Chapter Text
BAEKHYUN IS BUSY fixing all his things. Katatapos niya lang sa isang napakahabang tattoo session ng isa sa mga regular clients niya. Binabalik balikan talaga siya lalo na ng mga kalalakihan, kahit halos wala na nga siyang mapaglagyan sa katawan ng mga ito.
Minsan nao-offend siya kasi lalaki rin naman siya pero bakit ang lalagkit makatingin ng mga ito sa kanya? May isa pa ngang sobrang manyak kasi kung hawak hawakan siya.
Kung hindi lang siya professional ay sinapak niya na 'yon. Oo malamya siyang kumilos pero lalaki talaga siya.
'Weh?'
"Baekhyun, mauna na kami ha. Sa susunod ulit, salamat!" paalam sa kanya ni Suho. Kasama nito ang boyfriend nitong si Sehun na nagpa-tattoo sa kanya ngayon.
"Sige po, kuya. Maraming salamat! Ingat kayo," paalam niya rin at kumaway pa.
Kumaway rin ang dalawa bago lumabas sa shop niya.
Nang lumabas si Jongdae mula sa mini office nila ay tinawag niya ito.
"Bakit?" anito ng makalapit sa kanya.
"Mauna na ako umuwi, kayo na lang magsara mamaya. Ang sakit na ng batok at kamay ko. Uuwi na muna ako. Bukas na lang ulit ako tatanggap ng kliyente," sagot niya saka hinimas pa ang sentido.
"Eh nakadalawa ka pa lang ngayon? Naka-quota ka na ba?" tanong ulit nito.
Actually oo, dahil ang laki magbigay ng tip ni Sehun.
Dati niya pa ito kliyente at talagang galante ito dahil ayon dito, siya lang daw ang nakakakuha ng mga gusto nitong style. Mapatotoong tattoo man o henna lang.
Kanina iyong mahabang session niya, minimalist lang 'yon at sobrang hirap dahil ang boyfriend nito ang nag-design. Pina-tattoo ni Sehun sa likod nito at ingat na ingat siya dahil sobrang arte ng detalye. Hindi lang kamay ang sumakit sa kanya, pati ulo niya.
May hidden message pa kasi iyon.
Ang cliché talaga minsan ng mga mag-jowa pero hindi niya naman masisisi ang mga ito kasi wala naman siya non, sobrang busy siya, eh.
"Bahala na. Mag-OT na lang ako bukas. Baka pumalpak pa 'ko kapag pinilit ko ngayon at delikado ako non," sagot niya saka sinara ang box ng mga gamit niya sa pag-tattoo.
Lumakad siya para ilagay iyon sa loob ng cabinet. Isinalansan niyang maigi at inayos ang iba pang mga ink doon para hindi matapon.
"Sige kami na lang muna ni Kyungsoo rito. Maaga pa naman, alas kwatro pa lang. Madalas ala-sais datingan ng mga bigatin nating client. Ikaw na naman hahanapin ng mga 'yon, for sure." Tatawa tawa si Jongdae habang nag-aayos ng gamit sa lamesa. Alam niya, may kliyente nito maya maya lang.
Humarap siya rito. "Ewan ko ba sa mga lalaking 'yon. Sabing hindi nga ako bakla. Tila mga tanga. Kung hindi ko lang 'to trabaho at kung may iba lang akong alam gawin, matagal ko nang inayawan 'to, eh." Kaso kasi, gusto niya rin ng ginagawa.
He loves hearing compliments from people when he finishes an art on their bodies. It's very fulfilling na hindi niya alam kung mahahanap niya ba sa ibang trabaho kapag nagpalit siya ng career.
"Bading ka."
"Gago!" binato niya ng tissue si Jongdae na nasalo naman nito at tawa nang tawa.
"Umamin ka na kasi. Tayo tayo na lang naman dito. Promise, hindi kita ilalaglag."
"Oo nga Baek, hindi ka namin ilalaglag," singit ni Kyungsoo nang makalabas din ito mula sa mini office.
"Napahayop niyo talaga. Uuwi na nga ako. Mas sumasakit ulo ko sa inyong dalawa," sabi niya saka tumayo at pumasok sa mini office nila, hindi na pinansin ang pagtawa ang pang-aasar ng mga ito sa kanya.
Parehas bisexual ang mga kaibigan niya, matagal nang umamin nung nasa college pa lang sila. Nakatapos silang lahat sa pag-aaral pero mas pinili nila ang profession na 'to dahil dito sila masaya.
Going back, parehas may jowa ang dalawa at matagal na siyang kinukulit na umamin.
Ano bang aaminin niya? Eh may girlfriend din naman siya nung college, naghiwalay lang sila kasi lumipat sa probinsya nung ex niya. Hindi niya rin nilaban dahil wala. Hindi niya rin kasi feel iyon.
Nag-girlfriend lang siya kasi uso.
‘Talaga ba, Baekhyun? Talaga ba?’ kontra ng isip niya na inignora niya na lang. Ayaw niya nang maungkat kung paano sila naghiwalay.
Nagpalit muna siya ng damit bago hinagilap ang cellphone. Nag-open muna siya ng facebook at nakitang may tagged post sa kanya si Sehun.
Napangiti siya dahil hindi talaga iyon nawawala kada tina-tattoo-an niya ito. Sikat na model at brand ambassador si Sehun kaya lowkey, napo-promote nito ang business nila.
Dati nga ang dami nilang clients na babae nung unang beses itong nag-post ng ganon. Inabot ata silang tatlo ng isang linggo para matapos ang lahat ng nagpa-appointment dahil ang daming fans ni Sehun.
Dahil doon, natuto tuloy silang gumawa ng facebook page ng business nila at nagpa-implement ng "no appointment, no entry" dahil unti-unti na rin silang nakikilala. Kaso minsan may mga pumupunta pa rin kapag gabi tulad ng sabi ni Jongdae kanina kaya madalas OT sila, lalo na siya. Siya laging request ng mga ito, eh.
Tatlo lang naman sila ng mga kaibigan niya ang nagha-handle ng business na 'yon mula sa pagbili ng lahat ng mga kailangan nila at pagsagot sa online queries hanggang sa pag-tattoo mismo.
Pero masasabi ni Baekhyun na mas marami talaga ang nagre-request sa kanya. Mapa-babae man o lalaki ang kliyente.
Hindi niya alam. Mas magaling naman ang mga kaibigan niya pero minsan nasabi ng isang kliyente nila na kaya siya nito binabalik-balikan at dahil ang lambot at ang gaan daw ng kamay niya. Ang ingat niya rin daw mag-tattoo.
Hindi niya nga alam kung binibiro ba siya ng mga iyon o ano. Paulit ulit niya namang sinasabi na lalaki nga siya pero ang kukulit lang talaga ng iba, minsan may mga bulaklak pang dala para sa kanya.
"Tarantado kasi 'tong sila Jongdae eh, sinasakyan pa." sabi niya habang nag-view ng mga comments sa post ni Sehun.
Ang daming nag-comment na magpapa-book na raw sila ng appointment to have the same tattoo as Sehun's at feeling niya ay legit dahil sunod sunod ang messenger sound sa laptop nila kung saan naka-online ang facebook page ng shop.
Yari na naman sila nito. Minsan ewan niya kung magpapasalamat ba siya kay Sehun. Ang laki nga ng kita pero 'yung pagod nila, pangmalakasan naman. Nawawalan sila ng day-off ng dalawa hanggang tatlong linggo sa dami ng kliyenteng nagpapa-book.
Nag-comment lang siya ron ng, "Thank you! Next time ulit." gamit ang personal account niya. Tinatamad na siyang i-log in ang page nila sa phone niya.
Iaalis na sana niya ron ang feed ng may mag-comment na kasunod niya.
Verified account. Park Chanyeol ang pangalan na nakalagay.
Park Chanyeol
Woah, that's good bro! Saan 'yan? Gusto rin ng ganyang kalinis na tattoo!
Napakunot noo siya sa nabasa dahil feeling niya pamilyar ang pangalan. Pero hindi naman siya sure dahil wala naman siyang paki sa mga model dito sa bansa. Nagulat pa siya ng mabilis nagkaroon ng mga reactions at reply ang comment na literal niya lang na pinanood sa paglipas ng ilang segundo hanggang sa reply-an iyon ni Sehun.
Oh Sehun
I'll send you the location and details bro. Better try it. Solid 'to, promise!
Literal lang na nakatulala si Baekhyun sa dalawang comment na iyon na hindi na nasundan pero patuloy pa ring inuulan ng reply at reactions sa loob ata ng mahigit limang minuto bago siya natauhan at pinatay na ang data ng phone.
Ano bang ginagawa niya?
Kanina pa sana siya nasa biyahe kung kumilos na siya, eh. Kinuha niya na lang ng belt bag saka sinukbit iyon sa katawan at lumabas.
Naabutan niyang may dalawang kliyente na sila ron at ang isa at nagsisimula nang tattoo-an ni Jongdae. Yung isa naman ay nag-aayos na para ma-tattoo-an na rin ni Kyungsoo.
Lumapit siya sa dalawa para nagpaalam.
"Una na 'ko ha. Kayo na bahala rito," sabi niya saka naglakad sa pintuan ng tawagin siya ni Jongdae.
"Bakit?" lingon niya rito.
"Ikaw na muna magsagot sa mga tanong sa page ha? Baka matagalan ako rito. Take over ko na lang turn mo tomorrow, thank you!" sabi nito pagtapos siyang saglit na silipin dahil nga busy na ito sa ginagawa.
"Oo na sige."
"Huwag magsungit ha. Sagutin mo nang maayos," bilin pa ni Kyungsoo na ikinatawa ng dalawa.
Napangiti pa ang mga kliyente nila kaya sinamaan niya na lang ng tingin ang mga kaibigan saka siya naglakad palabas at sumakay sa kotse niyang naka-park lang sa harap ng shop nila.
Hindi kalakihan ang shop nila pero pwede na para makapag-park ng limang sasakyan sa harap, syempre ang tatlo ay sa kanila na ng mga kaibigan niya kaya madalas ang mga kliyente nila ang walang mapag-park-an. Lalo kapag mga bigatin.
Tuloy minsan ang iba, mga naka-motor na lang dahil kaya ng halos walong motor ang natitirang space sa gilid. Pero minsan kapag booked appointment ay kasama na iyon sa tatanungin nila kung may sasakyan ba ang kliyente nila para alam nila kung sino ang maggi-give way ng parking.
Pero syempre hindi siya sumasali, either si Kyungsoo at Jongdae lang dahil parehas may jowa ang dalawa na pwedeng ihatid at sunduin ang mga ito. Siya? Hindi niya iri-risk mag-commute, ano. Maarte pa siya sa maarte.
Pagkauwi niya ay naligo siya dahil ang lagkit ng pakiramdam niya. Nagluto lang din siya ng makakain saka sumalampak ng upo sa sofa at binuksan ang laptop na nasa center table.
Binuksan niya ang facebook page ng shop nila at napasimangot siya ng makitang lumampas na naman ng 30 ang messages.
Kaka-clear lang ni Kyungsoo kanina ron, eh. Kanya kanya kasi sila ng araw kung kailan sila magte-take over ng paghandle ng page para sumagot ng mga tanong at magconfirm ng appointment ng clients nila. Hindi na sila kumuha ng ibang gagawa dahil kaya naman nila.
It's a matter of time management na na-master na nilang tatlo sa halos apat na taon na pagiging tattoo artist.
Binuksan niya ng excel file ng mga appointment at ang schedule viewer nilang tatlo para sa buong buwan. Hindi pa man nagsisimula sa ginagawa ay parang nahihilo na si Baekhyun dahil ang daming numbers ng mga plotted timeslot.
Please, gusto niya lang nakikita ang mga numero na ganon karami sa cheke o kaya sa bank account niya.
Habang nagrereklamo sa isip, sinimulan niya na ang gagawin dahil wala naman siyang matatapos kung ganito lang siya nang ganito.
Paunti-unti ay sumusubo siya nang pagkain at nang matapos siyang kumain, sampung tao na lang ang kailangan niyang i-book ng appointment.
Para sa buwan na 'to, dalawang slot na lang ang libre sa kanya at tig-tatlo naman sa mga kaibigan niya. Kaya 'yung huling dalawang client ang nauna niyang i-message na fully booked na sila for this month at next month na ang next schedule.
Nang pumayag pareho makalipas ang ilang minuto ay inuna niya na sa listahan ang dalawa para kay Kyungsoo at Jongdae. Magpapahinga muna siya dahil birthweek niya na iyon.
Plano niyang mag-leave at iwan muna ang shop sa mga kaibigan. Bahala na muna ang dalawa, pagod na pagod na siya sa pagtatrabaho ng walang pahinga ngayon taon, hindi pa man umaabot sa second quarter.
Nang matapos siya sa ginagawa ay nag-inat muna siya dahil lampas isang oras din siyang nababad sa harap ng laptop.
Kinuha niya ang pinagkainan saka dinala sa lababo para hugasan. Naghilamos na rin siya at dumiretso sa kwarto niya para mag-toothbrush naman.
Palabas na siya ng kwarto ng marinig niya ang call tone ng cellphone kaya nagmadali siyang naglakad papunta sa sala pero bago niya pa mahawakan ang cellphone at tumigil na sa pag-ring iyon.
"Sino naman 'to?" tanong niya sa sarili ng makitang unregistered number ang tumawag.
Sobrang private niyang tao kaya pili lang ang binibigyan niya ng number niya. Bukod kasi sa tamad rin naman siyang mag-reply sa mga text, nagkaka-anxiety talaga siya kapag nakakatanggap siya ng mga unwanted calls tulad nito.
Iba-block na sana niya ang number ng mag-text si Sehun. Tatlo na ang nakalagay kaya nagulat siya. Hindi niya napansing nag-text pala ito. Binuksan niya iyon at binasa.
Sehun: Hello Baek! Ang ganda talaga ng tattoo mo sobra. Kilig ang baby ko HAHAHAHAHA
Anyway, ipapa-book ko sana ng appointment ang kaibigan ko next month kung pwede? Pero may request din ako na sana private lang dahil sikat pa sa'kin 'to hahaha
Ay Baek, naibigay ko na pala number mo sa kanya kaya kung may mag-text man sa'yo o tumawag, paki-assist mo na lang ha? Salamat!
Natigilan siya.
Kliyente niya si Sehun. Kliyente niya si Sehun.
Paulit ulit niyang sinasabi sa utak niya dahil gusto niya na itong murahin sa text.
"Bakit naman basta basta binibigay ang number ko?!" inis niyang tanong saka sumalampak ng higa sa sofa.
Iyong tumatawag siguro 'yung sinasabi nitong kaibigan nito. Wala siyang pake kung sikat ito o ano. Basta huwag siyang tatawagan! Hindi niya naman ito kilala.
Hindi siya nagreply kay Sehun at busy siyang magtype ng rant sa private account niya sa twitter ng tumunog ang message tone.
+639636141127
Hello! You're Baekhyun, right? The tattoo artist?
Nakaangat ang mga kilay niya.
"So?" sagot niya sa text pero hindi siya nag-reply. Wala siyang balak pero nagtext na naman ito.
+639636141127
Sehun told me na magaling ka raw mag-tattoo at gusto ko sanang magpa-book ng appointment. Pero pwede bang i-request na private appointment? Like nagho-home service ba kayo?
"Gago ka ba?" napabangon siya. "Home service daw tanga. Pinahirapan mo pa kami sino ka ba?"
Nai-stress na talaga siya, hindi namamalayang napapairap na pala.
Nagtext na naman ang may-ari ng number.
+639636141127
This is Chanyeol, by the way. Can I call to discuss this with you?
Agad nanlaki ang mata niya ng mabasang tatawag ito kaya napareply siya bigla.
No need, sir. Just message our facebook group to book an appointment.
+639636141127
But I want you, eh.
"Leche 'to, bading ka?!" napataas na siya ng boses.
Ang creepy naman nito. Baka mamaya pinagtitripan siya ni Sehun ah?!
Si Sehun na sana ang re-reply-an niya para awayin ito sa pagbibigay ng number niya ng magreply na naman 'yung Chanyeol daw.
+639636141127
I mean, gusto ko sanang i-book ka personally kasi ni-recommend ka ni Sehun. Hindi kasi ako pwedeng magpunta masyado sa mga matataong lugar because of my image so I'm politely asking you if I can book a private appointment sana? If that's okay but I really hope it is kasi nakita ko mga tattoo mo kay Sehun, ang gaganda lahat.
Gusto ko rin.
Gusto ko ring tattoo-an mo 'ko nang ganon.
Mas lalong nanlaki ang mata niya sa mga sinasabi nito at nag-init yata ang magkabilang pisngi niya. Nag-reply siya ulit.
We can accommodate you, Sir but you really need to book an appointment on our business page. Kindly visit 'Koko Bop Tattoo' and send us a message. Thank you.
But is it you who will answer, right? What's the difference if I'll message you there?
May point.
Okay. So what do you want, Sir?
You.
Excuse me? Kung nantitrip po kayo, wala po akong oras.
I mean, can you be the one who will do the work for me? I already have the picture na ipapa-tattoo ko. I'll pay kahit magkano. Kahit isang buong araw mo pa para lang masiguro kong mata-tattoo-an mo 'ko.
Fully booked po kami this month. So if next month, what's the specific date?
May 6th. Around 4PM sana. May schedule ka na ba non?
"Anong May 6 ulul ka ba?" kunot na kunot na ang noo niya.
Siya magtatrabaho sa birthday niya? Huwag na lang. Kahit pa sabihing babayaran siya nito nang malaki. No. Simula nung nagtrabaho siya, wala pang nakapilit sa kanyang magtrabaho siya sa mismong araw ng birthday niya.
Kahit isang beses.
Sorry but I'm not free po, Sir. But if that's the only available date for you, then my workmates can do the work. They are better than me.
Bakit hindi ka pwede?
Personal reasons. Baka after two days pa 'ko pwede. Mga May 8 pa po. Kaya kung nagmamadali kayo, I suggest sa mga katrabaho ko na lang dahil parehas lang naman po 'yon.
Eh gusto ko nga, ikaw.
At hindi nga po ako pwede.
Eh sa May 5?
Hindi talaga kaya, Sir. Negative ako buong week niyan.
Sige na, please? Alam mo ba sa nabasa ko sa inspirational and biblical quotes, 5 means grace daw. Double five pa 'yon kasi fifth month and May at 5 ang date so please… maawa ka na?
"Anong pake ko sa pinagsasasabi mo?" napipikon na siya.
Pero hindi siya sure sa sinabi nito, ah. Isi-search niya nga 'yon mamaya.
Sorry Sir. Hindi talaga ako pwede.
Hindi na ito nag-reply sa kanya kaya naman natahimik na rin siya. Buti naman.
Nagbukas na lang siya ng TV at nanood ng bagong movie sa Netflix. Nag-silent siya ng phone para walang istorbo.
Nakadalawang movie na rin ata siya bago siya dapuan ng antok kaya hihikab hikab na siyang nagpatay ng TV, dinampot ang cellphone at saka pumasok sa kwarto niya.
Padapang humiga siya sa kama.
Matutulog na sana siya pero nagtingin muna siya kung may message ba na sana ay hindi niya na lang ginawa.
May mga messages sila Jongdae at Kyungsoo sa group chat nila.
Jongdae
Hoy Baekhyun sabi ko ayusin mo pag-reply sa kliyente, 'di ba? Ang sungit mo talaga bading
Kyungsoo
Talagang sikat na model pa sinungitan mo! Grabe ka naman
Jongdae
True nakakahiya 'yon! Kaya dahil dyan…
Kyungsoo
Pagbayaran mo 'yon.
Jongdae
NAG-BOOK NA KAMI NG APPOINTMENT NIYA SA MAY 5. 6PM AT IKAW ANG MAGTA-TATTOO. CLEARED ANG SCHED MO DON'T WORRY.
Kyungsoo
ITE-TEXT DAW SA'YO NI SIR CHANYEOL ANG DETAILS KAYA BAHALA KA NA. HINDI KA PWEDENG TUMANGGI
Jongdae
HAHAHAHA ALAM KONG MAGAGALIT KA BADING PERO WALA KANG MAGAGAWA. NAKALAGAY NA 'YAN SA SCHED MO MWAA
Kyungsoo
Ayusin mo Baekhyun, ha. Mas sikat 'yan kay Sehun kaya kapag inaway mo 'yan at nag-bad review sa'tin, baka biglang sa kangkungan tayo puluting tatlo.
Jongdae
Alam kong hindi mo 'yan gagawin kaya goodluck. I also stalked him na pala for you. Ipupusta ko ang relasyon namin ni Minseok, pagkatapos ng tattoo session niyo ay aamin ka na rin! HAHAHAHAHA
Kyungsoo
(2) Ang gwapo niya b3h! Bagay kayo HAHAHAHAHA
Nawala ang antok sa sistema ni Baekhyun dahil sa mga nabasa. Isa lang ang nasa utak niya ngayon.
Masusuntok niya talaga sila Jongdae at Kyungsoo!!!
———
PADABOG NA NAG-AAYOS ng gamit si Baekhyun. Ngayong araw na ang private appointment niya sa condo unit pa mismo ni Chanyeol. Gigil na gigil talaga siya sa mga kaibigan niya.
Hindi siya nakapagpa-week off dahil dumagsa ang mga kliyente nila nung mag-confirm si Chanyeol na magpapa-tattoo nga ito sa kanila. At ngayon, half day na siyang nag-tattoo sa dalawang kliyente at pagkatapos ay magmamaneho pa siya ng halos dalawang oras para marating ang place ni Chanyeol.
Kung hindi lang talaga malaki ang ibabayad sa kanya rito at isang buong linggo ang day off niya mula bukas, hindi siya papayag gawin 'to.
Napaka-oportunista ng mga kaibigan niya. Talagang wala siyang kawala dahil nung nag-book ang mga ito last month, tinext siya ni Chanyeol kinabukasan at sinabing nakalagay na raw sa schedule nito ang appointment nila.
Wala siyang takas at hindi na tuloy siya naka-hindi talaga. Sa susunod, babawian niya na lang 'yung dalawa. Hindi na siya mag-oovertime para ang mga ito na ang sumalo sa mga dapat na unbooked clients nila.
Maayos niyang binuhat ang dalawang box sa magkabilang kamay saka nagtungo sa pintong nakabukas na dahil nandon ang dalawa niyang kaibigan na malawak ang ngiti sa kanya.
"Go get that D, Baek!" nakangising sabi ni Jongdae.
"Pagkatapos ng session na 'to, may jowa ka na anak. Proud ako sa'yo," sapaw pa ni Kyungsoo.
Sinamaan niya lang ito ng tingin parehas saka nagtungo sa kotse niya. Binaba niya ang isa sa mga box para mabuksan ang likod at mailagay nang maayos doon. Nang settled na ay sumakay na siya sa driver's seat.
Pero bago pa siya makaalis, kinatok na muna siya ng dalawang kaibigan. Umaangil niyang binaba ang bintana ng kotse.
"Ano na naman?!" sigaw niya na ikinatawa ng dalawa.
"Sungit mo naman bading. Galingan mo ha! Fan daw ng tattoo si Sir Chanyeol kaya sana magustuhan mo siya," natatawang sabi ni Jongdae.
Kumapit si Kyungsoo sa manibela niya. "Baekhyun kapag nagustuhan ka ni Chanyeol sinasabi ko sa'yo utang na loob magladlad ka na bakla para magkajowa ka na rin!"
"Tarantado. Lalaki nga ako sabi," mariin niyang sagot.
Hindi siya papayag kahit ulit ulitin ng mga itong bading siya. Basta lalaki siya. Tapos ang ang usapan.
"Bakla lahat ng client natin type ka. Nahihiya na nga lang 'yung ibang ayain ka ng date kasi nga ang sungit mo pero sa'min nila tinatanong number mo."
"Which is hindi namin binibigay kasi alam naming itatakwil mo na kami kapag gano'n kaya FB mo na lang binibigay namin."
Ah, that explains the number of friend requests he keeps receiving each day.
"Mga hayop talaga kayo. Tabi na nga! Aalis na 'ko," pagtaboy niya sa dalawa.
Lumayo ang mga ito pero hindi niya pa rin sinara ang bintana pero naka-on na ang makina.
"Mag-ingat ka ha! Sana talaga!"
"Dapat pag-uwi mo, iwe-welcome ka na namin sa pederasyon!"
Nagtatawanan pa ang dalawa ng isara niya na ang bintana at pinatakbo ang sasakyan paalis.
Sabing lalaki, siya eh.
'Weh?'
"Oo nga potek naman. Pati utak ko hindi na rin sure pero lalaki ako," sagot niya sa kumokontrang bahagi ng utak niya.
'Hindi mo sure. Sana kasi tiningnan mo na itsura nung Sir Chanyeol para you know what to expect. Baka mamaya totoo sinasabi nila Jongdae. Atakihin ka riyan.'
"Baka mamaya kamo mas gwapo pa ako sa kanya kaya magtigil kayong lahat."
Para siyang baliw na kinakausap ang sarili hanggang sa makarating na siya sa condo ni Sir Chanyeol. Nakabilin na siya sa receptionist kaya mabilis siyang nakapasok.
Mukhang yayamanin ito dahil base sa mga nakikita niya sa facilities ng condo building ay hindi iyon basta basta.
Mukhang mas sikat nga kay Sehun ang kliyente niya ngayon.
Nang nasa tapat na siya ng unit ay maingat niyang ibinaba ang mga box at nag-doorbell.
Ilang saglit lang ay may nagbukas na. Isang matangkad na lalaki, kulay brown ang buhok na sobrang bagay rito, matipuno, at sobrang gwapo.
'Ay ganyan ba mag-describe ng kapwa lalaki ang isang lalaki ha, Byun Baekhyun?'
"Good evening," bati nito at ngumiti pa, lumabas ang dimples at malalim iyon.
Parang kumislot ang puso niya.
"Good evening, Sir."
"Tuloy ka," sabi nito saka niluwagan ang pinto.
Kukunin niya na sana ang mga gamit ng magsalita ito.
"Ako na. Tuloy ka na lang sa kaliwa, pangatlong kwarto. Naka-set up na lahat don," sabi nito at binuhat na ang mga gamit niya
Wala na siyang nagawa kaya sinunod niya na lang ito. Kinakabahan siya sa 'di mawaring dahilan.
Sabi niya kasi lalaki siya, eh.
Pero bakit pang-Maria Clara ang turing nito sa kanya?!
Pumasok siya sa kwartong tinuro nito at pinigil niyang mapasinghap dahil sobrang ganda niyon. It's very minimalist yet it screams expensiveness and elegance. Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Sir Chanyeol, mabagal ang lakad nito. Parang iniingatan ang mga gamit niya.
Binaba nito iyon sa table at saka inayos ang upuan. May kinuha rin itong papel sa cabinet at saka inabot sa kanya.
"This is the design I want to be tattooed here on my arm. Can you do that?" tanong nito ng kunin niya ang papel.
Hindi muna siya sumagot at saglit na sinuri iyon. It's like a type of guitar which he didn't know what it's called and he's not sure if it's really a guitar but yeah, he can definitely do this one. The details were intricate but he's done much more difficult than this one so he thinks he can manage.
"Yep, Sir. Where exactly you want it?" aniya pag-angat ng tingin.
Na sana hindi niya na lang ginawa dahil bigla siyang nairita sa tingin nito. Ang lagkit lagkit at sinusuri ang buong katawan niya.
Isa pa, inuulit niya: lalaki siya. Please tantanan sana ni Sir Chanyeol ng mga unwanted thoughts sa utak nito.
"Sir?" untag niya matapos ang ilang segundong hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya.
Para itong natauhan. "Ah, here.." tinuro nito ang kanang braso. "I want it here. Just this big and I want it light only but still visible. Would that be possible?"
Binasta na niya ang mga gamit. Nilabas ang mga ink na gagamitin hanggang sa mga injection. "Yes, Sir. Saglit lang, papakitaan kita ng shades in a few so makikita mo if anong level lang ang gusto mo ron."
Hindi na nagtangkang mag-angat ng tingin si Baekhyun dahil ramdam niya ang titig nito sa kanya. Hindi na talaga siya mapakali dahil ang paraan ng pagtitig nito, parang matutunaw siya.
Tinawag na ata niya lahat ng kilala niyang santo para iparating ang signal kay Chanyeol na lalaki siya pero bwisit din talaga siya kasi parang sa lahat ng pagkakataon eh mas lumamya pa ang kilos niya ngayon?
Hindi naman siya ganito. Naiilang lang talaga siya pero bakit kasama ang hita niyang nanlalambot?
'Pwede kang umamin ngayon na, beh. Sa lagkit ng tingin niyan sa'yo, malamang type ka niyan. Sundin mo na mga kaibigan mo. Konting landi lang 'yan, magkakajowa ka na agad.'
Asdgfjgkgkl!
Bakit ba ganito tumakbo ang isip niya?!
"Start na tayo? Ay, saglit pala mag-CR lang muna ako," paalam nito at patakbong lumabas pa ng kwarto.
Parang tanga, eh.
Tahimik lang si Baekhyun at inayos ang mga gamit niya. Nilatag niya lahat ng kailangan sa katabing upuan kung saan uupo si Chanyeol. Inayos niyang maigi.
Medyo matagal bumalik si Chanyeol. Hindi niya alam pero parang may nagbago sa itsura nito. Forgive him pero wala kasi siyang photographic memory pero alam niya lang, may nagbago talaga. Ayaw niya namang suriin para makita, mahuli pa siya.
Again, lalaki siya. Lalaki at hindi bakla.
"Nasan pala 'yung mga shades?" tanong nito habang umaayos ng pwesto.
"Ito, oh." Inabot niya ang papel. Hanggang level six lang ang kadalasang kaya ng mga tattoo nila at madalas, level three hanggang five ang gusto ng mga kliyente para sakto lang. Pero si Sir Chanyeol, ewan niya.
"Ito lang sa'kin. Level two. Para hindi masyadong makapal 'yung ink." Turo nito. "Paki-emphasize maigi 'yung drawing, ha? Drawing kasi 'yan ng pamangkin ko sa pinsan bago siya mamatay. Gusto kong magkaroon ng remembrance sa kanya."
Napaangat naman siya ng tingin dahil sa biglang kwento nito. "Sorry to hear that.."
Medyo umurong ang plano niya sanang pagsusungit kung hindi ito titigil sa pagtitig sa kanya. Please, sobrang hina ng puso niya sa mga bata. Na kung pwede nga lang siyang mabuntis, magdadala talaga siya ng mga bata sa loob ng tiyan niya para isilang niya ang mga anghel na nilalang sa mundong ito. Gusto man niyang magtanong ay pinili niyang manahimik na lang.
"Thank you. So, shall we?"
Tumango siya at sinimulan na ang dapat gawin. Ramdam ang awkwardness sa kanila dahil hindi naman sila close, hindi sila magkakilala at higit sa lahat, masyado silang malapit. Silang dalawa lang ang tao sa kwarto kaya utang na loob.
Idagdag pa ang utak niyang malisyoso, panay ang tingin sa braso ni Chanyeol at sa mga hita nito. Hindi niya makontrol ang sarili dahil parang hindi na siya ang may hawak sa katawan niya. Pinapahiya na lang siya ng sarili sa harap ng kliyente niya.
Minarkahan niya na ang parte ng braso nito kung saan niya ilalagay ang tattoo. Medyo patapos na siya ng hindi sinasadya at nahawakan niya ang bandang taas ng braso nito kaya napakislot ito.
"Ay Sir, sorry. Pero please huwag kang gumalaw," tarantang sabi niya. Buti na lang at nakaangat ang pang-mark niya. Kung hindi, malalang revision ang gagawin niya.
"Sorry din but you accidentally tugged my soft part. Malakas kiliti ko.." parang nahihiyang sabi nito.
"Ah no worries. It won't happen again, nadulas lang talaga." Tumikhim siya dahil parang mali ang sinabi.
'Byun Baekhyun tanga era. Sana ayos ka lang, ‘no.'
Tinapos niya na ang ginagawa at saka niligpit ang naunang gamit. Nag-inat inat siya dahil medyo natagalan din siya sa mga mabusising detalye. Ang susunod na parte na ang matagal.
"Mag-break ka muna saglit," biglang sabi ni Chanyeol.
"No, Sir. Ayos lang naman ako," tanggi niya.
"Sure ka?"
"Yes."
At sa sumunod na sandali, tinattoo-an niya na nga ito. Ang tagal tagal dahil mabusisi ang drawing. Mahirap dahil nakakaduling pero kaya niya naman. Ang hindi niya kaya ay ang mga titig ni Sir Chanyeol na para bang hinuhubaran na siya nito.
Nang matapos ang unang bahagi ay umayos siya ng tayo at lumayo nang bahagya saka tumingin nang diretso sa mga mata nito.
"Sir kung wala kang gagawin, matulog ka na lang please. Naiilang ako sa titig mo," diretsang sabi niya.
Parang nagulat pa ito base sa panlalaki ng mga mata. "Ha? Bakit?"
"Parang huhubaran mo 'ko, eh. Just to inform you Sir, lalaki ako ha. Malamya lang ang kilos ko pero hindi ako bakla," mariin niyang sabi.
Tumango lang si Sir Chanyeol na parang nasindak sa kanya pero may naglalarong tingin sa mga mata nito.
Binaba niya ang hawak sa mesa saka tumalikod. Kumuha siya ng iba pang ink sa box kahit hindi niya pa naman kailangan mag-refill.
'Ano bang ginagawa mo sa buhay mo, Byun Baekhyun?!' sigaw niya sa sarili.
Naalala niya tuloy ang sinabi ng mga kaibigan niya na huwag niya raw itong sungitan dahil baka mag-bad review ito sa kanila pero anong paki niya? Oo masungit talaga siya. Kaya nga hindi niya nakakausap ang mga kliyente niya kahit madalas makipag-small talk ang mga ito sa kanya. He's not the type to have a one on one conversation with someone, ka-close niya man o hindi.
He's very introverted type kaya kahit sina Kyungsoo at Jongdae, hindi talaga siya makausap nang matino.
Sa text lang siya sumasagot sa mga ito kapag kailangan talaga pag-usapan ang isang bagay. Pero sa personal, hindi.
Minsan pakiramdam niya nga binigyan lang siya ng dila para magsabi ng mga salitang nakakauga, eh. Sa sobrang direct forward niya, madalas tuloy parang ang sama ng dating.
Kaya sana lang ngayon, hindi niya na-offend si Sir Chanyeol.
But to his defense, naiilang kasi talaga siya sa titig nito. He's not very fond of talking but he can look at someone's eyes directly for hours. Hindi siya magsasawa o ano.
He loves staring at people's eyes because he do believe that it is the reflection of their soul. The very honest part of someone. He loves looking into the emotions it conveyed. Whether it's mad, sad, happy, or in love. Parang kaya niya pang sulatan ng tula, o mga salitang maisip niya para ilarawan ang nakikita sa mga iyon.
At kung bakit niya sinasabi 'to? Because he already noticed a different glow on his client's eyes ealier. Sir Chanyeol's eyes screams extreme excitement, as per his opinion. Masyadong makinang ang mga mata nito na kahit hindi ito nakangiti, parang nagsasayaw naman ang mga mata nito sa kislap na meron iyon.
Weird, oo. Pero iyon talaga ang nakita niya nung mahagip ng tingin niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya kanina. Na baka kung hindi niya sinabi ang sinabi niya rito ay nakipagtitigan na lang siya, hindi niya magawa ang trabaho.
"Matagal pa ba 'to? Pwedeng mag-CR muna ulit?" tanong ni Chanyeol habang nakatalikod pa rin siya.
Pasimple siyang sumilip. "Yes, Sir. Mag-refill lang din ako ng ink para kapag bumalik ka, good to go na. Isang pasada lang tas polishing, tapos na."
"Okay, sige saglit lang." Tumayo ito nang dahan dahan at medyo awkward ang posisyon ng kamay dahil hindi ito maigalaw maigi iyon.
Alam niyang masakit ang tattoo, ano. Kaya nga medyo nai-impress siyang hindi man lang niya ito nakitaan ng kahit anong hint ng sakit kanina. Nakakapag-cellphone pa ito pasaglit saglit, tapos napapangiti pa.
Para maging totoo ang sinabi niya ay nag-refill na lang siya ng ink. Siguro mahigit isang oras pa bago sila matapos. Ngalay na ang braso at batok niya. Kanina sa dalawang kliyente niya, pitong oras din iyon at walang pahinga.
Babawi talaga siya bukas.
Napasulyap siya sa wrist watch at tiningnan ang oras. Almost 9pm na rin pala. Mukhang aabutin siya ng hatinggabi pero sisikapin niyang hindi na magpa-madaling araw.
Hindi pwedeng nagtatrabaho siya sa araw ng birthday niya. No one, not even Sir Chanyeol can make him work on his day.
Bumalik si Sir Chanyeol na mukhang komportable na kaysa kanina. Umupo na ulit ito sa pwesto nito. Nang maayos na ito ay lumapit na siya ulit.
"Sir, hindi ba masakit?" nagulat din siya sa sariling tanong.
Napatingin ito sa kanya. "Masakit. Pero kaya naman, ginusto ko 'to eh."
Napatango lang siya. Curious lang kasi talaga siya at 'yung mga gusto niya talagang malaman, talagang tinatanong niya.
"Sabi ni Sehun magaan daw kamay mo. Hindi sana ako maniniwala pero legit nga. Dati mga henna lang pinapa-tattoo ko pero parang mababalian na 'ko sa sobrang bigat nung kamay nung nag-tattoo sa'kin. Sa'yo na nga lang ako lagi magpapa-tattoo."
Ay wait, may next time?!
"Not sure about that, Sir. Pero feel free anytime na mag-visit sa shop or if private appointment ulit like this, better book early so we can schedule you. Minsan kasi before pa mag-end ang buwan lalo kapag summer, booked na kami hanggang second week of next month kaya better if agahan mo," tuloy tuloy niyang sabi.
Hindi siya madaldal madalas at one answer per question lang siya lagi pero ano 'to?
"Hindi ka ba pwedeng i-book ulit?"
"Depende." Ayan. Ganyan ang sagot.
"Bakit?"
"Puno lagi sched ko, sir."
Bumaling ito sa kanya. Sobrang lapit ng mga mukha nila dahil nakayuko siya sa braso nitong tina-tattoo-an niya na ulit.
"Can you make time for me? Are you available?"
Sabay silang nagulat ng madiinan niya ang needle sa braso nito, napasigaw pa ito sa sakit.
"Aw! Dahan dahan naman!" daing nito dahil medyo bumaon ang ginawa niya.
"Sorry, Sir. Sorry sorry.." paulit ulit niyang sabi dahil ang gulo talaga ang puso niyang tila nasa rumble na ngayon.
Kung hindi ka ba naman kasi siraulo at kalahati, Sir Chanyeol.
"Ang sakit! Putek galit ka ba?" napapikit pa ito. Hindi na siya sure dahil umangat ang isang kamay nito at kumuyom, handa na siyang umilag dahil baka bigla siyang masapak nito.
"Sorry, Sir. Hindi naman."
Confident niyang sinabi ang sagot pero sa totoo lang, abot abot ang kaba niya. Akala niya masusuktok na siya nito, eh.
"Buti na lang magaan kamay mo. Pero ang sakit talaga," mariin lang itong nakapikit.
Buti naman. Para makalimutan ang tanong nito sa kanya dahil hindi niya alam kung paano iyon sasagutin.
Available ba kasi saan? Sa appointment? Single as in walang jowa? O 'yung sasamahan ito sa pagtanda?
'Tangina mo, brain. Kumalma ka nga!' sigaw niya sa utak.
Ano ba kasi 'tong mga naiisip niya?!
Hindi na nagsalita pa si Sir Chanyeol at feeling niya nga makakatulog na ito nang magsalita siya dahil tapos na.
"There you go, Sir. Tapos na. Huwag mo daganan sa pagtulog para hindi magkalat at mamaga," bilin niya pa.
Antok na antok naman itong nagmulat ng mata at tumingin sa kanya.
"Thank you. Anong oras na pala?"
"Ten thirty four," sagot niya pagkasipat sa wrist watch.
"Alright. I guess kailangan mo nang umuwi dahil gabi na rin. Mag-ingat ka sa daan."
Tumango lang siya at inayos na pabalik sa box ang mga gamit niya. Naramdaman niyang kumilos ito at maya maya pa, nasa gilid niya na ito. Pinapanood ang ginagawa niya.
"Pang-henna ba 'yan?" turo nito sa isang ink niyang pang fake tattoo lang.
"Yes, Sir."
"Chanyeol."
"Ha?" napaligon siya rito.
"Chanyeol na lang. Huwag mo na akong tawaging 'Sir' kasi nakakailang. Parang ang tanda ko," ngumisi pa ito.
"Ah, okay." Nagkibit balikat lang siya.
"May tattoo ka ba?"
Sinilip niya ito saka umiling. "Wala."
Obviously, he's making small talks na very ekis kay Baekhyun.
"What if tattoo-an kita?"
Napakunot noo siya at aangilan na sana ito dahil walang kwenta ang mga sinasabi ng magulat siya ng makitang hawak na nito ang henna ink niya.
"Akin na nga—"
Naputol ang sasabihin niya dahil mabilis ang pangyayaring hinablot nito ang kamay niya, hinawakan iyon nang marahan saka siya tinattoo-an sa pulsuhan niya. Or should he say, he signed on it?
"Hoy gago anong ginawa mo?!" gulat na gulat na sabi niya ng makabawi.
Ngumisi lang ito at kinindatan siya. "That's because of what you did, babe."
Nanlaki ang mata niya. "Tangina mo—"
"I like you, too. Kung ikaw sigurado kang lalaki ka, ako hindi. Pero sure akong gusto kita. Ingat ka pauwi ha? Sara mo na lang pinto ng unit ko. Goodnight, Byun Baekhyun."
Pagkatapos niyon, hinalikan pa nito ang palad niya at tila sinadyang mag-iwan ng laway bago nito iyon marahang binitawan, saka lumabas na ito at naiwan siyang nakatulala ron.
Ano 'yon, punyeta?!
Napatitig na lang siya sa pulsuhang pinirmahan nito, saka sa likod ng kamay niyang bakas ang labi ni Chanyeol dahil sa laway nitong naiwan doon. Asdfghjkl!
Si Chanyeol ang nagpa-tattoo pero mukhang si Baekhyun ang namarkahan.
Ibang klaseng pagsubok 'to para sa buong pagkatao niya.
