Chapter Text
“Captain Yoon, ready na—.” A flight attendant was cut off from reporting when she saw Captain Yoon Jeonghan slumped on his seat, staring at his phone screen.
“Captain …” Jeon Wonwoo, his co-pilot, called out to urge their Captain for the pre-departure announcement.
“Putangina boss Jeonghan!!!” Tawag ulit nito, making the other shrug in annoyance as he put his headset on properly.
“Mabuhay! Ladies and Gentlemen, good afternoon and welcome aboard SVT Airlines Flight 1713 with a nonstop service from Manila to Tokyo.” Jeonghan started in his very professional voice that made Wonwoo laugh silently beside him.
“This is Captain Yoon speaking and on behalf of First Officer Jeon and the entire flight deck and cabin crew, it is an absolute pleasure to have you on board …” Jeonghan continued and finished up the speech.
Pre-flight checks were done and they were ready for take off.
They were already 35,000 feet high when Jeonghan and Wonwoo put it on Auto-Pilot. Wonwoo finally relaxed when he turned to his side to check on his best friend.
“Tanginang mukha yan bossing. Ano ba kasing nangyari?” Wonwoo asked, poking the other on his arm.
Tumingin si Jeonghan sa bestfriend niya ng ilang segundo sabay slide sa kinauupuan.
“Hoyyy!!! Napakagago talaga Jeonghan!!!” Napatawang sabi ni Wonwoo sa kaibigan. “Sabihin mo na kasi pucha naman kaninang umaga pa kita tinatanong pero naging busy tayo para sa flight natin ngayon. Ano na???? May mahihintay pa ba kong chismis?” Tanong niya.
“Alam mo ikaw at yang jowa mo, parehong napakachismoso!! Meant to be talaga kayo ni Gyu hayop na yan.” saad ni Jeonghan na hindi alam kung matatawa o maiinis sa kaibigan.
“Sasabihin mo na or tatayo na ko dito at makapagkape na muna ko. Ayaw pa kasing ishare parang others naman masyado.” Dirediretsong sabi ni Wonwoo.
“Ehhhhhhh …” Jeonghan whined.
“Gago di yan effective sakin baka mabato pa kita, namo ka Yoon Jeonghan.” Pagbabanta ni Wonwoo.
“Kasi pag sinabi ko nakakawala ng angas ehhhhh.” Jeonghan whined once again.
“Ahy langya alam ko na. Tungkol yan kay Cheo no?” Jeonghan raised a brow.
“Inamo, chismoso!”
— Flashback 3 days ago —
It was a random Tuesday, kakalapag lang ng eroplano ni Jeonghan at Wonwoo since pareho na naman sila ng hinandle na flight at napagusapan ng dalawa na diretso na sila sa Coffee Shop ng jowa nila.
It was only 10 in the morning at may dalawang Kawasaki Ninja na nagpark sa harap ng coffee shop nila Seungcheol at Mingyu, isang black and red at isang black and green at alam na agad nila kung sino ang mga ito.
Well, it’s their boyfriends. The two just rolled their eyes when they noticed their customers were staring … a bit too much.
“Nagpapapogi na naman tong dalawang to.” Chan said with a facepalm. Si Chan ay isang Pastry Chef ng magchildhood friend na sina Seungcheol at Mingyu. He’s one of their juniors nung College and since business partners ang magchildhood friend, napagkasunduan na agad nilang kunin si Chan sa Coffee Shop nila.
Pinanuod ng tatlo behind the counter ang pagpasok ng dalawang nakaoff duty na piloto. Pareho pa silang naka black leather jacket at sabay na sabay sa pagngiti pagkakita ng mga nobyo nila. Lumapit ang dalawa sa counter.
“Hi! Isang Iced Venti Americano at isang Choi Seungcheol to go please?” Jeonghan leaned to the counter and kissed his lover’s cheek na ikinamula ni Seungcheol.
“Hi mahal. Pwede ka bang itakas kahit mga 3 to 4 hours lang? Date lang tayo before ako matulog at magprepare ng next flight oh.” Wonwoo greeted Mingyu on the other hand. He held his lover’s hand and gave it a kiss.
“In front of my coffee?????” Chan pretended to cough so hard, making the other employees laugh.
“Chan, ikaw na muna bahala. Date lang kami ng baby ko.” Sagot ni Mingyu na agad tinanggal ang apron nito, kinuha lang ang cellphone at wallet sabay sama agad sa jowa.
“Ahy napaka—” Naputol ang sasabihin ni Chan ng biglang nagtanggal din ng apron si Seungcheol.
“Hehehe. Chan bebe, ikaw na muna bahala.”
“Oo na!! Oo na!! Ako na muna magbabantay dito. Humayo kayo’t lumandi. Buti na lang at nandito ako. Pano pa kaya kung wala eh di broke na tong Coffee Shop niyo…” magkakasunod na sabi ni Chan habang siya ang nagtake over sa cashier.
As usual, si Jeonghan ang naglagay ng helmet ni Seungcheol at isinuot na rin sa kanya ang gamit niyang leather jacket kanina. Naiwang naka white shirt lang si Jeonghan habang sinusuot niya rin ang kanyang helmet.
“Goods ka na baby?” Tanong ni Jeonghan.
“Mn. Are we going somewhere ba Han? You look so pagod eh so let’s go home straight na lang tas order tayo food so you can rest.” Seungcheol said that made the other smile.
“Obvious ba masyado baby?”
“Hmm … Tsaka kahit di obvious, you connected my email sa makakareceive ng schedule mo so I know magkakasunod mga flights niyo ni Won. Mas gusto kong mag stay na lang sa place natin, please?”
“Guess, I’ll resched na lang yung lunch date natin sa XXXX Restaurant?”
“Yes please. Resched mo sa part na maluwag luwag na yung work sched mo, okay?”
“Noted on that boss madam. Uwi na tayo then think of whatever food you’re craving na para maorder natin agad pagbaba.”
“Okay!! I want chicken wings na tas dagdag na lang ako ng makita ko later.”
“Chicken na naman baby? Di ka pa ba magkakapakpak niyan?” Jeonghan asked as he earned a playful slap on his arm.
The two arrived in their condominium sa 17th floor at pagpasok na pagpasok ni Jeonghan, ang unang nakita niya ay dalawang set ng bouquet of red roses. Napataas ang kilay nito habang pabalik balik ang tingin niya sa mga bouquets at sa nobyo.
“Baby …” he called out.
“Yessss?” Seungcheol asked while changing into his comfy clothes.
“Kanino galing tong mga bouquet?” Jeonghan asked acting nonchalantly, like it’s not bothering who fuckin gave these bouquets to his lover.
“Ah that … kasi may nagdeliver ng mga yan for the past two days. Secret admirer daw. Ayoko naman sanang tanggapin kaso pinadeliver sa mismong flower shop eh ung nagdedeliver naman mapapagalitan kung di niya nadeliver daw. I was going to leave it sa coffee shop na lang din sana kaso may ongoing theme yung shop right no—” Seungcheol was cut off ng nakita niyang nagtaas ng kilay si Jeonghan.
“Wait wait … I think I’m just so tired or nabibingi na or nagseselective hearing na ko pero ano yung sinabi mo baby? Secret admirer? Secret admirer nino?” Jeonghan asked.
Seungcheol bit his lower lip. “Uhm … me?”
“Putangina …” Napamura na lang si Jeonghan sa narinig at nagstart umandar ang utak nitong patulog na kanina. Secret admirer … pano niya papatigilin or sasabihan kung di nga niya alam kung sino. Hindi din naman kasalanan ng nobyo niya dahil naawa lang din naman ito sa nagdedeliver at di rin nito maiwan sa shop …
‘Bakit ba kasi napakaganda mo mahal? Di ba pwedeng itago na lang kita dito para walang makakita sayo?’ Jeonghan thought as he shook his head to erase those thoughts.
There’s some silence right when Jeonghan cussed out. Jeonghan was deep in thought while Seungcheol was surprised to hear his lover cuss in that tone na alam niyang medyo may halong galit ito.
“Uhm sorry, love. Sasabihin ko naman talaga sana sayo and nasa Korea ka two days ago tas biglang super busy sa shop nagkasabay, nakalimutan ko sabihin …” Seungcheol explained when suddenly there’s a ring from their intercom.
“Hello Sir Choi, may nagiwan ng package sayo dito sa front desk.”
“Thank you po. Pakipadala na lang po here sa unit namin. Thank you.” Seungcheol replied and in less than 10 minutes, dineliver ng utility staff ang sinasabing package pero pagkarating nito sa harap ni Seungcheol, it was another bouquet of flowers.
“Nasakit ulo ko. Kelangan ko na yatang matulog.” Jeonghan can only swallow whatever he wants to say. There’s this weird feeling na di niya matukoy, kung galit ba? Galit? Pero kanino? Alam niyang hindi naman siya galit sa nobyo niya at hindi rin naman siya galit sa putanginang secret admirer na yan since di lang naman maganda ang jowa niya, super bait din nito. Selos ba? Pero kanino siya magseselos? Hindi niya rin alam. Kulang na nga siya ng tulog at ganto pang naghalo halo na ang nararamdaman niya.
Jeonghan took a shower and changed into his comfy clothes pero di niya magawang humiga sa bed nila ni Seungcheol. Napahilamos siya ng mukha at nagpunta sa gaming room niya sabay higa sa sofa. Pagkahigang pagkahiga niya, di niya namalayang nakatulog na siya agad sa sobrang pagod niya at sa nagpatong patong na pagiisip.
“Love? Naorder ko na po yung chicken.” Masayang balita ni Seungcheol pagkabukas ng kwarto nila pero hindi niya nakita dito ang nobyo. “L-love?” Tawag nito habang chinecheck ang banyo pero wala rin si Jeonghan dito.
Seungcheol ended up checking their guest room pero wala rin si Jeonghan dito, napakagat labi na lang siya dahil gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya parin ito. He knocked at the Gaming Room and slowly opened it and saw the person he was looking for, sleeping so peacefully sa sofa. Hindi na niya ito ginising.
11:30am came and it was almost time for lunch. Saktong naideliver na rin ang chicken na cravings ni Seungcheol along with the fries and burger na sides neto. He prepared the food in the living room since he was hoping na Jeonghan will watch a movie with him while eating lunch lang sana.
He went to check on his lover na super tulog na tulog parin sabay tapik ito sa kamay.
“Love? Kain na po lunch tas kahit balik ka ulit matulog later.”
Light sleeper lang naman si Jeonghan kaya ng marinig niya ang nobyo, pinilit niyang buksan mga mata niya. He stared at his lover for a while and sat up.
‘Biglang may nagiba.’ Yan ang unang naisip ni Seungcheol pagkagising ni Jeonghan. Hindi naimik ang nobyo at parang may malalim na iniisip but he’s doing what he usually does for Seungcheol. He’s attentive as always. Ready para sa tissue, check. Pinaghimay ng chicken, check. Sinusubuan ng fries, check. Nagready ng tubig, check. Kaya hindi rin makareklamo si Seungcheol.
It was a silent lunch pero may nakaplay rin naman na movie pero kahit sino sa kanilang dalawa, walang nakaconcentrate sa panunuod. Si Jeonghan super daming iniisip habang si Seungcheol naman ay binabantayan kung ano ang nangyayari kay Jeonghan.
The situation wasn’t that good between them at gusto sanang makipagusap ni Seungcheol sa nobyo after nito magising sa afternoon nap niya pero nagkanda leche leche ang plano niya nang biglang nakita ang nobyo na biglang nagising, may kausap sa cellphone nito at biglang pumasok sa banyo.
He watched how Jeonghan prepared in less than 5 minutes at heto na ngayon siya, nakaUniform na ng pangpiloto niya. Seungcheol couldn’t help but pout but still made his way infront of Han to fix his necktie.
Jeonghan noticed the pout on Cheol’s face making him swallow down all his worries for now. He lean in close at hinalikan ang nobyo sa labi. Seungcheol automatically wrapped his arms around Jeonghan’s neck while Jeonghan’s arms landed on Seungcheol’s waist, pulling him closer.
“Usap tayo pagbalik mo love. Hmm?” Seungcheol whispered in between kisses.
“Of course baby. Sorry for being all quiet today.” Jeonghan whispered back as the older gave him one last kiss then pulled back.
“Sige go ka na at baka malate ka pa Captain Yoon.” Seungcheol giggled. “See you later, Captain. I love you po.”
Napatawa naman si Jeonghan. “See you later po Boss Madam. I love you din po.”
That sudden schedule for Jeonghan was him getting an unexpected flight to Cebu dahil ang nakaassign na piloto sana dito ay biglang nagkasakit, na ngayon ay nasa hospital nakaadmit. No choice siya dahil pati ang partner niyang si Wonwoo ay napilitan ding tumanggap ng local flight to Siargao.
Di rin naman agad makakarecover ang nagkasakit na piloto kaya ganun na lamang ang pagkabusy ni Jeonghan na sumalo ng ibang flights nito and that was already 3 days ago. Hindi na ulit nakauwi pa si Jeonghan at pinapadalhan na lang muna siya ni Seungcheol ng mga damit niya.
Seungcheol on the other hand was also busy with the coffee shop dahil may naginvite sa kanila na magserve ng coffees and pastries sa isang workshop seminar ng isang company at dahil dun puro kamustahan lang ang laman ng chat nila dahil di rin magtugma schedule nila for a video call or kahit call man lang sana.
At ayun na nga, inabot na ng Friday at heto ngayon, back to original schedule ang mag bestfriend dahil sila talaga ang set sa mga flight nila.
