Post Header
Binigyan namin ang code para sa pagsuri at pagsala sa koleksyon sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ng mga kinakailangang pagbabago! Bilang karagdagan sa ilang mga pagpapabuti na matagal nang kailangan, ang mga pagbabagong ito ay nagpapakilala ng collection tags (mga tag ng koleksyon) — isang bagong paraan upang makahanap ng mga koleksyon na nagtatampok ng mga fandom, mga relasyon, mga trope, at iba pang mga paksa na iyong nais.
Paano gumagana ang mga tag ng koleksyon?
Ang mga may-ari ng koleksyon ay maaari na ngayong gumamit ng hanggang sa 10 tag ng anumang uri (Ano ang iba't ibang uri ng mga tag?) upang ilarawan ang kanilang koleksyon. Ang mga tag ay nakalista sa lagom ng koleksyon, at ang salaan ng koleksyon ay may bagong "Filter by tag" (Salain sa pamamagitan ng tag) na autocomplete na patlang upang matulungan ang mga tagagamit na makahanap ng mga koleksyon na tumutugma sa kanilang mga hilig.
Bagaman posibleng gumamit ng mga bagong tag sa mga koleksyon, lubos naming hinihikayat ang mga may-ari na gumamit ng umiiral nang mga canonical tag o ang kanilang singkahulugan. Ginagawa nitong mas madali para sa mga tagagamit na mahanap ang iyong koleksyon gamit ang autocomplete sa salaan ng koleksyon.
Nagdagdag din kami ng opsyong "Multifandom" na partikular para sa mga koleksyon na nagtatampok ng malawak na uri ng mga fandom. Maaaring piliin ng mga may-ari ng koleksyon ang opsyong ito upang matulungan ang mga tagagamit na makahanap ng mga koleksyon na hindi nakatuon sa isang partikular na fandom, ngunit sa halip ay sa isang tema tulad ng mga fanvid ng mga lumang pelikula o mga hangang-katha na isinulat sa first person POV. Sa tingin namin, magiging kapaki-pakinabang ito para sa mga tagagamit na ang mga fandom ay walang sariling mga prompt meme o pagpapalitan ng handog, ngunit gustong makahanap ng mga hamon na maaari nilang salihan.
Pakitandaan na habang hinihikayat namin ang mga may-ari ng koleksyon na simulang gamitin ang opsyong "Multifandom" kaagad, may ilan pang pagbabago na kailangan naming gawin bago maging posible na salain ang mga koleksyon batay sa kanilang pagka-multifandom. Babaguhin namin ang paskil na ito kapag maaari nang gamitin ang salaang multifandom.
Paano ang mga kasalukuyang koleksyon?
Kasabay ng kakayahang maglagay ng mga tag sa koleksyon, awtomatiko naming nilagyan ng mga tag ang mga kasalukuyang koleksyon patungkol sa mga fandom ng kanilang mga katha at palatandaan, pati na rin ang anumang mga katha o palatandaan sa kanilang mga sub-koleksyon.
Bilang karagdagan, ang mga koleksyon na may higit sa isang hindi nauugnay na fandom ay awtomatikong minarkahan bilang multifandom. Ginamit namin ang aming sistema ng tag wrangling upang matukoy kung ang mga fandom ay magkakaugnay, tulad ng ginagawa namin kapag nagmamarka ng mga hangang-katha bilang mga crossover. Ang mga koleksyon na may higit sa 10 fandom (ang limitasyon para sa mga tag ng koleksyon) ay minarkahan bilang multifandom ngunit walang anumang mga tag ng fandom na idinagdag.
Ang mga may-ari ng koleksyon ay inaanyahang baguhin ang kanilang koleksyon at baguhin ang anumang impormasyon na awtomatiko naming idinagdag.
Iba pang mga pagbabago
Bilang bahagi ng mga pagbabago sa pagsuri at pagsala, may iba pang kapansin-pansing pagbabago sa mga koleksyon.
- Ang mga sub-koleksyon ay nakalista na ngayon sa pangunahing pahina ng Collections (Mga Koleksyon) at kasama sa mga resulta kapag nagsasala.
- Upang magkaroon ng puwang para sa mga tag ng koleksyon, pinagsama namin ang listahan ng mga may-ari at tagapamahala sa mga lagom, kaparehas ng kung paano sila pinagsama sa profile ng koleksyon. Dahil alam namin na ang pagkakaibang ito ay maaaring mahalaga sa ilang tagagamit, ginawa naming posibleng ihiwalay ang mga may-ari at tagapamahala sa pamamagitan ng paggamit sa selector na
a.owner
(para sa mga may-ari) ata.mod
(para sa mga tagapamahala) sa anyo ng site. (Malalapat ang iyong mga style sa lagom at sa profile ng koleksyon.) - Ang pahina ng Open Challenges (Mga Bukas na Hamon), kabilang ang Open Gift Exchanges (Mga Bukas na Palitan ng Handog) at Open Prompt Memes (Mga Bukas na Prompt Memes) na mga pahina, ay naglilista na ngayon ng mga koleksyon na pinakamaagang magsasara sa itaas ng pahina.
Update 2025-09-28 12:14 UTC: Ang mga opsyon sa pagsala ng multifandom ay naidagdag na ngayon sa salaan!
Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.