Chapter Text
Being a torpe is huge a no-no in the Choi household.
Masasabi na isa itong holy rule—meaning, kasing importante ito ng pagsuot ng tsinelas sa bahay, at ng pagubos ng kanin na sinaing ni Yaya. Mula sa unang halakhak ni Soonyoung bilang isang cute na baby hanggang sa pagtungtong niya sa kolehiyo, ito na ang nakaugaliang sabihin ng kanyang ama—lalo na kapag napunta sila sa topic ng non-existent love life niya.
Sadnu?
Gather all the chix, payo ng kanyang ama na si Seungcheol. Dapat luminya sila para sa'yo. Alam mo 'yun? Eenie, meenie, minie, moe.
"Wala ka talagang kwenta magbigay ng advice!"
"Selos ka lang," asar ni Seungcheol. "Pero don't worry, babe, diba ikaw naman ang sinagot ko nung niliga—"
"Mga anak, wag kayong maniwala sa delusyon ng tatay ninyo," sabi ni Jeonghan. "Halos dalawang taon nga nan-ligaw sa'kin 'yan eh. Araw-araw, nag-iigib! Gabi-gabi, puro harana kahit sintunado! Kala nga ng lola niyo nag-aapply siya as a homeboy eh."
"Okay lang, Ma," sabi ni Chan-potpot, chibog na chibog sa eggs at bacon na hinanda ni Jeonghan, "naniniwala po kami sa'yo. Bakit naman ikaw ang manliligaw kay Papa eh…" in-examine niya ang mukha ng kanyang Papa. "Ang panget panget niya?"
"Ikaw talagang bata ka! Baka nakakakimutan mo na kamukha mo 'ko?"
"Hindi po ah. Ang cute ko kaya!"
"Oo nga, potpot!" sipot ni Jeonghan "Ang cute mo talaga; mana sa'kin!"
"Anyway, saan na ba ako?" tanong ni Seungchol habang ngumunguya, okay lang, alam niya naming gwapo siya. In denial lang yung bunso niya. "Ay oo—" tumalsik ang kanin mula sa bibig niya at napunta yung butil sa pisngi ni Soonyoung. "Anak—"
"Okay lang ako, Pa," sabi ng emo nilang panganay. Sa lagay na ito, feeling niya matatalo niya na si Wonwoo, ang kanilang hardinero, sa larangan ng emo. "Kaya ko naman eh."
"My baby damulag panganay, no offense pero," tiningnan ni Soonyoung ang kanyang Mama. "ilang buwan bago mo siya masendan ng friend request sa FB?"
"I was young," depensa ni Soonyoung. Syempre kailangan niya protektahan ang pride niya (kung meron pang natitira.) "Wala pa akong experience nun."
Tinaas ni Jeonghan ang kanyang kilay. "Anak, parang last week mo lang ata siya na-add sa FB."
Shet.
"Kaya Soonyoung," sabi ni Seungcheol. "dapat gumagawa ka na ng isang mahabang mahabang liny—aray!"
"Isa pang beses at matutulog ka sa labas."
"Sorry na po." mumble ni Seungcheol.
"Soonyoung, tinry mo na ba siyang ligawan?" tanong ni Jeonghan pagtapos niyang uminom ng orange juice.
Aktuwali, ilang beses na pinag-isipan ni Soonyoung 'yan—nandun na eh; mayroon na nga siyang isangkatutak na pick-up lines (sinulat niya pa nga sa palad niya, just in case na makalimutan niya). Ready to go na, may bala na siya for war.
Ulol, sino bang niloloko niya.
Crush nga siya ng bayan, oo (ang hirap nga maging pogi eh), pero pag nakikita niya si Lee Jihoon sa hallways, feeling niya napunta na yung kaluluwa niya sa langit, at ayun—tulala siya, kinikilig yung tumbong. Hays. Hindi siya na-inform na pwede na pala tumira yung mga angel sa Earth. Wow, the future is now.
"Ser at Ser at Ser at Ser," biglang singit ni Yaya Seungkwan. "Nakoe po! Malapet na po magtaym. Maleleyt na po sina Ser Chan-potpot at Ser Soonyang sa eskul!"
Mabuti na lang at patapos na sila kumain. Bago sila umalis sa bahay, kiniss muna ng magkapatid ang kanilang Mama at nag-wave goodbye sa kanilang Papa.
"Bakit di niyo na ako kinikiss?" tanong ni Seungcheol, nagpa-pout.
"Aw babe, ako na lang magkikiss sa'yo!" offer ni Jeonghan habang naka-duck face at nakaharap sa kanyang minamahal na asawa.
Wala talaga silang filter.
☆☆☆
Bongga ang pagkabog ng heart ni Soonyoung the moment na tumapak siya sa campus. Yes, makikita ko na si Jihoon. Thank you for this opportunity, world.
"Pare, kala ko pa naman ang lakas ng game mo," sabi ni Junhui while he's shaking his ulo. "Pero pagdating kay Jihoon, sobrang tameme ka."
"Hindi kaya," weh. "Minsan nanghihiram siya sa'kin ng pencil…"
"Tapos?"
"Tapos…ayun…pinahiram ko siya ng pencil."
"'Lam mo minsan 'di ko alam kung bakit ang daming chix na nagkakacrush sa'yo," Junhui sighed. Grabe, ang savage naman niya. "Isipin mo nga—may itsura ka, matalino, mabait…pero wapakels lang lahat 'yun kapag hindi ka nagda-moves sa love of your life. Tingnan mo nga kami ng my babyloves Minghao; going strong."
"Pero, pare, grabe. Pag nandiyan siya, wala—as in kweek!" he made kunyari his lalamunan is being sliced. "Dedoks na ako. Lakas ng tama niya sa'kin, bro."
"Hay jusko, araw-araw mong sinasabi sa'kin 'yan. As your bro, I'm very concerned. Just try and talk to him."
"Pano kung ayaw niya sa'kin?"
"Di ka pa nga kilala, aayawan ka na kaagad? Di naman ganun si Jihoon. Plus, he borrow pencils from you. Dagdag pogi points din 'yun 'no. Sa panahon ngayon wala na yung essence ng 'sharing is caring.'"
"Di ko alam kung saan mo nakuha 'yan pero okay," tiningnan niya ang golden Casio watch niya (may calcu pa nga eh). "Teka, my next class is in 5 minutes. Kasama ko si Jihoon sa class na 'yun. Okay, bye."
"Sige, mag-ingat ka ha! Pagpalain ka sana, Soonyoung, pagpalain ka!"
"Soonyoung?"
Shit.
"Soonyoung?"
Holy shitbols and fishbols.
Soonyoung cleared his lalamunan. "Uh," wow, so nice naman, Soonyoung. Jusko, naiiyak na ata siya.
"Pwede pahiram ng eraser?" tanong ni Jihoon. Kunin mo na lahat. My heart, my soul, my body.
"Eraser?" he replied dumbly.
"Oo," tumango si Jihoon. Mukha talaga siyang anghel—sugar, spice and everything nice. Biased talaga si Lord, pero hindi siya nagrereklamo. "Alam mo 'yun diba? Yung eraser?"
"Huh?" Nagpapawis na siya. He silently thanked the aircon (kung hindi parang basang sisiw na siya sa sobrang nerbyos.) "Uh—oo...oo! Alam ko 'yun."
"Ah," biglang tumawa si Jihoon. RIP Soonyoung. "So meron ka ba 'nun? Pwede ko bang hiramin?"
"Oo—" kinuha niya yung pencil case niya. "Uh, eto," inabot niya yung eraser. "Eraser…yung pambura."
"Sabaw ka ba?"
"Huh?" huh siya ng huh, huhuhmbalusin niya na sarili niya. Get it together, man. Remember: ikaw si Soonyoung! Crush ng bayan, mapagmahal, gwapo, chinito—
"Hinde, tao ako."
Nice going. Sinira mo ang pinakamahabang convo niyo ni Jihoon. Goodbye Philippines, Goodbye world—the universe rather. It was nice knowing you.
Pero, pinagpala ata siya ng mga santo dahil mula sa poker face, biglang nag-smile si Jihoon. Isang miracle.
"May sense of humor ka rin, 'no? Pasalamat ka cute ka."
Shet.
"Huh?"
"Sabi ko cute ka," inulit ni Jihoon. "At thank you sa eraser. Paalala mo sa'kin kapag di ko nabalik ah."
Cute siya. Sabi ni Jihoon cute siya. Pwede na siyang mamatay. Mamatay na masaya. Teka, wala pa ata siyang nare-reserve na memorial lot.
Pumasok na ang prof at nagsimula na ang klase. Hindi parin niya matanggal sa isip si Jihoon, lalo na’t medyo katabi niya lang. Hindi siya mapakali, parang may kiti-kiti sa pwet. He sneaked a glance sa pinakacute na tao sa mundong ibabaw at shet.
Yun lang: shet.
Hindi niya alam, pero he spent the whole period staring at Jihoon. Kung siya na lang kaya pag-aralan niya? Baka maging the next Tiffany Uy na siya.
Hindi niya namalayan na binalik na ni Jihoon yung eraser niya with a smile. Mas lalo na, hindi niya namalayan at tapos na yung period; empty yung notebook niya, pero yung puso niya busog na busog. Nakatayo si Jihoon sa harapan niya, while he’s nakaupo.
“Thank you talaga sa pagpapahiram sa’kin,” sabi ni Jihoon.
“Ako?” tinuro niya yung sarili niya kasi hindi siya makapaniwala na someone like Lee Jihoon is talking to him.
“Hinde, yung kapitbahay ko.”
“Huh?”
“Ano ka ba. Syempre ikaw,” pinaglaruan niya yung strap ng backpack niya. “Nahihiya na nga ako minsan sa kakahiram. Baka isipin mo na wala akong school supplies.”
“Hinde!” medyo napasigaw si Soonyoung. At last, nahanap niya na yung boses niya. “Okay lang. Okay lang talaga. Kahit buong pencil case ko pa nga hiramin mo eh.”
“Ang funny mo talaga,” Jihoon laughed. “O sige, aalis na ako. Bye, Soonyoung!”
"Grabe pare, gusto ko na ata siyang pakasalan," sabi niya kay Junhui habang nakikipagsiksikan sila sa LRT.
"Pakasal na kaagad? Di ka pa nga nagda-da-moves eh."
"Yun nga eh. Di ko na alam gagawin ko. Lam mo 'yun? He leaves me breathless."
"Sige ka, if you don't move fast, baka maunahan ka pa."
"What do you mean?"
"When I nod my head yes but I want to say no?"
"Gago ka. Ano ngang ibig sabihin mo?"
"Nako, pare," pumalatak si Junhui. "Hindi lang ikaw yung crush ng bayan. Popu rin kaya si Jihoon. Maraming manliligaw 'yan, in and out of uni.”
Natameme si Soonyoung. Hanggang sa pagbaba niya sa stop niya, ang sinabi lang ni Junhui ang nasa isip niya. Pano na ‘yan? Mas lalong nababawasan ang chance niya para makasama si Jihoon. Hindi naman siya ganito katorpe pagdating sa mga ibang girls na nagkakandarapa para sa atensyon niya. Yun nga eh, sabi ng voice inside his head. Sino ba ‘yan? Si Joy, Anger, Fear, Sadness o Disgust? Iba sila. Hindi sila si Jihoon.
“Ser, magandang hapon!” tawag ni Mingyu habang nagbi-beep beep. Siya ang trusted family driver nila. “O, ba’t parang down ka. Anyare?”
“Maraming nagkakacrush sa crush ko,” mahinang sabi ni Soonyoung pagkasakay niya sa kotse.
“So?” stinart niya na ang engine ng Pajero. “Wag ka kasi torpe, Ser. Dapat mag-da-moves ka na ng todo.”
“Da-moves? Pano?”
“Ewan ko, Ser, honestly. Pick-up lines? Kapalan mo mukha mo?”
“Hays, sige thank you na lang, Mingyu.”
“Okay lang, Ser. Kaya mo ‘yan.”
Sana.
'Di mo alam dahil sa 'yo
Ako'y 'di makakain
'Di rin makatulog
Buhat ng iyong lokohin
Kung ako'y muling iibig
Sana'y 'di maging katulad mo
Tulad mo na may pusong bato
“Seungkwan,” bulong ni Jeonghan habang nakadikit yung tenga niya sa pintuan ng kwarto ng anak niya. “Anyare sa anak ko? Bakit nag jo-Jovit Baldivino?”
“Nakoe! Di ko po alam, Ser! Pagdating niya, ganyan na po siya. Siguro nag-eemo nanaman dahil sa crush niya.”
Jeonghan sighed. Sa totoo lang, ‘di niya alam kung saan nakuha ng anak niya ang pagkatorpe. ‘Di naman siguro galing sa asawa niya, since sobrang kapal ng mukha nun.
“Sige, Seungkwan pahinga ka muna. Kakausapin ko muna ‘to.”
“Yes, Ser!”
Nang umalis na si Seungkwan, nag-knock si Jeonghan sa door. Hindi pwede ‘to.
“SOONYOUNG PEPITO JUANITO PULGOSO KWON CHOI, BUKSAN MO ANG PINTO NGAYON DIN!”
“HINDI PO ‘YAN NAKA-LOCK!”
“Ah, ganun ba,” medyo napahiya siya. Pero whatever. Kailangan niyang bigyan ng piece of mind ang panganay niya. Jusko, pangarap niyang magka-apo, at kung ganito kapabebe ang anak niya, hindi niya ito matatanggap.
“Ano ba ‘yan, Ma, san mo nakuha yung ‘pepito juanito pulgoso’?” tanong ni Soonyoung nang pumasok si Jeonghan.
“Ang boring kasi kapag Choi Soonyoung lang,” umupo siya sa kama ng anak niya, ‘Pusong Bato’ still on full blast. “Anak, may gusto akong sabihin sayo.”
“May milagro nanaman kayong nagawa ni Papa?”
“Hinde, ano ka ba…” napaisip si Jeonghan tungkol dun sa milagro. Hm, pwede. “Tungkol sa love life mo.”
“Ah,” bago ma-close ni Soonyoung ang laptop niya, hinablot ito ni Jeonghan.
“MA!”
“Teka, ano ‘to—” tumayo si Jeonghan at inexamin niya ang FB profile na stinastalk ni Soonyoung.
“Ma, ano ba!”
Lee Jihoon ang nakalagay na pangalan. Huh, wow, so eto pala yung kinababaliwan ng anak niya.
“Oh my god,” sabi ni Jeonghan.
“Ano meron, Ma?” Nako, may masamang kutob siya, Soonyoung thought.
Tahimik na binigay ni Jeonghan ang laptop sa anak niya, “Soonyoung,” sabi niya seriously.
“Ma, I swear, mabait siya, matalino, talented, cute—” Soonyoung started explaining. Hindi niya alam ang gagawin niya kapag inawayan ng magulang niya ang the ultimate love of his life.
“IDI-DISOWN KITA KAPAG DI MO SIYA NAPAKASALAN!”
“Huh?”
“Tingnan mo naman, Soonyoung!” dabog ni Jeonghan habang nagwa-whine. “Ang cute, cute niya! Maganda yung genes niya, maganda yung genes mo! Perfect! Nako juskoooooo, Soonyoung, pag eto pinakawalan mo, sasapokin kita.”
“Jusko, kala ko naman ayaw mo sa kanya…”
“Ayaw ko? Kung pwede nga kami manligaw ng Papa mo para sa’yo eh! Sige na, huhubels. Kailangan masama siya sa family tree natin.”
“Yun yung plano,” Soonyoung nodded. “Pero di ko alam…ang daming nagkaka-crush sa kanya. He’s out of my league.”
Hinit ni Jeonghan ang panganay niya sa shoulders. “Ikaw talagang bata ka! That’s not the spirit. Kailangan confident ka kapag liligawan mo siya. Ano? Hanggang tingin ka lang ba? ‘Di ‘yan pwede sa mga Choi!”
“Opo,”
“Pag di mo siya naging asawa o kahit ano, mananagot ka sa’kin.”
“Hays,” nag-pout si Soonyoung. “Well, today, tinawag niya akong cute, so plus points din ‘yun.”
“Ayun naman pala eh! So may chance ka.”
“Pero maraming may crush sa kanya,” pilit ni Soonyoung. “Wala talaga akong chance. Baka nga di niya ako type eh.”
“Pinalaki ka ba namin ng Papa mo nang ganyan? Dapat go na go ka! Hindi naggi-give up ang mga Choi!”
“Pano ba naging kayo ni Papa?” naisip ni Soonyoung na siguro pwede siyang mainspire sa story ng parents niya. Malay mo, baka may makuha siyang reference.
“Well,” napangiti si Jeonghan. Finlip niya ang hair niya at sinabi, “’Di ko siya nagustuhan nung una, to be honest. Pero ayun, makulit siya; araw-araw nagbibigay ng gifts sa’kin, palaging nag-iigib for our family. Medyo crush ko na nga siya bago niya pa akong legit na ligawan, kaya plus points din ‘yun,” mas naging wide ang smile niya from the memory. “Tapos isang gabi, he stole a kiss from me. Nakita ng lola mo. Ayun, nahimatay. Nung unang panahon kasi sobrang sacred ng mga kiss. Kaya pagtapos namin mag-college, nagpakasal na kami.”
“Wow,”
“Oo, wow,” tumango si Jeonghan. “Kahit lokaret yung tatay mo, mahal na mahal ko parin siya.”
Nagkwento pa lalo si Jeonghan tungkol sa adventures nila ni Seungcheol nung araw nila. So to say, maraming natutunan si Soonyoung sa panliligaw at thankful siya na he confided to his Mama. One thing na sure siya though, is hindi siya manliligaw through FB or text. Feeling niya hindi gaano ka-special kapag ganun—kaya nung umalis na ang Mama niya, in-open niya ulit yung FB profile ni Jihoon at inisip, tomorrow, ta-try ko na mag-da-moves. Magiging hokage na ako.
