Actions

Work Header

salikmatang paru-paro (invisible butterfly)

Summary:

"Paamno kaya nakakalimpad ang mga eroplamno?" tanong ni Ryuu habang ngumunguya at binaling ulit ang mata niya sa pagkain. Lumunok siya.  "Gusto ko rin makalipad tulad no'n. Mataas tapos malaya kasama ng mga ibon."

Tumawa naman nang mahina si Atsushi at sinagot ang tanong. "Nakakalipad sila dahil sa mahikang meron ang piloto. May kapangyarihan siyang sabihan ang isang milyong salikmatang paru-paro para dalhin ang eroplano sa bawat sulok ng daigdig. Ang puting bakas na naiiwan sa langit ay mga pulbong pilak na kumikislap sa bawat pagaspas ng kanilang mga pakpak." 

 

me: *sees two traumatized Japanese orphans*
Also me: what if I make them Filipino but still traumatized

Notes:

The language I used is not inclusive so I think little to none will click on this but if anyone did, i just want to say that there is an aspect of rape in the story hhuhu nasa tag naman na siya. It's not graphic or detailed but it can be triggering for some, so please proceed with caution.

This is how they look SSKK in the story HAHDSDJAS. Salamat sa official art na 'to.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Piso na lang." Sambit ng ulilang batang si Atsushi habang maingat na tinatahak ang gilid ng kalsada sa kabila nang nakakapasong init na nanggagaling sa araw. Patuloy lang siyang naghahanap sa bawat sulok, bawat gilid. Umaasang makakapulot ng kakarampot na barya pandagdag sa pang-umagahan nila. Ang puting buhok ng bata ay may mga mantsa na ng dumi at alikabok, habang ang mga damit niya ay may maliliit na tastas at mga butas. 

"Gutom na ako." Ang boses ay pagmamay-ari ng isa pang bata na may itim at puting buhok, si Ryuunosuke. "Magnakaw na lang kasi ako kahit bente pesos lang. Hindi naman 'yan kawalan sa kanila." Suhestyon nito habang minamasdan ang kasamang bata na nanghahalungkat na sa malapit na basurahan. Hindi niya man lang binigyang pansin ang mga langaw na palipad-lipad sa paligid ng mga duming nakatambak.

"'Wag, Ryuu. Manghingi na lang tayo kung wala talaga." sagot nito at pinunasan ang pawis sa noo niya gamit ang nanginginig niyang daliri.

Yumuko ulit si Atsushi at ilang segundo pa ay nahuli ng kaniyang pagod na mga mata ang kumikinang na bagay sa sinag ng araw. Nanlaki ang mga mata niya at gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi nang mapulot niya ito. "Limang piso! Limang piso!" sigaw nito at tumalon-talon sa tuwa, wari'y talo pa ang nanalo sa lotto.

"Tara na, Ryuu! May pangbili na tayo ng pagkain." masayang sabi nito at hinila ang pulso ng kasamang bata para lumakad-takbo papunta sa pagbibilhan nila. Sumama naman nang walang imik si Ryuunosuke, ngunit sa kaloob looban niya ay nagpapasalamat siya na matatawid na naman nila ang araw na 'to kahit papaano.

-

"Kuya, pabili po ako yung tig-sasampong prayd tsiken tsaka sampong pisong kanin." inabot ni Atsushi ang bayad. Kinse pesos na tig-pipiso at isang buong lima, ang nakita niya kanina. Katabi niya naman si Ryuu na nanonood sa sinaunang telibisyon na nakapwesto sa mataas na bahagi ng karinderya. 

"Balang araw, makakabili rin tayo niyan." ngumuso si Ryuunosuke sa patalastas na lumalabas. 

"Happy Bee Fried Chicken for only 299 pesos a bucket! Deep fried to perfection, coated with the finest spices to -

"Syempre naman!" siguradong-sigurado ang boses ni Atsushi sa kaniyang pagsagot kay Ryuu.

Kumikinang ang mata ng dalawang bata habang pinapanood at pinapantasya ang lasa ng manok na nasa i-screen. Ang ginintuang balat ng manok ay malutong sa kanilang paningin. Sinamahan pa ito ng iba't-ibang sarsa at sawsawan na nakakatakam. Nilunok nila ang namumuong paglalaway habang tinitingnan ang babae sa patalastas na kumagat sa makatas na laman. Kahit nga siguro sa amoy pa lamang no'n ay busog na sila. 

"Boy, sa inyo 'tong pagpag at kanin?" biglang tanong ng lalaking nagbebenta at hawak-hawak ang supot na may lamang pagkain. Ang tanong na humila sa kanila palayo sa imahinasyon nila at binalik sila sa mapait na realidad.

"O-opo, amin po yan." sagot naman ni Atsushi at kinuha ito ni Ryuu."Hingi kami ng tubig po, Kuya." 

Tanging tango lang ang sagot ng lalaki at hudyat ito para kay Atsushi na kumuha ng dalawang plastik na pinaglalagyan ng softdrinks at pinuno ito ng tubig galing sa water jug. 

"Salamat po. Tara na, Ryuu." 

-

Pabalik sila sa ilalim ng footbridge kung saan sila natutulog at kumakain. Magkahawak ang kamay nilang dalawa habang naglalakad, tila sa isa't-isa sila kumukuha ng lakas upang hindi mawalan ng malay dahil sa gutom. Sa kabilang kamay naman nila ay hawak nila ang tubig at pagkain. Pagkain na tinuturing na basura ng iba pero isang biyaya para sa mga maralitang katulad nila. Madumi at nakakadiri kung tawagin ng mga may kaya, pero isa itong lunas sa makakalam nilang sikmura. 

Sa sampong pisong pagpag, may anim na pirasong mabutong manok na silang makakain sa buong araw.

"Salamat sa biyaya, Panginoon." panalangin ni Atsushi pagkatapos buksan ang supot ng pagkain.

"Kain na." sagot naman ni Ryuu habang nakatiklop ang mga kamay.

Nagsalo sila sa pagkain, nilalasap ang bawat subo. Maingat na kinakagat at sinisimot ang natitirang mga hibla ng laman na iniwan ng mga estranghero.

"Ryuu, tingnan mo." tinuro ni Atsushi ang langit na makikita sa ilalim ng footbridge. "May eroplano."

Agad namang bumaling ang atensiyon ni Ryuu sa langit mula sa kaniyang pagkain. Dahan-dahan siyang ngumiti kahit puno ang kaniyang bibig, tinitingnan ang eroplanong gumuhit ng puting usok sa bughaw na langit hanggang maging isang maliit na tuldok na lang ito habang lumalayo.

Habang ginagawa niya ito, tahimik pero mabilis na pinitik palayo ni Atsushi ang uod na nakadikit sa hiwa ng manok na kinakain ni Ryuu. 

"Paamno kaya nakakalimpad ang mga eroplamno?" tanong niya habang ngumunguya at binaling ulit ang mata niya sa pagkain. Lumunok siya.  "Gusto ko rin makalipad tulad no'n. Mataas tapos malaya kasama ng mga ibon."

Tumawa naman nang mahina si Atsushi at sinagot ang tanong. "Nakakalipad sila dahil sa mahikang meron ang piloto. May kapangyarihan siyang sabihan ang isang milyong salikmatang paru-paro para dalhin ang eroplano sa bawat sulok ng daigdig. Ang puting bakas na naiiwan sa langit ay mga pulbong pilak na kumikislap sa bawat pagaspas ng kanilang mga pakpak." 

"Ahhh." tumango-tango naman si Ryuu habang nakabukas ang bibig dahil sa pagkamangha. "Gusto ko rin makakita ng salikmatang paru-paro."

Pabirong kinaltukan naman ni Atsushi ang kasamang bata. "Paano mo makikita, eh salikmata nga." 

"Edi normal na paru-paro na lang." sagot niya habang nakanguso. 

Tumawa sila pareho sa naging sagot ni Ryuu. Pinagpatuloy nila ang pagkain dahil kakailanganin nila ang lakas galing sa tuyo at makunat na manok.


Malakas at malamig ang hampas ng hangin kasabay ng pag-ulan sa araw na iyon. Magkayakap ang nanginginig na katawan ni Atsushi at Ryuunosuke sa ilalim ng manipis na telang nakita nila dati sa basurahan. Sa isa't-isa nila hinahanap ang init na kailangan nila para malabanan ang masamang panahon.

Naramdaman ni Atsushi ang pangangatog ng katawan ng kasama kaya't pinagkiskis niya ang kanyang mga kamay habang hinihipan at tinakip ito sa tenga ni Ryu. 

"A-ang...lamig.." ang lumabas na mga salita sa namumuti na nilang mga labi.

Ang tunog nang pagpatak ng ulan sa semento ay sinabayan nang biglang pag-ubo ni Ryuu. Mahina ang baga niya kaya't hangga't pwede, si Atsushi ang sumasalo sa lahat ng mga gawain. Kahit pa nakatakip ang kamay ni Ryuu sa kaniyang bibig at ilong ay hindi nito napigilan ang pagtalsik ng dugo galing dito. Hindi na bago sa kanila ang pangyayaring ito, lalo na kung malamig ang panahon. Tila kinukurot ang puso ni Atsushi habang tinatapik ang likod ni Ryuu at inaantay na matapos ang paglabas ng mga pulang likido dahil ayon lang ang kaya niyang gawin. Kung pwede lang na kunin niya nang sapilitan ang sakit nito at siya na lang ang magdusa.

Maya't-maya pa ay nakaramdam si Atsushi ng init, pero hindi ito yung init na gusto niya. Nanggagaling ang mala-apoy na init sa katawan ni Ryuu.

Nilalagnat siya.

Naglatag si Atsushi ng mga karton at inihiga si Ryuu doon para maging mas komportable siya. Sanay na sila na tulog lang ang ang tanging gamot 'pag nagkakasakit sila, pero palagay ni Atsushi ay hindi ito magiging sapat ngayon. Hindi niya malapat nang matagal ang kaniyang daliri sa balat ni Ryuu dahil tila nakakapaso ito. Kung hindi ito maagapan, maaaring nay masamang mangyari.

"Ryuu, aalis muna ako. Hahanap lang ako ng gamot. Ayos lang ba?" tanong ni Atsushi. 

Umiling-iling naman ito. "D-dito ka lang." 

"Bibilisan ko. Babalik ako agad." hinaplos niya nang malumanay ang maputlang pisngi ni Ryuu. "Pangako." 

Tiningnan ni Ryuu ang mata ni Atsushi bago ito tumango nang dahan-dahan. Ngumiti naman si Atsushi.

"Dito ka lang. Antayin mo'ko, ah." 

"Mhmm. Pangako." sagot ni Ryuu habang tumatango at tinahak na ni Atsushi ang basang daan habang umuulan. 

Sa totoo lang, hindi alam ni Atsushi kung saan siya patungo. Basta't dinadala lang siya ng kaniyang paa sa mga lugar na pamilyar sa kaniya. Ngunit mukhang hindi siya swerte ngayon dahil kahit piso ay hindi man lang nagpakita. 

Sinubukan niyang manlimos pero hindi pa siya nakakalapit sa mga tao ay lumalayo na sila agad. Lahat sila ay nagmamadali sa paglakad para makauwi at hindi mabasa ng ulan, ang iba naman ay simpleng nandidiri lamang. 

"A-ate, pwede po makahingi ng-" mahina niyang hinatak ang dulo ng damit ng babaeng nakatayo sa labas ng isang establisimyento para makuha ang atensyon nito. 

"Ano, ba?! Putangina naman, huwag ka nga dito! Dudumihan mo pa yung damit ko, eh!" singhal nito kay Atsushi. Mukhang nakulangan pa ito at hinampas niya pa ang bata ng hawak niyang payong bago ito sumakay sa taxi. 

-

Hindi na alam ni Atsushi kung ano nga ba ang tumutulo sa kaniyang mukha habang binabaybay niya ang kalsada na parang isang lasing. Ulan ba? Luha? Dugo dahil sa paghampas sa kaniya? O baka naghalo-halo na? Pero wala siyang pakialam. Mas importante ang makahanap ng pera para sa gamot ni Ryuu. 

Wala na siyang natitirang ibang pwedeng gawin. Kailangan na niyang magnakaw. 

Ngayon lang 'to. Para kay Ryuu. 

Kahit ilang hampas at mura pa ay titiisin niya. Si Ryuu lang tanging meron siya at siya lang din ang meron si Ryuu. Kailangan nila ang isa't-isa. 

Tinalasan niya ang kaniyang mga mata. 

Isang matandang lalaking may abong buhok malapit sa eskinita na may trapal ang nakakuha ng kaniyang atensyon. Ang kaniyang ulo ay nakapatong sa lamesa kasama ang ilang boteng gin.Nakatulog ata ito habang nakaupo dahil sa kalasingan. Napansin niya rin ang tatlong peklat sa kanang mukha ng lalake pero ang mas napansin niya ay ang perang papel na nakalabas sa bulsa ng kaniyang pantalon. 

Bughaw ang kulay nito at sa pagkakaalam ni Atsushi, malaki ang halaga no'n. Tumingin-tingin siya sa paligid at lahat ay abala sa pagpara ng sasakyan o kaya ay naghahanap ng masisilungan. 

Huminga siya nang malalim. Matulin, pero maingat na hinugot niya ang pera para hindi magising ang lalake. Napuno ng pag-asa ang kaniyang mata nang matagumpay na nakuha ito. Tumalikod siya agad at akmang tatakbo na palayo nang biglang may humawak sa kwelyo ng kaniyang damit. 

"At saan ka pupunta?" kasabay ng tanong ay ang malakas na pagkulog.

Tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ni Atsushi sa takot dahil sa boses ng lalake. Umalingawngaw ito sa kaniyang tenga kasabay ng takot na unti-unting bumabalot sa kaniyang katawan. Sapilitang hinarap ng lalake si Atsushi sa kaniya. 

"Pa-pasensiya na po. I-ito po ibabalik ko na p-po." pakiusap ni Atsushi sa garalgal na boses dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniyang kwelyo. 

Sinuri naman ng matanda ang bata habang pinaglalaruan ng kabilang kamay niya ang kaniyang bigote at wari'y nag-iisip. Ngumisi ito. 

Ngisi ng isang diyablong nakahuli ng kaluluwang kaniyang malalamon.

Inabot ni Atsushi ang pera na nasa kaniyang mga kamay. "B-bitawan niyo na po a-ako." 

Hindi niya pinakawalan ang bata pero niluwagan niya ang pagkakahawak sa kwelyo nito para makahinga ito nang maayos. 

Hinablot ng matanda ang pera. "Gusto mo sa'yo na lang 'to?" winagayway niya ang pera sa mukha ni Atsushi.

Mabilis naman itong tumango nang walang pag-aalinlangan. 

Ngumisi ang matanda. "Sige. Basta makipag-laro ka muna sa'kin." 

Makipaglaro? Magaling si Atsushi dito dahil lagi silang nakikipaglaro ni Ryuu kasama ng mga ibang bata. Minsan nga, siya pa ang nagiging taya para kay Ryuu kung hinihingal na siya.

"Sige po." nakangiting sagot niya.

Hindi niya inaasahan na kahit matanda na ito ay mahilig pa rin siya sa mga ganoong bagay.  Mabait naman pala siya at mapagbigay.

Sa wakas! Magkakaroon na siya ng pambili!

Dinala siya ng matanda sa sulok ng madilim na eskinitang hindi makikita sa labas, maliban na lamang kung papasok ka rin doon. Hindi na makapag-antay si Atsushi. Nangangalay na ang kaniyang baba kakangiti habang iniisip ang iba pa niyang pwedeng mabili sa sobrang pera.

"Ang kailangan mo lang gawin ay 'wag gumawa ng ingay. Kapag nag-ingay ka, taya ka na." Itinaas ng matanda ang kaniyang daliri kung saan naka-sipit ang isang libo. "Hindi mo na makukuha 'to." 

Masayang tumango naman si Atsushi habang hinihiga siya ng matanda sa basang semento ng eskinita. 

Ang saya na iyon ay napalitan ng takot nang hinubad ng lalake ang kakarampot na saplot ni Atsushi at tinapon sa isang sulok nang walang pag-aalinlangan, kagaya nang paghubad sa kaniyang natitirang kamusmusan sa mundo. 

Bawal siya mag-ingay.

Pinaulanan siya nito ng mga nakakadiring halik kasabay nang pag-ulan ng mga luha galing sa kaniyang mga mata. 

Bawal siya mag-ingay.

Gusto nang kumawala ni Atsushi sa mga malalaking bisig na tila mga baging na pinoposas siya sa lupa. 

Gusto niyang sumigaw pero tila lahat ng lakas niya ay inihip ng hangin papunta sa kawalan. 

Bawal akong mag-ingay. Ayokong maging taya. 

Ginamit ng matanda ang kaniyang murang katawan sa mga bagay na hindi niya alam ay posible. Wala siyang alam patungkol dito at mas pipiliin na lang niyang na manatiling mangmang. Ang tanging alam niya lang ay sakit na nararamdaman niya.

Ang bawat pag-ungol ng matanda ay sinasabayan ng mahinang paghikbi ni Atsushi.

Bawat galaw. 

Para kay Ryuu. 

Bawat ulos. 

Para kay Ryuu. 

Bawat haplos. 

Para kay Ryuu. 

Bawat lumalagablab na sakit na sumusunog sa kaniyang katawan.

Para kay Ryuu.

Pagkatapos ng ilang minutong langit para sa matanda ngunit walang-hanggang impyerno kay Atsushi, iniwan siya nitong tulala, nanginginig, at hubo't-hubad pagkatapos ihagis ang lukot na isang libo sa kaniya.

Tumila na ang ulan. 

Hindi niya alam kung ilang minuto- oras na siyang nakatingin sa pader at nakikinig sa mahinang tunog ng mga sasakyan sa hindi kalayuan. Hindi niya maintindihan paano siya namamanhid kung ang buong katawan niya ay kumikirot. Siguro ay pinili niya lamang na hindi makaramdam. Siguro ay pinili niya lamang lunukin ang mga hikbi at pigilin ang mga luha niya.

Inabot ng mga nanginginig niyang daliri ang pera sa di kalayuan. 

Ngumiti siya. "Ryuu... makakabalik na ako."  

Dinampot at sinuot niya ang kaniyang mamasa-masang mga damit. Pinilit niyang maglakad kahit tila kinukuryente ang kaniyang katawan sa bawat pagyapak niya.  Kumakalam din ang kaniyang tiyan at tila mawawalan na siya ng malay. 

Pero lalaban niya 'to.

Para kay Ryuu,kahit pa si Kamatayan,dadayain ko. 

Nang lumabas siya sa eskinita ay wala na ang matanda. Ang mga naiwan lamang ay mga bote ng gin na nagpapaalalang hindi panaginip lahat ng nangyari. 

Malalim na rin ang gabi taliwas noong umalis siya na palubog pa lamang ang araw. Ilang oras na ba siyang nawala? Kailangan na niyang bilisan.

Naghanap siya ng botika at bumili ng gamot. Dinamihan niya ito at hindi na siya nag abalang bilangin ang sukli niya. 

Tinulinan niya ang kaniyang paglalakad hanggang sa naagaw ang kaniyang atensiyon ng isang pamilyar na tatak. Isang bubuyog na nakangiti at katabi nito ay mga maliwanag na mga letrang mababasa bilang "Happy Bee".  

Sa labas ay may mga karatulang puno ng mga larawan ng pritong manok. Naalala niya na ganoon ang nasa patalastas na pinanood nila ni Ryuu. Sigurado siyang magugustuhan niya ito kaya't pumasok siya sa loob ng establisimyento. Akmang pipigilan pa sana siya ng gwardiya sa pagpasok dahil akala niya ay mang-aabala ito ng mga mamimimili hanggang sa nilabas niya ang pera niyang nasa bulsa. 

Pumila si Atsushi kagaya nang ginagawa ng mga ibang tao. Tama nga, sa amoy pa lang ng pagkain na bumabalot sa paligid ay tila nawala na lahat ng gutom niya.

10:05 pm ang mababasa mula sa malawak na digital clock sa loob. Limang oras na pala simula nung umalis siya.

"Good evening,Sir? What's your order?"  tanong ng babae sa kaniya. Hindi maintidihan ni Atsushi ang sinabi ng babae kaya't naisipan niyang ituro na lamang ang gusto niyang bilhin. Mabuti naman at naintidihan niya ito kaya nakabili si Atsushi nang walang problema. May kasama rin pala itong inumin. 

Sabik na sabik na si Atsushi na ipakita kay Ryuu ang mga dala-dala niya, kulang na lamang ay tumakbo siya nang mabilis pero baka matapon pa ang mga ito. Masakit din kasi ang kaniyang pang-ibaba pero wala na siyang pakialam doon. 

Hingal na hingal siya nang makarating sa ilalim ng footbridge at nakita niyang nakahiga pa rin si Ryuu at mahimbing na natutulog.

Nilapag niya ang mga pinamili niya sa tuyong karton, binuksan niya ito at inayos. Pinuno nang nakakakatakam na halimuyak ng manok ang ilong ni Atsushi at napangiti siya. Ginising niya ang kasamang bata para kumain at painumin na rin ito ng gamot. 

"Ryuu..." mahinang bulong niya para hindi ito magulat. Hinaplos niya ang maputla nitong pisngi. "Ryuu, gising na." 

Katahimikan. 

Mukhang napahimbing ang tulog niya. 

"Ryuu, bumili ako nong prayd tsiken, yung nakita natin don sa patalastas nakaraang araw." sambit ni Atsushi at marahang tinapik ang balikat niya. "Gusto mo yun diba?" 

"Ryuu..." nilakasan na niya ang boses niya at mahinang niyugyog ang balikat ng bata. "Uyyy, gising ka na. Kain na tayo." 

Katahimikan ulit. 

"R-ryuu?" malakas ang kabog ng dibdib ni Atsushi sa bawat segundong lumilipas na hindi siya nito sinasagot. "Tama na sa pagbibiro, 'di na ako natutuwa." 

Inaasahan niya na ngingiti si Ryuu dahil nabisto na naman niya itong nagtutulog-tulugan. Ngunit wala. Nanatiling tuwid ang tuyo at mapusyaw nitong labi na may bakas pa ng dugo mula kanina. 

"Ryuu." pagtawag niya ulit. Pero ni isang tunog ay walang lumabas galing sa kaniya.

Mas lalong lumakas ang pagkabog ng kaniyang dibdid. Pakiramdam niya ay tatalon na ito mula sa kaniyang lalamunan sa kaba dahil ni isang tunog ay walang lumabas galing kay Ryuu.

Nag-aalinlangang nilapat ni Atsushi ang kaniyang nanginginig na daliri sa leeg ni Ryuu para hanapin ang pulso nito. Ngunit wala.

Baka hindi ko lang mahanap, minsan daw talaga hindi 'yon mahahanap agad.

Nilipat niya ang kaniyang nanlalamig na daliri sa taas ng labi ni Ryuu para pakiramdaman ang hanging binubuga nito. Pero wala. 

Sus, pinipigilan niya lang huminga para utuin ako.

Nararamdaman na ni Atsushi ang pag-init ng dulo ng kaniyang mga mata dahil sa mga luhang bumabadya nang pumatak. Inuuto lang ba talaga siya ni Ryuu o siya ang umuuto sa sarili niya?

Dahan-dahan niyang binaba ang kaniyang ulo at inangulo ang kaniyang tenga sa dibdib ni Ryuu. Siguro naman ay wala itong kakayahan na manipulahin ang galaw ng kaniyang puso, ano?

Pero bakit napakatahimik at payapa nito? Bakit ni isang tibok ay wala siyang marinig? 

Nanatili siya sa ganoong posisyon at hinayaang dumaloy nang malaya ang kaniyang mga luha habang nakikinig sa katahimikang tinutugtog ng puso ni Ryuu.

Ayaw niyang gawin iyon dahil natatakot siyang makumpirma nito ang kanyang hinala. 

"Ryuu!" pagpalahaw ni Atsushi nang mapagtantong tama nga siya. Nangyari na ang pinakakinakatakutan niya. 

Inangat niya ang katawan -bangkay ni Ryuu para yakapin ito. Nasagi niya ang mga pasalubong niya sana para sa kaniya pero hindi na niya ito pinansin. Ang tanging nagawa niya lamang ay humagulgol habang mahigpit na hinahawakan si Ryuu sa kaniyang mga bisig. 

"S-sabi mo... aantayin mo... ako." pilit niyang nilabas ang mga salita sa kabila ng sakit na nararamdaman sa lalamunan dahil sa paghikbi. "Binilhan... k-kita... nung gusto...mo."

"G-gising... gumising ka... na." 

Wari'y lahat ng kirot sa kaniyang katawan ay naging-isa at lumipat sa kaniyang dibdib at unti-unti siyang pinupunit ng buhay.

"B-bakit... hindi m-mo 'ko... inantay?" tanong niya kahit alam niyang wala siyang sagot na matatanggap. "Ryu, b-bakit mo... ko iniwan?"

Habang abala si Atsushi sa pag-iyak, hindi niya namalayan na may isang paru-paro na lumilipad sa paligid nilang dalawa. Sa bawat pagaspas ng pakpak nito, may nahuhulog na mga puting pulbo na marahil ay galing sa bulaklak na kaniyang binisita.

 

Dalawang pangako ang napako sa araw na iyon, pero isang hiling naman ang natupad. 

 

Hindi nakabalik agad si Atsushi.

Hindi siya naantay ni Ryuu.

Pero natupad naman ang hiling ni Ryuu na maging malaya.

Malaya na siya, mas malaya pa sa mga ibon. Malaya na sa mundong puno ng sakit, puno ng kasakiman. Mundong inaalipusta ang mga tulad nila. Mundong pinamamahayan ng mga taong mapansamantala. 

 

Si Atsushi, kailan kaya siya makakalaya? Kamatayan lang din ba ang tanging labas niya?


 

Notes:

I originally just wanted to write about them eating Pagpag bcs of this documentary , but it doesn't hurt me enough and I need more angst to properly marinate them, so here I am.

natatawa ako sa Happy Bee pero mas okay na 'yan kaysa sa McDon't😭

Series this work belongs to: