Adult Content Warning
This work could have adult content. If you continue, you have agreed that you are willing to see such content.
-
Tags
Summary
“Wala kang kailangang baguhin, Won. Mahal kita sa kung sino ka—kahit sa pinakamadilim na bahagi ng buhay mo. Tangina naman, o. ‘Wag mo naman akong itulak palayo.”
“Maghanap ka ng iba, Mingyu. Marami pa diyan, e. ‘Yung kaya mong ipagmalaki…’yung kayang humarap sa pamilya mo nang nakataas ang noo. ‘Yung buo kasi bata ka pa at marami ka pang makikilala. Kasi ako? Sira na ako, e. Marumi, walang silbi, at sagad na. Hanggang dito lang ako kaya ‘wag mong sayangin ‘yang magandang buhay mo sa’kin.”
sa bawat sulok ng ermita, iisa lang ang pangalan ni wonwoo nyx jeon—isang pokpok. isang katotohanang ibinaon na niya sa sariling sistema, isang buhay na tinanggap niyang hindi na kailanman mababago. pero kahit ang isang tulad niyang nabubuhay sa dilim, natututo ring tumingala sa kalangitan. kasalanan bang umasa? kasalanan bang pangarapin na ang isang mingyu atlas kim ay mananatili sa piling ng isang tulad niyang sirang-sira na?
pero gaya nga ng sabi niya: si wonwoo nyx jeon ay galing sa putik, at sa putik din magtatapos. hindi siya kailanman magiging karapat-dapat para kay mingyu atlas kim.
