Work Text:
Mabilis ang takbo ni Jeonghan sa koridor ng kanilang college upang makaabot pa siya sa oras ng klase. Mabuti sana kung maliit na subject lang ito, a-absent pa siya!
Ngunit hindi.
Ang professor nila ngayon ay si Choi Joon-hyuk. Para siyang aabsent ng kalahating taon sa mga tini-take niyang units kung hindi siya makakaabot. Ito pa naman ang pinakamagaling na propesor sa school nila. Bukod doon, hinahangaan nyang talaga.
Dahan-dahang pinihit ni Jeonghan ang doorknob ng AVR. Dinig na niya ritong nagsisimula nang magsalita si Prof. Choi.
Kung gaano katahimik ang pagpasok ni Jeonghan ay siyang lakas ng kabog sa dibdib niya. Ayaw niya namang maging laman ng atensyon dahil sa pagiging late.
Isang beses bumaling ang isang pares ng mata kay Jeonghan.
“Good morning.” matipid na bati ni Seungcheol.
Ngumiti si Jeonghan nang hilaw dito bago umupo sa likuran nito, may dalawang hilera ang gap, kahit na may espasyo pa sa tabi ni Seungcheol.
Ngumuso si Seungcheol upang itago ang ngiti.
“Dude. Focus.” saway ni Wonwoo, itinaas ang salamin, hindi man lang ito bumabaling ng tingin sa iba. Tanging sa prof lang nila.
Hindi naman maingay si Seungcheol. Hindi rin siya magaslaw. Nawala lang talaga siya sa focus dahil dumating si Jeonghan. Ito lang naman ang hinihintay ni Seungcheol sa klase na ito. Tama, hindi ang prof, hindi ang matututuhan niya—kundi si Jeonghan mismo.
“Ha. Himala, nagsusulat ka?” hindi makapaniwalang tanong ni Woozi sa likod ni Seungcheol.
Hindi maiwasang mapabaling si Wonwoo ng tingin. Totoo, nagsusulat si Seungcheol!
“Parang mula noong freshmen tayo, never kong nakitang humawak ka ng ballpen.” eksaherada muli ni Woozi.
Ngumisi lang si Seungcheol, ipinakita ang dami ng kaniyang naisulat.
“Amazing.” nganga ni Woozi.
“Magmula pa kanina, nagsusulat ako.” yabang ni Seungcheol.
“Ganon? Patingin?” inagaw ni Wonwoo ang notebook na hawak ni Seungcheol. Tumingin siya sa bahagi kung saan may nakaligtaan niya, nang makita iyon sa notes ni Seungcheol, kinopya nya nang mabilis.
“Kita mo. Ikaw itong wala sa focus!” asar ni Seungcheol.
Tinaas ni Wonwoo ang salamin gamit ang gitnang daliri. Sinadya niyang ipakita iyon kay Seungcheol.
“Ulul.” mahinang sagot ni Seungcheol.
Mahaba ang klase. Pambawi sa mga ilang beses nilang na-missed na klase. Bukod doon, isa talaga ang subject na ito sa pinakamahabang subject period.
Ayaw na ngang matapos ni Seungcheol ang klase na ito. Sa course na ito lamang niya nagiging kaklase si Jeonghan dahil unit earner lang siya sa Business Administration.
“Dismissed.”
Pagkabanggit noon, tumayo nang mabilis si Seungcheol at lumapit kay Jeonghan. Pinadulas niya ang notebook sa desk ni Jeonghan.
“30 minutes kang late. Ang daming nasulat before ka pa dumating.” sabi ni Seungcheol, mabilis na nagbigay ng patak sa pisngi ni Jeonghan at lumakad palabas ng AVR.
“Hoy!” kontroladong sigaw ni Jeonghan habang pinapanood ang mabilis na paglabas ni Seungcheol.
Mariin niyang pinunasan ang pisngi habang nakasimangot. Ramdam niya pa ang laway na dumampi doon.
“Si Cheol pala ah...” tukso ni Hoshi habang nagliligpit.
“Bakit mo pinunasan?” dagdag ni Dokyeom.
“Shit siya. Magnanakaw!” naiinis na komento ni Jeonghan, padabog na kinuha ang notes ni Seungcheol at itinabi sa bag.
Nagtakip ng bibig si Dokyeom bilang reaksyon.
“Sagutin mo na kasi.”
“Hay nako!” pinutol na agad ni Jeonghan ang pagsisimula sa kaniya ng mga kaibigan.
Para kay Jeonghan, nagpapasalamat siya dahil tuwing Huwebes at Biyernes niya lang nakakasama sa isang klase si Seungcheol. Dahil kung hindi, baka mag-drop siya sa inis.
Nagsimula ang inis ni Jeonghan kay Seungcheol dahil sa maingay nitong pagpapakita ng paghanga. Maingay. Alam ng mga malalapit niyang kaibigan. Sinasabi nilang nanliligaw ito pero hindi rin naman sigurado ni Jeonghan. Wala rin siyang balak pagtuunan ng pansin yon.
“Ang daming admirer ng kaibigan natin. Halos lahat naman, dedma. Si Seungcheol lang ang kapansin-pansin para kay Jeonghan, e.” paglalarawan ni Seungkwan.
“Oh? Napakapapansin kasi.” bara ni Jeonghan.
“Pero aminin mo, gwapo diba?” niyugyog ni Dokyeom ang balikat ni Jeonghan.
“Dokyeom, iyan lang ba sukatan-”
“Syempre, Han, hindi! Dapat malaman din kung gaano kahaba-”
“Dokyeom!” putol niya sa sasabihin.
Ni hindi nga alam ni Jeonghan, kung seryoso ba si Seungcheol sa kaniya. Mas nangingibabaw lang kay Jeonghan na inaasar lang siya nito.
Nang makauwi si Jeonghan sa kaniyang dorm, naisip niyang tignan ang laman ng notebook ni Seungcheol. To be surprised, malinis ang sulat ng lalaki. Hindi naman sa maganda ang sulat. Hindi maganda ang handwriting pero key words lang talaga ang nakasulat sa notebook. May examples din para mas malinaw.
Isang pasada ng pagbasa ni Jeonghan, nare-recall niya agad ang tinuro ni Prof. Choi.
Seungcheol: Hi, Jeonghan. Nagrereview ka?
Napairap si Jeonghan sa hangin nang mabasa ang mensahe ni Seungcheol.
Jeonghan: Nagsusulat ako
Wala nang sumunod na reply doon. Tinignan ni Jeonghan nang mabuti ang icon na “read”. Napataas ng kilay si Jeonghan sa sarili. Hinayaan ang bagay na iyon at nagpatuloy sa pagsusulat.
Kinabukasan, late na naman si Jeonghan ngunit sa tingin niya ay kasisimula pa lang ni Mr. Choi. Sumenyas siya kay Dokyeom, may ibang taong nakaupo sa seat nya.
“Sino 'yan?”
Sumenyas si Dokyeom sa katabing upuan ni Seungcheol. Para bumilis ang buhay ni Jeonghan, sumunod siya sa sinabi ng kaibigan. Mas pipiliin niya iyon kaysa maging sentro pa ng atensyon. Pag-upo niya, nakatingin sa kaniyang gawi si Professor Choi.
“Shit.” bulong ni Jeonghan sa sarili, pigil na pigil ang hininga niya dahil nagtatagal ngayon ang mata ni Professsor Choi sa kanya.
Tinignan ni Seungcheol ang kanilang propesor at bumaling kay Jeonghan. Nilapat ni Seungcheol ang kanyang palad sa gitnang dibdib ni Jeonghan upang pakalmahin.
“Relax...” natatawang pahayag ni Seungcheol.
Nakahinga nang maluwag si Jeonghan dahil tumingin na sa iba si Prof. Choi.
Padabog niyang tinulak palayo ang kamay ni Seungcheol sa kaniyang dibdib.
“Ano ba?” bulong niya kay Seungcheol, magkasalubong ang kilay.
“Shh.” saway ni Wonwoo. Natahimik si Jeonghan dahil may hiya siya sa ibang kaklase.
“Huwag mo ngang sawayin ang baby ko.” singit ni Seungcheol sa kaibigang si Wonwoo.
“Baby ka ba?” singit din ni Woozi sa tabi ni Wonwoo.
“Magiging baby-”
Tinampal ni Jeonghan ang bibig ni Seungcheol kaya natigil siya. Sabay na humagikgik si Wonwoo at Woozi dahil sa nangyari. Hindi nila mapigilan ang pagtawa dahil sa ginawa ni Jeonghan.
Isa-isang nilabas ni Jeonghan ang gamit nang tanggalin sa bibig ni Seungcheol ang kamay. Binalik niya na rin ang notebook ni Seungcheol na ginamit kahapon.
Naging payapa ang klase pagkatapos noon. Maya-maya, inabot ulit ni Seungcheol sa kanya ang notebook.
“Ano ito?” nagtatakang tanong ni Jeonghan.
“Sayo muna. Inipit ko dyan yung mga naunang notes habang wala ka pa.” sabi ni Seungcheol nang nakanguso, hindi tumitingin kay Jeonghan.
“Hindi naman ako late-”
“Hindi ka late na late.” koreksyon ni Seungcheol.
Sumama ang tingin ni Jeonghan sa kausap pero hindi pa rin ito bumabaling sa kaniya. Tumayo si Seungcheol at tuluyang lumabas ng classroom.
“Nagtampo yung baby.” natatawang sabi ni Woozi kay Wonwoo. Nagtinginan ang dalawa bago bumaling kay Jeonghan at nagpaalam.
Hinampas ni Jeonghan si Dokyeom sa braso bago magtanong kung bakit di niya sinave ang upuan.
“Gaga! Si Professor Choi ang nagpalipat doon, naki-seat in. Paano ako magrereklamo? Bukod sa gwapo yon, mabango pa.”
“Huh? Sino ba iyon at bakit si prof pa ang nagpalipat? Anong pangalan?”
“Hong Jisoo. Pogi no? Mine na ha.”
“Hong Jisoo?!” singhal ni Jeonghan.
“Ay, Jeonghan. Respeto. Na-mine na ng tao. Na-screen shot na oh, id-dm na lang?” ani Dokyeom.
“Baliw! He is Professor Choi's nephew, idiot!”
Nanlaki ang mata ni Hoshi at Dokyeom pagkatapos marinig iyon. Nagwala si Dokyeom dahil mas lalo raw itong naging gwapo sa paningin niya.
“Go na. Basta sakin ang anak niya.” ani Jeonghan.
“Ang anak niyang non-existent, oo.”
“Low profile lang!” pagtatama nito.
Parang walang narinig si Jeonghan at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Sunod na klase na nila. Masayang-masaya na si Jeonghan dahil alam niyang walang manggugulo sa kaniya.
Matagal nang idolo ni Jeonghan si Prof. Choi. Kilala ito bilang batikang guro sa buong kapital ng kanilang lugar. Kaya maging family background nito, nag-research si Jeonghan. Marami ang mga taong katulad niya kaya nagbabahagi ito ng mga imporamsyon tungkol kay Professor Choi.
“Open naman ang mga impormasyon tungkol sa pamilya ni Prof. Ang masyado lang pribado ay ang asawa at anak nito.” pahayag ni Seungkwan, isa sa mga nakilala ni Jeonghan sa grupo ng mga humahanga sa propesor.
“Ganon... lalaki ba ang anak niya?”
“Yan ang sabi.”
Kahit hindi sigurado, parang nagkaroon sila ng interes sa anak nito.
“Ano kayang pakiramdam na anak ka ng isang magaling na guro?”
“Sa mga kabataang litrato ni Prof, ang gwapo niya!”
Yan ang namumuong usapan sa kanilang grupo. Hindi lang naman iyon ang ginagawa nila, naghihintay din sila ng mga free seminars na si Prof. Choi ang speaker.
Seungkwan: Next two months, may international seminar si Professor Choi. Ang kaibahan nito sa mga naging seminar niya, may bayad ito.
Yan ang pinag-iipunan ni Jeonghan ngayon. Kaya naman nagpa-part time siya ngayon sa isang convenient store.
“Bakit ka nandito?” bulong ni Jeonghan, magkasalubong ang kilay sa kausap.
“Dahil bibili ako?” malaking ngisi ni Suengcheol, natutuwa dahil sa nadiskubre niyang nagtatrabaho dito si Jeonghan ngayon.
“Huwag ka nang bibili dito ulit ah.” banta ni Jeonghan.
“Huh? Bakit?” puno ng pagtataka si Seungcheol. “May ganyan palang klaseng customer service?” dagdag pa niya.
“Oo, at sayo lang implemented yon.” tawa ni Jeonghan.
“Wow. I feel so special.” umaktong na-touch si Seungcheol.
Inangat ni Jeonghan ang kanyang tingin habang pina-punch ang binili nito at natawa lalo dahil sa reaksyon ni Seungcheol. Humahanga rin naman si Jeonghan sa angking kalokohan nito.
Gaya ng inasahan ni Jeonghan, kahit pa sinabihan niyang huwag na ulit itong pupunta ay halos araw-araw yatang dumaan si Seungcheol sa convenient store. Naninibago man si Jeonghan, hindi siya gaanong nakukulitan kay Seungcheol. Kaunti lang.
“Ano iyan?” tanong ni Jeonghan kay Seungcheol pagkatapos nitong iwan sa harap ang carton milk.
“Para sayo.” ngiti ni Seungcheol.
“Ayoko-”
“Okay.” kinuha ni Seungcheol ang milk pagkatapos lumabas ng convenient store.
Napanganga si Jeonghan dahil sa asal ng kausap.
Sa mga nagdaang araw, gulat si Jeonghan dahil mas naging kaswal ang usapan nila ni Seungcheol. Hindi na ito katulad noon na puro punch line ang abot niya dito.
“May problema ka ba?” kuryosong tanong ni Jeonghan kay Seungcheol. Hinuli niya ang mata ni Seungcheol.
Sa isip ni Jeonghan, baka may problema si Seungcheol kaya ganito ang asta lately.
“Bakit? Nag-aalala ka ba?” dumiretso nang tayo si Seungcheol, tila naging excited.
Bumuntong-hininga si Jeonghan.
“Akala ko lang may problema ka kasi parang iba ka nitong mga nakaraan.”
“Paanong iba?”
“Hindi ka nang-aasar. Matino kang kausap ganon.”
Iyon ang para kay Jeonghan.
Ngunit kay Seungcheol, napagtanto niya lang na mas magiging malapit siya kay Jeonghan kung ituturing niya itong kaibigan. Kahit na higit doon ang nararamdaman niya.
“Seryoso ka talaga kay Jeonghan, huh?” ngumisi si Wonwoo.
“Anong palagay mo sa akin? Aastang gano'n nang wala lang?” tumaas ang kilay ni Seungcheol.
“Loko-loko si Seungcheol pero may prinsipyo 'yan.” malalim na pahayag ni Woozi.
“Mga gago kayo!” binato ni Seungcheol ang papel na nasa harap niya sa mga kaibigan. “Parang ang pangit ng tingin niyo sa akin, ah?”
“Ay, ngayon mo lang napansin?” tinakpan ni Woozi ang bibig. Minura ni Seungcheol ang kaibigan.
Gano'n ang usapan ng magkakaibigan dahil nabanggit ni Seungcheol ang mga realizations niya.
He's glad that Jeonghan recognized the way he tries to change behavior towards him. Ang tawag niya don, change of strategy. Gusto niya lang mapalapit kay Jeonghan at kung ang pagiging kaibigan muna ang dapat niyang gawin, gagawin niya. Para hindi yung tinataboy o kinaiinisan siya nito palagi.
“Pass your concept paper until lunch. I will no longer accept afterwards.” mariing salita ni Professor Choi.
Nagtinginan si Dokyeom at Hoshi.
“Patay.” ani Hoshi, agad na tumayo nang makalabas ang prof nila at tumawag kay Jeonghan.
“Hannie? Hello?”
“Hoshi? Anong sabi ni Prof? Traffic pa rito!” pagkatapos sabihin ni Jeonghan iyon ay mura siya nang mura.
“Until lunch daw-”
“Huh? Anong oras na!”
“Oo, nasaan ka na ba?”
“Tangina! Umuulan!”
Mangiyak-ngiyak na tumingala si Jeonghan sa kalangitan. Standby muna siya ngayon sa loading and unloading area ng bus. Bumaba na nga siya sa bus kanina, kahit malayo pa at balak niyang lakarin. Ngayon naman, bumuhos ang malakas na ulan.
“Wala akong payong!” frustrated niyang sambit at mahigpit na niyakap ang kanyang concept paper na nasa plastic envelope.
Tinignan niya ang oras. 11:45 na. Wala pa ring humpay ang ulan.
Sa kabilang banda, sumugod si Seungcheol sa ulan gamit ang kanyang motor. Mabuti at nakapagtanong siya kay Hoshi kung nasaan banda si Jeonghan kaya doon siya didiretso.
“Jeonghan!”
Lumingon si Jeonghan sa tumawag ng pangalan niya. Tumigil ang isang motor sa harap.
Nang maitaas nito ang salamin ng helmet, nakita niya ang mata ni Seungcheol. Humakbang si Jeonghan nang isang beses pero pinigilan siya nito.
“Suotin mo muna ito.” utos ni Seungcheol. Sinuot niya kay Jeonghan ang kapote. Kinuha niya rin ang hawak ni Jeonghan at inilagay ito sa u-box.
“Paano mo nalamang nandito ako?” tanong ni Jeonghan habang nagmamadaling suotin ang kapote.
“Kay Hoshi...” sagot ni Seungcheol, sunod na inabot ang helmet.
Mabilis ang patakbo ni Seungcheol. Tsaka na siya magpapasensya sa sakay niya ngayon dahil ito ang bilis na kailangan nila.
For the last minute, nailapag ni Jeonghan ang kanyang concept paper sa desk ni Prof. Choi.
Nakahinga siya nang maluwag.
Hindi maiwasang makaramdam siya ng pananakit ng ulo dahil sa stress. Hawak niya ang kanyang sentido habang palabas ng faculty room.
“Anong problema?” sinalubong siya ni Seungcheol.
Umiling si Jeonghan bilang tugon.
“Halika muna rito...” maingat na pagyayaya ni Seungcheol sa malapit na bench.
Inalalayan siya ni Seungcheol sa pag-upo. Nakapikit si Jeonghan habang dinarama ang sakit ng ulo.
“Kukuha lang ako ng tubig.” paalam ni Seungcheol. Mabilis na dumilat si Jeonghan upang pigilan ito. Hinawakan niya ang palapulsuhan ni Seungcheol at tumanggi na.
“Ako na lang mamaya. Thank you.” kusot pa rin ang mukha ni Jeonghan dahil sa dinaramdam.
“Tsk.” ani Seungcheol dala ng iritasyon sa pagiging matigas ng ulo ni Jeonghan.
Maybe after that day, it became much easier for Jeonghan and Seungcheol get closer to each other. They became more casual.
“So ano nang score?” tanong ni Hoshi kay Jeonghan.
“78 over 95. Pasado naman.” sagot ni Jeonghan habang nagliligpit ng gamit.
“Gago mo. Kayo ni Seungcheol.” tawa ni Hoshi.
Hindi katulad ng pagbabago kay Jeonghan at Seungcheol, wala pa rin silang takas sa mga kaibigan. Tinanggap na lang nilang dalawa na bahagi iyon ng buhay ng mga kaibigan–ang panunukso.
Seungkwan: Guys. Moved ng dalawang buwan ang international seminar ni Professor Choi. So it will probably begin late this year.
Jeonghan: Talaga? Okay para mas maraming oras mag-ipon. :)
Seungkwan: Yes! Good luck sa atin.
Pinagpatuloy ni Jeonghan ang pagiging part timer sa convenient store. Okay na rin sa kaniya dahil mayroon siyang extrang allowance bukod sa pinadadala ng kaniyang magulang.
“Busy ang mga regular students sa nalalapit na foundation week.” ani Dokyeom.
“Oo. Panigurado.”
“Paano ka, Han? Tutuloy mo pa part time mo sa mga araw na yan?”
“Pag-iisipan ko. Hindi naman mabigat trabaho sa store.”
“Hindi nga mabigat pero ang oras kalaban mo.”
Kung minsan, sa sobrang occupied ng oras ni Jeonghan, nagkukulang ang oras ng tulog niya. He will start the day going to the store. From 6 am to 11 am. And then go to his dorm to prepare and go to school at 12 noon until 8 in the evening.
“Madalas kasing magpuyat eh.” puna ni Dokyeom.
“Oo nga. May kapayutan na rin eh?” dagdag ni Hoshi.
“Anong pinagsasabi mo, Hoshi? Oo mahilig akong magpuyat pero wala akong kapuyatan.” paglilinaw ni Jeonghan.
“Eh kumusta na kasi?”
“Tsismoso ka talaga noh?”
Ang totoo, magkaibigan nga sila ni Seungcheol. Sa loob ng mga nakalipas na araw, mahigit isang buwan na rin siguro silang kaswal sa isa't isa.
“Magkaibigan lang kami. Okay na?”
“In a scale of-”
“My gosh, Hoshi! Tumigil na rin siya.”
“Ba't parang matabang ang pagkakasabi mo?”
Natatawa na si Dokyeom sa pagtatalo ng dalawang kaibigan. Gusto niyang pumagitan pero mas nag-e-enjoy siya sa nangyayari.
“Paanong matabang? Nalasahan mo ba?”
“Asus. Jeonghan friendzoned?”
“Ang kapal mo!”
Kung anong sinabi ni Jeonghan, iyon ang tunay. Para sa kaniya, tumigil na nga sa pangungulit si Seungcheol. Hindi niya pa nga alam kung paano niya ilalarawan iyon dahil malayong maging “ligaw” ang ginawa ni Seungcheol.
Tumunog ang bell sa pinto ng store at inangat ni Jeonghan ang kanyang tingin upang makita ang pumasok.
Dumiretso si Seungcheol sa carton milk at pina-punch kay Jeonghan.
“Pa-stay sa dorm mo?” ito ang unang salita ni Seungcheol.
“Huy, tama na ang dalawang beses mo.” pambabara ni Jeonghan.
“Sige na, Han... komportable ako don.”
“Tapos? Ako ang hindi komportable, ganon?” ngisi ni Jeonghan.
Ngumuso si Seungcheol.
“Sige na, please. Sagot ko dinner mo mamayang gabi.”
“Sige para makatipid ako.”
“Ayan. Ano ba kasing pinag-iipunan mo?”
Hindi sinabi ni Jeonghan ang bagay na iyon. Hindi dahil ayaw niya pero tsaka na siguro kapag malapit na ang seminar.
Nakakadaan si Seungcheol ng store tuwing umaga. Ang pasok kasi ng mga unit earner ay alas otso ng umaga hanggang ala una.
“Cheol. Dahan-dahan naman sa paghilik.” banta ni Jeonghan habang inaayos ang higaan. Sa lapag matutulog si Seungcheol kaya nilatagan niya ito.
“Opo, light sleeper.”
“Hinaan mo rin phone mo, ang lakas ng sounds kapag naglalaro ka.”
“Sus. Hindi ka rin naman natutulog nang maaga?”
Hindi umimik si Jeonghan. Tuluyan silang nahiga at kanya-kanyang harap sa kanilang cellphone.
Sinunod naman ni Seungcheol ang sinabi ni Jeonghan tungkol sa sounds ng kaniyang laro. Hinayaan niya ito hanggang sa magpaalam siyang matutulog na.
“Han. What if tabi na lang ako sayo?” hirit ni Seungcheol.
“What if sampalin kita?"
Tumawa si Seungcheol kaya natawa rin si Jeonghan.
“Matulog ka na pagkatapos mong maglaro. Please. Nagigising ako e.”
“Tabi na lang ako sayo para matulog na rin ako.”
Napanganga si Jeonghan dahil walang ano-ano'y nasa tabi na niya si Seungcheol. Dala pa nito ang unan niya mula sa lapag.
“Good night, Han.” ngisi nito at tumalikod sa kaniya.
Napailing si Jeonghan sa asta ng katabi.
Jeonghan is not even used to sleep with someone beside him. Tonight is probably the rare first time he has experienced it. But he couldn’t describe why he sleeps soundly that night.
Kailangan niyang gumising ng alas singko para maghanda. Madalas, sa store na siya mag-aalmusal dahil may oras namang kaunti ang dating ng mamimili.
“Kamay mo.” naiiritang saway ni Jeonghan kay Seungcheol.
Umagang-umaga, nakakapaglabas siya ng hindi magandang energy.
Lalong humigpit ang yakap ni Seungcheol sa beywang ni Jeonghan.
“Cheol.” may bahid ng pagbabanta ito.
“Oo na.” walang ganang sagot ng nasa likod at tinanggal ang nakapulupot na braso sa katawan ni Jeonghan.
Tumayo si Jeonghan at dumiretso ng banyo.
Dalawampung minuto bago ang ala sais ng umaga, umalis na siya ng dorm. Mabuti at walking distance lang din ang dorm niya papuntang store.
“Ni-lock mo ang dorm ha?” tanong ni Jeonghan kay Seungcheol. Alas siyete y media at dumaan ito ng store.
“Oo naman.”
“Malinis?”
“Yes.”
“Sigurado?”
“Uh-huh.”
“Good dahil kung hindi, hindi ka na makakaulit.”
“So patulog ulit ha?”
Binato ni Jeonghan ng papel si Seungcheol na patawa-tawang lumabas ng store.
Gano'n ang mga naging normal na araw para kay Jeonghan at Seungcheol. Kapag Huwebes at Biyernes, sinadya ni Jeonghan na ang oras niya as part timer ay hapon hanggang gabi.
Dahil ito ang oras na may klase sila kay Professor Choi.
Umupo si Jeonghan sa tabi ni Dokyeom. Maaga siya ng limang minuto kaya magaan ang pakiramdam niya.
Seungcheol: Wala akong katabi.
Jeonghan: Ako meron.
Seungcheol: Dito ka na lang.
Jeonghan: Dito ang proper seat ko.
Seungcheol: Walang proper seat kung hindi ako ang katabi mo.
Napanganga si Jeonghan dahil sa asal ng kausap sa mensahe. Matagal-tagal ding hindi nito ginagamit ang mga punch line kay Jeonghan kaya nagulat siya.
Jeonghan: Akala ko tumigil ka na?
Hindi na nakatanggap ng reply si Seungcheol dahil nagsimula na ang discussion.
Nilalaro ni Seungcheol ang kanyang pang-ibabang labi habang iniisip ang text ni Jeonghan.
“Magsulat ka, gago. Hindi ka mabubuhay sa puro tulala.” pinuna ni Wonwoo ang pagtulala ni Seungcheol.
“Nagsusulat ako.” tugon ni Seungcheol.
Parehas na tumingin si Woozi at Wonwoo sa desk ni Seungcheol. Wala nga itong hawak na ballpen o papel. Anong nagsusulat?
“Nagsusulat ako sa isip ko.” dugtong ni Seungcheol at ngumisi.
Napailing ang dalawa sa taglay na kalokohan ng kaibigan.
Pagkatapos noon, lumipad na naman ang isip ni Seungcheol. Natapos na lang ang klase at malayo pa rin ang kaniyang iniisip.
“Sasabay ka ba o hindi?” tanong ni Dokyeom kay Jeonghan.
Hindi pa alam ni Jeonghan kung makakasabay siya sa mga kaibigan dahil nakadepende ang sagot niya kung may dalang motor si Seungcheol.
“Seungcheol, sabay ba tayo?” tanong ni Jeonghan sa dumaang si Seungcheol.
Nagkatinginan sila nito. Huminto si Seungcheol sandali at tumango.
“Sa parking tayo.” ani pa nito.
Malaki ang ngisi ng mga kaibigan ng dalawa. Gusto mong waksihin ni Jeonghan ang mga iniisip nito, bumuntong-hininga na lamang siya.
Sa parking lot, tahimik na ibinigay ni Seungcheol ang helmet.
“Oh? Akin na to?” natatawang tanong ni Jeonghan nang makita ang sticker sa helmet. It was his name.
“Oo, may pangalan mo na e.” sarkastikong sabi ni Seungcheol.
“Wow. Thanks ha pinilit kasi kita e.” ganti ni Jeonghan.
Sumama ang tingin ni Seungcheol kaya natawa si Jeonghan. Bago pa isuot ni Jeonghan ito, hinawakan na ni Seungcheol ang kanyang palapulsuhan.
Tumigil si Jeonghan at tumingin kay Seungcheol na seyoso ngayon.
“Yung text mo kanina,” simula ni Seungcheol.
“Hmm?”
“Gusto mo bang tumigil ako?”
Matagal ang katahimikan sa pagitan ng dalawa. Hindi naman sa hindi gets o naunawaan ni Jeonghan iyon. Mas nangibabaw pa nga na mas mabilis niyang naunawaan ang tanong ni Seungcheol kaysa sa lesson kanina.
Tumango si Seungcheol sa sarili. Alam niyang walang sagot doon.
“Sakay na.” utos nito kay Jeonghan.
Sumunod si Jeonghan sa sinabi ng kasama.
“Hawak.”
Pinilupot nii Jeonghan ang kamay sa sikmura ni Seungcheol pagkatapos ay umandar na ang motor. Tumigil ang motor ni Seungcheol sa dorm building ni Jeonghan. Bumaba si Jeonghan at tinanggal ang helmet. Binigay niya ito kay Seungcheol bago magsalita.
“Mag-s-stay ka ba sa dorm?”
Hindi kasi alam ni Jeonghan kung aakyat ba ito sa dorm pagkatapos nitong maghanap ng parking ng motor ni Seungcheol.
“Hindi na muna. Magpapahatid ka ba sa store?”
“Hindi na. Lalakarin ko na lang.”
Tumango si Seungcheol at mabilis na nagmaneho. Naiwan si Jeonghan na pinanood kung paano lumiit sa paningin si Seungcheol.
Pinagsawalang-bahala ni Jeonghan ang asal ng kaibigan.
Sa convenient store, maraming bilin ang kapalitan niya bago umalis. Patango-tango lang si Jeonghan sa sinasabi nito.
“Ayos ka lang ba?”
“Huh? Oo...”
“Parang mag sakit ka. Kaya mo bang mag-take charge?”
Tumango si Jeonghan at pinabulaanan ang sinasabi ng kasama. Alas tres hanggang alas siyete siya ngayon ng gabi.
Mabilis lang naman ang oras pero tila ngayong araw, napakabagal para kay Jeonghan.
Usually, dadaan sa kaniya si Seungcheol pero dahil nabanggit nito kanina na baka hindi muna ito matutulog sa dorm niya ay inasahan ni Jeonghan na hindi ito dadaan.
Nang malapit na mag out si Jeonghan, dumagsa ang mga customer. Nagtataka rin siya, dahil late ang kapalitan niya.
Halos tatlumpung minuto ata itong late. Mag-a-alas otso na rin siguro siyang nakapag-out.
Lumipas ang mga araw, nanibago ulit si Jeonghan.
Gusto niya mang ipagsalawang-bahala, pero alam niyang umiiwas si Seungcheol.
Hindi ito dumadaan sa store.
Kapag Huwebes at Biyernes, hindi man lang ito tumitingin sa kaniya o di kaya'y mabilis na lalabas ng AVR.
“Anong nangyari, Han?” tanong ni Dokyeom.
“Hmm?” inangat ni Jeonghan ang kaniyang tingin. Abala kasi siya sa pagliligpit. “Saan?”
Hinanap ni Hoshi ang mata ng kaibigan.
“Okay ka lang ba?”
Tumango si Jeonghan habang nakatikom ang bibig.
Ayaw niyang magsalita. Marami siyang obserbasyon pero pinipili niyang hindi magsalita.
“Delikado pa naman 'to pag nanahimik.” bulong ni Dokyeom kay Hoshi.
“Pansin mo ba? Umiiwas si Seungcheol eh. Binusted na kaya niya?”
“Diba noon pa naman niya binusted?”
Napahawak si Dokyeom sa kanyang ulo dahil sa stress. Nagpaalam si Jeonghan sa dalawa bago tuluyang lumabas ng klase.
Sinalubong si Jeonghan ni Seungkwan para magbigay ng update sa seminar.
“Makakapunta ako.” ngisi ni Jeonghan.
“Ako rin! Pero matagal-tagal pa naman. Kaya pang dagdagan?” ani Seungkwan.
Nabaling sa iba ang isip ni Jeonghan dahil sa usapan. Nakakita rin siya ng dalawang bagong mukha na kasama ni Seungkwan.
“Si Dino, freshmen yan. Tapos si Minghao, kabatch din natin pero sa Fine Arts.” pakilala ni Seungkwan.
Nakipagkamay si Jeonghan sa mga ito.
“Added na ba sila sa group?”
“Ay hindi pa nga eh.”
“Ako na mag-add!”
Pagkatapos mag-volunteer ni Jeonghan, nagpasalamat si Seungkwan at nagpaalam dahil may susunod pa silang klase.
Diretso naman ang lakad ni Jeonghan pauwi. Sa gitna ng paglabas sa college nila, nakita niya si Wonwoo, Woozi at Seungcheol.
Gusto sanang bumati ni Jeonghan pero may parte sa kaniyang kalooban na pinipigilan siya. Kaya sa huli, dumiretso siya ng lakad. Kunwari ay hindi nakita ang tatlo.
“Jeonghan!”
Napapikit si Jeonghan nang marinig ang tawag ni Woozi.
“Jeonghan, dito!”
Napakamot siya sa kanyang noo at bumaling sa mga ito.
“Ano iyon?”
“Hindi ka ba sasabay kay Cheol?”
Gustong matawa ni Jeonghan. Ayaw niyang mainis pero alam niyang hindi maganda ang kalalabasan noon.
Tahimik na umiling si Jeonghan.
“Hindi na siguro.” pinal na sambit ni Jeonghan, tinignan niya si Seungcheol, seryoso lamang itong nakatingin sa kaniya.
Hindi na naghintay ng sasabihin sa kabila, dumiretso na si Jeonghan.
Gusto niyang mainis.
Gusto niyang saktan si Seungcheol.
Ano bang problema non?
“Jeonghan.” tawag sa kaniya mula sa likod.
Alam niyang si Seungcheol iyon.
“Han.”
Mabilis ang kanyang lakad. Ayaw niyang pansinin ito. Para kay Jeonghan, panindigan na lang ni Seungcheol ang pagtrato sa kaniya nang malamig. Sumalubong kay Jeonghan at Seungcheol ang malakas na ihip ng hangin. Nakalabas na sila ng university. Nararamdaman pa rin ni Jeonghan ang pagsunod ni Seungcheol.
Malamig ang pisngi ni Jeonghan.
“Jeonghan?”
Ginamit ni Jeonghan ang dulo ng kanyang sweater upang palihim na punasan ang mata. Nagawa na niyang humarap kay Seungcheol dahil mag-aabang siya ng bus. Nakita niya ang malumanay nitong matang naghihintay.
Pinagkrus ni Jeonghan ang braso sa ilalim ng dibdib habang naghihintay ng bus.
“I'm sorry.”
“Para saan?”
“Umiwas ako.”
“Sana tinuloy-tuloy mo na.”
Hindi nakaimik si Seungcheol. Iyon ang kahinaan niya. Yung mga salitang nanggagaling kay Jeonghan. For Seungcheol, the words coming out of Jeonghan's mouth are powerful. He always sounds like he meant saying everything. Kahit anong salita, kahit pa masaktan siya, parang iyon talaga ang gusto ni Jeonghan.
“Gusto mo ba?” tanong ni Seungcheol. Kaya lagi ring nililinaw ni Seungcheol, gusto ba ni Han iyon?
“Ginawa mo na, diba?” mariing tugon ni Jeonghan.
“Pero gusto mo nga?”
“Wala kang paki kung gusto ko o hindi.” umiwas ng tingin si Jeonghan.
“See. Gusto mo, kaya ginagawa ko.”
Masama ang tingin na ibinaling ni Jeonghan kay Seungcheol.
“Huwag mo akong sinisisi.”
“Hindi kita sinisisi. Sinusunod ko pa nga ang gusto mo?”
“Paano mo nalaman ang gusto ko? Hindi ko rin naman sinabing ayaw ko. Ang sakin, bakit mo tinatanong ngayon eh umiwas ka na nga!”
Bumuntong-hininga si Seungcheol. Parang hindi mauubusan ng bala si Jeonghan sa kaniya. Napamura siya sa isip. Tila ba mabilis ang takbo ng isip nito para magsalita at matigil kung ano man ang pinaniniwalaan ni Seungcheol sa sarili.
Pinara ni Jeonghan ang bus.
Sumunod si Seungcheol sa pagpasok ni Jeonghan. Umupo ito sa dulong bahagi. Mabuti na lang at walang masyadong tao at nagawang makatabi ni Seungcheol.
Hinihintay niyang tumingin si Jeonghan sa kaniya ngunit diretso lamang ito sa kalsada.
Hindi naman magawang tawagin ni Seungcheol dahil sa biyahe. Hinuli ni Seungcheol ang kamay ni Jeonghan at pinagsalikop ang mga ito.
Sa buong biyahe, walang umimik sa kanilang dalawa. Maliban noong malapit na ang babaan.
Tumingin si Jeonghan kay Seungcheol.
“Bitiwan mo na.” utos ni Jeonghan.
Kumunot ang noo ni Seungcheol pero tila awtomatikong bumitiw sa kamay ni Jeonghan.
Magkasunod silang bumaba ng bus. Sa pagtataka ni Seungcheol, dumiretso si Jeonghan ng store.
“Hindi ka ba magbibihis muna?” tanong ni Seungcheol.
Dahil alam niyang usually, iyon ang ginagawa ni Jeonghan.
“Hindi na. Pwede ka nang umalis.”
“Han.”
“Ano?”
“I'm sorry. Please...” hinapit ni Seungcheol ang kamay ni Jeonghan at pinalapit sa kaniya. Matalim ang tingin sa kaniya ni Jeonghan.
“Kung may gagawin ka, Seungcheol, panindigan mo. Kung lalapit ka sa mga tao at lalayo kung kailan mo gusto, gawin mo. Pero huwag na sa akin, please. Kung iiwas ka, maging consistent ka.” mahinang payo ni Jeonghan. Nakikita niya ang pagsusumamo kay Seungcheol ngayon.
“Sorry. Pag sayo, hindi ko kaya.”
“Anong hindi mo kaya?”
“Hindi ko kayang lumayo.”
“Kaya mo. Kinaya mo nang ilang araw, gago.”
Humigpit ang hawak ni Seungcheol sa kamay ni Jeonghan matapos marinig ang mura nito.
“Hindi yon totoo.” pabulaanan ni Seungcheol. “Patawarin mo ako, please...”
“Okay na. Okay lang.”
“Tsk.” reaksyon ni Seungcheol bago hapitin ng yakap si Jeonghan. “Bawi ako sayo.”
Humiwalay si Jeonghan at sinabing hindi na kailangang mag-abala. Pinauwi niya si Seungcheol pero matigas ang ulo nito. Naghihintay lamang sa labas ng store.
Naghihintay na lang ng ilang oras si Jeonghan pero hindi siya mapakali. Nakikita niya ngayon sa labas na mga upuan at lamesa si Seungcheol. Maiging naghihintay sa kaniya.
Dumating ang kapalitan niya.
“Oh? Dumiretso ka galing school?” tukoy ng kapalitan niya sa kaniyang school uniform.
“Oo. Aalis na ako ha.” paalam ni Jeonghan at inisa-isang kinuha ang gamit.
Tumayo si Seungcheol nang makita na palabas na si Jeonghan. Inayos niya ang uniform at sumabay sa paglakad nito.
“Can I stay overnight?”
“Ikaw bahala. Wala akong pagkain.” pahiwatig ni Jeonghan.
“Okay. Magpapadeliver ako.” pag-unawa ni Seungcheol.
Sabay nilang nilakad ang daan papunta sa dorm ni Jeonghan. Habang naglalakad, panay ang request ni Seungcheol na tumabi muli sa higaan pero ayaw ni Jeonghan.
Gusto pa sanang tuksuhin ni Jeonghan si Seungcheol doon pero pagdating nila sa palapag ng dorm niya ay malayang naghihintay doon si Dokyeom at Hoshi. Maingay na pumasok si Dokyeom at Hoshi sa dorm ni Jeonghan. Upang maibsan sa kanilang pagitan ang hiya sa kasama ni Jeonghan, dinadaan na lang nila sa ingay.
“Hala ano to, sahig...”
“Tangina mo, Hosh...”
Kung ano-ano man ang pinagsasabi nila, sa huli, sila rin ang naghuhulog sa sariling kahihiyan.
“Sabi ko sayo, hayaan muna natin eh.” bulong ni Dokyeom kay Hoshi habang nakaupo sila sa salas ng apartment ni Jeonghan.
“Hindi ko naman alam.”
“Pero di bale, basta alam nating okay naman sila.”
Yan ang naging laman ng bulungan ng dalawa hanggang sa yayain ito ni Seungcheol sa dinning area.
“Nag-order na lang kami. Sorry.” sabi ni Seungcheol nang maupo ang dalawang kaibigan ni Jeonghan.
“Ayos lang 'yon.” sambit ni Hoshi.
“Ayos talaga. Bumibigla kayo ng bisita eh.” singit ni Jeonghan. Hindi makatakas sa kanya ang pagtitinginan ng dalawang kaibigan. Alam na niya ang ibig sabihin noon.
“Magyaya sana si Hoshi na uminom.” ngisi ni Dokyeom.
“Bakit?” si Jeonghan. Sumenyas itong magpatuloy na sa pagkain.
“Uh... wala, busted- busted ka ni Soo Hyuk diba?” ani Dokyeom na parang gumagawa pa lang ito ng dahilan sa utak niya.
“Huh? Oo- oo.”
Tumingin si Jeonghan kay Seungcheol bago bumaling ulit kay Dokyeom. Kahit di kapani-paniwala, hindi na umimik si Jeonghan. Natapos ang kanilang pagkain nang nadako naman sa ibang usapan.
Sa huli, hindi nakapagstay si Seungcheol sa apartment dahil sumabay na ito sa paglabas nina DK at Hoshi.
“Hatid ko na kayo dyan sa baba.” Jeonghan insisted.
Mabigat ang paa ni Seungcheol nang bumaba sa building. Naunang magpaalam si DK at Hoshi kaya naiwan ang dalawa sa tapat nito.
“Commute lang naman ako ng isang sakay tapos subdivision na namin.” impormasyon ni Seungcheol.
Tumango si Jeonghan at nagpaalam.
“Hindi na kita maihahatid sa malayo kasi madilim na.”
“Okay lang. Magti-text ako mamaya.” bilin ni Seungcheol at lumakad na palayo.
Pagkatapos magligpit ni Jeonghan sa kusina, dumiretso na siya sa kaniyang kwarto. Makalipas siguro ang higit tatlumpong minuto, nakahiga na siya sa kaniyang kama.
Seungcheol: See you on Monday.
Jeonghan: Yeah. See you.
Seungcheol: How was your week, by the way?
Jeonghan: Pagod buong week. Ikaw?
Seungcheol: Naging busy. Yung mini business ko, inasikaso ko. Medyo kulang din sa tulog kasi hanggang Wednesday ako ng gabi sa office. Tapos gumising pa nang maaga kinabukasan
Alam na agad ni Jeonghan na ang kinabukasan na tinutukoy nito ay umagang klase nila kay Professor Choi.
Inamin din ni Seungcheol na mas gusto niya na naging busy siya para umayon sa ginawang pag-iwas.
Jeonghan: Bakit ka ba umiwas?
Seungcheol: Ask me when we're together. I dont want to say that here
Jeonghan: Ano bang kaibahan?
Seungcheol: Malaking kaibahan.
Jeonghan: Talaga? Gaano kalaking kaibahan?
Seungcheol: Basta. Sorry ulit kung umiwas ako kaysa kausapin ka tungkol sa problema. Dapat nagtanong ako nang maayos
Jeonghan: Right. Nanliligaw ka na ba ulit?
Seungcheol: Tangina
Seungcheol: Sa personal kasi dapat.
Seungcheol: Oo nanliligaw ako. Hindi ako tumigil. Nagpalamig lang ng ulo
Natawa si Jeonghan at iniwan lamang doon ang message nila. Naka-leave as read na ang mensahe ni Seungcheol. Napabuntong-hininga si Jeonghan at pumikit.
Ayaw niyang mag-overthink.
To be honest, Jeonghan has been hesitant and he choose to decline Seungcheol before because he doesn't want to be attached again.
Hindi naman ganon dati si Jeonghan sa mga taong dumaan sa buhay niya.
Noon, kapag may taong susuyo sa kaniya at gustong mapalapit, mainit ang kaniyang pagtanggap. Ngunit sa isang beses na ginawa iyon, napakatindi ng sakit na dinulot sa kaniya.
Kaya simula noon, kapag may tao muling nagtatangka, agad niyang sasanggain. Agad rin namang titigil ang iba. Di katulad ni Seungcheol, na makailang beses man niyang barahin o sanggalin, hindi ito tumitigil.
Naging open din si Jeonghan dito mula noong hindi na ito gaanong nangungulit at naging kaswal na lang sa kaniya.
“Ang iba kasi kay Seungcheol, kinakaibigan ka niya ngayon.” pahayag ni DK.
“Totoo naman. Kaya nga, sabi ko, magkaibigan lang kami.” paglilinaw ni Jeonghan.
Ito ang usapan nila matapos magkita ngayong Lunes. Tinanong din kasi ni DK at Hoshi ang tungkol sa pagkikita nila kay Seungcheol doon sa apartment ni Jeonghan.
“Weh?”
“Oo, Hoshi. Saan ba ako dadalhin ng pagtatago sa inyo?” tumaas ang kilay ni Jeonghan.
“Hmp. So sige, given that you two are just friends, sure ka ba na kaibigan talaga ang tingin sayo ni Seungcheol?”
“Sa loob ng ilang buwan naming kaswal at pagiging malapit, sa tingin ko naman, oo.”
“Tinanong mo?”
“Need pa ba?” Nagtataka niyang tanong pabalik.
“Oo. Lalo na kung iba naman ang motibo niya sayo nung una.”
Hindi naman alam ni Jeonghan na pati pala sa pagkakaibigan ay kailangan mong linawin ang ganong estado.
“Hindi ko tinanong. Tinatanong pa pala yon? Pero tinanong ko kung nanliligaw na siya ulit.”
Nabuga ni DK ang iniinom na tubig.
Naging madugo ang linggo ng mga Business students gaya nina Jeonghan noong foundation week ng kanilang paaralan.
“Mabuti pa sila Woozi, hindi obligado.” ngumuso si Hoshi habang sinusuot ang kanyang apron.
Ngayong linggo, ang mga business students ay naghanda ng food and booth services. Ang magkakaklaseng sina Jeonghan, Hoshi at DK ay assigned para sa isang food service area.
“Alam ko, busy naman ang mga graduate students sa dissertation papers nila.” tugon ni DK.
Tumango si Jeonghan dahil iyon din ang alam niya. Alam nilang unit earner na lamang sina Woozi at Wonwoo sa school, gaya ni Seungcheol.
Busy rin naman si Seungcheol. Sa katunayan, umuwi siya sa kanilang family house dahil pinatawag sila ng kanilang tatay.
“Good afternoon, Mr. Choi.”
Sunod-sunod ang bati ng mga kasambahay sa kaniya.
Ngumiti ang binata nang tipid upang magbigay tugon.
“Good afternoon, cous!” masiglang bati ni Jisoo.
“Yeah, afternoon, Joshua.”
Ngumuso si Jisoo sa matipid na pakikitungo ng pinsang si Seungcheol.
Umupo ang papa at mama ni Seungcheol sa hapagkainan kaya't hudyat na iyon na pwede nang magsimula ang hapunan. Sumubo si Seungcheol ng pagkain.
“Pa, can you please reserve me a ticket of your seminar?” request ni Seungcheol.
Tumaas ang kilay ng kaniyang papa, si Professor Choi. “And now you're interested, huh?”
“Yes, yes, you can say that.” tango ni Seungcheol. “That’s why I am asking you.”
“What pulls your interest to attend to my business seminar?”
“My friend.” walang halong pagsisinungaling ni Seungcheol.
“Oh. Nong naki-seat in din talaga ako sa klase mo, Tito, mapapapunta rin talaga ako sa mga seminar mo sa sobrang galing.” singit ni Joshua.
“Joshua, you can come to my seminar too. If you want.”
Umikot sa ganoong usapan ang kanilang pagkain. Hinatid ni Mrs. Choi ang kanyang anak at ang pinsan nito palabas sa mansyon.
“Seungcheol, my dear... can I ask you something?” hinabol muna ni Mrs. Choi si Seungcheol.
Tumango si Seungcheol at humarap sa kaniyang ina. Nasa tapat nila ngayon ang kotse. Pumasok si Joshua sa kotse.
“Yes Ma, what is it?” ani Cheol.
“Yung kaibigan mong gusto pumunta sa seminar ng papa mo, yan din ba ang nabanggit ni Papa mo kung bakit nakiusap kang habaan ang pasahan ng concept paper?”
Seungcheol sighed. Nakakarating talaga sa mama niya ang mga request niya sa papa.
“Opo, it was the same person.”
Malaki ang ngiti ng kaniyang mama bago tumango.
“Natanong ko lang. Sige na, bumiyahe na kayo.”
Niyakap ni Seungcheol ang kaniyang ina at nagpaalam. Sa biyahe, puro negosyo lamang ang napag-uusapan nila ni Joshua.
“Inom tayo minsan.” pagyayaya ni Joshua.
“Busy ako. Ang dami kong ipapasang papel. Ikaw rin. Busy sa negosyo mo.” Seungcheol said. Nasa pamilya talaga nila ang pagiging negosyante.
“Kahit after mo makuha ang certificate mo.”
Iyon ang napagkasunduan ng magpinsan.
Nagpababa si Seungcheol sa kanilang university, nagtataka man si Joshua dahil alam niyang wala itong pasok, hinayaan na lamang niya.
Sumalubong kay Seungcheol ang maingay na university. Hindi siya magtataka dahil foundation week ngayon. Hinanap niya ang tent nila Jeonghan.
Mga ilang minuto rin ang tinagal bago niya matunton ang mga kaibigan ni Jeonghan kaya't hinagilap na ng kanyang mata ang pakay.
Nasa isang dulo ng mahabang bakal na upuan si Jeonghan at nagpapahinga. Kung makikita sa hitsura nito, halatang pagod na. Lumapit si Seungcheol at umupo sa tabi ni Jeonghan.
Hinawakan niya ang likod nito at hinaplos.
“Okay ka lang?” tanong ni Seungcheol.
Umangat ang tingin ni Jeonghan. Mas lalong nakita ni Seungcheol na pagod na ito.
Tumango si Jeonghan. “Okay lang, medyo pagod na.”
Bahagyang tumagilid si Seungcheol at hinilot ang likod ni Jeonghan. Ngayon lang nalaman ni Jeonghan na marunong pala itong maghilot. Mabigat ang kamay nito ngunit sakto lang upang maramdaman sa likod ni Jeonghan.
Pagkatapos gawin iyon ni Seungcheol ay sinandal niya ang ulo ni Jeonghan sa kaniyang balikat.
“Hindi ba pwedeng umuwi ka na?” tanong ni Seungcheol.
“Hindi pa. Sila Dokyeom at Hoshi na lang ang maiiwan kapag ganon.”
Tumango si Seungcheol.
“Gusto mo ng pagkain?”
Umiling si Jeonghan. Nilayo niya ang sarili at tinignan si Seungcheol.
“Bakit ang bait mo bigla?” ngumisi si Jeonghan at nagdududa.
“Huh?” tumaas ang kilay ni Seungcheol. “Dati pa akong mabait.” dagdag niya. Tumawa si Jeonghan at tumayo.
“Parang hindi naman.” ani Jeonghan bago umalis sa harap ni Seungcheol. “Hintayin mo na ako rito, magliligpit naman na rin kami maya-maya.”
Lumapit si Jeonghan sa bukana ng kanilang tent at naisipang tumulong sa mga kaibigan na nagti-take ng order ng isang estudyante.
Halos lumuwa ang mata ni Jeonghan nang makita kung sino ito. Nabigla si Dokyeom at Hoshi nang makita si Hyungwon na nag-oorder sa kanilang tent. Sa tagal nila itong hindi nakita, nakilala nila ito sa boses.
“Kilala niyo pa ako!” tuwang-tuwang sambit ni Hyungwon.
“Oo naman! Ano ang order mo?” tanong ni Hoshi.
Isa-isang namili si Hyungwon ng kaniyang makakakain. Habang ginagawa iyon, nakita ng dalawang kaibigan si Jeonghan.
Napakamot si Hoshi sa kaniyang ulo at siniko naman siya ni Dokyeom.
“Jeonghan?”
Lumapit ito kay Jeonghan at hinawakan sa magkabilang balikat. “Ikaw nga! Long time, no see!”
Nang yakapin nito si Jeonghan, muntik nang marinig ni Seungcheol sa isip yung kantang Jopay ng Mayonnaise at yung dialogue na, paano kung bumalik ang greatest what if mo, ano gagawin mo? Will you say hi? No. Just ignore. But you cant. What if your greatest what if is right in front of you?
Natawa si Seungcheol sa likod ni Jeonghan. Sa laking bulas niya, kasabay pa ang matinding presensya, hindi pwedeng hindi mo siya mapansin.
Napatingin sa kaniya si Hyungwon. Tinignan mula sa paa hanggang ulo. Pagkatapos bumitiw kay Jeonghan.
“Tara, tara, dito ka sa labas!” inakbayan ni Hoshi si Hyungwon hanggang leeg pagkatapos pinatianod palabas.
“Aray!” Inda ni Hyungwon.
“Yan dito kasi tayo pre, sino ba kasing may sabing pumasok ka sa loob!” natatawang sabi ni Hoshi.
“Hindi ba pumipili ako ng pagkain nyo sa booth?” hinihilot ni Hyungwon ang batok.
“Di pre. Sabihin mo na lang samin kung ano. Ito menu oh.” pagsalo ni Dokyeom sa kaibigan. Inabot ni Hyungwon ang menu at doon namili ng order.
“Bakit? Anong tinititig mo?” tanong ni Jeonghan may Seungcheol habang ginagawa ang order ni Hyungwon, na sinabi lang sa kaniya ni Hoshi.
Nakatingin lang sa kaniya si Seungcheol. Nakakrus ang braso sa ilalim ng dibdib.
Nagpatuloy si Jeonghan sa paggawa. Ilang minuto pa ang lumipas, tinigil niya ang ginagawa at humarap ulit kay Seungcheol.
“Cheol, ano ba?” naiinis na niyang tanong. “Nakaharang ka. Ang laki mo. Tabi ka diyan at may kailangan ako sa pwesto mo?”
“Sino yun?” salita ni Seungcheol sa wakas.
“Sino?”
“Yung kaninang yumakap sayo. Long time no see, huh?” umalis si Seungcheol sa kinapupwestuhan. Pumalit si Jeonghan at may kinuhang kung ano.
“Kababata ko. Tagaprobinsya rin namin. Tsaka bakit? Nagseselos ka ba?” nakangising tanong ni Jeonghan.
“Hindi. Bakit ako magseselos? Manliligaw mo pa lang naman ako.” sarkastikong sabi ni Seungcheol.
“Kaya nga?” sang-ayon ni Jeonghan.
Hindi sumagot si Seungcheol. Naiwan doon ang pag-uusap nila. Natapos na ni Jeonghan ang ginagawa. Nang lalabas na para i-serve sa table ni Hyungwon, pinigilan ni Seungcheol.
“Ako na.”
Tumingin si Jeonghan sa lalaki. Ngumisi at binigay ang order ni Hyungwon kay Seungcheol.
Nang bumalik si Seungcheol sa tent, nakita niyang isa-isa nang nagliligpit ng gamit si Jeonghan. Kausap nito si Dokyeom. “Duty ko na sa store kaya maaga akong aalis. Okay lang ba?”
“Of course naman, Han, no problem.”
“Salamat. Kung mapipilit ko rin si Seungcheol, siya gawin kong katawan dito.”
Nang mapansin nila ang presensya ni Seungcheol, sabay lumingon ang dalawa.
“Eh akala ko sabay kayong uuwi? Tsaka di natin kagrupo si Seungcheol?” duda ni Dokyeom.
“Ihahatid ko lang siya sa store. Babalik ako?” hinawakan ni Seungcheol ang likod ni Jeonghan.
Tumango agad si Jeonghan at tumingin kay Seungcheol. “Pwede ka ba?”
“Kiss muna—”
Tinakpan ni Jeonghan ang bibig ni Seungcheol. “Kumalma ka. Kailan ka nakahalik sakin?” taas ng kilay ni Jeonghan.
Ngumuso si Seungcheol kaya natawa si Dokyeom.
“Umalis na nga kayo. Balik ka Cheol?”
“Oo. Sabi niya eh.” tinapik ni Seungcheol ang likod ng balikat ni Dokyeom kaya tumango ito.
Pagkatapos ihatid ni Seungcheol si Jeonghan sa convenient store, bumalik siya agad sa school. Sabi ni Dokyeom, hindi pa sila pwedeng magsara nang hindi nauubos ang nasa booth. Dalawang oras at higit na lang yata ang oras nila bago mag-end ang booth camp.
“Kailangan na nating mag-ikot.” payo ni Seungcheol sa mga kagrupo ni Jeonghan.
Kailangan nilang maubos ang mga serving. Gagawa pa ang grupo nila ng report para sa sa feasibility subject. Pagkatapos mag-ikot ni Seungcheol at ilang kagrupo, bumalik ito sa booth nila at sinabihan si Dokyeom at Hoshi.
“Dokyeom, Hoshi, maghubad na kayo.” sabi ni Seungcheol.
Nagtataka ang dalawa.
Nang makita nila ang ilang mga estudyanteng parating, nag-aalangan pa ang dalawa. Dumiretso ang mga estudyante sa booth nila. Sunod-sunod na ang mga estudyanteng dumarating, mapa-babae o lalaki man. Eyeing the two–Hoshi and Dokyeom.
“Jackson, Bam, hubad na rin.” tinapik ni Dokyeom ang balikat ng mga kagrupo.
And with that, sa loob ng isang oras at higit, mabilis nilang nakita ang pagkaubos ng serving.
“Cheol, hubad ka na rin.” sabi ni Taeyong.
Ngumisi lang si Seungcheol at umiling. “Wala si Hani e.”
“Ay may pagpaalam ba dapat?”
“Hindi naman. Para sa kaniya ko lang ibibida.”
Nagtawanan ang ibang mga kasama nila. Nagpaluan naman ng braso si Hoshi at Dokyeom.
Alas otso na ng gabi, naghihintay si Jeonghan kay Seungcheol sa isang upuan na katapat ng convenient store. Maliwanag naman dahil 24 hrs namang open ito. Nasa loob na rin ang kapalitan niya ng duty. Gabi ang duty ngayong linggo dahil konting pakiusap lang ng kapalitan niya. Ayos lang naman dahil ngayong linggo rin ay foundation week at walang klase.
Seungcheol: Papunta na ko.
Jeonghan: Okay. Dito ako sa tapat ng store
Seungcheol: Motor na ko
Jeonghan: Huwag ka nang magreply.
Sinara ni Jeonghan ang mensahe nila. Pagkatapos pumunta sa bank app. Napangiti siya dahil pwede na niyang bilhin ang ticket ng seminar ni Professor Choi.
Jeonghan to Seungkwan: Nakabili ka na ng ticket ni Professor Choi?
Seungkwan: Sa Friday pa lang. Ikaw?
Jeonghan: Sabay tayo pleaseee
Seungkwan: Okay. After dismissal?
Nakangiti habang nagtitipa ng sagot si Jeonghan nang marinig niya sa hindi malayo ang motor ni Seungcheol. Nakatingin ito sa kaniya nang pumarada, bumaba sa motor at kunin ang helmet sa likod.
“Cheol,” bati ni Jeonghan. “Naubos ba?” tanong niya tungkol sa pagkain sa booth camp nila.
Tumango si Seungcheol.
“Yes, naghubad sila DK at Hoshi e.” sabay tawa.
“Huh?”
Kinuwento ni Seungcheol ang pangyayari kanina habang inilalagay sa ulo ni Jeonghan ang helmet.
“Wow. Ikaw rin? Naghubad ka rin?” taas ng kilay ni Jeonghan.
Ngumiti lang si Seungcheol. Hindi na niya sasabihin yung sinabi niya sa booth camp syempre.
“Naalala mo ba yung sinasabi kong pinag-iipunan ko?”
“Hmm. Nagsabi kang may pinag-iipunan pero hindi mo pa sinabi kung ano.”
Tumango si Jeonghan. Tama ang naaalala ni Seungcheol.
“Mabibili ko na. Gusto ko mag-avail ng ticket ni Professor Choi.” ngisi nito habang kumakapit sa likod ni Seungcheol.
On the back of Seungcheol’s head, mayroon na siyang ticket. Kahit hindi niya bayaran. Libre ito dahil nga humingi siya sa tatay niya. Pero kung pinaghirapan ni Jeonghan, okay nang bumili siya.
“Tutulog ka sa unit?” tanong ni Jeonghan.
“Tabi tayo?” pabalik na tanong ni Seungcheol.
Nag-isip si Jeonghan. “Hmm. Mabait ka naman nitong mga nakaraan. Tapos tinulungan mo pa kami sa booth. Okay, tabi tayo?”
Nai-park ni Seungcheol ang motor sa ground floor ng building nila Jeonghan. Sabay silang umakyat sa itaas.
Walang pahinga si Seungcheol. Nilagay niya agad sa isang plato ang food na kinuha niya sa booth. Pagkatapos, ginamit ang microwave oven para iinit ito doon.
Nakapagbihis na si Jeonghan nang saktong natapos si Seungcheol sa paghahanda ng pagkain.
“Hindi ka kakain?” nagtatakang tanong ni Jeonghan nang makitang isa lang ang platong nasa mesa.
“Kumain na ako kanina sa booth.” sagot ni Seungcheol.
Kahit hindi siya kumakain, nanatiling nakaupo si Seungcheol sa mesa para samahan lang kumain si Jeonghan.
Nagsimulang kumain si Jeonghan habang nasa tapat si Seungcheol. Minsan, dumadampot si Seungcheol ng ulam at pumapapak.
Ingay lang ng kutsara at tinidor ni Jeonghan sa plato ang naririnig. Nang makita ni Jeonghan na pumapak muli si Seungcheol ng ulam, sinakop ni Jeonghan ang isang subo ng kanin sa kutsara at binigay ito kay Seungcheol.
Automatic namang binuksan ni Seungcheol ang bibig at sinubo ang binibigay ni Jeonghan.
“Anong oras in mo sa store bukas?” tanong ni Seungcheol.
“Ganun ulit. Afternoon. One week gano'n. Buti nga kasi wala naman tayong klase. Nakakatulog din ako nang mahaba.”
“Anong oras naman punta mo sa school?”
“Before lunch? Mga eleven am.”
Tumango si Seungcheol.
“Bakit?”
Nakailang sunod-sunod na subo si Jeonghan bago sumagot si Seungcheol. Inabutan pa muna siya ng tubig.
“Mas maaga akong aalis kaysa sayo.”
Uminom si Jeonghan bago itanong ang dahilan.
“For certification na ako sa business na gusto ko. Madami akong papers na kailangan i-file.”
'Ah' lang ang naisagot ni Jeonghan habang tumatango. Nabanggit naman ni Seungcheol sa kanila dati na gusto nga nitong magtayo ng service-based business, more like management–social media management company. Ngayong patapos na ang finals, makakakuha na si Seungcheol ng units at mukhang handa na itong mag-operate matapos lang ang pag-file ng business registration.
“Mag-message na lang ako. I-update kita.” pambawi ni Seungcheol. “Hindi na kita gigisingin nang maaga para mahaba ang tulog mo.”
Tumango si Jeonghan at hindi na nagsalita.
Nang mas naging abala si Seungcheol, halos hindi na sila nakakapagkita ni Jeonghan. Madalas na rin itong excused sa klase ni Professor Choi.
“Approved na kasi yung business niya. Most likely, his presence onsite ay kailangan na kailangan pa sa tinatayo niyang kompanya.” paliwanag ni Woozi kay Hoshi nang magtanong ito tungkol kay Seungcheol.
Kapansin-pansin din kasi ang pananahimik ni Jeonghan these past few days.
“Okay ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?” usisa ni Dokyeom. “Kumain ka ba? Puyat?”
“Pagod lang ako.” sagot ni Jeonghan pagkatapos mahabang katahimikan na naman.
May mata talaga si Seungcheol kay Jeonghan kahit na wala ang pisikal nitong katawan. Kasi tulad nito, tumunog agad ang cellphone ni Jeonghan pagkatapos niyang sabihin iyon.
Seungcheol: Pagod daw baby ko?
Jeonghan: Sinong baby?
Seungcheol: Ikaw. Sabi nila Wonwoo
Jeonghan: 👍
Seungcheol: Cold naman. Miss mo ko?
Jeonghan: Shut up
Seungcheol: Sorry. Busy sobra
Jeonghan: Pano na lang kung naging boyfriend na kita?
Seungcheol: Magkaka-time na syempre
Jeonghan: Hindi ka pa sure.
Seungcheol: Sorry na please. Babawi po ako
Jeonghan: Okay lang naman.
Ang totoo, alam naman ni Jeonghan sa sarili na namimiss niya si Seungcheol. Hindi niya lang masabi nang malakas. Tsaka una namang naging dahilan ni Seungcheol sa buhay ang business kaysa yung panliligaw niya kay Jeonghan. Kaya nga ito nasa klase rin ni Professor Choi e. Unang dahilan—kailangan ng units. Kailangan sa business na gustong itayo.
“Gusto ko na siyang sagutin,” binagsak ni Jeonghan ang ulo sa mesa niya sa classroom. Pagkatapos umaktong umiiyak. “Gusto ko na siyang maging boyfriend!” sabay pekeng iyak.
“Siraulo talaga.” natatawang iling ni Dokyeom. “Sa bagay, matagal-tagal na rin namang nanliligaw sayo si Seungcheol tapos napaka-consistent din.”
“Oo. Mula rin naman nung nag-away kayo, nag-try siyang mas maging vocal sa nararamdaman, e.”
“So paano ko nga sasabihin?” tanong ni Jeonghan sa mga kaibigan.
“I-text mo na lang na sinasagot mo na sya para magmadaling kitain ka.”
Nagpantig ang tainga ni Jeonghan sa sinabi ni Dokyeom. Pwede pwede. Ngunit ayaw niya, baka mapahamak pa yun kung magmadaling magmaneho.
“Sa personal. Gusto ko naman yung romantic.” dahilan ni Jeonghan.
“Hmm. I-text mo kung pwede ba kayong magkita? Tapos ayon, sagutin mo.” mungkahi ni Hoshi.
Sa mga sumunod na araw, na-divert naman ang atensyon ni Jeonghan sa paghahanda nila ni Seungkwan at grupo sa nalalapit na seminar ng pinakaidolo nilang professor.
“Sabi nila, guest speaker daw yung pamangkin.” balita sa kaniya ni Seungkwan.
“Talaga? Oh my god, ibabalita ko nga kay Dokyeom para sumama.”
“Bakit? Crush ba niya?”
Kung alam lang ni Seungkwan kung paano ito i-follow ni Dokyeom sa Instagram.
“Pero heto na nga ang isa pang chika.” simula ulit ni Seungkwan. “Guest speaker din daw ang anak niya.”
Nanlaki ang mga mata ni Jeonghan. “Oh damn. Finally?”
Iyon ang umiikot na balita sa grupo nila ni Seungkwan bago mangyari ang matagal nang hinihintay na malawakang seminar.
“Uy. Manliligaw mo!” siniko ni Seungkwan si Jeonghan kaya napabaling siya sa gawi kung saan nakatingin si Seungkwan.
Nang makita ang pamilyar na motor ni Seungcheol, hindi agad makangiti si Jeonghan. Naghalo ang saya, inis at kaba sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang una niyang magiging reaksyon.
Halos dalawang linggo silang hindi nagkita. Panay text lang si Seungcheol.
Nang makalapit si Jeonghan dito, ngumiti ito nang malaki at bumaba sa motor. Makikita sa mata nito ang puyat pero gwapo pa rin.
“I missed you.” sabay bagsak nito ng ulo sa gilid ng leeg niya. Muntik pang mawala sa balanse si Jeonghan ngunit nakuha naman siya agad ng yakap ni Seungcheol.
“Kainis.” tanging sagot ni Jeonghan, itinaas ang dalawang kamay at pinulupot sa batok papunta sa likod ni Seungcheol.
“Pagod na pagod ako, dumiretso ako rito.” bulong ni Seungcheol sa kaniya.
“Pagod pala, bakit hindi nagpahinga?”
“Ito na nga ang pahinga.”
“Ang korni-korni mo talaga.”
“I can sleep like this.” Seungcheol groaned, “Sobrang komportable.”
Hinagod ni Jeonghan ang malapad na likod ni Seungcheol para aluin. “Pauwi na rin ako. Matulog tayo sa dorm.”
Binawi ni Seungcheol ang katawan mula kay Jeonghan. “Walang duty?”
Umiling si Jeonghan.
“Wala. Tapos na akong mag-part time. Nabili ko na siya!” itinaas ni Jeonghan ang ticket ng seminar. Winagayway iyon kay Seungcheol habang malawak ang ngiti.
Natawa rin si Seungcheol dahil sa ekspresyon nito. “Okay, congrats! Makakapagpahinga ka na at makakanood ng seminar ni Professor Choi.”
“Yeah!” tumalon pa ng isang beses si Jeonghan pagkatapos niyayang umalis si Seungcheol.
Sa dorm, pagkatapos maglinis ni Jeonghan ng kwarto, ibinagsak agad ni Seungcheol ang katawan sa kama. Lumabas si Jeonghan para magpalit ng damit. Naghugas muna rin siya ng naiwang di nahugasang pinggan sa labas ng kwarto. Pagkatapos noon, bumalik siya sa kwarto at nadatnang malalim na ang tulog ni Seungcheol.
Tumabi si Jeonghan kay Seungcheol. Nakatulog din siya agad sa ilang sandaling pagkakahiga sa tabi nito.
Sa gitna ng gabi, naramdaman ni Jeonghan ang paghapit ni Sengcheol sa kaniyang beywang. Inaayos siya nito palapit sa katawan.
Humarap si Jeonghan kay Seungcheol. Dumilat si Jeonghan at kasabay noon ang pagsiksik ni Seungcheol sa dibdib niya.
“Hani.” inaantok na tawag ni Seungcheol.
“Hmm?”
“I missed you,”
“Hmm... Huwag ka na ulit magtagal.”
“Hindi na ulit. Malapit na finals. Yun na lang, kaya hindi na ako madalas sa school. Sa company na ako standby. Sa exam na ulit ako pupunta ng school. I'll take the last test with you.”
“Okay.”
“Pero pupunta ako sayo dito sa gabi? Okay lang?”
“Okay lang.”
“Everyday?”
“Everyday.”
“Na-miss mo ba ako?”
Natigil si Jeonghan. Hindi siya mahilig sa sweet words di gaya ni Seungcheol. Nasanay din siguro si Jeonghan na binabara ito kapag bumabanat ng matatamis na salita. Pero hindi mapigilan ni Jeonghan hindi maging sweet, kung iyon naman talaga ang gusto niyang sabihin?
“I missed you too. Sobra.”
“Ah,” Seungcheol growled against Jeonghan’s chest. “Kontento na akong marinig iyan.” sabay tawa. Tumawa rin si Jeonghan dahil sa sinabi ni Seungcheol.
Dumantay sa bewang ni Jeonghan ang kamay. Mas lalong siniksik ang sarili sa dibdib nito. Sinuklay ni Jeonghan ang buhok ni Seungcheol gamit ang daliri. “Tulog pa tayo para maka-rest ka pa.”
Hindi naman mainitin ang ulo ni Seungcheol. Mas nananaig pa nga ang pagiging loko-loko nito. Unang beses lang na nakita ni Jeonghan na wala itong pasensya ay noong panahong umiiwas siya.
'Yon pala, nainis lang dahil akala raw ni Jeonghan ay tumigil na siyang manligaw. Tapos, umamin din naman sa kasalanan si Seungcheol, dapat daw sinasabi niya nang maayos dahil hindi pa rin naman daw alam ni Jeonghan kung ano ang intensyon niya kung hindi sinasabi.
Hindi mainitin ang ulo ni Seungcheol pero no'ng narinig niya sa usapan nila Seungkwan, Hoshi at Dokyeom na may kaisa-isahan itong crush after kay Hyungwon—gusto niyang manuntok.
Double kill, e.
Una, crush daw pala si Hyungwon. Hindi lang kababata.
Naging ka-mutual understanding daw. Naging ka-something. Kaya pala hirap ding magtiwala si Jeonghan sa kaniya kasi galing siya kay Hyungwon na hindi alam ang gusto at walang intensyong malinaw kay Jeonghan. Gusto lang ng landian.
Pangalawa, may nag-iisang crush daw pagkatapos kay Hyungwon.
Saan ako lulugar dun?
“Seungcheol?” tawag ni Jeonghan.
Nang sunduin siya nito sa convenient store, kitang-kita na ni Jeonghan ang magkasalubong nitong kilay. Ramdam ni Jeonghan sa awra nitong wala ito sa mood.
“Anong nangyari?” tanong ni Jeonghan, hinuhuli ang mata nito.
“Wala—”
“Alam mong ayaw ko nang ganyan,” mahinahong paalala ni Jeonghan. “Sasabihin mo na namang wala, kahit nababasa ko na sa mukha mo?”
“Kasi...” nagmura si Seungcheol sa ilalim ng paghinga.
“Kasi? Huwag kang magmura.” hinawakan ni Jeonghan ang beywang ni Seungcheol para mapirmi ito sa kaniya.
Hinawakan ni Seungcheol ang palad ni Jeonghan ngunit hindi tinanggal ang kamay nito sa kanya.
“May crush ka raw— I mean, naging crush mo raw si Hyungwon. I– I know shouldn't be pissed about it, it was in the past. And then, they said, you have a long time crush on someone after Hyungwon. I don't know who, probably it's not me. Obviously. It's so fucking obvious!”
Tumigil si Seungcheol.
Nakatingin lang si Jeonghan. “Tapos ka na?”
“Yeah,” mas kalmado.
“I'm sure hindi lang yan ang narinig mo. Hindi ka maiinis ng ganyan kung iyan nga.”
Sinuklay ni Seungcheol ang buhok gamit ang dalawang kamay. Nafu-frustrate.
“Come here.” Jeonghan pulled Seungcheol closer. “Tama, past na yung kay Hyungwon. It's over. It was long forgotten. Naka-moved on na ako.”
Tumango si Seungcheol.
“Yung crush ko na sumunod kay Hyungwon, for fun lang yon.”
“For fun lang? Pwede ba yun?”
“Oo! Parang kapag artista lang. Or kapag influencer. That kind of crush. Mababaw lang! As if naman...” as if naman nakita ko na yun. Sabi ni Jeonghan sa sarili.
Malaki na ulit ang ngiti ni Seungcheol pagkatapos noon.
“Okay. Uwi na tayo?” ngisi nito kay Jeonghan. Natawa nang malakas si Jeonghan, gano'n lang pakalmahin si Seungcheol.
Habang nasa dorm, tapos na silang kumain. Naglilinis na ng pinagkainan at maghuhugas na ng pinggan. Sandaling napatigil si Seungcheol nang may maalala.
“Sandali lang.” pahayag nito habang bina-brush ang plato. Tumingin si Jeonghan sa kanya habang nagpupunas ng mesa.
“Hmm?” si Jeonghan.
“Sino ba yung crush mo na yun? Yung for fun lang?”
Tumawa muna si Jeonghan bago sagutin. Hindi pa rin talaga nalimutan, e.
“Yung anak ni Professor Choi.” sagot ni Jeonghan.
Tunog ng nabasag na pinggan ang sumunod.
Kumunot ang noo ni Jeonghan pagkatapos mabilis na lumapit kay Seungcheol. “Cheol naman! Hindi nag-iingat. Buti na lang hindi ka nasugatan!” salubong ang kilay ni Jeonghan.
“Professor Choi's son?”
“Yan pa rin talaga ang nasa isip?” bumuntong hininga si Jeonghan. Papatulan niya si Seungcheol ngayon dahil mabuti at wala itong sugat. “Yes nga! Yung anak niya. Never ko naman nakita. Out of admiration lang din dahil sa paghanga ko sa galing ni Professor Choi!”
Muntik nang mag-tantrums si Seungcheol. Out of admiration dahil sa tatay niya. For fun lang yung pagkaka-crush sa anak. Kung saan siya at anak na tinutukoy ay iisa lang.
“Oh, why are you looking at me like that?” Jeonghan asked as he collected the broken plate from Seungcheol's hands.
Hinatid ni Seungcheol si Jeonghan sa stadium kung saan gaganapin ang pinakainaabangang seminar ni Mr. Choi.
“Sunduin kita mamaya.”
“Okay. Sure kang hindi ka busy ha?”
“Hindi nga po.” ulit ni Seungcheol.
“Alright.”
“Enjoy ka mamaya.”
“I will.”
Malaki ang ngiti ni Jeonghan. Syempre, ito na ang matagal niyang pinag-ipunan. Ready'ng ready na siya. Whole day ang seminar. Marami siyang baon na ballpen dahil alam niyang marami siyang isusulat.
Marami rin siyang baon na food dahil pinaghanda siya ni Seungcheol bago sila umalis kanina at ihatid dito sa stadium.
“Napaka-domestic naman non,” komento ni Seungkwan sa likod ni Jeonghan.
Ngumiti lang si Jeonghan sa kaibigan.
“Paano na lang ang anak ni Mr. Choi?”
Tumawa si Jeonghan. “Nandyan ba siya?”
“Uy, nagtatanong. May Seungcheol ka na diba?” irap ni Seungkwan.
“Hey, that's not about it. I won't compare Seungcheol to any man. He doesn't deserve that!” pagtatanggol ni Jeonghan.
“Okay okay.” sabi ni Seungkwan. “Ang sabi wala raw. Tsismis lang daw yun.”
“And then okay, wala siya. Sa sobra naman kasing low profile ni Mr. Choi, ang tagal ding misteryoso satin yung anak niya.”
Medyo matagal pa nag-start ang seminar. Okay lang sa kanila dahil pinili talaga nilang maging maaga para hindi na makipag-agawan sa dami ng tao sa pila. Papasok na sila ng stadium nang maisipan niyang kumustahin si Seungcheol.
Jeonghan: Hello
Seungcheol: Hmm? Boring, noh? That's why you messaged me :D
Jeonghan: Over naman, hindi pa nag-start
Seungcheol: Ah so you thought of me?
Jeonghan: Ang feeling pero yes. What are you doing?
Seungcheol: Naghihintay ng oras ng pagsundo sayo
Jeonghan: Hmm
Jeonghan: Pag nag guest speaker yung anak ni Professor Choi mamaya sa seminar, I will tell you something later.
Seungcheol: Ano?
Jeonghan: Later nga!
Seungcheol: Ngayon na. I'm curious
Jeonghan: Then stay curious. Hahaha see you later :)
Tulad ng inaasahan ni Jeonghan, marami nga silang naisulat ni Seungkwan sa dala nilang notepad. Isang oras na lang bago magpangalawang speaker.
Pinakilala na ang unang guest speaker.
“They're right. Si Joshua Hong nga.” bulong ni Seungkwan at ngumiti si Jeonghan.
Ilang minuto bago ang pangalawang speaker, surprise guest speaker daw. Lalong umingay na anak nga raw ito ni Professor Choi. Lalo rin namang kumulit ang vibrate ng cellphone ni Jeonghan.
Seungcheol: Pag anak niya guest speaker ano?
Seungcheol: Ano?
Seungcheol: Inip na ako
Seungcheol: Anong oras ba uwian
Seungcheol: Baby
Seungcheol: Boring naman yan eh
Jeonghan: Ang kulit.
Jeonghan: Kapag guest speaker ang anak niya, sasagutin na kita. Okay?
Seungcheol: Hahaha bakit nakadepende dyan? Hindi ba ako niyan mainis?
Jeonghan: Kulit ka kasi. Sabing after nito e.
Seungcheol: I cant wait.
Jeonghan: Later na ulit. 15 minutes na lang yung snack time.
Nakikinig nang maigi si Seungkwan at Jeonghan sa pagpapakilala ng susunod na guest speaker. Wala pa sa gitna ay alam na nila na ito ang anak.
Bachelor. Entrepreneur. Managing a company in such young age. Trained by Professor Choi himself. Ever since he was a child. Up until now. You can say, he is, a successful product of the veteran professor and competent businessman.
“Please, let us all welcome, Mr. Seungcheol Choi.” huling linya ng guest speaker.
Nalaglag ang panga ni Jeonghan.
Nadikit ang tingin sa stage—kung saan naglalakad si Seungcheol. Naka-black formal suit. Naka-brush up ang buhok. Alam niyang si Seungcheol iyon kahit malayong-malayo sa casual na ayos nito kapag kasama niya. Si Seungcheol na kanyang manliligaw.
“Good afternoon, everyone,” malalim na boses ang dumagundong sa tunog ng mic.
Nagpalakpakan. Nagsigawan—hindi alam ni Jeonghan kung appropriate ba yun sa seminar.
Ang ingay.
Mas maingay yung kaba sa dibdib niya.
Inilabas niya ang phone at nanginginig na nag-type.
Jeonghan: Nasaan ka?
Nahihibang si Jeonghan. Si Seungcheol naman talaga yung nasa stage. Sa malaking screen, kitang-kita naman ang gwapo nitong mukha.
Pero naiiyak si Jeonghan. Gusto niyang magpalamon sa lupa.
Bumalik siya sa mga panahon na binabara-bara niya pa si Seungcheol. Yung nagagawa nya pang maging sarkastiko rito. Nagagawa pang asarin at pikunin. Bumalik siya sa mga panahon na lagi niya itong bina-basted sa harap ng mga kaibigan.
Sumiksik si Jeonghan sa kinauupuan niya habang naririnig niya ang pakikipagwala ni Seungkwan sa mga tao. Niyugyog siya nito. Nakatanggap pa siya ng kurot. “Walang hiya kang maharot ka.” bulong pa.
Nang mahimasmasan ang mga tao, malakas pa rin ang kaba sa dibdib ni Jeonghan.
Nakikinig siya.
“Kwannie,” tawag niya sa kaibigan. “Can you take note na lang for me?”
Nag-side eye si Seungkwan. Hindi nakatakas sa mukha nito ang ngisi. Tumango ito at bumalik sa pakikinig kay Seungcheol—sa guest speaker.
Magaling si Seungcheol magsalita. Hindi nauutal. Alam mong alam niya lahat ng sasabihin. No one will dare question what he's talking about. Klaro din itong magsalita. Naiintindihan mo. Kapag nag-i-Ingles, maganda yung diction. Masarap pakinggan.
Nag-init ang batok hanggang pisngi ni Jeonghan. Hindi niya maalis sa isip kung paano niya kilala si Seungcheol. Hindi naman ganyan kalakas. Oo, matindi si Seungcheol kaya nga kahit mga kaklase o schoolmate, kapansin-pansin siya. May angkin talaga itong appeal na hindi mo pwedeng ipagpaliban.
Hindi naman alam ni Jeonghan na mas may ititindi pa si Seungcheol. Ngayon niya pa talaga nalaman. Knowing what he said earlier on chat.
Iyon na yata ang pinakamabilis–at the same time, pinakamatagal na oras kay Jeonghan. Madaling-madali na siyang umuwi.
Nagkaroon pa ng group activity at kailangan may output silang magawa.
“Susunduin ka ba?” malaki ang ngisi ni Seungkwan kay Jeonghan nang mag-uwian.
Napahilamos ng mukha si Jeonghan.
“At iyan pa.” naiiyak niyang pahayag.
“Hindi mo alam na siya ang anak? Well, I think everyone didn’t know until kanina.”
“Hindi. I– do you think— nakakainis talaga ang lalaking iyon. Wala na siyang ginawa kundi—” tumunog ang phone ni Jeonghan.
Ngumuso si Seungkwan. “Oh siya, iwan na kita. Good luck!”
Napapikit nang mariin si Jeonghan.
Kinuha niya sa bulsa ang phone at tinignan ang mensahe. Of course, si Seungcheol iyon. Nakita niya pa ang huling mensahe niya rito.
Jeonghan: Nasaan ka?
Seungcheol: By that time, nagsasalita na ako sa harap.
Seungcheol: Nasa parking na ako ngayon. Nasaang gate number ka?
Jeonghan: Gate 13.
Seungcheol: Alright. Wait mo ko
Nanginginig na bumuntong-hininga si Jeonghan. Hindi niya alam kung tatakbo o magtatago siya, e. Mga ilang sandali lang, dumating na ang motor ni Seungcheol. Gano'n pa rin ang ayos nito—yung ayos nung nagsasalita siya sa stage. Hindi pa nagpapalit.
Bumaba si Seungcheol ng motor at kinuha sa likod nito ang helmet ni Jeonghan.
Tinanggal ni Jeonghan ang tingin dito noong inilalagay na sa kanyang ang helmet.
“Ako na,” wika ni Jeonghan.
Tumaas ang kilay ni Seungcheol. Hindi ito nagtanggal ng helmet pero kahit na gano'n, nakikita pa rin ni Jeonghan ang mata.
“Tapos na.” tawa ni Seungcheol.
Naglakad si Jeonghan papunta sa u-box at nilagay doon ang bag niya.
Tinignan siya ni Seungcheol. “So?”
Hindi alam ni Jeonghan ang ibig sabihin doon ni Seungcheol. “Later na, Cheol.”
Hinanap ni Seungcheol ang mata ni Jeonghan ngunit umiwas ito. Nahihiya si Jeonghan. Sobra. Hindi niya rin alam kung bakit. Parehas na tao lang naman ang kaharap niya ngayon. Wala namang malaking pinagkaiba. Bakit ba siya nahihiya?
“Hey.” tawag ni Seungcheol. “Bakit—”
“Nahihiya ako.” una ni Jeonghan. “Nahihiya ako sayo. Nakakainis ka. Hindi ko alam. Umuwi na tayo, please?” tinignan ni Jeonghan si Seungcheol.
Tumango si Seungcheol pero naninigas ang panga niya. May gusto siyang sabihin pero pinigilan na lang ang sarii.
Sa byahe, nakayakap si Jeonghan kay Seungcheol. Gano'n naman ang normal sa kanila. Mas mahigpit lang ngayon ang kapit ni Jeonghan dahil conscious siya.
“We're home.”
Announce ni Seungcheol sa hangin. Wala namang ibang tao sa dorm. Sinabi niya lang, para ipaalala kay Jeonghan.
“Gutom ka ba?” tanong ni Seungcheol. Hindi umimik si Jeonghan.
“Jeonghan.” tawag ni Seungcheol.
“Magbibihis lang ako.” nagmadaling pumasok si Jeonghan sa kwarto.
Sumunod si Seungcheol. Nagulat si Jeonghan. Muntik na siyang maghubad, e. Kumunot ang noo ni Jeonghan nang makita si Seungcheol. “Sabi ko, magbibihis ako?”
“Bakit ka nagkakaganyan?” tanong ni Seungcheol.
“Anong nagkakaganyan?”
“Ganyan. Acting like that.”
“Magbibihis—”
“Kahit ang totoo ay umiiwas?” bara ni Seungcheol.
Hindi nakaimik si Jeonghan. Sinuklay niya ang buhok patalikod gamit ang daliri. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na anak ka ni Professor Choi?”
Si Seungcheol naman ang hindi nakaimik. Wala siyang dahilan. Yun ang totoo. Wala namang partikular na dahilan. Nangyari na lang. It just so happened na hindi siya masyadong vocal pagdating sa pagpapakilala kung sino ang tatay niya. Kilalang pamilya ang Choi sa negosyo, malaking lupain, at mahuhusay na personalidad sa kanilang lugar. Pani-paniwala na sa ibang tao na masyadong low profile ang mga Choi. Lalo na ang professor at mga kapatid nito na tatay ni Joshua. Ang totoo, hindi naman talaga nila sinasadyang maging low profile. Ayaw lang nilang masyadong pinag-uusapan ang kanilang pamilya. Tila kasunduan na sa pamilya, na huwag masyadong ipakilala kung saan sila galing. Baka magkaroon pa ng diskriminasyon at maling akala ang ibang tao. Baka gamitin pa ito laban sa kanila.
Lumaking gano'n ang nakagisnan ni Seungcheol. Hindi naman niya sinadyang hindi sabihin iyon kay Jeonghan.
“Bakit hindi mo sinabi, Seungcheol?”
“Walang dahilan.” that's the truth.
“Wala? Nililigawan mo ko, diba? Bakit—shit, kasalanan ko rin kasi hindi ko tinanong.”
Karaniwan din naman kasi ang apelyidong Choi sa lugar. Hindi masyadong binibigyan ng kahulugan. Pwede naman kasing nagkataon lang. Masyadong malayo at imposibleng malapit ito sa professor.
“Jeonghan, may nag-iba ba? Ano naman kung anak ako ni Professor Choi?”
“Hindi ko alam?” tumaas ang boses ni Jeonghan. “Hindi mo kasi sinabi! Akala ko—” out of words. Wala siyang mahanap na point. Hindi niya rin alam kung bakit nararamdaman niya ito ngayon.
Kung tutuusin, hindi naman dapat pinapalaki. Nagulat lang si Jeonghan. Reaksyon niya ito, e.
“Yung sinabi mo kanina,” simula ni Seungcheol. “Seryoso ba yun? Sasagutin mo ako?”
“Oo.” sagot agad ni Jeonghan.
“Anong kaugnayan ba ng pagiging anak ng Choi sa pagiging boyfriend mo ha? Bakit parang hiyang-hiya ka?” tanong ni Seungcheol.
“I looked up to Professor Choi! Alam mo yan!” dahilan ni Jeonghan. Tumango si Seungcheol.
“Alam ko. Pero bakit depende kanina kung magiging guest speaker ako?”
Tumahimik si Jeonghan. Naglakad siya papunta sa pinto. Bumalik kay Seungcheol. “Wala. Hindi lang ako makahanap ng tyempo kung paano ka sasagutin. Ginawa ko lang dahilan yon, kahit na hindi siya maging guest speaker, gusto pa rin kitang maging boyfriend.” umiwas ng tingin si Jeonghan. Iniisip na, eh ang guest speaker at manliligaw nga ay iisa.
Lumapit si Seungcheol sa kaniya. Hinawakan ito sa magkabilang pisngi. Umiwas pa rin ng tingin si Jeonghan.
“Yoon Jeonghan, tumingin ka.” sumamo ni Seungcheol. Mabilis na sinunod iyon ni Jeonghan. “Kulit mo.”
“Nakakainis ka naman.” ganti ni Jeonghan, hinawakan ang magkabilang beywang ni Seungcheol at yumakap dito. “Nahihiya pa rin ako.”
“Bakit ka pa nahihiya sa boyfriend mo?”
“Ang laki mo.” bulong ni Jeonghan sa dibdib ni Seungcheol. “Literal at hindi literal. Ang galing mo kanina, paano na kita maaasar at mababara kung nakita ko yung ganung side mo!” Napaka-respetado.
Tumawa si Seungcheol.
“Nakakainis.” ulit ni Jeonghan.
Hinarap ni Seungcheol ang mga pisngi ni Jeonghan sa kaniya. Inangat nito ang mukha ni Jeonghan. Isa-isang pinatakan ng halik ni Seungcheol ang magkabilang pisngi, ang noo, balik sa pisngi. Dalawang beses. Nag-iiwan ng kiliti sa balat ni Jeonghan ang bawat halik.
Ngumuso si Jeonghan habang nagningning ang matang nakatingin kay Seungcheol. Isang magaang halik sa labi ulit kay Jeonghan.
“Yung text mo, Jeonghan...” simula ni Seungcheol. “Mananatiling text lang yon kung hindi mo sasabihin sa akin. Ngayon. Sa harap ko. Hindi kita pinipilit. Lagi akong maghihintay sayo. Hmm?”
“Nakakainis sobra.” ulit ni Jeonghan, naiiyak.
Natawa na naman si Seungcheol. Tumango. Para bang sa salitang nakakainis ay sumasang-ayon din siya.
Bumuntong-hininga si Jeonghan. Hinigpitan ang hawak sa black suit na suot ni Seungcheol. “Sinasagot na kita.” lumapit kay Seungcheol at hinalikan ito sa labi ng isang beses.
“Boyfriend na kita.” isa pang halik.
“Akin ka.” isang halik.
“Choi Seungcheol.” mahigpit ang tingin ni Jeonghan sa mga mata ni Seungcheol.
Tumango si Seungcheol. Pagkatapos nagpakawala ng angil bago sumugod sa labi ni Jeonghan. Naramdaman na lang ni Jeonghan ang likod na nakidikit sa pinto ng kwarto niya habang naghahalikan sila ni Seungcheol. Patagal nang patagal, lalo nilang nararamdaman yung uhaw. Patamis nang patamis.
“Ouch.” inda ni Jeonghan nang dumiin ang kagat ni Seungcheol ang labi niya.
“Sorry.” sa gitna ng halik niya kay Jeonghan. “Okay ka lang?”
Tumango si Jeonghan kahit nalalasahan ang dugo sa labi. Humalik ulit pabalik kay Seungcheol. “Okay lang. You deserve this.” sabi ni Jeonghan sa gitna ng pakikipaghalikan.
