Work Text:
Dalawang buwan nang nililigawan ni Kusuo si Shun at sinubukan naman nilang gawin lowkey, pinilit talaga nila- but y’know how schools are: gossips are like nectar for the hive.
Kakapasok palang ni Shun sa school, literal na naka-lagpas palang siya sa gate ng school nang mapansin niya na may grupo ng magkakaibigan na nagchi-chismisan sa benches malapit sa gate. Okay lang sana na mag-chismisan eh, normal lang naman, pero kasi yung nakaka-conscious is yung fact na nakatingin sila kay Shun habang nag-bubulungan sila sa isa’t-isa.
Gusto ni Shun na lamunin nalang siya ng lupa.
Nadala nalang siya sa katotohanan nang may nag-patong ng kamay sa kanyang balikat at napalingon siya bigla sa gulat, lahat ng problema niya nawala sa isip niya nang makita niya si Kusuo. Ngumiti siya sa lalake, taking his hand and squeezing it.
“Ang aga pa, ha? Andito ka na agad? Usually mga 7:30 ka pa nakaka-dating.” Kusuo says, to the bluenette, intertwining his and Shun’s fingers habang nag-uusap sila at nag-lalakad. Nag-hanap sila ng upuan, at naisipan ni Shun na umupo sa bench that was about 10 feet away sa mga chismosa pero they had a direct view of the two’s PDA.
Lamunin sana kayo ng selos niyo.
“Alam ko, but I wanted to spend more time with you. Hirap naman na kapag nag-uusap tayo mga 30 minutes lang tapos nagmamadali na tayo paakyat papunta sa klase. At least ngayon matagal tayong makaka-pagchismis.” Ang explanation ni Shun, leaning his head sa shoulder ni Kusuo on purpose para mag-selos lalo yung isang babae.
The blue haired one na nakatayo openly scowls, rolling her eyes harshly as she starts blabbering about something but hindi na siya pinansin ni Shun- panalo naman siya eh.
“Shun… sinadya mo ba talaga pumwesto dito dahil sa kanila?” Tanong ni Kusuo, looking down at Shun with an eyebrow raised. The boy just giggles.
“Maybe. Mga chismosa eh- Nakaka-urat isipin na halos araw-araw ako lang pinag-uusapan nila. Hindi ko naman kasalanan na ako pinili mong ligawan eh.” Shun admits, a pout forming on his face as he lets out a sigh before closing his eyes. “Mga delusyonadang bitch.”
Ang lakas ng tawa ni Kusuo, sa sobrang lakas may mga ibon na lumipad bigla dahil nagulat sila sa ingay niya. Hindi ineexpect ni Kusuo na makakapag-sabi ng ganon si Shun dahil most of the time, mabait naman siya at timid by nature; The boy rarely felt selos or anger or annoyance, but maybe the early morning disturbance stirred something sa kalooban niya.
Safe to say, Kusuo found it very attractive.
“Okay, mi azul , suportado ako diyan. Tapangan mo lang mag-ganyan, kasi alam mo naman na lagi kang panalo.” Kusuo says, purposely saying it louder para marinig sila ng mga babae na nasa kabilang bench.
Hindi na nagtagal yung magt-tropa doon bago sila nasobrahan sa irita at lumayas na sa harap ng dalawa.
⨝
October— four months na sa panliligaw ni Kusuo kay Shun at dalawang buwan na ang nakalipas mula sa chismosa incident. Gumanda social life ni Shun organically, something about hanging out with Kusuo brought out an extroverted side na hindi pa nakikita ng classmates niya at they suddenly realized just how cool and quick-witted he can be (Kahit nandoon parin yung hero-complex ng binata, it’s funny now that they finally got to know him better.).
Shun was getting along with the class better and he finally found himself a secure friend group because of it— Aren Kuboyasu, Chiyo Yumehara, at Riki Nendou; The four of them grew close after ng buwan ng wika kasi nadapa si Chiyo habang nagti-tinikling at sinubukan siyang saluhin ni Nendou pero parehas lang silang nalaglag sa sahig kaya ang ending, si Aren at Shun and nagdala sa dalawa sa clinic tas nagchis-misan sila doon at nagkasundo-sundo. #power_of_friendship.
Kusuo’s tropa got acquainted with Shun’s tropa making his group of 4 turn into a group of 7, all bonding closely. The addition of Kineshi Hairo and Reita Toritsuka was funny to see, kasi ang ganda ng dynamic ni Nendou at Kineshi dahil sobra silang competitive sa isa’t-isa tapos si Reita naman ang paboritong i-bully ng group (Chiyo tries to defend him sometimes, pero she can only do so much until Reita digs himself into a hole too deep for Chiyo to fish him out of.).
Yung pitong magka-kaibigan ay napunta sa SM, naisipan nila na dumaan sa Quantum tapos maglaro ng kung ano-ano kasi ayaw pa nila umuwi. Sinamahan lang ni Kusuo at Shun yung iba, sumusunod lang kung saan sila pumupunta at kinakausap nalang ang isa’t-isa bago sila maghiwa-hiwalay.
“Kusuo, tignan mo! Gagi, ang cute…” Shun says suddenly, pointing excitedly at the crane game na may mga stuffed toy na charmander sa loob.
“Oo nga, noh. Gusto mo ba? Panalunin ko para sayo.” Kusuo says, and Shun just rolls his eyes with a laugh. Kusuo raises an eyebrow.
“Rigged mga laro dito. Wag mo na sayangin tokens moooo~” Shun says, laughing as he takes Kusuo’s hand and tries dragging him away from the machine. The pink haired boy doesn’t budge, a determined look on his face.
“Watch me.” Kusuo says with confidence and it makes Shun think that boy has been hanging out with Kineshi too much recently.
In the end, tama si Shun at wala ngang napalanunan si Kusuo at ubos na yung 13 tokens na meron siya. This makes Shun laugh, patting the other boy’s head lightly. “Oks lang yan, Kusuo. Sabi ko sayo wag na, pero anong magagawa ko kung sobrang confident mo? Bawi ka nalang next time, rosas .” He says, comforting the other the best he can.
The two make their way back to their friends, pinapanood nila si Kineshi at Nendou na maglabanan sa air hockey. Nang manalo si Nendou, umawat na yung dalawa at nag-shake hands sila with Kineshi vowing na sa next na laro nila siya naman mananalo. They separate ways after that; Si Aren, Nendou, at Kineshi magkakasabay umuwi tapos si Chiyo at Reita naman magkasama kasi ihahatid ni Reita si Chiyo.
“Uwi ka na ba, Kusuo?” Shun asks, and the pinkette shakes his head.
“Saglit lang, daan muna tayo ng Miniso bago kita ihatid sa sakayan.” He says, at nalito si Shun pero nag-oo nalang siya.
Umuwi si Shun na may yakap na Ice bear plush nung araw na yon.
⨝
6 months in sa pang-liligaw ni Kusuo kay Shun at December na, malapit na ang pasko pero hindi lang yon ang usapan ng buong batch nila- Malapit na ang prom, dalawang buwan nalang at karamihan sa kanila ay naghahanap na ng partner sa prom; Pinagsabihan na sila ng mga teacher nila na kapag hindi pa sila naka-hanap ng partner bago matapos ang taon, ang makaka-partner nila ay mga teacher na ang pipili.
At this point, natanggap na ng karamihan ng mga die-hard fans ni Kusuo na wala na silang chance sa kanya at nag-hanap nalang sila ng ibang tatanungin para sa prom. Si Shun naman, kahit alam niya sa puso niya na siya ang gustong partner ni Kusuo, nac-conscious parin siya dahil may mga ibang babae parin na nagpilit magtanong kay Kusuo.
Kaso mawawala din yung pakirandam na iyon soon enough, hindi nga lang alam ni Shun.
Ang tahimik lang kasi ng Friday na iyon, karamihan ng mga klase nila ay naging free time nalang kasi natapos agad ng mga teacher yung lesson nila the week before kasi sa susunod na linggo ay exams na nila tapos sumunod doon ay Christmas party na. Inaantok na si Shun habang naghihintay ng lunch break nila.
Nang tumunog na ang bell, nagising bigla si Shun sa antok at humikab. Itutuloy na sana niya tulog niya, walang balak kumain ng lunch kasi naubos na niya yung pagkain niya nung pinakaunang free time palang nila; Yun sana plano niya, kaso pinilit siyang tumayo ni Aren at Chiyo.
“Shunnnnnn~ Halika na!! Boring ang lunch pag walang Shun na nang-buburaot ng pagkain samin para masigurado na hindi nilason ng ‘ Dark Reunion ’!” Ang pag kumbinse ni Chiyo sa bluenette, hawak ang kamay niya habang si Aren naman ay tinutulak yung binata.
“Hoy! Ako na nga nag-sisiguradong ligtas kayo tapos ako pa natawag na buraot???” Shun complains, sinusubukan i-alis ang hawak ni Chiyo at ang pagtulak ni Aren sa kanya. Hindi din naman siya effective, mas malakas pa yung dalawa talaga kesa sa kanya (Volleyball athletes things talaga.).
“Sige lang, Shun, basta masaya ka, pre.” Ang sabi ni Aren, tawang-tawa nang nagalit si Shun. Successful ang step 1 ng plano.
Step 2 yung pag-ayos ng classroom ni Shun at hindi sila nahirapan dahil kasabwat nila yung adviser ng klase niya. Araw-araw talaga nagpapasalamat si Kusuo na napaka-open minded ng adviser ni Shun, kasi kung hindi siya ganon edi hirap na hirap sina Kusuo ngayon mag-ayos.
Simple lang naman yung promposal na balak ni Kusuo- nakasulat yung tanong niya sa kartolina na kulay blue at may hawak na anim na Hyacinth kasi alam niya na ito yung paboritong bulaklak ni Shun (anim ang pinili niya kasi anim na buwan na niya nililigawan si Shun.).
Si Aren at Chiyo paakyat na sa stairs, naglalakad sa likod ni Shun. Si Kineshi, Reita, at Nendou ay nakatambay sa hallway, nag-aact as lookout para sa step 3 ng plan: Patayin ang ilaw at maghintay sa cue nila. Nag-signal na si Aren at Chiyo sa tatlo, sinisigurado na hindi nakita ni Shun yung ginagawa nila; Nagulat yung bluenette when he saw na yung mga tropa ni Kusuo ay pumasok sa classroom nila.
“Chiyo, bakit sila pumasok sa room natin? Andun ba si Ku?” Shun asks, turning around para tignan yung dalawa niyang kaibigan, pero parehas lang silang nag-shrug.
“Baka. Pasok na tayo, baka nga andun siya.” Ang sagot ni Aren, nagmadaling pumasok sa classroom ng kasunod si Chiyo sa likod niya at sinaraduhan ng pintuan si Shun harap-harapan.
“Gago ka ba, Aren???” Shun yells out, nagulat na bigla lang siyang iniwan ng mga kaibigan niya. “Chiyo, buksan niyo ito, bwiset!” The bluenette whines, hinahampas yung pintuan ng mahina- ayaw niyang masira kasi eto.
Nang hindi siya pinagbuksan ng pintuan, sumilip siya sa bintana ng pintuan nila pero sa sobrang dilim ng classroom ay wala siyang makita. Lumayo na si Shun sa pintuan na yon at pumunta na sa isa pang pintuan ng classroom nila, nag-dadasal na hindi sana nila ni-lock din.
Step 4: Surprise.
Pagbukas ni Shun ng pintuan, bumukas bigla yung ilaw ng classroom niya at nagulat siya nang makita niya yung kaniyang adviser na may hawak-hawak na kartolina na may nakasulat “ Mi Azul, will you be my prom date? ” at mga classmate niya na may mga hawak na balloon. Natutuwa si Shun, kaso nililibot parin niya ang paningin niya kasi hindi niya mahanap kung nasaan si Kusuo. Nang itatanong palang niya, doon na lumabas si Kusuo galing sa likod ng mga kaklase niya at may hawak na limang bulaklak.
Hyacinth; Ang paborito niya.
“ Mi Azul , Shun, will you-” Napatigil magtanong si Kusuo nang makita niya na umiiyak si Shun. “Shun? Okay ka lang ba? Ayaw mo ba nento? Sorr-” Kusuo went to apologize immediately at yung mga kaklase ni Shun at adviser nila ay pinilit talaga na hindi tumawa sa nangyayari.
“I’m not saying I didn’t like it!” Shun says, letting out a sweet laugh in the midst of his tears at dahan-dahan niyang pinunasan ang luha niya at niyakap si Kusuo. “Syempre naman. Oo, Kusuo, ikaw na ang prom date ko.” He says, yung previous insecurities na nadama niya ay nawala na sa kalooban niya. He knows now na secure na talaga siya.
The class goes wild, cheering for the two and excitedly congratulating both of them for finally getting a partner for prom. Pinakalma sila ng adviser nila habang nir-roll up na niya ang kartolina na hawak-hawak niya kanina. “Shun, ililista ko na si Kusuo as your partner ha?” Their teachers, confirming one last time because kelangan niya i-confirm sa database niya.
The bluenette answers ‘ yes ’, pero hindi lang yon ang gusto niyang sabihan ng oo. Alam na niya gusto niyang isagot kay Kusuo, ang gagawin nalang niya ngayon ay mag set-up ng plan.
⨝
Prom day, January, and 8 months nang nililigawan ni Kusuo si Shun. Hindi alam ni Kusuo na matatapos na ito ngayong araw.
They were in their hotel room that they booked for the prom so they don’t have to travel so late at night just to go home. There were only three of them in the room (Chiyo, Aren, and Shun) sharing, because Nendou and Kineshi decided to skip prom to play around.
“Shun! Gagi, ang gwapo mo naman, pre!” Chiyo compliments Shun pagka-labas niya sa cr ng bihis na at si Aren naman ay pumalakpak din.
“Angas naman~ Ganyan ba pag magkaka-label na?” Ang sabi ni Aren na paasar at parehas silang natawa ni Chiyo nang binelatan sila ni Shun.
But nonetheless, the bluenette smiles, smoothing down any wrinkles on what he’s wearing before turning to the floor length mirror sa room at tinitigan niya ang suot niya ng maigi; A velvet black blazer on top of his light blue dress shirt and pastel pink vest. He looks down at his dress pants and heeled velvet boots na regalo ni Kusuo sa kanya nung Christmas party- at syempre naman hindi nawala ang iconic na bandages niya na naka-balot sa kamay niya, pero ang kulay ng gamit niya ngayon ay pastel pink para matching sila ni Kusuo.
“Gagi, kinakabahan ako.” Shun says, pero Chiyo and Aren comfort him hangga’t sa makakaya nila- alam naman nilang lahat na maganda ang kakalabasan ng gabi eh.
At dito na nagsisimula ang plano ni Shun.
Step 1, directly sa reception ng prom nila ay nagpapatugtog ang DJ ng slow songs at si Shun ay minadali si Kusuo na makipag-sayaw sa kanya.
Kusuo laughs, putting his own blazer back on kasi hinubad niya kanina habang kumakain sila. Yung suot niya ay halos parehas lang kay Shun except naka-invert lang yung kulay ng vest at dress shirt niya: light blue and pastel pink respectively. He also leans down to put his dress shoes back on.
“Rosas… you’re telling me na buong main event nakatanggal yung sapatos mo????” Shun asks in confusion, an amused smile replacing it when Kusuo nods without hesitation.
Dancing with Kusuo is step 2 at sa totoo lang, diversion lang siya kasi need niya ng tulong from Chiyo and Reita (they were partners for prom). Nang makita na niya yung dalawa, he winks at them at ayun na ang cue for step 3: Song request and telling the DJ to bump it up because it’s extra special.
Nakapatong sa bewang ni Shun yung isang kamay ni Kusuo at yung isa ay nakahawak sa free hand ng bluentte as they were dancing, the slow song na tumutugtog kanina ay malapit nang matapos. Tinaas ni Shun and ulo niya mula sa balikat ni Kusuo, giggling when the pink haired teen raises his hand na naka-intertwine with his and twirls him around; Kusuo also lets out a giggle when Shun twirls him around as well. Hindi na namalayan ng dalawa na natapos na yung kanta, but they finally realized it when narinig na nila yung boses ng DJ.
“ Oo by Up Dharma Down, as requested by Shun Kaidou at dedicated sa boyfriend niya: Kusuo Saiki! ”
Muntikan nang madapa si Kusuo sa gulat at bigla siyang napa-yakap kay Shun. “ Thank you . Thank you, mi azul , na pinagkatiwalaan mo ako. Sisiguraduhin ko na hindi ka magsisisi na sinabihan mo ako ng oo.” Halos umiyak na ang binata sa tuwa, yung yakap niya sa bluenette ay humihigpit lang.
Shun is giggling, hugging his boyfriend back while tears build up in his eyes.
Sulit ang walong buwan na paninigurado at ngayon ay meron na silang mahabang kinabukasan na pipiliin ni Shun at Kusuo ang isa’t isa araw-araw; Love is not something guaranteed everyday unless you choose to do so, and that’s what the two promise each other.
