Work Text:
Renjun Huang, currently 2nd year in Architecture, sa school na madaling makapasok pero di mo sure kung lalabas ka pa ng buhay, in the walled city of Intramuros, Mapua University. Currently nakasimangot at nagmamaktol siya sa likod ng classroom kasi ang aga niyang pumasok tapos absent naman pala ang prof niya sa first subject.
Walang ibang dapat sisihin sa mga pahirap at pasakit niya mula sa unibersidad kundi ang bestfriend niyang maharot a.k.a Haechan Lee, na inaya siya sa Mapua mag-senior high kasi dito mag-aaral ang long time crush niya na jowa na niya ngayon. Thank God dahil kung napunta sa wala ang mga diranas nila ay masasakal niya talaga ito. Pero si Renjun nalang ang naiwan sa Mapua dahil pumasa ang magjowa sa UP Diliman. Ang totoo niyan ay hindi na talaga siya nag-exam dahil medyo na-aattach na rin siya sa university. Pero oo hanggang ngayon sinusumpa niya si Haechan tuwing naiiyak siya sa mga summative assessments at plates na inilalatag sakanila. Kaya pag nagrarant din ito sakanya tungkol sa hirap ng UP ay pinagtatawanan niya ito dahil buti nga sayo . At least di lang siya ang nagsusuffer. Pero kahit na ganon kita pa rin naman niyang masaya ang bestie niya sa UP at parang hindi stress (parang lang) dahil lagi niya nakakadate ang jowa niyang si Mark Lee. Sana all may jowa.
Hindi naman hinihiling ni Renjun na maging mala-Cathy Garcia-Molina movie ang buhay niya, ang gusto niya lang naman mangyari ay makarelate sa mga kantang napapakinggan niya. Gusto niya lang naman malaman ang pakiramdam ng pinipili sa araw-araw. Gusto niya lang naman malaman kung paano yung indak ng puso’y magiging isa.
Nadisrupt naman ang mga tumatakbo sa isip niya nang may biglang umupo sa tabi niya. Hinila pa nito ang upuan at bahagyang hinarap kay Renjun.
“Ang aga natin ngayon ah,” bati sa kanya ni Yangyang, ang seatmate niyang madaldal pero magaling naman sa Math kaya pinagtitiisan niya nalang. Nakangiti pa ito at may hawak pa na iced coffee galing Mcdo.
“Late ka lang, magsesecond period na kaya.” Sagot niya rito habang sinara ang notebook niyang may napakagulong notes for the next subject.
“Ay weh ba?” Tanong nito sabay tumingin sa phone niya. “Shet, Wednesday pala ngayon.”
“Pasalamat ka nalang absent si ma’am, mahigpit pa naman yon sa attendance.”
“Wala namang need ipasa kay sir diba?” Tanong nito sakanya at humigop sa iced coffee niya.
“Next meeting pa naman yung pinapagawa niyang paper.”
“Okay, efas.”
Napairap si Renjun, sanay na siya kay Yangyang kasi kaklase na naman niya yan since grade 11 at sa kasamaang palad seatmate niya rin noon. Lagi siya nitong tinatanong at chinachat tungkol sa mga school works. At si Renjun din madalas magpaalala sa kanya ng mga kailangan ipasa. Actually, okay lang sakanya yun kasi nakikinabang rin naman siya kay Yangyang. Yangyang is actually a huge help kasi Renjun’s doing fine with every subject except Math. And ang seatmate niya? Math genius! Pambato ata ‘yan sa MTAP dati nung grade school siya. The guy helped him and Haechan during the time they were losing their minds over Calculus nung SHS days nila.
“Huy gago, wala na talaga akong magets.”
“Kasalanan mo talaga ‘to, bakit mo kasi ako inaya dito? Punyeta, eto unang bagsak ko sa buong buhay ko!”
“Ba’t ako? Si Mark sisihin mo!”
“Tanga ka, ikaw lang naman sumunod sa kanya! Nasaan siya ngayon ha? Matalino yon diba? Paturo tayo!”
“HUMSS siya! Wala siyang alam lalo sa precal gaga!” Sagot sa kanya ni Haechan kaya napasabunot nalang din siya sa buhok niya sa sobrang frustration.
Wala na talaga silang maintindihan sa Calculus. Minsan iniisip na nga nila na sugo ng demonyo yung mga gumagawa ng quiz nila, lalo na pag-departamental. Nag-iiyakan na sila ni Haechan kasi di na nila alam kung paano nila ‘to aaralin. They barely passed yung unang quiz at kinabukasan may long quiz na naman kaya ‘sinusubukan’ nilang magreview ngayon sa tambayan sa tapat ng gym.
“Uy Haech! Nagrereview din ba kayo?” Bati ng napadaang classmate nila na si Hendery. Kasundo agad ito ni Haechan kasi maingay sila pareho at magka-group na sila sa Oral Comm.
“Oo pero wala talaga kaming maintindihan! Send help! Don Tomas, pray for us!” Madramang sagot ni Haechan at umakto pang nagdadasal ito.
“Tarantado, hindi siya santo!” Binatukan ni Renjun ang kaibigan na ikinatawa rin ng kanilang kaklase bago ito muling magsalita.
“Wala rin akong maitutulong bilang hirap na hirap na din ako pero si Yang, magaling yon sa Math! Sama kayo nagpabook kami ng discussion room, tuturuan niya din ako e.”
Hindi iyon ang una’t huling beses na tinulungan sila ng seatmate niya dahil nagpatuloy yung group study sessions nila tuwing may mga quizzes lalo na pagdating sa Math subjects nila.
Kaya rin siguro siya nagka-slight crush rito, pero hindi iyon ang point! Ang point ay hulog ito ng langit at naisalba nito ang nanganganib na grades ni Renjun at Haechan noon. Tandang tanda pa niya kung gaano sila katagal sa discussion room nung araw na yon at tandang tanda rin niya kung gaano ka-patient si Yangyang sa kanilang tatlo nila Hendery. Sobrang thankful siya sa seatmate niya kasi naipasa niya yung quiz na ‘yon at syempre, yung subject na rin mismo.
“May kasabay ka na ba maglunch?” Tanong ni Yangyang kay Renjun.
“Kakapasok mo lang lunch agad iniisip mo.” Sagot niya rito habang isinusuot niya ang hoodie niya kasi lumalamig na sa pwesto nila. Tapat ba naman sila ng aircon tapos umaandar pa yung electric fan.
“Sunget naman. Gusto ko lang naman kasama maglunch sa labas.”
This is actually their everyday conversation. Okay, aside from being seatmates and classmates nung SHS, naging lunchmates din sila ngayong freshies na sila dahil iniwan nga siya ni Haechan tapos CE naman course ni Hendery.
“Si Hendery?”
“May meeting daw sila groupmates niya.”
“Wala ka bang ibang friends?”
“Ikaw.”
“Friend ba kita?” Pabirong sabi ni Renjun kaya sinamaan siya ng tingin nung isa. Friends naman sila pero yung friendship nila on a classroom level lang ganun. Parang tulungan lang sa acads and constant kwentuhan pero hindi ganun ka-deep.
“Sus ikaw din naman wala kang ibang friend. Ako lang din naman.” Sambit ni Yangyang at ginaya ang pag-irap ni Renjun.
“Kapal pero please tell me na hindi tayo sa J’s maglalunch.”
“Oh no. Gusto ko pa naman sisig nila ngayon.” Sabi ni Yangyang na may halong pang-aasar sa boses.
“Sawa na ko d’on, every week ata tayong nandon. Kumain ka mag-isa mo”
Nagpout naman ang seatmate niya at sakto naman na pumasok na ang prof nila. Mula attendance hanggang sa kalagitnaan ng lecture ay kinakalabit at kinukulit siya ni Yangyang na parang batang nagmamaktol sa nanay, buti nalang talaga at easy easy lang ‘tong subject na ‘to kung hindi sasapakin niya na ‘tong katabi niya.
“Kulet mo ah, ilang beses ka ba inire? Ayoko na nga don.” Sabi ni Renjun para di na manggulo yung isa.
“Sungit naman. Saan mo ba gusto?” Tanong naman ni Yangyang habang patuloy lang siya sa pagsulat ng mga pinagsasabi ng prof nila.
“Ba’t ba kasi kailangan kasama pa ko?”
“Eh ayoko nga kumain ng mag-isa. Ang lungkot kaya.” Pagmamaktol nito kay Renjun kaya napabuntong hininga nalang ang isa.
“Diyan nalang sa walls para may spicy chicken tapos libre mo ko zagu.”
“Oki oki! Gusto ko rin naman ng spicy chicken.”
Mahirap hindian si Yangyang, isa yan sa mga bagay na natutunan ni Renjun sa ilang taong kakilala niya na ito. Kahit sa una ay tumatanggi ang nakakatanda, nag-iiba ang ihip ng hangin at pumapayag nalang siya sa gusto nung isa marahil palagi rin naman siyang pinagbibigyan nito.
♡♡♡
Papasok ngayon si Renjun sa canteen kahit pasado 6AM palang kasi hindi pa bukas classroom nila, hindi niya rin alam kung bakit sobrang aga niya pumasok ngayon kahit 8:30 pa first class nila. Ni isang stall wala pang bukas kaya naisipan nalang niya magbasa ng notes dahil may quiz sila mamaya.
Hindi nagtagal ay giniginaw na siya dahil binuksan na ang aircon sa canteen at nakatapat pa siya sa vent nito. Tsaka niya lang narealize na naiwan niya pala jacket niya sa condo niya at wala na siyang balak bumalik don dahil ayaw na niya lumabas, maglakad, at magakyat-baba pa sa dorm niya.
Nakita naman niya ang seatmate niya na papasok din ng canteen na may dala-dalang supot ng McDo at umiikot ang paningin sa canteen. Ngumiti naman agad ito sa kanya ng makita kung nasaan siya. Kumakaway-kaway pa ito kaya tinaasan niya lang ito ng kilay.
“Good morning naman sayo.” Bati ni Yangyang sakanya habang nilalapag sa upuan ang bag niya.
“Ba’t ang aga mo?” Tanong ni Renjun sa nakababata dahil bihira lang ito pumasok ng ganito kaaga, madalas ay 5 minutes bago magklase ang dating o di naman kaya’y nauuna pa ang professor nila minsan kaysa kay Yangyang.
“Di pa nga ako dapat papasok kaso nakita kita naglalakad nung nasa Mcdo ako kaya pinatake-out ko nalang tas ayon dito nalang ako para may kasama ako habang kumakain.” Ngumiti pa ito sakanya kung kaya’t napailing nalang si Renjun bago bumalik sa binabasa niya.
“Oh, sayo yan.” Inaabutan siya ng kaklase ng isang supot at minove ang isang hot choco papalapit sa kanya.
“Huh?” Sure naman si Renjun na hindi siya nagpabili ngayon kasi hindi naman siya tinext ni Yangyang kanina kung may ipapabili ba siya.
“Kumain ka muna bago magreview. Wala kang matatandaan kung gutom ka.” Tinitingnan lang siya ni Renjun na dahil nalilito siya kung para saan ito. “Libre yan, don’t worry.”
“Okay? Thank you.”
Oo, alam niya na sweet at mabait talaga si Yangyang in nature pero hindi pa rin maiiwasan ang onti-onting pagbilis ng tibok ng puso niya ngayon. Slight crush niya dati pero hindi naman ganito. Kasalanan talaga ni Haechan ‘to. Normalize blaming Haechan for everything.
Upang maalis ang kung ano-anong naiisip niya ay pinagpatuloy nalang niya ang pag-rereview habang kumakain ng libre ni Yangyang. Kahit pa nararamdaman niya ang mga tingin ng nakaupo sa harap niya ay hindi siya nagpapatinag at nagbasa lang.
Malamig na ang mga braso at daliri niya kasi wala nga siyang jacket at naka t-shirt lang siya dahil eto yung mga panahong dinampot lang niya kung ano ang nasa ibabaw ng drawer niya. Pinagwalang-bahala nalang niya ang lamig dahil madami pa siyang kailangan tandaan na formulas.
Nagulat siya dahil may tumama sa mukha niya na malambot at napasigaw sa gulat. Narinig niya ang tawa ng kasama kung kaya’t naiirita niyang inalis ang hoodie na nasa mukha niya.
“Gago ka ba?! Ang aga-aga nangbbwiset ka-“ Galit na sambit ni Renjun habang naka-amba na ibabato ang hoodie pabalik.
“Giniginaw ka kasi, ‘yan isuot mo na.” Ani Yangyang na may ngiti sa labi.
Napahinto ang nakakatanda at tiningnan si Yangyang maigi na para bang tinutubuan ito ng pangalawang ulo. “May putok ka ‘no? Kaya mo ako pinapahiram”
“OA mo, Ren! Makapagbintang ‘to kala mong di giniginaw.”
“K, pag eto may kapalit na di ko kaya ibigay bahala ka diyan ha.”
Nginitian lang siya ni Yangyang habang swinesway pa ang ulo at sumusubo ng fries niya na para bang batang nang-aasar.
♡♡♡
Alaskador si Yangyang, masiyahin, makulit madalas kaya laking gulat nalang ni Renjun ng matagpuan niya ito sa tapat ng 7/11 na humahagulgol. Syempre, hindi naman masamang tao si Renjun kaya ang instinct niya ay lapitan ito at tabihan.
“Huy, bakit? Bumagsak ka ba o ano?” Para hindi awkward sinimulan niya sa the usual tanungan ng Mapuans. Hindi rin siya sigurado kung bakit niya iniisip na awkward pero baka kasi hindi siya sanay na ganito ang nakababata.
Hindi siya pinansin ng nakababata at patuloy lang ito sa pag-iyak. Nilapitan ito ni Renjun para amuyin kung amoy alak ba ito at baka drunk crying lang pero hindi rin naman dahil ang bango pa nga ni Yangyang, amoy baby boy . Nabigla si Renjun sa inisip niya kaya napailing din siya.
“Sige na nga. Iyak ka lang. Pag kailangan mo na ng kausap, nandito lang ako.” Sambit ni Renjun habang sinisimulan ng buksan ang ice pop na binili niya at nginata ito.
Mga ilang minuto ang nakalipas ay tinignan na siya ng katabi kaya napahinto na rin sa pagkain. “Oh ano? Tapos ka na ba umiyak?”
“Penge nga ng ice pop.” Imbis na sagutin ang tanong niya ay nanghingi pa ng ice pop. Talaga naman, Yangyang. Kumuha nalang ang nakakatanda sa paper bag na matutunaw na dahil nabasa na ng moist ng binili niya.
“Bakit yung kulay green? Mas masarap kaya yung red.” Pagrereklamo pa ni Yangyang, medyo namumula pa ang ilong nito dahil sa pag-iyak. Cute .
“Tanga, iisa lang lasa niyan. Okay ka lang ba?”
“Okay lang ako, panget lang ng araw ko talaga.”
“Care to share? If ayaw mo rin ishare, okay lang din.”
“‘Wag na baka pag sinabi ko sayo mainlove ka sakin kasi maiisip mo na ‘wow naiisip rin pala ni Yangyang yun’” Sabi ni Yangyang nang pabiro kung kaya’t may kamay na dumapo sa braso niya. “Aray naman! Totoo siguro na crush mo–”
Sa kagustuhang hindi marinig ang sasabihin ng kasama ay agad na sinalpak ni Renjun ang kinakain niyang ice pop sa bibig nito. Natatawang inalis ni Yangyang gamit ang libreng kamay yung isinubo ng nakatatanda sa bibig niya.
“Sana sinabi mo nalang na indirect kiss pala ang gusto mo.”
Sasagutin pa sana siya ni Renjun ngunit nagring ang phone ni Yangyang at nakisilip pa ang nakatatanda sa kung sino tumatawag.
“Oh ayan chismoso, gusto mo ikaw sumagot?” Nilapit ni Yangyang sa mukha nito yung phone kaya hinampas siya nito.
“Tange mama mo! Sagutin mo!”
Hindi rin nila alam kung paano sila napunta sa plaza sa tapat ng Manila Cathedral, may hawak na tig-isang can ng beer habang nakatingin lang sa kawalan. Binabalot sila ng katahimikan kasabay nang pagdampi sa kanilang mga balat ang malamig na simoy ng hangin.
“Renj, thank you.” Sambit ni Yangyang kaya napalingon si Renjun sa kanya pero nanatiling nakatingin ang nakababata sa malayo marahil nahihiya rin siya ngayon.
“Para saan?” Tanong ni Renjun bago siya umusog ng kaunti papalapit sa tabi ni Yangyang.
“Sa lahat. Sa pagsama sakin maglunch, sa pagsagot ng mga tanong ko, at sa pag-remind din sakin ng mga kailangan gawin. Thank you for making life easier. Pwede ba akong magrant sayo?” Tanong ni Yangyang at humarap sa kasama na may maliit na ngiti.
Nakatingin din sa kanya ang nakakatanda at tumango ito sakanya kaya huminga muna siya ng malalim bago magsalita muli.
“I’ll be honest na, at first hindi ko naman talaga gusto mag-arki, I’m just forced to be here kaya the pressure I felt during the first year kasi kailangan ko maging magaling. Tas ngayon naman, gusto ng dad ko na ituloy ko pag-aaral ko with him abroad. I don’t want to leave kasi ayoko iwan si mama dito mag-isa.”
“Then don’t leave. You decide kung anong mangyayari sa buhay mo, they can convince you all they want pero it would be you who makes that final decision.” Seryosong sabi ni Renjun.
“Yep, sinabi ko na kanina sa dad ko na ayoko talaga umalis ng Pinas. Tsaka wala naman sa London crush ko, bakit ako pupunta ‘don diba?” Pagbibiro ni Yangyang.
“May crush ka? Ikaw? Weh?” Di makapaniwalang tanong ni Renjun. Paano naman siya maniniwala eh parang masyado silang busy sa requirements tapos kung may kasama man ito ay either siya o si Hendery? Baka nga hindi talaga sila ganon kaclose. Kaya hindi mapagkakaila ang katiting na kirot sa puso niya.
“Hindi ba obvious?” Uminom si Yangyang sa can ng beer niya at biglang tumunog ang kampana ng simbahan kasabay ng kanyang paglagok kung kaya’t natawa siya ng malakas at medyo nabuga pa niya ng onti ang alak.
“Kadiri! Ano ba yan, Yang!” Tinulak pa niya ang nakababata na tawa pa rin ng tawa.
“Ba’t daw tayo umiinom sa tapat ng simbahan? Gagalit tuloy si Lord.” Nakuha pa nitong magjoke kung kaya’t natawa nalang din si Renjun sa mga nangyayari.
“Siraulo, ikaw nag-aya eh. Tsaka ‘wag mo ibahin usapan, may crush ka? Totoo ba?”
“Hay, ang late mo naman sa balita. Mas alam pa ni Haechan na nasa Katipunan kesa sayo na katabi ko lang naman.” Madramang sambit nito, tiningnan pa si Renjun at nagbuntong hininga.
“Alam ni Haechan? Ang daya! Di mo naman kasi sinasabi sakin.” Pagrereklamo ng maliit sa dalawa.
“Ba’t ko sasabihin sayo? Edi nalaman mo na ikaw yung crush ko.”
♡♡♡
“Aminin mo, aminin mo, Jonas! Ang smooth ko n’on diba? Kinilig ka diba?” Pang-aasar sa kanya ni Yangyang, lumingon ito sa kanya saglit bago muling ituon ang mata sa kalsada dahil siya ang nagmamaneho. Kinukulit na naman siya nito tungkol doon sa nangyari sa plaza dahil kinuwento ni Haechan ang naging reaksyon niya nung umamin ang nakababata sa kanya.
“Ewan ko sayo.”
Kasalukuyang nasa sasakyan sila pauwi sa Nueva Ecija upang magbakasyon saglit sa pamilya ni Renjun doon dahil matagal-tagal na siyang hindi nakauwi rito gawa ng sobrang hectic talaga ng schedule nila. Bakit kasama si Yangyang? Kasi gusto niyang sumama at siya na naman daw ang paboritong anak ni Mama Huang.
“Sungit naman ng bebe ko. Sawa ka na ba sakin?” Pagbibiro pa nito bago kinuha ni ang kamay niya at hinalikan.
“Boang, magdrive ka na diyan.” Nangingiting sambit ni Renjun at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Yangyang na nagpangiti din ng malaki sa nakababata.
Napangiti si Renjun nang makita niya ang kasintahan na nasa kusina at nakikipagkwentuhan sa mama niya habang ito ay nagluluto. Dire-diretso lang ang pagkkwento ni Yangyang tungkol sa bago nilang isda sa condo. Kung hindi pa siya tinanguan ng mama niya ay hindi pa siya mapapansin ng nobyo niya.
“Daldal mo naman, roms.” Umupo si Renjun sa tabi nito at pinulupot ang kanyang braso sa bewang ni Yangyang upang yakapin ito.
“Kinukwento ko lang sila Nemo at Dory kay mama.” Nginitian siya nito kaya’t nag-iwan siya ng maliit na halik sa batok nito.
“Buti pa nga si Yangyang ay nagkukuwento sakin eh yung anak ko kaya, bihira na nga lang ako tawagan hindi pa nagkkwento. Kung hindi pa ko lumuwas noon at hindi ko kayo nakita ay baka wala rin akong kachismisan palagi no, Yang?”
“Oo nga, ma. Wala kang kakwentuhan tungkol kay Ante Rosing hano.”
“Huh? Ba’t kilala mo yung kaaway ni mama nung highschool?”
“Kasi nga nagchichikahan kami palagi, nak. Tumatawag ‘yan madalas upang iupdate ako tungkol sa mga ganap niyo at kami nalang daw magchismisan.”
Humigpit ang yakap ni Renjun kay Yangyang dahil sa mga oras na iyon ay nararamdaman niya ang sarili na mas nahuhulog pa rito. Alam niyang ginagawa iyon ng nakababata para sa kanya at sa mama niya na palagi niyang nakakalimutan replyan o tawagan dahil busy siya magcram ng mga gawain. It’s always Yangyang’s small little ways that made him love the latter.
Matapos ang meryenda ay tumambay sila sa may kubo sa likod ng bahay nila Renjun kung saan makikita mo ang malawak na bukirin at pati na rin ang kalangitan na kulay kahel dahil sa onti-onting paglubog ng araw.
“Yang.” Pagtawag ni Renjun sa kasintahan na nakahiga sa kandungan niya.
“Hmm?”
“Gets ko na kung ano yung sinasabi ng Ben&Ben na puhon sa kanta nila”
“Puhon as in someday?”
“Yup. It made me realize na good things come to those who wait pero it also comes to those who believe na someday they’ll have the best, something greater than they’ve ever asked for. And for me, ikaw yun, Yang. You’re that something greater than I’ve ever asked for.”
Umupo si Yangyang, maluha-luha ang mata. Natawa naman sa Renjun sa itsura nito bago niya ito bigyan ng mabilis na halik sa labi.
“Diba sabi mo noon ‘thank you for making my life easier’? It’s my turn to tell you na thank you for making me feel loved simula pa noon. Tayo na nung narealize ko na simula palang you’re always looking out for me.”
Hindi mabibilang gamit ang mga daliri ni Renjun ang mga bagay na ginawa ni Yangyang para sakanya. Dahil higit pa ito sa higit, kung may sinasabi ang iba na ‘the gift that keeps on giving’ then to Renjun, Yangyang is the embodiment of a love that keeps on loving.
“Parang tanga naman, roms. Nagpapaiyak. Papakasalan mo ba ko ha?”
“Bilis naman neto pero sige ‘pag tumahan ka na.”
Hindi naman hinihiling ni Renjun na maging mala-Cathy Garcia-Molina movie o maging mala-love song ang buhay niya dahil ang meron siya ngayon ay higit pa sa kilig na hatid ng mga pelikulang napapanood at mga musikang pinapakinggan niya.
WAKAS.
