Work Text:
“Alam niyo ba kung sasali sa poster making si Choi?” tanong ni Jeonghan sa mga kaklase.
“Mang-inis nanaman ‘to,” sabi ng isa sa mga kaklase niya.
“Ayun lang, masama nanaman ako sa paningin niyo.” Biro ni Jeonghan.
Pero ang totoo niya, nagtataka talaga siya sa mga kaklase niya kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya. Sabagay naman kasi, hindi nila alam ang totoong dahilan ni Jeonghan. He smiled mischievously, at syempre napansin nanaman ‘yon ng mga kaklase niya at napagbintangang may pinaplano.
Bahala kayo.
May gusto lang linawin si Jeonghan, kapag sumasali siya sa mga contest o kaya naman sumasagot sa klase wala naman siyang kalokohan na naiisip. Gusto niya lang talaga sumali o simpleng alam lang talaga niya ang sagot, hindi niya gusto kalabanin si Choi.
Wala siyang gustong patunayan dito. Well, mayroon pero basta hindi ganon!
“Bakit ka nanaman ba kasi sumali?” tanong ni Joshua sa kaniya habang natatawa.
“Eh sumali kasi siya.” Ayon naman kasi talaga ang dahilan.
“Loko-loko kaya bad trip nanaman ‘yon, ikaw nanaman ang first place.” He actually felt bad about that pero hindi naman kasi niya kasalanan na ang gawa niya ang napili sa first place, partida hindi niya natapos. Lahat ng sumali hindi natapos kahit si Choi, paano ba naman sino bang hilo ang magbibigay ng duration na 30 minutes sa on-the-spot poster making.
Pero second place naman si Choi, pareho silang may medal at magkatabi sila kanina sa picture. Nagkadikit mga balikat nila tapos nung pababa nagtama ang mga kamay nila. Tinanong pa nga niya sa facilitator kung ipatatarpaulin ba ‘yung picture kasi willing siyang siya nalang ang magbayad.
“Ipapaskil nga daw bukas ‘yung tarpaulin namin sa harap ng English dept. picturan mo ko doon bukas para may pang myday ako.”
Naiiling nalang si Joshua sa mga kalokohan ng kaibigan, “Lakas mo mang-asar.”
“Anong asar? Gusto ko lang naman talaga i-myday.” Giit ni Jeonghan. Gusto lang naman talaga niya i-myday picture nila ni Choi, i-crop niya yung iba. Dedma sa kanila.
“Alam kung nagpapa-cute ka sa kaniya ako na magsasabi sa’yo, it’s not working. If anything, baka gusto ka lang niyang kurutin.” Joshua said.
Ouch.
“Bakit ba kasi naiinis siya sa akin, ako na nga ‘tong nag-eeffort maging kami.”
Nagulat pa si Jeonghan nang mapatawa nang malakas ang kaibigan, “Tangina, wait lang.” sabi nito habang tumatawa pa rin at nakahawak na sa tiyan.
Gago ‘to.
“Pfft—Okay, wooh, Ano ba Jeonghan Yoon? Matalino ka naman, ano lang medyo bobo ka lang sa social cues.” Natatawa nitong sabi. “Hindi pala medyo, sobra pala.” Paglilinaw pa niya.
“Hoy Joshua Hong, huwag mo ko ginagamitan ng big words! Mind you, 1st place ako sa Batang Math-inik last month, 2nd place sa Science Quiz bee nung nakaraang taon, 1st place ulit sa General Information Quiz Bee!”
“Jeong—” sinubukan pa siyang pigilan ni Joshua pero nagpatuloy lang siya
“Grand winner ng tawag ng tanghalan sa buong division natin, at kaka-first place ko lang sa On-The-Spot Poster Making kanina partida hindi ko pa natapos ‘yon.” Jeonghan’s not one to brag about these things, he just wanted to make a point to his so-called best friend, na tingin sa kaniya ay bobo.
“Pucha, yabang talaga.” Rinig niya mula sa isang pamilyar na boses sa likuran niya. Kaya agad siyang napatingin sa likod at syempre hindi siya nagkamali, never pa siya nagkamali kay Choi.
“Hi Choi! Nandiyan ka pala.” Masayang bati niya dito pero nilagpasan lang siya.
Sungit pero ang cute niya, hay tangina, ang pogi pa, ang bango, ang sara—
“See, I told you. Kahit ilang panalo mo bonak ka pa rin sa social cues kaya hanggang ngayon zero points ka sa kaniya.” Joshua pointed out. Pinamukha pa talaga sa kaniyang wala siyang pag-asa.
Hindi naman niya kasi maintindihan talaga si Choi, ano ba kasing gusto niya? Lahat naman na ng pagpapapansin nagawa na ni Jeonghan, ‘yong mga pagsali na nga lang sa contest ang huling bala niya, tangina, wala pa rin.
Hirap.
“Joshua, kaawaan mo ako! Tulungan mo ako. Paano mo napasagot si Wonwoo?”
“Hoy! Linawin ko lang, ako ang niligawan. Ako ang sumagot, ako ang nagbigay ng matamis na oo, ako ang—” pinutol na siya ni Jeonghan, “Oo na tangina, ikaw na! Paano nga?”
“Kung ako sa’yo hindi na ako sasali sa mga contest na sinasalihan niya.”
“Luh.. doon nga lang kami nakakapag-baby time.” Sabi niya at ngumuso pa kaya hindi na napigilan ni Joshua na hampasin siya nang marahan sa ulo.
“Hindi ko na alam gagawin sa’yo Jeonghan. Ito lang ha, ikaw sumasali ka doon para magpapansin sa kaniya. Siya gusto niya manalo and okay, hindi mo kasalanan na naturally gifted ka sa mga ganiyan kahit hindi kapani-paniwala pero you’re taking his chances on winning from those contests. Kahit ako mabubwiset sa’yo.”
Oh.
Oh.
“Gets mo na?”
“Tangina, bakit hindi mo ako pinigilan?” sabi niya at humawak sa balikat ng kaibigan at inalog-alog ito.
“Gaga ka, we’ve been telling you huwag ka sumali. Ikaw ang makulit gusto mo pa tabi pangalan niyo ni Choi sa registrations. Honestly, divine intervention na ang kailangan mo for the damage you’ve done.” Depensa ni Joshua.
Hanggang dismissal, palabas ng gate, at habang naglalakad siya sa likod ng kaibigan at ng boyfriend nito walang ibang ginawa si Jeonghan kung hindi mag-reflect sa mga nagawa niyang katangahan. Ngayon niya lang naintindihan kung bakit lagi siyang pinagsasabihan ng mga kaklase na huwag ng inisin si Choi, akala niya naman kasi binibiro lang siya ng mga ‘to.
Gusto niya rin maiyak kasi tama naman si Joshua baka nga divine intervention nalang ang makakatulong sa kaniya para matama lahat ng nagawa niya. Magsisimba siya sa linggo, he decided.
Nang pumasok ang sumunod na linggo pagkatapos niyang tumawag ng divine intervention. He decided na he’s a new person. Jeonghan version 2.0. Wiser, Braver, Stronger, Bolder, Fiercer.
At Jeonghan na hindi na sasali sa mga contests na sinasalihan ni Choi para lang magpapansin.
Kumbaga magpapaka Athena Dizon nalang siya at ichi-cheer ang kaniyang sexy love pero from a distance. And yes, didistansiya muna siya dahil ayun ang bilin ni Joshua. He also finally learned how to listen to his friend.
Lumipas ang mga linggo, marami na rin ang nagtatanong sa kaniya kung bakit wala na siyang sinasalihang mga contests, he never gave answers to anyone all he does is give them the sweetest smile. Mala-Karylle ganun.
Ganyan dapat, pa-sweet lang para maramdaman nilang nagbabago na ako.
Pero dahil nga hindi siya nasali sa mga contests, madalang na rin niyang nakikita si Choi, dapat kasi nag-exam rin siya para sa science section, magkaklase sana sila ngayon.
Napabuntong hininga nalang si Jeonghan, miss niya si Choi.
“Anong drama ‘yan?” Nasa canteen sila ngayon nang mapansin ni Joshua na kanina pa siya bumubuntong hininga.
“Malungkot ako Joshua, huwag ngayon.”
“Huwag mo dibdibin masyado, wala ka naman no’n”
“Gago. Nangungulila ako okay. Hindi ako makahinga.”
“OA mo.. ay ‘te ayon siya .. wait hala parang lalapit siya dito.”
“Parang tanga naman ‘to eh,” sabi ni Jeonghan at tinago ang mukha sa braso, alam naman niyang hindi ‘yon totoo pero wala talaga siya sa mood makipag-asaran ngayon dahil alam niyang talo siya.
“Jeonghan Yoon.” Tawag sa kaniya nito.
“Joshua, ano ba.”
“Gaga, hindi ako ang tumawag sa’yo. Dumilat ka diyan, friend, baka magsisi ka kung hindi.”
“Ayoko na dumilat! Kill me now, Joshua.” Sabi niya at nagpeke pa ng iyak.
“Gagi bahala ka..”
“Didilat lang ako pag si Choi na nagsabi, in other words, manigas nalang ako dito.” Pagdadrama pa nito.
“Jeonghan Yoon, dumilat ka d’yan.”
Sobrang pangungulila ko ba ‘to at naririnig ko si Choi o ang gago kong kaibigan kaya nang gayahin ang boses niya?
“Bwiset ka, ginagaya mo pa ang boses ni Choi.”
“Hala baliw ka na ‘te. Pasok na ako next class bahala ka na diyan.”
“Yes go! Leave me here to die from my misery.” Sabi niya at kahit naramdaman talaga niyang umalis si Joshua at hindi pa rin siya kumilos. Mag-c-cutting nalang siya. Bahala na.
Tahimik na siyang nag-iisip habang nakatago pa rin ang mukha sa braso nang may tumabi sa kaniya.
Luh, wala na bang ibang upuan dito?
“Jeonghan, kapag hindi ka pa umayos ng upo diyan maiinis na talaga ako.” Agad na napaangat ng ulo si Jeonghan at ang unang nakita niya ang nakalukot na mukha ni Choi.
“Patay na ba ako?” tanong ni Jeonghan.
“Ano?” napailing nalang si Choi, “Umayos ka. May tanong ako.”
“Lord, nasa langit na ata talaga ako.” Sabi niya sabay sampal sa sarili, “Aray!”
“Shet, bakit nasasaktan pa ako? Purgatoryo pa ba ‘to?”
“Jeonghan Yoon, hindi na ako nakikipagbiruan. Umayos ka o aalis na ako.” Pagbabanta ni Choi.
“So, hindi ‘to panaginip? Wala ako sa langit? Buhay pa ako? Kinakausap mo talaga ako ngayon?” paninigurado ni Jeonghan.
Napa-irap nalang si Choi, “May tanong ako,”
“Ask away, mah—Choi” muntik na.
“Bakit hindi ka na sumasali sa mga contests?”
Madalang mahiya si Jeonghan at siguro nga tama rin ang kaibigan niya, he doesn’t pay attention sa social cues kaya madalas ginagawa niya kung ano gusto niya, nasasabi niya kung ano nasa isip niya. Pero ngayon na nasa harap niya si Choi, nakatingin sa kaniya ng diretso na parang hinihimay ang buong pagkatao niya ay hindi niya magawang magsalita.
Dalawa lang naman ang option niya, ang umamin o gumawa ng ibang kuwento. Even then, he can’t make up a story kasi nabablanko ang utak niya sa sobrang lapit ni Choi. The last time they were so close like this was when they received the award for the winners of Poster Making.
“Crush kasi kita.” Bigla nalang niyang nasabi kaya mabilis niya ring tinakpan ang bibig.
Tangina, ano bang bibig ‘to may sariling utak.
“Anong connect? Pero anyway, huwag mo nga ako lokohin.” Pag-iwas ni Choi.
“H-hindi.. totoo lang.” Jeonghan sighed, mukha wala na siyang magagawa kung hindi umamin kay Choi. Hindi niya rin gets bakit gusto pa nito malaman kung bakit hindi na siya sumasali.
“Sabi kasi ni Joshua, kaya ka raw inis sa akin dahil lagi kita natatalo.”
Choi snickered, kita sa mukha nitong na-offend siya.
Tangina. Jeonghan’s really fucking this up. Kailangan niya ng moral support bakit ba hindi nalang sila nag-pm sa messenger tapos isasali niya si Joshua para magtama sa mga sinasabi niya.
“Wait lang, wait lang huwag ka muna mainis. Hindi ko lang alam ‘yung mga right words, hindi ako magaling sa confrontation.” Depensa ni Jeonghan.
Natahimik sila pareho.
Ay, nakatulog. Joke! Jeonghan, this isn’t the right time para magbiro!
“Why are you smiling? Pinagtitripan mo lang ata ako eh.”
Napalunok nalang si Jeonghan, bahala na.
“Hindi talaga, Choi. Ito na talaga,” he paused and tried to find the right words in his head, “Crush nga kita, like since grade 8 kasi naalala mo yung rubiks compet noon, ikaw yung pinakamabilis. Sobrang pogi mo noon sa paningin ko, hanggang ngayon naman… Tapos na-inspire mo kasi ako tsaka naisip ko what better way to get closer to you than to join the contests na sinasalihan mo rin. Hindi ko alam kung napapansin mo pero laging magkatabi ang pangalan natin sa registration para tabi rin tayo sa contest room.” Hindi na siya makatingin kay Choi at this point.
“Okay,” Choi acknowledged yet confused, hindi pa rin nasasagot ni Jeonghan ang tanong niya. Tsk.
“Tapos ayun… recently ko lang nalaman na naiinis ka na pala sa akin kasi I kept winning those contests. Hindi ako nagyayabang, promise! Ano.. ano lang, actually hindi ko na alam paano magpapaliwanag basta hindi na ako sumasali kasi alam kong naiinis ka na sa akin.”
Mas lalo atang nainis si Choi sa sagot niya dahil nakita niya ang pagkunot ng noo nito.
“Ang babaw naman pala ng tingin mo sa akin. Akala ko ba crush mo ako?”
Jeonghan gasped, “Kuwestiyunin mo na lahat ‘wag lang ‘yan.”
“Tsk. Hindi ako naiinis dahil nananalo ka. If anything, I feel more challenged. Naiinis lang ako dahil clearly you were not taking those contests and awards seriously. Lagi kang huli pumapasok sa contest room tapos unprepared, nanghihiram ka lang ng pencil at paper sa loob, ang ingay mo pa. You always have a comment on everything. Doon sa poster making, pinatakbo mo pa si Joshua sa labas para mabili ka ng illustration board at nagpadala ka lang ng oil pastel sa kaklase mo. It annoyed me knowing na I always prepare for everything and yet, ikaw.. ganon.” Choi said without filter.
Grabe, sana mabiyak nalang ang sahig ng canteen nila at lamunin siya. Tangina, wala na I’m fumbling this bag so bad.
Totoo naman lahat ng sinabi ni Choi, basta nandoon lang naman kasi talaga siya para (in his wise words) makapag-baby time sila. Kahit siya lang naman may alam.
“I can win those contests you know.” Choi said confidently. “But I admit it’s my fault that I don’t win because I let you distract me. Kapag nandoon ka na sa kwarto parang ako yung naaligaga kasi wala ka pang gamit and God knows, ilang beses kita gusto pahiramin ng gamit but every time na aalukin na kita nakahiram ka na sa iba. Kapag nagsimula ka na magcomment about sa mga questionnaires, I can’t help but answer you in my head and even agree with your arguments. Lagi mo akong napapaisip. You occupy my mind kapag nasa iisang kwarto tayo. Doon sa poster making, I wasn’t able to finish mine kasi hinintay ko rin kung madadala ba yung kailangan mo o do I have to take matters into my hand at ibigay nalang sa’yo yung materials ko.” Choi admitted.
Jeonghan has his mouth open unable to form a sentence. Ano ba kasing isasagot sa ganun? Isn’t that an outright confession? Pero kasi baka naman assuming lang siya. Sa dami ng kahihiyang nagawa niya ayaw niya na dagdagan pa so unless-- his thoughts were cut off when Choi started talking again.
“So when you started not join the contest na, akala ko I can finally do it without distraction. Hindi na ako second place ulit. But, I was so wrong. Kasi dahil wala ka sa kwarto, wala rin ang utak ko. Tangina, gusto nga kita puntahan nung unang contest na wala ka para lang tanungin bakit hindi ka sumali, kung okay ka lang ba, kung may nangyari ba, wala ka bang lapis at papel, o ano bang kailangan mo para pumasok ka ulit doon sa kwarto kasi mas lalo akong distracted kapag wala ka. Ni hindi ko nagawang mag-second place. Doon ko lang na-realized that I don’t mind kung lagi akong second place as long as ikaw ang nasa first place.”
Ilang beses sinubukan ni Jeonghan na magsalita pero wala talagang lumalabas sa bibig niya. He’s shocked, tangina tama naman pagkakaintindi niya ‘di ba?
Gago.
“In case, hindi maintindihan ng complicated brain mo ang pinaka simpleng dahilan bakit nagkakaganito ako. I’ll just say it, I like you. Crush rin kita at pwede bang ikaw maging partner ko sa Math Quiz Bee next week.” Choi confessed like it was the easiest thing ever.
Lalo lang siyang naging gwapo sa paningin ni Jeonghan. Shet.
“I do.” He heard Choi laughed and he can’t help but laugh with him because of his ridiculous answer.
Also, iniisip niya kung magpapaligaw pa ba siya kay Choi o sila nalang agad. Maybe, he has to attend a mass on Sunday for answers. Pero ngayon ang focus muna niya ay crush rin siya ni Choi at kailangan niyang ipagkalat ‘yon.
