
“I’m sorry…”
Heart condition. Hindi na kinaya. Biglaan. Tahimik.
At mula noon, hindi na muling umuwi si Est.
—
William woke up crying.
The sun had already claimed the sky by the time he woke up. The light poured through the window in golden streaks, casting long shadows across the room. Outside, the world was bright and dry, the trees standing tall in the heat, and even the dust on the ground seemed to glimmer.
“Dry season na pala, I didn’t realize”
May isang sulok ng condo na paborito si Est doon siya tumatayo tuwing nagkukuwento ng araw niya, palaging may liwanag kahit gabi na.
“I love you, Est” bulong niya sa hangin. “Palagi.”
Huminga siya ng malalim, sa wakas hindi na masakit.
“Maybe it’s time to move on” dagdag niya, nanginginig pero buo. “And love again.”
At sa unang pagkakataon matapos ang apat na taon, pinayagan ni William ang sarili niyang magmahal, hindi bilang pagtataksil, kundi bilang pagpapatuloy ng buhay.
