Actions

Work Header

lovestruck

Summary:

the 5 times where mark felt ~ it's gonna be love it's gonna be great it's gonna be more than i can take ~ but turned it down, cause who falls in love with their bestfriend, right? and the 1 time he finally acknowledged ~ it's gonna be you baby it's gonna be me baby it's gonna be love ~

Notes:

hi! thank you na agad for giving this fic a chance. sobrang apaw lang ng kilig ko sa mahae these past few days (kasalanan yata ito ng fyp ko, charot!!) and it resulted to this... short fic. i would also like to mention and give thanks to my unofficial beta readers (and critics): lexa, dia, and pia. labyu three <3

i hope you enjoy this story!

fyi: you will encounter the word karatig in this fic, though it really means "kalapit", but in our city, it is also a type of pampasaherong jeepney na karaniwan is magkakalapit na lugar lang ang route. hence the way it is called "karatig". ayon, baka lang kasi maka-confuse siya hehe <3

again, i hope you enjoy!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

– 1 –

 

mark was almost falling asleep in their english class for the day. mind you, 10 AM pa lang.

 

"the subject in this sentence is -"

 

their teacher was cut off by a knock on the door. it was the department head. tumayo silang lahat to greet her, "good morning, ms. de mesa!"

 

"good morning mga anak, please sit down na." sabi nito habang sumesenyas sa kamay na maupo na sila. "ms. bautista, i am really sorry for the interruption but may i have a quick talk with you?"

 

"sure ma'am. class, huwag maingay ah. d'yan lang kami sa labas." at lumabas na si ms. bautista to talk with ms. de mesa.

 

siya rin namang bulungan ng mga kaklase niya. parang mga bubuyog.

 

"bakit kaya? ano kaya meron?" bulong ng katabi niyang si haechan sa kanya.

 

nagkibit balikat lang sya bilang tugon saka isinandal ang ulo sa balikat ni haechan. "antok ako, chan."

 

tinaas-baba ni haechan ang balikat na sinasandalan ni mark kaya naalog ang ulo nito, "lagi kang antok. nasa klase ka, huy."

 

"tsk." sabi ni mark at yumuko na lang sa armchair nya. "uwi na tayo."

 

"haechan, tingnan mo, parang naguuwian na yung mga taga-ABM." dinig nyang bulong ni jeno kay haechan. agad naman syang napabangon mula sa pagkakayuko at napatingin sa tapat nilang building.

 

"oo nga no?" sabi ni haechan. "okay class." nakabalik na si ms. bautista at nakaalis na si ms. de mesa, kita na rin nila ang paglabas ng ibang estudyante sa same building nila.

 

"we will have to cut this class short. mayroon palang nakaschedule na fogging today. this is really needed since dumarami ang dengue cases in our area."

 

"hm, fogging sa kalagitnaan ng araw? weird." dinig nyang bulong ni haechan habang nagliligpit ng gamit. pero dinedma na iyon ni mark, pasalamat na lang siya dahil makakauwi sila nang maaga for today. gusto niya nang makabawi ng tulog dahil puyat na puyat sila kagabi nina hendery kakalaro ng league of legends.

 

"goodbye class, ingat kayo pauwi."

 

"goodbye, ms. bautista!"

 

sabay sabay silang umuwi nina jeno at kasama rin ang iba nilang kaibigan na iba ang strand. si renjun at jaemin na taga-STEM at pati na rin si chenle at jisung na taga-ABM, pero grade 11 pa lang ang mga ito.

 

mukhang sabay sabay na naglabasan ang mga estudyante sa school nila. "kaloka, sabay sabay lahat mula grade seven. good luck na lang sa atin kung may masakyan tayo." dinig nyang sabi ni renjun habang papalabas sila ng main gate.

 

"oo nga. tapos tingnan mo renj, may sundalo oh. fogging may sundalo?" dinig nyang sagot ni haechan pabalik.

 

“sila yata yung panlaban sa lamok,” biro ni jisung at kinurot naman sya ni chenle. “masakit yon ah!”

 

"haharot! alam niyo ba ang chika?"

 

"anong meron?" singit ni jeno.

 

hinintay ni renjun na makalayo sila nang bahagya mula sa school nila bago sya sumenyas na lumapit sila sa kanya saka bumulong, "may bomb threat daw." at pinakita nito ang kumakalat na picture ng isang text message na naglalaman ng "bomb threat".

 

"gago katakot!" sabi ni jisung.

 

"kaya ayan biglaan tayong pinauwi. dahilan lang nila yung fogging. mukha namang threat lang talaga, safe naman itong school. sana." sabi ni renjun sabay kibit balikat.

 

"mukha naman. hopefully empty threat lang. marami yata kasing galit sa principal natin." input naman ni jaemin.

 

sabay sabay silang naglakad papunta sa sakayan ng jeep na papunta sa talagang terminal ng jeep pauwi direkta sa lugar nila. "ang init, makmak. pahiram ng payong!" sabi ni haechan kay mark.

 

"nandyan sa bag kuhanin mo. basta ikaw maghahawak ha. mangangawit ako."

 

"wag na nga. tinatamad din ako."

 

natawa na lang silang lahat dahil handa silang tiisin ang maglakad sa ilalim ng initan at mag amoy araw kaysa mangawit sa paghawak ng payong.

 

nang makarating sila sa sakayan ay nagkatinginan na lang silang magkakaibigan. "gagi, ang daming pasahero." reklamo ni jaemin.

 

"parang tanga naman kasi yung nag threat na yon, di maisip sabay sabay uwian. ang hirap kaya sumakay!" gatong naman ni chenle.

 

wala silang nagawa kundi ang maghintay at manood sa mga kapwa nilang estudyanteng nag uunahan para makasakay na sa jeep. sinusubukan naman din nilang sumingit kaya lang karaniwan ay tatlo hanggang lima na lang ang bakanteng upuan. ayaw naman nilang maghiwalay na pito.

 

"lakad na lang kaya tayo papuntang robinsons?"

 

nagkatinginan silang lahat sa suhestyon ni jeno. "ako g ako, gusto ko nang makauwi please lang." sagot ni renjun.

 

nag aalangan man si mark dahil sobrang init at ang bilis nyang sakitan ng binti kapag naglalakad nang matagal ay pumayag na rin siya. gusto nya na ring makauwi dahil namimiss na nya ang higaan nya.

 

nagtama ang tingin nila ni haechan, hinihintay yata nito ang sagot nya kaya tinanguan nya ito.

 

"o, halika na!"

 

ang paglalakad nila sa initan ay naging masaya at tila di alintana ang tagal at haba dahil puro sila chismisan, asaran, at tawanan.

 

"sa wakas! nakarating na tayo!" sigaw ni chenle.

 

"touchdown robinsons malolos!" sigaw din ni jaemin at yumuko pa para humawak sa lupa.

 

"siraulo ka jaem! halika na nga. hangga't walang pila sa karatig." saway ni renjun kay jaemin.

 

naglakad na sila para sumakay sa mga nakapilang karatig papunta sa bayan. halos mapuno nila ang isang jeep pagsakay nila kaya di na rin sila natagalang maghintay.

 

pagkaalis ng jeep ay tumingin sa kanya si haechan at piniga ang hita nya, "oks ka lang mak?"

 

tumango sya rito at ngumiti. sa totoo lang ay hindi, masakit ang binti nya pero malapit naman na silang makauwi.

 

pare-pareho silang nakatulog sa maikling biyahe at nagising na lang sa last stop ng biyahe, sa tapat ng simbahan sa bayan nila.

 

pagkababa ay gumilid muna sila, "saan kayo? baka maglibot muna kami ni jaemin sa palengke. maaga pa pala." sabi ni renjun.

 

"magjolibee kami nila kuya jeno saka chenle." sabi ni jisung.

 

"tayo, mak?" tanong ni haechan sa kanya.

 

"ha? ikaw bahala? if gusto mo sumama sa kanila, it's okay. gusto ko na rin umuwi talaga. antok na antok ako." 

 

"o siya, uwi na kami ni makmak. ingat kayo ha! chat chat na lang. see you bukas!"

 

"sige, chan, mak. bye!" paalam ng mga kaibigan nila.

 

"sige chan, sakay na akong tric. lalakad ka na?"

 

"hindi, sasama muna ako sa inyo. patambay muna. ayoko pa umuwi. nagpaalam naman ako kay mama."

 

"okay, tara na."

 

sumakay sila sa tricycle para bumiyahe na direkta kina mark. pagdating ay sinalubong sila ng mama nito na nagwawalis sa harap ng tindahan nila.

 

"o mga anak? ang aga niyo yata?"

 

"may bomb threat daw ma. pero sabi sa amin fogging lang daw." sagot ni mark pagkatapos magmano sa mama niya. nagmano rin si haechan.

 

"patambay po tita. hehe." 

 

"naku, walang problema chan. ikaw pa! o siya kumain na ba kayo?"

 

"okay lang po ma sa kwarto na lang kami kumain?" 

 

"sige anak, dalhin ko na lang doon. iinit ko pa ‘yung ulam."

 

"thank you mama! halika na chan!"

 

nagbihis muna silang dalawa pag akyat sa kwarto ni mark. may iilang damit na rin dito si haechan sa dalas nyang pumupunta rito. nakahiga lang silang dalawa at may sari-sariling mundo nang kumatok ang mama ni mark.

 

"mak, chan! eto na ang tanghalian niyo."

 

si haechan ang nagbukas ng pinto at nagpasok ng mga pagkain nila. "thank you tita! baba ko na lang po ito pagkakain namin."

 

"thank you mama!"

 

pagkakain nila ay ibinaba rin agad ni haechan ang kanilang pinagkainan. at bumalik sila sa kanilang mga pinagkakaabalahan. kanina pa rin pisil nang pisil si mark sa binti niya, kaya hindi talaga s'ya pwede sa mahabang lakaran. ang bilis sumakit ng binti niya.

 

"mak, oks ka lang?"

 

"oo naman chan. bakit?"

 

"kanina mo pa minamasahe binti mo. napagod ka?"

 

"oo yata, sumasakit na kasi e."

 

"teka, masahehin ko. may omega ka?"

 

"omega? sure ka? e ‘di ba ayaw mo nung ganong amoy? saka malagkit ‘yon di ba?"

 

"okay lang ‘yon. pwede naman akong maghugas ng kamay. hala na, nasaan?"

 

"d’yan sa ibabaw ng cabinet ko, chan. salamat."

 

"wala 'to. kawawa ka naman e." sagot nito na tinawanan nilang pareho.

 

saka sya nito pinadapa at naramdaman nya ang maingat nitong pagmasahe sa binti nya gamit ang ointment.

 

maginhawa ang pakiramdam pero mabilis ang tibok ng puso. ayaw ni haechan sa amoy at lagkit ng omega, pero minamasahe nito ang binti nya ngayon gamit ang ointment na ‘yon.

 

grabe yata yung pagod nya sa paglalakad nila, lagpas dalawang oras na ang nakalipas parang hinihingal pa rin sya.

 

– 2 –

 

nakatayo si mark at palipat lipat ang bigat sa dalawang paa habang nakatayo sa sakayan ng jeep. hinihintay niya si haechan. madalas ay nauuna itong dumating sa kanya pero may mga pagkakataon din na siya ang nauuna, kagaya ngayon.

 

magsesend na sana siya ng chat sa kaibigan pero naramdaman nyang may humawak sa balikat niya. “hiningal ako. lintek.” humahangos nitong sabi.

 

“tumakbo ka ba?”

 

“anong oras na kasi. pag inenjoy ko pa yung paglalakad mauubusan tayo jeep.”

 

“sabagay, halika na. magpunas ka nga ng pawis mo. ano ‘yang dala mong paper bag?” tanong ni mark kay haechan habang inaabutan ito ng panyo.

 

saglit na napatitig si haechan sa kanya pero bumitiw din ito agad at kinuha ang inaabot nyang panyo. "thank you, mak." at sumakay na sila sa jeep.

 

pagbaba ay naglakad pa sila papunta sa kanilang mismong eskwelahan. nakita nila na may mga nagtitinda sa main gate ng mga bulaklak at chocolate.

 

"anong meron? may valentine's ba sa july?" dinig ni mark na sabi ng estudyante sa likod nila.

 

"bulaklak kayo dyan o, para sa bestfriend n’yo. o ‘di kaya sa bestfriend na lihim na minamahal. tatlo singkwenta na lang o!" sabi ng nagtitinda sa mga pumapasok na estudyante.

 

natawa na lang si mark at biglang inakbayan si haechan habang papasok sila sa gate, "happy bestfriend's day, haechan!" bati niya rito.

 

"happy bestfriend's day din, makmak!"

 

pagdating ng lunch break ay nagkita kita sila ng mga kaibigan sa canteen para sabay sabay na kumain. 

 

“happy bestfriend’s day, mga gurang!” bati ni jisung sa kanila.

 

“siraulo ‘to e ‘no? teka nga, order lang kami ni jaemin ng food, kayo ba?”

 

“okay na kami, renj. hinihintay na lang namin ‘yung pagkain namin.” sagot ni haechan kay renjun.

 

pagbalik ni renjun at jaemin sa lamesa ay napagpasyahan na nilang magpalitan ng regalo habang naghihintay sa kanilang mga order. oo nga pala, napag usapan nga pala nila ito last month na magexchange gift sa araw na ito. kaya siguro may dalang paper bag si haechan papasok kanina.

 

“sinong mauuna?” tanong ni chenle.

 

“dahil nagtanong ka, ikaw na!” sagot ni haechan. 

 

“okay! here! binilhan ko kayo ng index card set, different sizes ‘yan. 1 pack each size. gamit na gamit ang index card sa atin e.”

 

“uy! sakto! para hindi na manghihingi si mak at chan sa akin!” natatawang sabi ni jeno.

 

“huy kapal ng mukha mo!” patol naman ni haechan.

 

naputol saglit ang tawanan nila nang tawagin ng tindera ang order nila.

 

“ako na kukuha,” mark volunteered. “tulungan na kita kuya.” sabi naman ni jisung.

 

habang pabalik ay naabutan nyang magkakadikit sina haechan, renjun at chenle, tila may pinagbubulungan at may iba ring pinag-uusapan sina jaemin at jeno sa tabi nila.

 

“‘di ba mahal ‘yon?” dinig niyang bulong ni renjun.

 

nakita niyang umiling si haechan, “sakto lang.”

 

“ano ‘yan? sali naman kami!” sabi ni mark bago nilapag ang tray ng pagkain sa mesa at umupo ulit sa tabi ni haechan.

 

“wala ‘yon. mosang niyo!” sabi naman ni chenle.

 

kumain na muna sila at nagkuwentuhan bago nila tinuloy ang kanilang exchange gift.

 

“o ako na sunod!” sabi ni jisung. “ang regalo ko sa inyo ay fillers! kaso tigta-tatlo lang muna ha, ‘yan lang kinaya ng budget ko.” kita nya ang pag aagawan ni jaemin at renjun sa pack ng fillers na may kasamang kulay pink.

 

“thank you, jisung! magkano rin ‘tong fillers ha, cattleya pa ‘to.” sabi ni mark at ngumiti kay jisung. “ako na sunod siguro.” 

 

“i bought highlighter sets for everyone. kahit hindi naman tayo lahat ay nagrereview.” natatawa nyang sabi habang inaabot ang regalo sa mga kaibigan.

 

“taray ni mak! bigtime ‘yarn? salamat!” biro ni jaemin.

 

tinuloy lang nila ang bigayan ng regalo, si jaemin ay binigyan sila ng tig-iisang bloke ng sticky notes, si renjun ay set ng markers na may iba-ibang kulay, si jeno naman ay ballpen na iba-ibang kulay din, at si haechan ay yellow pad na iba-ibang sizes naman ang binigay.

 

“thank you kuya chan! hindi na lalawayan ni lele yung yellow pad para maghati kami!” sabi ni jisung.

 

“salaula mo jisung! baka ikaw!”

 

natapos ang bigayan nila ng regalo pero hindi naman nabuksan ni haechan 'yung paper bag. saka medyo maliit din 'yon. napapaisip tuloy siya kung ano ba laman no'n at kung para kanino.

 

niligpit na nila ang pinagkainan nila pagkatapos at saka bumalik na sa kanilang mga klase. sampung minuto na lang din ay tapos na ang lunch break nila. hinintay nila ni haechan ang ibang kaklase nila sa harap ng canteen para sabay-sabay pumunta sa room ng next subject nila, ang computer lab.

 

“‘yan, favorite subject ko talaga ‘to. masarap matulog, malamig.” sabi ni mark kay haechan pagpasok nila sa computer lab.

 

“loko ka talaga. doon tayo pwesto sa gilid, para ‘di masyadong kita.” sabi naman ni haechan.

 

napasarap yata ang idlip ni mark sa klase dahil di n’ya namalayan ay tapos na pala ito. nagising na lang sya sa tapik ni haechan sa braso nya. “mak, halika na. tapos na klase uy.” napabangon naman sya at inayos ang salaming suot saka nag ayos ng gamit. “pasalamat ka walang masyadong diniscuss at puro kwento lang ulit ng buhay ang ginawa ni ma’am.”

 

paglabas ng computer lab ay siya ring paglabo ng salamin ni mark. “tsk, nagfog na naman.” tinanggal niya ang salamin niya para sana punasan ito gamit ang uniform pero inabutan sya ni haechan ng pamunas ng salamin galing sa bag nito. “kagaganyan mo, magagasgas na naman ‘yan. wala ka bang pamunas?” 

 

“hindi ko nadadala e, sorry naman. e ikaw? bakit ba lagi kang may dalang pamunas e wala ka namang salamin?”

 

“kasi nga makakalimutin ka. kaya ako na ang nagdadala.”

 

“guys! wala na raw tayong last subject! may meeting daw faculty ng senior high school.” sigaw ng class president nilang si nina.

 

dinig naman ang “yehey” at “yes” ng mga kaklase nila, ganon na rin silang dalawa.

 

“kain tayong proben bago umuwi?” tanong ni haechan sa kanya.

 

“sige, d’yan ba sa may footbridge o sa bayan na lang?”

 

“sa bayan na lang. hintayin lang daw natin saglit sila renjun. palabas na rin daw sila.”

 

sabay-sabay silang umuwing magkakaibigan at sa bayan na ulit sila naghiwa-hiwalay. 

 

“una na kami, ingat kayo, mak, chan!” paalam ng mga kaibigan nila. kinawayan nila itong dalawa bago naglakad papunta sa gitna ng palengke, kung saan sila kakain ng proben. 

 

pagkatapos ay bumalik sila ulit sa tapat ng simbahan, kung saan maglalakad naman si haechan pauwi at si mark ay sasakay na ng tricycle. “mak.” tawag ni haechan sa kanya.

 

napatingin naman siya rito at inabot nito ang paper bag na nakita niyang dala nito mula pa nung umaga, “happy bestfriend’s day.”

 

nagtataka niya itong inabot, “ano ‘to?”

 

“e ‘di buksan mo.”

 

binuksan at sinilip niya ang binigay ni haechan, “anti-fog spray and wipes?” tiningnan niya si haechan nang nakangiti at tumango sa kanya ang kaibigan. “oo, naaawa na ako sayo kapag nagfa-fog salamin mo e. nakakairita na rin reklamo mo tuwing ganon,” saka ito tumawa. “sana ‘di mo na ‘yan kalimutan sa inyo, para hindi na kita ipagdala ng pamunas.”

 

hindi niya alam ang magiging reaksyon niya kaya hinila niya si haechan at niyakap, “salamat, chan.” bulong niya bago bumitaw.

 

“walang anuman, mak.”

 

“syempre may bibigay din ako sa’yo ‘no.” saka niya kinuha ang bukod niya ring regalo para kay haechan, “here.” inabot niya ang kahong nakabalot ng gift wrapper na pampasko pa.

 

“ay, hindi siya nagpatalo! ano ‘to?” sabi ni haechan habang inaalog ang bigay niya. at nakatapat pa sa tenga. 

 

“e ‘di buksan mo.” panggagaya niya sa sagot ni haechan sa kanya kanina kaya sila natawa.

 

maayos na tinanggal ni haechan ang mga dikit sa gift wrapper, napanganga ito nang makita ang bigay ni mark sa kanya, “gagi ka mak! mahal ‘to ah!” binuksan pa ni haechan ang kahon para masigurado na tama ang nakikita niya.

 

binigyan niya si haechan ng isang box ng brown ballpen. specific ito sa brand na ginagamit ng kaibigan, monami ang brand tapos cocoa ang kulay. medyo pricey, oo. pero walang problema, basta ba ganito kasaya si haechan.

 

“sus, what is money? paper only!” sagot niya rito.

 

“corny mo! thank you, makmak! thank you sobra!” niyakap siya nito at tumatalon-talon pa habang nagpapasalamat sa kanya.

 

pagbitiw nila sa yakap ay nagkatitigan pa silang saglit habang parehong may ngiti sa mga labi, naputol lamang ito nang mapaubo si haechan at siya ang unang bumitaw. napaubo na rin si mark kahit hindi naman makati ang lalamunan niya.

 

“o siya, uwi na tayo?” sabi ni haechan.

 

“sige, ingat ka sa paglalakad ha. sakay na akong tricycle. thank you ulit sa bigay mo, chan. hindi ko na ‘to kakalimutan.” sabi niya at kinurot si haechan sa pisngi.

 

“eto naman! nangurot pa! hala sige na, bye makmak! thank you rin sa bigay mo. lakad na ako.”

 

pinanood muna ni mark si haechan maglakad hanggang sa makaliko ito sa kanto saka siya sumakay sa tricycle pauwi.

 

kumakabog ang dibdib niya. ang lala talaga ng daan dito sa kanila, masyadong malubak. kaya naaalog yata sya at damang dama ang puso niya. saan napupunta ang kaban ng bayan?! bakit hindi maayos ang daan!

 

– 3 – 

 

"buti na lang acad break natin ngayon. matutulungan natin si mama." sabi ni mark habang inaayos ang listahan ng ipamamalengke nila. si haechan naman ay nagsecellphone lang sa tapat niya.

 

"oo nga e. kawawa naman si tita. ang sipag kasi ni tita jhaniz sobra kaya kapag nagkasakit, sobra din."

 

"haechan anak, naririnig kaya kita." paos na sabi ng mama ni mark at natawa naman sila. nasa dining table kasi silang dalawa at nakahiga ang mama ni mark sa sofa sa sala. "ang hirap nga ring magkasakit talaga. hindi tuloy ako makapamalengke at makapagtinda."

 

"kaya nga kami muna bahala ni mark, tita. kami na bahala mamalengke. tapos ikaw magpagaling ka lang para makapagbukas ka na agad ng tindahan mo. kawawa naman sila bokbok walang mabilhan ng jelly ace."

 

"bakit naman kilala mo si bokbok?" tanong ni mark kay haechan. kapitbahay nila si bokbok, hindi naman taga-rito si haechan kaya siya napatanong. "ay hindi mo nga pala alam no? pag may mahaba akong vacant umeextra ako sa tindahan n'yo e." sabay kibit balikat ni haechan.

 

"wow ha, walang pasabi sa akin?" tanong ni mark na tila naoffend.

 

"wow ha, bakit ikaw ba may ari ng bahay niyo? saka may klase ka pag nandito ako. hindi na kita kailangang sabihan. si tita jhaniz na lang."

 

"'yan, ganiyan kayo ni mama e." sabi ni mark at nagkunwaring ngumuso.

 

"pangit mo, mak. 'wag mo na gagawin 'yan."

 

"bwisit ka." sabi naman ni mark kay haechan saka sila tumawa. tumayo naman si mark dahil tapos na siyang maglista. pinacheck niya ito sa mama niya.

 

"okay naman na ito, mak. sige na magpahinga na kayo at maaga pa kayo bukas."

 

"sige ma. good night!" paalam ni mark sa ina saka humalik sa pisngi nito. 

 

"good night, tita! sure kang dito ka lang sa sala?"

 

"oo nga ma. ayaw mo sa kwarto mo?" segunda ni mark kay haechan.

 

"dito na lang, para madali akong mapunta sa banyo kapag kailangan ko. sige na, akyat na kayo."

 

"okay ma, pag may kailangan ka tawagan mo ako ha? para hindi ka na umakyat."

 

tumango na lang ang mama ni mark at umakyat na sila ni haechan sa kwarto niya. ikatlong araw na ng isang linggong academic break nila at mula kahapon ay nandito na si haechan sa kanila. nabuburyo daw itong mag isa sa kanila dahil wala itong kasama. umuwi kasi ang lola nito sa probinsya nila. hindi lang muna daw sya sumama kasi mabibitin lang sya sa one week.

 

"haechan, sure ka bang sasama kang mamalengke bukas?" tanong ni mark nang mahiga na siya sa kama pagkatapos patayin ang ilaw sa kwarto. komportable na rin ang pwesto ng kaibigan niya sa higaan.

 

"kulit mo talaga ano? pang-ilang tanong mo na yata 'yan," natawa naman sila. "oo nga. saka makmak, sa haba ng listahan mo, kailangan mo talaga ng tulong."

 

"o, nagsusungit ka na naman. tanong lang e! sige, tulog na tayo. good night!"

 

"good night, makmak." dinig niyang tugon ni haechan at tumalikod na sa kanya para matulog na.

 

5:30 ng umaga ay nakahanda na silang dalawa at naghihintay na ng masasakyang tricycle papunta sa palengke. kahit maaga pa ay dama ang init ng panahon, ang aga tuloy nilang pawisan kahit nakatayo lang sa gilid ng daan.

 

"napakainit naman! wala man lang kahangin hangin!" reklamo ni haechan.

 

"oo nga e. aasim ka agad."

 

"leche ka."

 

"biro lang. o eto bimpo, magpunas ka ng pawis. baka matuyuan ka pa. mahirap na baka akala pinapabayaan kita."

 

"daming sinabi." umirap sa kanya si haechan pag abot ng bimpo saka nagpunas ng pawis. inabot naman ito sa kanya pabalik para ilagay sa sling bag na dala nya. naroon ang budget nila at mga listahan.

 

may dumaan ding tricycle at pinara nila ito agad, "kuya sa bayan lang po." sabi ni mark sa driver pagkasakay nila.

 

nakita nya ang paghikab ni haechan sa gitna ng byahe. naguilty naman sya. "sorry haechan ha, nadamay ka pa." 

 

"ano ka ba! wala 'to. saka nakakamiss din kayang mamalengke." sabi naman nito sa kanya habang nakangiti at nginitian niya ito pabalik.

 

after 15 minutes ay nakarating na sila sa bayan. saglit na lamang na lakad mula sa binabaan nila ay mararating na nila ang suking grocery store ng mama niya. kahit alas sais pa ang bukas nito, nakasanayan na nilang pumunta rito ng maaga.

 

mura kasi ang mga paninda rito, kaya mas malaki ang nagiging tubo kapag naitinda na sa sari-sari store nila. at kagaya rin ng ibang store owner, o basta ba gustong makatipid, dito talaga ang madalas na punta dahil nga mababa ang presyo.

 

"ayan sakto, kaunti pa lang ang nag-aabang." sabi ni mark. napatingin siya sa kanyang relo, less than 10 minutes na lang ay open na ito.

 

"chan, ganito kasi ginagawa namin ni mama. bale chinecheck muna namin yung unang aisles kung may need base sa listahan, tapos iniiwanan nya na akong nakapila sa cashier habang kinukumpleto yung iba." mataman namang nakikinig sa kanya si haechan.

 

"okay."

 

"bale ganoon din gawin natin, pero ikaw ang maiiwang nakapila ha? karamihan kasi ganoon din ang ginagawa para hindi masyadong matagal. ayos lang ba?"

 

"oo naman. walang problema. pwede ko naman libangin ang sarili ko habang hinihintay ka."

 

after a few minutes ay itinaas na ng mga security guard ang roll-up at agad din silang pumila. nagtulungan agad sila sa unang tatlong aisles pagpasok at pumila na si haechan kagaya ng napag usapan nila. isipin mong kabubukas pa lang ay pang-lima na si haechan sa pila. paano kasi yung iba ay ganoon nga rin ang ginagawa sa pamimili. 

 

"chan, iwan na muna kita ha. kuhanin ko lang yung iba." paalam ni mark.

 

"oo nga, sige na go na. bilisan mo, shoo!" sabi naman ni haechan at tila tinataboy pa sya gamit ang kamay kaya natawa sya.

 

saglit lang din ay nakapuno na sila ng dalawang push carts at magkasama na silang nakapila. pangalawa na sila.

 

"sorry haechan ha, na-"

 

"sige makmak ituloy mo iiwan kita rito. okay nga lang, okay? i'm good." sabi nito nang nakangiti.

 

kita nya ang pawis ng kaibigan. ang init din kasi sa grocery store. kahit may malaking aircon dito ay sobrang hina naman ng settings at ang dami nga rin kasing tao. inabot niya naman ang bimpong ginamit nito kanina, "punas kang pawis mo."

 

"thank you, mak! ikaw din. may dala ka ring bimpo mo di ba?"

 

tumango naman siya rito at nagpunas na rin ng pawis. saglit lang din ay turn na nila para magbayad. apat na kahon din ang iuuwi nila. pero iniwan muna nila ito sa baggage counter, "kain muna tayo bago umuwi."

 

"okay."

 

habang naglalakad sa palengke ay tahimik lang sila. "may gusto kang kainin?" tanong ni mark kay haechan.

 

"pwede ba tayong kumain ng palabok doon sa may harap?" 

 

"tara. may extra pa naman dito sa budget natin."

 

"may dala rin naman akong pera in case kulang."

 

"hindi na, ito na lang bayad ko sa'yo sa pagsama mo sa akin," natawa naman sila.

 

"sige, sabi mo e."

 

pagdating nila sa kainan sa harap ng palengke ay agad din silang umorder ng palabok. mabilis din silang nakakain gawa ng gutom at pagod. naglibot pa sila saglit pagkatapos noon at bumili rin sila ng cassava cake.

 

"ate isa pong bente pesos tapos isang ten pesos." sabi ni mark sa tindera.

 

inabot naman ito sa kanya at nagbayad na sya, "gusto nyo ng tsaa?"

 

"sige po ate."

 

inabot nya ang bente pesos na cassava cake kay haechan kasunod ang tsaa para rito. gumilid na muna sila para kainin ito.

 

"hala ka, bakit ang dami nung akin?" 

 

"favorite mo yan di ba? saka nung nadaanan natin si ate kanina nakita ko ang tingin mo sa cassava cake niya. isipin mo na lang dagdag suhol din yan." pabiro niyang sabi niya kay haechan bago ulit kumagat sa cassava cake niya.

 

napatingin naman siya sa kasama nang maramdaman na nakatingin lang ito sa kanya habang nakangiti. nginitian niya rin ito, "kain ka na. ang sarap nung cassava cake ni ate, mainit pa. saktong sakto din sa tsaa."

 

tumango na lang si haechan bago tumingin sa harap nila at nagsimula na ring kumain. pagkatapos non ay napagpasyahan na rin nilang umuwi. anong oras na rin kasi at baka naghihintay na ang mama ni mark sa kanila.

 

"hintayin mo ako rito, tawag lang ako ng tricycle tapos papabuhat ko na lang yung mga pinamili natin sa driver."

 

"go lang. wait lang ako here." sagot ni haechan kay mark.

 

hindi naman siya nahirapan makahanap ng masasakyan at agad din silang nakasakay. pag upo sa tricycle ay sabay silang napabuntong hininga. nagkatinginan sila at natawa. 

 

"lalim ah?" sabi ni haechan na natatawa pa rin.

 

"kapagod e. thank you haechan ha, tinulungan mo akong mamalengke today."

 

"wala 'yon! kayo pa ba ni tita e malakas kayo sa akin. saka may suhol na palabok at cassava cake, kaya hindi ako magrereklamo." sagot naman nito at ngumiti sa kanya.

 

ang aliwalas talaga ng mukha ni haechan kapag nakangiti. nakakatanggal ng pagod.

 

busog naman pero parang hinahangin ang kalamnan. nakapahinga naman na sila pero mabilis pa rin ang tibok ng puso niya. nakakapalpitate ba yung tsaa? oo, yun siguro.

 

– 4 –

 

“pagbilan po!” 

 

“ano ‘yon? oh! bakit ka nandito?” sagot ni mark sa bumibili. si haechan pala kasi iyon.

 

“grabe namang tanong ‘yan! ayaw mo ba? labas tayo!”

 

“ha? teka nga. pumasok ka na muna dito sa loob.” tumalikod na si mark para pagbuksan si haechan ng kanilang front door.

 

“surprise!” nakangiting bungad sa kanya ni haechan at itinaas ang dala nitong ecobag.

 

binuksan niya nang tuluyan ang pinto para makapasok na si haechan. saktong labas din naman ng mama niya mula sa banyo, “haechan nandyan ka na pala!” lumapit naman si haechan sa mama nya para magmano.

 

gulong-gulo siyang tumingin sa dalawa, “teka, anong meron?”

 

“sabi ko sa’yo ‘di ba, labas tayo!”

 

“teka, bakit ‘di ka nagchat? saka saan tayo pupunta?”

 

“ay si kulit, surprise nga? alam na ‘to ni tita jhaniz, ‘di ba po?” sabay silang tumingin sa mama niya at tumango naman ito, “see? kaya hala na mark lee! gumayak ka na!”

 

“ma?” tumingin siya ulit sa ina at tinanguan lang siya nito muli habang nakangiti. umakyat na siya agad sa kwarto para maghanda. wala siyang maisip na dahilan para sa surprise ni haechan but anyway, of course he’ll go with him.

 

“tita thank you po talaga sa pagpayag ha? kawawa naman kasi 'yan si makmak, stressed na stressed po kasi sa exams niya.”

 

“sus, ako nga ang dapat magpasalamat kasi hindi mo pinapabayaan ang anak ko. alam mo naman ‘yan, hindi naman masyadong nagsasabi sa akin.”

 

dinig ni mark ang usapan ng ina at ng kaibigan habang papalapit sa pinto ng tindahan nila.

 

“ganyan na po talaga si mark mula pa noon, ano tita? hangga’t kaya niyang sarilinin ang mga bagay, sasarilinin niya. ayaw niya po kasing mag-alala kayo sa kanya masyado tita.”

 

totoo naman ang sinabi ni haechan sa mama niya. mula pa noong grade five siya, nang iwanan sila ng tatay niya ay sinikap niyang hindi masyadong maging pabigat sa mama niya. hindi siya masyadong makulit noon dahil ayaw n’yang makonsumi ito sa kaniya. kay haechan lang niya nailalabas ang kulit noon, at ngayon ay ang mga problemang pinagdadaanan niya na rin as an adult, si haechan ang unang nakakaalam.

 

nakita niyang hinawakan ng mama niya ang kamay ng bestfriend niya, “salamat talaga, haechan ha? sana hindi ka mapagod mahalin ang anak ko.”

 

“asus, si tita! oo naman! love na love ko kayo ni makmak gaya ng kung paano niyo rin ako mahalin.” nakangiting sagot nito. napangiti na lang din siya at pakiramdam niya ay nag uumapaw ang puso. iniwan man sila ng tatay niya ay may mga dumating sa buhay nila na higit pang nakapagparamdam ng pagmamahal sa kanila. si haechan at ang pamilya nito at pati na rin ang iba pa nilang kaibigan. 

 

“ayan na po pala si makmak, tita. halika na?” nakatingin sa kaniya ang dalawa nang may ngiti. mas lumawak din ang ngiti niya bago tumango.

 

hinatid sila ng mama niya sa front door nila, “bye po tita! papahanginan ko lang po saglit ‘tong anak niyo.”

 

“ikaw talaga! o siya sige, mag-iingat kayo ha?”

 

“bye, ma! uwian ka na lang namin!” paalam naman ni mark.

 

ngumiti lamang ito at kumaway bago sinarado ang pinto. sila naman ay naglakad saglit palabas sa kanto, “saan ba punta? akin na nga ‘yang bitbit mo. ano ba ‘to?”

 

“basta, sumama ka na lang sa akin, owki? hindi naman kita ibebenta.” sagot ni haechan bago pumara ng tricycle.

 

hinatid sila ng tricycle hanggang sa bayan. hindi na rin siya ulit nagtanong kung saan sila pupunta, basta sinusundan niya na lang ang kaibigan. sumakay sila sa karatig at ang sabi ni haechan nang magbayad ng pamasahe ay sa kapitolyo sila bababa. anong gagawin nila sa kapitolyo?

 

pagbaba nila ng jeep ay biniro niya si haechan, “papakulong mo na ba ako?” malapit kasi ang kapitolyo sa provincial jail. “oo, ituturn over na kita sa mga pulis. nandyan na nga sa dala mong ecobag mga damit mo e.” natawa naman silang pareho.

 

saglit na lakad pa ay nakarating sila sa mini forest ng kapitolyo nila. mapuno ito at may fountain sa bandang gitna. may mga batong chairs and tables sa bandang gilid at artificial na bermuda grass sa palibot ng fountain. karaniwan itong puntahan ng mga nagpipicnic, pati na rin ng mga estudyanteng nagpa-practice ng mga sayaw o anuman. maluwag kasi ang espasyo nito.

 

pagkakita nila ng pwesto sa ilalim ng puno ay kinuha ni haechan ang dala niyang ecobag. may dala pala itong kumot para mailatag. pagkalatag non ay inayos na nilang dalawa ang mga pagkaing inihanda nito. may tig-isa silang sandwich, mga chichirya, at nagtimpla pa si haechan ng iced coffee.

 

“charan! picnic sa mini forest kasi why not?” sabi ni haechan bago sila naupo sa nilatag nila.

 

“anong meron?” tanong niya naman. iniisip niya kung may special occasion ba for this day, wala naman? “wala. destress ganon, unwind? shuta ‘yung exams, naubos yata pagkatao ko.”

 

tumango si mark as he agrees, hell week kung hell week talaga sila. ganito ba talaga kapag graduating? “oo nga e. sabi nga nung iba, hindi na raw hell week. hell sem na raw.” natawa sila pareho. “ganito yata talaga pag graduating, no?”

nagkibit balikat si haechan bago siya alukin ng Cheezy chips na baon nila, “mukhang ganoon nga. pinahirapan muna tayo nang lubos bago raw tayo tumapak sa outside world at maging alipin ng kapitalismo.”

 

nagkwentuhan lang ulit sila habang kumakain. pinanood ang ibang tao na may kanya-kanyang mundo rin sa paligid nila.

 

“tuloy ba ‘yung plano mo after graduation?” tanong ni mark.

 

"ah, 'yung review ba?"

 

tumango ito at uminom muna ng tubig, "oo. uuwi ka sa inyo?"

 

"siguro. baka one month after graduation? hindi ko pa rin sigurado e. bahala na. ikaw ba?"

 

"magrereview agad ako. kailangan ko na rin maipasa agad yung exam para trabaho na rin agad pagkatapos. para makabawi bawi na ako kay mama."

 

"sus, kayang kaya mo 'yon! si mark lee ka e."

 

"ang laki talaga ng tiwala mo sa akin no?"

 

"aba syempre! best friend kita! hindi man ako ang unang una sa listahan ng mga naniniwala sa kakayahan mo, sure 'yon kasali ako doon."

 

"thank you, chan. pati sa surprise mo na 'to. never knew i needed this until we came here."

 

"may kapalit kaya 'to." sabi ni haechan at humarap sa kanya.

 

"sabi ko nga. halika na. ligpit na tayo tapos tara na sa gusto mo."

 

natawa naman sila at nagligpit na rin. sunod silang naglakad papunta naman sa 7/11 na malapit sa mini forest. bumili sila ng ice cream at ang iuuwing siopao sa mama niya.

 

hindi sapat ang thank you para mailatag niya kung gaano talaga siya nagpapasalamat sa existence ng kaibigan niya. kabisadong-kabisado na siya nito. alam kung paano laging pagagandahin ang araw at nararamdaman niya. he has always been the warmth in mark's life. malamang ay ganoon din ang ibang tao na nakakakilala rito. 

 

haechan has always been selfless, reliable, and most of all, loving. 

 

haechan has become and has been one of the most important people in his life, next to his mom, and he cannot fathom what he would be without the other.

 

he is not a believer of soulmates, but haechan made him believe otherwise. haechan is his person. haechan is his soulmate. and he is certain he won't find it in somebody else.

 

– 5 –

 

"naku! sabi ko nga rito kay bokbok ay galingan din sa pag-aaral, para magaya sa kuya makmak niya!" sabi ng kapitbahay nila sa mama niya. natawa naman ito.

 

it's been a week since the results of the licensure examination for civil engineers came out. and thank you, Lord, nakapasa si mark. hence the celebration they are having now. 

 

ayaw niya na sana pero mapilit ang mama niya. once in a lifetime lang naman daw ito. inimbita ng mama nya ang mga tita nya at ibang pinsan, pati na rin ang mga kapitbahay na suki sa tindahan nila.

 

"kuya makmak! congratulations po!" sabi ni bokbok paglapit sa kanya. inapiran nya ito, "salamat bok! kain ka na doon." tumango naman sa kanya ang bata at pumunta na sa lamesa.

 

"akyat lang ako saglit ma, kuhanin ko lang phone ko."

 

pagbukas nya ng cellphone niya ay napangiti siya agad sa notification dito. 

 

miss na miss niya na ang sender no'n. ilang buwan na rin silang hindi nagkikita at madalang ding mag usap. umuwi kasi ito sa probinsya nila sa pangasinan at bihira rin gumamit ng cellphone. magfofocus daw sya sa paghahanap kuno ng sarili at pagrereview para sa licensure examination for teachers. akala niya nga ay hindi siya nito mababati. pero here it is.

 

an email from haechan. 

 

kung may ilalawak pa ang ngiti ni mark ay ganoon na siguro ang ngiti niya ngayon while reading the message.

 

from: [email protected]

to: [email protected]

 

Subject: CONGRATULATIONIZM

 

hello, engr. mark lee!

 

i will just keep this short siguro. first of all syempre CONGRATULATIONS!! sabi ko naman sa'yo kayang kaya mong ipasa 'yang exam na 'yan. exam lang 'yan e si mark lee ka!

 

sorry natagalan ang bati ko, para magtampo ka muna saglit, eme!! 

 

de eto serious na.

 

kamusta ka? i hope you are happy with what you've achieved. i am very very proud of you!! also, REST. deserve mong magpahinga kasi finally tapos na ang exam at ang anxious waiting mo for the results. alam kong hindi ka masyadong nakakakain at nakakatulog, sinumbong ka sa akin ni tita!!

 

lastly, i miss you na. sobra. sorry i had to leave ha. ako naman kasi ang need mag focus haha. ako naman ang may exam na haharapin. 

 

ayon lang naman. i had to send this via email kasi strong pa rin ang social media detox ko for the sake of my focus HAHAHA. see you again after i finish this exam <3 

 

i am always ALWAYS proud of everything you do. 

 

mahal kita, mark lee. 

 

nang mabasa ang huling linya ng email ay parang may sariling buhay ang daliri ni mark at agad tinawagan ang number ni haechan.

 

calling aa chan chan haechan…

 

"please answer..." nag aalala niyang bulong sa sarili. alam nyang malamang ay busy ito sa pagrereview pero hindi niya na kaya pang ipagpaliban ito. this is long overdue already. they have to do something already. he have to do something.

 

– +1 – 

 

30 seconds never felt this long for mark until he heard the voice from the other end.

 

"hello, makmak?"

 

mark let go of a breath na hindi niya alam na ang tagal niya palang pinipigil.

 

"hi. i love you."

 

"ano? sorry, medyo mahina signal. lalabas lang ako, wait."

 

mark heard some paper shuffling and a door creak. mukhang lumabas nga talaga si haechan.

 

"ayan, okay na. anong meron?"

 

"wait for me there, alright?"

 

"loko 'to? bakit? baka akala mo saglit lang ang biyahe! sabi ko mamahinga ka ‘di ba? bakit ka magpapagod?"

 

mark laughed softly and said, "hey…"

 

"ano?"

 

"just… just let me, okay? miss na rin kita. please?"

 

"tigas talaga ng tuktok mo, ano? hala sige. magpaalam ka muna kay tita jhaniz! pakausap din ako. kahit kailan ka talaga."

 

"right! sure! wait, hold on."

 

agad namang bumaba si mark at nakita ang mama niya na nag aayos ng mga natirang handang pagkain. halos mga tita at pinsan niya na lang ang mga naiwang bisita. 

 

"ma, chan wants to talk to you daw."

 

"si haechan? ay dali akin na! hello anak! kamusta?"

 

"hello po tita! okay naman po ako. si mark po actually ang unang tumawag sa akin. 'yan pong anak niyo, balak bumiyahe ngayon papunta rito."

 

mark's mom turned to him with a soft smile. she knows .

 

"ganon ba? ayos lang ba sa iyo, anak? na pumunta siya dyan ngayon?"

 

"opo naman, tita. welcome naman po anytime. kinausap ko lang din po kayo at nag-alala ako, si mark po kasi pabigla-bigla."

 

"salamat, haechan. o siya, eto na si mark. ingat ka lagi, anak! miss na kita."

 

"i miss you too, tita! thank you rin po."

 

"thank you ma!" yakap ni mark sa ina bago muling kinausap si haechan habang pabalik sa kwarto niya.

 

"hello, chan?"

 

"oo na sige na. mag-ingat ka mark lee pakiusap. hintayin kita rito. update me tuwing titigil ka ha. ilang oras ka ring babyahe."

 

"yes i will. thank you, haechan. see you."

 

"see you, mak."

 

binaba na ni haechan ang tawag at agad nang naghanda si mark ng mga gamit niyang dadalhin papunta kina haechan. sunod siyang naligo at hinanda ang sarili.

 

sisiw na sisiw ang tatlo hanggang apat na oras na biyahe mula bulacan papuntang pangasinan kung ang kapalit naman ay ang pagkikita na ulit nila ni haechan.



sisiw na sisiw ang tatlo hanggang apat na oras na biyahe kasi finally, hindi niya na itatanggi, mahal nya ang bestfriend niya nang higit pa sa dapat niyang pagmamahal para rito. tapos na ang panahon ng pagtanggi. tapos na ang panahon ng pangungumbinsi sa sarili.

 

panahon na siguro para pag usapan na nila ito. he might come off super confident pero ramdam niya sa sarili niyang mahal din sya ni haechan. it's time now to give this a chance. it's time para pag usapan kung saan ba nilang gustong sunod na dalhin ang mga nararamdaman nila.

 

after almost four hours of motorcycle ride and a single stop sa capas, nakarating na si mark kina haechan. he knows the place dahil nakakasama na rin siyang magbakasyon dito noong high school sila. dito rin sila nagsstay kapag nag aaya ang mama ni haechan ng outing tuwing holy week.

 

bumusina siya at agad niyang nakita si haechan na tumakbo palabas para pagbuksan sya ng gate. napangiti siya agad nang makita ang mukha ni haechan. sobra niya itong namiss.

 

"hi."

 

"hi mo mukha mo," sabay irap ni haechan na nagpipigil ng ngiti habang binubuksan ang gate upang makapasok na si mark.

 

tinulungan naman siya ni haechan na maipark ang kanyang motor sa garahe at ipasok ang gamit nito.

 

"ma! nandito na si makmak!" sigaw ni haechan at pumasok naman ang mama ni haechan galing sa likod ng bahay.

 

"mark, anak! buti naman nauwi ka. naku, kaya pala hadaling-hadali ito si chan mag-ayos ng guest room!" sabi nito pagkatapos magmano ni mark.

 

"ah talaga ba ma?" sabi ni haechan sa ina habang ikinukuha ng tubig si mark.

 

"o siya, d’yan na muna kayo ha. pupunta lang ako sa auntie milly mo, chan. nagpapatulong lang."

 

"nagpapatulong o magma-mahjong?"

 

"che, ewan ko sayo. sungit. o siya, babye na!"

 

"bye po, tita!"

 

"ingat ka, ma."

 

pagkaalis ng mama ni haechan ay biglang naramdaman ang tensyon sa hangin. magkatapat silang nakaupo sa lamesa. nakatitig si mark kay haechan samantalang ang isa naman ay nakatitig lang sa kanilang bakuran.

 

kabaliktaran ng nararamdaman niya noon, payapa ang puso ni mark ngayon. wala nang kaba. alam at tanggap nya na kung para kanino talaga ang puso nya. kay haechan .

 

"if your eyes can shoot lasers, sira na 'yang bintana at halaman sa labas." pagbasag nya sa katahimikan.

 

"nye nye mo mark. ewan ko sa’yo." umirap sa kanya si haechan at ibinalik ang tingin sa labas.

 

"haechan, i know you know why i am here."

 

napabuntong hininga si haechan bago ngumiti at yumuko. 

 

"hey…" mark reached for haechan across the table. he gently caresses the other's cheek. looking at his face intently, he missed his love so much.

 

haechan smiled and looked at him softly again before gently removing his hand from his face, "lipat tayo sa sala?"

 

nauna itong tumayo at sinundan nya. naupo sila sa sofa nang magkaharap, may kaunting distansya, pero hindi hadlang para abutin niya ang kamay ni haechan at imasahe ito. "would you like to talk first?"

 

tumango ito at narinig niya ring suminghot at agad naman siyang kinabahan, "haechan are you okay?" sabay nyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito.

 

haechan squeezed his hand as well, "yes, mak i'm okay. wala lang 'to." at tumawa ito muli.

 

humugot muna ito nang malalim na hininga at muling tumingin kay mark nang may ngiti. 

 

"you see, i have been feeling this for so long, mark. mula senior high school pa tayo. i know we have been best friends mula elementary and that's the reason bakit ang tagal ko itong kinimkim. i don't want to lose you, my best friend, my person, my soulmate, dahil lang sa romantic feelings ko."

 

natawa si haechan and mark looked at him, urging him to go on. "i kept thinking to myself na i'd rather have you this close than have you go away from me dahil lang minahal kita higit pa sa dapat. pero mark, noon pa rin naman, nakakaramdam na rin ako na may nag iba rin sa nararamdaman mo para sa akin. i can see the way you look at me and how quick you turn it down din."

 

"haech, i'm so-"

 

"shh, it's okay. i understand, and trust me i tried to do that, too. but i can't. so i said i will just continue loving you the way i do and i can wait until you figure it out yourself. pero ang tagal mo mak."

 

sabay silang natawa at pinunasan ni mark ang mga luha ni haechan.

 

"so i thought, okay lang naman siguro if i tell you about my feelings after mong makapasa sa exams mo, that way it wouldn't be much of a bother on your end kung mabagabag ka man ng sasabihin ko. i'm sorry mark. i've been keeping secre-"

 

"let me stop you right there." putol ni mark na ikinagulat naman ni haechan kaya napatingin sya rito, "can i talk now?"

 

"sure." bulong ni haechan bilang sagot.

 

"first, i'd like to say thank you. for holding on to your feelings until the examination results came out. thank you for always being considerate of me, haechan." mark smiled at the younger. "and you don't have to apologize for keeping what you feel. it is really understandable because you see? i might have been doing the same since god knows when."

 

"we were both stupid." haechan laughed.

 

"looks like it. pwede ko na bang sabihin?"

 

"alin?"

 

"mahal kita, haechan. i have loved you for a long time now. will you take this jump with me?"

 

"oo naman. mahal din kita, mark lee. nasabi ko na rin naman sa email ko kanina. i love you so much." 

 

napangiti silang pareho at pinagdikit ang kanilang mga noo. halos magkandaduling na sa titigan nilang di mapatid. si mark ang unang bumitaw sa titigan para patakan ng halik ang noo ni haechan. saka niya niyakap nang mahigpit ang mas bata, "mahal na mahal kita."

 

hindi na nila namalayan ang oras dahil panay lang sila pag uusap, yakapan, at tawanan habang binabalikan kung gaano nila iniiwasan ang nararamdaman dati.

 

"bakit nga pala sa email mo sinabi? you could have called me." sabi ni mark habang pinaglalaruan ang buhok ni haechan. nakaunan sa dibdib nya ngayon ang isa at nakahiga na sila sa sofa.

 

"e sa nahihiya ako."

 

"gusto mo lang yatang puntahan kita rito, e." sabi naman ni mark at kinurot sya ni haechan, "aray naman!"

 

"dami mong alam mark lee!"

 

"may alam pa ako."

 

"ano?"

 

"i love you."

 

"che!"

Notes:

thank you for reading this story <3 kudos and comments are appreciated <3