Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 2 of gifts for my friend
Stats:
Published:
2026-08-18
Words:
1,130
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
8
Bookmarks:
2
Hits:
195

Mama!

Summary:

Jeonghan thought life couldn’t get better than this, him sleeping wrapped in his husband’s arm while their son’s asleep next to their bed. Kung ito ang kapalit ng ilang taong heartbreak nila when they were trying to have child then he thought maybe he could go through it again in every universe knowing he’ll have this eventually.

Notes:

another gift for a friend <3

not beta read.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Mama! Mama!”

Namulat agad ang mga mata ni Jeonghan ng marinig ang matinis na iyak ng anak niya. Normal na gabi sa bahay nila kaya nasanay na rin siya. Medyo bago lang sa kaniya ang pagtawag ng anak, kaya siguro may kaunting kaba tuwing ito ay iiyak.

May isang linggo na rin nang magsimula ito tawagin siyang ‘mama’.

Mama.

It was a surprise, nang unang siyang tawagin nito. Hindi niya napigilan ang mababaw niyang luha habang pinapaulanan ng halik ang kaniyang anak. Hindi rin siya makapaniwala na ang first word nito ay mama dahil alam niyang mas doble ang pagpapractice ni Cheol sa anak niya para lang ang unang bigkasin nito ay dada.

He was so happy that he cooked a feast that night kaya ng maabutan ng asawa ay taking-taka ito sa dami ng pagkain. In his defense, hindi niya napansin na naparami na pala ang luto niya, gusto niya lang talagang magcelebrate.

“Cheol! He called me mama! Channie’s first word is mama!” Salubong niya sa asawa ng gabing ‘yon sabay halik sa pisngi nito.

“Nooo.. dapat dada!” Seungcheol said, faking his disappointment.

“Heh!” sabi niya at dinilaan pa ang asawa.

“Where’s that kid.. kakausapin ko.”

“Hindi mo pwede pagalitan ang anak ko! Hindi niya kasalanang mas love niya ako.”

“Mas love kita.” Seungcheol grinned and left a kiss on his cheeks as well.

“Bola! Palit ka na and let’s eat!” Jeonghan said and playfully pushed his husband away.

Tatayo na dapat si Jeonghan sa kama para patahanin ang anak pero nakita nitong karga na pala ito ng asawa at sinusubukang patahanin.

“Ikaw natutunan mo lang tawagin ang mama siya na ang lagi mong hanap. Mama is asleep oh.” Seungcheol paused and turned his body towards their bed. “Don’t cry na, okay?”

“Mama..” Seungchan sobs went soft and quiet like he was defeated. Para bang tinanggap nalang nito na ang dada niya ang magpapatahan sa kaniya ngayong gabi.

“I know, baby, naiintindihan kita kasi kapag nasa work si dada gusto nalang din niya umuwi agad kay mama.” Kuwento ni Cheol sa anak na parang naiintindihan siya nito.

Gumuhit ang mainit na ngiti sa mukha ni Jeonghan habang nakikinig sa mag-ama niya. Minsan hindi pa rin siya makapaniwala na ito na ang buhay niya ngayon. Matapos ang ilang taong trials nila ni Cheol sa pag-conceive ngayon ay nabigyan na sila ng anak.

Jeonghan sighed quietly, ayaw niya nang isipin. Ang mahalaga nandito na si Seungchan at nangako silang dalawa na gagawin nila ang lahat para mabigyan ito ng komportableng buhay na puno ng pagmamahal mula sa kanila.

“Ma…”

“Hay, ang kulit kulit naman ng baby.” Rinig ni Jeonghan ang mahinang pagtawa ng asawa. “Nakulitan ka rin ba kay dada noong pinapractice nating tawagin si mama? Huwag mo sasabihin na tinuturuan kita sa gabi ha. Alam mo bang tuwang-tuwa siya noong nakaraan tapos ang daming niluto kahit dalawa palang kaming kakain.”

Hindi iyakin si Jeonghan pero mababaw ang luha niya pagdating sa pamilya. He cries at every sweet gesture Cheol makes and he cries at every milestone Seungchan achieves. And, this, the sweet moment unfolding in front of him between his husband and their son is another good reason to shed some tears.

How did I get so lucky?

He was also a little bit surprised about Cheol’s revelation. He really had no idea na tuwing tuwing ang mag-ama lang pala niya ang magkasama ay tinuturuan niya ito. Sa totoo lang, he could see that happening and it was so easy to picture, Seungcheol teaching their son to say mama instead of dada.

“Mama..mama..” he heard Seunchan say, hindi na ito umiiyak, ginagamit nalang ang salita to answer his dada.

“Yes, I agree.” Natatawang sabi ng asawa.

“You’re so obsessed with mama, hm? Anak nga kita.”

“Ma!”

“Mama is the prettiest, hm?”

“Ma!”

“Mama is a good mama, hm?”

“Ma!”

“Mama is mine.” Then he heard their son whine as if he understood what his dada has said.

“Okay, rude. Don’t disagree, mama is mine first before he became mama.” Seungcheol said.

Jeonghan shook his head as he listened to his husband. Hindi na nagpatalo kahit sa bata.

“Alright, come on finish your milk and sleep so I can cuddle with mama too, okay?” His husband reminded their son. His son didn’t babble ‘mama’ again, Seuncheol must have given him his milk.

He heard him hum a soft lullaby as he sways his body to make their son fall asleep again. Jeonghan badly wanted to take a video of them to keep the memory forever but decided against it, alam naman niyang hindi niya makakalimutan ang mga ganitong ala-ala, may video man o wala.

He closed his eyes and tried to sleep again. Panatag ang loob na maaabot niya lang ang mag-ama niya kung may kailangan man ang dalawa.

Naalimpungatan siya nang gumalaw ng bahagya ang kama at may dumampi sa kaniyang pisngi.

“Hm.. Cheol, sleep.” He slightly opened his eyes to looked at his husband.

“Hi mama.” Bati nito sa kaniya dahilan para mapangiti siya.

“Hi dada.” Jeonghan realized that it’s now his mission to make their son ‘dada’ this time.

“Ang daldal ng anak natin, manang-mana sa’yo.” Ani ni Seungcheol habang natatawa.

Napangiti rin si Jeonghan dahil narinig niya ang mag-ama.

“Wala naman ibang alam sabihin kung hindi mama. You know his making claims on you ayaw niyang sabihin kong akin ka, nagrereklamo.”

“Pati naman sa anak natin babakuran mo ako.” Naiiling na sabi ni Jeonghan.

“Hindi naman,” natatawang sabi ng asawa niya, “Naisip ko kapag lumaki na ‘yan at kaya na makipagtalo sasabihin niya ‘mama ko ‘yan’ tapos ayaw niya ako kikiss sa’yo or hug. Ipagtanggol mo ako ha.” Sumbong ni Seungcheol.

Napahagikgik nalang si Jeonghan habang umiiling. Hindi naman malabong mangyari ‘yon, tatay ba naman si Seungcheol na dakilang clingy laging gusto nasa kaniya lang ang atensyon ni Jeonghan noon.

“Huwag ka tumawa, nakikita ko na future ko. Baka ako pa matulog sa kabilang kuwarto tapos kayo dito. Nakakatakot. The chances are not low, ako ang tatay eh.” Sabi nito at umakto pang natatakot talaga.

“Buti alam mong sa’yo nagmana.” Komento ni Jeonghan.

Umusog siya at sinarado na ang espasyo sa pagitan nil ani Seungcheol. Ginawa niyang unan ang malapad nitong dibdib habang ang dinantay naman ni Seungcheol ang braso niya kay Jeonghan.

“I love you, dada.”

“I love you more, mama, thank you for making me a dada.” Seungcheol said and left a kissed on his husband’s head.

Jeonghan thought life couldn’t get better than this, him sleeping wrapped in his husband’s arm while their son’s asleep next to their bed. Kung ito ang kapalit ng ilang taong heartbreak nila when they were trying to have child then he thought maybe he could go through it again in every universe knowing he’ll have this eventually.

Notes:

thank you for reading!

Series this work belongs to: