Actions

Work Header

midnight lights

Summary:

sa gabing ito, sa ilalim ng mga nagliliwanag na streetlights, signages at mangilan-ngilang sasakyan, naramdaman muli ni june ang…kalayaang hindi n’ya nakukuha sa yosi, alak, at sa mga babaeng naka-date n’ya. hindi sa mga gabing naglalango s’ya sa isang party o nakikipag-harutan sa samu’t saring tao sa bar. hindi sa mga gabing nasa loob ng isang condo o hotel, katabi ang babaeng ka-ONS n’ya.

Notes:

kasalanan talaga to ng inorder kong chao fan kahapon HAHAHAHA ewan q b

Work Text:

11PM.

 

“tangina mo, at ngayong oras mo pa talaga naisipan yan?!”

“dali naaaa, hanapan mo ‘ko nu’n!”

“gagong—anong oras na?! may bukas pa bang branch na malapit dito?”

“suuuus, nasa españa tayo!! meron ‘yan, ‘ta mo!”

“haaaah, tangina mo talaga.”

 

napabuntong-hininga na lang ng malalim si kyle habang naglalakad silang dalawa ni june sa kahabaan ng españa boulevard. parehas medyo lasing dahil kakagaling lang sa inuman malapit sa may blumentritt, at sa ngayon pilit na ginigising ni kyle ang sarili makahanap lang ng pesteng bukas na chowking sa gan’tong oras.

well, p’wede naman n’yang tanggihan si june at kaladkarin ang kanilang mga sarili pabalik ng taft. ang problema, bukod sa parehas na rin silang gutom, sobrang hirap ka-bonding ng isang lasing na june na hindi napagbigyan.

tangina, gan’to ba ‘pag ang kasama mo daig pa buntis kung maglihi?

awa ng d’yos, bukas pa nga ang branch ng chowking sa may p. noval. well, hopefully bukas pa at kayang mag-accommodate ng dalawang siraulong napadpad sa bahaging ‘to ng lungsod.

that, and sana meron pa silang pambayad.

 

“so dalawang chao fan po with fried toppings and wonton soup, dalawang pineapple juice, dine-in?” pag-uulit ng cashier kay kyle, nagniningning ang mga mata na para bang nakakita ng g’wapong artista. “XXX pesos po, sir.”

“tumatanggap po ba kayo ng card?”

“a-ay, opo. hehe.”

binigay ni kyle ang debit card nito sa namumulang cashier. medyo matagal ng onti bago nanginginig na ibinigay kay kyle ang card reader para pindutin n’ya ang PIN para ma-validate ang order nito.

“‘ba, gago, ‘la ka bang cash?” ngisi ni june habang pilit na sinisilip ang PIN ni kyle. nakapulupot ang isang braso sa bewang ni kyle, habang nakapatong ang baba sa kurbada ng balikat ni kyle.

“inubos mo, siraulo.” ibinalik ni kyle ang card reader sa nakatungangang cashier. “ilang bote ba naman ng alak inorder mo.”

“hoy, limang bote lang ‘yon!”

“limang bote nga. wala pa du’n yung chaser mo, tapos ‘yung dagdag na pambara…june?”

napansin ni kyle na biglang nag-iba ang hangin sa paligid, mabigat at matalim. alam na ni kyle ‘pag ganito na ang hangin—

“miss.” mas matalas pa sa dulo ng kutsilyo ang boses ni june. “‘di mo pa yata naeenter ‘yung bayad ng tropa ko?”

“so-sorry po!” nangagatal na sagot ng cashier, medyo namumutla dahil sa tono ni june. “w-wait lang po sir…”

“june,” kyle lightly scolded him. ‘eto na naman tayo…

“ano? s’ya na kinakampihan mo?”

“hindi naman sa ganun,” pagrarason ni kyle. “baka lang naman kasi matagalan ‘yung cashier kapag tinakot mo eh.”

“‘di ko naman s’ya tinatakot ah,” june’s smile is quite sharp. “‘di ba, miss?”

lalo lang namutla ang cashier sa boses ni june, at binilasan ang pagtype sa computer. agad din lang namang binalik ng cashier ang card ni kyle pati ang buzzer para sa order nila.

“nga pala ‘tol,” bumalik na ang dating masayang ngiti ni june, na parang walang nangyari. “ano ba inorder mo, may lauriat ba? hehe.”

“…sabi mo allergic ka sa pansit ng chowking, siraulo.”

“joke lang ‘yun!”

“performative, amputa,” kyle muttered. nawala amats n’ya dun, ah.

natawa lang si june sa kanya. ‘di sure si kyle kung dulot ba ‘to ng kalasingan n’ya or kelangan n’ya na matutulog, pero parang nagliwanag ang buong chowking sa ngiti ni june.

…’di kaya nagdagdag lang ng ilaw sa kahabaan ng españa? matagal na rin naman s’yang ‘di nadaraan dito unless dumaan saglit sa may QC…

 

“pambihira ‘yan, kulang ata ‘yung chao fan na inorder natin?”

natin? “eh ‘di ba paborito mo ‘yung chao fan? tsaka ayaw mo rin naman sa lauriat, ta’s nagreklamo ka sa ibang dishes nu’ng minsang sinubukan natin ‘yung bago nila.”

napatingin na lang si june sa kanya, halatang nagtataka at hindi inasahan ang biglang komento ni kyle. “…pa’no mo natandaan ‘yan lahat?”

napatigil saglit si kyle, nag-isip muna ng isasagot. tanginang bibig kong ‘to. “pa’nong di ko maalala e puro ka reklamo sa’kin sa dorm? nasayang pera ko nu’ng nagpa-foodpanda ka eh.”

“p’re.” june leaned a little closer towards kyle. mapaglaro ang ngisi sa labi, at bahagyang naaamoy ni kyle ang pinagsamang amoy ng pabango, alak at sigarilyo mula sa balat nito. “‘di ka ba nahihiya? maririnig ka ng crew, sige ka.”

kyle raised a brow. “pagkatapos mong manakot ng cashier? repellant ka rin naman kahit kailan, so wala rin.”

“ako? repellant?!” halos bugahan na ng isang wonton ni june si kyle sa narinig. “tangina mo, kung repellant ako ba’t ka nandito?”

“may choice ba ‘ko? tatamaan ka na naman ng toyo mo ‘pag ‘di kita sinamahan.” ibinalik ni kyle ang atensyon n’ya sa paubos n’yang wonton soup. labnaw, badtrip, ‘di ba uso dito gumamit ng asin?

“ang toyo, sinasawsaw, nilalagyan ng chili oil ta’s kalamansi para sa siomai natin. mukha ba ‘kong may toyo?”

napailing na lang si kyle sa kanya, pilit na pinipigil ang ngiting naglalaro sa labi. “‘eto, siomai. ubusin mo pati wonton soup, ha. mahal ‘yan.”

“psh.” napakunot-noo si june, pero kinuha pa rin ang binigay na siomai ni kyle. “daig mo pa nanay ko kung sumuway.”

“ubusin mo ‘yan kundi magbabayad ka sa’kin bukas.”

“oo na po.”

 

halos tulog na kahabaan ng españa ‘pag gan’tong oras, liban na lang kung may event sa UST o sa may morayta. bilang sa kamay ang mga dumaraang kotse’t motor, humaharurot na para bang kanila ang kalsada ngayong gabi. maliwanag ang buong españa ngayon, tila bang kusa nang bumaba ang mga bituin sa langit dahil ‘di na sila nakikita ng mga taga-maynila.

“kuya? ‘de, okay lang…ano ‘yun? no, sabi sa’kin ni dean lopez…”

‘di alam kung dulot lang talaga ng natitirang alak sa sistema ni june, o sadyang kailangan na n’yang matulog. pero sa mga mata n’ya, parang nagliliwanag si kyle, halos kasingningning ng mga bihirang bituin ang mga mata nito. mahinahon, nakakarelaks ang boses habang may kausap sa cellphone, gaya ng malamig na hangin na umiihip ngayong gabi.

matagal na rin silang magkasama ni kyle, ‘di na rin mabilang sa kamay ni june kung ilang taon na ba silang magkakilala. halos gabi-gabi silang magkasama pauwi, lalo na n’ung nagsimulang pumasok si kyle sa unibersidad. natatandaan pa ni june ang mga hapong sabay silang naglalakad pauwi ni kyle mula sa eskwela nu’ng high school, tahimik lang na nakikinig si kyle sa mga samu’t saring k’wento ni june. minsan, tumambay sila sa loob ng isang bakanteng klasrum, nagseshare ng baong sandwich ni kyle at biniling softdrinks sa plastic ni june.

“sumama ka rin kasi sa’min minsan, puro ka libro ta’s homework eh! kaya tuloy tingin sa’yo nerd ka.”

“…ayoko tumambay sa principal’s office kasama ka.”

“ha?! e lagi ka rin namang napunta du’n ah! parehas lang naman, hahahaha!”

“sa iba naman kasing rason ‘yon, kuya!”

natawa saglit si june sa naalala. napalakas yata ng konti, dahil napalingon si kyle sa kanya.

“‘tol.”

“oh?”

“ba’t di mo na ‘ko tinatawag na kuya?”

napakunot-noo si kyle sa tanong ng kasama. “ha?”

“tanda mo, ‘kuya’ tawag mo sa’kin nu’ng elementary ta’s high school tayo. wala ka na bang respeto sa nakatatanda?”

“ah.” binaling ni kyle ang tingin sa harap. “sabi mo sa’kin, at may halong pambabanta pa sa boses mo, na ‘wag kitang tatawaging ‘kuya’ pagtapak ko sa campus, dahil ‘babangasan mo ‘ko hanggang sa walang makakakilala sa’kin.’” nag-air quotes pa si kyle to emphasize june’s past words. “madali naman akong kausap.”

napahalakhak si june sa narinig, napatigil pa nga sa paglalakad. “gago—masyado ka namang seryoso!”

“at masyadong malala ang topak mo.”

“gan’yan ba dapat makipag-usap sa nakatatanda, ha, bata?”

kyle stared at him flatly for a second. “sorry po, kuya june. ‘di na po mauulit.”

napahalakhak muli si june, sabay batok kay kyle. “kupal ka rin, ah.”

“tangina,” natatawang sagot ni kyle, “galing sa’yo yan?”

nagkatinginan ang dalawa saglit. at.

 

sa tahimik na kahabaan ng españa boulevard papuntang taft avenue, dalawang binata ang naghahabulan na parang baliw at wala nang bukas. ‘yung isa, di hamak na mas mabilis dahil mas mahaba ang biyas nito at mas sanay sa ehersisyo, habang ‘yung isa ay hingal kabayo na pero pilit pa rin na hinahabol ang kasama n’ya.

sa mga oras na ‘yon, naaalala ni june ang mga panahong lagi silang naghahabulan ni kyle sa loob ng subdivision compound, nagtatawanan, nag-aasaran. dati, si kyle ang pilit na naghahabol kay june, minsan sumusuko sa kalagitnaan dahil hindi n’ya talaga mataya-taya si june.

ngayon…

“tangina mo, bumalik ka dito kyle panganiban!!”

“asa ka, ulol! bilisan mo, aabutan tayo ng curfew!”

“gago!”

sa gabing ito, sa ilalim ng mga nagliliwanag na streetlights, signages at mangilan-ngilang sasakyan, naramdaman muli ni june ang…kalayaang hindi n’ya nakukuha sa yosi, alak, at sa mga babaeng naka-date n’ya. hindi sa mga gabing naglalango s’ya sa isang party o nakikipag-harutan sa samu’t saring tao sa bar. hindi sa mga gabing nasa loob ng isang condo o hotel, katabi ang babaeng ka-ONS n’ya.

kundi sa mga oras na kasama n’ya si kyle, nagtatawanan at nag-aasaran sa gitna ng lungsod na tahimik na natutulog, tanging ihip ng hangin at busina ng kotse ang maririnig sa paligid, maging ang malakas na pagtibok ng puso ni—

 

“hah, hah, tangina, buzzer beater tayo—hah—sa curfew…”

“tangina—hah, hah, hah, tangina mo talaga—last na ‘yon! puta, hah, uso kasi move it!”

“siraulo, pang—hah—dalawang tao lang ang move it, gago.”

“e ‘di sa—hah, hah—gulong ka!”

“kumag.”

napaupo na lang si june sa sahig, hinahabol pa rin ang hininga dahil sa biglaang fun run nilang dalawa ni kyle pabalik ng dorm. parehong pawis na pawis, parehong namumula, at parehong kailangan mag-shower bago matulog.

nasa kusina si kyle, kumukuha ng baso para uminom ng maligamgam na tubig. o inaasikaso na rin siguro yung baon nilang dalawa para sa pasok nila bukas—ah, mamaya pala. anong oras na ba?

“mag-a-ala una na pala, ‘nang yan,” mahinang bulalas ni june nang chineck ang oras sa lowbat n’yang apple watch. “matutulog pa ba tayo, ‘tol?”

“ako, oo. ikaw, dahil alas-siete pasok mo, matulog ka na,” sagot ni kyle mula sa kusina. “maligo ka muna pagkatapos mo magpahinga.”

“ge, ge. penge tubig?”

agad din namang binigyan ng isang basong tubig si june, na mabilis n’yang nilagok. binalik ang baso sa naghihintay na si kyle, at nagtagpo ang kanilang mga mata.

…sigurado si june na ‘yung dim lights lang ang in-on ni kyle para hindi rin makadisturbo sa mga kasama nila sa dorm, at dahil parehas medyo masakit ang mga mata nila sa maliliwanag na streetlights sa labas. pero bakit—bakit maningning pa rin ang mga mata ni kyle, kumikinang na parang mga fairy lights sa labas—?

hindi pa nakatulong na naka-unbutton ang unang tatlong butones sa suot na polo ni kyle, kaya kitang-kita ni june ang hubog ng dibdib ng kaibigan, at ng kanyang balagat—

“‘tol. ‘tol?” idinampi ni kyle ang kamay nito sa noo ni june. “ayos ka lang? shit, dapat ‘di na pala kita pinatakbo…”

thump.

thump thump.

thump thump.

“june? kailangan mo pa ng tubig? nanlalamig pisngi mo…hingang malalim, okay? inhale, exhale. ‘yan. isa pa…”

thump thump.

“june? balik ka sa’kin. please?”

thump.

ah.

ah!

mabilis na bumangon si june sa kinauupuan n’ya, halos mahilo at matamaan ang ulo ng nag-aalalang si kyle. “‘t-tol, sorry, m-may quiz pala ako bukas, haha! ha!”

“june?”

“good night ‘tol!” mabilis pa sa alas-kwatrong kumaripas si june papunta sa kwarto n’ya at ni-lock ang pinto.

napakamot na lang si kyle, hindi maintindihan kung jino-joke time lang s’ya ng roommate o ano.

“problema nu’n…makapag-ayos ayos na nga lang muna…”

 

thump.

thump, thump.

tangina.

mariing ipinikit ni june ang kanyang mga mata, pilit na ikinakalma ang sarili.

‘di ‘to, wala ‘to, itutulog n’ya lang ‘to. dahil lang talaga ‘to sa gagong ‘yun na pinatakbo s’ya pabalik dito sa taft. tama, tama.

wala lang ‘to.

thump, thump.