Actions

Work Header

It might be you

Summary:

After four failed relationships, sawa na si Wonwoo sa pag-ibig.

Wala na siyang interes sa mga lintik na promises at grand gestures na parating nakikita sa mga kasal. Pero kasi, kasal ito ng best friend niya, so there was no way he could get out of this one.
Kaya simple lang ang plano: pumunta at umuwi.

But somehow, he ends up catching the wedding bouquet—and the last ribbon tied to it lands in the hands of a stranger he doesn’t even know.

Tangina, anong gagawin niya?

Chapter 1

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

 

Walang interes si Wonwoo sa mga kasal.

 

Pagkatapos ba naman ng four na failed relationships, wala na siyang pakialam sa pag-ibig na ’yan. For him, it’s bullshit.

Oh, sino kayo dyan?

 

Ilang beses na siyang tumanggi at nagdahilan sa mga invitation na natanggap niya. Mula sa katrabaho, kakilala, hanggang sa malalayong kaibigan, lahat ’yon may excuse siyang ibinigay. Some are real, though! Don’t get him wrong.

Kaso kasi… Iba ’to ngayon…

Best friend niya ang ikakasal.

Super best friend, if that word even exists.

Hindi na tuloy siya makahindi.

There was no way he could get out of this one.

Kung gusto niya pang tumagal sa mundo, kailangan niyang pumunta. Kahit may bagyo, may baha, kahit pa nga may problema siya sa buhay, kailangan.

Si Yoon Jeonghan ’yon.

Kaya ang plano niya na lang, simple: bumati kina Jeonghan at Seungcheol, umupo sa isang sulok, kumain nang marami, at umuwi. That’s it.

Ayos, ’di ba? Napakadali lang.

Sobrang dali lang.

Pero sinusubok talaga siya ng mga tao ngayon.

Pasado ala-una pa lang ng hapon, nasa venue na siya. Bakit? Leche kasi ang kaibigan niya. Sinabihan ba naman siyang: "We need to be early!”

At alas-tres pa ang kasal.

Fuck this shit talaga.

Ngayon tuloy, nakatayo na siya sa gilid ng garden kung saan magaganap ang kasalan mamaya. Okay lang naman sa kanya. Natutuwa rin siyang pagmasdan ang mga taong paikot-ikot na parang may hinahabol.

Everyone seemed to have somewhere to be. Unlike him na nakatunganga lang. Iilan pa lang din kasi ang nakikita niyang mga tao sa lugar. Most of them ay pamilya at mga taga-asikaso pa ng kasal. So, anong ginagawa niya rito…?

 

“Ang aga mo naman.”

Hindi na niya kailangan lumingon para makilala ang nagsalita, boses palang, inis na siya. “Kasalanan mo,” wika niya habang umiirap.

“Hindi ko naman sinabi na TOO early. Really, two hours? Are you that excited?”

“Hindi naman…”

“It’s just one o’clock, Wonnie.”

“OA.”

Napailing sa kanya si Joshua. Ang napiling best man ni Jeonghan. Apat kasi silang magkakaibigan simula college. Kung pwede ngang tatlo, lahat sila pipiliin nito, eh. Dahil sa naisip, naalala niya ang isa pa dapat kasama ngayon. Hindi na niya kailangan alamin kung nasaan ang pinakabata sa kanila, for sure, hahabol ito bago magsimula ang seremonya.

Well.. Busy ito, eh. May scheduled shoot si Seungkwan sa isang sikat na TV show, malamang nagmamadali na naman ’yon papunta rito.

Ilang segundo lang ang nakalipas nang ayain siya ng kasama na umakyat sa kwarto ni Hannie. Garden wedding ang mangyayari, pero narentahan na nila ang buong lugar, kasama na ang function hall at bahay sa likod kung nasaan ngayon ang dalawang grooms.

Grooms.

Napangiti siya nang mapait.

Ang weird pa rin talagang isipin.

This year na rin dapat yung kanya, eh.

Agad din namang nawala ang iniisip nang makita ang nakaayos na kaibigan. Aaminin niya, sa dami ng pagkakataong nakita ni Wonwoo ang modelo, siguro ito ang unang beses na genuinely hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Napakaganda ng kaibigan niya.

Nakaputing suit ang lalaki at may bulaklak na rin sa likod ng may kahabaang buhok. Halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay abala sa mga ginagawa. May nag-aayos ng boutonnière nito. May nagliligpit ng mga nakakalat para unti-unting malinis ang lugar at may ilang taong naluluha sa gilid.

If you already have any idea kung sino ’yon, you’re right. Joshua was getting emotional, again. Natawa tuloy siya. Ilang buwan na kasi itong ganito, hindi niya naman masisisi, this is their dream.

Ibinaling niya ang atensyon sa isang gilid nang marinig ang coordinator na natataranta. Nagtatanong ito kung nasaan na ba ang photographer dahil kailangan na nilang kumuha ng ilang litrato lalo pa’t ready na ang groom.

Pero sa gitna ng kaguluhan, parang wala lang ito kay Jeonghan.

Nakita niya ang kaibigan na nakaharap sa salamin at mukhang hindi pa rin makapaniwala na ikakasal na talaga siya.

“Hey… Are you okay?” nakangiting tanong ni Wonwoo pagkalapit.

“Wonungieee, of course.”

“Sure?”

“Why? Mukha ba akong hindi okay? Is it my make-up?”

Umiling naman si Wonwoo. Pareho talaga silang magkakaibigan, mga OA.

“Maybe it’s just…the wedding jitters? But hindi naman ako sobrang kinakabahan.”

“Hindi ko naman tinanong kung kinakabahan ka.”

Napatingin tuloy nang masama si Jeonghan sa kanya, kaya ngumiti lang siya nang cute. Nawala naman ang asar nito. They can't really resist Wonwoo’s cuteness.

“Gago ka talaga.”

“But seriously… Congratulations, Hannie. Sobrang saya ko for you.”

Sobra talagang saya ang nararamdaman ni Wonwoo para sa kaibigan. Ilang taon na rin kasi niya itong nakasama. Witness silang lahat sa ligawan stage ng dalawa nung college, kaya sobrang iba ang feeling na makitang sila talaga hanggang dulo.

“Wala pa nga!”

“Practice lang kung 'di tatakbo si Seungcheol.”

“Wonwoo!”

Tumawa siya.

Ilang segundo rin silang natahimik pagkatapos.

“Wonwon… Are you sure… you’re okay to be here…?”

Natigilan si Wonwoo sa tanong nito. Kahit si Joshua na kakabalik lang mula sa CR ay nakatingin sa kanya nang may pag-aalala. Napasip siya saglit bago huminga nang malalim at ngumiti sa dalawa. Hindi pilit, yung totoong ngiti.

Okay naman na kasi talaga siya.

“Hannie, it’s been a year… I’m good now,” sabi niya. “And I’m here for you today, 'wag mo akong intindihin,” dagdag niya.

Wala naman kasi talagang kaso. Sadyang kaartehan niya na lang yata na hindi um-attend sa mga kasalan…

Well, dahil na rin siguro sa nangyari noon. Tangina kasi ng ex niya. 

That asshole literally cancelled their engagement for ‘some’ reason, saying he wasn’t ready.

After their so-called cool-off—na breakup na yata dahil hindi naman na ito nagparamdam—ikinasal ang gago sa babaeng "kaibigan lang" daw sa trabaho makalipas lang ang anim na buwan.

Inimbitahan pa talaga siya, huh.

The fucking audacity.

Kapal ng mukha.

Pero totoo rin naman ang sinabi niya sa mga ito. Wala na talagang kaso. Okay na siya.

Galit na lang ang natitira kasi… Sa ganda niyang ito? Nagawa siyang lokohin ng isang pangit?! Joke. He’s pogi naman. BUT you get it.

Actually, pwede na nga siyang magmahal ulit. Explore dating again… Pero takot na si Wonwoo. Pagod na siyang sumubok.

 

Apat na breakups.

 

Una, they were too young pa raw.  

Pangalawa, apparently, he was too much na hindi niya ma-gets!

Pangatlo, it didn’t work. Puro siya give, walang take na nangyayari.

Pang-apat, ayun nga. Cheater. Huling balita niya sa mga ito, hiwalay na yata kasi nanloko na naman ang gago. Hindi na niya masyadong tinanong o inalam kung ano ang nangyari. Wala na rin siyang pakialam.

Well. Mostly.

Basta nanahimik na lang siya sa gilid, tulad ngayon. Nag-usap na lang tuloy ang dalawang kaibigan tungkol sa mga gagawin mamaya. Kita niya pang naluluha muli ang mga ito, kaya sinaway ulit sila ng makeup artist.

Sa likod ni Jeonghan, dumaan ang coordinator na may bitbit na bulaklak. Ito na yata ang wedding bouquet.

It looks beautiful.

Napaisip si Wonwoo.

Makakahawak din kaya siya ng ganon sa tanang buhay niya?



⋆ 💐 ݁˖



Maganda ang lugar.

Hindi sobrang bongga, pero halatang pinag-isipan. Simple lang kasi ang gusto ng dalawa despite their wealth. Model at Lawyer ba naman… They let the garden speak for itself—ang matatangkad na puno, makakapal na dahon, at damuhang parang natural na extension ng venue.

Parang gusto na rin tuloy ni Wonwoo na garden instead of beach… 

Asa siya. Imposible.

Puti at pula ang mga bulaklak sa paligid. There were clusters of little flowers lining on both sides of the aisle, while petals were scattered across the walkway leading to the altar. Ang mga upuan naman ay gawa sa kahoy. Sobrang simple, pero elepante. Ngek.

Sa dulo ng aisle, makikita ang altar. Mas maraming bulaklak dito dahil sa arrangement nito sa gitna. Mas nabigyan din ng buhay ang harap dahil sa mahahabang puting tela na nakalaylay mula sa mga sanga ng puno sa likod. Hindi mukhang pilit ang pagkakaayos. Everything seemed to blend naturally with the garden around them. Simple, quiet, and intimate.

Very Seungcheol and Jeonghan.

“Maganda,” sabi ni Wonwoo.

Ngumiti si Jeonghan.

Katatapos lang nilang mag-group photo dahil nandito na ang bunso nila, si Kwannie. Katabi niya ang mga ito sa isang gilid kasi medyo may ilang minuto pa bago magsimula ang kasal. 

“Thank you.”

“Hindi ikaw.”

“Kasal ko ’to.”

“Ah.”

“Hehehe, thank you.”

Napailing na lang si Wonwoo habang natawa naman sina Joshua at Seungkwan sa gilid. Hindi na sana niya napapansin ang mga ito at kukunan na lang sana ng photo ang paligid nang bigla siyang niyakap ni Jeonghan. 

Saglit lang naman.

Pero ramdam niya.

Hindi kasi sila ganoon ka-affectionate sa isa’t isa, lalo na si Wonwoo, pero hinayaan niya. Nilagay pa nga niya ang kamay sa likod nito instead of pushing him away na parati niyang ginagawa.

“Thanks for coming,” sabi ni Jeonghan nang makaalis sa yakap.

“Of course.”

“Enjoy, okay?”

“I AM enjoying.”

“Hmm. Don’t leave early!”

“Hindi ako aalis nang maaga.”

“Promise?”

“Jeonghan, may trabaho ako bukas.”

“Exactly. Kaya mag-enjoy ka dito hanggang mamaya.”

“That’s not how it works.”

“It is! On my end! Just please stay.”

“Fine.”

Napangiti si Jeonghan.  Nasunod na naman ang spoiled niyang kaibigan. Well, kahit naman kasi hindi sabihin ng lalaki, hindi siya agad aalis. Mahal na mahal niya ang mga ito. Hindi rin naman siya bastos. Ano ’yon? Eat and run siya?

Akala niya dito na matatapos na ang usapan. Tinawag na kasi sila ng mga coordinator para pumwesto sa tamang linya. Ang iba namang mga bisita ay nakaupo na sa mga upuang assigned sa kanila.

“By the way, may bouquet toss later,” biglang sambit ni Jeonghan. Napatigil tuloy si Wonwoo at takang tumingin sa mga kaibigan.

They were all looking at him differently.

Oh, no. They’re planning something…

“Huh?”

“Nothing.”

“Jeonghan.”

“See you later!”

“Hoy!”

Tumalikod na ang kaibigan at pumunta sa mga magulang. “Jeonghan!” tawag niya pa rito, pero hindi na lumingon.

Napatingin naman siya sa mga kaibigang naiwan at nagtatawanan sa harap niya. He even saw Seungkwan trying to hold back his laughter, pressing his lips together, but failing miserably. Emphasis on the last word, huh. Napalingon kasi ang lahat sa kanila nang humalakhak na ito. Tinanong niya ulit ang mga ito, pero parehong nagkibit-balikat at nagpanggap na walang alam bago pumunta sa kani-kanilang partners.

Then everything clicked.

Napabuntong-hininga na lang si Wonwoo.

Siya na nga lang pala ang single sa tropa.

Tangina.

 

 

⋆ 💐 ݁˖

 

 

Sabi niya nga, hindi siya mahilig sa mga kasal. 

But he’s not judging the people who do.

 

Maganda naman kasi talaga ang konsepto nito. It’s beautiful to witness two people choosing each other, then starting a new chapter of their lives. Together.

Pero hindi lang niya talaga alam kung saan siya lulugar sa mga ganoong okasyon. Ngayon pa nga lang, iiwasan niya nang makita ang mga pictures kanina habang naglalakad siya mag-isa  sa aisle.

Hindi kasi ganon ka-affectionate na tao si Wonwoo. Others see him as a very aloof person. But he isn't. Sadyang awkward lang siya minsan. 

Medyo mahiyain kasi siyang tao despite graduating with a degree in Communication Arts. Summa Cum Laude pa nga. Ewan niya rin kung paano niya nagawa ’yon.

Ewan. Matalino naman siyang tao.

Pero tulad ni Jo, tanga rin yata siya sa pag-ibig.

 

Nawala lahat ng iniisip nang nakita niya ang paglalakad ng ring bearer, si Kkuma, ang sutil na anak ng dalawang ikakasal. May kagat-kagat itong maliit na basket. Nakasuot din siya ng pulang dress. Tanging ikakasal lang ang mga nakaputi. 

Tahimik lang ang lahat, maliban sa mga kaibigan niyang humihikbi sa tabi niya. Mas pinili na lang ni Wonwoo na manood.

Parang may kung ano siyang nararamdaman nang lumabas si Jeonghan. Napangiti siya.

At nang mapalingon naman siya sa direksyon ni Seungcheol sa harap, nauna kasi itong maglakad, segundo lang ang nakalipas, mas lalo lumawak ang ngiti nang bahagya.

Mukhang kinakabahan. Mukha ring masaya.

At mukhang ilang segundo na lang ay iiyak na.

Ay. Umiyak na nga!

 

“Look at him,” bulong niya kay Seungkwan sa tabi niya.

“Hmm?”

“Crying.”

“Obviously…?” 

“Ang pangit.”

Napatingin tuloy si Seungkwan nang masama sa kanya habang may luha pa sa mata.

“Shut up nga!”

“You two, shut up. It’s starting na, you’re so noisy!”

Napatikom tuloy ang bibig ng dalawa nang sawayin sila ni Joshua. Napangiti muli si Wonwoo. 

“Kuyang kuya, ah.”

Tinignan lang sila nito nang masama, kaya tuluyan na silang natahimik. May pagbabanta na yung tingin, eh.

 

Nakatingin lang siya sa harapan. Sa dalawang kaibigang matagal na niyang kilala.

Sanay naman na siyang makita ang lambot sa tingin ni Seungcheol kay Jeonghan, o kaya naman sa paraan ng pagngiti ni Jeonghan kapag hawak ang kamay nito. Lagi niya na itong nakikita. Sawa na nga siya minsan, eh.

But today is different.

 

Ganito pala talaga kapag siguradong sigurado ka na sa taong nasa harap mo, ‘no?

 

Habang nakikinig siya sa sinasabi ng mga ito, naisip niya ang taon ng pagsasama nila. Puno ng pangako, puno ng pagmamahal. Hindi na niya kailangan pagdudahan ang mga salitang 'yon. Nakita na niya. Saksi na siya. Marahil 'yon ang dahilan kung bakit nang matapos ang paglalagay ng mga singsing, hindi niya namalayang naluluhang nakangiti na rin siya.

“Uy.”

Napatingin siya kay Seungkwan.

“Hmm?”

“Emotional ka rin.”

“Hindi.”

“You’re tearing up.”

“Masaya lang ako para sa kanila.”

Akala niya aasarin siya ng mga ito kasi lumingon pa si Joshua sa kanila, pero hindi. Nginitian pa siya ng mga ito nang malambing. “We’re all happy for them, Wonnie.”

 

Pagkatapos ng ceremony, nagsimula nang lumipat ang mga bisita sa reception area. Ilang hakbang lang naman. Tinawag pa sila ng coordinator para sa ilang paalala at upang ibigay ang mga envelope na iaabot nila kay Seungcheol sa reception. Mga pakulo talaga ni Jeonghan.



⋆ 💐 ݁˖

 

 

Nang makita ang maliit na cocktail station sa gilid ng hall, agad siyang pumunta rito. Hindi naman siya maglalasing, gusto niya lang ng maiinom. Sakto, dito rin banda ang pwesto nila.

Habang hinihintay ang lahat na tuluyang makaupo sa loob, dumiretso na siya sa mga inumin. Ang mga kaibigan kasi ay kasama pa ng mga partners nila at nagpi-picture sa labas. Si Joshua kasi ay kasal na kay Seokmin. Dalawang taon na rin ang lumipas. Si Seungkwan naman ay engaged na kay Hansol. Ayan tuloy, mag-isa siya sa table.

Bored na napatingin tuloy siya sa gilid. Sa katabing table niya, may isang lalaking hindi niya kilala. Nasa left side niya ito, mas malapit sa station.

Hindi naman literal na magkatabi, ah. Magkatabing tables lang.

Nakita niya ito kaninang naglalakad sa aisle habang hawak ang kamay ng isang matandang babae. Tita yata ni Seungcheol. Matangkad ito at ngiting-ngiti, kaya kita niya ang maliit nitong pangil. Wonwoo could appreciate beauty naman. This guy is pretty hot cute.

Pero hindi na niya ito pinansin at tinignan na lang ang mesa. Inayos pa niya ang suot na salamin para mas makita nang maayos ang nasa mesa. May ilang baso ng champagne, wine, at mga cocktail na mas mukhang dessert kaysa isang inumin.

Oh. May sparkling water.

Ayun ang gusto ni Wonwoo! For now…

Tumayo siya para pumunta sa cocktail station at aabutin na sana ang sparkling water nang may isang kamay na kumuha rito. Napalingon siya. Yung lalaking nasa katabing table. Nasa cocktail station na rin pala ito.

Napaatras tuloy siya, na nagpahinto rin sa lalaki.

“Uh… Sorry.”

Nagkatinginan lang sila.

Matangkad. Yun agad ang napansin ni Wonwoo.

Masyado palang matangkad ang lalaki. Matangkad na si Wonwoo... But this guy, he’s taller... Maayos ang suot niyang black suit. Bahagya na ring maluwag ang necktie, pero maayos pa rin ang naka brush-up na buhok.

“Go ahead,” sabi ng lalaki.

“Sure ka?”

Tumango ito. “Yeah, there’s a lot pa naman.”

Luh. So, anong ipinaparating nito?

Parang napahiya doon si Wonwoo, ah… 

Napalabi na lang siya at tahimik na kinuha ang sparkling water.

“Thanks.”

“No problem.”

At doon na nagtapos ang usapan kasi umalis na si Wonwoo. Parang mayabang naman ito, isip niya. Hindi na niya tuloy tinanong ang pangalan nito.



Buti na lang at dumating na ang mga kaibigan at nakalipat na rin siya ng upuan para hindi na siya katalikuran ng matangkad na lalaki. Umupo siya at tahimik na nakikinig lang, kasama sina Joshua at ang mga partner nila.

Habang may mga nagpapalaro, hindi niya mapigilang tignan ang lalaking nasa may gilid. Kasama nito ang ibang mga kaibigan na nakikita niya sa pictures na inu-upload palagi ni Seungcheol. Kilala niya naman sina Hao at Jun… Tropa rin pala siya?

Hindi rin niya alam kung bakit niya ito napapansin.

Siguro dahil maingay. 

Ang iingay ng mga ito habang nagtatawanan, lalo na yung singkit. Ang cute na sobrang maputi naman ang taga-saway nila. Tinatakpan pa nga nito ang bibig ng singkit, kaya natatawa siya. Kahit nakaupo, madali ring mapapansin sa mga pagitan ang matangkad na lalaki. Nangingibabaw siya.

Naririnig pa niya na sobrang bilis nitong magsalita sa mga katabi.

Napapairap tuloy siya. Hindi niya alam kung bakit inis siya rito, eh isang beses pa lang naman silang nagkita at nag-usap. Tungkol sa tubig pa nga, ah.

Wala namang kakaiba. Naiinis lang talaga siya.

Kaya tumingin na lang ulit si Wonwoo sa sarili nilang mesa. Nakita niya pa ang pagngisi ni Seungkwan na hindi niya alam kung para saan.

“Wonwoo.”

“Hmm?”

“Pass the juice.”

Iniabot niya kay Joshua ang pitsel.

“Thanks.”

At doon natapos ang atensyon niya sa kabilang mesa.

 

 

Nagsimula na rin ang dinner. Sa wakas! Gutom na gutom na siya. Buti na lang talaga at mayaman ang mga kaibigan, kaya marami ang ise-serve na pagkain. May appetizers, soup, main course, at kung anu-ano pa. Tuwang-tuwa tuloy ang mga kasama sa table, lalo na si Hansol na very foodie. Katabi niya ito, kaya pinapaubos niya minsan ang pagkaing ayaw na niya.

At habang kumakain, unti-unting lumakas ang ingay sa paligid kasabay ng music na hindi na rin niya maintindihan.

Sobrang busy ang lahat pero mukha naman silang masaya. 

Pero si Wonwoo? Gusto nang umuwi.

But he promised.

So he stayed.

Minutes later, nakita niya ang mga photographer na pabalik-balik. Kinukunan na kasi nila ang bagong kasal kasama ang mga guests. Si Wonwoo naman ay kumakain ng dessert habang nakikinig sa mga walang kwentang kuwento ni Joshua. Umalis na kasi sina Seokmin at Kwannie at pumunta sa DJ sa gilid, which explains the hype music.

Paminsan-minsan, tumitingin siya sa stage, sa bagong kasal, sa mga bisita… at sa kabilang table.

Nandoon pa rin naman ang lalaki. 

And again, wala siyang pakialam, huh.

Pero sa ilang pagkakataon, nagkataon na nagtatama ang mga mata nila.

Isang beses, habang tumatawa si Wonwoo sa sinabi ni Joshua.

Isang beses habang pabalik ang lalaki sa mesa.

Wala namang ngumiti dahil wala namang espesyal. Nagkatinginan lang.

But Wonwoo was always the first one to look away.



⋆ 💐 ݁˖



Mas naging masaya ang reception pagkatapos ng speeches. Kasama pa nga siya sa nagsalita. May video presentation rin na halos sampung minuto. Most of the pictures included are from him, as he likes to photograph his loved ones.

Nag-speech din yung matangkad na lalaki na tinitignan niya at doon niya nalaman na childhood best friend ito ni Seungcheol na nakatira lang sa ibang bansa. They’re both engineers as well.

Medyo pumogi tuloy ito sa paningin niya. 

Huh, who said that? 

Natawa siyang muli nang mag-speech ang kapatid ni Seungcheol na si Chan, ang napiling best man. Nagsimula kasi ito nang maayos at nagtapos sa pag-iyak. Well, kanino pa ba magmamana? Si Seungcheol din kasi umiyak sa speech. Kinukunan tuloy nila ito ng video dahil minsan lang talagang nagpapakita ng kahinaan ang lalaki.

At pagkatapos, si Jeonghan naman. “Hindi ako iiyak,” sabi nito sa microphone.

Agad na may mga tumawa kasi sumimangot ang asawa sa tabi niya, kaya natawa rin ang lalaki.

“Of course,” bulong ni Wonwoo.

“Shut up,” sabi ni Joshua.

“Hindi naman ako rinig, ah.”

“Let them nga.”

Nawala ang atensyon niya dito dahil may narinig ulit siyang medyo malakas na tawa sa kabilang mesa. Napatingin tuloy ulit si Wonwoo. Yung matangkad na lalaki ulit. May sinabi kasi yata ang singkit na katabi, pero hindi narinig ni Wonwoo. Nakita rin niya na natawa sina Jun, kaya baka nga nakakatawa.

Tumigil din siya sa pagtingin at tumingin sa harapan.

Ah. Gets niya na bakit natatawa.

Lumapit kasi si Kwannie kay Seungcheol para iabot ang isang envelope. Kita ang pamumula ng mukha nito habang binubuksan nang patago ang laman. Buti na lang at tapos na niyang ibigay kay Seungcheol ang hawak kanina.

Ang laman kasi non ay mga pictures ni Jeonghan.

Anong pictures?

Wala na rin siyang balak alamin.

 

Maya-maya, tumayo si Wonwoo para kumuha ng tubig at kailangan niyang daanan ang mesa ng kabilang grupo. Sa pagdaan niya, bahagyang umusog ang lalaki para bigyan siya ng space.

Hindi sila nag-usap, napansin lang siguro nito na dadaan siya. 

Wonwoo continued walking.



⋆ 💐 ݁˖



Ito na ang kinatatakutan ni Wonwoo…

Tapos na kasi ang cake and wine toast kaya—

“Bouquet na!!!” sigaw ni Seungkwan sa table nila.

“Yes! You are right, our energetic and beautiful Boo Seungkwan! It’s time for one of our favorite wedding traditions!”

Narinig niya pa ang tilian ng iba. Sabagay, marami rin kasi talagang may itsura sa mga bisita, kaya ganon na lang ang kilig ng iilan.

Naisip tuloy ni Wonwoo na tumakas at mag-CR muna…

Pero hawak ni Joshua ang braso niya.

Damn it.

 

“Again, may I call all the single individuals to please come gather right here on the dance floor. Huwag na mahiya, tara na dito!”

 

Akala niya makakatakas na siya kasi wala namang ginagawa ang mga kasama niya maliban sa paghawak ni Josh sa braso niya, but he’s wrong.

Very, very wrong.

 

“Here! We have one more here!”

 

Tangina.


Sa lakas ng sigaw ni Kyeom, napatingin ang lahat sa direksyon nila. Wonwoo felt all the heat rush to his face. 

Napatampal na lang siya sa noo nang pilit siyang pinatayo ni Joshua habang umikot pa si Seungkwan papunta sa direksyon niya para tulungan siyang patayuin.

Kahit hindi nakikita, naririnig ni Wonwoo ang tawanan at hiyawan ng mga kakilala. Fuck. Nakakahiya.

“Joshuaaaa, ayaw,” sabi pa niya habang naglalakad sila papunta sa harap.

“Come on! Just stand there. It will be funny!”

“Exactly why I’m not catching a bouquet.”

Tinawanan lang siya ng mga ito. He even saw Seungcheol giggling up front while Jeonghan was hiding his face in his lover's arm. 

He wanted to protest more.

But it was too late.

Far too late.

He’s already part of the crowd.

As usual, Wonwoo stood at the back silently. Safe naman sa likod, right?

 

“All right, let’s get everyone lined up. Wala pong magtutulakan, ah? Arms’ length apart!”

 

Hindi sinunod ni Wonwoo kahit nakataas na lang ang lahat ng kamay ng kasama. Narinig niya tuloy ang tawanan ng iilan, kaya mas lalo siyang bumusangot.

 

“On the count of three, Mr. Yoon-Choi. Is everyone ready na po?”

 

Hindi naman aabot sa kinatatayuan niya, ’no?

 

“One…”

 

He was so sure that Jeonghan would toss it lightly.

 

“Two…”

 

Wala namang masyadong lakas ang kaibigan niya.

 

“Three!”

 

PUTANGINA.

 

Hindi rin niya alam kung ano ang nangyari. Baka reflex... O baka naman malas lang talaga siya.

Siguro gusto ng universe na sirain ang tahimik niyang buhay.

Tangina, bakit nasa kamay niya ang bouquet!

 

“WONWOO!”

“WONNIE OMGGG!”

“OH MY GOD!”

“HAHAHAHA!”

“HE CAUGHT IT!”

 

Tuluyan na lang siyang napapikit habang sobrang lakas na ng tawanan at palakpakan na umalingawngaw sa buong hall.

Muling tumingin si Wonwoo sa hawak niya.

Hawak niya ang bulaklak.

Maraming bulaklak.

Ito yung muntik na tumama sa ulo niya kung hindi niya iaangat ang kamay kanina. Sakto, eh. Parang nananadya. Parang dinasalan ng mga kaibigan.

Edi sana inabot na lang ni Jeonghan sa kanya, ’di ba?

Pinagmasdan niya lang ito.

Tulad kanina, maganda pa rin ang ayos. 

Ayan. Nahawakan mo na. Sabi tuloy ng isip niya.

 

Nakita niya ang paglapit ng mga kaibigan. Nakangiti pa talaga nang malaki si Jeonghan, ang papansin na naghagis. “Maybe it’s really meant for you, Wonungie.”

“Fuck you,” bulong niya rito at pabirong inirapan. 

Mas lalo lang tumawa ang mga tao. Pati nga ang ibang mga kaibigan nila, nagtatawanan din. Masaya lahat habang siya? nagdurusa.

At sa gitna ng lahat ng 'yon, hindi niya alam kung bakit, pero napatingin siya sa isang direksyon.

Yung matangkad na lalaki. Nakatingin ngayon sa kaniya… at nakangiti. Huh? Sumali rin pala ito sa laro.

So, he’s single too…

Nang may ibinulong ang kaibigang singkit at mukhang hamster, natawa pa ito. 

So, being the pretty guy that he is... Wonwoo raised an eyebrow, kaya agad na natigilan ang lalaki.

The guy smiled and mouthed, Sorry.

Wonwoo sighed and looked somewhere else.



Bumalik na ang atensyon ng mga tao sa programa. Umupo na muli ang magkakaibigan sa mesa. Hindi naman fixed ang mga upuan, only the tables, kaya katalikuran niya muli ang kinaiinisang lalaki.

Iniisip na lang ni Wonwoo na malapit nang magtapos ang event. Tiis-tiis na lang. 

Hindi naman siya galit. Natatawa na lang din siya, pero ayaw niya itong ipakita sa mga kaibigan.

Pagkabalik ng lalaki sa mesa, nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya.

“You laughed,” mahinang sabi niya rito. Hindi naman napansin ng mga kaibigan dahil abala ang mga ito, lalo na si Joshua na umalis para puntahan ang kaibigang si Jeonghan.

“Did I?”

“Yes.”

“Oh? Sorry.”

“You’re not.”

“..Not really.” bahagya pang ngumiti nang maloko ang lalaki.

Nakakainis talaga!

Ito na ba ’yung “You are so gorgeous it makes me so mad” ni mareng Taylor Swift?

Mas pogi kasi ito sa malapitan. Mas nakakainis.

Nawala siya sa iniisip nang magsalita ulit ang lalaki. 

“Congratulations.”

Wonwoo stared at him before looking at the bouquet. “Thanks, I guess?”

“Hindi mo ba gusto?”

“Not really.”

“Then, why did you catch it?”

“Hindi ko naman sinadya.”

“Sure...”

“You don’t believe me?”

“Uhh, no. Not really.”

“Shut up nga.”

Tumawa na naman ito. Kitang-kita na naman ni Wonwoo ang pangil ng lalaki. He looks like a puppy?

Wonwoo narrowed his eyes. “What’s your name?”

“Mingyu. Kim Mingyu, and you are?”

“Wonwoo. Jeon Wonwoo.”

“Nice to meet you, Wonwoo.”

“I hope I can say the same, no?”

Narining niya muli ang tawa ng lalaki. Magsasalita sana ito nang tawagin na naman ang atensyon nilang lahat.

“Okay! Ladies and Gentlemen! We have another game before we proceed with the dance of our newlyweds.”

Pareho silang napatingin dito.

“May I call Mr. Jeon Wonwoo here on stage?”

Huh? Hindi pa ba tapos?

Kahit nagulat, naglakad pa rin siya papunta rito.

He saw the smirks on Jeonghan and Joshua’s faces, while Seungkwan, Seokmin, and Hansol were laughing. 

 

“Instead of tossing a garter, we have these ribbons attached to our wonderful bouquet. Now, can I ask all the single individuals once again to go in front and maybe… maybe! have a future with Mr. Jeon Wonwoo?”

 

What the fuck.

 

Naghiyawan muli ang mga tao. Hindi nauubusan ng energy kahit mag-aalas-otso na ng gabi. Kilala rin kasi nila ang lalaki kahit tahimik ito. Mabait naman siya kapag kausap, mahiyain lang talaga. Bago rin sa mga tao na makita ito ngayon sa iba't ibang expression.

Wonwoo just sighed and accepted his fate. He even saw the people na kasama niya kanina sa crowd coming toward his direction. Buti na lang talaga at napigilan niya ang sarili na magdabog when Seungcheol gave him tons of ribbons na nakabulatlat ngayon at maayos na hawak. Nang mahawakan na niya ang mga ito, isa-isa na itong kinuha ng mga tao.

Hindi na sana papansinin ni Wonwoo kasi wala naman siyang pakialam at hinihintay na lang matapos ang game when he saw the tall guy moving as well.

Wait, what?

He's also joining?! 

Nang maglakad si Mingyu papunta sa mga kasali, halos hindi na makahinga si Wonwoo. Like him, nakita niyang mukha rin itong bored at walang pakialam sa mga nangyayari. Which explains why he's the last one who picked a ribbon—the tiny white ribbon left near his feet.

Mingyu noticed him looking, so he mouthed a little hi.

Wonwoo raised his eyebrows, asking, What?

Ngumiti lang ang lalaki at umiling, which means nothing.

 

“Now! Here's the scissors, Wonwoo. You can now cut some of those ribbons. Whoever gets to survive with the last one, they’re the one destined for you!”

 

Kung kanina, wala siyang pakialam.

Now, he doesn’t know why cutting those white ribbons makes him feel a bit nervous.

Natatawa na lang siya kapag nagsisigawan pa ang iilan kapag OA ang reaction ng natatalo.

Well, it’s just a game. Wonwoo's sure that nothing will happen after this.

 

Nang lima na lang ang natitira sa kamay niya, hindi na siya nag-angat ng tingin.

Kinakabahan na ulit siya. Fuuuuck.

 

3… cut.

 

And now, two.

 

Wonwoo could almost hear his own heartbeat. Niyuyugyog na rin siya ng mga kaibigan na nasa gilid na pala niya!

Huminga siya nang malalim.

 

Then, cut.

 

The whole room erupted again.

Wonwoo immediately looked up.

 

Oh.

 

Mingyu…?

 

Mingyu ended up having the last ribbon tied to Wonwoo’s bouquet!

 

“PRE, IKAW NA NGA ANG SUSUNOD!”

“HAHAHAHA! BAGAY NA BAGAY!”

“AYAN, GYU HA! NINONG NA AKO”

“AYIEEE! NEXT MONTH NA AGAD ‘YAN!”

 

Mingyu also looked shocked. Kita niya pa ang bahagyang paglingon nito sa mga kaibigan na nakangiting inaasar siya. Natatawa tuloy itong umiling at tumingin sa mga bisita.

Everyone seems happy… But, why?

Their eyes met. Mingyu then raised his eyebrows at him.

“You.” Nabasa niya ang labi nito.

Hindi siya papatalo, ‘no? Tumaas din ang dalawang kilay ni Wonwoo at kinagat ang labi para pigilan ang ngiti sa mga naiisip.

“You’re smiling.” Bahagya pang umangat ang ulo ng lalaki habang sinasabi ito. Magkalayo pa rin sila, people are still shouting.

Hindi na lang niya ito pinansin at tumingin muli sa emcee na nagsasalita at ini-indulge ang lahat sa pang-aasar.

 

“Ladies and gentlemen! We finally have our winners! May we ask for the attention of Mr. Jeon and Mr. Kim to be with us on stage? Parang bagay, ah… Jeon-Kim.”

Sumabog muli ang asaran sa hall. Napapapikit na lang sa hiya si Wonwoo sa nangyayari.

 

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!"

"DOUBLE WEDDING PALA EH"

 

Sa pagpikit niya, hindi niya namalayang lumapit na pala ang moreno sa kanya.

“Let’s go?”

“Do we have to?”

Mingyu shrugged. “Apparently.”

Wonwoo sighed. “Great, then.”

“Tara na.”

At sa unang pagkakataon ngayong gabi, pareho silang mahinang tumatawa habang naglalakad sa direksyon ng mag-asawa na parehong may malisyosong ngiti.



⋆ 💐 ݁˖



“Closer!”

 

Napatingin si Wonwoo sa emcee. Nagtawanan ulit ang iilan kasi malapit na naman sila. Ano pa bang gustong lapit nito?

Hindi na lang siya nagreklamo kundi medyo lumapit pa sa lalaking natatawa lang sa gilid niya. Naramdaman niya ang braso ng lalaki, kaya sure siyang magkalapit na sila…

 

“Closer pa po!”

 

Tumingin na tuloy siya kay Mingyu, who was smiling while raising his eyebrows. “Closer daw, Won.”

“This is all your fault.” 

“Huh, bakit naman ako?”

“Why did you even join the ribbon game?”

“Of course, I am qualified. Sinadya ko ba ‘yun?”

“Maybe.”

 

“Closer pa po, Mr. Jeon-Kim. Ay! Mr. Jeon and Kim pala.”

Mingyu laughed and just decided to put his arms around Wonwoo. Mas lumakas naman ang tilian ng iilan. 

 

"BAKA KAYO NA, HA! HINDI LANG SINASABI!"

"SOBRANG BAGAY NAMAN!"

"KISSSS! KISS DIN DAW!"

 

The photographer lifted the camera. “1...2...3... Smile!”

Napatingin si Wonwoo sa lens, while Mingyu leaned slightly towards him, arms still around his shoulder.

“Kasalanan mo talaga ’to, eh,” Wonwoo said while gritting his teeth, pretending to smile.

“Huh? Why me nga?”

“I hate this.”

Mingyu thought for a second. “Maybe it’s just destiny?”

Napatingin tuloy si Wonwoo sa katabi.

Kaso mali.

Hindi dapat.

He hadn't realized just how close they already were...

Hindi na nga nila namalayan ang paligid, wala silang ibang iniisip kundi ang sinabi ng lalaki. 

Ang lapit na ng mukha nila sa isa’t isa…

Mingyu’s expression softened, but it immediately changed. Medyo lumayo rin ito. “Oh, wait, that sounded worse than I intended.”

Well… that sounded funny kaya hindi makapaniwalang natawa habang nakayuko si Wonwoo.

At sa sandaling 'yon,  hindi rin nila napansin ang ilang beses na pag-click ng mga camera.



Pagbalik nila sa mga table, may ilang taong hindi na maitago ang mga ngiti nila. Dahil nga magkalapit ang table, halos magpalamon na sa hiya si Wonwoo sa kinatatayuan.

Wonwoo immediately pointed at Seungkwan. “Don’t start.”

“Wala pa nga kaming sinasabi!”

Inirapan niya na lang ang mga natatawang kaibigan at umupo sa isang gilid. Medyo malayo kay Mingyu.

“Okayyy.”

“Good.”

“Pero bagay tal—”

“Hansol?!”

"Type mo naman kasi talaga..."

"STOPPP!" Mas nagtawanan tuloy ang mga ito. Kahit itinatago ng lalaki ang mukha sa pamamagitan ng mga kamay, it's not helping. Kitang-kita ng mga kaibigan ang pulang-pula na tenga ni Wonwoo.

 

Sa kabilang banda, bumalik naman si Mingyu sa mga kaibigan niya. May ilang sinabi pa nga sa kaniya si Seungcheol na sabay hinatid siya sa lamesa.

Tinapik siya nina Jihoon at Hao, habang mahinang ginulo naman ni Soonyoung ang buhok niya. Si Jun naman sa gilid ay tawa lang nang tawa. 

Mingyu just rolled his eyes and said, "Fuck you," pero mas lalo lang siyang tinawanan ng mga kasama. Hindi naman kasi pikon ang lalaki, baka nga kinikilig pa ito

 

Makalipas ang ilang minuto, lumapit muli ang matangkad na lalaki kay Wonwoo na ikinagulat ng mga kaibigan niya. Kasi… bakit? Tapos naman na ang games? Totohanan na ba?

“Sorry… Uh, can I talk to Wonwoo?”

“Huh? For what?”

Pero hindi na ito naging issue kasi mga kaibigan niya na mismo ang sumagot ng oo. Pinatayo pa nga siya ni Seokmin, eh. "Go! Iyo na yan, Kuya!"

Pumunta tuloy sila sa isang gilid at hindi na pinansin ang patagong pagsunod na tingin ng mga kaibigan.

 

 

⋆ 💐 ݁˖

 

 

Simula na ng sayaw ng newlyweds, kaya pinatay na ang ilang ilaw sa ibang directions para mas ma-center ang atmosphere sa mag-asawa.

Kita niya pa ang dalawa sa gitna na emotional na naman habang dahan-dahang umiikot ang bagong kasal sa gitna ng dance floor. Para talaga silang nasa isang disney movie…

Nakatingin lang silang dalawa dito habang nakikinig sa tugtog ng isang pamilyar na kanta.

 

“Something's telling me it might be you
It's telling me it might be you
All of my life…”

 

Napatingin lalo si Wonwoo sa dalawa. Ang cheesy naman. Parang may gustong patunayan ang universe, ah.

Pero kahit ganoon, hindi pa rin niya mapigilang ngumiti habang pinapanood ang dalawang kaibigan. 

Ang ganda lang makita ng pagmamahal. 

 

"So... Uh..."

“What are we gonna talk about?”

“They’re all talking about us...”

“Hayaan mo,” sagot ni Wonwoo. “Wait, are you uncomfortable?”

“Huh? No.” 

Mingyu looked at the bouquet he left earlier at their table

 

“…Wondering how they met
And what makes it last…”

 

“Actually… I should be the one asking you that.”

“What?”

“Cheol told me… that you’re not comfortable with being… touched?”

Napatingin tuloy sa kanya si Wonwoo, still confused about what the taller guy said.

“Yeah. So, I just wanna say sorry… about earlier when we took some photos.”

Akala niya naman kung ano na, “Ah. Wala ‘yon… It’s fine.” Sa totoo lang, hindi niya rin alam kung ano yung naramdaman niya kanina.

But he's sure it wasn't discomfort.

“Really?”

“Yeah. If I don’t like it, I can just punch you.”

Natawa sila sandali sa sinabi ng nakasalamin.

 

Maybe, it's you

I've been waiting for all of my life”

 

“...So you liked it?”

“Huh?”

“You just said it.”

“I didn’t!” Wonwoo looked so defensive answering him that he laughed. May pag-atras pa kasi siyang arte.

“Ang weird mo,” dagdag na saway niya rito.

“I’m not,” nakangiting sagot ni Mingyu. "By the way, the bouquet's beautiful." 

“Yeah… Gusto mo iyo na lang?”

Mingyu’s eyes widened. “No!”

“K.”

 

Hindi na rin naman sila nakapag-usap pagkatapos noon. Tinawag na kasi si Wonwoo ng kaibigan para pumunta sa gitna dahil magpe-perform pa sina Seungkwan at Seokmin.

At 'yon din naman ang gusto ni Wonwoo. Nahihiya kasi siya bigla sa lalaki. Mabait naman pala ito. Akala niya kasi mayabang…

Isa pa! Ayos lang ‘yon. Hindi naman nila kailangan magsama buong gabi dahil lang sa naging partners sila sa huling game at nagtabi sa picture. Tama lang na maghiwalay na sila.

Pumunta si Mingyu sa mga kamag-anak ni Seungcheol at bumalik na rin si Wonwoo sa mesa nila.

Ayos na ’yon.

Dapat ayos na ’yon.

Pero habang tumatagal, nagkataon na minsan ay napapatingin si Wonwoo sa matangkad na lalaki.

At paminsan-minsan, nakatingin din si Mingyu.

Wala namang nangyayaring iba, nagkakatinginan lang talaga. 

Minsan, napapangiti ang isa. 

Minsan naman, umiiwas at bumabalik sa sariling kausap.

It was easy. Wala masyadong pressure.

Ilang minuto lang naman lahat ’yon, pero parang ang tagal-tagal na. Hanggang sa makalipas ang ilang kanta, biglang lumitaw si Mingyu muli sa tabi niya.

 

“Hi.”

Napatingin si Wonwoo. “Uh… Hello.”

“Are you busy?”

“Hindi naman.”

“Okay.”

Tumayo lang si Mingyu sa tabi niya. Hindi rin umalis at parang may hinihintay…? “Anong kailangan mo?” tanong niya sa lalaki.

“Nothing.”

“Then?”

“Am I not allowed to be here?”

Napatingin tuloy si Wonwoo sa space sa tabi niya na ngayon ay may dambuhalang tao nang nakatayo. “If I say no, are you gonna leave?”

“Nope,” sagot ni Mingyu habang nakangiti, may kasama pang iling. Parang bata naman kausap, cute.

Inirapan na lang ng nakasalamin si Mingyu at uminom sa hawak na baso.

Pero hindi talaga siya mapakali, so Wonwoo glanced at him again.

“Hindi ka ba sasayaw sa gitna?”

“Is this you asking me… for a dance?”

“HUH? Ewww.” 

Ewan... 

“Hey! That’s too much. What do you mean ‘ew’?”

“Oh, sorry, I was just curious. You look outgoing, kasi.”

Mingyu looked offended. “Anong connection?”

“Wala naman...”

Napangiti na lang si Wonwoo. Yung parati niyang pinapakita sa mga kaibigan para hindi ito magalit. Inaasar niya lang naman kasi ang lalaki. 

Mukha namang effective kasi doon nagsimula ang tunay na usapan. Pinag-usapan nila sina Seungcheol at Jeonghan, how they became friends, their cute moments. Lahat ay umiikot sa bagong kasal.

Tumingin silang muli sa stage. Nakikipag-picture ulit ang dalawa. “Ang dami na nilang pictures,” pansin ni Wonwoo.

“Of course, it’s their wedding.”

“Yeah.”

“Let them.”

“I’m not complaining.”

“Sounded like it.”

“Hindi, ah!”

“Sure.”

Doon lang umikot ang usapan nila. Hindi malalim, wala ngang sense, pero okay lang. May mga pagkakataong tahimik. May mga pagkakataong biglang may isa sa kanila na magbabanggit ng pagkain, music, fun facts na walang kwenta, mga ganon. Simple lang naman, pero hindi naman boring.

Hanggang sa matapos ang kasal.

 

 

⋆ 💐 ݁˖

 

 

Alas-nuwebe na nang unti-unting maubos ang tao sa venue. Sina Seungcheol at Jeonghan ay umalis na rin kanina. Pupunta na yata sila sa bahay na binili ni Seungcheol last year. Niyakap pa nga sila ni Jeonghan bago umalis. Akala mo nagpapaalam na. Umiyak ba naman.

Unti-unti na ring nagliligpit ang mga staff habang ang ibang bisita ay nagpaalam na sa mga kakilala. Si Wonwoo naman ay naiwan muna sa mesa, hinihintay ang mga kaibigan na matapos sa kani-kanilang kausap. Tinatamad na kasi siyang mag-drive. Napagod din siya sa mga nangyari kanina. Sasabay na lang siya sa isa sa mga ito kasi pareho namang on the way. 

Akala niya, hanggang doon na lang ang lahat.

Isang kasal. Isang bouquet.

Isang lalaking akala niya mayabang, pero hindi naman pala.

“Wonwoo.”

But he's wrong.

Napalingon siya sa likuran kung saan nagmula ang boses. Nakatayo si Mingyu ilang hakbang mula sa kanya, hawak ang phone at susi sa isang kamay habang ang isa naman ay nasa bulsa. 

“Oh... Why?”

“Are you going home already?”

“Uhhh… Yeah? I guess... Bakit?”

Mingyu nodded, then glanced toward the almost-empty hall. Ilang segundo rin itong natahimik at halatang hindi mapakali, kaya naman hindi napigilan ni Wonwoo na ngumiti nang palihim.

Akala niya magpapaalam lang ang lalaki, magpapasalamat, aalis. But again, he's wrong.

“Do you want some coffee?”

Napakunot ang noo ni Wonwoo. “Coffee?”

“Yeah, Coffee.”

“Why?”

Mingyu shrugged. “I was thinking… maybe we could get some?” Napatingin tuloy siya nang matagal sa lalaki.

Anong trip nito? Ayaw niya ba matulog? Gabi na, magkakape pa?

“As in... Ngayon?”

“Yeah. If it’s okay… and you’re not busy.”

Natawa na lang siya nang mahina. Mingyu looked really nervous.

Napaisip tuloy siya, ilang oras pa lang simula nang makilala niya ito. 

But somehow, he didn’t mind.

 

“Sure,” sabi niya habang lumilinga sa paligid, hinahanap ang mga kaibigan. Ite-text niya na lang siguro ang mga ito.

Nang bumalik ang tingin ng nakasalamin, he saw that Mingyu blinked. “S-Sure?” 

Bakit ito nagtataka? Isip niya. “Yeah.” Tumayo na si Wonwoo sa kinauupuan at naghanda na ring lumakad.

“Like… now?” Napakunot ang noo ni Wonwoo nang makitang para na-estatwa na sa harap niya ang lalaki. “Ikaw ang nag-aya.” sabi niya habang pabirong nagtataray.

“I know. I uh... I just didn’t think you’d say yes.”

“Then why did you ask?” Mingyu laughed.

Natigilan si Wonwoo. Tumatawa lang naman ang lalaki, pero bakit parang may kakaiba...

He even noticed the redness in his ears. Kinikilig ba siya? Napangiti si Wonwoo nang hindi niya namamalayan.

 

Ang weird.

Ilang oras pa lang ang nakalipas. Ni hindi niya nga alam na may isang Kim Mingyu sa mundo.

At ngayon, niyayaya na siya ng lalaki na magkape na parang matagal na silang magkakilala.

Wala naman kasi talaga sa plano niya ang pumayag.

Gabi na. Pagod siya. May trabaho pa siya bukas.

He could’ve said no.

But he didn't.

 

“Okay,” sabi ni Mingyu, sabay turo sa labas. “Let’s go?”

Tumango si Wonwoo at susunod na sana, pero biglang may naalala, “Wait lang. I forgot the bouquet." Kaya napahinto rin si Mingyu sa paglalakad.

Napatingin silang dalawa sa mesa kung saan nakapatong pa rin ang mga bulaklak. 

“Ah.” Napakamot tuloy si Mingyu sa sariling batok. “You're gonna keep it?”

“I don't know.”

“Then leave it.”

“But I got them.” 

“Akala ko ba ayaw mo dyan?”

“Hindi ko naman sinabi na ayaw ko.”

Oh, wait. Nagulat din siya sa sariling sagot. Mingyu stared at him for a second before slowly smiling. “Okay. So you like it?”

“Tumahimik ka nga o hindi na ako sasama.”

Tumawa na naman ito, kaya napailing na lang si Wonwoo bago tahimik na kinuha ang bouquet sa mesa. 

 

Simple lang naman ang plano niya kanina: batiin sina Jeonghan, umupo, kumain, at umuwi.

Walang surprises. Walang awkward encounters. Walang bouquet and ribbon cuts.

And definitely, no coffee with a stranger.

But now, he was walking out of the venue with said stranger, bouquet in hand. 

 

Maybe Jeonghan was right.

 

Napatingin si Wonwoo sa bouquet sa kamay niya habang naglalakad. Then at Mingyu. Huminga muli siya nang malalim. Bahala na. Hindi naman siguro masama ang kape, right? ‘Yon ang paulit-ulit na sinasabi ni Wonwoo sa sarili habang sabay silang naglalakad palabas ng venue. 

It's just coffee.

No other meanings.

Pero nang mapatingin siya sa katabi at nakita ang ngiti nito... Hindi niya rin napigilang ngumiti.

 

Tangina. 

 

Hindi naman kasi talaga siya naniniwala sa mga ganon. Sa bouquet toss na ‘yan, sa universe na nagbibigay daw ng signs, at sa idea na kapag nakuha niyo ang mga bagay sa kasal, ibig sabihin may naghihintay na rin na pag-ibig sa inyo sa dulo. That was bullshit. At least, 'yon pa rin ang gustong paniwalaan ni Wonwoo.

But… there’s also nothing wrong with this…

Hindi naman ito pag-ibig.

It’s just coffee. 

 

Pero kung sakaling may mangyari pagkatapos nun... 

Well, problema na 'yon ni future Wonwoo.

 

For now, may bouquet siya sa isang kamay at may Kim Mingyu sa tabi niya.

Maybe, that is enough.

 

 

Notes:

hello! ako si nana. i know, i randomly posted this on twt, but when i saw that people loved the idea/my amats, i knew i had to try! this is my take and i hope you liked it :3

as someone na lumaki na nanonood ng cinema one instead of cartoons, pinangarap ko rin na ganito ang mangyari sa akin kapag malaki na ako. gusto ko na universe mismo ang magsabi sa akin na, “siya na,” pero mukhang malabo, kaya isinulat ko na lang siya. sorry if cringe or may mga mali hehe, will edit this again if i have time!

please listen to “it might be you” by stephen bishop! that gave me the idea of this. tada~! thank you for giving this story a chance!