Chapter Text
1. oikonomos - salitang ekonomiks sa wikang Griyego na ___, na nangangahulugang "pangangasiwa ng sambahayan
MGA SANGAY NG EKONOMIKS (2)
2. mikroekonomiks - ang pag-aaral sa maliliit na yunit ng ekonomiya, tulad ng sambahayan, indibidwal, at kompanya. Pinag-aaralan dito kung paano nagpapasiya ang mga tao sa paggamit ng kanilang salapi at kung ano ang mga produkto at serbisyong tatangkilikin nila.
3. makroekonomiks - ang pag-aaral ng mas malalaking aspekto ng ekonomiya. Saklaw nito ang mga patakaran ng pamahalaan tungkol sa buwis, pambansang badyet, suplay ng salapi, produksiyon, at maging ang epekto ng mga pandaigdigang pangyayari sa ekonomiya ng bansa.
4. Pangangailangan - mga bagay na dapat ay mayroon siya upang mabuhay
5. Kagustuhan - mga bagay na nakapagpapabuti ng kalidas ng buhay ngunit hindi kailangan sa araw araw
MGA BATAYANG TANONG SA EKONOMIKS
6. Anong produkto o serbisyo ang lilikhain?
Paano lilikhain ang produkto o serbisyo?
Sino ang kokonsumo sa lilikhaing produkto o serbisyo? Gaano karami ang produkto o serbisyong lilikhain?
7. Ekonomista - taong dalubhasa sa pag-aaral ng ekonomiya, nabuo ang magkakaibang pagpapakahulugan ng ekonomiks
8. Adam Smith - Siya ay isang pilosopong Scottish at may-akda ng An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations, na nailathala noong 1776. Kinikilala rin siya bilang "Ama ng Ekonomiks." ekonomiya ay "pagsisiyasat sa mga katangian at pinagmulan ng yaman ng mga bansa."
9. John Stuart Mill - Siya ay isang pilosopong Briton at awtor ng The Principles of Political Economy. na nailathala noong 1848. ang ekonomiks ay "isang agham na sumusuri sa mga likas na batas at pangyayaring panlipunan na bunga ng pinagsamang gawain ng sangkatauhan upang makalikha ng yaman."
10. Alfred Marshall - Siya ay isang ekonomistang Ingles at awtor ng Principles of Economics, na inilimbag noong 1890. binigyang-kahulugan niya ang ekonomiks bilang "pag-aaral sa karaniwang kalagayan ng pamumuhay ng sangkatauhan.
11. Lionel Robbins - Siya ay isang ekonomistang Briton na kilala sa kaniyang akdang An Essay on the Nature and Significance of Economic Science, na unang inilathala noong 1932. Ayon kay Robbins, ang ekonomiks ay "isang agham na tumatalakay sa asal ng tao bilang kaugnayan sa pagitan ng mga layunin at ng mga kakulangang may alternatibong paggamit."
12. Paul Samuelson - Siya ay isang ekonomistang Amerikano na unang nagwagi ng Nobel Memorial Prize in Economic Sciences noong 1970. Ayon sa kaniya, ang ekonomiks ay "pag-aaral kung paano nagpapasiya ang tao at lipunan may kasangkapan mang salapi o wala, sa paggamit ng limitadong pinagkukuhanang-yaman."
13. Bernardo Villegas - Siya ay isang ekonomistang Pilipino at awtor ng Positive Dimensions of Population Growth na inilimbag noong 2011. Ayon sa kaniya, ang ekonomiks ay "isang agham panlipunan na nagsusuri at naghahanap ng mga alternatibong paraan ng alokasyon ng limitadong yamang pantao at di-pantao upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mamamayan."
MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG-AARAL NG EKONOMIKS (2)
14. Kakapusan - tumutukoy sa permanenteng sitwasyon, kung saan may kawalan ng sapat na mga mapagkukuhanang-yaman upang tugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao sa isang partikular na lugar at panahon.
15. Kakulangan - isang pansamantalang kalagayan kung saan kulang ang suplay ng mga pinagkukuhanang-yaman na makatutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.
MGA SALIK SA PAGKAKAROON NG KAKULANGAN AT KAKAPUSAN (2)
16. Pansariling Salik - limitado ang kakayahan ng tao na matugunan ang lahat ng kaniyang pangangailangan at kagustuhan dahil sa kakulangan ng oras, pera, o kakayahan.
17. Panlipunang Salik - nararanasan ng buong lipunan ang kakulangan at kakapusan sa mga pinagkukuhanang-yaman
ASPEKTONG PANSARILI
18. Oras - Nagkakaroon ng kakapusan sa _ kapag kulang ang panahon upang maisakatuparan ang isang gawain. Sa maikling panahong ito ay kailangang matulog upang magpahinga, kumain upang bigyan ng sustansiya ang katawan, maglibang upang
19. Pinansiya o pananalapi - Ang kakapusan sa pinansiya ay nararanasan kapag hindi sapat ang salapi upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
20. Bagay na ginagamit - Nagkakaroon ng ganitong uri ng kakapusan kapag wala o kaunti ang suplay ng mga produktong mabibili o serbisyong iniaalok sa mga pamilihan.
21. Pinagkukuhanang-yaman - Nagkakaroon ng kakapusan sa mga pinagkukuhanang-yaman kapag hindi sapat ang mga likas na yaman
22. Pantaong kapital - tumutukoy sa mga kakayahan, kasanayan, at kaalamang taglay ng isang indibidwal na ginagamit sa paglikha ng mga produkto at serbisyong kailangan ng ekonomiya
23. Kapital - tumutukoy sa anomang bagay na ginagamit upang makalikha ng produkto o makapagbigay ng serbisyo, tulad ng mga sasakyang pampubliko, mga makinarya, at teknolohiyang nagpapatakbo sa mga ito.
24. Lakas-paggawa - tumutukoy sa bahagi ng populasyon na may edad 15 pataas at may kakayahan nang makilahok sa produksiyon ng mga produkto at serbisyo kapalit ng kaukulang kabayaran.
25. Kagustuhan - Ang pagnanais na makamit ang mga kahit na ito ay hindi niya kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang tawag sa paghahangad na ito sa naturang mga bagay
26. Pangangailangan - Ang tawag sa pagnanais sa mga bagay na mahalaga Mahalaga ang _ dahil dito nakasalalay ang buhay at maayos na pamumuhay kaya ito ang unang tinutugunan ng bawat tao.
27. Abraham Maslow - ang isa sa mga sikolohistang nanguna sa pagtataguyod ng positive mental health upang makamit ng tao ang kaniyang pansariling kaganapan
28. Motivation and Personality - na inilathala ni Maslow noong 1953. Sa aklat na ito, inilahad niya na magkakapareho lamang ang pangangailangan ng tao
29. Maslow's Hierarchy of Needs - Ayon sa teoryang ito, ang mga antas ng pangangailangan ay nahahati sa dalawang uri
30. Pisyolohikal - Ito ay anomang bagay na kailangan ng tao upang mapanatili ang taglay niyan buhay at kalusugan
31. Seguridad - Ito ay anomang bagay na ginagamit ng tao upang maprotektahan ang kaniyan sarili mula sa karamdaman, suliraning pinansiyal, aksidente, at karahasan.
32. Pagiging kabilang at pagmamahal - Taglay ng isang tao ang hangarin na maging kabilang isang pangkat o samahang may taglay na kapareho ng kaniyang mga hilig at kagustuhan
33. Pagpapahalaga at paggalang - Tumutukoy ito sa respeto, tiwala, at pagkilala sa mga kakayaha at katangian na mayroon ang isang tao
34. Pansariling kaganapan - Tumutukoy ito sa pagkilala sa ganap na potensiyal o mga posibilidad kayang isakatuparan at at makamit ng isang tao.
