Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Categories:
Fandoms:
Relationships:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 3 of AnecdOSTs
Stats:
Published:
2026-08-29
Words:
1,156
Chapters:
1/1
Kudos:
1
Hits:
7

Is A River in Egypt

Summary:

A story of someone who keeps denying their not-so-hidden feelings.

Notes:

the answer to that title? The Nile. (which sounds like Deny/Denial)

Anyways, another copypasted oneshot from Wattpad. With a couple of tweaks, of course, to fit ao3 formatting. idk. enjoy.

Work Text:

"Wala nga akong gusto sa kaniya."

"Weh?"

"Wala nga! Wag nyo kasing bigyan ng malisya lahat ng ginagawa ko--namin."

"Ok..."

"Basta masaya kami na nakakangiti ka na ulit ngayon ng bukal sa puso mo, Arin." Sabi ng Class President namin habang tinatapik ako sa balikat at umalis na rin siya kasama ng Boyfriend ng bestfriend ko (hey, magkaibigan kasi yung dalawa, I never meant something different from that! And another thing, boyish ang class president namin + may iba siyang gusto). 

Napailing na lang ako at umupo sa pwesto ko para kumain. 

 

"Uy, anong ulam mo?" Sabi sakin ng mga kaklase kong naiiwan every vacant namin.

Ngumiti naman ako at inabot sa kanila ang mga pagkain ko.

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko sa bag at bababa na sana ako nang tawagin niya ako.

"Hinahayaan mo na naman silang kainin yung baon mo. Tsk tsk tsk." Sabi niya at kunwaring umiiling.

Napangiti ako sa kaniya.

 

"Hayaan mo na, at least di mamomroblema si papa kasi di ko naubos yung baon ko."

"Kapag ikaw nilagnat ulit, wag mo akong malapit-lapitan ah?"

"Sira! Baka ako lumapit sayo. Alam mo, IKAW ang mas nangangailangan ng pagkain at hindi ka kumakain ng almusal. Para kang si Ice." Sabi ko at bumalik sa upuan ko para kunin doon ang biskwit na inilalaan ko para kainin mamaya.

"Oh. Kumain ka." 

Nakita ko naman na nakatingin sa aming dalawa ang buong klase.

 

"What?"

"Ayieeeeee~" panunukso nila.

 

"Oy, kapag yang si Arin ang naging girlfriend mo, palagi kang busog." Nagulat kami parehas nang marinig namin ang boses ng isa sa mga teacher namin na sinasabi yan sa likuran namin.

"Sir, may iba pong gusto yan. Wag na po kami." Kaswal kong sabi.

 

"Ano naman? May chance naman, diba?" Tanong niya at tanging tawa na lang ang naisagot namin.

 

I mean, ako lang pala.

 

Pagkatapos kasi ng tawa ay nagsalita itong loko.

"Sir, wag naman po ganun. Pag naging girlfriend ko ito, baka makalbo na ako kakasabunot niya sakin!"

Tinignan ko siya ng masama at agad kong sinabunutan. Natawa na lang sa amin si Sir.

 

"Kita mo, sir, oh! Araaaaay! Tama na, tama na, masakiiiit!" Nakangiti akong lumapit sa tainga niya at bumulong,

"Sino ba ulit nagsisimula? Hmm? Diba ikaw?" Saka ko siya binitawan. 

 

Pagkabitaw ko ay hinawakan niya ang ulo niya at inayos ang 'nagulo' niyang buhok.

 

"Oh siya, siya. May klase pa ako. Kung ako sayo, Arin, titigilan ko na yan. Kapag yan gumanti--"

"Ah. Sir, kapag po yan, gumanti, tiyak bakla talaga yan."

"Aba, ang lakas mo ah."

"Bakit? Di ka pa kasi umamin eh."

"Hah, pagsisisihan mo talaga yan."

"Kelan? Tell me when para makapagprepare ako, ah?"

"Sige lang. Gusto mo talaga, eh."

"Ano ba kasi yun? Sabihin mo na kasi para maorient naman ako."

"Mag-antay ka lang." Sabi niya at umupo na para gawin yung assignment namin sa Calculus.

 

Umiling-iling na lang ako at bumaba, hindi para kumain kundi puntahan si Pearl na isa sa 4 kong best friend, at ang nag-iisang natira sa school namin bukod sa akin.

 

"Be!" 

"O?"

"Palibre ako.."

"O? Asan pagkain mo?"

"Kinain nila...."

 

"Hay nako. Hinahayaan mo kasi silang kainin yung baon mo. Susumbong na talaga kita sa papa mo."

 

"Ok lang yun, at least busog sila at nauubos baon ko."

"Mas mabuti kapag ikaw umuubos!"

"Eh, yaan mo na yun."

 

"Sasabihan ko na nga yang si future asawa mo na pakainin ka ng matinong pagkain!"

"Gagi. Walang sa akin…"

"Edi yang si ano, pagsasabihan ko pa rin! Tatanungin ko kung bakit hinahayaan ka niyang hindi kumain!"

 

Natawa na lang ako dahil alam ko naman na nag-aalala lang 'tong babaeng 'to sakin.

 

Pumunta na kami sa baba at bumili ng makakain. Habang nasa proseso kami ng pagbili at pagkain ay nagkukwentuhan din naman kami.

 

"Uy bakla, nag-exam kayo kanina sa English?" Tumango ako habang sinusubo yung--ano nga ba ulit 'to? Nachos? 

Basta, nakakain.

 

"Paano ginawa ninyo? Mahirap ba?"

"Hindi naman, ang mahirap malaman doon eh yung order ng pagrerecite." Panimula ko, at pinutol ko muna dahil uminom ako ng tubig.

"Nakakabwisit pa eh gusto kong ako maging next pero ang maging ending ay ako ang pinakahuli." Naiinis kong sabi ngunit pinagtawanan lang ako nitong babaeng ito in return.

 

Peste. 

Edi ako na weirdo dahil I want to be first.

Weird naman talaga ako eh. I really am. 

 

Ikaw ba naman na isang Filipino citizen na mas naunang natutunan ang English kaysa sa mismong mother tongue pagdating sa pagsasalita? 

I definitely am.

 

Anyways, nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan hanggang sa nagbell na at umakyat na ako para sa Mathematics namin.

 

Hays, panibagong oras ng pang-aasar na naman. 

Sabi ko sa isip ko at napabuntung-hininga.

 


 

Y'know, when I say I feel great after a session of Mathematics class, believe me because I totally mean it.

 

Mainly because I despise that subject with a burning passion.

 

Nakalampas ako sa walanghiyang Mathematics na iyan! Pati na din sa pang-aasar nila sa amin. Hay nako.

"Hay nako, ang lalakas mang-asar nina sir." Wika niya, kasalukuyan kaming nasa likod ng classroom, gumagawa ng assignment para sa Pre-Calculus.

 

At dahil busy ako, tango lang ang naiganti ko bilang sagot.

 

"Huy, ok ka lang?"

"Yes, I am." Bakit ako hindi magiging ok, di ba?

I mean, aware naman ako na di totoo yung mga pinagsasasabi ni sir kaya madali kong naide-deny.

 

Talaga ba, Arin? Ha? Wika ng utak ko.

 

Well, I admit that I liked him.

And di na yun lalampas doon, sagot ko sa sarili ko.

Arin. Don't deny it. You're too obvious. Wika naman ng utak ko pabalik sa akin. 

Well, I'm not obvious. Wika ko pabalik, ulit. Pero di ako tinigilan ng utak ko.

 

Pinaulit-ulit nito ang pagbigkas ng salitang in-denial ka lang, Arin hanggang sa di ko na kinaya...

 

Damn it, just. Stop, okay? Stop!

 

"Uy, Arin? Bakit kelangan kong huminto? Huy? Huy???"

"Yes? Uh, what now?"

"You said 'Damn it! Just stop, okay? Stop!' so I thought it was for me kasi kinakalabit kita kanina pa, nakatulala ka kasi, eh. Ok ka lang ba talaga?" He said, imitating my voice and tone while saying what I said kanina. 

 

So nasabi ko ying nasa isip ko? What the heck…

"Um, nevermind that, I'm just thinking about... Um, stuff."

 

"Sure ka bang ok ka lang talaga? You know, I'm here." He said, assuring me na nandito lang siya.

 

Alright.

 

I smiled. "Dude, ok lang talaga ako. Una na ako umuwi, ah? Bye!"

"Bye!" He said and I went down the stairs.

 

Am I really in denial?

Bigla kong naitanong sa isipan ko.

Maybe...? 

 

"Better know the answer now, Arin. Bago pa maging huli ang lahat." Bigla na lang nag-echo sa utak ko yung sinabi ni sir kanina sa akin noong nakita niya akong mag-isa sa labas ng room.

 

I sighed. Even I, am really confused about this.

But you know...

 

I may be not in that stage, but I know that I'll be. 

Sooner than I'll realize.

 

Series this work belongs to: