Actions

Work Header

maynila

Summary:

“dinala mo pa ‘to?” hawak hawak ni mark ngayon ang isang sea shell na halos kasing laki ng kamay niya. it was his first gift kay haechan nung first anniversary nila.

“yep, nakakamiss naman talaga yung dagat.” sagot ni haechan.

“yung dagat lang?”

“ikaw at ang dagat ok na? every time na naho-home sick ako, i’ll just listen to the sound inside the sea shell tapos ayon it feels like i’m home, na nasa tabi kita. sa dagat ang best memories natin remember? and i think you’re part of the ocean, surfer kita diba?” mark hugged haechan. they stayed the same for a while, and at that exact moment, haechan knows he’s home.

“akala ko shokoy,” napahiwalay naman si haechan's sa yakap ni mark at tumawa ng malakas.

“funny ka na nyan?”

 

or a markhyuck probinsyano au kung saan pinasyal ni haechan si mark sa siyudad.

Notes:

haha ayon domestic markhyuck for today’s video emz enjoy reading!

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: tara na’t magpunta sa maynila!

Summary:

unang araw.

Chapter Text

simple lang ang naging lovestory ni haechan at mark. simula pagkabata ay hindi na sila mapaghiwalay sa isa’t isa, they were childhood best friends turned lovers. si haechan ang unang naglakas-loob umamin kay mark, he was so confident that the feeling is mutual and when he finally did confess his feelings, walang rejection na naganap. tanging ‘ gusto rin kita, haechan at isang matamis na halik ang natanggap niya mula kay kay mark.

 

 

pareho silang laking probinsya, malayo sa mausok na lugar ng maynila kung nasaan si haechan ngayon. mag-iisang taon na siya sa maynila upang mag-aral ng kolehiyo habang naiwan naman si mark sa probinsya upang tuparin ang sarili nitong pangarap, ang makapagtayo ng isang surfing camp. mark really loves the waves, surfing is his passion kaya paano niya iiwan ang dagat na kinalakhan niya simula pagkabata?

 

 

they both have dreams, magkaiba nga lang ng lugar, ng proseso, and they both understood. maybe in the future, magkakaroon ng problema tungkol sa mga pangarap nila. but what’s important is the present, ngayon na mahal nila ang isa’t isa. susubukan. wala naman silang choice diba? they will make this work, lagi naman.

 

 

“maki! bilisan mo na! maiiwan tayo ng bus!” sigaw ni haechan sa tapat ng bahay nila mark. nakasakay siya sa isang tricycle na personal na inarkila ng nanay niya. maya maya pa ay lumabas na si mark kasama ang mga magulang niyang walang tigil sa pag-iyak na tila ba hindi na babalik ang kanilang anak.

 

 

“inay naman, isosoli ko naman sa inyo si mark sa isang linggo!” nakangising sabi ni haechan sa nanay ni mark. nilapitan naman siya nito at niyakap. matagal na nilang pina-plano ang pagbisita ni mark sa siyudad, haechan is persistent with the idea. gusto niyang ipakita kay mark ang bagong mundong ginagalawan niya na hamak ang layo sa mundong pareho nilang ginagalawan noon.

 

 

“nako donghyuck anak, alam kong matalino kang bata ka, mag-iingat kayo do’n at huwag mong papabayaan ‘tong anak ko na ‘to at baka makuha ng puting van, akaw! balita ko maraming snatcher sa maynila, yung mga gamit niy-“

 

 

“‘nay naman! maiiwan na kami ng bus! una na kami ‘nay, ‘tay!” hinila na ni mark si haechan upang sumakay sa tricycle na maghahatid sa kanila sa terminal.

 

 

“mag-iingat po kami ‘nay! ‘di ko iwawala ‘tong katipan ko na ‘to!”

 

 

unti-unti nang sumisikat ang araw at kasabay nito ang walang tigil na pagkaway ng dalawang binata sa mga magulang ni mark habang paliit ng paliit ang pigura ng mga ito.

 

 

 

 

hindi gaanong mahaba ang pila nang makarating sila sa terminal ng bus papuntang maynila. hindi man gano’n karami ang tao pero ang bagahe! ang dami! puno na ng kung ano-anong gamit ang taas ng bus, mapa gulay, kahoy, furnitures, maski manok! napangiti naman si haechan, ito talaga ang buhay probinsya.

 

 

“snacks haech? meds mo nandyan na? tubig?” tanong ni mark nang makasakay na sila ng bus. obviously sa may tapat ng bintana si haechan, the reason being is he gets dizzy easily. kahit ilang beses nang buma-biyahe si haechan sa probinsya, hindi pa rin siya masanay-sanay sa apat oras na biyahe pababa ng bundok. take note, ordinary lang ‘din ang bus na sinasakyan nila ngayon, meaning, hindi air-conditioned.

 

 

“dito na lahat, bilhan mo na lang ako ng itlog pugo ‘pag may umakyat oki?” haechan leaned his head on mark’s shoulder. oras na para matulog, dahil mahaba-haba pa ang babagtasin ng kanilang bus, sleeping is the only way to prevent dizziness. mark patted haechan’s head and smiled, my sunshine.

 

 

 

 

ngayon, lilipat naman sila ng bus na diretso na papuntang maynila. it’s haechan’s time to shine, hindi na siya mahihilo, finally. wala ng paikot-ikot, baba at taas na daan katulad sa bundok. when they’re finally settled in their seats, mark started nagging.

 

 

“tapos ka na matulog? sleepyhead! ginigising kita kanina para makita mo yung dam. tapos yung itlog na pinabili mo, nandyan sa bulsa nung bag mo. may nakalimutan ka pang isa ay.” pagsesermon ni mark kay haechan. nanatili namang nag-iisip si haechan causing mark to flick his forehead.

 

 

“aray! nananakit ka na ha!” he dramatically exclaimed. mahina lang naman ang pitik ni mark, sadyang oa lang talaga si haechan. lee donghyuck, the epitome of dramatic, naaalala niyang sabi ni renjun noon.

 

 

“oa neto! jaemin? renjun? ring a bell?” dahil dito, napatakip na lang ng bibig si haechan.

 

 

“hala yung buko pie! gg ako sa dalawang ‘yon maki balik na tayo kila inay please.” dito na nga napansin ni mark na nakahawak pa rin si haechan sa noo niya, he felt guilty. mukhang nalakas nga ang pagpitik niya sa kasintahan.

 

 

“don’t worry, bumili na ‘ko kanina sa bus stop. masakit pa rin ba?” mark removed heachan’s hands on his forehead para makita kung ano na ang nangyari sa noo nito.

 

 

“you’re a life saver maki! eto? kiss mo na lang ‘to.” haechan said while pointing to his forehead.

 

 

“mukhang wala naman, di naman namumula ay.” pabirong sabi ni mark and haechan pouted. tumawa lang si mark then he proceeded to kiss haechan’s forehead.

 

 

 

 

“dito maki yung bahay na pula!” pagturo ni haechan sa isang bahay na may pulang bubong. nasa bus pa rin sila at kanina pa nagtuturo si haechan ng kung ano-anong landmark sa bintana para ipakita kay mark.

 

 

“ok kulay pula nga siya.” sarcastic na sagot ni mark.

 

 

“eto ang plot twist, haunted house yan! na-feature na yan sa jessica soho, diba fan ka non? nung paranormal expert?” natawa na lang si mark sa sinabi ni haechan. watching jessica soho every sunday has become their daily routine simula ng umalis si haechan para mag-aral sa maynila. and every time there is a horror segment and ed caluag is invited, mark will always mimic his expressions and they will both start laughing like it’s the end of the world.

 

 

“hindi ako naparito para makipag-away.” paggaya ni mark at hindi na nga napigilan ni haechan na tumawa ng malakas, tiningnan naman sila ng masama ng konduktor.

 

 

 

 

nakarating na nga sila sa maynila. isang sakay na lang, isang jeep at makakarating na sila sa apartment nila haechan.

 

 

“ngayon sasakay na tayo ng taxi! lrt sana kaya lang madami tayong dala mahirap umakyat baba.” tumango naman si mark at hinawakan ang kamay ni haechan. napansin ito ni haechan at tiningnang mabuti si mark. the truth is mark rarely initiates skinship, si haechan lagi nagfi-first move pero hindi mo naman masisisi si mark, ilang months niya ding hindi nakasama si haechan, kaya sinusulit na din niya.

 

 

“baka mawala ako.” mark said, when in reality, gusto lang niya hawakan ang kamay ng kasintahan.

 

 

“mga galawan mo mark lee ha.” piniga naman si haechan ang kamay ni mark and smiled, we will make the best out of this week.

 

 

 

 

hindi naman inexpect ni mark na sa lahat ng maiiwan ni haechan sa probinsya, yung susi pa ng apartment nila! kaya nasa may tapat sila ng pinto ng apartment habang tinatawagan ni haechan si renjun, ang best friend slash roommate niya.

 

 

“junnie! please parang awa save me!” napailing na lang si mark sa dramatic niyang boyfriend.

 

 

“so kasi naiwan ko yung susi sa probinsya eh wala din dito si jaemin, walang sumasagot eh. ha? anong kunin ko sa probinsya? napakapangit ng ugali mo!-oo kasama ko si mark! geh! anong geh! huang ren- binaba ni haechan ang kanyang cellphone at hinarap si mark.

 

 

“maki ibigay mo sakin yung buko pie ni renjun, susunugin ko, ipapakain ko yung abo sa kanya-“ naputol ulit ang sasabihin ni haechan nang may tinuro si mark sa may likod nito.

 

 

“anong abo? nag-take out lang ako sa jollibee.” tumalikod si haechan at hinarap ang isang na jaemin na may hawak ng isang bucket ng chickenjoy at sangkatutak na packs ng kanin.

 

 

“jaemin huhu ang pangit ng ugali ni renjun ba’t mo ba naging jowa ‘yon, kampon ni sa-“ this time bumukas naman ang pinto at bumungad ang isang huang renjun na bagong gising.

 

 

“kampon nino?” tanong ni renjun at hinila na sa tenga si haechan papasok, hindi na niya napansin si mark na nakatayo katabi ni jaemin.

 

 

“pasok ka mark, ganyan talaga sila.” nakangiting sabi ni jaemin kay mark at pumasok na silang dalawa, naging backround noise naman ang bickering ni renjun at haechan, kesyo bakit hindi sila pinagbuksan, kampon nino, hmm, mukhang tolerable naman si jaemin.

 

 

 

 

“so anong gagawin natin for the rest of this day?” tanong ni mark kay haechan. kakatapos lang nila kumain ng lunch at nasa kwarto na sila ni haechan ngayon. mark is observing his boyfriend’s room at napapangiti na lang siya every time na may makikita siyang picture nilang dalawa either sa study table ni haechan o sa mga pader na pumapalibot sa kwarto nito. he also didn’t fail to notice his jacket na naka-hang sa sabitan ni haechan ng mga damit. and oh.

 

 

“dinala mo pa ‘to?” hawak hawak ni mark ngayon ang isang sea shell na halos kasing laki ng kamay niya. it was his first gift kay haechan nung first anniversary nila.

 

 

“yep, nakakamiss naman talaga yung dagat.” sagot ni haechan.

 

 

“yung dagat lang?”

 

 

“ikaw at ang dagat ok na? every time na naho-home sick ako, i’ll just listen to the sound inside the sea shell tapos ayon it feels like i’m home, na nasa tabi kita. sa dagat ang best memories natin remember? and i think you’re part of the ocean, surfer kita diba?” mark hugged haechan. they stayed the same for a while, and at that exact moment, haechan knows he’s home.

 

 

“akala ko shokoy,” napahiwalay naman si haechan sa yakap ni mark at tumawa ng malakas.

 

 

“funny ka na nyan?”

 

 

 

 

gabi na at nasa samgyupsalan silang dalawa kasama si renjun at jaemin. si jaemin ang in charge na magluto since first time din ni mark sa ganitong kainan. wala naman silang aasahan kay renjun at haechan.

 

 

sa maikling panahon nilang magkakasama, nalaman ni mark na accountancy din ang kinukuha ni jaemin katulad kay haechan at journalism naman ang kay renjun. another tmi according to haechan is that he played cupid to get the two together.

 

 

“diba nakwento ko na ‘to sayo before maki, tsundere yang si renjun tapos torpe naman si jaemin. diba match made in heaven!” tumawa naman si haechan habang tinitigan lang siya ng masama ni renjun at jaemin.

 

 

“tapos may time pa non na umiiyak si renjun tapos ‘eh mahal ko naman talaga si jaemin!’” umakto pa si haechan na umiiyak at nagpapahid ng luha, hinampas naman siya ni renjun sa braso. “nakikinig lang pala si jaemin sa likod ni renjun. tas AAAAAAA si jaemin naman ‘mahal din naman kita.’ tas ayun the end. corny nila ‘no?” he acted like he’s vomiting para maasar lalo si renjun. nakatikim ulit siya ng hampas sa braso, si jaemin naman nakangiti lang habang nagluluto, maybe he’s reminiscing the memory.

 

 

“bakit ba hindi ka nag-performing arts? dinaig mo pa si ruffa mae sa pagka-dramatic! mark alam mo ba dati nung second sem may pumoporma dyan kay donghyuck, jeno lee pangalan, search mo sa facebook ang gwapo.” sumbong ni renjun kay mark while he sticks out his tongue to haechan. nginitian naman ni haechan pabalik si renjun na para bang may pina-planong kakaiba.

 

 

“jeno’s a good guy, kinausap ko lang ng isang beses sumunod naman agad. maybe he had pure intentions kay haechan kaya nung nalaman niyang may boyfriend, nagback-off agad.” this time tiningnan naman ni haechan si renjun ng nakakaasar.

 

 

“edi kayo na! jaemin uwi na tayo! panget ka-bonding ‘tong dalawa na ‘to!” tinawanan lang ng tatlo ang sulky na si renjun.

 

 

 

 

“pagod?” nakahiga na sila sa kama ni haechan. medyo maliit ang kama para sa kanilang dalawa kaya nakaunan si haechan sa braso ni mark habang nakayakap siya dito.

 

 

“yep, kamusta naman? nag-eenjoy ka naman?” tanong ni haechan.

 

 

“hindi ba halata? mas marami pa ata yung tawa ko kanina kaysa sa nakain ko.” haechan snorts. there will never be a boring day with those two around.

 

 

“right. i’m so lucky to have met them. akalain mo yon sa laki ng maynila, si renjun at jaemin pa mapupunta sa’kin. tho they’re disgusting sometimes, they never let me feel that i’m alone in this city, na mayroon akong aasahan, hindi lang yung sarili ko. they are the best company i could ever ask for. syempre bukod sa’yo.” they both looked at the glow in the dark stickers that are pasted in haechan’s ceiling.

 

 

“i’m glad you’re happy with them.”